His Personal Wife - Book 2.

Від modernongmariaclara

15.8M 235K 68.7K

FINISHED Більше

His Personal Wife - 1.
His Personal Wife - 2.
His Personal Wife - 3.
His Personal Wife - 4.
His Personal Wife - 5.
His Personal Wife - 6.
His Personal Wife - 7.
His Personal Wife - 8.
His Personal Wife - 9.
His Personal Wife - 10.
His Personal Wife - 11.
His Personal Wife - 12.
His Personal Wife - 13.
His Personal Wife - 14.
His Personal Wife - 15.
His Personal Wife - 16.
His Personal Wife - 17.
His Personal Wife - 18.
His Personal Wife - 19.
His Personal Wife - 20.
His Personal Wife - 21.
His Personal Wife - 22.
His Personal Wife - 23.
His Personal Wife - 24.
His Personal Wife - 25.
His Personal Wife - 26.
His Personal Wife - 27.
His Personal Wife - 28.
His Personal Wife - 29.
His Personal Wife - 30.
His Personal Wife - 31.
His Personal Wife - 32.
His Personal Wife - 33.
His Personal Wife - 34.
His Personal Wife - 35. PRIVATE
His Personal Wife - 36.
His Personal Wife - 37.
His Personal Wife - 38.
His Personal Wife - 39.
His Personal Wife - 40.
His Personal Wife - 41.
His Personal Wife - 42.
His Personal Wife - 43.
His Personal Wife - 44.
His Personal Wife - 45.
His Personal Wife - Epilogue - Prologue.
Please read: Announcement. :)

His Personal Wife - 1st Special Chapter.

302K 4.2K 702
Від modernongmariaclara

Para 'to sa mga nagbasa mula sa umpisa. Thank you guys. And btw highway, medyo maiiba ang plot ng In Bed With Mr. Legacy. Tanggalin niyo na muna sa isip niyo yung unang chapter na napost ko. Basahin niyo 'to at maiintindihan niyo kung anong nagbago. =))))) 3 special chapters and then, IBWML na. =))

PatNey ang nasa gilid anubeyy haha. Bakit ba ganun si Junjun? =))

-------------------------------

HPW 1ST SPECIAL CHAPTER.

KATHRYN'S POV

Ang hirap pala talaga maging magulang.

"Haynako mare. Nakakaloka talaga. Akala ko kapag medyo lumaki na ang mga batang yan, mawawala na yung sakit ng ulo na bigay nila satin."

"Oo nga mareng Julia. Nakakawindang. Yang tatlong lalaki niyo ang dahilan kaya madalas umiyak ang baby Zharmbie ko e. Haynako kaloka."

"Hoy Zharmiella, manahimik ka nga dyan. Malamang mga lalaki ang mga anak namin. Kasalanan ba namin kung yang anak mong si Aria ay nagsasama dyan sa tatlo? At bakit ba tinatawag mo pa rin yang baby Zharmbie e 13 years old na silang lahat?"

"Maka-hoy kang babae ka. Excuse me Bea, baka nakakalimutan mong nag-iisang anak lang namin siya ni Albie kaya talagang baby pa rin namin siya."

"Hindi rin. Yang anak nga namin ni Quenito na si Jerome, di na namin binebaby e. Dapat ganun rin kayo."

"Alam mo mareng Bea, naiintindihan ko si Zharmiella. Malamang babae yung anak nila. Kami ni Paulo, kahit matigas ang ulo ni Francis, hinahayaan na lang namin. Pero kapag yan sumagot-sagot samin nako, alam niya mangyayari sa kanya."

"Haynako mga mare, kamusta naman yung anak namin ni Neil diba? Kaloka. Manang-mana sa tatay. Maloko rin pero kapag nagseryoso, akala mo mas matanda sa totoong edad niya."

"Nako yang si Dominic naman kasi mareng Yen, may pagkakagaya mo rin. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ganyan ang anak niyo ni Neil."

Bigla silang nagtinginan sakin ng sabay-sabay. Yung isang kamay pa nila nakapatong sa table na inuupuan namin ngayon at nakapangalumbaba silang lahat habang nakatingin pa rin sakin.

"Sabagay mareng Bea, tama ka. Pero alam naman natin kung sino talaga ang pinaka-nakakaloka dyan sa lima nating mga anak."

"Oo nga, alam na natin kung sino."

"Ang talagang nagmana sa pagka-stubborn ng nanay niya."

"At ang nagmana sa kapilyuhan ng tatay niya."

"Sino pa nga ba?"

"E di si Junjun!"

Yung totoo, sabay-sabay pa silang sumigaw. Etong mga 'to. Parang di mga nanay e.

"Magsitigil nga kayo!" sinamaan ko sila ng tingin. "Very helpful talaga kayo. Note the sarcasm."

Natawa silang lahat. Tinapik lang ako sa balikat ni Yen.

"Haynako mare. Nakakaloka. Grabe, hawang-hawa na sa kapilyuhan ni Junjun si Dom. Kalokang mag-pinsan yan."

"Nako, kahit naman di pinsan ni Francis yang si Junjun, nahahawa pa rin e."

"Tama ka dyan mareng Julia. Minsan nga minumura na sa isip ni Quenito si John este si Daniel dahil nga naman nagmana sa kapilyuhan ng tatay yang si Junjun mo. Nahahawa tuloy ang Jerome namin."

I sighed. "Pasensya naman. Ganun talaga ang anak namin. Pilyo talaga. Ni hindi ko nga alam kung bakit ganyan ang anak namin e. For 13 years, pinalaki naman namin siya ng maayos. Alam niyo naman yun diba?"

"Oo naman mareng Kath. Alam na alam namin yun. Nakakapagtaka lang talaga na parang carbon-copy ni Daniel yang anak niyo. Tignan mo, sa ganyang edad, hinahabol na agad ng mga babae sa highschool nila? Kinukwento kaya yan sakin ni baby Zharmbie este Aria ko."

"Mareng Zharm, di na kasalanan ng anak ko kung bakit ganun ang trato sa kanya ng mga babae sa eskwelahan niya. Kilala ko naman ang anak ko e. Alam kong di siya mananakit ng mga babae."

"Sabagay tama ka rin. Yang si Junjun pilyo yan pero nakwento sakin ni Francis na wala pang plano yang magka-girlfriend. Kumbaga, chill-chill lang siya. Buti nga at kahit matitigas ang ulo ng mga anak natin, alam nila na bawal silang manloko o manakit ng babae dahil alam nilang masasaktan tayo. Kasi syempre pinalaki natin sila ng maayos tapos ayan pa igaganti nila satin."

"Korek mareng Julia. Haynako, buti na lang dito na kayo nag-stay ni Paulo. At least kumpleto tayong lima."

"Alam ko yang si Bea hindi naman talaga kasali e. Bakit ka ba nasali Bea ha?"

"Hoy Zharmiella! Tigil-tigilan mo ko dyan at baka ipakidnap kita at barilin. Nako, ikaw talagang babae ka oo!"

"Joke lang mare! Talaga naman 'to. Alam mo namang kinalimutan na natin ang lahat ng nangyari dati e. Ibinaon na natin sa limot. Mahal na mahal na natin ang isa't-isa diba?"

"Tumpak ka dyan mareng Zharm. Haynako, nakakastress talaga maging magulang, lalo na ang pagiging ina pero kaya naman natin dahil andyan naman ang mga asawa natin."

"Korek ka dyan mareng Yen! At syempre andyan rin ang ating mga bagets na di tayo dinidisappoint kahit kelan. Well, tigas nga lang ng ulo pero kaya naman nating imanage yun. Dahil magaganda tayo."

Natawa ako bigla sa sinabi ni Julia kaya nakisabay na rin ako sa kanila.

"Tama! Tayo ang pinakamagagandang ina sa balat ng lupa!"

Oh jusko, lamunin mo na ako oh lupa! Ang taas ng self-confidence naming lima!

Palibhasa, masaya kami e. Kuntento.

Nandito kami nila Yen, Zharm, Bea at Julia sa park. Nag-babarbeque habang wala ang mga mahal naming asawa. At syempre, taga-bantay na rin kahit papaano sa tatlong itlog, isang anghel at si pasimuno namin.

Syempre, sino pa ba ang pasimuno sa lima, edi yung anak ko. Hay.

"Tignan niyo yang lima nating anak."

Sinunod namin yung sabi ni Bea at napatingin nga kami sa limang bagets na nagtatakbuhan sa park.

Sa park namin ni Daniel.

Ang saya-saya nila. Kaya masaya na rin ako.

Lalo na dahil masaya rin kahit papano ang anak namin ni DJ.

Si DJ Jr. O mas kilala bilang si Junjun namin.

"Grabe, onting taon na lang hihintayin natin mga mare, magcocollege na sila. Matutupad na nila ang pangarap nila."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni ate Yen na naging kumare na namin. Tama naman siya.

Onting taon na lang, magiging college student na ang mga anak namin.

Onting taon na lang, makakagawa na sila ng pangalan.

Well, kilalang-kilala na naman silang lima. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanila. Maraming gustong makasama sa grupo nila. Pero di ko alam, takot silang lima. Takot sila na magpapasok ng kung sino-sino sa grupo nila.

Dahil rin naman sa amin kaya hirap silang magtiwala sa mga taong nasa paligid nila.

Dahil sila ang tinatawag na...

LEGACY.

Napatingin ako sa batang tahimik lang pero halatang masaya dahil kasama niya ang mga kaibigan niya.

Si Francis Elmer Avelino. "Cis". Anak ni Julia Buenavista at ni Paulo Avelino. Mayaman. Makapangyarihan. Ang kanyang nanay na si Julia ay may-ari ng kalahati ng shares ng Buenavista Group of Companies na ipinamana sa kanila ng kuya niyang si Enrique. Idagdag mo pa ang sarili niyang fashion line sa Italy at Pilipinas na itinaguyod nila ng asawa niyang si Paulo, ang may-ari ng isang successful manufacturing business sa Italy.

Sunod naman na napatingin ako sa batang mahilig ngumiti, parang walang problema, steady lang at masayang nakikipaglaro sa mga kaibigan niya.

Si Joseph Jerome Buenavista. "Jere". Anak ni Bea Salvador at Enrique Buenavista. Mayaman. Makapangyarihan. Ang kanyang nanay na si Bea, kahit marami siyang pagkakamali sa nakaraan niya, nagsikap para magtayo ng sarili niyang art museum. Nandun nakadisplay ang mga paintings niya and twice a year, nagkakaroon siya ng art exhibit sa iba't-ibang parte ng Asya. Si Enrique naman ay may-ari rin ng kalahati ng shares ng Buenavista Group of Companies na ipinamana sa kanila ng kapatid niyang si Julia. Idagdag mo pa na siya ang may hawak ng Buenavista University at ang may hawak sa firm nila sa New York.

Napunta naman ang tingin ko sa batang anghel, madaling umiyak dahil madalas siyang asarin ng tatlong itlog at si pasimuno namin pero sobrang bait at talagang di papahuli sa mga kaibigan niya.

Si Zharmbie Aria Ravena. "Aria". Anak ni Zharm Sy at Albie Ravena. Mayaman. Makapangyarihan. Ang kanyang nanay na si Zharm ay may-ari ng maraming malls sa buong Pilipinas, at siya ang namamahala sa Sy Holdings Inc. na ipinamana sa kanya ng magulang niya. Si Albie naman ay ang may-ari ng pinaka-successful na furniture company, ang Ravena Furnitures, sa buong Pilipinas.

Napatingin naman ako sa batang mukhang agad na nag-mature sa kanilang lahat, pero kahit ganun, maloko pa rin lalo na kapag kasama ang mga kaibigan niya.

Si Dominic Karl Santiago. "Dom". Anak ni Yen Montenegro at Neil Santiago. Mayaman. Makapangyarihan. Ang kanyang nanay na si Yen ay may sarili ng fashion line sa Paris na sumikat na rin sa buong Asya. Si Neil, ang aking kuya, ay ang may-ari ng kalahati ng shares ng Santiago Realty Inc. na ipinamana samin ng tatay namin na abot hanggang United States.

Sa kanya naman ako napatingin, sa batang carbon-copy ng tatay niya, sa batang nahawa sa stubborness ko at sa batang nahawa sa kapilyuhan ng tatay niya. Ang batang sa unang tingin, alam mong maloko na, pero kapag naintindihan mo siya, malalaman mong there's more than meets the eye, lalo na kung para sa mga kaibigan niya.

Si Daniel John Montenegro Jr. "Junjun". Anak ni Kathryn Santiago at ni Daniel Montenegro. Mayaman. Makapangyarihan. Ang kanyang nanay na nagngangalang ako ay may-ari ng kalahati ng shares ng Santiago Realty Inc. na ipinamana samin ng tatay namin na abot hanggang United States. Si Daniel, o mas kilalang DJ, ay may-ari ng Montenegro Group of Companies na ipinamana na sa kanya ng tatay niya. Lahat ng klase ng negosyo, mapa-manufacturing pa yan o telecommunication, ay sakop ng Montenegro Group Of Companies. At hindi lang sa Pilipinas kundi abot na rin sa buong mundo ang Montenegro GOC.

Dati ay naglalaban ang Buenavista GOC at Montenegro GOC pero ngayon, matiwasay na sa pagitan nila. Lalo na't magkakakilala kami, kaya wala ng higitan, wala ng kumpetisyon, at lalong wala ng parinigan sa magkabilang-kampo.

Magkakaibigan pa ang mga tagapagmana namin.

Sana talaga wala ng dumating na hadlang. Sana wala ng dumating na pagsubok na baka makapagbigay hirap saming pamilya, lalo na sa anak namin na si Junjun.

"Si Junjun!"

Speaking of Junjun, napatingin ako ulit sa kanila. Teka, anong nangyayari?!

Nawala lang sa paningin ko sandali, biglang may kasuntukan na?!

"Hoy tama na yan!" tumayo ako at agad na tumakbo sa mga bata. Pinipigilan ng tatlong itlog si Junjun dahil may sinusuntok siyang di-kilalang bata. Si Aria naman ay umiiyak lang sa tabi.

Agad na pumagitna ako kay Junjun at sa batang sinusuntok niya. Aabante pa sana si Junjun pero binigyan ko siya ng tingin na alam niyang gusto kong tumigil na siya.

Tumigil naman siya at sinamaan lang ng tingin yung batang lalaki na sinuntok niya.

"Junjun naman, ano na naman ba nangyari ha?"

Di siya nagsalita. Ikinuyom niya na lang ang kamao niya para makakalma.

Napatingin ako dun sa batang lalaking sinuntok niya. Jusko po, nagdudugo yung labi ng bata.

"Pasensya na iho. Lika gagamutin nati--"

"Anong nangyari sa anak ko?!"

Napatingin ako sa sumigaw na babae.

Patay, yung nanay ng nabugbog ni Junjun.

Huminga ako ng malalim at nag-look of apology sa babae. "Uhm, sorry ho pero nagkataon lang na nasuntok ng anak ko ang anak niyo. Di bale ako na ang gagamot sa kanya."

"Anong ikaw?! Bakit? Wala ba siyang nanay? Turuan mo na lang yang anak mo ng magandang asal! Tignan mo, nambubugbog na lang ng walang dahilan! Kawawa naman ang anak ko!"

"Anong sabi mo? Nambubugbog ng walang dahilan? Paano mo naman nasabi misis? Sa tingin mo di ko pinapalaki ng maayos ang anak ko ha?"

"Oo. Ni walang ginagawa ang anak ko sa anak mo! Kanino ba nagmana yan ha?!"

Bigla na lang pumantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Sa susunod, ayus-ayusin mo yang pananalita mo sa akin lalo na sa anak ko. Baka di ako makapagtimpi, gawin ko rin sayo ang ginawa ng anak ko sa anak mo."

Pagkatapos kong sabihin yun, hinila ko na agad si Junjun papalayo dun. Sinenyasan ko ang mga kumare ko na nakatayo at halatang gulat sa nangyari na sila na bahala sa mga anak nila.

Mukhang kailangan ko na naman pagalitan 'tong anak ko dahil sa ginawa niya.

"Ma, san tayo pupunta nam-- ah!!! Aray!!!"

Sinimulan ko kasi siyang pingutin sa tenga.

"Di ka pa rin natututo ha?!"

"Ma! Bitaw na!!! Aray!!!"

"Ano na naman bang pumasok sa isip mo at nakipagbugbugan ka na naman ha?!"

"Ma tama na!!!"

"Di ka talaga titigil ha? Lagot ka sa tatay mo mamaya!"

"Ma di na mauulit pramis! Ma bitaw na!!!"

Binitawan ko na ang tenga niya at nag-crossed arms.

"Explain yourself Junjun."

"Tss ma naman ang baduy--"

"Sinabi ng explain yourself!"

"Tss. Ma talaga o!" nagkamot siya ng ulo. "Siya naman nagsimula."

"Paanong siya ang nagsimula ha? Iexplain mo ng maayos ng di ako magsisi na pinagsalitaan ko yung huklubang nanay ng batang yun!"

Nagulat ako ng biglang natawa si Junjun. Natawa siya habang pinupunasan yung dugo sa may labi niya.

Teka, nasuntok rin siya ng batang yun?!

"Lika nga, umuwi na tayo. Sa bahay mo na lang ipaliwanag lahat ng nangyari. Subukan mong maayos ang paliwanag mo kundi bubuhusan ko talaga ng alcohol yang bibig mo habang ginagamot ko yan mamaya!"

"Oo na ma. Relaksssssssss"

"Relax-relax ka dyan. Sakay na ng kotse!"

"Ma naman, wag ka ng masungit. Sorry na. Nabadtrip lang ako dun sa ungas na yun."

"Bibig mo nga!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa anak ko.

Pagkauwi ng bahay, habang ginagamot ko yung sugat sa labi ni Junjun. Inexplain niya na sakin yung buong nangyari.

Apparently, yung batang lalaking yun, gustong makisali sa laro nila. Di siya pumayag pero wala rin siyang nagawa dahil ayos lang naman dun sa tatlong itlog at sa anghel. Kaya lang, nung magtataya-tayaan na sila, bigla na lang itinulak nung batang lalaki si Aria. Nagalit si Junjun kaya agad na sinugod yung batang lalaki at yun na nga ang dahilan kung bakit sugatan yung sinuntok niya.

At alam niyo ba ang dahilan niya kung bakit in the first place, ayaw niya ng pasalihin yung batang lalaki sa laro nila at sa grupo nila?

"Alam ko naman ma na maraming gustong makipagkaibigan samin dahil mga tagapagmana kami. Lalo na sakin. Kahit bata pa ko, alam ko na kung sino ang mga dapat kong pagkatiwalaan. Malas lang nila sakin-- aray naman ma!"

Oo, nakakuha na naman siya ng pingot sakin dahil sa sinabi niya.

Nalulungkot ako dahil nga ganun, takot siya, lahat sila na makipagkaibigan sa kahit sino. Dahil totoo naman talaga, maraming gagamit at gagamit sa kanila kapag naging open sila sa lahat.

Pero, alam ko naman na balang araw, malalaman niya rin kung sino ang mga taong totoo sa kanya. Hindi pa siguro ngayon dahil bata pa siya pero naniniwala akong kung sino man yun?

Magiging tapat rin sa kanya gaya ko kay DJ ko.

Buong maghapon na nagkulong sa kwarto si Junjun. Naglaro ng video games. Di ko na nga pinansin e. Bata pa talaga siya. Nung umakyat ako sa kwarto niya kinagabihan, tulog na. Buti nakakain siya ng early dinner nung bumaba siya kani-kanina dahil kung hindi, nako. Kawawa siya sakin. Lalo na sa papa niya. Madali pa namang magalit yun kapag nalilipasan ng gutom si Junjun. Mahirap daw baka maging patpatin katulad ko. Baliw talaga si pigney.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato ngayon. Day-off kasi ng mga maids namin. Ayos na rin dahil namiss ko kumilos sa buong-bahay.

"Hi baby!"

Bigla na lang akong nanigas sa kinakatayuan ko dahil sa boses na yun. Haharap na sana ako ng bigla na lang niya akong binuhat. Napahawak na lang tuloy ako sa leeg niya.

Nanlaki yung mga mata ko ng nakita ko si DJ na nakatingin ng nakakaloko.

"H-hoy ano ba ibaba mo ko!"

"Tulog na ba si Junjun?"

"Oo. Bakit?"

Di siya nagsalita. Nakatingin pa rin siya sakin ng nakakaloko hanggang sa iakyat niya kami sa kwarto.

Talaga naman 'tong Mr. Pigney na 'to oh! Kahit kelan napakaano! >//<

"Namiss kita." hinalikan niya ako sa labi ko. "Namiss talaga kita."

"DJ naman. Di na tayo teenager. Parents na tayo."

"Eto naman. Nanlalambing lang." binaba niya ako sa may kama namin at nilock yung pinto. Saka tumabi sakin. "Hay nakakapagod talaga ang trabaho. Buti na lang nandyan ka pati si Junjun."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Syempre naman. Nandito naman kami para sayo. Alam mo yun."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit habang nakaupo ako. Yung ulo niya nasa may dibdib ko. Nakapikit siya at parang kuntento na siya na ganun kami.

Hinaplos ko yung ulo niya at hinilot ng onti yung ulo niya. Hay buhay. Talaga 'tong pigney ko. Pagod na pagod na.

Nagulat ako ng bigla niyang isiksik yung mukha niya sa dibdib ko.

"Hoy teka nakikiliti ako!"

"Hmm..."

Takteng DJ 'to oh! Nakakahiya!

Namumula na ako. Ano ba. Talaga 'tong isang 'to. Di na nagbago. Ewan ko dito. Buti na lang tumigil na. Pagod na e. Nakayakap na lang siya ng mahigpit sakin.

"Ayos ka lang ba ha? May problema na naman ba?"

Di siya nagsalita. Pero maya-maya, bigla na lang siyang bumuntong-hininga.

"Meron."

"Ano yun?"

He sighed.

"Meron kasing fast-rising company ngayon sa Pilipinas na galing pang Canada na nakikipagcompete sa Montenegro Group of Companies. Akala ko wala ng mangyayaring ganun pero hindi e. Nagulat ako nakikipag-agawan sila ng foreign investors sa atin. Nakuha nila yung sa Florida natin, Kath. Kaya nag-aalala ako. Baka kung ano pa ang gawin nila."

"Imposible namang matapakan nila tayo DJ. Sila lang ang mapapahiya sa ginagawa nila e. Sino ba sila ha?"

"Di ko kilala e. Basta gaya ng sinabi ko sayo, business is business. May ganito talagang instances. Sana lang tumigil sila dahil kung hindi, di ko rin sila titigilan. Alam mo yan Kath."

"Hay. Oo naman. Alam ko yun. Pero teka, ano bang pangalan ng company nila?"

"De Leon Group of Companies."

------------------------------------------------

PS: Get ready for the 2ND SPECIAL CHAPTER. Soon.

POV of Daniel Jr. next chap. May marereveal...

Продовжити читання

Вам також сподобається

Stuck with my Forever (Stuck Series Book 4) Від Nerdyirel

Підліткова література

1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
627K 25.2K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...
103K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...
6.8K 381 94
May writer's block? Walang maisip na ideya? Kailangan ng writing exercise? Sagot namin kayo! Inihahandog ng AmbassadorsPH ang Prompt of the Week kung...