Campus Romances 1: A Chance a...

By hIsh3aRtaNdMiN3

4.6K 176 105

"She loved him. She had loved him all her life. Ngunit kung isang kaibigan lamang talaga ang papel niya sa bu... More

Synopsis
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve (1/2)

Chapter One

688 18 2
By hIsh3aRtaNdMiN3

Chapter 1

 

Naka pangalumbaba si Reese habang nakatingin sa labas-pasok na customers ng naturang restaurant na pinuntahan niya. Nasakasagaran kase siya sa pag-iinternalize at ginustong pumunta sa isang lugar na walang mga asungot na makikialam sa pag memeditate niya. She was lost in her thoughts nang maramdaman niyang may humila sa naka braid niyang buhok. Nakabusangot niyang nilingon ang salarin.

“Akala ko ba no pets allowed dito? Paano kayo nakalusot?” asar na tanong niya sa apat na kabuteng nakangiting nakatayo sa harap niya. They were her friends as well as the four most annoying men in her life.

“Ano ka ba naman Reese. Ikaw nga na hindi naman tao pinapasok nila, kami pa kaya? Sa gwapo naming ito, we can go anywhere we want.” ani ni Asher, the playboy of the group. Umupo ito sa harap niya at prenteng inilagay ang braso sa ulunan nito. Then the guy turned to her and and gave her his infamous heart stopping smirk.

“Kayo, gwapo? Saang banda? Hindi ko ata makita.” Balik niya rito as she took a bite of her black forest cake. Lihim na lang siyang napangisi nang makita niyang nakatingin sa cake niya ang mga timawa. Hmmm… maasar nga ang mga ito. And with that thought ay kumuha na siya ng isang maliit na slice ng cake at sinubo iyon. Then she took the cherry on top of the cake and nibbled on it.

“Hmmm… ang sarap talaga ng cake nila dito.” she said with bliss. Muli niyang nilingon ang mga lalake na noon ay nagkaniya-kaniya na rin ng upo sa mga bakanteng upuan. Hindi niya na napigilan at impit na siyag napatawa nang makita niya ang mukha ng mga ito. They were eyeing the cake with their mouths wide open. Kompleto na sana ang picture kung may tumutulo lamang laway mula sa naka awang na mga bibig ng mga ito.

“Jeez Reese, kailangan mo pa bang ipangalandakan na masarap iyang cake mo o talagang nang aasar ka na naman.” Roan muttered at kinuha nito sa kaniya ang tinidor at ang platito ng cake. “Penge ha?” anito at dali-daling linantakan ang kaniyang cake.

Napailing na lamang siya habang nakamasid sa mga ito na nag-aagawan na sa cake. They looked quite the picture, four grown up men who were equally attractive fighting over a measly amount of cake. Hindi rin nagpapahalata na patay gutom ang mga ito.

Napansin niyang napunta na sa table nila ang atensyon ng mga tao roon na karamihan ay mga estudyante rin na tulad nila. Kung ibang tao siguro ang na sa kalagayan niya, they would’ve prayed for the ground to swallow them whole but she was Clarrise Flair Bernardo. She had known these idiots since they were still in diapers. Alam niya na ang ugali ng mga ito pati na ang likaw ng ma bituka ng mg ito at masyado na siyang na expose sa mga ito para tablan pa siya ng hiya pag kasama niya ang mga ito.

Nang makita niya ang waiter na naglalakad patungo sa table nila ay alam na niya na kailangan na niyang pigilan ang mga ito. With a sigh ay tumayo siya at pinagpupukpok ang ulo ng mga ito at umupo. Sumunod naman ang mga ito at umupo na rin.

“Oh mga bata, ngayon at nagbehave na kayo, anong kailangan niyo at talagang pinuntahan niyo pa ako rito?” untag niya sa mga ito.

Mas tumahimik pa ang mga ito at nagkatinginan. Mukhang nagtutulakan pa ang mga ito kung sino sa kanila ang magsasabi ng balita.

Tinaasan niya ang mga ito ng kilay at eksaheradong tumikhim. “Oh. Eh, ba’t natahimik ata kayo? May namatay ba?” tanong niya rito at biglang binalingan si Asher na kasalukuyang umiinom ng tubig. “May nabuntis ka ba Asher?” tanong niya rito na mukhang ikinabigla ng huli dahil naibuga nito ng wala sa oras ang tubig na iniinom.

“Pambihira ka naman Reese, oh. Nananahimik iyong tao tapos papatayin mo pa?” anito habang uubo-ubo habang tatawa-tawa naman ang tatlong itlog sa sinapit ng kaibigan.

“That’s not it. Although now that you mentioned it, baka nga maging problema iyan in the near future.” Sagot naman ni Ylac, the baby of the group, sabay ngiti ng nakakaloko habang umiilag sa kamao ni Asher. No doubt, ito ang pinaka charming at inosente sa grupo, not by much.

“Huwag mo akong galitin Ylac, baka nakakalimutan mo, magkatabi lang ang kwarto natin. You wouldn’t want me to kill you in your sleep now, would you?” sabi niya sa nakababatang kakambal. Nagtaas lamang ito ng kamay na waring sumusuko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Binalik niya ang tingin sa iba. “Kung ganoon, ano na namang kalokohan ang ginawa niyo at nandito na naman kayo sa harapan ko?”

“Kung mag salita naman ‘to. Baka akalain ng mga tao na pumupunta lang kami sa iyo kapag may gulo kaming napasukan.” Sabat naman ni Asher na tumigil na din sa pag-ubo. Tinaasan lang niya ito ng kilay..

“Huwag kang ganiyan Clarisse. We come for you for food too, you know.” Sabi nito sabay ngisi.

Napailing na lang siya. “So why did you really come here?”

Ang kanina pa nananahimik na si Ethan ang sumagot para sa mga ito. “Well, we know na busy ka this week and you did tell us na bawal kang istorbohin buong lingo. But we need you’re help.” Napakamot ito sa ulo, halatang ninenerbyos ito, “Napa-oo kase kami sa isang gig ngayong Friday. And we can’t back out.”

The gig that they were talking about was a performance. Noong nasa High School pa kase sila ay nag pasya ang mga ito na bumuo ng sariling banda. Since all of them had a passion for music as well as a talent in playing ay nagkasundo naman ang mga ito. They named the band Anonymous, dahil sa wala silang maisip na ibang ipangalan sa grupo. Keith Ethan Alledo was the vocalist. Chris Asher Turner, the bassist. Ylac Kristoff Bernardo, her own twin brother, the keyboardist. Roan Alexander Martinez the lead guitarist. And with them ay ang nag-iisang babaeng member ng banda nila, si Krysha Dale Rustique ang kanilang rebel drummer. And then there was her, ang ala manager ng grupo.

Isa-isang tiningnan niya ang apat na timawa. “Let me guess, it was Asher who accepted the offer right?”

Asher had a smug smile as he looked at her. “For the first time in your life Reese, nagkamali ka ng hula.” Inakbayan nito ang isang nakayukong Ethan, “Si Ethan ang sisihin mo dahil siya ang um-oo. Actually, siya pa nga ang nag offer na gawin natin ang gig eh.”

Nagtatanong ang tingin na ipinukol niya sa lalake. Ngunit ayaw yata nitong salubungin ang mga mata niya.

“Alam mo kase Reese, nag bibinata na kase iyang si Ethan.” Asher said.

“Teka, sino nga ba ang babaeng mag ho-hold ng party?” tanong ni Ylac.

“Si Karissa. Iyong naging Miss College of Business Administration and Accountancy last year. Birthday niya kase this Friday at gusto niyang i-hold sa Zoey iyon.”

Bigla niyang naalala ang magandang babe na nakasama nila sa isang interview sa Campus Magazine. Karissa Loranzana was a real beauty kaya naman hindi na katakataka na ito ang naging Miss CBAA last year. Ngunit hindi niya inakala na ito ang tipo ng babae na magugustuhan ng isang tulad ni Ethan.

“Aba, magaling din pala pumili si Ethan. That girl is hot.” Tukso ni Ylac.

Pero hindi sila pinansin ni Ethan. Sa halip, sa kaniya nakatuon ang atensyon nito. It looked like he was annalyzing her reaction. Ibinaling niya sa iba ang tingin, at sa kamalasan niya ay kay Roan naman iyon napadako. Saglit na nakunot ang kaniyang noo ng mapagtanto na kanina pa ito walang imik at nakamasid lamang sa kanila. What confused her was tha he was looking at her as if he knew something that she didn’t.

Ipinilig niya ang ulo, “Okay lang sa akin na mag gig kayo. Wala na rin naman akong magagawa at naka-oo na kayo. Mag kacramming nalang ako sa Thursday para sa midterm ko.” Nakangiting sabi niya. ramdam niya ang pagsakit ng pisngi niya sa pag ngiti.

Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Ethan at humakbang it para yakapin siya. Hindi naman siya nagkamali dahil ilang segundo lang ang lumipas ay pinulupot na nito sa kaniya ang mga bisig nito, “Thanks Reese, Karissa will be really happy when she hears this.” Nakangisi lang sina Ylac at Asher habang nakatingin kay Ethan. Mukhang may masama na naming balak ang mga kulugo at sa hula niya ay ang buhay naman ni Ethan ang pakikialaman ng mga ito. Dali-dali naman siyang binitawan ni Ethan sa pagkakayakap nito at tumakbo papunta sa pinto.

“O Ethan, sa’n ka pupunta?” sigaw ni Ylac nang nasa glass door na ito ng restaurant.

“Ah, may lakad pa kasi kami ni Karissa. Una na ako sa inyo.” At umalis na ito.

“Mukhang malakas nga ang tama nung isang iyon ah.” Sambit ni Asher.

Napangiti na lang siya, “Mukha nga.” Tinawag niya ang waiter at um-order ng pagkain. Mukhang nagutom siya sa usapan nila.

“Kayo, ‘di ba kayo kakain? Tanghali na.”

“Nah, hindi lang si Ethan ang may date dito. I have to go, may usapan pa kami ng date ko na pumunta sa sine.” Asher said as he glanced at his watch.

“Pang ilang date niyo na iyan ng bagong babae mo?” tanong ni Roan na nagsalita na uli.

“Pangatlo.” Nakangising sagot nito, “And I stilll can’t remember her name. Sige una na ako.”

“Alis na din ako. May klase pa ako ngayong ala una. Sige Roan, Reese, una na ako.”

And with that, Asher and Ylac went out of the door, leaving her to deal with Roan. Bakit ito pa ang naiwan sa kanila?, tanong niya sa sarili. Ito pa naman ang pinaka walang kwentang kausap. Not that she hated Roan. He was as annoying and fun as the others. Roan just made people feel like he knew something that they didn’t. May pagka secretive kase ang isang ito. Hindi tulad ni Ethan na madaling basahin o ni Asher na pranka at lalong hindi tulad ni Ylac na palaging nagsusumbong sa kaniya. Roan was just too mysterious for his own good and hers too.

“You actually agreed to them, huh.” Halos mapatayo si Reese sa kaniyang inuupuan nang marinig niyang magsalita si Roan.

“Anak ng kabayo ka naman Roan eh. Huwag ka naman bigla-bigla na lang mag sasalita. Mapapatay mo ako ng di oras niyan eh.” Usal niya habang nakalapat ang isang kamay sa dibdib.

“Paano mo naman ako mapapansin kung nasa ibang bagay naman nakatuon ang isip mo.”

“At paano mo naman nasabi iyan?”

“You’ve been playing wih your food for the past fifteen minutes.” Ipinatong nito ang ulo sa kamay nito na nakalagay sa lamesa. “So, sasabihin mo ba sa akin kung bakit kanina pa lumilipad ang isip mo o do I still have to make a guess?”

“W-wala akong iniisip. I’m... I’m just...” Iwinagayway niya ang kamay niya na waring may inaails na masamang bagay sa harap niya saka siya napabuntng hininga. “It’s nothing.”

“Hmmm... okay din palang makita ang isang Clarisse Flare Bernardo na hindi mapakali. It’s a breathe of fresh air from the normal you-can’t-figure-me-out-I’m-always-cool facade of yours.”

“Anong ibig mong sabihin?” biglang nag salubong ang mga kilay na tanong ko sa kaniya.

“You like Ethan, don’t you?”

Muntik na siyang mabulunan nang dahil sa tanong nito. “Ano ba iyang pinagsasabi mo Roan, you know were just friends. Saan mo naman nakuha iyang mga pibagsasabi mo?” tumawa pa siya ng pagak na agad din naming naputol ng pagtaasan lang siya nito ng kilay.

“I’m not as naive as those three Reese, I’m not as oblivious as Ethan. We’ve known you since God knows when. At alam ko na may gusto ka na sa kaibigan namin noon pa man.”

She sipped on her drink para lamang may magawa siya. Alam niya kase na kapag umupo lang siya doon at nakinig dito ay makikita nito ang panginginig ng mga kamay niya.

“I thought I hid it well.” Nakangising sabi niya, “What gave it away?” Sino pa kaya ang nakahalata sa nararamdaman niya para kay Ethan.

Nagkibit lamang ito ng balikat. “If your wondering kung sino pa ang nakahalata, don’t worry, it’s just me. Hindi naman sa halata ka Reese, kitang-kita lang talaga sa mga mata mo sa tuwing titingnan mo siya na may gusto ka sa kaniya.”

Nagulat naman siya sa sinabi nito. Had Roan always been this observant? Oo, alam niya na minsan ay inaatake ito ng katahimikan but she never thought that he used that time to observe the people around him. Pero may isa pa siyang bagay na gustong itanong dito, “How do you know all this thing. Kung magsalita ka parang ang dami mong alam. Hoy ikaw Roan ah, may dinedate ka na rin bang babae na hindi ko alam?” may halong suspetsa na tanong niya rito.

He just gave her a lazy smile, “Huwag ako ang problemahin mo Reese. You should be thinking about Ethan and his date with Karissa. While you’re here pining over him, his out there dating another girl that that he might potentially court.” Tumayo ito at tiningnan siya, “You might just lose him for real this time Reese.” And with that ay iniwan na rin siya nito.

Ngumiti siya ng mapait habang nakamasid sa basong nasa harapan niya. Ano nga bang gagawin niya? All her life, Ethan had just viewed her as his bestfriend. Simula pa lang inilagay na siya nito sa friend zone. Kaya, ano pa ba ang magagawa niya? Wala na diba? Simula pa lang naman alam niya na... na talo na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...