Nakababa na ako ng jeep. Tumigil na rin sa pag buhos ang aking luha. At nakatulala akong naglakad patungo sa bahay. Para na akong nawalan ng pag-asa. Namumugto yung mata ko at nawalan ng gana sa lahat. Nakarating na rin ako sa harap ng aming bahay. Tiningnan ko yung pintoan at nagdalawang isip na pumasok.
Pero di nagtagal ay binuksan ko ito. At umupo sa sofa.
"Oh napa aga ka ata Zaya?" tanong ni Breah.
Habang isinasayaw ang anak niya. At pinadede niya. Nanganak na siya noong January 21. At sa Marso na siya babalik sa klase. Babae yung anak niya.
Di ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Kaya napabaling siya sa akin. Laking gulat niya sa mukha ko. Agad siyang lumapit sa akin. Pabulong niyang tinawag si Kuya na kunin ang anak niya. Gulat rin si Kuya na nakatingin sa akin. Pero sinenyasan siya ni Breah na pumasok sa kwarto at sumunod naman siya dala ang pamangkin ko.
Naka-upo na si Breah sa gilid ko. At nag simula na namang tumulo ang luha ko. Hinagod ni Breah ang likod ko.
"Ano ba ang nangyari sayo Zaya?" may pag-aalala ang boses niya.
"Si Kim kasi ehh...." humagulhol na naman ako.
"Oh anong nangyari? Nong birthday mo umiiyak ka rin dahil sa kanya?"
"Eh kasi....nakita ko siyang may kahalikan sa CR." nanginginig yung boses ko at umiiyak.
"Ano?! Sino namang malanding babaeng yan ha?!" pagalit niyang sabi sa akin.
Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa mga luha ko.
"Kilala mo siya Breah....at...kapag sinabi ko naman sayo...baka...baka mag away pa kayo...ayoko non!" ani ko habang humhikbi.
"Sino nga sabi eh!" malakas niyang sigaw at galit.
Natigilan naman ako at napa-angat ang mata sa kanya.
"Si....ano...si Daisy." pumiyok ang boses ko. At umiyak ng umiyak.
Sorry Daisy pero ansakit kasi ng ginawa mo sakin! Kaibigan mo ako. Tapos inahas mo ako! Wala kang kwentang kaibigan. Pinagkakatiwalaan pa naman kita. Alam kong may pagtingin ka kay Kim pero di ko iyon inisip dahil baka masira lang ang pagkakaibigan natin. Pero ikaw ang nag tulak para magkasiraan tayo.
"Ano!" sigaw niya at nanlaki ang mata."sigurado kaba sa nakita mo?" tumango ako."sinabi ko na nga ba eh. Na may gusto yan kay Kim noon pa! Ang ahas niya Zaya! Humanda yang babaeng yan sa akin!"
"Huwag na baka ma pano ka pa. Kakapanganak mo lang Breah..."
"Wala na akong paki doon!"
Natapos na kaming mag-usap ni Breah. Nasa kwarto na ako ngayon. Naka yakap sa aking tuhod. At tahimik na umiiyak. Bakit ang sakit? Ang sakit² siya pa yung naghanap ng iba? Kung alam ko lang na ganyan siya. Ewan ko ba kung bakit ang rupok ko.
Medyo fresh pa sa aking isipan ang nakita ko kanina. Ang kaibigan ko at ang aking boyfriend ay naghahalikan sa CR. Ganon sila ka walang hiya! Mga bwesit sila! Agad kong tiningnan ang sing-sing na ibinigay sa akin ni Kim. At walang kahirap-hirap na ibinato. Wala akong paki kung saan iyon napunta dahil sobrang galit ko sa kanya. Hindi ko na siya mapapatawad sa ginawa niya! Pareho silang dalawa! Ang kati talaga ni Daisy. Kulang siya pansin. Mga inutil!
Ibinato ko ang mga unan at kumot ko dahil sa galit! Gusto ko siya sabunotan pero napa-isip ako na di tamang manakit ng hayop. May awa pa naman akong natira sa kanya. Kaya ibibigay ko na sa kanya si Kim! Buset sila! Gusto pala nila ang isa't-isa. Mga inutil! Ginago mo lang ako Kim. Tumawag siya ng ilang beses pero ino off ko yung phone ko. Simula ngayon hahayaan ko nalang silang maging masaya kahit sobrang sakit na.
Humiga ako sa kama. At panay tulo parin ng luha ko. Di ako makapaniwala na magagawa ni Kim iyon sa akin. Dahil alam kong mahal na mahal niya ako. At na feel ko iyon. Pero sabi nga nila, kahit gaano ka pa kamahal ng taong iyon. May panahon na mag hahanap pa rin sila ng iba. Kahit ibinigay mo na ang lahat sa kanya. Mga kasal nga jan eh naiinlove sa iba. Kami pa kayang mag jowa lang.
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa aking bintana. At nag tumingi ako sa wall clock ay alas 10 na ng umaga late na ako. Pero di man lang ako bumangon. Nakahiga lang ako. At napaisip ako bakit di ako ginising ni Mamay?
"May bat di niyo ako ginising?"
Tanong ko ng makalabas ako ng aking kwarto. Nag hugas siya ng pinggan sa kusina. Ako naman ay kumuha ng makakain.
"Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Kim. Pumunta siya rito kagabi...." mahinahon niyang sabi.
Natigilan naman ako. At napaupo.
"Ano?! wag niyo siyang papasokin dito!"
"Umiiyak rito kagabi. Pinasok kita sa kwarto mo at nakita kitang tulog. Kaya di siya nagtagal at umuwi na."
"Basta Mamay wag niyo ng kausapin!" inis kong sabi.
"Oo na Madam di ko na po kakausapin!" inikot niya ang mata at nag patuloy sa paghuhugas.
"Dapat lang May, ansakit ng ginawa niya!"
"Eh kamusta naman kayo ni Daisy?"
"Di pa kami nag-usap May."
Tamad kung sabi. At panay subo.
"Ayusin niyo ang gulong niyan anak. Alam kong alam mo na kong ano ang iyong gagawin. Kaya hahayaan lang kita...kung ano man ang iyon desisyon. Don rin ako..." sabi ni Mamay na nakatalikod sa akin at patuloy na naghuhugas.
"Ok Mamay!" nakangiti kong sabi. At bumuntong hininga.
Inubos ko ang kinainan ko. At sinamaan ako ng tingin ni Mamay dahil siya yung maghuhugas ng kinainan ko. Tumasa lang ako at pumasok uli sa kwarto. Humiga ako sa kama at in-on ang aking cellphone. Andaming text galing kay Ellie, Louisse, Reigna, Jiany, at Daisy. Di ko binasa iyon. At pinindot ko ang kay Kim at tinext siya na magkikita kami ngayon na.
Nang nakapagtext ako sa kanya ay naligo na ako. At nagbihis. Simple lang yung sinuot ko. Naka floral dress lang ako at close shoes. Tapos nilagyan ko ng hairclip yung buhok ko at lumabas na ng kwarto. Di man lang ako nag lagay ng liptint dahil wala ako sa mood ngayon.
"Saan ka pupunta Zaya?" bungad ni Breah sa akin. Habang karga ang anak.
Hinalikan ko ang cute kong pamangkin. At tumingin sa kanya.
"Magkikita lang kami.." at umismid ako.
"Hay nako, alam kong magkabalikan kayo...pinapahirapan niyo lang sarili ninyo Zay!" inirapan niya pa ako.
"Di ko yon babalikan!" at tinalikoran si Breah.
"Ewan ko sayo Zaya alam kong marupok ka!" habol niyang sabi.
Inis naman akong naglakad at pumara na ng jeep. Nang maka-upo ako. Inisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung sasampalin ko ba siya sa ginawa niya sa akin. Mumurahin ko ba siya pag nakita ko siya. Dahil galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Gusto ko siya murahin, at iparanas niya kung gaano kasakit yung nararamdaman ko ngayon. Dahil kaibigan ko pa talaga ang kanyang ipinalit sa akin. Galit na galit rin ako kay Daisy. Dahil di man lang niya naisip kong ano ang mararamdaman ko kung si Kim ang kanyang minamahal. Di ko rin naman alam na may gusto siya ni Kim. Nong hindi pa sila ni Kim.
Kung alam ko lang sana. Di ko nalang sinagot si Kim. At hayaan nalang silang maging masaya. Bumuntong hininga ako. At di ako mapakali dahil malapit na ako sa tagpuan ni Kim. Baka wala pa siya roon. Dahil may klase sila ngayon. Kung wala siya edi wala. Di ko siya pipilitin.
Nakababa na ako ng jeep at nasa tapat na ako ng Egay's Cafe. Medyo kinakabahan ako at umusbong na yung galit ko. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at binuka tsaka huminga ng malalim. Kalma ka lang self act normal. Baka wala pa siya doon. Kaya binuksan ko na yung pintoan.
At nakit ko siyang naka-yuko. At dahan-dahang inangat ang mata sa akin. Malungkot niya akong tiningnan. Taas noo naman akong naglakad patungo sa kanya at umopo.