Our Messy Hearts ✔

By ZuXiner

2.5K 1.1K 1K

Published Under Ukiyoto Publishing January 2022 [Completed] (This Version is UNEDITED) Arianne is a seventeen... More

MESSY HEARTS
Prologue
Chapter 1: Bump Him
Chapter 2: Unexpected
Chapter 3: Transferee
Chapter 4: Stay Away
Chapter 5: Unknown Number
Chapter 7: Sealed Kiss
Chapter 8: Cheers
Chapter 9: To Be My Side
Chapter 10: Cry On My Shoulder
Chapter 11: Smile
Chapter 12: Girlfriend or Heartbreak?
Chapter 13: Unknown Feelings
Chapter 14: It Hurts
Chapter 15: With Jonard
Chapter 16: Forbidden Feelings
Chapter 17: Be With You
Chapter 18: True Feelings
Chapter 19: Truth or Dare?
Chapter 20: Dancing with Him
Chapter 21: Happiness
Chapter 22: The Truth
Chapter 23: Revelation
Chapter 24: Be my Medicine
Chapter 25: Happiness and Pain
Chapter 26: This Can't Be
Chapter 27: His Dream
Chapter 28: The Past
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 6: Overnight

94 47 31
By ZuXiner

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 6

DALAWANG araw na simula nang mangyari ang kahihiyang 'zipper ko daw kuno bukas' thingy at ang pagka-bangga ko sa hinayupak na Louwiee na iyon. Halos dalawang araw narin akong tulala at wala sa sarili dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikilala kung sino man ang unknown number na nagtext sa'kin sa mismong araw ding' iyon.

"Okay, class. Your project will be passed on tomorrow morning and that's final. Dismissed." Saad ng aming professor na halos ikagulat naming lahat. Agad agad ang deadline? Huhu.

"Good bye sir!" We said in unison. Pagkalabas palang ni Sir Daniel ay ang nagbabadyang kaingayan na naman ang pumuno sa loob ng aming classroom. Ang iba ay lumabas upang mag-take ng kaunting break. Ang iba naman ay naghahanap ng kanilang kapareha dahil 'by pair' iyong pinapagawa ni sir. Samantala, ang iba nama'y stress kung paano nila pagsasabayin ang ibang projects na hindi pa nila natatapos dahil bukas na din ang deadline nito sa ibang subject. Oh life of being student. Stressfull.

"I want to be his partner, arghh!" Dinig kong wika ng kaklase kong si Loisa habang pinagpapantasyahan si Louwiee. Isa din 'yan eh. Hindi ako magtataka kung bakit papatulan 'yan ng hinayupak.

"Kahit si Jonard nalang or Vixter ang maging kapartner ko, huhu" dagdag ng babaeng mukhang kamatis ang pisngi dahil sa sobrang kapal at pula nito.

"Asa naman duh, girls. 'Yung magkapatid na Fuentes malamang sila ang magka-partner. Huwag na kayong umasa." Usal ng isa pa nilang kasama na sinang-ayunan naman ng iba. Lumabas naman sina Vix, Lou at Jon sa classroom. Anyway, wala naman akong pakialam sa tatlo na 'yon.

"Ay hindi nangyaya ang mga kumag, tsk." Reklamo ni Angela sa tabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin pa at tulala akong nakatingin sa likuran ni Louwiee habang naglalakad palabas ng room.

"Woi!" napa-igtad ako sa panggugulat ni Marv.

"Ba‘t tulaley ka d'yan bakla, anong mayroon?" Umiling lang ako at kinuha ang notebook sa armdesk saka iyon ipinasok sa loob ng backpack. Karating lang ni Marvie dahil galing siyang rest room, saglit lang naman iyon kaya alam niya na deadline na bukas ng project namin.

"Bess, diba partner tayo sa project natin kay prof Daniel?" Pagkukumpirma ni Marvie.

"Yup, why?" Tipid kong tanong.

"Anong why ka diyan? Woi mareng Arianne, deadline na niyon bukas!" Napahagikhik ako dahil sa expression niya.

"Gagi, alam ko naman. Oh, kailan natin tatapusin?"

"Doon nalang tayo sa bahay gumawa, d'on ka nalang mag-overnight ipapaalam nalang kita kay tita," nakangiting suhestiyon ni Marvie.

"Hala ang dayaaaaaa, bakit feeling ko 'di niyo na ako bestfriend? Huhuhu." Pag-iinarte ni Angela. Napatawa nalang ako ng palihim dahil sa inaakto nito. Childish!

"Duh, kayo naman ni Vixter ang magka-partner eh. Ayos lang iyan para kahit paano ay mabugaw kita this time." Malakas na tumawa si Marv dahilan upang mapatingin sa kanya ang iba naming kaklase.

Lumaki naman ang mga mata ni Angela, "Huwaaaaaat?! Naaah ayoko kapartner ang ugok na'yon!" Reklamo niya kaya mas lalong napatingin sa kaniya ang mga natirang estudyante sa loob. Kunti nalang rin naman kaming naiwan dito kaya ayos lang. Wala na rin dito sila Loisa at mga kasama niya dahil umalis na sila kaagad ng lumabas ang tatlong boys na pinagpapantasyahan nila.

"Ang swerte mo girl, buti ka pa kapartner ang isa sa mga hearthrob."

"Oo ngaaaaa, adiieeeeee!" May panunuyang saad ng ibang girls sa loob.

Pinamulahan naman si Angela.

"Ano na, pumapayag kana, Arianne?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Marvie. Hmm, kung sabagay pwede naman, bukas na kasi yung deadline ng project namin kaya wala akong choice. Tumango ako bilang sagot.

"Text mo na si Vix, sabihin mo d'on sa bahay nila kayo gumawa ng milagro," nang-aasar na nakangiti si Marv kay Angela. Lalong pumula ang pisngi ng isa dahil sa pang-aasar ni Marv.

"Psh! 'Wag kang kiligin, asa namang papatulan ka 'non eh isa kang minion," imbes na mag-reklamo si Angela ay hindi nito magawa. Nagmistulang hinog na kamatis na rin ang kanyang mukha.

Angela look at me. Akala ko nga e, babaliwalain niya lang 'yon pero ang bruhilda ay ngumisi lang ng nakakaloko. Oh No! Ano kaya pumapasok sa isip ng kaibigan kong ito? Kumindat lang siya sa'kin kaya medyo napangiti ako.

ILANG minuto pa ang itinagal namin ngayon sa rest room dahil naghihilamos si Marvie ng kanyang mukha. Hinawakan ko kasi si Marv sa magkabilang braso at si Angela naman ay kumuha ng pentilpen saka gumihit ng kung ano-ano sa mukha nito. Halos magwala si Marvie dahil pinagkaisahan raw namin siya. Tawa lang kami ng tawa ni Angela dahil sa naging hitsura niya.

"Iyan ang revenge ko, oh paano una na ako." Natatawang paalam ni Angela bago naunang lumabas. Sumunod kami ni Marvie upang makauwi narin at maipaalam niya ako kay mama.

"Bruhildang 'yon, hindi pa kasi amining crush niya si Vix." Naiiling na saad ni Marvie saka natawa rin.

"Naku, mukhang playboy ang isang 'yon." Pagtutukoy ko kay Vixter.

Ilang minuto rin ang aming naging byahe bago makarating sa bahay.

"Hello po tita!" Masiglang bati ni Marvie.

"Oh nakauwi na pala kayo, anong sadya ng magandang kaibigan ng bruha kong anak?" Pabirong saad ni mama.

"Aray naman ma, ha! Ang sagwa ko ba talaga tignan sa paningin mo? Nakakasakit ka na ma ah!" Madramang saad ko. Mahina akong binatukan ako ni mama. Shems lang! Ang sakit nun eh, huhu.

"Gaga, anong pinagsasabi mo?" Oh my! Ratatatatatatatatatatatat! 'Yung armalight ni mama gumagana na naman. Huhu, dapat 'di na pala ako nagbiro.

"'Hindi bagay sa‘yo magdrama beshy. ‘Di ka mukhang artista, hahaha," isa din 'tong si Marvie. Sige lang pagkaisahan niyo lang ako.

"By the way tita ganda, gusto ko po sanang ipaalam na doon muna matutulog si beshy sa'min. You know, overnight para sa project, deadline kasi namin agad agad tom," pag-eexplain ni Marv. Yes, tita ganda tawag niya kay mama at ganiyan talaga siya kumausap sa mama ko na parang tropa lang. Mas close pa nga niya si mama kaysa sa akin eh.

Pumayag naman si mama kaya ayon umalis na kami agad dahil mahirap na, baka kasi magbago pa isip no'n. May pagka-saltik din kasi si mama kung minsan kasi biglang nagbabago desisyon niya. Joke lang sympre.

PAGPASOK palang namin sa bahay na tinitirhan ni Marvie dito sa maynila ay napanganga ako dahil sa ganda ng mansyon. Iba rin iyong mansyon nila sa probinsya. Okay, sila na ang mayaman.

"Ang ganda naman ng bahay niyo." Komento ko. She chuckled. Okay, ano namang nakakatawa sa sinabi ko?

"Naaahh! Its not mine, bahay ito ng pinsan ko." Sagot niya kaya napa 'AH' at tango nalang a--wait! Cousins house? Sino? Ang dalawang Fuentes ba? Sa kanila ba itong bahay?

"Tama ka ng iniisip beshy," saad niya at napatawa ulit. Okay again, how did she know what I'm thinking of right now?

"Naah! Di ako mind reader, obvious naman sa expression ng mukha mo" Eh? Ganoon ba ka obvious sa mukha ko? As-in ganoon ba talaga KA-OBVIOUS?

Niyaya ako ni Marv sa loob ng bahay nila- este ng pinsan niya. Ayiiiiieee! Makikita ko si Lou- charooot lang. Saan kaya sila? Bakit parang wala sila?

"Mamaya pa ‘ata uuwi sila insan, may importante lang silang pinuntahan," ani Marv na ipinagtataka ko. Nagtanong ba ako sa kaniya? I gave her a 'confusing look'.

"Obvious sa kilos at expression mo besh! Hahaha!" Binatukan ko lang siya.

"Mamatay na nagtanong, lol!" Saad ko sa kaniya.

"Aysus kunwari din ang isa pang bruha, akala mo di ko nahahalata na may gusto ka kay–"

"Woi! Wala akong gusto ni isa sa kanila!" Pagputol ko sa sasabihin ni Marvie. Arghh! This girl always give me a headache.

"Eh ba't defensive ka? May gusto ka nuh? Lumilibot iyang mata mo kasi hinahanap mo sila." Muli nitong tawa.

"Gaga! Hindi ah, nililibot ko lang yung tingin ko kasi ang ganda ng bahay nila." Saad ko which is true.

"Okay, sabi mo eh. Haha!"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Che!"

Nakahawak lang si Marvie sa kaniyang tiyan habang tawang tawa na wala namang nakakatawa. Tsk!

Hinintay ko muna siyang matapos sa tawa moment niya bago kami pumunta sa kanilang kitchen para sa dinner. Hindi na din daw kasi namin makakasabay ang dalawang Fuentes kasi mukhang late na daw uuwi ang mga 'yon. Dahilan kung bakit late? Ay aba malay ko! Ako ba sila? Tss. After naming mag dinner ay ginawa na agad namin yung project namin doon sa study room nila.

Saktong eight o'clock na ng matapos na namin yung project kay sir Daniel. Lumabas na muna kami ng study room at pagbaba namin sa sala ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

Naramdaman 'ata niya na bumaba kami kaya lumingon siya sa amin at ngumiti sa-- sa‘kin. Shucks! Ningitian niya ako? Waaaaaah. Kinurot ko yung pwet ko, ay shit! Ang sakit.

"Oh Marv, buti tapos na pala kayo sa project niyo, sinabi kasi sakin ni manang na gumagawa pa kayo kanina nun." Saad niya. Shite! Ba't ba ang gwapo niya? Hindi naman sa may gusto ako ulit sa kaniya, sadyang gwapo lang kasi talaga siya at hanggang doon lang 'yon.

"By the way, movie marathon tayo?" pag-aaya niya.

"Sure! But before that hahatid ko na muna itong si beshy sa guest room na malapit sa room mo para mailagay na niya yung mga gamit niya," saad ni Marvie at hinila na ako. Tumango naman si Jonard na nakangiti.

Nilagay ko na muna sa kwarto 'yong mga gamit na dala ko. And yeah.. Unfortunately katapat ko ng room si Jonard. Medyo gaga talaga ‘tong kaibigan ko. Wala na akong gusto sa ugok na Jonard na iyon. Wala na nga ba? Bahala ka diyan mind, ayoko na sa iyo. Basta thankful lang ako na iniligtas niya ako sa mga asungot noon na humahabol sa'kin. Iyon lang, period.

Bumalik kami ni Marv sa sofa. Nauna akong umupo. Doon ako sa pinakadulo. At gagi talaga itong si Marvie dahil sa kabilang dulo siya umupo. And it means pinag-gigitnaan namin si Jonard at Louwiee. Katabi ni Jonard si Marv at katabi ko naman si Louwiee. Nung umupo si Louwiee, naamoy ko na sobrang bango niya. Masculine. Ang bango. Nakakadistract.

Nagpa-deliver ng pizza si Jonard. Well, he's not that bad, hindi naman pala masungit si Jonard, tulad parin siya ng dati.

Pagdating ng pizza ay halos maglaway na ako. Huehue pizzaaaaaaaaa~ come to mehh!

Una naming pinanuod ay Maze Runner. Maganda. Pogi ‘yong Asian. Huehue hilig ko sa gwapo. Parang si Jonard at Lou-- staph.

"So, ano nang sunod?" Tanong ni Jonard. Usual namang naka-poker face si Louwiee. Kung medyo goodboy ang version ni Jonard ay siya namang kabaligtaran ni Louwiee. Argghh! Manunuod na nga lang.

"Horror!" Excited na sabi ni Marvie. Nanlaki ang mga cute kong mata. F*ck! F*ck! ‘Wag 'yan. Hindi ako tough cookie pagdating sa horror and shits! ‘Wag n'yong ihaharap sa‘kin 'yang pesteng horror.

"Okay, Conjuring or coming soon?" What the fuck! 'Wag sila. Umurong dila ko, kinain ko na yata. Di ako makapag-protesta! Ahuhuhu.

"Conjuring muna bago yung Coming Soon." Saad ni Jonard, tahimik parin si Louwiee habang nakatingin sa TV. Shit! Takot ako kay Anabelle.

Halos tanggalin ko na ang eyeballs ko at pasakan ng madaming bulak ang eardrums ko para hindi ko makita si manika at marinig ang lecheng sound effect. Dafak!

Mukhang t’yanak si Annabelle. Leche. Bakit ba ako nanunuod. Tinakip ko 'yung kamay ko sa mata ko pero may puwang para makanuod pa ako. Medyo tanga lang. Natapos ko ang movie and luckily I survived. ‘Di ko na iku-kuwento kasi wala na akong balak alalahanin ang mukha ng manika na 'yon.

Waaaaaaaaah. Shit! Coming soon. Si Shomba.

Si Marvie naririnig ko na tumatawa lang. Si Jonard ay nakangiti lang sa pinapanuod samantalang si Louwiee ay parang wala lang. Pero nung nakita ko 'yong mukha ni Shomba putangshet yumakap na agad ako sa katabi ko. Wala akong pake kung sino ‘to. Naluluha na ako. Ang pangit ng mukha niya. Panot siya. Hindi ko alam pero sobrang takot talaga ako. Huhuhu.

Pero hmmm. Ang bango niya talaga. Shit! Naramdaman ko na naman na niyakap niya ako. My heart skipped a beat. Shit! Baka mamatay ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Ito na naman yung feeling na gusto kong itigil 'yong oras para namnamin ang yakap niya.

AKALA KO TAKOT KA ARIANNE RIVERA?! BAKIT NAGLALANDI KA DIYAN?!

Napatigil ako sa pag-iyak..

Pinapakiramdaman ko yung tibok ng puso ko. Natatakot ako. Baka marinig niya. Baka sabihin niya apektado ako sa kaniya. Pero apektado naman talaga ako. Pero kasiiiiiii. Nooo! Wala akong gusto kay Louwiee! Takot lang ako. Iyon lang 'yon!

"S-sorry," sabi ko at inangat ang ulo ko at tumingin sa TV nila. Pero put*ngshet ulit naka-pause doon ang mukha ni Shomba. Waaaaah ang pangit niya.

Agad akong napapikit. Pero nagulat ako ng niyakap ulit ako ni Louwiee. Nasa mukha ko ang dibdib niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako. Baka sumabog ang puso ko. Baka mangisay ako. Hindi ko alam.

Pero may-isang kakaiba. Mabilis din ang tibok ng puso niya. Kasing bilis ng tibok ng puso ko. Naibalik ako sa reyalidad dahil sa nakakabulag na flash na sinundan ng malakas na tawa ni Marvie. Pumalakpak pa siya na parang seal. Ganoon din ang ginawa ni Jonard na halos humawak na sa tiyan kakatawa. Pero ano iyong nakikita ko sa mata niya? Was it fear? Anger? Jealous? I don't know. Baka paranoid lang ako.

Shit! Agad akong napabitaw sa pagkakayakap kay Louwiee ng mapagtanto ang posisyon namin.

"Sorry ulit." Sabi ko habang nakatalikod sa kaniya. Shucks! Namumula ako. Dama ko. Mainit ang mukha ko.

"Iba nalang yung panuorin natin," sabi ni Louwiee.

Pwede namang ituloy ulit para maka-yakap ulit ako sa‘yo. Juskolord! Malandi talaga utak ko. Jusmi, Arianne. Kumalma ka! Kinuha ko ang phone ko at chineck ang oras. Pakining shit! Alas dose na.

"Matutulog na ako, anong oras na eh," pagpapaalam ko. Pumunta na ako sa kuwarto para matulog. Medyo antok narin ako. Kahit na natatakot ako ay kailangan ko ng matulog at magnilay-nilay. Iiwan ko na lang yung ilaw na nakabukas.

Pasalampak akong humiga sa kama. Ang lambot ng kama nila. Simple lang ang bahay nila. Hindi 'yong bongga. 'Yong kwarto naman ay may queen size bed then blue ang paint ng walls. May cabinet tapos malawak din. Pang-guest lang talaga. Matapos magnilay nilay ay sya ring pagtiklop ng talukap ng aking mga mata.

"Shit!" Nagising ako na pinagpapawisan kahit na aircon ang kuwarto. Iyak na ako ng iyak. Si Shomba kasama si Annabelle tapos hinahabol nila ako. Ayoko na!

Pagtingin ko sa wall clock ay two thirty na ng madaling araw. Ang creepy pa ng tunog ng orasan. Pupunta na lang ako kay Marvie. Leche kasi ‘yon. Lumabas na ako ng kuwarto. Imaginations. ‘Wag kang mag-imagine. 'Wag!

Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok. Kaso nonsense din kasi tulog mantika 'ata ang babaeng 'yon. Triny kong buksan----- naka-lock. Ahuhuhu.

Paano 'yan? Ayoko nito. Tawagan ko kaya si Angela? Kaso...kaso... naiwan ko yung phone sa kuwarto. Babalik pa ba ako? Eh natatakot na ako. Naluluha na naman ako.

Ayokong pumikit. Natatakot ako. Ayokong dumilat baka may makita ako. Para akong tanga na umiiyak sa harapan ng pinto ni Marvie nang may humawak sa braso ko at dama ko ang malamig nitong kamay. Nagtaasan lahat ng balahibo ko at feeling ko namumutla na ako.

'Di ako makapag-react. 'Di ako makagalaw sa takot. Naiiyak ako. Si Shomba na ba ito? Kukunin din ba n'ya ang beautiful eyes ko?

"Are you crying?" Napatigil ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses ni Louwiee. Hindi ko alam pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa kaba na nararamdaman ko sa tuwing kasama o kaharap ko siya. Ano ba ibig sabihin nito? Mahal ko na ba siya? Pero bakit naman ganoon, ang bilis naman ‘ata? Hindi ko alam pero kapag nakikita ko s'ya ay natutuliro ako, kapag-kasama ko siya ay pakiramdam ko safe ako.

"Sssssshh, I'm here stop crying." Medyo paos ang boses niya pero lalo s'yang gumwapo sa paningin ko dahil sa husky voice na mayroon siya.

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya at niyakap ng mahigpit na parang ayaw niya akong mawala. Hinahaplos niya ang buhok ko. Ano ba Louwiee? Bakit kaba ganiyan? Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Kingina naman eh. Gusto na 'ata kita!

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
617K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]