Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
It's Sad To Belong

If Tomorrow Never Comes

157 6 2
By GreatGatsby08

"Pero paano nga? Paano pag alam mo na."

Mejo natatawang tanong ni Vice sa tila napipikon nang si Jackie.





Nakaupo sila nun sa likod ng pick up truck ni Vice na nakapark sa gilid ng dagat.




Tinitigan lang ng dalaga ang katabi bago umismid at tumanaw sa papalubog nang araw.








"Andami mong alam, Viceral. Gusto mo ako na tumapos sa'yo eh."




May bahid nang inis sa boses ni Jackie pero may kaunting kaba rin itong kasama na lalo lang nagpatawa sa lalaking nakaupo sa tabi niya.








Maya maya pa ay tahimik lang na yumakap si Vice kay Jackie na sinundan pa nito ng halik sa noo nito. Saglit pa sila sa ganung posisyon habang walang may gustong mag salita.







Nanatili silang naka-tanaw sa kulay kahel na kalangatian na dahan dahang dumidilim.






"Hindi ka pwedeng mamatay. Papatayin kita pag ginawa mo yun."



Basag ni Jackie sa katahimikan bago kumalas sa pagkakayakap ni Vice at humarap dito. Malungkot na ngiti lang ang isinagot ng binata sakaniya bago kinuha ang magkabila nitong kamay.






"Sira. Di ko naman gagawin talaga yun sa'yo. Baka patayin mo ko eh."





Biro nito bago tumawa. Isang malakas na hampas lang ang isinagot ng dalaga.









Flashback....



(Vice's POV)

Hindi maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko sa kanang bahagi ng katawan ko habang nagmamaneho pauwi.



Kagagaling ko lang sa trabaho pero hating gabi na. Maingat kong itinabi ang kotse nag hazard bago ininat ang kaliwa kong braso.




"Napapadalas na yan ah."


Napalingon ako sa katabi ko. Umiling lang ako bago pilit na ngumiti pero tila di nawala ang pag aalala sa mukha ni Vhong.






"Pagod lang to. Ikaw nga rin di ba, likod mo."



Natatawang sani ko sakaniya. Napailing lang siya bago nag alis ng seatbelt.







"Ako na magdrive pauwi. Baka kung ano pa mangyari satin, madamay pa ko."



Mejo pabirong sabi niya sakin. Tumawa lang ako pero hindi na kumontra pa.





Minsan may mabuti ring naidudulot na katrabaho mo yung kapatid mo. Atleast may instant PA ka.





"Wag mo kasi iover work sarili mo eh. Alam ko naman na nagiipon ka para sa wedding niyo ni Jackie--"






"SHIT!!"




Malakas na sabi ko nung maalala bigla si Jackie. Bigla namang napaapak sa preno si Vhong sabay nanlalaki ang mga matang tumingin saakin.








"BAKIT?? Bakit, bro?? Mamamatay ka na ba?? Wag muna!"



Hysterical pero halatang nagbibiro lang na sabi nito. Lalo namang nagbuhol buhol yung train of thoughts ko sa pinagsasabi niya.







"Siraulo! Hindi! Pero baka. Baka mapatay ako ni Jackie. Shit. Shit!"




Sunod sunod kong mura bago napasapo sa ulo ko. Tinignan ko yung relong suot ko at lalo lang akong napamura.







"Ay putang! Flower shop! Bilis!!"





Hysterical na sabi ko kay Vhong sabay tapik sa braso niya. Agad naman siyang nagdrive papunta sa kung saan na hindi ko alam. Agad kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko pero parang nangaasar naman yung panahon dahil drained yung battery ko.







"Asan phone mo!? Akina pahiram!"




Sabi ko bago kinapkapan ang nagmamanehong si Vhong, dahilan para mag swerve yung sasakyan papunta sa kabilang linya.






Magkakasunod na malalakas na busina ang sumalubong saamin. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Vhong at nakabalik agad kami sa tamang daan.





"Gago ka ba! Aatakihin ako sa puso sayo!"



Malakas na sabi ni Vhong pero wala akong pakialam. Mas mamamatay ako sa pag di ko natawagan agad si Jackie.




Pagkakuha ko sa phone ni Vhong ay agad kong dinial ang number ni Jackie.







"Wow. Kabisado."

Pailing iling na biro ni Vhong habang mabilis na nagmamaneho.






Hindi na ako sumagot dahil mas kinakabahan ako sa sasabihin ni Jackie.


Nakaapat na subok ako bago niya sinagot ang telepono.




"Hello? Vhong?"



Halatang galing sa tulog at nagtatakang bungad niya.






"Baby? Si Vice to."


Halos pabulong na sabi ko.





Katahimikan.







"Ah okay, bye."



Tooot toooot toooot.



Binabaan ba niya ako?



Napatingin ako sa screen ng phone ni Vhong.




Nadistract ako sa display picture niya.





"Tangna. Ivana Alawi talaga!?"



Pang aalaska ko sakaniya bago dinial ulit yung number ni Jackie.




Pero hindi na niya sinasagot.





"Sa lahat lahat naman kasi ng araw na pinili mong makalimutan. Ngayon pa?"


Panenermon sakin ni Vhong habang nakatayo kami sa harap ng counter ng flower shop na pagmamay-ari ng kaibigan ni Vhong.





Pahikab-hikab pa yung nagaarrange ng bouquet ng sunflower and pink roses habang inaayos yun.




"Tsk. Kasalanan mo. Di mo manlang pinaalala sakin!"



Napasabunot ako sa buhok ko habang kinakalma ang sarili ko. Malapit ko na kasing sakalin yung florist dahil parang nangaasar pa talaga sa pagmamabagal niya.




"Kuya, kakayanin ba yan today?"

Mejo sarkastikong sabi ko. Agad naman akong tinapik ni Vhong sa braso dahil mejo sinamaan kami ng tingin nung lalake.




"Gago. Pinakiusap na nga lang natin na magbukas sila tapos gaganyan ka pa."


Inis na bulong saakin ni Vhong. Napa-ungol na lang ako sa frustration na nararamdaman ko.







After 10 years, natapos din ni kuya yung binili kong mga bulaklak.







Hinatid ko muna si Vhong sa bahay bago ako dumeretso sa bahay nila Jackie.



Ayoko namang may audience kami habang sinusuyo ko siya tapos mine-murder niya ako.





Halos paliparin ko na yung sasakyan ko papunta sa bahay nila. Muntik ko na nga ring sagasaan yung guard ng village mabuti na lang may kaunting katinuan pa ako.









Tumitilaok na ang mga manok nung makarating ako sa harap ng gate nina Jackie.




Tinanggal ko muna sa pagkakacharge yung phone ko bago ko siya tinawagan.



Pero hindi sumasagot.




Tinext ko na lang.




Pero hindi rin ako nilabas.



Dala na siguro ng sobrang pagod ay di ko namalayang nakatulog na pala ako sa loob ng kotse at nagising na lang sa magkakasunod na katok sa bintana.


Bigla akong napamulat at napapikit ulit dahil mataas na pala ang araw.




Kumurap kurap ako bago tinignan kung sino ang umistorbo sa tulog ko.



Sinalubong ang paningin ko ng isang nakahalukipkip na si Jackie. Halatang naiinis pa rin ito pero sa tagal naming magkakilala, alam kong hindi na ganun katindi ang inis niya.




Dali dali akong bumaba ng sasakyan at binigay sakaniya ang mga bulaklak na binili ko. Tinanggap niya naman yun bago walang kibong nanglakad na papasok ng bahay nila.




Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sakaniya.







"Gandahan mo ang explanation mo dahil kung hindi magpapakasal kang mag-isa."



Masungit na sabi nito habang nakaupo kami sa hapag kainan. Nagluto muna pala siya ng agahan bago ako kinatok sa labas.





Ambait no?



Sana all?



Uminom muna ako mula sa baso ng tubig na nasa harap ko bago nagsalita.




"Una sa lahat, I love you and I'm sorry. Hindi na ako magbibigay pa ng excuses. Kasalanan ko, sobrang inabala ko ang sarili ko kahapon kahit alam ko naman na may mahalagang bagay-"









"Seminar lang naman yun para sa kasal natin. Ano bang mahalaga dun."




Ayan na.



Naiinis na talaga siya. Alam ko, sa tono palang ng boses niya. Nakagat ko yung pang ibabang labi ko.






"Baby, sorry talaga. I was so caught up dun sa project namin para kay Dr. Palma. Sorry na."


Sabi ko bago ko kinuha yung kamay niya sa kamay ko. Hindi naman niya yun pinigilan.




Bumuntong hininga siya.




Alam kong hindi na siya galit pero alam ko rin na nasaktan ko siya. At bago pa man niya sabihin ang mga bagay na alam kong sasabihin niya, ay inunahan ko na.







"Wag mong isipin na mas mahalaga pa yun kesa sa pagpapakasal ko sayo. Maniwala ka sakin, wala akong ibang gusto kundi makasama ka araw araw ng buhay ko. Hindi na mauulit. Promise."





Sabi ko bago hinalikan ang kamay niya na hawak ko. Bigla naman niya yung binawi sabay tayo at kuha ng kape mula sa decanter.



Inilapag niya yun sa harapan ko bago ako kinurot ng pino sa braso.




"Eh kung ako kaya ang wag umattend sa kasal o kaya naman magpa-late ako hanggang sa halos atakihin ka na sa puso kakaisip kung darating ako? Makabawi manlang?"


Nangaasar na sabi niya na nagpatawa lang saakin.



Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap siya ng mahigpit.






"Ang kyut mo. Kaya patay na patay ako sayo eh. I love you."



Seryosong sabi ko sakaniya bago hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Pinong kurot naman sa tagiliran ang iginanti niya saakin.





"Aray!"



"Buti nga."



Natatawang sabi lang nito sakin bago muling umupo sa harap ng hapag kainan.



Napakarami niyang kwento habang kumakain kami tapos ako nakatingin lang sakaniya. Habang nakangiti.






Hindi ko maipaliwanag yung saya tapos sarap ng pakiramdam.


Punong puno yung puso ko parang wala nang mapaglagyan ng tuwa.







"Pasalamat ka pa rin at inallow nila na iconsider yung day na yun kahit wala ka."




Mejo napaismid nanaman ito.



Ngumiti lang ako bago muling kinuha sa kamay ko ang isa niyang kamay. Hinalikan yun bago ako nagsalita.







"Wag kang mag-alala, Misis. Habang buhay mo naman na akong makakasama sa lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay mo, andun ako. Pangako yan."








Siguradong sigurado ako nung sinabi ko yun.








Buong buo ang loob ko. Dahil wala naman akong ibang gusto kundi gawin yun.




Wala naman akong ibang gustong makasama hanggang sa pagputi ng mga buhok ko, kundi siya.
















Pero minsan.....










Minsan hindi natin kasundo ang tadhana.















Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng puting silid na yun.








Kumakabog ang dibdib sa kaba habang nakahalukipkip na para bang gusto kong yakapin ang sarili ko.











Ilang linggo na lang at ikakasal na ako pero hindi ko magawang maramdaman ngayon yung excitement.








Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nung bumukas yung pinto at pumasok si Dr. Palma.



Yung client ko na ngayon eh ako naman ang client.










Nagkukwentuhan kasi kami nung isang araw nung bigla akong makaramdam ng pananakit sa dibdib ko. Hindi naman grabe nung una pero palala ng palala hanggang sa mawalan ako ng malay.





Mabuti na lang at Doctor yung kaharap ko.








"Engineer Viceral, I have your lab results."







Sabi niya bago umupo sa upuan niya. Lalo akong kinabahan nung nanatili lang siyang nakatingin saakin ng ilang minuto na walang sinasabi.








Napalunok ako at nanlamig ang buo kong katawan nung magsimula na siyang magsalita.







Wala akong ibang naintindihan sa mga sinabi niya kundi ang mga salitang "malignant" at "stage 4".











Hindi ako makapaniwala.











Lutang ang isip ko habang tinatahak ko ang maiksing pagitan ng pintuan ng clinic niya hanggang sa sasakyan ko.







Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo at nakatulala sa loob ng sasakyan habang iniisip si Jackie.









Si Jackie.










Yung taong mahal ko na papakasalan ko at pinangakuan ko ng "habang buhay".







Yung taong halos araw araw kong kasama for 7 years.










I have never been more scared in my life.





Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para kay Jackie.







Sinong hahawak sa kamay niya pag malungkot siya?




Sinong magpupunas ng mga luha niya?







Sino ang dadamay sakaniya sa sakit na mararamdaman niya?







Paano?





Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.




Akala ko yun na ang pinakamahirap na point sa buhay ko.




Pero may mas hihirap pa pala.















End of flashback...


Madilim na nung makarating kami sa harap ng bahay nila Jackie.



Masayang masaya siya at excited na nagkukwento tungkol sa bridal shower na inorganize ng mga kasama niya sa trabaho.





Pinilit kong ngumiti habang nakatitig sa maganda niyang mukha.




It's been a week mula nung nagusap kami ni Dr. Palma.



Sa isang linggong yun ay agad akong kumuha ng 2nd and 3rd opinion pero they both came back with the same result.






Isang bagay na lang ang kailangan kong gawin.







Hindi ko lang alam kung paano.











Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Jackie pero hindi ko kaya.






I can't break her heart like that.







I can't do it.








Kinuha ko yung kamay niya dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita at mapatingin sa akin.







"Do you know how much I love you?"


Halos pabulong na tanong ko habang tinitignan ang magkahawak naming mga kamay.



Wala akong lakas ng loob na tignan siya sa mga mata niya.








"Of course. Alam na alam ko naman. Kahit minsan nakakaasar ka at inaasar mo ako."


Sincere na sagot niya. Naramdaman kong hinawakan niya yung mukha ko tapos marahang iniangat iyon para tumingin ako sakaniya.










"And I love you too."



Sabi niya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigil.








"Magagalit ka ba sakin kung hindi ko matupad yung pangako ko?"



Tanong ko sakaniya. May pagtataka sa mga mata niya bago niya pinahid ang mga luha na kanina pa sunod sunod na bumabagsak.








Hinalikan muna niya ako sa noo bago hinalikan ng dampi sa mga labi.







Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya bago tinitigan ako sa mga mata.








"Alam kong susubukan mo sa abot ng makakaya mo na tuparin 'yon. Ganun ako nagtitiwala sayo."




Lalong parang dinudurog ang puso ko sa sinabi niya.




Wala nang mas sasakit pa sa pagpapaalam.





Pero mas may isasakit pa pala.
















Mas masakit magpaalam sa taong ayaw mong iwan pero wala kang magagawa kundi pakawalan.










"Sa abot ng makakaya ko."





Bulong ko.








Hanggang may bukas pang naghihintay saakin.









Hanggang sa huling "bukas" ng buhay ko.











"Mahal kita."


Bulong ko ulit sakaniya.












End.





















Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 624 32
vicejack short chat story .
1.7M 103K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
32.9K 203 28
Sila dito ay ginawa gawa ko Lang At dahil fans nila ako gumawa ako ng story Tungkol kay Ate @vicegandako At Kuya @pereziion27 i hope you are happy t...
1.7M 95.8K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...