Sa sobrang space out ko hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng coffe Shop. Nag commute ako kasi hindi naman ako sinabay ng boss ko. No choice ako kung hindi bumiyahe buti na lang talaga sanay na ako at alam ko na papunta rito ng hindi naliligaw o lumagpas. Isa kasi siyang malaking BUWISIT!
"Phoebe, hinahanap ka ni Sir kanina pa." Sabi ni Daniella toka sa counter.
Bumuntong hininga muna ako bago naglakad papasok. Naabutan ko siya na abala.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya pagbukas ko sa pinto.
Nakatuon ang atensyon niya sa pagkalit sa cellphone niya.
"Sorry..." Sabi ko pa habang naglalakad na palapit.
"Ano ba ipapagawa mo?" Namamaos na sabi ko.
Umiyak kasi ako tapos hindi na ako natulog. Ako nga naghanda ng almusal pero hindi ako sumalo sa kanila wala nahihiya ako sa itsura ko.
"Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"May pake ka ba? If I know wala ka naman pake kaya hindi ko na rin sasabihin sa'yo." Sabi ko pa rito.
Kaya naman inabot niya ang isang katerba na naman na papel kaya naman inabot ko at nilapag sa lamesa.
"Ihighlight mo mga important details tapos itype po at iprint." Sabi niya pa kaya naman tumango ako.
Inumpisahan ko na ang pinapagawa niya habang katahimikan ang namutawi sa amin. Ayos na yung ganito yung walang ingay, yung wala muna magtatanong at wala mo na kakausap. Pagod pa 'ko e.
"Broken ka? Family problem? Financial? Alin sa mga 'yon Ms. Magbanua o baka ayaw mo na suko ka na agad then leave. Lahat naman kayo tingin sa akin masama ugali e. Pake ko?" Halatang inis na sabi nito kaya natigil ako.
"Hindi ko sinabi na masama ang ugali mo boss, ang akin lang ay sana di ba? matuto ka naman makisama hindi yung ganiyan ang ayos ng approach tapos magsusungit ka. Dati ka bang nireregla?" Inis na singhal ko.
"Tsk. Inaabuso ang kabaitan ng isang tao. Mas maganda na yung wala kang pake sa mga tao, hindi ko rin naman sila kailangan e." Sabi nito kaya naman napatango ako.
"Maybe ganoon para sa'yo ang kabaitan. Pero hindi naman ganoon yun boss, try to atleast smile and approach kahit ata parents mo hindi mo makuha iapproach ng maayos e." Sabi ko kaya naman napahampas siya sa lamesa kaya napatingin ako.
"Wala ka naman alam e. Kaya madali lang sabihin sa'yo ang mga bagay na yan." Sabi nito at naglakad palabas padabog na sinara ang pinto kaya naman napailing ako.
Siguro mabait ang isang 'yon hindi lang talaga pinapakita sa public.
Kailangan ko siguro palambutin ang isang 'yon? Tama ganoon nga ang gagawin ko?
"Operation, make my boss fall in love charot. Make my boss turn into good." Sabi ko habang pumapalakpak pa.
Tinuloy ko na ang ginagawa ko at hindi na inisip pa ang boss ko.
Bahala siya sa buhay niya, malaki na siya. Attitude masyado e.
Nakalipas ang limang oras hindi na nagpakita yung maatittude kung boss. Apat na oras ko ginawa yung pinapagawa niya bago ko natapos tapos kalahating oras ako nagpahinga kasi nagbabakasakali ako na darating siya pero walang Kiel Mercado ang dumating.
"Ay jusme nagtampo na si Boss. Bahala siya at uuwi na lang ako wala naman ako gagawin e." Sabi ko pa sabay lakad palabas.
Pero balak ko pa lang pihitin ang door knob ng iluwa na nito si Boss Kiel.
"Where do you think you are going? Aalis ka without my permission?" Sabi nito sa akin kaya naman napapailing ako.
"Magbabanyo lang sana ako e. Mag aayos din ako kaya dala ko bag ko. Ayos ba?" Sabi ko rito.
"Bumalik ka kaagad. May pag uusapan pa tayo." Sabi nito kaya naman tumango ako.
Tumuloy na ako palabas at dumeretsyo sa banyo. Tbh, may cr naman sa loob ng office ni Sir e. Ayoko lang talaga roon kasi naiilang ako kay Boss.
"Hey?" Nabalik ako sa realidad at natigil sa pagdedaydream ng hawakan ni Ryan ang kamay ko.
Actually, marami na ang mga kilala kung crew, staff, and cashier dito e. Siguro bente na sila.
"Uy, hello. Excuse lang babanyo muna ako at hinihintay ako ni Sir." Nakangiti kung sabi sabay lakad papunta sa cr.
Napahinga ako ng malalim habang papasok ako sa loob ng office. Pagkapasok ko naabutan ko si Kiel na may binabasa.
"Hello." Sabi ko para malaman niya na nandito na 'ko.
"Akala ko wala ka ng balak bumalik, kalahating oras ka nag cr. Wow!" Sabi nito kaya naman napatahimik ako.
Bakit ba? Nag daydream na naman ako e.
"Pasensiya naman po. Anyway, ano ba pag uusapan natin?" Sabi ko rito sabay upo sa upuan kung nasaan ako nakaupo.
"But before we proceed to our topic. Let's eat. May binili ako na pagkain kaya ako natagalan. Pinaluto ko pa e. Atsaka yung about sa kanina sorry." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Did I heard it right? Legit ba na nagsabi siya ng sorry?
"Weh!?" Gulat na sabi ko.
"Tsk. Ms. Magbanua ayoko na ulitin ang bagay na binitawan ko na okay. Wag kasi bingi." Sabi niya.
Bumalik na naman siya sa dating siya. Yung irap yung taeng pag smirk niya. Pero I find it cute lol.
"Okay Boss. Kumain na lang tayo. Apology accepted kahit hindi ka pa nag sorry. Minsan Boss, try mo kaya ngumiti o kaya mag enjoy o relax para naman naiiwas ka sa stressed." Suggestion ko.
"Daldal mo." Sabi nito kaya naman tumahimik ako.
Inabot niya sa akin yung pagkain kaya naman tumayo ako at kinuha 'to. Hindi ko ineexpect na magiging magkaharap kami sa pagkain kaya nararamdaman ko yung pagkailang pero nilabanan ko na lang at tinuon ang atensyon sa pagkain.
"Tell me something about yourself? Those importance things." Sabi nito kaya naman tiningnan ko siya.
"Nakatira kami sa bukid. I have three brother kuya to be exact. Mga pangingisda, pagtatanim, pagtitinda yung trabaho nila. Ako lang ata nabigyan ng magandang work sa amin e, oppurtunity to be exact. Masuwerte na ako na may nag offer sa akin kahit mahirap mawalay sa pamilya mo e. Hindi kami mayaman sa pera pero sa alaga at pagmamahal ng pamilya sobra pa sa sobra at sa samahan at closeness sobra pa." Sabi ko sa kaniya.
"Kapag nagsawa ka na sa pagtatrabaho mo rito after 1 year, 2 year, 3 year o baka mas marami pa na year anong balak mo? Ano na ang gusto mo tahakin na path?" Sabu nito kaya napabuntong hiningi ako.
"I dont know... wala pa akong balak e. I mean, hindi ko pinaplano yung future ko e. I just go with the flow. Like yung may darating na tao ineentertain ko kung aalis sila edi go like ganern. I don't care basta ang mahalaga para sa akin napupursue ko yung mga goals or promises ko sa parents ko. Iyon naman ang mahalaga para sa akin e." Sabi ko kaya naman patango tango siya sa akin.
Crush ata ako nito e? Panay ang tanong e. Charot lang, masama umasa sa malabo.
"Ikaw ba?" Biglang tanong ko.
"A mess. Sakit sa ulo walang dulot nabuhay para walang gawin na matino." Sabi nito kaya naman napatingin ako rito.
"Walang mess na nilikha ang panginoon. Wag ka kayang ganiyan. Patunayan mo kasi na you can be a best version of yourself. Just be yourself. Ewan o ba sa'yo Sir, masyado kang nega tapos dinadown mo pa sarili mo. Grabe." Sabi ko sa kaniya.
"Kasi iyon naman talaga ako e. Hindi ko naman pinagsisihan e."
"Alam mo boss gutom lang yan. Kain na muna tayo kasi sayang masarap pa naman siya." Sabi ko kaya sandali kami natahimik.
Natapos kami kumain ng walang nagsasalita.
"As what I've said a while ago. May meeting kasi kami sa Batangas 3 days yun at dahil secretary kita gusto ko sana na samahan mo 'ko. Don't worry ipagpapaalam kita kay Mommy, wag ka green minded Ms. Magbanua."
"Wow!? Ako pa sinabihan ng green minded samantalang wala naman ako sinasabi e. Sasama ako kasi trabaho ko yun e. Siraulo ka talaga Sir." Sabi ko rito sabay tawa.
"Deffensive ka sa bagay bagay ha. Laban na laban." Sabi nito kaya napailing ako.
"I'm just depending myself. Anyway, come with me. Samahan mo ako mamili sa Mall. Tapos ka na ba sa pinapagawa ko?"
"Yup. Kanina pa Sir."
"Here tapusin mo 'to tapos aalis na tayo. Go back to work." Sabi nito kaya naman ginawa ko yung pinapagawa niya at hindi na kami nakapag usap pa.
Hindi mo aakalain na may kabaitan ang isang 'to, akala ko puro siya simangot, smirk at pinakamalala ang cold niya makipag usap sa'yo.
"Ano na naman ba iniisip mo Ms. Magbanua, wala atang araw na hindi kita nakikita na nakangiti. Nag aadik ka ba?" Sabi niya na kinagulat ako.
"Hindi Sir, masaya lang ako sa mga naachieve ko. Wag niyo na ako pansinin." Sabi ko pa.
Kararating lang namin dito sa Mall. 45 minutes ang biyahe mula sa office hanggang dito kapag walang traffic.
"May specific ka ba na bibigyan o para sa'yo yung bibilihin mo?" Tanong ko habang magkasabay kaming naglalakad. Nagwiwindow shopping ako baka kasi may mabili ako na puwede ko gamitin sa araw araw kapag nag sahod na 'ko.
"Peace offering maybe." Sabi nito kaya naman tumango ako.
"Naks, okay yan."
"Anyway, sa girls dress muna tayo. Magkafit kayo ni ate kaya ikaw na lang magsukat."
"Opss. Wala akong taste of passion. Pansin mo naman yung damit ko di ba? pants with tshirt o kaya loose shirt lang. Hindi ako nagdedress. Alam ko na patulong tayo sa mga sales lady maybe sila may maiirerecommend." Sabi ko pa.
"Good suggestion. Anway, hindi ka ba nagugutom?"
"Busog pa ako hindi pa nga ata natutunaw yung kinain ko kanina e. Infairness masarap siya, bago sa panlasa ko. Salamat nga pala sa susunod ulit charot."
"Sige lang." Nakangiti nitong sabi kaya naman napangiti ako dahil napangiti ko siya.
Naglibot kami para maghanap ng mas magandang bilihan. Sa totoo lang, lahat ng pinapasukan namin na hanapin ng dress ay magaganda pero sabi nga nila hahanap pa rin tayo ng mas better sa unag nahanap natin maybe mas okay kasi yung better katulad sa tao. Hahanap sila ng better hindi mo naman maiiwasan yun e.
"Hey, I'm asking if this dress is good?" Tanong niya kaya naman napatingin ako sa dress na hawak niya.
Gagi sa sobrang lutang ko hindi ko alam na nakarating na kami rito.
"Yep, pak na pak. Bagay nga kay Ate Kath."
"Para ba sa inyo Ma'am. Anyway, are the two of you are couple or not?"
"No we're not couple." Sabi ko.
"Bagay po kayo." Sabi nito dahilan para mapailing ako at magkatinginan kami ni Kiel.
"Sus te. Nambola ka pa. May mas better na babagay sa kaniya. Maybe ikaw." Pabiro na sabi ko dahilan para mapula si ate.
"Can you please shout up." Sabi ni Kiel dahilan para matigil kami.
Sinukat ko yung pinasukat niya sa akin. After all, the end kami sa sampong damit dahil sa hindi namin alam kung alin ang maganda sa hindi. Si ate kasi panay recommend ng damit tapos ako may suggestion kaya ang ending susukatin ko.
Iba talaga anak ng mayaman, kapag hindi sigurado sa gusto kukuhanin na lang.
"Thank you Ma'am and Sir, come again po." Nakangiting sabi ng Cashier.
"Thank you rin po." Sabi ko
"Thanks."
Naglakad na kami palabas habang bitbit niya ang sampong paper bag. Isang dress isang paper bag.
"Hindi kaya ang OA niyan Sir, marami masyado e. Feeling ko hindi naman lahat mapapakinabangan ni Ate Kath e." Sabi ko sa kaniya.
"Bahala siya. Basta peace offering ko 'to. Sa section naman tayo ng polo." Sabi niya kaya naman nakasunod lang ako sa kaniya.
"Sir, what if one day mainlove ka unexpected anong gagawin mo?" Tanong ko out of the blue.
"I dont know... maybe katulad ng sabi mo I'm just go with the flow." Sabi nito kaya tumango ako.
"Ahh."
"Bakit ikaw?"
"Ewan ko po. Depende sa sitwasyon kung anong mangyayari. Like kung complicated naman na siya iiwas ko na yung feeling ko kasi masakit na may masaktan ka." Sabi ko pa.
"Hmm." Sabi nito.
Tahimik kami habang papasok sa men's dress. Umupo ako sa parang waiting shed at hinayahan ko na lang na siya ang mamili dahil wala naman akong alam sa mga ganiyan. Umupo na lang ako sa sofa malapit sa entrance nito at binantayan na lang yung binili na dress.
Habang naghihintay kay Kiel tinuon ko ang atensyon ko sa mga couple o kaya sa mga tao na masayang nag uusap. Nagtotrowback yung ganiyan na ngiti o kaya saya ng pag uusap namin noon ng mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila Jovilyn, Maricar at Kaye ayos lang kaya sila roon?
I miss them so much.
"Sana miss din nila 'ko." Sabi ko pa.
Huminga ako ng malalim at tiningnan lang si Kiel na namimili ng mga polo habang nakakunot ang noo nito.
"Ganiyan talaga siya, walang bago jusko. Actually, I find i cute. Pero don't get me wrong self, hindi natin siya crush at lalong hindi natin siya type." Sabi ko pa kaya naman iniwas ko ang pagtingin sa kaniya at nangalikot na lang sa cellphone.