Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 2

8.6K 249 8
By NhamiTamad

Chapter 2
Fried chicken
      
       
        
            
Adi's POV
            
         
"Class dismissed" salitang kanina ko pa hinihintay. Uwing uwi na kasi ako. I feel exhausted sa first day ko pa lang dito. Kailangan kong ipahinga yung tenga ko. Kanina pa kasi nabibingi dito sa mga katabi ko.

Tumayo na ako at kinuha lahat ng gamit ko. Ilalagay ko muna to sa locker. Nung lunch break ko lang kasi nakuha yung susi.

"Saan ka pupunta adi?" Tanong ni kris

"Uuwi na. Pero dadaan muna ako sa locker room, ilalagay ko tong mga gamit ko." Sagot ko

"Gusto mo samahan ka namin?" Suhestyon naman ni ryle

"Hindi na. Kaya ko naman" sagot ko sabay smile na tipid

Bakit ba ang fc ng mga to?

"Sigurado ka? Maraming students dun, mahihirapan kang dumaan" pamimilit ni ryle

So kung sasamahan niyo ko, makakadaan ako? Edi mas lalong sisikip dun kasi sasama pa kayo. Hays!

"Sige na, alis na ako. Bye" hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at lumabas na ako.

"Sige, bye adi! See you tomorrow" pahabol niya

Naglalakad na ako ngayon papuntang main building, kasi nandun yung locker room. Kahit iba iba yung building ng bawat department, iisa lang ang locker room. Kaya siguro sabi ni ryle na madaming tao dun.

Hindi ko maiwasang mailang habang naglalakad ako, bakit ba titig na titig sila saakin? May kasalanan ba ako? Sa pagkakatanda ko first day ko palang dito.

Narating ko ang locker room at tama nga si ryle, ang daming tao. Siguro kalahati ng students ng AU, andito. At titig na titig yung iba saakin yung iba naman mukhang walang pakialam.

Hindi ko na lang pinansin, at hinanap ang locker ko. Number 207 yun, kulay yellow dahil 2nd year. May apat kasi na kulay dito. Green para sa 1st year, yellow samin, blue sa 3rd year at red naman yung sa fourth year.

Tumungo ako dun sa side na yellow lahat ng locker at hinanap ang number 207. Hindin naman ako nahirapang maghanap kasi magkakasunod yung numbers ng mga locker.

Binuksan ko na to, at nilagay yung mga gamit ko sa loob. Kailangan kong magmadali, dahil hindi ko talaga matagalan ang mga titig nila sakin.

Pagtapos kong inayos lahat ng gamit ko sa loob, sinara ko na at nilock ulit. Pero nagulat ako pagsara ko ng pinto may limang babae na ang nasa tabi ko at nakatingin sakin ng masama.

Ang kapal ng mukha--ay make up nila. Yung bang mga babaeng cheerleaders sa mga american movies. May ganon pala dito? Actually may ganon din sa dati kong school sa france. Pero hindi tulad ng mga to. Parang sumobra ata sa make up. Akala mo sasabak sa beauty pageant, at yung mga damit nila hindi mo masasabing sexy, Malaswa ang dapat ipang describe.

"Hi newbie" bati sakin ng nasa gitna.

Newbie? Sinong newbie?

"Ikaw yung bagong students na galing sa australia diba?" Tanong naman ng isa

Australia? Kailan pa ako nag aral sa australia? Ano ba tong mga to, makikichismis na lang, mali mali pa.

"2nd year engineering student ka diba?" Tanong naman ng isa

Eto na naman ako, sumasabak sa interview. Aiish!

Poker face lang akong nakatingin sa kanila, hindi ako sumasagot sa mga tanong nila. At wala din akong planong sagutin ang mga tanong nila. Gusto ko ng umuweeee!!!

"Kung ako sayo miss, mag shift ka na ng course mo. Hindi mo kilala ang mga classmates mo, at baka mag sisi ka pa sa huli." Sabi sakin ng babaeng sa gitna ulit

Anong pinagsasabi ng babaeng to. Bakit niya ako inuutasang mag shift? Kilala ko ba siya?

Malamang hindi ko pa kilala mga classmates ko kasi bago lang ako diba? Bobo ka teh? At isa pa wala rin akong balak kilalanin sila. Nandito ako pa ra mag aral, hindi para kilalanin lahat ng students dito.

"Okay" sagot ko na lang, wala akong ganang mag isip ng isasagot ko. Baka kasi humaba pa ang usapan namin.

Lumakad na ako at lalampasan ko na sana sila ng hinigit nila ang kamay ko at hinarap ulit sa kanila

"Kinakausap ka pa namin, wag kang bastos" sabi ng babaeng nasa side, yung humawak sa kamay ko.

Oh come on! I don't like this shit!

"Wag na wag mong talikuran si vivian pag kinakausap ka niya!" Sabi naman ng isa na nakataas ang kilay

"Nagmamadali kasi ako, kailangan ko na kasing umuwi" sagot ko at tatalikod na sana ulit ng hawakan nung  babaeng nagsabi na galing akong australia ang buhok ko. Hindi pa naman niya ako sinasabunutan pero feeling ko pag gumalaw ako, hihilain niya na to.

Ano ba klaseng buhay to! Unang araw ko pa lang dito, mapapaaway na ako, wala namang akong ginagawa. Baliw ata ang mga to.

"Away oh! May away"

"Wala talagang pinapalampas yang si vivian. Pati bagong estudyante inaaway"

"Kawawa naman siya. Bago pa lang siya dito, napagtripan na siya agad ng limang yan"

"Oo nga. Eh mukhang wala naman ginawa sa kanila yang babae"

Mga bullies pala tong mga to. Mukhang hindi bagay sa kanila ang role na yun. Mukha kasi silang coloring books.

"Guys! Anjan na sila"

"Ano? Eh diba hindi naman ganitong oras sila pumunta dito?"

"Baka nagmamadali sila, kasi may bubugbugin na naman"

"Alis na tayo dito"

"Oo tara na."

Sino kaya tong sinasabi nila parating?

"Hey! We're talking to you" hindi ko napansin yung mga pinagsasabi nila. Busy kasi akong nakakinig sa mga bulungan ng mga students na nasa gilid namin.

Humarap ako sa nagsalita, ganon parin ang posisyon namin, hawak hawak parin ng isa ang kamay ko at hawak naman ng isa ang buhok ko.

Pano ba ako makakaalis dito ng hindi napapaaway?

Busy parin sa pagsasalita tong mga coloring book nato. Pero ni isa wala akong naintindihan kasi busy ako sa kakaisip kung pano ako makakalis dito ng matiwasay ng may biglang sumigaw

"ADI!!!!!" Sigaw ni kris na naka smile

Anong ginagawa ng mga to dito?

"Yung mga engineering 2, umalis na tayo dito" parang natatakot na sabi ng isa sa kanila.

"You're lucky little bunny. But next time, hindi na" maarteng sabi nitong vilain ata ang pangalan? Ay ewan ko!  basta v yung nasa unahan.

Nagmamadaling umalis ang limang coloring books na paramg walang nangyari. At saktong namang malapit na ang mga classmates ko.

"Anong ginawa ng mga yun sayo?" Tanong ni kris pagkalapit niya sakin.

"Oo nga, anong ginawa ng mga mangkukulam na yun sayo?" Tanong naman ni ryle na hindi ko namalayan na nasa tabi ko ng pala.

"Kinausap ako, bakit?" Balik ko ng tanong sakanila

"Wag kang lalapit sa mga yun, mga mangkukulam sila" seryosong sabi ni ryle. Tama ka, mga mangkukulam sila

"Anong pinag usapan niyo?" Si fred naman. Andito pala silang lahat, ngayon ko lang napansin

Tsismosa karin no? Bakit gusto mo pang malaman?

"Ang sabi ko, Kinausap nila ako. Sila lang ang kumausap saakin, kaya hindi kami nag usap" walang ganang sagot ko. Inemphasized ko pa yung word na kinausap.

"Ay, Barado!" Pagpaparinug ni ethan sa kanya.

"Sinong barado? Hindi ako inidoro!" Seryosong sabi ni fred at tinignan ng masama si ethan, kaya nagtawanan na naman ang mga loko na akala mo walamg ibang tao dito sa locker room. Kahit ako gusto ko rin tumawa sa naging sagot ni fred, kaso wag na lang, tinatamad ako.

"Sige na, mauna na ako sa inyo, bye" paalam ko at nagumpisa ng maglakad paalis. At pagdaan ko sa harap ni zachary, napansin kong nakatitig siya sakin, at parang binabasa ang mukha ko.

Ang weird talaga ng lalakeng to.

Tumingin ako sa kanya saglit, at bigla na lang niyang inalis ang taingin niya sakin.

Weird talaga.

Paglabas ko ng locker room, dumeretso na akong ng parking lot sa labas ng gate, nag text kasi si kuya magnus na susunduin niya ako. Kasi hanggang 5pm lang daw sila sa opisina, at 4:45 pa naman, kaya okay lang kahit hindi ako magmadali.

Tinatahak ko na ngayong ang malawak na field ng school. Dito na lang ako dadaan para makita ko ang kabuuan ng AU.. luminga linga ako sa paligid para kabisaduhin ang buong campus ng mapapad ang tingin ko sa isang lalake na nakaupo sa bench di kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Parang nakatingin siya sakin. Hays! Kailan kaya titigil sa kakatitig sakin ang mga estudyante dito? Baka maubos na yung ganda ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, baka nandun na kasi si kuya magnus.

Paglabas ko saktong dumating din si kuya.

"Adi, let's go" binuksan lang ni kuya ang bintana ng drivers seat para tawagin ako. Kaya lumapit na ako sa kotse niya at binuksan na ang pinto ng passengers seat.

"Bakit ang aga niyong umuwi?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko.

"Gusto ko kasi ako ang sumundo sayo ngayon, namiss ko kasi ang sinusundo ko pagkauwi mo galing school" sagot ni kuya sakin bago niya pinaandar ang kotse

"Aaaww.... namiss ko rin ang ganito kuya, iiyak na ba ako?" Sabi ko na parang na touch sa sinabi niya. Actually natouch talaga ako at namiss ko rin ang ganito. Pero gustong gusto kong pagtripan tong si kuya eh, pikonin kasi to. Ha! Ha! Ha!

"Tigilan mo ko sa paganyan ganya mo Adrianne ah! Seryoso ako" oh kita niyo! pikon na agad. Tsk! Tsk!

"Hahahaha!! Si kuya naman hindi na mabiro, syempre namiss ko rin to." Natatawang sabi ko.

"Ewan ko sayong bata ka!" Seryosong sabi niya at deretso lang ang tingin sa daan

"Galit ka kuyaaa??" Nagpapacute kong sabi.

Pag sila kuya ang kasama ko, doon ko lang talaga napapalabas ang tunay kong ugali, nakakahiya mang aminin pero pabebe akong tao, pero sa mga kamag anak ko lang. HAHAHA...Ako kasi ang nag iisang babae sa aming lahat, ang mga kuya ko at lahat ng mga pinsan ko puro lalake. At ako rin ang pinaka bunso sa lahat. Akala nga ng grandparents namin hindi na sila magkakaapo ng babae, kaya nung pinanganak ako, tuwang tuwa sila, muntikan pa nga daw silang magpafiesta sa amin eh. Hindi kasi sila nagka anak ng babae, kaya sabi nila sana kahit sa apo nalang nila may babae. Kaya ng pinanganak ako, sobrang alaga silang lahat sa akin. Prinsesang prinsesa ang buhay ko. Kaso nga lang dahil puro lalake lahat ng kapatid ko at mga pinsan ko, kamuntikan na akong maging prinsipe. HAHAHAHA.. lahat kasi ng laruan ko puro panlalake, gusto ko kung anong meron kila kuya, meron din ako. Ayaw din kasi nila akong payagan maglaro kasama ng ibang bata, kasi baka daw makakuha pa ako ng kung anu-anong sakit galing sakanila. Kaya sila kuya lang  ang kadalasan na kalaro ko. Buti na lang nagkaroon na ako ng kaibigan na babae sa school kaya hindi na natuloy. Hahahaha

"Adi? Adi!? Adrianne!" Biglang sigaw ni kuya. Hindi ko napansin na kinakausap niya pala ako.

"Y-yes kuya?" Gulat na sagot ko

"Kanina pa ako salita ng salita, hindi ka pala nakikinig, ano bang iniisip mo at parang ang lalim?" Naiinis na tanong niya

"Bakit kuya na measure mo ba kung gaano kalalim ang iniisip ko?" Natatawang sabi ko. Hahaha

naku adi, lagot ka nanaman.

"ADRIANNE!" May diin na sigaw niya

"Si kuya naman hindi na mabiro, hehe peace na" sabi ko at nag peace sign with smile na pilit.

"Ano pala yung sinasabi mo sa akin kanina kuya?" Tanong ko na lang, para mawala yung galit niya sakin.

"I was asking you kung pano ang first day mo kanina sa AU, but it seems you're not interested. Mukhang mas importante pa yang iniisip mo."walang ganang sabi niya.

Ay, nagtatampo si keye

"Si kuya naman oh! May naalala lang ako kanina, at hindi ko napansin na kinakakausap mo ko. Sorry na kuya, pls.." sabi ko with matching puppy eyes.

"Tss" yan lang ang sinabi niya. Kailan pa kaya naging ahas ang kuya ko. Mahigit isang taon lang ako nawala dito, naging ahas na siya. Hays!

Tumigil na ako sa pangungulit kay kuya, baka samain nanaman to, baka hindi ako makakain ng paborito ko, gusto ko kasi kumain ng fried chicken, at plano kong magpabili sa kanya, kaya behave na lang muna ako. Mwahahaha

Dumating na kami sa bahay at nauna na akong pumasok, kasi nagpapark pa si kuya, kaya hindi ko na siya hinintay.

Pagpasok ko sa bahay bumungad sakin ang mga pinsan ko. Lahat sila andito maliban lang pala sa dalawa, si kuya josh at kuya kurt, 4th year students din kasi sila sa AU gaya nina kuya Ali at kuya xander.

"Baby adi" bati sa akin ni kuya jax. Ang pinaka matanda saming magpipinsan, hindi naman as in matanda talaga, 28 pa lang siya. Anak siya ng pinaka panganay kila papa, si tito Gab, si tito Francis ang sumunod at bunso si papa. Bale tatlo lang silang magkakapatid.

"Adi, pasalubong namin" sabi naman ni kuya Mike na lumapit sakin at yumakap din, gaya ng ginawa ni kuya jax. Siya ang panganay na anak ni tito francis.

"Ay, pasalubong lang pala ang pinunta nyo dito, akala namiss nyo ko" sabi ko habang nakapout

"Ako adi namiss kita" si kuya peter, at tumakbo palapit sakin habang naka amba ng yakap. "Pasalubong ko ah?" Dagdag niya pagkabitaw sa yakap sakin.

"Ay, naiinis na ako! Hindi ko na ibibigay sa inyo ang pasalubong niyo"
Nagmamaktol na sabi ko at naglakad sa malapit na sofa at pabagsak na umupo.

"Ayan, ginalit niyo na! Wala na kayong pasalubong. Hahahaha" natatawang sabi ni kuya ryan, anak din ni tito gab, pangalawa kay kuya jax. Apat silang magkakapatid, sumunod si kuya Gabby at bunso nila si kuya kurt.

"Wag niyo kasing inaaway si adi, tama ka adi wag mo silang bigyan ng pasalubong. Ako na lang, san na yung sapatos ko" sabi ni kuya Gabby at umupo sa tabi ko. Ayaw talaga nila akong tigilan. Aiish!

Sumandal ako sa sofa at humalukipkip at tsaka nag pout.

"Ayan, ginalit niyo na si adi, wala na tayong pasalubong" si kuya mike habang tumatawa

Ewan ko sa inyo, iniinis niyo ko. Itatapon ko na talaga ang pasalubong niyo. Hmp!

"Naku! Matindi tinding suyuan nanaman ang gagawin niyo nyan." Sabi ni kuya magnus pagkapasok sa bahay. Tumatawa rin siya

"Pano na yan, kung galit na sa atin si baby adi, sino na ang kakain ng inorder nating fried chicken? Ang dami pa naman non" sabi ni kuya jax na parang nanghihinayang.

Biglang lumaki ang tenga ko pagkarinig ko ng fried chicken, kaya napasmile ako.

"Ayun, tumawa na. May uubos na ng chicken na inorder natin!" Gatong naman ni kuya mike at nagtawanan na silang lahat.

"Namiss ka talaga namin baby adi" si kuya gabby at kinurot kurot ang pisngi ko.

"We miss you baby adi" sabi ni peter at mabilis na tumakbo papunta samin.

"Grouphug" sigaw niya, kaya niyakap nila akong lahat.

"M-mga kuya, hi-hindi ako makahinga" nahihirapang sabi ko. Pinapagitnaan nila kasi ako.

"Tama na! Tama na! Hindi na makahinga ang kapatid ko." Saway sa kanila ni kuya bago humiwalay sa grouphug, kaya ganon narin ang ginwa ng lahat.

"Okay ka lang adi?" Nag aalalang tanong ni kuya magnus sakin.

"Ang oa mo talaga kuya magnus!" Sabi sa kanya ni peter. At umaktong babatukan na siya ni kuya. Pero tumakbo agad siya.

"Anong oa, sinabi nga niya na hindi siya makahinga. Ano hihintayin ko pa siyang himatayin." Sigaw ni kuya kay kuya peter na andun na malapit sa kusina.

"Hahahaha! Tama si peter, kulang na lang siguro magpatawag ka ng ambulansya. HAHAHAHAHA!" Mas lalong pang lumakas ang tawanan nilang lahat sa sinabi ni kuya mike. Kaya kahit ako natawa narin. Hahahahaha, totoo naman kasi, ang oa talaga ni kuya. Hahahahaha

"Am i late? Mukhang nagkakasiyahan na kayo ah" may nagsalita kaya nilingon namin para alamin kung sino.

"Kuya levi!" Masayang sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya sabay kiss sa pisngi niya at yumakap.

"Aaww, ang sweet naman ng baby ko" sabi ni kuya levi at hinalikan ang taas ng ulo ko. Medyo matangakad kasi si kuya levi, hanggang balikat niya lang ako.

"Nakakainggit naman, bakit kami walang kiss?" Malungkot na sabi ni kuya mike

"Eh kasi inaway nyo ko kanina,hmp!" Parang bata na sabi ko na hindi pa umaalis sa yakap kay kuya levi. Pag sila ang kasama ko, lumalabas ang pagka isip bata ko. Gaya ng sabi ko kanina, spoiled talaga ako sa kanila at pag andyan sila, feeling ko safe na safe ako.

"Nagseselos ako, bakit ako walang kiss kanina nung sinundo kita?  May favoritism ka adi ah. Sige ka, hindi kita bibilhan ng fried chicken kahit kailan"nagbabanta na sabi ni kuya magnus

"Eh kasi inaway mo rin ako kanina sa kotse. Kaya nakalimutan ko ng i kiss ka. Ngayon na lang pwede?" Sabi ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanya at sabay kiss sa pisngi.

"Namiss ko to adi, namiss ka talaga namin" seryosong sabi ni kuya magnus bago hinalikan sa noo ko.

"Hindi na talaga ako papayag na mapalayo ka samin. We will do anything to protect you adi, you are our pincess." Dagdag ni kuya magnus at seryosong tumingin sakin.

"Kaya huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, dahil hindi namin kaya na mawala ka pa samin." Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya ng sabihin niya yon.

"Tama si magnus, hindi na namin kaya na mawala ka pa samin, mamamatay muna kami bago mangyari yon." Hindi ko namalayan na lumapit na pala samin si kuya levi. Yumakap din siya samin.

"Grouphug ulet" masiglang sigaw ni kuya peter na tumakbo narin palapit samin para yumakap

"Ang drama niyo talaga, naiiyak tuloy ako" sabi ni kuya gabby na umaktong pinapahid ang luha niya. Lumapit din siya samin para yumakap.

"Alam mo gabby, kung hindi ka lang talaga babaero, iisipin ko talagang bakla ka" natatawang sabi ni kuya jax kay kuya gabby, kaya nagtawanan narin kaming lahat.

"Basta promise niyo din sakin na hindi niyo ko iiwan ah?" Sabi ko sa kanila habang nakayakap parin sila sakin

"Don't worry baby adi, we won't leave you, you're Adrianne Selene, our moon at kami ang mga stars na nakapaligid sayo. Hinding hindi kami  mawawala sa tabi mo kahit nasa malayo man kami." Sambit ni kuya mike na nagpatulo sa luha ko.

Naaalala ko nanaman siya, nung gabing sinabi niya sakin yan.

"You're selene, you're the moon, and im that star, kahit hindi tayo magkasama nananatiling sa tabi mo ako kahit malayo tayo sa isa't isa."

Hindi ko maiwasang maiyak sa naalala ko.

"Adi? Are you okay? Why are you crying? May masakit ba sayo? Tell me, asan? Sabihin mo kay kuya!" Nag-aalalang tanong sakin ni kuya levi na bumitaw na pala sa grouphug at ganun din ang iba, tinignan ko silang lahat, ganon din ang reaction nila, nag-aalala dahil siguro umiyak ako.

"I-im okay kuya, m-masaya lang ako dahil may mga kuya ako na mahal na mahal ako. Hindi lang isa o dalawa, kundi eleven na kuya ang meron ako, ano pa bang mahihiling ko? I love you mga kuya ko" sambit ko at pinahid ang mga luha ko. Medyo oa, pero totoong nagpapasalamat ako dahil may mga kuya akong katulad nila, kung makikita mo sila, nakakatakot ang mga aura nila pero pagdating sakin, lumalabas ang pagkasweet nila. Simula pagka bata kasi magkakasama na kami kasi magkakatabi lahat ng bahay namin, parang isang compound na mga bahay lang namin ang nandon.

"Aaaaw, ang sweet sweet talaga ng baby adi namin." Kuya ryan

"May gusto sumingit oh, hahahaha" sabi si kuya peter at pinakita samin ang selpon niya.

"Hi baby adi!" Bati ni kuya kurt habang kumakaway.

"Baby adi, miss ka na ni kuya josh" si kuya josh na mukhang inagaw pa ang cellphone kay kuya kurt.

"Miss you din kuya josh, kailan ka uuwi?" Tanong ko sa kanya. Sa lahat ng mga pinsan ko si kuya josh ang pinaka close ko. Palagi kasi niya akong pinagtatanggol pag inaaway ako ni kuya peter.

"Ay si josh lang ang namiss mo? Magtatampo na talaga kami" nakapout na sabi ni kuya ali na sumilip sa camera. Wag ka mag pout kuya, hindi bagay sayo. Hahaha

"Oo nga adi, may favoritism ka talaga" si kuya xander naman.

"Eh, kasama ko naman kayo kanina eh. At wag nga kayong magpacute, hindi bagay sa inyo, nagmumukha kayong aso! HAHAHAHA" sabi ko at tumawa ng malakas.

"Tama si adi, nakakasuka ang mga itsura niyo, mukha kayong natatae! WAHAHAHAHAHAHA" gatong naman ni kuya peter at humalakhak ng malakas. Kaya tumawa narin ang lahat.

"Ang daya nyo ha, hundi niyo kami hinintay, kayo kayo lang talaga" sabi ni naman ni kuya kurt.

"Dapat pag uwi namin magbonding tayong lahat" dagdag ni kuya josh

"Kailan pala kayo uuwi?" Tanong ko ulit. Hindi kasi nila nasagot yung kanina.

"Sa saturday pa adi." Si kuya xander ang sumagot

*ding-dong!*

May nag doorbell. Andyan na ang friedchicken. Yahooo!

"Ayan na ata yung order natin, kunin ko lang" sabi ni kiya jax at lumabas na ng bahay para kunin ang delivery

"Sige na, sige na, mukhang kakain na ata kayo, at may gagawin rin kami. Kita na lang tayo sa saturday. Bye!!" Paalam ni kuya ali bago nila pinatay ang videocall.

"Kainan naaaa" sigaw ni kuya pagkapasok niya sa pintuan.

Ayan na ayan na. Kanina pa ako gutom.

Dumeretso na kami ng living room at nalang daw kami kakain, dahil chicken naman daw ang kakainin namin.

Nilapag ni kuya ang 6 box ng fried chicken. Lumapit ako agad at hinanap ang favorite ko.

"Ayun!" Bigkas ko bago kinuha yung isang box ng spicy flavored fried chicken. "Thank you kuya jax, the best ka talaga" sabi ko sa kanya bago umupo at binuksan ang box ng friedchicken. Akin lang to.

"Basta ikaw baby adi" sagot niya bago buksan ang beer niya. May binili din pala silang beer para sakanila, at pepsi naman ang sakin. Ayaw kasi nila akong payagang uminom kahit 19 na ako, at ayaw ko rin namang uminom, kasi nung isang beses na tumikim ako yun din ang huling beses na gusto kong tumikim ng ganon. ang pangit kasi ng lasa.

"Adi, pahinge niyan" biglang sabi ni kuya peter bago umupo sa tabi ko.

"Ayaw!" Sagot ko sa kanya at inilayo ko sa kanya ang box ng FC ko.

"Sige na. Isa lang. Isa lang kasi ang spicy na inorder ni kuya jax, At nagsawa na ako sa ibang flavors. Kaya bigay na. Plss" pagpipilit niya

"Eh ayaw ko nga diba. Ngayon lang ako ulit makakakain ng ganito, kaya di ako magbibigay" at inirapan ko siya. Eto kasi ang favorite ko, at alam nilang lahat yon. At isa pa walang ganito sa france, kaya namiss ko to ng sobra.

"Peter, tigilan mo na si adi. Ngayon lang siya ulit makakakain niyan." Saway sa kanya ni kuya mike

"Kainis naman" nagdadabog na umalis na siya at kinuha ulit ang beer niya.

"Adi, san na pala ang pasalubong namin?" Tumataas taas ang kilay na tanong ni kuya gabby

"Oo nga pala, teka kunin ko lang" sagot ko sabay tayo "dyan muna yan ah, wag niyong babawasan, bilang ko yan" tukoy ko sa pagkain ko. Dahil pag nabawasan yan, baka magkakagyera bigla.

Nagmamadali ako umakyat papunta sa kwarto ko, dahil baka pag naubos na nila yung mga FC nila, yung  FC ko naman ang pagdiskitahan nila.

Pagpasok ko sa kwarto, binuksan ko agad ang isang maleta ko para kunin lahat ng padalubong nila. Kumuha muna ako ng box sa gilid para don ko ilalagay ang pasalubong nila, dahil di ko kayang bitbitin to ng kamay lang.

Nang nailagay ko na lahat ng pasalubong nila, binuhat ko na ang box na medyo mabigat, at nagmamadali na maglakad papuntang living room.

"Ayan na ang mga pasalubong natin." Excited na sabi ni kuya ryan.

Nilapag ko na sa mesa ang box, kaya pumunta agad sila dub para kunin ang mga pasalubong nila.

Iniwan ko na sila don dahil may pangalan naman nila ang mga pasalubong na binili ko sa kanila.

Bumalik na ako sa pwesto ko, at kinuha ang box ng FC ko.  Teka, bakit paramg gumaan to?

Dali dali kong binuksan ang box at laking gulat ko ng wala ng laman ang box ng fc ko! Sinong kumain nito.

Tumingin ako sa kanila ng masama. At nakahalata naman sila kaya tinulak nila papunta sakin ang salarin.

Peter

"PETER!" galit na galit na bigkas ko ng pangalan niya

"H-hoy adi, wag mo kong ma peter peter lang. Mas matanda ako kesa sayo." Nauutal na sabi niya habang dinuduro ako, pero tinignan ko lang siya ng masama.

"Hoy! Peter, wag mong maduro-duro ang kapatid ko" singit naman ni kuya levi

Tumayo ako at napaatras naman si kuya peter. Seryoso ko parin siyang tinitignan.

Galit na galit na talaga ako. Limang piraso palang ang nakakain ko, tapos inubos niya na lahat. Aiish!

Tumalikod ako at pumunta sa may dartboard at kinuha ang darts na nakadikit don.

"Lagot ka peter, ginalit mo siya" pananakot ni kuya gabby sa kanya

"A-adi, so-sorry na! Ibibili na lang kita ng bago. Kahit ilang box pa ang gusto mo, bitawan mo lang yan" sabi niya habang napapaatras at nasa dart na pina ikot ikot ko sa daliri ko.

"Hindi na. Wala na akong ganang kumain, gusto ko na lang maglaro ng dart" seryosong sabi ko sabay smirk.

"Adi naman eh! Hindi na mabiro, gusto lang kitang inisin t-tapos bibilhan naman sana kita ng bago eh, kaya bitawan mo nayan. Please" nagmamakaawa na ang boses niya. HAHAHAHA! Nakakatawa talaga ang itsura niya ngayon.

"Kuya magnuuuuss! tulungan mo ko, pigilan mo ang kapatid mo" sigaw ni kuya peter at tumakbo papunta sa tabi ni kuya.

"Nah! I can't help you. Kasalanan mo yan. Haha! i think you need to run for your life peter, cause adi is dead serious right now" natatawang sabi ni kuya sa kanya. Kaya agad namang tumakbo si kuya peter, pero hindi pa siya nakakalayo binato ko na ang dart sa direksyon nya at buti na lang naka iwas siya dahil kung hindi baka tamaan ang pinaka iniingatan niya. WAHAHAHAHAHA

"WHAT THE F*CK! You seriously aimed for my-- tinignan niya ito at tinakpan ulit gamit ang kamay niya. "Buti na lang at naka iwas ako, kung hindi baka hindi ako mag kakaanak! Waaaaaaaaaah!!!" Umiiyak iyak na sabi niya at lumuhod habang nakatakip parin ang kamay niya dito.

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Napuno ng tawanan nila kuya ang buong bahay.

"Pinigilan ka na namin kanina, pero ayaw mo talaga. Ayan tuloy, kamuntikan ng maputol ang henerasyon mo. Hahahahahaha" natatawang sabi ni kuya jax bago uminom ulit sa beer niya.

"Pasalamat ka at naawa pa sayo si adi kaya nilihis niya ng konti ang direksyon ng dart. HAHAHAHAHA" gatong ni kuya mike

"Kung hindi? Goodbye peter's future generation na. WAHAHAHAHA" dagdag ni kuya levi at tumawa ulit ng malakas

"Pero sana tinuluyan mo na adi, para hindi na dumami ang peter sa mundo, yung isa nga lang sakit na sa ulo, pano pa kaya kung dumami ang lahi niya!" Sabi ni kuya mike na mas lalong nagpalakas ng tawanan nilang lahat, at pati ako natawa na rin. HAHAHAHAHA. Hindi ko ma maintain ang pagiging galit ko dahil nakakatawa talaga ang itsura ni peter.

"Pinagkakaisahan niyo ko! At anong nilihis, malakas talaga ang reflexes ko kaya nakaiwas ako agad. Hmp!" Galit na sabi niya habang nakaturo samin say irap.

"Lagot ka talaga sakin adi. Maghihiganti ako!" Galit na galit na sabi niya sakin.

"Wag kang mag alala, hindi pa ko tapos sayo, peter!" Diniinan ko ang pagakakasabi sa pangalan niya.

"Naku! Gyera na naman to! Tsk! Tsk!" Napapailing na sabi ni kuya magnus

"Ano pa nga ba. Mukhang kailangan na namin mamili ng kabaong" malungkot na sabi ni kuya mike.

"Mas mabuting maghanda na habang maaga pa, dahil alam naman natin ang kahihinatnan ng gyerang to" dagdag ni kuya jax

"Paalam bro! Mamimiss ka namin" nalulungkot na sabi ni kuya ryan na lumapit kay peter at niyakap ito.

"Huhuhuhuhu... mamimiss kita peter, ako na bahala sa mga chix mo, hindi ko sila pababayaan" naiiyak na dagdag ni kuya gabby.

"Anong pinagsasabi niyo, hindi na mauulit ang dati, mas magaling na ako kesa ka adi. Kay adi kayo dapat mag paalam" naiinis na sagot ni kuya peter sa kanila.

"Ano na ba ang score niyo? 7-0?" Tanong ni kuya mike

"7-0 na, adi na may 7 wins at peter na itlog parin.WAHAHAHAHAHA" sagot ni kuya gabby at tumawa na naman silang lahat.

Namiss ko talaga sila, yung mga kulitan at mga tawanan namin.
         
             
     
Sana ganito na lang palagi...
              
                
          

-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

104K 2.1K 33
Ang tahimik na buhay ni Norilyn ay biglang nag bago ng dumating sya sa ika-18 taong gulang nya. Nag iba ang pangangatawan nya, naging muka na syang t...
2K 1K 22
Handa ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...