Our Messy Hearts ✔

By ZuXiner

2.5K 1.1K 1K

Published Under Ukiyoto Publishing January 2022 [Completed] (This Version is UNEDITED) Arianne is a seventeen... More

MESSY HEARTS
Prologue
Chapter 1: Bump Him
Chapter 2: Unexpected
Chapter 3: Transferee
Chapter 4: Stay Away
Chapter 6: Overnight
Chapter 7: Sealed Kiss
Chapter 8: Cheers
Chapter 9: To Be My Side
Chapter 10: Cry On My Shoulder
Chapter 11: Smile
Chapter 12: Girlfriend or Heartbreak?
Chapter 13: Unknown Feelings
Chapter 14: It Hurts
Chapter 15: With Jonard
Chapter 16: Forbidden Feelings
Chapter 17: Be With You
Chapter 18: True Feelings
Chapter 19: Truth or Dare?
Chapter 20: Dancing with Him
Chapter 21: Happiness
Chapter 22: The Truth
Chapter 23: Revelation
Chapter 24: Be my Medicine
Chapter 25: Happiness and Pain
Chapter 26: This Can't Be
Chapter 27: His Dream
Chapter 28: The Past
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 5: Unknown Number

104 48 40
By ZuXiner

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 5

"Pssst, hali ka na rito," tawag sa akin ni Angela nang makarating ako sa loob ng classroom. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa tabi niya.

"Saan ka ba nagsusuot? Ba't di ka sumunod sa cafeteria?" tanong nito na panay tipa sa kanyang cellphone.

"Sumama kasi 'yong tiyan ko kaya tumagal ako sa CR kanina." I lied. Napahinto siya sandali sa pagtitipa at tumango na tila kino-convinced ang sarili.

"So, kumusta na ang 'TIYAN' mo?" tanong pa niya at in-emphasize ang salitang tiyan.

"Ayos na," tipid kong sagot. "Where's Marv?" Pag-iiba ko ng topic. Tinungkod ko ang kanang siko sa tapat ng bintana at nag-face palm.

"Sinamahan yung tatlo sa Dean's office." Sagot niya. Hindi na ako muling nagtanong pa. Tsk. As if naman tatanungin ko kung anong ginagawa nila doon. Hindi ko pa nakakalimutan ang insidente sa pagitan namin ni Jonard noong nakaraang gabi at naiinis din ako sa pagmumukha ng Louwiee na iyon. Hamakin mong sabihan akong lumayo? Eh ano pala ang ginagawa ko? Lumayo na ako, sila Marvie at Angela lang naman itong pumipilit sa akin. Nakakainis!

Napakunot ang noo ko nang makitang iniligpit ni Angela ang sariling gamit at saka tumayo, "oh, Arianne? Hindi ka sasama sa akin?" Tanong nito.

"Saan ba punta mo?" Walang buhay kong tanong.

"Nag-text sa'kin si Marv na doon nalang daw tayo magkita sa STEM Department. Malamang kasama niya yung tatlo." Tumango lang ako sa sinabi ni Angela. Sasabihin ko na sanang huwag nalang akong sumama pero kaagad niya akong hinila pababa ng I.T Building.

"Be gentle, Angela. Hindi 'yong manghihila ka nalang ng walang pasabi!"

"Ohwss, sorry, hihi." Ngisi niya at binitawan  ang kamay ko pagkarating namin sa STEM Department. Psh. Inayos ko pa muna ang blouse na suot ko dahil medyo gumusot ito.

"Hey Marv, anong meron ba't pinapunta mo kami dito?" Sigaw ni Angela pagkakita palang kila Marvie. Lumapit muna si Marv sa kinaroroonan namin saka sinagot si Angela. "Wala lang," ngumisi lang si Marvie ng nakakaloko. Tinitigan ko siya ng masama.

"Hinila pa ako ng bruhildang 'to pababa ng I.T Building tapos sasabihin mong wala lang?" I complained. Napangiwi naman si Marvie dahil doon.

"What? Ako, bruhilda? Wow naman beshy," hindi makapaniwalang tanong ni Angela.

"Are you deaf?" Dagdag ko para lalo siyang asarin.

"Me? Bingi? Bakit ano ba sinasabi mo ha?" Nanghahamon na saad ni Angela. Pfft~

"Chill lang guys, hahaha. Mukha kayong may dalaw na dalawa." Singit ni Marvie. Sakto namang dumating ang tatlo sa kinaroroonan namin kaya tumahimik kami ni Angela.

Naunang nakarating si Vixter at nakasunod naman sa likuran niya ang dalawang Fuentes. Blanko lang ang expression ni Jonard samantalang kanina pa ngiti ng ngiti si Vix. Model ba siya ng colgate?

"It's a tiring day, pwedeng huwag muna pumasok sa last sub? Nakakatamad." reklamo ni Vixter. Sinapo naman ni Jonard ang ulo ni Vix. "Mang-chi-chix ka lang, alam ko na 'yan." Ani Jonard. Imbes na bigyang pansin ang pag-uusap nila ay nasa-likod nila ang atensyon ko.

Napatitig ako kay Louwiee dahil sa usual poker face expression niya. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan pero bigla ko rin iyon iniwas nang mahuli niya akong tumitingin sa kanya. Ewan ko, pero mayroon sa loob ko na gusto kong malaman kung bakit ganyan siya. At isa pa, 'di ko talaga gets 'yong sinabi niya. Hindi naman sa bobo ako ah, nakakaintindi ako ng english pero hindi ko lang maunawaan kung bakit ganoon nalang ang gusto niyang layuan ko sila ng kapatid niya. Hindi ko naman sinasabing lumalapit pa ako. Nilalayo ko na nga ang sarili ko pero sadyang makapit nga lang ang dalawa na akala mo'y hindi nila ako kaibigan. Pakiramdam ko nga ay parang mas inilalapit pa nila ako sa dalawang mukong na ito.

One more thing, puwede naman kasing sabihin na 'Stay away from us Arianne because I can't help myself to fall in love with you', heller! Hindi ako si madam Auring para manghula.

"Uulan pa yata," ani Angela habang nakatingala. Mmmm, mukha ngang uulan. Kanina pa dumidilim ang langit.

"Wrong timing naman, paano na'yan?" reklamo ni Vix. Kunot ang noo ko siyang tiningnan.

"Maybe next time nalang natin ituloy ang pag to-tour guide namin sa inyo boys, uulan na 'ata e." Saad ni Marvie. So 'yun pala ang reason kung bakit kami pinapunta dito ni Marvie. Argh! Bakit kailangang isama pa ako?!

"If that's the case, then let's go. We still have class awaiting." Louwiee said, blankly. Isa pa itong hinayupak na'to. Kung hindi blanko at cold ang boses eh tipid pang mag salita minsan. Putspa! Kahit sino 'atang tao kakausap dito papanisan ng laway.

"Ayokong pumasok sa class, ituloy na natin ang school tour," ani Angela kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, fine." Pagbawi nito.

Naunang maglakad pabalik ng I.T Building ang lima. Nasa likuran lang ako dahil gusto ko muna ng peace of mind. Masyadong mabilis ang lahat sa akin. Hindi ko pa kayang i-absorb and I'm still confused. Hindi ko alam.

Mula sa likod ay pinagmasdan ko ang kabuohan ni Jonard. Malaki rin pala ang pinagbago niya. Mas naging masculine ang tindig niya. No, no, no, no! Erase it! Mahina kong tinapik ang magkabilaan kong pisngi. Damn, Arianne, kailan ka pa ba titigil? You look stupid.

"Stupid," Louwiee blurted ng makitang nakatingin na silang lahat sa akin. Literal na napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyong 'stupid' na sinasabi niya o sadyang napa-paranoid lang ako.

"It's all because your expression is so obvious." Dugtong ni Jonard na lalong nagpakunot sa aking noo. Ano daw? Sumang-ayon naman ang tatlo. Ha?

"It's okay bakla, mukha ka lang timang!" Pagtawa ni Angela. Mahina siyang hinampas ni Marvie.

"Tama na muna ang satsat guys, magsisimula na ang klase natin." Paglilihis ni Marvie ng topic kaya umakyat na kami sa second floor at pumasok na sa classroom.

As usual pagpasok pa lang namin ay ang mga maiingay na estudyante ang bumungad sa amin. Some are busy for other stuff and some are busy for their unimportant chitchat. Hindi pa nagsisimula ang klase. Ilang sandali pa ay dumating narin ang aming professor sa last period. Tulad ng nakasanayan ay nagpaliwanag lamang ito at nagbigay ng short quiz, assigments at saka kami idinismiss.

Mabilis natapos ang maghapong klase. Hindi ko nga alam kung sadyang ganoon nga ba kabilis ang araw o dahil sa atat na atat na akong matapos ang klase dahil gusto ko ng makauwi. Idagdag mo pa ang kagustuhang makalayo na muna sa kanya. I know it takes time for me to move on, pero ganoon naman talaga. Siguro after those sleepless night thinking about the past, na-realize ko din na maybe it's time for me to let it go. I mean to be happy for myself. Iyon nalang muna ang hahangarin ko sa ngayon— ang maging maayos ang lahat sa akin.

KASALUKUYAN akong nasa kwarto. Hindi ko alam kung itetext ko ba siya o kung huwag nalang. Tulad ng kagustuhan kong maging maayos ang lahat sa akin ay ang kagustuhang paglinaw ng relasyon namin ni Jonard. Hindi iyong maging kami ulit, I mean, iyong maging magkaibigan man lang kami o bumalik sa pagiging stranger. Ang hirap kasi na araw-araw mo nakikita iyong taong gusto mong kalimutan pero sa tuwing nakikita mo siya ay natatakot ka, kinakabahan at naiilang. I hate that feeling. Ayoko no'n. Gusto ko maging normal ang araw ko sa eskwelahan tulad ng dati. Tulad ng nakasanayan ko.

Nakahiga ako sa kama, tinititigan ang puting kisame na wari'y hinihintay na tulungan akong magdesisyon.

Naalala ko nang tanungin ako ni Angela kung mayroon ba akong number ni Jonard. Yes, mayroon ako. Nakasulat iyon sa aking talaarawan pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay ginagamit parin niya. Simula kasi noong araw na naghiwalay kami ay hindi ko na siya sinubukang kontakin pa.

I had this urge na kunin ang talaarawan ko subalit nagdadalawang isip parin ako.

Argh! Bahala na.

I was about to sleep kaya lang biglang nag beep yung cellphone ko. Oo nga pala may bago na akong cellphone. Hindi ko na nakuha 'yong vivo phone ko noong isang gabi sa mga asungot na humarang sa akin. Sayang din ang mga contacts ko doon.

Tiningnan ko ang aking phone. Nakita ko na mayroon message. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan iyon dahil iyong Smart o TM lang naman ang masipag na nagme-message sa akin. Kung hindi tungkol sa promo yung it-text eh sasabihing malapit na mag expired ang aking load o 'naubos na ang 1GB Data ko'.

Sa pagmumuni ay napag-desisyonan ko din na kunin ang aking talaarawan at hanapin ang numero ni Jonard. I got this! Para maging malinaw at maging payapa na ang utak at puso ko.

I type Jonard's number and write a message.

~Hello...~

Napailing ako at saka binura. Bakit ako mag h-hello? Baka sabihing papansin lang ako.

Muli akong nag-type.

~ Hey, it's Arianne. If you still using this number, I hope you will read it.~

Umiling ako ulit. Muli ko itong binura. Parang umasta naman akong tropa niya dito.

I let out a heavy sigh saka nagtipa muli sa keyboard.

~I know it's been a years, I know nakapag move on kana. Hindi naman na ako umaasa pa. Pero I love you, charoot. Gusto ko lang namang maging ayos na ang lahat. I just wanted to say thank you. Can we be friends?~

"Arianne! Lumabas ka nga d'yan sa lungga mo! Kanina pa kita inuutusan!" napa-igtad ako sa sigaw ni mama. Muntik ko pang maihulog ang hawak na cellphone sa kama. Nang tingnan ko ang screen ay nagulat ako. Aksidente kong napindot ang send button.

Pakining shit!

"Isa! Hindi ka parin ba lalabas!" Muling sigaw ni mama. Kung hindi nga ako nakauwi ng maaga ay hindi ko malalamang nakauwi na pala siya galing Palawan. Ang bilis naman niyang asikasuhin ang mga papers doon.

"Dalawa! Pag ito umabot ng tatlo, umayos kang bata ka!"

"Ito na po. Ito na!" Sigaw ko din. Iniwan ko ang cellphone sa kama na hindi parin makaget-over sa naisend kong message, huhuhu.

Binuksan ko ang pinto at bumaba, "May ghad anak, bilhan mo na nga ako ng sibuyas at bawang magluluto pa ako." Medyo stress na sabi ni mama. Nanlulumo akong humarap kay mama.

"Ma, katapusan ko naaaaa." Naiiyak kong saad. Kumunot ang noo ni mama subalit nawala din agad iyon at nanliit ang kaniyang mga mata.

"Magiging katapusan mo na talagang bata ka, kanina pa kita inuutusan! Ang niluluto ko dito!" Nakapamewang nitong sermon sa akin. Agad kong kinuha ang pera na iniabot niya sa akin bago tumakbo palabas ng bahay. Bahala na walang suklay suklay. Nakasuot lang din ako ng malaking T-shirt at short-boxer and then nakapaa lang. Wala ng ayos ayos baka mapalo na ako ng sandok ni mama kapag 'di pa ako bumili.

Nakarating na ako sa tindahan. Hindi naman malayo yung tindahan sa bahay kaya mabilis lang. Pagdating ko ay may batang kumatok sa tindahan, lumabas na din yung tindera.

"Ate, may colgate po ba kayo na happie?" Tanong ng bata. Napaisip din ako. Pfft~ Gagi! Colgate na nga happie pa! Hahaha.

"Wala na gang, yung mismong colgate nalang talaga." Sagot ng tindera.

"Ah okey po, pabili nalang po ng magic sarap," sabi pa nung bata. Shite! Natatawa talaga ako sa bata. Hahaha.

"May coolang sa height. Hindi ko sasabihin. May coolang sa height hindi ko sasabihin." Napalingon ako sa kumanta non. Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Jonard 'yon. What?! Bakit nandito siya? Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin. Tila hindi gumana ang utak ko sa kung ano ang dapat kong ireact.

Tumingin siya sa akin. Nakakahiya ang hitsura ko!

"Zipper mo bukas," mahinang saad niya na nababasa ko dahil sa pagbuka ng bibig niya. Agad namang akong napayuko at napatingin sa suot kong short. Halos matampal ko na ang sariling noo dahil wala naman pala akong zipper. Naka boxer short lang nga pala ako.

Bumalik ang tingin ko sa kanya at ang gago! Ang laki ng tawa niya. Bwesit!

Dahil sa kabwesitan at kahihiyan ko sa ugok na'to ay agad akong bumili ng pinabibili ni mama at walang sabing tumakbo paalis. Narinig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko pero nagkunwari akong hindi ko narinig at tumakbo na. Pero sa totoo lang ay narinig ko iyong sinabi niya.

"We're friends! Ingat ka, tanga ka pa naman!"

Doon ako napangiti. Masakit pero nakaramdam ako ng kaunting tuwa. Ibig sabihin nabasa niya iyong text ko at okay na kami. Ang sarap sa pakiramdam. Pero pakining shit! Nakakahiya ang I love you ko doon! Waaaaaaah! Erase that self. Kalimutan mo na iyon basta ang mahalaga ay gumaan kahit papaano iyong bigat sa dibdib mo.

Hindi ko alam pero nakangiti akong tumatakbo. Paliko na ako sa kanto nang matumba ako dahil sa lakas ng impact ng nakabunggo sa akin.

'Ouch! Gagi talaga' .

"Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan?!" Singhal ko habang nakayuko parin at pinagpagan ang sariling damit. Pagpag parin ako ng pagpag at dahil sa hindi naman nagsasalita 'yong taong nakabangga sa'kin ay iniangat ko na ang aking ulo.

"Tanga kaba o gago ka la—" nakita ko ang lalaking nakasuot ng white shirt. Medyo sweat iyon kaya bakat na bakat ang mga muscle niya sa katawan.

"Stupid," gulat akong napatitig sa kanya. Gagi, si — si Louwiee?

"Ikaw itong tumatakbo kaya imposibleng hindi mo ako nakita, ikaw ang tanga." Normal na saad nito. Natuod ako sa kinatatayuan nang lagpasan lang niya ako habang nakayuko at nakatingin sa kanyang cellphone. Argghh! Pisti kang hinayupak ka!

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong maliit na bato. Iyong super liit lang. Agad ko itong kinuha at ibinato sa kanya.

BOOM! SAPUL SA ULO AMPUTS! Pfft~ 

Lumingon siya sa'kin at halatang nanglilisik ang mga mata. Mabilis akong tumakbo pauwi dahil baka ano pang magawa niya sa akin kung tatagal pa ako doon. Anyway, he deserves it.

Pagpasok ko sa bahay ay binigay ko agad kay mama yung pinapabili niya. Mabilis akong umakyat ng kwarto at pasalampak na humiga sa kama. Bwesit! Nakakahiya.. Nakakainis talaga, nakakainis lang! Sarap ihampas 'tong electricfan sa pagmumukha ng dalawang Fuentes na iyon lalo na sa Louwiee na iyon. Argghh! Nakakainis!

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa sobrang kahihiyan at inis. Napahinto ako sa ginawa kong paggulong dahil sa bilis at lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

Bakit kaya kahit ganoon ay bumibilis ang tibok ng puso ko? Dahil ba sa ugok na Jonard na iyon o dahil sa hinayupak na Louwiee na 'yon? Shit! Napapangiti ako. No! Ipina-realize ko na sa sarili ko na hindi ko na muling gugustuhin pa si Jonard at mas lalong wala akong gusto kay Louwiee. Shit, shit, shit!

'Wag ka ngang OA Iresh.' pagkukumbinsi ko sa isip. I let out a heavy sigh. Tumakbo ka ng mabilis kaya natural ganiyan kabilis pagpintig ng puso mo. 'Yon na yun, wala ng ibang kahulugan pa.

Bumangon ako at ini-on ko nalang ang aking audio player. Kailangan maibaling ko sa iba ang atensyon ng pag-iisip ko dahil kung hindi ay mababaliw na yata ako.

~I'm always here to love you
No matter what, even it hurts me too~

Pagkarinig ko palang ng lyrics ay naitakip ko agad ang unan sa mukha ko. Naiiyak ako na hindi ko alam. Magkahalong lungkot, inis, kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. My emotions right now are all mixed. I don't know what to think.

Bumalik ako sa suhesyon nang marinig ang pag-beep ng aking cellphone.

From: Jonard

Ang cute mo pala pag naaasar :)

Why? B-bakit ako napapangiti? Simpleng text niya lang naman iyan pero bakit? Kyaaaaaaaaaah! Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa inis. Hinagis ko yung cellphone ko sa kama at hindi na nagreply pa.

Nag beep ulit ang cellphone ko. Pisti talagang Jonard 'to. Arghh!

Pahiga kong kinuha ulit ang cellphone at ini-open ang text message.

From: +63907545*****

Stupid

"Aray!" Nabitawan ko ang hawak na cellphone dahil sa gulat. Shit sumakto pa talaga sa mukha ko, huhu.

Hinimas himas ko pa ang ilong ko bago nagreply sa unknown number.

To: +6397545*****

Who the hell are you?

Sent ✔

Ilang minuto pa akong naghintay na mag reply 'yong unknown number sa'kin pero halos tubuan na ako ng lumot sa pwet dahil hindi parin ito nagre-reply. Bumangon nalang ako at pumasok sa banyo para maligo.

After fixing myself, bumalik na ako ng kuwarto para gawin ang mga assignment. Kinuha ko ang mga libro at notes ko sa study table at dinala ito sa kama para doon gawin. Nang umupo na ako sa kama ay sakto namang nag-beep ang cellphone ko doon kaya kinuha ko agad at tiningnan. Hindi naman ako masyadong excited, ano?

From: +6397545*****

LF, stupid.

Naguguluhan kong binasa ang mensahe. Anong LF? Loloy Fierre? Layla Fantastic o LuciFer? 

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]