Let's take it a shot? //KaRa

By allforkara

1.7K 74 10

KaRa (Mika Reyes & Ara Galang) ONE SHOTS! More

From: Unknown (KaRa)
From: Unknown 2
Speak Now
I Want You
Begin Again

Where I Belong (KaRa)

572 17 0
By allforkara

It's been years simula ng naghiwalay kami ni Ara. Not as partners in love but, as teammates and a best friend. Hindi lang ako nawalan ng best friend. Nawalan ako ng isang Victonara Salas Galang. Miss na miss ko na nga siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin kasi she treats me cold as ice.

Masakit pero kasalanan ko. Eto siguro yung consequence ko sa pag-iwan sa kanya.

"Daks? Kausapin mo naman ako oh." Pangungulit ko sa kanya. Actually kanina pa yan ganyan. Di ko naman alam kung anong nangyari at naging ganyan siya.

Nakasimangot lang siya at kunwari ay busy sa phone niya. Ang alam ko lang iniiwasan niya ko. Sa pagkaka-alala ko naman, wala akong ginawang mali. Hmmm, wala nga ba?

"Huy. Daks naman eh. Bakit ba hindi ka namamansin jan? Para naman 'tong tanga." 

"Tanga sayo." Bigla naman siyang tumayo at umalis sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin at padabog siyang tumaas.

Anong problema nito? Tsaka anong 'tanga sayo?' Hindi ko talaga ma-gets.

Hindi naman ako nag-atubli pa at sinundan siya pataas. Naabutan ko naman siya papasok na ng kwarto, for sure ilo-lock niya yun kaya mabilis akong tumakbo at hinigit siya.

"Ano ba. Bitawan mo nga ko."

"Ayoko. Sabihin mo muna sakin kung anong problema mo."

"Wala akong problema, okay? Kaya pwede umalis kana lang?"

Teka. Nasaktan ako dun ah.

""Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema mo."

"Tss. Do what ever you want, bahala ka. Do what you always do, leave!"

Yun yung araw na sinimulan niya akong iwasan at itratong parang wala na ako sa mundo niya. Na walang Mika Reyes na nage-exist sa mundo niya.

Wala ng mas sasakit pa dun. Na parang sobrang may malaki kang kasalanan na nagawa sa kanya. Yun yung pinaka-nasaktan ako. Ang ibalewala. Ang sakit lang na parang hindi niya kayang tumagal ng kasama ka. Na parang napipilitan na lang siyang gawin yung mga bagay na magkasama kami. Yung tipo na hindi na niya kayang mag open up ng conversation sayo. Na hindi ka manlang matingnan ng matagal. It hurts, a lot. Sobra, lalo na kung sobra mo naman palang mahal yung tao na yun. Yung taong mahalaga sayo. Ikaw ba naman, baliwalain ng isang taong mahalaga sayo, sino ba naman hindi masasaktan dun.

Gusto ko ng ibalik yung dating kami. Pero parang tila ayaw niya na yata. Sa isang iglap, nakalimutan niyang may friendship kaming nabuo. Sa isang iglap, nawala na lang lahat.

"After the commercial break, the game will start audience! F2 Logistics Vs Petron Blazers! See you in a while, Kapamilya!" Sabi naman ng commentator.

Nagwa-warm up kami ngayon at nakikita ko siya ngayon sa kabilang side ng court. Malawak ang ngiti nito.

Masaya kana ba talaga, daks? Kahit wala na ko?

Pinagmasdan ko siya. Ang gwapo pa rin. Walang pinagbago. Mas humaba nga lang ang buhok niya at kulot ito kaya mas lalo siyang gumwapo. Ang mga mata niya, yung expressive niyang mga mata, ganun na ganun pa rin. Yung ngiti at tawa lang, parang nagbago?

"Aray!" Bigla akong napa-upo sa sahig dahil sa malakas na tama ng bola sa ulo ko. Ansakit.

"Mika! Ohmygod sorry... sorry." Sabi naman ni ate Cess at tinulungan akong tumayo.

"Sobrang sakit ba?" Tanong naman ni Mela.

"Ayos lang ako, Mela. Oo masakit, malakas pumalo si ate Cess eh." Pagbibiro ko naman.

"Nako, nagbiro pa. Sa susunod kasi wag ka ng tutulala kung saan. Natamaan ka tuloy." Sabi naman ni ate Rhea.

"Oo na. Pasensya na." Sagot ko. Bigla na lang akong napatitig kay daks, sobrang miss ko na kasi eh.

Sa mga laban namin kasi, hindi kami nag-uusap. Kahit nga kamayan lang, wala eh. Puro paluan at blocks lang kami, puro stare downs sa isa't-isa.
Parang hindi mag best friends ah.

Pinaayos na kami ng coaching staffs at sinimulan na ang pagtawag ng line up. Nauna kami.

Nang matapos tawagin ang Petron ay F2 naman.

"Here comes the reining MVP of the PSL... Ara Galang!!!"

Pumalakpak naman ako nung tinawag siya. MVP nanaman siya, sa mga seasons ng PSL siya ang pinakang maraming awards na natanggap. Katulad ng best OH, best scorer, MVP, best in serving at syempre 2x Champions ang F2.

Nagsimula na ang laro at nanguna na sa scoring ang F2 (10) Petron (8). Nag service na si Kim, nareceive ni Den, sinet ni ate Rhea sakin, it was received by Dawn, set up by Kim to Ara, and down the line! Favorite niya talaga yun.

Hindi ako makafocus. Bakit kasi sa tuwing kaharap ko na lang siya ay ninenerbyos ako? Iba talaga ang impact mo, Ara.

Umabot na sa 4th set ang laban at 2 wins na ang F2. At lamang nanaman sila. 19-15. Hay. Feeling ko tuloy matatalo kami. Distracted kasi ako masyado. Ano ba naman yan, Mika. Wala ka ng magandang play!

Natapos ang laro at talo kami. Halos lahat yata ng palo ni Ara ay sakin niya pinatama. Na mis-receive ko naman.

Nagkamayan na ang teams, at hindi nanaman niya ako kinamayan. Sinubukan ko hawakan ang kamay niya pero pinipilit niya iyong ilayo.

Lahat naman kami ay tumungo na ng dug out para mag-ayos na. Nakakapagod ang araw nato.

"Uy Mika! Grabe, pulang pula yung wrist mo ah?" Pansin naman ni Mela. Tiningnan ko naman ito at pulang pula nga. Galit kaba sakin, Ara? 

"Ganyan talaga, Mela. Part of the game." Ngiti ko naman sa kanya.

"Hahaha, ikaw talaga. Btw, niyaya kasi ako ni Kim magdinner kasama F2. Baka gusto mong sumama?"

"Uhm... i mean, okay lang ba sa kanila?"

"Huh? Oo naman 'no. Matagal na yung issue niyong magkakaibigan kaya, okay na rin siguro yun, kesa habang buhay kayong mag-iwasan diba?"

May point naman si Mela. Hindi ko sila pwedeng iwasan na lang, kahit papaano gusto ko parin maayos yung friendship ko sa kanila. At syempre ang relasyon ko kay Ara. Ayoko na ng ganitong set up. Yung lagi nalang kaming nag-iiwasan na parang lahat ng pinagsamahan namin ay binaon nang lahat sa limot.

"You're right, Mela. I need to face this. It's time to face her."

Dinner...

Nakarating na kami sa isang restaurant around here in Makati at puno ng kaba ang sistema ko. Dahil ito yung first time na magkikita ulit kaming lahat. Sana... magka-ayos na kaming lahat. At pati na rin sa kanya.

"Kim!" Tawag naman ni Mela at agad nilapitan at niyakap si Kim. Sumunod na lang ako kay Mela.

Medyo naiilang pa ako.

Ngumiti na lang ako kay Kim. Lumapit na kami sa dining area at doon ay nakita ko ang buong team na nandun sa buong table. Kumpleto kaming lahat, si Cienne at Cams ay nandito din, si Kianna at Majoy rin, pati si ate Cha.

Umupo si Mela sa tabi ni Kim which is katapat nila sila Aduke. Naghanap naman ako ng bakanteng upuan at wala na sa banda nila Kianna. Yung bakanteng upuan ay sa tabi ni.... Ara. Great. Just great, Mika.

Umupo naman ako sa tabi niya at tahimik lang akong nakatingin sa kanila na nagkwekwentuhan. Muli ay natagpuan nanaman ng mga mata ko si Vic. Nakikipagtawanan din siya kala Kim. Hay, bakit ba ang attractive mo? Yung mga ngiti mo, na naging dahilan para mawala ang puso ko sakin. You captured my heart, Vic.

Nasa ibang table ang coaches dahil hindi na kasya dito sa long table. Nireserve ba nila 'to para sakin. Nako! Assuming kang masyado, Mikang!

Maya maya pa ay may narinig akong bulung-bulungan...

"Ano bang ginagawa niya dito, cams? Diba iniwan tayo nyan? Ugh, annoying."

Narinig ko ang sabi ni Cienne. Nasaktan ako sa sinabi niya pero wala naman akong karapatan na umapela kasi iniwan ko naman talaga sila.

"Hindi na dapat yan nandito kambal. Umalis na diba? So dapat pag umalis na hindi na babalik. Besides, we don't need a friend who leaves us." Sabi naman ni Camille.

Kinakausap naman ako nila Kianna at Majoy at pinipilit kong ngitian sila kahit nasasaktan ako sa sinasabi nila Cienne.

"Hahaha. Kamusta ka naman ate Mika? Namiss kita." Sabi naman ni Kianna.

"Okay lang naman, Kianna. I miss you too! Ang galing mo! Congrats kanina!" Ngiti ko naman.

"Nako si ate nambola pa! Eh halos si ate Ara nga yung pumuntos ng pumuntos kanina eh!" Natatawang saad ni Kianna.

Oo nga, Kianna. Tingnan mo wrist ko oh, reddish pa din.

"Feeling close, amp. Feeling belong. Pag umalis na, hindi na belong." Nakita ko namang pag-irap ni Cienne. Nagbulungan na rin ang iba.

Ginalaw ko na lang ang pagkain ko at tahimik na kumain. Kahit gusto ng tumulo ng mga luha ko. Pilit ko itong pinipigilan.

"Why? Totoo naman diba? Mang-iiwan yan. Ano, bigla na lang niya tayong sinurprise na 'ay guys, lilipat nakong team' putanginang yan."

"Magdadahilan pa yan ng kung ano ano pag tinanong mo. Mang-iiwan na nga, sinungaling pa. Hindi belong yung mga ganyan sa circle of friends natin. Lumipat ng team yan e, edi dun siya. Para satin, hindi na yan belong sa pagkakaibigan natin, hindi na siya Lady Spiker, hindi na siya kasama sa bullies at kahit sa wafs. She don't belong here anymore right? Nakikisama na lang kahit hindi belong? Ano desperada much? Aka—"

Hindi ko na kaya, i need go away here right now. Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Ayoko na. Hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi nila.

"Uhm... t-tama ka n-naman, Cienne. H-hindi na ako b-belong s-sa b-bullies a-at kahit sa t-team... tama k-ka h-hindi na rin a-ako l-lady sp-spiker..." At tuluyan na ngang kumawala ang mga luha ko... Ang sakit.

"T-tama ka naman e-eh... I-i d-don't b-belong here a-anymore..." Wala ng tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Iyak na lang ako ng iyak. Naglakad na ako palayo sa kanila habang humihikbi.

Bumalik-balik kapa kasi! Hindi kana belong dun Mika. Ang tanga mo! Mang-iiwan ka! Wala kang kwentang kaibigan! You're one plastic bitch, Mika. Hindi kana belong sa kanila.

Ang bobo at tanga ko para akalain na tatanggapin pa nila ako. Hindi kana nila tanggap Mika. Mukhang hindi na kami magkaka-ayos ni Ara.

Yun ka, mang-iiwan at sinungaling. Walang kwentang kaibigan. Karma kona siguro to. Kasi puta ang sakit.

Lumabas ako ng resto at tumakbo sa labas. Wala akong pakealam kung umuulan. Habang tumatakbo ako ay hindi ko namalayan ang bato pumatid sakin dahil sa puno ng luha at tubig yung mga mata ko. Napaupo na lang ako at hinayaan ko na lang ang sugat ko. Mas masakit pa din yung nangyari kanina kesa dito.

Niyakap ko ang dalawa kong tuhod at hinayaan na lang ang sarili kong mabasa ng ulan.

At muli ay pumasok nanaman sa isipan ko ang mga sinabi nila kanina.

Totoo bang nagmumukha akong desperada? Eh ang gusto ko lang namn ay magka-ayos kami. Hindi naman ganito yung intensyon ko. Kaya lang naman ako lumipat ng team dahil hindi ko kinaya ang pangtra-trato ni Ara sakin. Hindi ko siya sinisisi, dahil mas nag grow din ko. Gaya nga ng sinabi ko, masakit mabaliwala ng taong mahalaga sayo. Tutal iniiwasan niya lang din ako at parehas na kaming nagkakasakitan.
Kaya lumayo ako. Pero hindi ko naman akalain na sa paglayo kong yun ay mawawala sakin sila Cienne. Pati si Ara.

Hindi kona naramdaman ang pagpatak ng ulan sa katawan ko kaya't tumingala ako at nakita ko siya.

"Magkakasakit ka dyan. Get inside."

"Hanggang ngayon ba, cold ka parin sakin?"

"Mika, stop. Get inside. Magkakasakit ka."

"I don't care. Okay nako dito. Kesa naman ipilit ko yung sarili ko dun na hindi naman ako belong. Pasensya na Vic, and... a-am sorry..."

"Salamat sa lahat... Vic. Sorry kung iniwan ko kayo... iniwan kita."

"Wala akong kwentang kaibigan. Hindi niyo ko deserve. Kaya aalis nako. Pakisabi sa kanila, kahit ganun yung nangyari kanina, mahal ko pa din sila."

Hinawakan ko ang kamay ni Vic.

"Don't worry hindi ko na kayo guguluhin, promise." At muli ay pigil nanaman ang mga luha ko. Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na papalayo.

Pero bago pa man ako makaalis ay hinigit niya ko papalapit sa kanya at Niyakap niya ako ng sobrang higpit at niyakap ko din siya agad. I miss this, i miss her, i miss us.

"Don't leave again, Mika." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Don't leave again. Please..... stay." Sincerity is evident in her voice. Nagsimula na namang magsibagsakan ang mga luha ko.

She broke the hug and intently looks at me in the eyes. The pair of eyes i always wanted to see.

"I love you, Ara."

Finally, i gathered all the courage to say that 3 words and 8 letters to her.

She smiled, and for the first time, my heart melted, she slowly moved her face towards mine, she looked down at my lips. Our face is an inch apart, she closed the gap between us and gently kissed my lips tenderly.

"I won't leave, Vic. I won't, never again."

And now, i know where i belong to. It will always be in her arms. I will always belong to Ara Galang.

______________________________________

Vote and Comment if may suggestion kayo... HAHAHAHA

Thank you for reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.4M 307K 52
"you're all mine; the hair, the lips, the body, it's all mine." highest previous rankings: - #1 in jimin - #1 in pjm - #1 in btsfanfic cover by: @T...
929K 35.2K 83
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
817K 37.8K 59
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
367K 13.1K 59
After Pein's invasion, Naruto is betrayed by his comrades and left to die. When he wakes up, he somehow travelled back in time to when he was genin a...