Alejandro's Empire #2: His Lo...

By LittleRedYasha

285K 6.4K 286

I am twenty-five-year old Radelyn Tingson. Katulad ng mga ordinaryong babae, gusto ko rin ng stable na trabah... More

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver
[1] His Lovely Driver
[2] His Lovely Driver
[3] His Lovely Driver
[4] His Lovely Driver
[5] His Lovely Driver
[6] His Lovely Driver
[7] His Lovely Driver
[8] His Lovely Driver
[9] His Lovely Driver
[10] His Lovely Driver
[11] His Lovely Driver
[12] His Lovely Driver
[14] His Lovely Driver
[15] His Lovely Driver
[16] His Lovely Driver
[17] His Lovely Driver
[18] His Lovely Driver
[19] His Lovely Driver
[20] His Lovely Driver

[13] His Lovely Driver

11.8K 258 12
By LittleRedYasha

#ThirDee 'pag may time! Arigatou gozaimasu!

CHAPTER THIRTEEN

"RADEE, anak? Ang Papa mo ito."

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone nang mabosesan ang papa niya sa kabilang linya. Kasalukuyan silang naghahapunan nang tumunog ang cellphone niya.

Humarap siya glass wall ng unit at tumingin sa mga nagdaraang sasakyan sa baba.

Whew, nakakalula.

"'O-oy, Pa. 'Musta man dira? Dugay ka man wa'y nakatawag," pabirong sabi niya. Kinamusta niya ito at sinabihang matagal ding hindi nakakatawag sa kanila ito.

"Oo nga, eh. Pasensiya na, 'nak, ha? Abala sa hanap-buhay ang Papa mo, eh. Alam mo naman, hindi pa tapos ang iba mong kapatid."

Ang tinutukoy nito ay ang mga half-siblings nila ni Reina. Sa unang pamilya ng Papa niya ay may lima itong anak. Tatlo na ang anak nito na pawang mga teenager na nang makilala ito ng Mama nila. Dayo kasi noon ang Papa niya sa Antique dahil isa itong project engineer. Parang pamilyar nga ang kwento nilang iyon. Kung si Dingdong Dantes ay may 'Dalawang Mrs. Real', ang papa naman niya ay may 'Dalawang Mrs. Tingson'. Ang kaibahan nga lang, hindi pinakasalan ng papa nila ang kanilang mama.

"Alam ko 'yon, Pa. Naiintindihan namin," sabi niya sa magaang tono.

"Ang akala ko, habang-buhay ka nang magtatampo sa 'kin dahil matagal kayong nabuhay sa kasinungalingan ko. Napatawad mo na ba 'kong tuluyan, anak?"

"Pa..." Tila ba kinukurot na naman ang puso niya. "Alam naman nating pareho na imposibleng magalit ako sa inyo habang-buhay. Huwag na nating pag-usapan 'yon." Pinasigla niya ang boses. "Ang tagal nating hindi nagkita, eh."

"Tama ka nga, anak. Kaninang hapon ko lang nakuha ang padala mo. Salamat, anak, ha? Sikat na brand ng kape pa talaga ang nabili mo."

Napangiti siya. Kaya nga ba hindi na siya nahiyang manghingi noong isang araw kay Manang Lory ay dahil sa hilig talaga ng papa niya ang magkape.

"Walang anuman, Pa. Tsaka hindi ko naman binili 'yan. Talaga lang mabait ang mga taong nakakasalamuha ko para bigyan ako."

"Salamat din daw sabi ng Tita Emma mo," tukoy nito sa legal nitong asawa.

"Pakisabi po na walang problema. Sa susunod, susubukan kong magpadala ulit kung may pagkakataon."

Marami pa silang pinag-usapan nito kaya hindi nakapagtatakang tapos nang maghapunan sina Manang Lory at Thirdy nang matapos ang tawag.

"Bye, Pa. Ingat kayo lagi riyan."

"Ikaw rin, Radelyn. Lagi mo akong balitaan sa Mama mo at kay Reina, ha? Mahal ko kayo ng kapatid mo."

"Makaasa ka, Pa. Mahal ka rin namin."

Nagulat siya nang pagpihit niya sa direksiyon ng sala ay nakita niya si Thirdy sa harap niya. Bigla na lang nag-iba ang tibok ng puso niya.

Pambihira talaga.

"S-sir."

"Sinong kausap mo?"

Kimi siyang ngumiti. "Papa ko, Sir."

"Bakit mukha kang malungkot? May problema rin kayo?"

"Wala namang gano'n, Sir."

"Gusto mong pag-usapan natin?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Umaakto ba itong kaibigan sa kanya? How touching.

"N-naku, nakakahiya naman--"

"Hey, don't be so unfair," sansala nito habang nakataas ang isang kilay. "Remember, you lend me your ear in the middle of the night? What you did really make me feel better. So would you, please, let me return the favor?"

Ah, that sincerity in his eyes and voice. Para iyong spell na madali siyang napasunod.

"Hindi ka busy?"

"I'm not reporting to the office tomorrow so that means we are both having a day off. It's okay to be lazy sometimes. Minsan lang naman, eh."

At bukas ng gabi na nga pala ang wedding anniversary ng grandparents nito.

Nakagat niya ang ibabang labi para magpigil ng hagikhik.

Pagkatapos ay nilingon nito si Manang Lory na nasa sala na pala at abala sa paghahanap ng channel.

"Manang, sa labas na namin itutuloy ni Radee ang dinner, ha?"

"Magdi-date kayo?" sabi nito habang kunot na kunot ang noo. Halatang nahihirapan ito sa channel.

"Hindi po--"

"Promise, nakabalik na kami by ten o' clock," Thirdy interrupted. "May pag-uusapan lang kaming..." Tiningnan siya nito habang nakapaningkit. "Basta may pag-uusapan kami."

Napahagikhik na tuloy siya.

"Kayong bahala, mga bata, pero pwede bang hanapin niyo kung anong channel ang soap opera na pinapanood ko?" Napakamot ito sa ulo. "Kanina pa ako nahihirapan dito. Hindi naman ganito kahirap ang paggamit ng remote control noon sa bahay ng lolo't lola mo."

Pareho silang natawa ni Thirdy. Cable kasi sila sa condo kaya mas marami talaga ang channels kumpara sa mga ordinaryong TV lang.

"Ako na, Manang," sabi niya. Siya naman talaga ang madalas gumawa niyon kapag nanonood sila nito ng TV.

HINDI NIYA matukoy kung anong trip meron sila at nilagpasan lang nila ang mga nadaanan nilang kainan. Pareho silang naka-jogging pants, makapal na jacket at rubber shoes.

"Madalas ka bang mag-jogging sa States kapag gabi?" tanong niya habang naglalakad sila sa sidewalk.

Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Bahala na raw ang mga paa nila.

"Minsan gabi pero madalas madaling araw."

"Nakasabay mo nang mag-jogging si Manny Pacquiao kapag nandoon siya?" She meant it as a joke.

"Nakikita ko siya. Minsan, we sneaked in the gym where he was training. And then it so happened that Kobe Bryant was there, too." He chuckled. "Carson and I hit two birds in one stone."

"Wow!" manghang anas niya. Kahit naman siguro sinong taong makasama sa iisang lugar ang dalawang alamat ay hindi na magdadalawang-isip na palagpasin ang pagkakataon. "Nakakainggit!"

"Yeah. That was very memorable."

"Wala sa itsura mo na sport fanatic ka," nakatawang sabi niya.

"Maswerte ka rin naman, ah? You're friends with that Takeru guy. I admit he really is huge."

"Kung maswerte ako, ano na lang ang tawag kay Camya?" She sighed. "Alam kaya ng babaeng ipinaglihi sa pride na 'yon ang bagay na 'yon?"

Bakit nga ba hindi? May posibilidad naman na pride lang nito ang dahilan kung bakit hindi nito magawang i-reciprocate ang pag-ibig dito ni Takeru.

"You like him?"

Takang napatingin siya rito. "Kay Takeru?" She snorted. "Gusto ko siya pero para kay Camya. Stubborn kasi ang babaeng 'yon, eh. At si Takeru naman ay matiyaga, pasensiyoso at tapat ang pag-ibig sa kanya. Kapag si Takeru tumingin sa iba, ay naku! Tiyak ngawa ang beauty n'on!"

Natawa lang si Thirdy.

"Bakit ba kasi sila ang pinag-uusapan natin?" sabi pa niya. "Pasensiya ka na. Hobby kasi naming magkakaibigan na pakialaman ang buhay ng isa't-isa."

Nagkibit-balikat naman ito. "Just so you know, I love listening to you." Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mga pisngi dahil sa sinabi nitong iyon. "But honestly, gusto kong ikaw na muna ang pag-usapan natin."

So he really is serious about what he said a while ago. Kinikilig na naman siya. Gusto na niyang maniwala na nagiging special na siya rito kagaya ng pagka-special nito sa kanya.

Mag-assume ba?

"O-okay," sabi na lang niya.

"Gusto kong kumain ng doughnut," sabi pa nito.

"Meron yata ro'n sa unahan na malapit," sabi niya at ngumuso.

"Unahan tayo ro'n."

Natawa siya dahil akala niya ay nagbibiro lang ito. Pero nang magsimula itong tumakbo ay nanlaki ang mga mata niya.

"Teka lang naman!"

TALAGA bang malakas ang stamina ni Thirdy o sadya lang talaga siyang lampa? Napatukod siya sa kanyang mga tuhod habang habol ang paghinga ng marating na niya ang sikat na dough nut shop.

Thirdy, on the other hand, is already holding the door, grinning from ear to ear.

Nakaramdam man lang ba ito ng hingal kahit na kaunti? Hindi man lang nasira ang poise nito nang slight.

Napaayos siya ng tayo at napameywang naman. Parang gusto niyang mag-collapse nang mga sandaling iyon. She can't remember the last time na hiningal siya nang ganoon.

Napailing siya habang naglalakad papunta sa direksiyon nito. He pulled the door and bowed as soon as nakapasok siya at nakalapit rito, as if giving her a royal treatment.

Natawa siya at mahinang hinampas ito sa balikat.

Hindi tsansing 'yon, ha!

"Thank you," she said breathlessly.

"'Welcome."

Hindi muna nito isinara ang pinto dahil hinintay pa nitong makapasok ang dalawang babaeng teenagers. Kilig na kilig naman ang dalawa habang nagpapa-cute kay Thirdy.

Umupo sila sa mahabang mesa na nakadikit sa glass wall sa tabi ng pintuan. Mula roon ay kitang-kita nila ang mga labas-pasok sa establishment na iyon, ang mga taong naglalakad sa sidewalk at ang mga sasakyang paroo't parito.

UM-ORDER si Thirdy ng isang box ng dough nut at pinakamalaking size naman ng kape ang inumin nila. Duda siya kung kaya nilang ubusin lahat ng iyon dahil mabilis siyang mabusog sa dough nut. Kaya nga ba mas gusto niyang kasabay kumain niyon sina Jingke at Camya. Tirador kasi ang mga ito ng mga tira kahit kay papayat.

Dinampot niya ang dough nut na may chocolate na frosting at mani. Dahil wala ang magpinsang iyon, wala siyang kaagaw.

Tagumpay.

"Hindi ka ba natatakot tumaba nito?" tanong niya matapos kumagat.

"Huh? Minsan lang naman, eh. Besides, mabilis naman ang metabolism ko. Ikaw, may nakikita ka bang fats sa katawan ko?"

"Hala," mapakla siyang tumawa. "Ano'ng malay ko? Kailan mo ba ipapakita sa akin ang katawan mo?" Inip na inip na 'ko. Tsk!

Walang pasabing ibinaba nito ang zipper ng itim na jacket at humarap sa kanya.

"Meron ba?"

Nabitin sa bibig niya ang dough nut. Sa ilalim ng jacket nito ay puting sando lang pero namalas pa rin niya ang matipunong dibdib nito at siksik sa muscle na braso.

Idineretso niya ang tingin. Kailan pa siya nahirapang lumunok?

"May sando. Bitin," sabi niya at pumalatak.

"Ikaw--"

"Isara mo na 'yan, Sir. May mga minor pa namang customers, mapagkamalan ka pang exhibitionist niyan. E di napalayas pa tayo? 'Wag gano'n. Sige ka. Ikaw rin."

Tumawa lang ito.

Bakit ba ang hirap maghanap ng kapintasan sa kanya? Pambihira talaga. Pati pagtawa niya pinagpapantasyahan ko na. This is not good.

Dinampot niya ang kape at hinipan iyon.

"Nakakapaso na pala ang malamig na kape ngayon?"

"Ay," napahiyang sabi niya nang makitang buo pa ang mga yelo ng kape niya.

Tumawa na naman si Thirdy.

"HOW OLD exactly are you nang malaman mo na hindi kayo ang legal na pamilya ng Papa mo?"

"Fifteen," sagot niya sabay pahid ng daliri niya sa kanyang jogging pants. "At grade five naman si Reina no'n. Nagulat na lang kami isang hapon na may kausap na babae sa bahay sina Mama at Papa. Tapos umiiyak si Mama. Sinusundo raw kasi ng babaeng 'yon si Papa dahil ito raw ang legal na asawa. Naaksidente raw ang panganay nilang anak at kailangan na kailangan ng totoong pamilya nito ang papa namin." Nagbuntong-hininga siya. Nakakamanghang wala man lang siyang maramdamang bigat sa loob habang nagkukwento. Noong college kasi sila, ingat na ingat ang mga kaibigan niya na hindi pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Well, maybe because she had finally accepted and forgiven. Patunay lang niyon na matured na nga siyang tao. Ano man ang mangyari, mananatiling mga magulang nila ang mga ito.

"Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa noon," patuloy pa niya. "Napakataas ng tingin namin kay Papa. Hindi namin in-expect na siya pa ang makakasakit sa amin nang todo-todo. Alam mo 'yon?" Nang tumingin siya kay Thirdy ay mataman lang itong nakamasid sa kanya. "Gustong-gusto kong magrebelde noon kay Papa kaya lang naisip ko rin si Mama. Ayokong dagdagan ang sama ng loob niya. Kaya nagsikap na lang ako nang todo. Gustong-gusto kong patunayan noon na hindi namin kailangan si Papa. Na kaya naming mabuhay nang wala siya."

Kaya nga ba hindi na siya nahiya noong humingi ng tulong sa Tita Anecita niya. Kapalit ng pagpapaaral sa kanya nito at ang Tito Armand niya, na hanggang sa mga sandaling ito ay isang hospital director sa bansang Kuwait, sa kolehiyo ay ang kapalit na pagtatrabahuan iyon para makabayad dito at matulungan ang Mama at ang kapatid niya. Desidido siya noong hindi na ituring na parte pa ng pamilya ang Papa nila.

Kahit marami ang kailangan niyang pagdaanan ay hindi naman siya sumuko. Hindi naman siya nabigo. Sa susunod na taon ay magtatapos na sa kolehiyo sa kursong Education si Reina at ang Mama naman niya ay naipagpundar na niya ng negosyong maliit na grocery store.

Ang akala talaga niya ay iyon lang ang kailangan niyang gawin. Pagkatapos ay wala na siyang mahihiling pa.

"Please, go on," anito matapos nang ilang sandali niyang pananahimik.

She cleared her throat. "Ang akala ko, okay lang na magalit ako kay Papa habang-buhay dahil sa pagsisinungaling niya sa amin. Pero isang araw, kinausap ako ni Mama. Kung magagalit lang din ako kay Papa, magalit na rin daw ako sa kanya. Kasi bago pa man dumating sa bahay namin ang tunay na asawa ni Papa, matagal na raw alam ni Mama na pangalawang pamilya lang kami. Ayaw lang niyang masira ang pagtingin namin kay Papa kay itinago na lang niya."

Ang araw na sinasabi niya ay ang mismong college graduation niya kung saan dumalo ang Papa niya at ang Tita Emma niya. Kabuwanan pa lang raw nito kay Reina nang ipagtapat dito ng kanilang ama kung ano talaga sila sa buhay nito. Pero dahil hindi alam ni Thirdy ang totoong pakay niya kung bakit siya ngayon driver nito, hindi na lang niya palalawakin ang kwento.

Pero sa totoo lang ay nagi-guilty na siya sa ginagawa niyang kalokohan. Hindi niya alam kung ekasktong kailan pero nagsimula siyang magkaroon ng ganoong pakiramdam nang ma-realize niya na totoo ang ipinapakita nito at ni Manang Lory sa kanya. Masyadong mabubuti ang mga ito para idamay sa pagka-bored niya sa buhay.

"So magkahawig lang pala ang drama nating dalawa," komento ni Thirdy nang hindi na niya dugtungan ang kanyang kwento. "No wonder you keep encouraging me to patch things up with my father."

Nginitian niya ito. "Ayoko kasing dumating ang panahon na may pagsisihan ang isang tao dahil lang sa pinalampas niya ang isang pagkakataon dahil sa pride, galit o anumang negatibong pakiramdam. Kaya masaya na rin ako na nagiging maayos na uli ang pagitan sa amin nina Papa. Nagi-gets mo ba 'yong point ko, Sir?"

Nakangiti ito nang tumango. "Malinaw na malinaw."

Napangiwi siya. "Eh bakit si Camya parang hindi ako naiintindihan? Naturingan pa namang matalino ang babaeng 'yon."

"Maybe she has her own reasons."

"Nakaka-frustrate ang reasons niya kung gano'n! Alam kong alam ni Jingke na alam ni Camya na si Takeru lang ang tanging makakapagpasaya sa kanya kung tatanggapin lang niya ulit sa buhay niya 'yong tao." Naipukpok niya ang kamao sa mesa kaya naman napaungol ang lalaking katabi ni Thirdy na kasalukuyang humihigop ng kape.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 240 22
Paano kung ang kasama mo ay maling tao pala para sayo. Ano ang gagawin mo? Paano kung may matinding lihim na mabubunyag. Matatanggap mo ba agad ito? ...
349K 18.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.4K 157 12
R18 | Mature Content/Language Mauricius Klyde Klatten "Kung para sa kanilang lahat, isang pagkakamali ang mahalin ka then so be it. I will do the sam...
992K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...