KINABUKASAN
KAHARIAN NG NIYEBE
ETHER'S PROVERBS
Heto na nga ang araw ng pinakahihintay ko ang pagpapalaya ni Ravana mula sa pinakailalim na bahagi ng Balaak itinaas ko ang septreng ibinigay niya kay Lucio at sinumulan ko na ang aking ekantasyon.
ETHER:Gamit ang septre ng pinakamakapangyarihang Bathaluman inuutusan kita na palayain si Ravana at ang kanyang mga hukbo mula sa pinaka-ilalim na parte ng balaak nang saganon ay masimulan na ang aming paghihiganti sa mga Diwata!
Lumiwanag ang septre at may nabuong lagusan saka nagsilabasan ang mga hukbo ni Ravana ilang sandali lang ay lumabas na ang Bathaluman saka nagsara ang lagusan.
RAVANA:HAHAHA!sa wakas nakalaya na ako avisala eshma sa iyong tulong Ether!
ETHER:Tinupad ko lang ang ating usapan,ngayon na malaya ka na maari mo nang buhayin ulit si Agatha at Lucio!
Saka inabot ang kanyang septre at kinuha naman niya ito kaagad.
RAVANA:Natutuwa akong sundin ang iyong nais!
Itinaas ni Ravana ang kanyang septre at nagpakawala ng kakaibang enerhiya ako ay labis na namangha sapagkat wala man lang siyang binanggit na enkantasyon at nabuhay ulit si Agatha at Lucio.
ETHER:Avisala mga pinakamamahal kong Hara at Rama!
AGATHA AT LUCIO:Avisala Bathalumang Ether!
RAVANA:Natutuwa akong makita kayong muli Agatha at Lucio!
Saka yumuko ang dalawa kay Ravana bilang pagbibigay pugay..
AGATHA:Ngayon na nagbabalik na kami ni Lucio simulan na ba natin ang ating paghihiganti?
ETHER:Hindi muna sapagkat nais kong masopresa ang mga diwata!
RAVANA:Tama si Ether nais ko rin na maging mas malakas kayo nang saganon ay magiging patas ang laban.
LUCIO:Bibigyan niyo ba kami ng karagdagang kapangyarihan?
RAVANA:Oo,bibigyan ko kayo ng karagdagang kapangyarihan
AGATHA:Avisala eshma Bathaluman.
RAVANA:Kung ganon ay magsihanda na kayo!
Walang pag-aalinlangan ay nagpakawala ng enerhiya si Ravana para kay Agatha at Lucio at bigla nalang nawalan malay ang dalawa.
ETHER:Anong ginagawa mo sa kanila?Bakit sila nawalan ng malay?
RAVANA:Huwag kang mag-aalala Ether magigising din ang mga iyan pagkatapos ng ilang sandali!
GENERAL'S PROVERBS
Masayang nag-agahan ang mag-anak pagkatapos nilang kumain ay bumalik ang pamilya ni Pirena,Amihan,Danaya,at Lira sa kanilang mga kaharian upang makapaghanda dahil napag-usapan nilang magtungo sa mundo ng mga tao sapagkat medyo matagal na panahon na rin ang nakalipas ng huli silang nagpunta doon at sasanayin din ang mga batang sangre kung paano pamahalaan ang kanilang kompanya.
KAHARIAN NG HATHORIA
ALANA'S PROVERBS
Nandito ako sa aking silid tapos na akong maligo at magbihis ang kulang nalang ay make-up hindi naman maaaring lumabas ako ng walang kilay ano siyempre kilay is life hahaha..malapit na akong matapos nang sumigaw si Ate.
MIRA:Alana bilisan mo na diyan dahil ikaw nalang ay hinintay!
ALANA:Heto na po lalabas na,Ate naman may taxi nagmamadali ganon?!
MIRA:Wala naman likana,nga!
ALANA:Sige po, si Kuya Angelo?
MIRA:Nagtungo na sa labas kasama nila Yna.
ALANA:Ganon po ba hehe..😅
Ginamit na namin ang ivictus para madali kaming makalabas ang laki kaya ng palasyo para maglakad pa kami.
PIRENA:Mabuti naman na nakalabas na kayo,sila Amihan at Ybrahim andon na sa Lireo.
ALANA:Hehe..poltre po Yna na medjo matagal ako..
MIRA:Make up pa more...(Pabulong niyang sabi)
ALANA:Luh..grabe siya o.. ikaw din po naman..
AZULAN:Tama na iyan,mabuti pang magtungo na tayo sa Lireo.
ANGELO:Mabuti pa nga..
Saka nag-ivictus kami patungong Lireo...
KAHARIAN NG ADAMYA
ADAMUS' PROVERBS
Tapos na rin akong magbihis ng kasuotang pang tao kaya nagtungo na ako sala pagdating ko doon ay si Ama palang ang nandoon naka-upo sa sofa at umupo na rin ako.
ADAMUS:Si Yna po?
MEMFES:Nagbihis pa yata,antayin nalang siya natin dito.
ADAMUS:Sige po.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin si Yna dito sa sala.
ALENA:Poltre,na natagalan akong magbihis.
MEMFES:Naunawaan namin Mahal.
ALENA:Avisala eshma sa pag-unawa,siya nga pala andon na sila Amihan at Pirena sa Lireo kaya magtungo na tayo doon..
Tumango naman kami bilang pagsangayon saka nag-ivictus na kami para makarating sa Lireo.
KAHARIAN NG NATHANIEL
DASHA'S PROVERBS
Nasa aking silid ako ngayon inaayusan ang aking sarili sapagkat ang hirap lumabas kapag hagard ka ano hahaha..charot..sa wakas nasa last step na ako ang paglalagay ng lip gloss at kinuha ko ang aking bag then pumunta sa punong bulwagan saka nadatnan ko si Ama at Yna na nag-aantay sa akin.
DASHA:Avisala eshma po sa paghihintay sa akin,kanina pa po ba kayo diyan?
DANAYA:Walang anuman iyon anak,hindi naman wala pa kaming sampung minuto dito.
DASHA:Hehe...😅
AQUIL:Pumunta na tayong Lireo hinihintay na tayo doon.
DASHA:Sige po..
Saka nag-ivictus na kami papuntang Lireo.
KAHARIAN NG LIREO
CASSANDRA'S PROVERBS
Kasalukuyang nasa sala kami ngayon nila Yna,Tito Paopao,Ila Amihan, at Ilo Ybrahim naghihintay sa aming mga ibang kamag-anak na dadating ilang sandali lang ay dumating na sina Ila Pirena,Ilo Azulan,Ashti Mira,at Alana pagkalipas ng ilang segundo ay dumating si Ila Alena,Ilo Memfes,at Adamus pagkatapos ay sila Ila Danaya,Ilo Aquil,at Dasha.
LIRA:Ngayong kumpleto na tayo ay magtungo na tayo sa Asnamon.
CASSANDRA:Excited na akong pumunta ulit sa mundo ng mga tao ano na kaya ang itsura doon?
PAOPAO:Magandang katanungan iyan Cassandra kaya tara na!
Walang pag-aalinlangan ay nag-ivictus na kami patungo sa puno ng Asnamon at binuksan na ni Yna ang lagusan nang makalabas na kaming lahat ay sinara naman ito ni Ila Pirena.
MUNDO NG MGA TAO
PIRENA'S PROVERBS
Pagtungtong namin sa plaza kung saan naroroon ang puno ng Asnamon ay agad kong nakita ang aming istatwa na pinatayo ng Presidente bilang parangal sa amin sa pagligtas ng kanilang mundo kung tutuusin ay maliit na bagay lang iyan pagkat parte sa aming tungkulin na protektahan ang bawat lahi ngunit para sa mga mortal ay iyan ay napakalaking bagay pagkat hindi pangkaraniwang para sa kanila ang naganap sa kanilang mundo.
ANGELO:Pagkatapos ng mahabang panahon andito ulit tayo,tila halos wala yatang nagbago liban sa istatwang nakatayo dito sa plaza.
Sabi ng Rehav habang inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid.
PIRENA:Siyang tunay at tandang-tanda ko pa ang mga nangyayari noon,umaasa ako na hindi na iyon mauulit.
DANAYA:Ako din naman siya nga pala mabuti pang bumili na tayo ng pagkain natitiyak ko na hindi nakapaghanda sila Ate Choleng dahil di nila alam na dadating tayo.
ALENA:Mabuti pa nga sa mall na tayo bibili ng pagkain di ba?
AMIHAN:Sige,ba at siya nga pala sino ang mauuna sa bahay?
MIRA:Kami na po nila Lira Ashti Ada at kami nalang din ang magset-up ng table at magdadala ng mga gamit.
ALANA:Sasama na po kami nila Adam,at tutulong na rin kami sa pagset-up
ALENA:Sige,at mag-iingat kayo sa pag-uwi.
ADAMUS:Sige po...
At naglakad na palayo ang mga batang sangre upang maghanap ng sulok kung saan walang tao nang saganon ay magamit nila ang ivictus nang makalayo na sila ay naglakad na rin kami upang maghanap ng sulok kung saan walang tao para maka-ivictus kami pamunta sa mall.
Maari naman kaming sumakay ng taxi ngunit hindi namin nais na ma stuck sa traffic dahil sayang ang oras.
Pagdating namin sa mall ay naisipan namin na maghiwa-hiwalay nang saganon ay mas mapadali ang aming gawain kami nila Amihan,Alena,at Danaya ang bibili ng pagkain habang ang mga asawa namin ang bibili ng mga maiinom kasalukuyan kaming magkasama ni Amihan papuntang Shakey's habang sila Alena at Danaya naman ay papuntang Krispy Kreme napag-usapan din namin na pagkatapos naming mamili ay sa grocery na magkikita sa tapat ng entrance.
Nang matapos kaming mamili ni Amihan ay agad kong tinawagan si Alena upang tanungin kung tapos na rin ba silang mamili.
PHONE CONVERSATION
ALENA:Hello Pirena..
PIRENA:Tapos na ba kayong bumili ng doughnuts ni Danaya?
ALENA:Oo at nasa grocery na nga kami sa tapat ng entrance.
PIRENA:Ang bilis ah..
ALENA:Naman at wala naman masyadong tao sa krispy kreme...
PIRENA:Baka natatakot sa inyo ang mga tao!😆
pang-aasar ko at natatawa naman si Amihan saka sumabat si Danaya sa usapan..
DANAYA:Warka narinig ang sinabi mo naka speaker phone ka!
AMIHAN:Hahaha!😆😆,nakaspeaker phone din naman kayo dito,sige na pamunta na kami diyan!
DANAYA:Sige..bye!😊
PIRENA:Bye..😊
Saka binaba ko na ang cellphone ko..
Nakarating na rin kami sa grocery at nandoon na rin ang mga asawa namin tapos ay naglakad na sana kami papuntang parking lot pero may mga teenagers na lumapit sa amin.
GIRL1:Hi po pwede po bang magtanong?
MEMFES:Oo naman,at anong nais mong itanong?
GIRL1:Kayo po ba iyong sinasabi nilang bayani na nagligtas sa aming mga tao limang taon na ang nakalipas?
AZULAN:Oo at avisala eshma sa pagtawag niyo sa amin bilang mga bayani ngunit parte na ng aming tungkulin na protektahan ang bawat lahi.
GAY1:So totoo po ba na kayo ay mga encantado?
YBRAHIM:Oo kami ay mga encantado mula sa iba't-ibang lahi siya nga pala bakit niyo ba natanong ang mga iyan?
GIRL2:Kasi po heto po kasing kaibigan namin ay fan na fan niya po kayo,ako rin po!
GAY2:Tama po siya ang gaganda at popogi niyo pala in person,alam niyo po may ginawa po kaming fan page para sa inyo!😁
AQUIL:Kung ganon ay salamat na iniidolo niyo kami,siya nga pala paano niyo nalaman na kami iyon?
GIRL1:Dahil po iyan kay google at kasali din kami sa mga inilikas niyo pero maliliit pa kami noon, at pwede po bang magpa-picture!😁
MEMFES:Oo naman!
Picture...
Picture...
Picture...
GAY1:Thankyou po!😁
PIRENA:Welcome at ingat kayo palagi!
GIRL2:Kayo din po! (Saka naglakad na palayo ang mga paslit)
Sa wakas makapunta na rin kami sa parking lot at walang pag-aalingan ay ginamit na namin ang ivictus upang makarating sa aming tahanan.
FORBES PARK TAHANAN NG MGA DIWATA
AMIHAN'S PROVERBS
Pagdating namin sa aming tahanan ay agad kaming sinalubong nila Ninang Choleng,Tito Jigs,Raquel,Evelyn at iba pa naming mga tauhan nagkumustahan kami pagkatapos ay nagtungo kami sa hardin dahil doon sinet-up nila Lira ang mga plato at kubyertos inilapag agad namin ang mga pagkain sa mesa at masaya namin itong pinagsaluhan.
RAQUEL:Nako mam totoo nga ang sinasabi nila na hindi kayo tatanda,dahil wala pong nagbago sa inyo ang babata niyo pa rin tingnan at hindi rin kumukupas ang kagandahan at kakisigan ninyo!😊
AMIHAN:Avisala eshma kayo din naman Raquel ang gaganda at ang kikisig niyo pa rin.
RAQUEL:Pero wala pa rin pong makakatalo sa kagandahan niyo.
LIRA:Ate Raquel kahit ano po tayo wala pong lamang sa atin pantay-pantay tayong lahat tandaan niyo po iyan.
RAQUEL:Salamat po Mam Lira.
CHOLENG:Alam niyo,pinag-usapan namin kanina na kinasal na po pala kayo Mam Alena at Sir Memfes,congratulations po.
ALENA AT MEMFES:Maraming salamat.
ADAMUS:Alam niyo po bukang bibig ko po kayo kanina dahil labis-labis ang kasiyahan ko na mag-asawa na po kayo Ama,Yna.
MEMFES:Kami din naman ni Alena labis labis din ang aming kasiyahan.
PAOPAO:Halatang-halata nga po eh.. kasi hindi nawawala ang mga ngiti niyo sa inyong mga labi.😊
CASSANDRA:Ganyan talaga kapag nagmamahalan,pag-ibig nga naman!😊
ALANA:Siya nga pala Cassandra kailan ka ba magpapaligaw kay Argo? halatang halata na may gusto siya sa iyo! ayyiie..😍
CASSANDRA:Hindi ka nga kinilig ano 😑,hindi mo pa nga sinasagot si Juno.. hahaha..😆
ALANA:Hindi ah.. hindi kaya siya nanliligaw sa akin magkaibigan lang po kami..
ANGELO:So gusto mo bang magpaligaw kay Juno? Halatang-halata rin na rin na may gusto siya sa iyo.. hehehe..😆
ALANA:Pinagtutulungan niyo talaga ako ano..😑
ADAMUS:Hahaha..iyan kasi na back to you tuloy hahaha..😆
DASHA:Tumigil ka nga diyan Adam baka magkapikunan pa tayo kung ako pa sa iyo ay ligawan mo na si Vanessa! hahaha..😆
ADAMUS:Huy!bakit napunta si Vanessa sa usapan?hindi naman siya kasali dito!😑
MIRA:Iyan naman kasi hahaha,may pa back to you pang nalalaman hahaha!😆
ALANA:Hahaha..back to you Adam!😝
At napakamot nalang sa ulo si Adam at nagtawanan nalang kami sa tinuran ng mga Diwani at Rehav pagkalipas ng mahabang oras ng pagsasaya kasama ang aming mga kaibigang mortal ay naisipan na naming magpahinga pagkat maaga pa kami sa opisina bukas.
ITUTULOY...