The MADRIGAL Sisters

By MasterJemss

139K 4.4K 1.6K

"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University)... More

Prologue
TMS 1: First Day of School
TMS 2: Pahiya
TMS 3: Takas
TMS 4: Ice Cream
TMS 5: Stalker
TMS 6: Awat
TMS 7: Break your eggs
Chapter 8: Detention
Chapter 9: Pagtatanggol
TMS 10: Partner
Chapter 11: Insulto
Chapter 12: Bwisita
Author Note: 🧡💖💛
Chapter 13: Ewww!
Chapter 14: Score
Chapter 15: Palabok
Chapter 16: Sampal ni Max
Chapter 17: Comfort
Chapter 18: Identification
Chapter 19: First Kiss
Chapter 20: Versus
Chapter 21: Eunice is Missing!
Chapter 22: Hang Over
Chapter 23: Punishment
Chapter 24: Practice
Chapter 25: Audition
Chapter 26: Agawan
Chapter 27.1: Force Date
Chapter 27.2: Force Date
Chapter 28: Liyra Manicad
Chapter 29: Role Play
Chapter 30: Sakal
Chapter 31: Suitor
Chapter 32: Visitation
Chapter 33: Celebration
Chapter 34: Shocking Boyfriend
Chapter 35: Parents Duty
Chapter 36: Pag-iwas
Chapter 37: Trouble
Chapter 38: Pag-aalala
Chapter 39: Ganti
Chapter 40: Gig
Chapter 41: Pagpapakilala
Chapter 42: Pagtatampo
Chapter 43: Birthday Gift
Chapter 44.2: Beach Outing
Chapter 44.3: Beach Outing
Chapter 45: Ayaw ko na
Chapter 46: It's Official
Chapter 47: Sundo
Chapter 48: Meeting
Chapter 49.1: Welcome Party
Chapter 49.2: Welcome Party
Chapter 50: Disengagement
Chapter 51: Steven's Advice
Chapter 52: Suspension
Chapter 53: Ethan's POV
Chapter 54: New Plan
Chapter 55: Yabang
Chapter 56: I'm Home
Chapter 57: Parola
Chapter 58: Surprise
Chapter 59.1: Pagtataka
Chapter 59.2: Pagtataka
Chapter 60: Drake
Chapter 61: Love is can Hurt
Chapter 62: Unknown Number
Chapter 63: Rehearsal
Chapter 64: Supportive
Chapter 65: Pagtugtog
Chapter 66: Spin the Bottle
Prologue 2.0
Chapter 67: Photogether
Chapter 68: Picnic
Chapter 69: House Tour
Chapter 70: House Rule
Chapter 71: Back to School
Chapter 72: G Squad
Chapter 73: Pag-amin
Chapter 74: SHS Club Festival
Chapter 75: Marriage Booth
Chapter 76: Blind Date Booth
Chapter 77: Maggie
Chapter 78: Basketball Match
Chapter 79: Broken
Chapter 80: Sorry
Chapter 81: Viral
Chapter 82: Spoken Poetry
Chapter 83: Petition
Chapter 84: Double Celebration
Chapter 85: Paselosan
Chapter 86: Girls Out
Chapter 87: Gantihan
Chapter 88: Exotic
Chapter 89: Chocolate Cake
Chapter 90: Leakage
Chapter 91: Imagination
Chapter 92: Itak
Chapter 93: Lunch
Chapter 94: Honesty Store
Chapter 95: Panyo
Chapter 96: SHS Dean's Lister
Chapter 97: Ethan's Parent
Chapter 98: Layas
Chapter 99: Stolen Kiss
Chapter 100: Pangako o Ako
Chapter 101: Text Message
Chapter 102: Vin
Chapter 103: Steven Javier
Chapter 104: Hinala
Chapter 105: Pagtatanan
Chapter 106: Senyales
Chapter 107: Pagbitiw
Chapter 108: Heartbreak
Chapter 109: Pighati
Chapter 110: Paggising
Chapter 111: Kyler the Playboy
Chapter 112: Paalam
Chapter 113: Apology
Chapter 114: Revelations
Chapter 115: Hikbi
Chapter 116: Payag
Chapter 117: Manliligaw
Chapter 118: Open Forum
Chapter 119.1: Last Day
Chapter 119.2: Last Day
Chapter 120: MADRIGALLY
Epilogue
Book 2 is out!

Chapter 44.1: Beach Outing

1.2K 42 1
By MasterJemss


Nicole's POV

8AM na ngayon, si Eunice at Chesca at kasama pa namin ay kasalukuyang nag-iihaw ng barbeque. Eh, Ewan ko nga sa Ethan na yun, sobrang yaman pero hindi man lang nag-order ng pagkain yung hindi na kami magsasayang ng force at effort. May mini canteen at restaurant naman dito sa resort na handang Pagsilbihan ang mga client nila.

"Hindi pa ba lumabas si Sir. Ethan?" Tanong ni Kuya Rolly yung driver. Pero infairness ha may itsura din si Kuya Rolly.

"Nakita mo naman siguro diba na wala dito?! Edi wala!" Pamimilosopo ni Ate Anggie mukhang may LQ ang dalawa.

"Hoy! Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang sumagot!" Sambit naman ni Kuya Rolly.

"Tama na yan." Awat ni Steven sa dalawa. "Wag masyadong mastress nandito tayo para magrelax." Sambit ni Steven. Kaya napairap na lang si Ate Anggie at tinuon ang pansin sa pagpaypay ng barbeque.

"Eunice wala pa si Ethan. Tawagin mo na nga kaya." Sambit ni Chesca kay Eunice. Napabuntong hininga na lang si Eunice.

"Mukhang may LQ rin kasi ang dalawa, kagabi pa yan." Sambit ni Kyler na ikinataas ng kilay ni Eunice.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw gawa-gawa ka talaga ng kwento. Hindi naman kami nag-away kagabi ha." Sambit ni Eunice sabay irap.

"Kung hindi kayo nag-away puntahan mo nga siya. Tawagin mo na nga siya." Sambit ni Kyler kay Eunice.

Napabuntong hininga na lang ulit si Eunice bago nagsalita. "Fine!" Sambit nito mukhang labag sa kalooban ng dalawa sabay alis.

"Matagal pa ba yan?" Tanong ko sa kanila.

"Matagal pa po Senyora." Sambit ni Steven na ikinairap ko.

"Okay! Tawagin niyo na lang ako kung kakain na. Maglilibot muna ako at gusto Kong maghanap ng magandang view." Sabi ko sa kanila. Hindi na nila ako sinagot dahil, Ewan ko sa kanila.

Dinukot ko ang phone ko. Dahil napag-isip isip ko na kailangan ko na rin sigurong mag update sa channel ko. Miss ko na kasing mag blog.

"OUCH!" Sambit ko ng binangga ako ng isang babae at alam ko sinasadya niya yun. Nahulog nga ang phone ko eh.

"Sorry. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo. Kung nakakasagabal ka ba sa dinadaanan ko?!" Sambit nito na tinarayan pa ako.

Aba! Hinahamon talaga niya ako. Bwis*t na babaeng yun.

"Excuse me. Hindi naman siguro ako nakakasagabal sayo diba?! Mukhang ikaw ang nakakasagabal sa akin!" Sambit ko na tinaasan rin siya ng kilay. Akala niya siguro na siya lang ang mataray sa akin.

"Sorry. Sa ganda kong ito pagsasabihan mo nang nakakasagabal?! Ops wrong! Ikaw ang nakakasagabal." Sambit nito at tumalikod.

"DUWAG!" Sigaw ko sa kanya. Naikinairap niya. Bwis*t ginagalit talaga ako sa babaeng yun. Hindi pwede to. Hahanapin ko yun.sa social media, kailangan niyang mabash, kailangan siyang makatikim ng mga harsh comment.

Dapat ako lang! Ang fashionista na maldita! Ako lang! Ako lang dapat!

Dibale na, I need fresh air ngayon. Nandito kami para magrelax hindi mastress. Pinulot ko ang phone ko. At ganun na lang ang gulat ko ng may lalaki sa likod ko na panay tingin sa hita ko.

"HOY! BINUBUSUAN MO AKO!" Sigaw ko ng kinompronta ko siya. Ngumiti ito na parang manyak.

"I like you Babe. Ang ganda mo!" Sambit nito at akmang hahawakan ako.

Pero bago pa niya akong mahawakan. "Brod! Wag mo hawakan ang GIRLFRIEND ko." Sambit na kararating lang na si Steven.

"GIRLFRIEND? Eh, jowa ko to eh. Kailan ba naging kayo?" Sambit ng lalaki na mukhang nakadroga siya. Grabe!

"Matagal na. Ikaw ba? Kailan mo siya naging girlfriend? Sa pagkakaalam ko kasi high standard ang pag-iisip ng GIRLFRIEND ko. At hindi siya papatol sa isang low class na katulad mo." Sambit ni Steven habang nasa likod niya ako athinawakan niya ang kamay.

"How DARE you!" Sambit ni boy at sabay suntok kay Steven na napasubsob sa kanya sa buhangin.

Dahil sa taranta ko ng suntukin ulit ng lalaking manyak na nakadroga si Steven. Kumuha ako ng buhangin at itinapon sa mukha niya.

"OUCH!" Sigaw niya habang hawak ang mukha niya. Dali-dali ko naman tinulungan si Steven na ngayon ay napasubsob sa buhangin at tumakbo kami ng mabilis.

Tumakbo kami palayo sa lalaki na magkahawak kamay.

"Ikaw kasi." Sambit ni Steven sa akin, na nagpahinto sa paglalakad namin. "Bakit ganyan pa ang sinusuot mo. May palabas cleavage na nga, at nagsuot ka pa ng maiksing short. Alam mo naman siguro na maraming manyak kapag ganito diba?! Hindi maiiwasan natin yun, kaya dapat tayo na lang ang mag-adjust para walang gulo." Sermon ni Steven sa akin.

"Pinagsisihan mo ba na tinulungan ako?! Eh, ano bang gusto mo? Mag pajama ako habang nandito. Eh, beach nga eh. Alangan naman akong mag jacket, o ano pa yang cover na mga damit." Sambit ko na may inis.

"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang wag kang magsuot nang sobrang iksi o kaya labas ang cleavage na dahilan na pagnanasaan ka mg iba. Ano bang gusto? Gusto mo bang malagay sa----"

"Concern ka ba?! Kung concern ka, hindi ako natutuwa sa pagiging concern mo dahil sobrang pakialamero mo na!" Sambit ko at tinalikuran siya. Nakakabwisit kasi siya.

Eh? Ano ko ba siya? Hindi ko naman siya kaano ano, hindi pamilya, hindi kaibigan- kundi isa lang naman siyang bwis*t sa buhay ko ngayon.




♡♡♡


Eunice's POV





Ewan ko ba paano ko haharapin si Ethan ngayon. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko kagabi. Yung birthday kiss ko na binigay sa kanya. MyGosh! Nahihiya talaga ako.

Kasalukuyan akong nasa pinto ng room na tinuluyan nila. Ilang buntong hininga rin ang aking ginawa bago kinatok at pumasok.

"Ethan." Sambit ko ng makapasok. Nakita ko siya na nasa kama pa ito at mukhang natutulog pa ito.

Nilapitan ko siya para gisingin siya. "Ethan." Sambit ko at inalog ang kamay niya. "Ethan. Gumising---HOY!" Sambit ko ng hinatak niya ako, at ako ngayon nakadagan sa ibabaw niya.

Nakakabwisit naman to. "5 minutes pa Baby ko." Sambit nito sa akin. Napairap na lang ako kahit alam Kong hindi niya iyon nakikita bilang sagot ko dahil nakapikit pa kasi ito.

Dahan-dahan akong tumayo pero niyakap niya ako na dahilan na nagpahinto sa akin. Kahit nakapikit pa ang mata nito--Ang gwapo talaga eh. Kung titigan mo ang mukha niya---Ang tangos ng ilong niya, ang pula ng labi niya at ang bango ng hininga niya kahit bagong gising pa ito.

"Baka matunaw na ako niyan?" Sambit nito na ikinalaki ng mata ko at ikinangiti niya.

Ginawan ok talaga ng paraan para makalabas sa pagkakayakap sa kanya. Ginamit ko talaga ang full Force ko para makatayo. Effective naman ito. "Tumigil ka nga diyan. Lumabas ka na hinahanap ka na nila." Sambit ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Nararamdaman ko at naaninag ko na bumangon na siya sa kama. Ang gwapo niya tingnan sa sando na Puti niya. Pero hindi ko siya tiningnan ha. Basta pasulyap sulyap lang.

"Tara na." Sambit niya na nagpabalik sa realidad ko. OMyGosh! Nakahawak na pala siya sa kamay ko at hinatak palabas.

"By the way. Salamat pala sa birthday gift mo sa akin kagabi." Sambit nito na ikinalaki na naman ng mukha ko. Bakit pinaalala pa niya. Nakakahiya. Yumuko ako habang naglalakad kami. My God Cassie!

"Bakit? Wag kang mahiya. Naappreaciate naman yun ng boyfriend mo eh." Sambit nito.

Lupa amunin mo na lang ako please.... Sobrang hiya ko na hindi ko alam kong naging sili na ba ako nito.


♡♡♡



Chesca's POV

"Nandito na pala sila." Sambit ni Kyler na nasa tabi ko ngayon habang tiningnan sina Ethan at Eunice na kararating lang sa direksyon namin.

Ay! Oo nga pala. Nasa may maliit na cottage kami ngayon at yes, tapos na kaming magluto ng barbeque. Klase klase nga eh, may laman, may isaw, at betamax. Taray diba, mukhang street food lang ang kakainin namin.

"Nasaan na ang seafood?" Tanong ni Ethan nakararating lang.

Huh? May inorder ba siyang seafood wala naman diba.

"Ahmf! Sir. Ako na lang ang kukuha." Pagpresinto ni Kuya Rolly.

"Sige Kuya Rolly. Pakibilisan na lang din po." Sambit ni Ethan kaya nagmamadaling pumunta si Kuya Rolly sa may mini restaurant dito.

Bakit ba kasi pinili pa ni Ethan na dito kami kakain, eh may restaurant naman na pagsisilbihan ka. Ay? Bakit ba ako mareklamo, inimbita lang naman nila ako.

"Upo na kayo." Sambit ni Ate Anggie kina Ethan at Eunice. Taray magkahawak kamay silang dalawa.

Sila na ba talaga? I mean totoo ba talaga ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Eh sa pagkakaalam ko hindi naman nanligaw si mokong kay Eunice.

Maya-maya pa naramdaman kong may humawak sa kamay ko. At tiningnan ko si Kyler na nakangiti ito. "Baka kasi nainggit ka kina Eunice at Ethan." Bulong nito na ikinairap ko bago kinuha ang kamay ko. Pero ang nakakabwisit hinigpitan niya ito para hindi ko matanggal. Nilakihan ko siya ng mata pero kinindatan niya lang ako.

"Bwis*t!" Sambit ni Nicole na kararating lang sa cottage. Hala! Bad mood si Nicz!

"Nasaan si Steven? Sinundan ka niya kanina diba? Hindi ba kayo magkasama?" Bungad na tanong ni Kyler kay Nicole na nagpairap sa loka.

"Pwede ba. Wala akong panahon sagutin ang mga tanong na yan tungkol sa mokong na yun!" Sambit ni Nicole at kumuha ng barbeque at kumain. Hala! Mukhang bad mood talaga si Nicole. Ano bang nangyari?

Maya-maya pa dumating na rin si Steven na may dugo pa sa gilid ng labi nito.

"Napaaway ka?" Tanong ni Ethan.

Hindi sumagot si Steven kusa niyang tiningnan si Nicole na umiirap ito. Kaya umupo na lang siya sa tabi ni Kyler.

"Anong bang nangyari sa inyo? I mean sa sayo?" Tanong ni Kyler kay Steven.

"Sa akin wala. Pero sa maldita na kaharap ko meron." Sambit ni Steven bago sinuot ang Headseat niya. Napairap na lang ulit si Nicole.

Ganito kasi ang posisyon namin kung gusto niyo malaman.

Nicz--Ate A.--Eunice--Ethan

-TABLE-

Steve--Kyler--Ako--vacant

"Nandito na po ang inorder niyo." Sambit ni Kuya Rolly at inilapag ang seafood na shrimp. Pero akala ko yun lang may sumunod pa palang dalalawang waiter na dala rin ang iba pang putahi.

"Thank you po. Ito po." Sambit ni Ethan at binigyan pa ni Isang libo ang dalawa. Kung baga maghati sila doon. Taray ang laki ng tip.

"Gutom na ako. Kakain na ako. Bahala kayo." Sambit ni Nicole at kumuha na naman siya ng barbeque. Ito talaga si Nicole siya lang ang kilala kong gustong maging sexy, na sobrang arte sa katawan pero kung mamakain daig mo pa ang hindi nagdadiet. Grabe talaga si Nicole basta usapang pagkain na.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Kyler at pinakita ang shrimp na nasa plato ko.

"Alam mo talaga ang paborito ko." Sambit ni Kyler sa akin.

Huh? Assuming siya masyado. Inirapan ko lang siya bago ko binigay ang plato ko sa kanya.
Kumuha na ako ng betamax at isaw. Masarap ito.

"Ano yan?" Tanong ng nasa tabi ko si Kyler.

"Isaw at betamax." Sagot ko at sinubo ang betamax. Napangiwi naman siya. Ha? Anong problema niya. Masarap kaya to.

"Ito na lang kainin mo." Sambit ni Kyler sa akin at inalok ang sinandok ko na shrimp.

"Ayaw ko. Try mo kaya to. Masarap to. Betamax at isaw." Alok ko sa kanya na ikinadiri na naman ng mukha niya. Grabe siya. Sobrang arte niya sobra.

"Hindi kasi ako kumakain niyan." Sagot nito sa akin.

"Alam mo Kyler. Ayaw ko kasi sa lalaking hindi kumakain ng isaw at betamax." Sambit ko. Kaya agad niya itong inagaw sa akin. Grabe ang bilis niya.

"Masarap ba to?" Tanong nito na hawak na ngayon ang isang isaw.

"Oo naman." Sambit ko at ngumiti. "Kainin mo na. Pati na rin tong betamax. Masarap yan. Promise." Sambit ko.

Kaya dahan-dahan na niyang nilapit ang isaw sa bibig niya at sinubo ito.

"Masarap?" Tanong ko sa kanya. Napalunok na lang siya at tumango. "Ito naman." Sambit ko sa kanya at binigay ang betamax. Kinuha niya ito at agad sinubo nginuya nita ito ng nginuya at kita sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang lasa. "Kung maubos mo yan. Hindi kita babustedin. Syaka wag mong isuka yan, sayang naman. Masarap diba? Masarap ang betamax na dugo ng manok, syaka laman loob ng manok." Sambit ko na ikinalaki ng Mata niya at mukhang dumuduwal ito.

"Bawal isuka. Wag mong iduwal kundi BUSTED ka!" Sambit ko sa kanya na ngumiti pa sa kanya. Nakita ko naman ang kasamahan ko dito na natatawa na sa mukha ni Kyler the pervert.

"Ethan." Napalingon kami lahat sa lalaking palapit sa direksyon namin at kasama ang isang matandang babae.

"Kuya, Manang."  Sambit ni Ethan at tumayo ito at sinalubong ang Kuya niya at Manang.

Yan! Kasi ang Sabi niya eh. Kaya Kuya niya na sobrang gwapo.

Waaaahhh!



♡♡♡



Eunice's POV



Natatawa na lang kami sa mukha ni Kyler habang pinipilit na kainin at maisubo ang isaw at betamax. Grabe ang mukha niya, sobrang laughtrip talaga. Si Chesca kasi, lakas run ang amatz nito.

Kaya kung manliligaw ka. Wag na kayo sa isang bookworm mukhang kailangan mo pa kasing pag-aralan lahat ng vocabulary niya eh, bago mo siya makuha. Pero, nice yung strategy ni Chesca ha. Sobrang interesting at challenging talaga. Dito mo talaga masusukat ang Pasensiya mo.

"Ethan." Napalingon kami sa familiar na boses. And yes, si Kuya Axel nga kasama si Manang Josie.

"Kuya, Manang." Sambit ni Ethan at sinulabong si Kuya Axel at Manang Josie.

Gwapo talaga ni Kuya Axel, ang gwapo niya sa suot niyang polo shirt na pambeach at short niya. Grabe!

"Ahmf! Kuya at Manang. Ito pala sina Nicole at Chesca pinsan ni Eunice. Syaka si Ate Anggie pinsan ni Nicole." Pakilala ni Ethan sa mga sissy ko. Ngiti lang ang sagot ng mga sissy ko kina Kuya Axel at Manang.

"At guys. Si Kuya Axel ang gwapo kong brother. At si Manang Josie ang pangalawa kong ina." Sambit ni Ethan.

"Hello sa inyo." Sambit ni Manang sa mga Sissy ko.

"Si Nicole nakilala ko na siya sa PPBar kasama ang NewGen Band sila ni Steven. Si Chesca naman ngayon lang. At si--" Sambit ni Kuya Axel ngunit naputol ito ng sumingit si Ate Anggie.

"Angelica Suarez po. But can calling me in a naming Anggie. Ang gwapo mo po. Sobrang gwapo mo po! I'm single pa po." Sambit ni Ate Anggie ng niyakap si Kuya Axel sa kilig. Nakakaloka naman to si Ate.

"Ahmf! Sorry. Ahmf! Nice meeting you." Sambit ni Kuya Axel ng makawala sa yakap ni Ate Anggie.

"Umupo ka nga diyan. Nakahiya ka." Sambit ni Kuya Rolly kay Ate Anggie.

Napairap muna si Ate Anggie bago nagsalita. "Selos ka lang." Sambit ni Ate Anggie na ikinakunot ng noo ni Kuya Rolly.

"Tama na yan. Kayo na lang kaya. Mukhang bagay naman kayo eh. Tutal single ka naman Rolly at single din si Anggie. Diba walang sabit." Sambit ni Manang Josie na ikinalaki ng Mata ng dalawa. Kaya napatawa na lang kaming lahat.

"Hello Eunice. Kumusta ka na." Sambit ni Kuya Axel at niyakap ako. Ngumiti na lang ako. Dahil si crush kayakap ko. Grabe! My crush. Ang gwapo ni crush. Ang swerte ko. Kayakap ko si crush. Sana nga crush rin ako ng crush ko.

"Kuya!" Sambit ni Ethan. Nanagpahiwalay sa namin. Ngumiti lang ako kay Kuya Axel at kay Ethan. Pero itong boyfriend ko sobrang sama pa ng tingin sa akin.

"Ahmf! Beb--este Axel kumain muna kayo. I'm sure hungrying na kayo eh." Sambit ni Ate Anggie at panay pacute pa kay Kuya Axel.

"Thank you." Sambit ni Kuya Axel at umupo sa tabi ni Kuya Rolly. At si Manang Josie naman ay tumabi kay Ethan.

"Anyare sayo?" Tanong ko kay Ethan na ngayon ay wala pa rin sa mood. "Nagseselos ka?" Tanong ko sa kanya pero umiwas siya ng tingin. "HOY!" Sambit ko sa kanya na sobrang lakas pero hindi talaga tumingin sa akin, ay galit talaga siya.

"Excuse me." Sambit ni Ethan at nag walk out.

Hala! Nag walk out siya Bess.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Steven habang nakatingin sa akin.

"Eunice. Sundan mo nga yun. Mukhang nag-iinarte na naman yung lalaking yun." Sambit ni Kuya Axel sa akin. Kaya napabuntong hininga na lang ako bago umalis sa cottage at sinundan si Ethan kung saan pupunta. Mukhang gusto atang mapag-isa.












To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 118 79
Isang ordinaryong babae,magkapatid,grupo ng babae at lalaki at tatlong taong nagmahal ng labis... Lahat sila nagmahal pero pinaglaruan ng tadhana... ...
158K 4.6K 37
Magmamahal ka parin ba? Kung paulit ulit karin Masasaktan?! Wala naman talagang "forever!" Oh edi kayo na ang may love life!. Ako na ang bitter.. ~~~...
13.2K 1.5K 16
~~ RAW AND UNEDITED ~~ Khel is a 19-year old boyish girl who's never been inlove, until she met Von, the man with slightly-chinito eyes. He is the on...
3.5K 200 18
Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooba...
Wattpad App - Unlock exclusive features