The Wife

By JLforeverinlove

515K 7.8K 1.6K

Paano kung kasal ka? Kasal sa taong... Walang paki. Walang puso. Walang pagpapahalaga sa'yo. Sinasaktan ka ng... More

The Wife
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Note.

Chapter 7

24.8K 430 89
By JLforeverinlove

Dedic ko sa iyo dear. Pasensya na kung ngayon lang :)) GodBless! <3

____________________

**Sabi ko sainyo mag-a-update ako kahapon/kagabi pero hindi ko nagawa. Sorry, nagkaroon kasi ako ng biglaang lakad kagabi. Haha :D gimik-gimik din :))

Seriously, salamat sainyong lahat. MAHAL KO KAYO ^_^

____________________

→→→ BTW, the right on the right side is Rance and Junoella. They both stunning :)) →→→

CHAPTER 7

IT took her an hour to fix herself. Nag-apply lang siya ng kaunting make up para maglighten up naman ang mukha niya. Maayos din ang pagkakapusod ng buhok niya na may kaunting nalalaglag na buhok para may effect sa ayos nito.

Halos gibain naman ni Rance ang pinto nang katukin siya nito. Paano kasi inip na inip na siya kakahintay kay Junoella. Kaya naman nagpasya na siyang umakyat para katukin ang kanyang asawa. Late na sila sa party and yet hindi pa sila nakakaalis ng bahay.

‘Aish ang tagal naman niyang buksan. Mga babae nga naman.’

Hindi siya sigurado kung maayos, maganda ba ang suot niya o ang hitsura niya. Dati rati naman hindi siya naiinsecure kung ano ang magiging hitsura niya sa harapan ni Rance pero dati yun at iba na ang usapan ngayon.

Huminga siya nang malalim habang hawak ang isang maliit na bag bago niya tinungo ang pinto. Pikit-mata niyang binuksan ito.

“Bakit ang tagal--”

Natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya ang ayos ni Junoella. She was wearing a red body-hugging gown, red stiletto shoes, and red lipstick. She look so hot and fierce.

Halos hindi nito magawang kumurap nang mapatingin ito sa mukha niya.

Hindi niya inaasahan na ganun ang makikita niyang reaksiyon ni Rance kaya naman pati siya nashock din.

“Let’s go” yaya ni Junoella.

Feeling niya kasi kapag hindi nito binago ang atmosphere. Hindi pa sila nakararating sa party ay tunaw na siya.

Hinawakan ni Rance ang isang kamay nito hanggang sa makalabas sila ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Sumakay na siya sa kotse. Umikot naman si Rance para umupo sa driver seat.

“Stop staring.” saway niya rito.

Kahit nagda-drive kasi siya hindi niya maiwasang hindi tignan si Junoella. Napakaganda niya kasi at ngayon lang niya nakitang nag-ayos ng ganyan ang kanyang asawa.

“I couldn’t help it. You look great.” kaswal na sabi nito na hindi niya tinapunan ng tingin.

“Thanks for the compliment.” sagot niya habang nakatingin siya sa bintana at sa dinadaanan nila.

“Why didn’t you fix yourself like that?”

“Kasi wala naman akong dahilan para mag-ayos nang ganito. Saka mas okay sa akin kung nakikita ako ng mga tao na simple lang.” seryosong tugon nito sa tanong ni Rance.

Totoo lahat ng sinabi niya. Pabor sa kanya ang hindi pag-aayos ng sarili. Ewan niya ba kung bakit. Mayaman naman siya.

Sadyang kumportable lang siya sa simpleng ayos.

She knew she was beautiful. Kanino pa ba siya magmamana. Lahat ng kinalabasan ng genes nang pamilya niya ay magaganda at gwapo. Saka kapag nag-ayos siya ng gaya ngayon. Maaaring landiin lang siya ng mga lalaki. Pero kahit nasa simpleng ayos lang kasi ito madami pa din siyang nabibihag na mga kalalakihan. At hindi niya na yun kasalanan. Kasalanan na yun ng mga lalaking nagkakagusto sakanya.

“Not even for me?” he asked in a flirtatious voice.

Oh c’mon inaakit siya ni Rance.

“Stop teasing me Rance. I know you good with that but i’m exceptional here. Kaya mag-focus ka na lang diyan sa pagda-drive baka maaksidente pa tayo.” pambabara niya rito na ikinatahimik naman ni Rance.

‘Tsk. Ibang klase talaga ang asawa ko.

PAGDATING nila sa venue ng party ay maraming tao ang napatingin sa direksiyon nila. Bagay na bagay kasi silang dalawa lumabas lalo ang kagandahan at kaputian nito sa kulay ng gown niya na tinernuhan naman ni Rance ng black armani suit. Perfect couple.

Masasabi niyang engrande ang okasyon na iyon. But still, it’s bored her to death. She had always been a homebody. Hindi siya mahilig pumunta sa mga ganyang okasyon. Plastikan lang kasi ang mangyayari, eh. Kunwari bati-bati kapag nagkakausap sila, kapag may isang tumalikod sakanila siya na pala ang pag-uusapan. Hangga’t maaari yun ang ayaw niyang mangyari—ang pag-usapan siya.

Iyong ibang nasa party kilala niya dahil mga ka-schoolmate nila yun. Kuno’t noo nga siyang tinitignan, eh. Siguro dahil ang kadate niya ay no other than Rance Luhan Villaruz the hottest guy of their campus.

‘Ampupu makatingin kayo sa akin ng masama wagas, ah. Para niyo na akong lalamunin sa lagay ng mga tingin niyo.’

“Let’s dance” yaya ni Rance sakanya.

Nakita niya naman ang mga couple na pumupunta sa gitna para magsayaw.

“Sure” nakangiti niyang sagot. Iniabot nito ang kamay niya sa nakalahad na palad ni Rance at pumunta na rin sila gitna.

“This could have been just another day

But instead we’re standing here~~”

Ipinatong ni Junoella ang kamay nito sa balikat ni Rance at dalawang kamay ang inilagay nito sa baywang ni Junoella.

“Grabe makatingin yung mga lalaki sa iyo.”

“Hahaha, it’s your fault. Ikaw ang bumili ng damit na ‘to.”

She was in love with her husband. What felt so wrong suddenly felt right at that moment ang the more Rance acted like a sweet, loving person, the more she fell for him.

She had never felt so happy dancing with someone until that moment.

“I like you Junoella.” hinalikan niya ito sa may noo.

Hindi niya inaasahang sasabihin ni Rance ang mga katagang yun.

Napangiti ito, “I like you too, Rance.”

“This is not your ordinary~~ No ordinary love~~ I was not prepared enough~~ To fall so deep in love~~ This is not your ordinary~~ No ordinary love~~ You were the first to touch my heart~~ And everything right again with your extraordinary love”

Everything was going smoothly until someone grabbed Rance’s arm.

Sa isang iglap si someone at Rance na ang sumasayaw. Siya naiwang nakatanga sa gitna ng dance floor.

From the very first time that we kissed~~ I knew that I just couldn’t let you go at all~~”

‘Anong ginagawa mo Rance? Hindi ka man lang ba aalis diyan? Iiwan mo na lang ba ako dito?’ isip-isip ni Junoella.

Tumirik ang mga mata niya sa nakikita nito ngayon. Yung babae hinalikan niya si Rance.

‘Rance, please. Huwag kang tumugon sa halik niya. Please’ piping sambit nito sakanyang isip.

Pero nagkamali siya. Halos matupos siya sa kinatatayuan niya ngayon ng biglang naghiyawan ang mga tao. Si Rance tumugon sa halik nung babae.

What the hell was that? Ang kapal talaga ng mukha niya. Talagang pinakita niya pa sa lahat ng tao na wala siyang pakialam sa kasama/kadate/asawa niya.

Hindi nito kinaya ang mga nakikita niya nang sandaling yun.

Tumakbo siya palabas sa lugar na yun.

Ang sakit lang kasing makita na ang nagsabi sakanyang subukan nilang iwork out ang marriage ay siya pa ang unang gumawa ng ‘scandal’. Kung sabagay hindi naman ito nangako sakanya. Ang sinabi niya lang iwork out nila ang kanilang marriage. He didn’t gave her assurance.

Tuloy lang sa pag-agos ang kanyang luha.

BIGLA namang natauhan si Rance. Itinulak niya palayo yung babae.

‘Ano ba ang ginawa kong katarantaduhan. Fck! Hindi ako nag-iingat sa ginagawa kong actions. Shit! Nasaan si Junoella?’

Nagpalinga-linga siya pero wala na siyang makitang Junoella sa loob. Kaya nagpasya na siyang lumabas para hanapin ang kanyang asawa.

And there she is. Nag-aabang ng taxi.

Iniharap niya si Junoella sakanya, “Wait.. Lizzy and I didn’t sleep together. We didn’t go out on a date.” natatarantang paliwanag nito. Napasabunot siya sa buhok nito, “Sinasabi niya sa akin na mahal niya ako simula nang nagkakilala kami which was ridiculous so I never believe she was serious.” pagpapaliwanag nito habang nakatingin siya sa mga mata niya.

Galit niyang binalingan ng tingin si Rance. “Hindi ko kailangan ang paliwanag mo.” sigaw nito, “Alam ko namang hindi mo ako mahal pero sana man lang ipakita mo sa ibang tao na may pagpapahalaga ka sa akin, kahit konti lang.” garalgal niyang sabi. Habang tuloy lang sa pag-agos ang luha nito sa kanyang pisngi, “Ay, oo nga pala.” sarkastikong sabi nito, “Hindi nila alam na si Rance Luhan Villaruz ay kasal na. Na pagmamay-ari na kita.”

“Sorry.” tanging nasabi lang niya.

“Tanginang sorry yan Rance.” nanginginig na siya sa sobrang galit, “Nasaktan na ako, eh. May magagawa pa ba yan? Dammit!! Mababago ba ng sorry mo ang mga nangyari ha! Sagutin mo ako.” pinagsusuntok nito sa dibdib si Rance.

“I didn’t meant to hurt you.

She slapped him hard on his face. Sumabog na siya sa sobrang galit. Hindi niya na ito kayang pigilan. Para bang lahat na lang ng kinikimkim niyang sama ng loob sa kanyang asawa ngayon na lang lumabas.

“You didn’t meant to hurt me, really? Alam mo ba kaninang hinila ka nung sino-mang-babae-na-yun. Hiniling ko na umalis ka dun kasi kasama mo ako. Pero hindi yun nangyari. Isa pa nung hinalikan ka niya, sabi ko sa sarili ko hindi ka magreresponce sa halik na yun dahil alam mong kasama mo ako. Pero ano yung ginawa mo. Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng maraming tao. Ginago mo ako Rance.” itinulak-tulak niya ito,

“Ikaw ang nagsabi na subukan nating iwork out yung marriage natin. Pero wala pang 24 hours ang nakalipas, oh. Hindi mo man lang yun magawang panindigan.” napaupo siya sa semento at itinakip niya ang palad nito sa kanyang mukha, “Ang tanga-tanga ko dahil umasa ako. Naniwala akong kaya mo. Bakit Rance? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?” bumuntong hininga siya saka ito tumayo, “Wala akong kasalanan kung bakit tayo kinasal. Ang unfair Rance. Sobrang unfair dahil ako lang ang nasasaktan sa relationship na ‘to.”

Niyakap ni Rance si Junoella, “Lahat ng sinabi ko sa iyo na gusto kong iwork out ang marriage natin totoo lahat ng yun. Pagod na ako sa set up natin—ang hindi natin pagpapansinan, wala tayong pakialam sa isa’t isa. Kaya nagpasya akong sabihin yun sa iyo kanina.” napabuntong hininga siya, “Nadala lang ako. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Kaya kong panindigan yun kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.

Itinulak niya ng marahan si Rance para makawala ito sa mga bisig niya, “Tama na muna Rance. Pag-isipan mo munang mabuti bago ka bumitaw ng mga salita. At nang hindi ka nakakasakit ng damdamin.”

..to be continued

**Ang sakit ng puso ko habang tinatype ko 'to. ayoko pa sanang gawin komplikado ang lahat kaya lang kasi ito yung sinasabi ng isip ko. Hmm for sure madami na naman magagalit kay Rance nito >__<

UD? Hindi ko pa po alam.

Thank you for reading..

VOTE. COMMENT. Be my friend.

If you think the story and I deserve for that.

GodBless!!

<3 JL

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...