Tara Kape?

By alyloony

446K 21.8K 12.1K

Two broken people found each other and tries to fix one another over a cup of coffee. More

Intro
Chapter Uno: Jacket
Chapter Dos: "Chocolate Cake"
Chapter Quatro: "Kape"
Chapter Cinco: "Postcards"
Epilogue

Chapter Tres: "Night Market"

44K 2.7K 1.1K
By alyloony


CHAPTER TRES: "Night Market"

HIM

I can't believe this.

I can't believe na nakasakay ako ngayon sa puting van kasama ang isang weirdong babae at paakyat kaming dalawa sa Baguio.

Napalingon ako sa kanya. Naka focus siya sa daan. There's an innocent smile on her lips na parang what we're about to do give her thrills. Maybe she's more of an adventurer type. Or maybe this is also the first time she's doing it? I dunno. But I can feel, somehow, it makes her... calm?

Well, she looks calmer now kesa nung mga past days na nakita ko siya at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Kung iisipin, hindi pa siya umiiyak mula nang magkita kami kanina.

"Wala ka bang schedule ngayon?" I asked. "I mean, you told me you were busy. Bakit tayo aakyat sa Baguio? Nang biglaan?"

"Hindi na ako ganung ka-busy ngayon," she answered. "Nag cancel yung gagawan ko sana ng Wedding Cake."

"Bakit naman?"

"'Di na tuloy ang kasal. Nag break sila. Break-up season talaga ngayon 'no?"

I nod in agreement, "but at least nag break sila bago pa ang kasal. Mahirap 'yan pag kasal na at may anak tapos doon pa lang nila ma-re-realize na not meant to be pala talaga sila."

"May point ka doon. Pero sino kaya ang nakipag break 'no? Tsaka naiimagine ko yung pakiramdam ng iniwan. Alam mo yun? Excited ka na sa kasal mo tapos biglang makikipag break sa'yo yung papakasalan mo? Wasak na wasak siguro siya ngayon. Ako nga na hindi pa naalok ng kasal, nung iniwan, wasak na wasak din, eh," she said bitterly.

Napalingon ako sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya.

I heave a sigh.

"For sure hindi rin naman naging madali doon sa nangiwan," depensa ko. "To come up with that decision? Lalo na kung ikakasal ka na? It took a lot of guts and courage. For sure masakit din naman sa kanya yun."

Napailing siya, "mamaya mo na ituloy ang sinasabi mo pag nasa Baguio na tayo. Kailangan natin mag usap nang masinsinan," sabi niya nang may halong pagbabanta.

I laugh a little, "remind ko lang na hindi ako ang nangiwan sa'yo ha? Ibang lalaki yun."

Napangiti siya, "oo, mas gwapo siya."

Napangiti rin ako, "I doubt."

Narinig ko siyang tumawa. Napalingon ako sa kanya.

She actually has a light aura. I wonder kung paano siya dati bago siya masaktan. Basing on her personality, baka madali siyang patawanin.

"So why Baguio?" I asked.

"Kasi sabi mo hindi ka pa nakakapunta sa Baguio," sabi niya. "Also, sabi ko nga, happy place ko 'to. Sobrang chill lang kasi ng vibes."

"Chill?" I asked in disbelief. "Para ngang palaging ang daming tao doon. Ang daming turista."

I saw her roll her eyes dahil sa sinabi ko. "Kung pupunta ka sa mga tourist place, marami talagang tao. Syempre doon lang tayo sa mga chill na lugar." Nilingon niya ulit ako, "wag kang mag alala, I can feel magugustuhan mo doon. Parang chill ka rin naman, eh. Tsaka for a change—i-explore mo naman ang Pilipinas. Ang lapit lapit na lang ng Baguio, hindi mo pa napupuntahan?"

"Point taken. Pero madalas mo ba talagang gawin 'to? Mangidnap ng stranger at dalhin sa Baguio?"

Napatawa siya sa tanong ko, "first time lang. Dati ako lang mag isa."

"Ikaw lang magisa?"

Napatango siya at bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya, "oo. Ako lang mag isa. Kung may safe na lugar kung saan wala akong memory na kasama siya, Baguio yun."

I was about to say something nang bigla siyang mag break.

"Ay pusa!" gulat na sabi niya. "Nakakalokaaaaa may dumaan na pusa!"

"Nasagasaan?"

Bumaba ako sa kotse to check. Nakita ko yung pusa na muntikan niya nang masagasaan na chill pa ring tumatawid sa kalsada.

"Nakatawid na. Gusto mo ako na mag drive?" alok ko.

"No. Mamaya ibalik mo pauwi, eh."

"Ang layo na ng narating natin. Tingin mo ibabalik ko pa 'to? Ide-deretso ko na sa Baguio. Naka-waze naman 'di ba?"

"Okay ka ba mag drive?" medyo nag aalangan niyang tanong. "Hindi ko pa kasi tapos hulugan ang van na 'to."

"I'm the safest driver you would ever encounter."

"Hindi mo ko kikidnapin?"

"May I just remind you I'm the one who's being kidnapped here."

She shrugged, "kung sabagay."

Bumaba siya ng kotse at nag palit kami ng puwesto.

The moment na pinaandar ko yung van, natahimik na siya.

I look at her again only to see that she's already sound asleep.

Makikidnap nga talaga ang babaeng 'to.

I smile.

I'm not really a spontaneous person. I want to plan ahead lalo na sa mga travels. I hate it kapag biglang nababago yung schedule ko. Ayoko ng pakiramdam na hindi prepared.

Pero iba nga ang nagagawa ng lungkot. Na-t-try mong gawin ang mga bagay na hindi mo ginagawa noon.

Like her, gusto ko rin tumakas. Gusto ko rin lumayo. Gusto kong mag tago sa lungkot.

Baka nga tama siya, baka pwede rin akong mag Baguio.

I heave a sigh.

Sige na nga. Baguio it is.

HER

I woke up with someone tapping my shoulder.

Dahil sa sobrang lutang ko, napaisip pa ako kung nasaan ako at kung bakit may ibang nag d-drive ng kotse ko. Napatingin ako sa labas. Gabi na. At puro puno ang nakikita ko.

"We're here."

Napaayos ako ng upo at doon ko lang naalala na papunta kami sa Baguio.

"Grabe ang tagal kong nakatulog sorry!" sabi ko habang kinukusot kusot ko ang mata ko.

"Hindi na kita ginising," sabi niya. "Ang himbing ng tulog mo. Naghihilik ka pa."

Napatakip ako ng bibig, "talaga??"

Tumango siya habang bahagyang tumatawa.

Napa facepalm na lang ako. "Hala sorry. Pagod talaga ako. Gumising kasi ako ng maaga kanina para mag bake," napatingin ulit ako sa labas ng bintana. "But yes! Nakarating din sa wakas!"

"So this is Baguio, huh?" he said. "Mataas nga talaga dito."

"Naku. Hindi mo pa nakikita ng buo! Mamaya pag baba natin."

"Teka, saan muna tayo?" tanong niya.

"Doon tayo sa may Upper Military road. May alam akong okay na hotel doon. Mag check in muna tayo."

Napalingon siya sa akin at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"W-what? C-check in?"

I tried my best not to roll my eyes but I can't help it. Alam ko na agad ang tumatakbo sa utak niya.

Mga lalaki talaga.

"Para may tutulugan tayo mamaya. Not unless gusto mong matulog sa van?"

Napatango siya. "Oh. Gets."

Napansin kong parang 'di pa rin siya mapakali. Gusto ko na lang matawa.

"Wag kang mag alala, two rooms ang kukuhanin natin. Baka isipin mo pagsamantalahan kita. Duh. I have taste."

Hindi siya umimik. I just saw his face got flustered. Napangiti ako lalo.

This guy—he's just---he is so soft. Tahimik, hindi pala bigay ng opinyon, but his expression speaks a lot. Feeling ko sheltered siya, o baka very careful sa mga desisyon sa buhay.

Pogi siya. Kaya nga Kuya Pogi ang tawag ko. Well, siguro sa standard ko, pogi siya. Tama lang ang tangkad, lean body, nakasalamin, cute yung ngiti lalo na yung tawa, and for some reason, nakaka relax pakinggan yung boses niya kapag nagsasalita siya.

Siguro nga kaya mas lalo akong naiyak nung pinahiram niya ako ng jacket at sinabihan niya ako na "it's okay to cry. I won't judge you," because he brings warmth—and I felt cold for a few months now.

~*~

After namin makapag check-in at makapag freshen up saglit, dinala ko siya sa night market para doon mag dinner.

"So this is the famous night market of Baguio," he said nang makarating kami.

Nakita kong tinitignan niya yung isang mahabang kalye ng hile-hilerang stalls ng mga panindang damit at mga street foods.

Dito pa lang, kita nang medyo dumarami na ang mga tao. Pero mas onti than the usual. Siguro dahil weekday at patay na araw.

"Gusto mo diyan na tayo kumain?" tanong ko.

"Street foods for dinner?"

"Di mo bet?" medyo alanganin kong tanong.

Napangiti siya, "the best. Tara!"

Napangiti rin ako, "ayun! Anong gusto mo dito?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami sa aisle ng mga hile-hilerang stall.

Huminto siya sa tapat nung nag iihaw.

"Namiss ko kumain ng mga ihaw ihaw. Okay lang dito tayo?" tanong niya.

"Sure!"

Umorder ako ng tatlong pirasong isaw, isang betamax at isang hotdog. Nakita kong umorder siya ng limang isaw, dalawang betamax at dalawang hotdog. Nung una iniisip ko mamaya hindi niya maubos. Pero hala si kuya mo, nabitin, umorder pa ng tatlo pang isaw.

Hiyang hiya tuloy siya nung ako nag bayad. Hindi ko nasabi na ililibre ko siya.

"Nakakahiya naman! Dapat di mo na binayaran. Sagot ko na lunch mo bukas pambawi," sabi niya habang umiinom kami ng gulaman.

"Hindi ka sanay nang nililibre ka 'no? 'Di ka na naman mapakali, eh."

"Hindi talaga. Sanay ako na laging ako ang nag babayad," he said.

Napalingon ako sa kanya, "never kayong nag split ng bills ng ex mo?"

Umiling siya, "never. Sa limang taon na we're together, never ko siyang pinag bayad ng kahit ano."

"Wow. Mayaman ka," sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"Mayaman talaga? Hindi ba pwedeng gentleman?"

I snorted, "hindi naman sa perang nilalabas mo nag b-base ang pagiging gentleman. At hindi kabawasan sa pagkalalaki mo kung hahayaan mo ang babae ang mag bayad paminsan minsan."

"So nag i-split kayo ng bills ng ex mo?" he asked.

"Naman! I insisted. May sarili akong trabaho. I can pay for my own. Thank you very much."

Napatawa na lang siya at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko, "wow, you're a strong independent woman."

Napangiti ako. Sa totoo lang 'di pa kami halos magkakilala but it warms my heart he did that gesture to me. Ibig sabihin magaan din ang loob niya sa akin?

"I am indeed. Kaya nga siguro ako iniwan kasi kaya ko na raw mag-isa."

Pinanliitan niya ako ng mata, "you want to talk about it now?"

Umiling ako, "mamaya na. Baka umiyak agad ako, eh. Mag shopping muna tayo."

Inubos ko yung gulaman na iniinom ko at tinapon ko sa basurahan. Ganun din siya. After that, pumunta kami sa mga stalls na puro damit ang paninda.

Medyo marami nang tao at gitgitan na rin sa part na 'to. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Hawak ka lang, baka magkahiwalay tayo," he said.

"Wag po kuya, marupok ang puso ko ngayon. Madaling ma-fall," pagbibiro ko sa kanya.

Napalingon agad siya sa akin na puno ng pagtataka, "what?"

Natawa ako sa reaksyon niya, "joke lang! Kinabahan ka naman agad!"

Natawa na lang din siya sa akin, "you are the craziest person I've ever met and I'm still questioning myself why I'm here with you right now."

"Baka kasi masyadong matino ang buhay mo, kailangan mo ng konting kabaliwan pang balance," I laughed.

~*~

"Nakakaloka!" sabi ko habang naglalakad ako papunta sa isang table sa café lounge ng hotel. Pinili ko yung table katabi ng isang malaking glass window. From here, tanaw namin ang city lights ng Baguio. "Ang dami mong pinamili!"

Naupo siya sa katapat kong upuan habang inilalapag ang mga supot ng pinamili niya sa ilalim ng table.

"I can't believe it! The prices are soooo cheap. Ang mahal kaya ng mga trench coat sa mall tapos doon they're selling it for less than two hundred?" sabi niya sa akin na parang sobrang mindblown niya.

"Welcome to Baguio's night market. Na-enjoy mo ba?"

"I swear, my sister's gonna freak out pag dinala ko siya diyan."

"Na-enjoy mo nga," natatawa tawa kong sabi.

"I can't believe you didn't buy anything except for a pair of socks."

"Wala naman ako kasing pag gagamitan ng trench coat," sabi ko. "Wala pa akong planong lumipad sa ibang bansa. Tsaka na pag nalibot ko na ang buong Pilipinas."

"So you also love travelling huh?"

Tumango ako, "oo. Kaso siya hindi."

Natahimik kami pareho. Napahinga ako nang malalim.

"24 hours unlimited yung coffee dito. Ano game?" tanong ko.

He smiled, "okay. But first, lemme get us a cup of coffee."

To be continued...


A/N: I really enjoy reading your insightful comments. Thank you so much! I hope to read more of your thoughts!

#TaraKapeWP

#TeamKape

Continue Reading

You'll Also Like

70.7K 3K 7
[ Pereseo Series #2 ] Steel Verrill Pereseo
12.7M 20.6K 1
Tamad. Feeling gangster. War freak. Kontento na si Pierce Useda sa magulong takbo ng buhay niya. Bigla lang itong nagbago nang magkrus ang landas nil...
3.9M 148K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...