Undesirable Marriage

LessurStories द्वारा

382K 5.3K 308

[ FORMERLY KNOWN AS FUCKING MARRIAGE ] "Marrying him was my biggest mistake. If I can only turn back time..."... अधिक

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
EPILOGUE

CHAPTER THIRTEEN

15.7K 211 8
LessurStories द्वारा

CHAPTER THIRTEEN

“Alam ko banda dito 'yon, e.” Sabi ko habang tinitignan ang mga bahay sa subdivision.

“I'm nervous.” Natigilan ako sa pagmamaneho dahil sa sinabi niya.

“Why?” Ngumiti siya ng parang natatae.

“What if they don't want me as your husband because you know...” Tinuloy ko ang pag-drive.

“They will like you.” Pero sana hindi.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa mansion ng grandparents ko. Sa parking pa lang ay nakita ko na ang limang sasakyan.

Pinark ko naman ang kotse at lumabas. Lumapit ako kay Zeus at sabay naming tinignan ang mansion. Walang pinagbago.

“Let's go inside?” Tumango siya at ngumiti.

Hawak kamay kaming pumasok sa bahay. Naabutan namin silang nagtatawanan sa sala. Natigilan sila nang makita kami ni Zeus.

“Oh my, God, ikaw na yan, Yna?” Tumayo si Tita Megan na halos limang taon kong hindi nakita kasi nasa Canada siya naninirahan.

“Tita.” Nanubig ang mata ko ay yumakap sakanya. Siya ang pinaka favorite ko. “Buti po nakauwi kayo.” Pinunasan ko ang mga luha.

“Oo nga, e. Oo nga pala,” Huminto siya at may tinawag na lalaking kasing edad lang din namin. Walang emosyon ang mukha niya. “This is my Son—Miggy. Miggy this is Yna, Iyah's Sister and your cousin.” Tumango lang ito. Napatingin naman siya kay Zeus. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para ipakilala si Zeus kaso pinatigil niya ako. “Sabay sabay mo saming ipakilala ang asawa mo later, Yna.” Kumindat ito sakin.

Nakakapag taka. Alam ko hindi pwedeng magkaanak si Tita Megan kaya sinong tong Miggy? Adopted?

Lumapit na kami kay Dad and Mama pati na rin kay Iyah at Trev. Nakipag beso kami sakanila.

Bale apat na pamilya ang nandito. Si Tita Megan at Miggy, si Tita Maki at sina Eliza at Belle, si Tito Cian at sina Mark Justin, Jeremy at si Claire, at ang isang pamilya ay ang pamilya namin nila Dad.

Natapos ang kamustahan namin kaya naman oras na para ipakilala ko si Zeus sakanila.

“Uhm. Tito, Tita, Cousins... this is my husband—Zeus.” Ngumiti ako. Ramdam ko ang hiya ni Zeus kaya unti unti rin akong nahiya.

“Gwapong bata.”
“Zeus Clinton 'yan diba?”
“Wait, nakita ko ata siya sa magazine dati.”
“Really? Saang magazine?”
“Astig.”
“Parang 'di naman, katulad nung asawa ni Iyah parang parehas silang 'di friendly.”
“Paano yung nanliligaw sakanya dati? Troy ang pangalan no'n, hindi ba?”
“...”

Napairap ako. Pero nagulat ako nang paupuin nila Si Zeus kaya naiwan akong nakatayo. Sinimulan na nilang dadalin ito kaya wala siyang nagawa kundi makipag daldalan din.

“Pst. Mark, Jeremy. Pakikuha naman nung mga bagahe namin sa kotse at pakihatid sa kwarto.” Ngumisi sila sakin. Alam ko na ang kapalit. “Then go wherever you want basta bumalik kayo dito agad after 1 hour.” Hinagis ko ang susi sakanila.

“Ayos!”
“Tara na, pre.”

Tinignan ko si Zeus na nasa hotseat. Agad dinala nila Mark ang bagahe namin sa kwarto kaya pinuntahan ko na din ito para ayusin.

Naupo ako sa kama at nagsimulang ilabas ang mga gamit namin nang biglang pumasok si Eliza.

“Need something?” Tanong ko. Ngumiti naman ito at umiling. Umupo din ito sa kama.

“I really don't want to say this, but as your cousin, it's my obligation to tell you the truth.” Napakunot ang noo ko.

“What do you mean?”

“Hindi ko 'to sinabi kanina kasi ayokong mapahiya ang asawa mo or ikaw.” Huminga siya ng malalim. “I saw your husband at the bar last week kissing with other girl.” Napayuko siya.

Natigilan ako. Kissing? Last week? Binasa ko ang labi ko.

“We're still adjusting to our lives. T-that's normal.” Ngumiti siya sakin at tumango wala na siyang ibang sinabi kaya umalis na.

Nagulat ako nang may magsalita.

“That's not normal.” Napatingin ako sa pinto. It's Miggy.

“What are you doing here?” Kunot noo kong tanong.

“Can I come in?” Kahit naguguluhan ay tumango ako. “I heard everything. And I can say that it's not normal.” Umiwas ako ng tingin.

“I don't mind.” Tinupi ko ang ibang damit na nagulo.

“Look, Yna. I'm not your real cousin coz I'm adopted child, but I still care for you.” Tumigil ako sa ginagawa.

“I appreciate the fact that you still care about me, Miggy. But let's just enjoy the vacation here.” Nag-iwas naman siya ng tingin.

“Yeah.” Lumabas na ito ng kwarto kaya binilisan ko na ang pag-aayos ng damit at bumaba na.

Naabutan kong nag-aayos na ng hapag sila Eliza at Belle. Nakabalik na din sila Mark at Jeremy.

“Hey...” May yumakap mula sa likod ko at inamoy pa nito ang buhok ko. “What took you so long?” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa totoo lang ayokong maging ganito kami ka sweet kasi baka mamaya mag-away na naman kami.

“Nag-ayos lang ako ng mga gamit natin. Ano nga pa lang ulam?” Humarap ako sakanya.

“Sinigang na hipon and inihaw na bangus.” Parang nag tubig ang bagang ko. That's my favourite foods.

“Yna, Zeus, halina na kayo at kakain na.” Nauna na kong umupo doon dahil gusto ko na kumain.

Tumabi sakin si Zeus. Pinagsandukan ko muna siya ng kanin bago ako. Ngayon lang ako nailang sa mga pinsan ko especially kay Eliza na nakamasid samin kanina pa.

Ginawa ko lahat para malibang at hindi mapansin si Eliza kaya kahit pakikipag kwentuhan sa iba ginawa ko na.

“Iwanan niyo na lang 'yan, ang mga kasambahay na ang bahala dyan.” Sabi ni Tita Megan. “So, dahil may one week vacation tayo here. Napag isipan namin na paghiwalayin ang mga couples maliban lang sa parents nila Iyah and Yna. So here's the list. Iyah and Mark, Jeremy and Belle, Eliza and Zeus, Trev and Claire, of course Yna and Miggy.” Napakunot ang noo ko sa idea na yon. Hindi ba sila, aware na ilan samin ay kasal na?

“Tita, I don't think it's a good idea.” Agad na angal ni Iyah.

“Why, honey? Magpipinsan naman kayo dito and ang asawa niyo ni Yna ay tinuturing na rin naming bahagi ng pamilya.” Aangal na naman sana siya pero nagsalita si Tito Cian.

“After this, you'll know why did we do this. Tatlong gabi lang naman.” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi kasi ganito yung nakasanayan namin.

“Hihintayin namin kayo sa sala dahil naigilid na lahat ng gamit at simula na ulit ang dating gawi.”

The open forum.

Sumunod kaming lahat para hindi na mapagalitan. Humigpit ang hawak sakin ni Zeus.

Pabilog kaming umupo. Si Dad, Mama, Tita Maki, Tito Cian, Miggy, Belle, Eliza, Mark, Jeremy, Ako, Zeus, Trev at Iyah.

Naglagay ba sila ng bote sa unahan.

“Ganito, kung kanino tumapat ang bote, siya ang unang magsasalita o magkekwento tungkol sa mga nangyari ngayon.” Sinandal ko ang ulo ko kay Zeus. Inaantok ako kaso bawal umakyat habang hindi pa ito natatapos.

Unang tumapat ang bote kay Tito Cian. Sinabi niya lahat ng ginawa nila sa states at kung gaano ka kulit ang mga anak niya. Sumunod naman si Tita Maki at Tita Megan na halos pareho lang pero ang pinagkaiba ay hindi ganon ka sakit sa ulo si Miggy dahil tahimik lang ito samantalang si Belle at Eliza ay puro party at lakwatsa. Sumunod tumapat ang bote sa gitna ni Dad. One of our rule. Kapag kasal ka na at isa sainyo ay tumapat ang bote sabay kayo magkekwento. Kinwento nila ang naging takbo ng buhay namin mula nung ikasal kami ni Iyah, muntik pa nga maluha si Mama.

Sunod tumapat ang bote kay Zeus. Huminga siya ng malalim.

“Being with my Yna is one of the best thing happened to my life. I admit, at the first place I don't want to marry her and we feel the same way not until we got married, we made love and hopefully sooner or later God give us a baby.” Nagtawanan sila sa huli nitong sinabi. “I can say that Yna is not a perfect wife, but she's doing her best. We argue and say bad words to each other, but we're still together.” Tinignan niya ko at hinalikan sa noo. Bakit hindi niya sinabi yung mga masasamang nangyari samin.

“Being with Zeus is not easy.” Panimula ko. “Lots of women are mad at me because I got their dream which is Zeus. But I don't mind, as long as I'm with Zeus I don't about them.” That's from my heart. “Oo, nag-aaway kami at nagkakasakitan, but the end of the day, I can't do anything, but to stay.” Natigilan ako bigla nang maramdaman kong may dumampi sa labi ko.

He kissed me.

Tinigil niya ang pananalita ko gamit ang labi niya. Nang maghiwalay ang labi namin ay agad niyang pinunasan ang luha ko.

“Stop crying, please.” Tumango ako at tinago ang mukha sa dibdib niya. “Shh.”

“Let's spin the bottle.” Dinig kong sabi ng kung sino at nag simula na naman sila. Hindi ko na naintindihan ang sinabi nila dahil nakatulog ako sa dibdib ni Zeus.

...

“I can't. I'm with Yna—what? No. I can't go there, I can't leave Yna—Ano ba ang hindi mo maintindihan sa hindi ko kayang maiwan si Yna?—What? I'm not choosing her or you—Why are you so fuckin' immature, Venice? Isipin mo kung anong gusto mong isipin, but I will never leave Yna.” Narinig ko ang yabang ni Zeus.

Hindi ko muna dinilat ang mata ko dahil ayokong makita niya na nakikinig ako sa usapan nila ng jowa niya. “What? Bakit kailangan mo pang hingiin yung address? No way. Manahimik ka na lang d'yan. Pupuntahan kita after this.”

Natahimik. Siguro tapos na sila magusap. Anong sinabi ni Zeus? Pupuntahan niya si Venice?

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hinawi nito ang buhok ko. “Forgive me.” Naramdaman ko ang pagbalik niya sa noo ko.

“What are you doing here?” Ha? Kaninong boses yon?

“Asawa niya ko kaya dapat lang na nandito ako.” Dinilat ko ng konti ang isa kong mata. Anong ginagawa ni Miggy dito? “Ikaw, what are you doing here?”

“Ka-roommate niya 'ko, that's why I'm here.” Naglakad ito papuntang closet. “Kelan mo pala kukunin tong mga damit mo? Pakilipat na to sa kwarto niyo si Eliza.”

“Tss.” Hindi pa rin kumikilos si Zeus kaya nagkunwari akong nagising. “Hey.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Miggy, anong ginagawa mo rito?” Tinignan niya ko.

“Iaayos ko yung mga damit ko pero yung damit ng asawa mo nandito pa rin. Can you please remove this?” Tumango ako.

“Sige, mamaya.” Lumabas ito ng kwarto.

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo kong tanong kay Zeus.

“Binabantayan ka.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“May sakit ba 'ko?” I rolled my eyes.

“Wala akong tiwala sa pinsan mo na 'yan.” I bit my lower lip.

“Anong problema?” Tumayo siya at pumunta sa terrace ng kwarto.

“Ayoko lang sakanya.” Tumayo ako at inayos na ang mga damit niya. “Kung magkatabi kayong matutulog ni Eliza, wala yon sakin. Eliza is my close cousin when we were young.” Inabot ko sakanya ang bag na laman ay damit niya. “Go.”

“Yna?” Tinignan ko kung sino ang tumawag sakin.

“Belle, why?”

“Pinapatawag kayo sa baba. May activity daw kasi kayo ni Iyah with your husbands.” Inosenteng inosente ang mukha nito.

“Sige, pakisabi bababa na kami.” Tumango lang ito bago umalis.

“Let's go?” Hinawakan ni Zeus ang kamay ko. Sabay kaming bumaba at yon. Lahat sila nakapabilog na.

“Anong meron?” Kinuha ni Tita Megan ang cellphone niya at parang may tinignan pa don.

“So our second activity is for only Yna and Iyah with their husbands.” Ngumiti samin si  Tita Megan.

“You need to kiss each other in one minute. Not just a simple kiss but a kiss like you guys are going to make love.” Kinikilig pa ito.

“Tita! Hindi naman po ata tama na sa harap pa mismo ninyo.” Reklamo ni Iyah.

“Yeah. I agree. Mawawalan kami ng privacy.” Gatong ko.

“Remember, Ladies this is our activity. Do it now.” Tumaas ang isang kilay nito.

“Let's do it.” Rinig kong sabi ni Trev.

“Yeah. In fact, sobra pa nga don ang ginagawa natin.” Ngumisi sakin si Zeus. I rolled my eyes at him.

“Timer starts now.”

Hinawakan ni Zeus ang baba ko at hinarap sakanya. Nagtama ang mga labi namin kahit hindi pa ako ready. Ni hindi ko nga naipikit ang mga mata ko.

I looked at Zeus. Feel na feel ng malanding 'to ang kiss namin.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. I closed my eyes at sinabayan siya. Maya maya ay naramdaman ko ang dila niya. Shit. Ayokong mag T to T dito! Nakakahiya.

Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya. Naramdaman ko pa ang pag ngiti niya.

“Okay, enough.”

Ako ang unang bumitaw. Napayuko agad ako. Itinaas na naman ni Zeus ang baba ko at nag smack kiss pa.

“Awww. Our babies is not our babies anymore.” Komento ni Mama. Pinamulahan naman ako. This is really weird.

“Maki, I think this is the right time para ipakasal mo na ang mga anak mo.” Nangasim ang muka nila Eliza at Belle.

“Megan, I'm not into fix marriage. Gusto kong nga mismong anak ko ang mag desisyon sa buhay nila sa usaping yan.” Nginitian nito ang mga anak niya.

Sana ganyan din ang naging pananaw nila Mama.

“I have something to ask.” Singit ni Tito Cian. Tumingin ito ng deretsyo sakin. “You introduced Troy to us last year, right? He's you suitor.” Kahit naguguluhan ay tumango ako. “Paano mo nagawang pakasalan 'yang asawa mo ngayon kung may manliligaw ka na gaya ni Troy?” Natahimik ako.

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sakin ni Zeus. “Tito, this is fixed marriage, you know.” Matiim niya akong tinignan.

“Tito, this is not the right time for you to ask. Troy is part of Yna's past and now, she's married and I think asking Yna about Troy is one of the way to disrespect her husband. You're asking in front of Zeus.” Sabat ni Iyah.

Tumikhim si Tito Cian. “Sorry about that, Zeus.” Tumango lang si Zeus.

“Uhm, so now. Let's just wait for the foods and after that you can go to your rooms.” Tumayo na si Tita Megan at nagpunta sa kung saan. Gano'n din ang ginawa ng iba.

“Sa Garden tayo.” Pagyayaya ni Iyah. Tinignan ko si Zeus. Madilim pa din ang mukha niya.

“Ayos ka lang?” Tanong ko habang naglalakad papunta sa garden.

“I'm fine.” Tipid niyang sagot. Tinotopak na naman siguro to. Huminto siya sa pag lalakad kaya huminto din ako. “I'll just go upstairs. Aayusin ko yung mga gamit ko sa kwarto namin ng pinsan mo.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago umalis.

Pinagmasdan ko lang ang bulto niya habang palayo sakin.

Baliw.

“Yna.” Nilingon ko si Iyah.

“Bakit?” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ng parang tanga. Nasa likod niya lang si Trev na parang tanga din.

“I have something to tell you.” Napakunot ang noo ko. Nilagay niya ang kamay ko sa t'yan niya. “I'm 4 weeks pregnant.” Napaawang ang bibig ko.

“Oh my, God, Iyah.” I hugged her tightly. “Shit,” Maluha luha ko siyang tinignan. “I'm so happy for you!” Tinignan ko ang tyan niya. “Congratulations, Iyah.” Niyakap ko siya ulit. “God, I can't believe this.”

“I'm hoping that it's a girl.” Singit ni Trev. Agad naman siyang tinignan ng masama ni Iyah.

“It's a boy.” And that's it. Nag-umpisa silang mag talo sa harap ko. Napansin kong mainit ang ulo ni Iyah pagdating kay Trev.

“Alam na ba nila Daddy?” Nakangiting umiling ito.

“Iniisip pa namin kung paano sasabihin sakanila. You know, surprise.”

“Alright. Puntahan ko lang si Zeus, tutulungan ko sa gamit niya.” Tumango lang ito.

Naglakad ako papasok nang may nakita akong pamilyar na kotse sa garahe. May tao pa sa loob kaya feeling ko kakadating lang niya. Sino namang dadating ng 8 PM ng gabi?

Hindi ko na lang ito pinansin at umakyat na. Naabutan ko si Zeus na tinutupi ang damit niya sa closet.

“Hey.” Bati ko. Lumapit ito ang hinawakan ang bewang ko. I wrapped my arms around his neck. Parang nagsasayaw lang kami. “Tulungan na kita,” Nakatingin lang ito sakin. “May problema ba?” Kanina pa siya mukhang sira.

“None. Gusto ko lang titigan ka.” I pouted my lips dahilan para tignan niya yon.

“Iyah is pregnant. I'm so happy for her. Finally, magkakaron na ako ng pamangkin.” Napangisi siya sa nalaman.

“Tayo kaya? Kelan?” Nilapit niya ang mukha niya sakin at inabot ang labi ko.

I closed my eyes and kiss him back. I can't help, but to moan softly. “Let's make a baby?” Pilyo niyang tanong.

“You're crazy.” Komento ko. He kicked my lips and start owning it again.

He gently puts me on the bed. He parted my legs and kiss me again. I felt his hand travelling to my body. “Give me a boy.” Bulong nito. Natawa naman ako.

I closed my eyes while feeling him—

“Wazzup, Yna-baby.” I immediately opened my eyes.

“Troy?!” I pushed Zeus. Nilapitan ko si Troy. “What are you doing here?” Tinignan niya si Zeus. “Sorry about that, hindi mo dapat nakita yon.” He wrapped his arms around my waist. “Troy!” Nilakihan ko siya ng mata pero bali wala 'yon dahil niyakap niya ako. Oo, niyakap niya ko in front of Zeus.

“I missed you, Yna-baby.” Naramdaman kong may humila sakin palayo.

“Don't touch my wife again if you love your life.” Nilagay niya ako sa likod niya. “Get out, dumbass.” Ngumisi si Troy.

“Why would I? Last time I checked, I'm invited here.” Nanlaki ang mata ko.

“Sino nag invite sayo dito?” Tanong ko.

“Tito Cian.” Kumindat ito sakin. “Baba muna ako, Yna-baby. Nagugutom ako, e.” Tumango lang ako. Akmang aalis na siya pero natigilan at nilingon ako. “Hindi mo ba ako sasamahan?”

Sasagot pa lang sana ako nang ibalibag ni Zeus ang pinto pasara.

“Zeus!” Angal ko. “You're so disrespectful.” Hindi ako nito pinansin at nahiga sa kama.

“Come here, tuloy na natin.” Inirapan ko siya at umalis ng kwarto.

Pinuntahan ko si Troy sa hapag. “Kain, Yna-baby.” Tumango lang ako.

“Bakit ininvite ka ni tito dito?” Tanong ko.

“I don't know. Baka siguro namiss nila ako. Pinakilala mo o sakanila last year, remember?”

Oh, God. Mali pa ata na pinakilala ko siya dito last year.

LESSURSTORIES

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

483K 12.2K 24
Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married...
1M 11.8K 51
Kinupkop si Valeria ni Yaya Daniella nang masawi ang kanyang mga magulang sa isang malagim na pangyayari. Dahil dito ay napahiwalay s'ya sa mga kapat...
411K 5.9K 60
EROTIC ROMANCE | R- 18 Laurenestine Valencia, a 20-year-old nursing student in Manila. She's usually quiet, but her life changes when she starts lik...
1.9M 23.4K 47
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...