continuation
Pero nang matapos niya sabihin ang lahat ay umupo ito at nakita ko itong yumuko at narinig ko pa ang isang salita nito na talaga namang nagpalambot at nagpabago ng pagkilala ko sa kaniya. "MAHAL NA MAHAL KITA GAGO KA! PERO AYOKO NG UMASA... PAALAM ALFRED..."
Nakita ko pa ang mga luhang tumutulo sa mukha nito at pagpunas niya.
Matapos ang ilang saglit ay napansin kong tumayo na ito. Sa katangahan ko ay napatuon ako sa pump at alam kong napansin niyang may tao dahil tumingin ito sa lugar ko pero ng makita ko ang mukha nito ay naramdaman ko ang kawalang pakialam nito sa paligid niya. Pagkatapos ay ngumiti ito... ewan ko kung para sa akin ba iyon... at tuluyan na itong umalis .
Pagbalik ko sa kwarto ay nabuo ang isang plano. Isang plano na alam kong magpapabago sa ikot ng mundo ko.
At maaaring magpabago sa...
----------------------
ELLA's POV
Kinausap ko si Kuya James sa nasaksihan ko at mga narinig ko sa roofdeck at nasabi ko sa kaniya ang plano ko.
Kaya lang, tinitigan ako nito ng masama at nasabi nito na huwag na huwag akong makikialam dahil kaibigan daw niya pareho ang dalawa.
Naiinis ako dahil nasabi ko naman na wala akong balak na masama gusto ko lang masubaybayan si Anton habang wala si Kuya Alfred.
Pero wala talaga ayaw talaga ni kuya.
Kaya naman hindi ko na pinaalam na tinuloy ko ang plano ko.
Kaya lang hindi ko alam paano ko sisimulan, ang tanging nagawa ko lang ay alamin ang lahat kay Anton pero ng lumipat na ito ng bahay ay unti unting naglaho at parang naging bula ang mga plano ko.
Kaya naman nakalimutan ko na ang lahat.
Makalipas ang isa pang taon ay kailangan ko ng mag apply at magtrabaho. Subalit sa una kong hospital na napasukan ay hindi naging maganda ang sistema o pamamalakad ng Management... pero doon ko nakilala ang ang isang binata na naging aking boyfriend... si Jeff (si Jeff po ay nasa Chapter 24) kaya naman kapuwa nagdecide akong umalis sa hospital na iyon... marami kaming inapply-yang Hospital subalit di talaga kami pinapalad na matanggap hanggang masabi nito na may isa pa siyang alam na hospital na gustong gustong mapuntahan dahil doon nagtatrabaho ang idolo niya.
Hindi ko na inusisa kung sino ang Idolo niyang iyon dahil sigurado ko namang hindi niya kami matutulungan kung mag apply man kami sa hospital na iyon.
Kaya nga nag decide kami na magtungo at mag apply nga sa Hospital na iyon.
Hindi buo ang loob ko na matatanggap nga ba kami sa hospital na iyon dahil napakalaki at alam naming hindi kami bagay sa hospital na iyon dahil matatalino lang daw ang natatanggap.
Habang naglalakad ako ay hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni Jeff, bagkus ay nakatingin ako sa malayong lugar.
Hanggang sa hindi ko inaasahan na may makita akong isang binata na matangkad at gwapong nilalang... Naglalakad ito palapit sa amin. Habang palapit ito ng palapit ay nasabi ko na lang sa sarili ko na "parang kilala ko ang lalaking ito ahhhh!"..
Naka all white ito at may suot na earphone sa kaniyang tainga at seryosong nakatingin sa unahan, wala itong pakialam sa paligid niya at mapapansin mo na everytime na may makakasalubong ito ay yuyuko ito at hindi papansinin ang sinumang bumabati sa kaniya. "Suplado" yan ang nasabi ko sa sarili ko.
Nagising na lang ako sa aking panaginip ng tapikin ako ni Jeff.
Halos mapatalon ako ng gawin niya iyon dahil talaga namang gulat na gulat ako.
"Ella... uy! Ikaw ahhh nakakita ka lang super gwapo nagka ganyan ka na... Gwapo din naman ang boyfriend mo ahhhh naghahanap ka pa ng iba... Pati wag mo ng nasain ang Idolo kong si Anton Rivera!.. for sure may girlfriend na yan... anyway siya yung sinasabi kong idol ko na nagwowork dito. Balita ko hindi na nag apply yan dito kasi kusa na siyang tinangga...."
Hindi ko na pinatapos si Jeff dahil talaga namang tila sumabog ang eardrums ko ng marinig ko ang pangalang sinabi nito... "Anton Rivera... OMG! Sa wakas nakita ko din siya...".
-
-
-
-
---------------------
-
-
-
Present time...
ELLA'S POV
Nang matapos ko ang kwento ko kung paano ko siya muling nakita ay tumayo ako at kumuha ng maiinom.
Binuksan ko ang makapal n kurtina na nagsisilbing takip sa liwanag na kanina pa gustong sumilay sa aming mga balat.
Habang nakatayo ako sa bukas na bintana ay matiim akong nakatingin sa malayong lugar at iniisip ang lahat ng aking nagawa.
Pag ikot ko upang harapin ang dalawang nilalang na kanina pa nakikinig sa aking kwento ay muli akong nagsalita.
"Hon... este Anton... Humihingi ako ng paumanhin sa mga nagawa kong pagpapanggap... ang totoo gusto ko lang talagang bantayan ang lahat ng galaw mo upang masigurong pagbalik ni Kuya Alfred ay mabilis ka niyang muling makikita....
Subalit talagang madaya ang puso. Hindi ko napansin na nahuhulog na ang loob ko. Kaya naman madalas na kaming mag away ni Jeff dahil buti pa ikaw alam ng tao na tayo samantalang kami naman talaga ang magkasintahan., dahil doon ay selos na selos na ito.
Kaya nga ginagawa ko ang lahat upang walang mangyari sa ating pagtatalik dahil si Jeff talaga ang mahal ko... kaya nga sa sa tuwing hahalikan mo ako ay makikipag kita agad ako kay Jeff. Upang humingi ng paumanhin sa kaniya...
...Madalas nag aaway na kami pero sinabi ko maman sa kaniya na bago pa niya ako na kilala ay ito na ang misyon o plano ko kaya lagi ko siyang sinasabihan na "Matatanggap ko kung makikipaghiwalay na siya sa akin!... pero napatunayan kong mahal niya takaga ako!"
Pero sana maisip mo na ginagawa ko ito para sayo at para kay Kuya Alfred.. este Dok Tan, dahil mahal na mahal ka niya...
"Paano ko nalaman?
Dahil sa mga sulat na pinapadala niya.
Oo, nasa akin ang lahat ng mga sulat."
Upang sagutin ko ang tanong sa isip mo Kuya Alfred, ang totoo noong sinabi ko kay Kuya James ang tungkol kay Anton ay ayaw na nitong makialam.
Kaya naman gumawa ako ng paraan.
Hiniram ko ang cellphone nito at kinopya ko lahat ng number na kailangan ko.... at isa isa kong tinext ang mga kaibigan mo upang sabihin na ang number ko ang bagong number ni Kuya James.
Pero walang pumansin sa akin maliban kay Kuya Mark.
Sinabi ko kay Kuya Mark ang lahat. Pero hindi niya alam na ang kausap niya ay ako at hindi si Kuya James.
Kaya naman tiwala si Kuya Mark na ibigay sa akin ang mga sulat upang ibigay ko naman ang mga ito sayo, Anton...bilang ako si Kuya James... pero walang alam si Kuya James sa ginagawa ko "Pero naging duwag ako... dahil... dahil tulad ng nasabi ko kanina... Unti unti ng nahuhulog ang loob ko sayo kaya hindi ko magawang ibigay ang mga sulat sayo... Anton..."
-
-
-
----------------------
Biglang tumayo si Anton at kita ko ang mga kamay nito... kaya naman agad kong sinalag ang anumang tatama sa mukha ko gamit ang dalawa kong mga kamay. "Tanggap ko ang pagkakamali ko!" bulong ko nang ako ay pumikit.
Pero hindi ko inaasahan ang nangyari... dahil ramdam na ramdam ko ang mainit na katawan nito na yumakap sa akin.
Maya maya ay narinig ko ang paghikbi nito.,
at mga salitang sa wakas ay matagal ko ng gustong marinig....
-
-
-
Itutuloy...
------------------------
Note:
Dapat 4 Chapters ang Side ni Ella pero inedit ko at tinanggal ko na lahat ng kwento...
Kung paano sila nagkakilala?
Paano sila nagkamabutihan at naging sila?
Kasi nakasulat na naman yun sa ibang mga Chapters...
hahahah ang haba kasi...
Priority kasi ang tungkol kina Anton at Alfred.
Anyway,
So kilala niyo na si Ella...
MAGAGALIT PA BA KAYO? (YES or NO)
MATUTUWA NA BA KAYO? (YES or NO)
O
MAGIGING KAYO DIN BA SI ELLA? (KAYA BA o HINDI)
in short
GAGAWIN NINYO DIN BA ANG GINAWA NIYA? (YES or NO)
-
-
Comment your answer after.....
MAGHIHINTAY AKO NG COMMENT NYO....
Salamat....
JuanDe25