Langit ka, lupa ako (Señorita...

By _ChielChiel

19.4K 735 20

There is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para m... More

PROLOGUE
CHAPTER 01:Hacienda De Gracia
Chapter 02:Her Song
CHAPTER 03:Blue lagoon
Chapter 4:Wish
Chapter 05:Her Friends
Chapter 06:I like him
Chapter 07:Cold
Chapter 08:Lilinawin ko lang
CHAPTER 09:Mariana Ortaleza
CHAPTER 10:Para sa ibang tao
Chapter 11:Hug
Chapter 12:Gusto ko lang malaman
Chapter 13:Insecure
Chapter 14:Promise
Chapter 15:Sorry
Chapter 16:My Time with you
Chapter 17:First kiss
Chapter 18:Sa unang tingin
Chapter 19:Stepmother
Chapter 20:Sampal
Chapter 21:Temptation
Chapter 22:Halik
Chapter 23:Gusto ka niya
Chapter 24:Wakasan
Chapter 25:Tinakbuhan
Chapter 26:Mama
Chapter 27:Fame
Chapter 28:Tanong
Chapter 29:Gulat
Chapter 30:Nag aalala
Chapter 31:Valentine vs Claricci
Chapter 32:Mga walang kwenta
Chapter 33:Agaw buhay
Chapter 34:Putulin
Chapter 35:Crying
Chapter 37:Nagmamahal sayo
Chapter 38:Surprise
Chapter 39:Kinikilig
Chapter 40:Hindi ko siya iiwan
Chapter 41:I'm sorry Serina
Chapter 42:Huli
Chapter 43:Isa kang malandi
Chapter 44:Patay na
Chapter 45:Takot
Chapter 46:Iniwan
Chapter 47:Super model
Chapter 48:Katotohanan
Chapter 49:Mash up
Chapter 50:Unique
EPILOGUE

Chapter 36:Pinagpawisan

222 12 0
By _ChielChiel

Pinagpawisan

Third Person Point Of View

Sabay sabay na nagsiyukuan ang mga kasambahay ng mansion ni Don Tadeo Dominguez nang mala prinsesang naglakad pababa si Serina ng hagdan. Nakayuko pati sina Carlos at Marco para mag bigay galang kay Serina. "Good morning, Señorita." Sabay sabay nilang bati

Tumango naman si Serina at nag patuloy papunta sa kusina. Masasarap na pag kain ang mga nakahain sa kusina. Walang kibo itong pinasadahan ng tingin ang sari-saring  sa kanyang harapan. Napalunok siya ng makita niya ang carbonara, ham, hotdog, fresh milk, tuyo, suka na may sili, at sinangag. Marahan siyang naupo at taimtim na nga darasal. Susubo na sana siya ng carbonara pero natigilan siya ng makita niyang nakatingin sa kanya ang mga katulong na tila nag hihintay ng iuutos niya.

Nailang tuloy siyang kumain at mag sandok ng kanyang mga kakainin. Sinulyapan niya si Carlos at Marco na nakatungo lang. "Can you please eat with me?" Walang reaksyong tanong nito. Mula sa pagkakatungo ay nagkatinginan sina Marco at Carlos.

"Tapos na po kaming kumain, Señorita." Nakayukong sagot ni Carlos. Sumandal si Serina sa sandalan at umangat ang dalawang kilay.

"Edi wow." Sabi nito sabay tingin sa dalawa. "Kung hindi ninyo ako sasabayan, you can now return to the hacienda De Gracia." Madignidad na sabi nito. Napahalakhak si Carlos sabay hila kay Marco papalapit sa mahabang lamesa.  Marahan silang umupo. Nagkatinginan pa ulit sila sabay tikhim ni Carlos.

"Sinong nag sundo sa akin kagabi sa bar?" Biglang tanong ni Serina. Nagkatinginan sila Marco at Carlos. Mukhang walang naalala ito sa nangyari kagabi.

"Kaming dalawa." Sagot ni Carlos. Habang kumakain silang dalawa ay mas pinili na lang nilang manahimik kesa mag tanong baka kung saan pa umabot ang usapan nila.

"S'ya nga pala....next week we are going back to the hacienda because my class here in manila is done."  Sabi ni Serina. Ngumiti naman si Carlos. "Samahan ninyo pala akong mamili sa mall dahil ipangreregalo ko kayla Mama." Mula nang mangyari ang away sa pagitan nina Valentine at Claricci ay nasa condo muna tumira sina Rosie. Walang nagawa sina Marco kundi ang sumunod sa gusto ni Serina.

Lumabas sina Marco at Serina na naka mask at eye glasses para di nakilala ng mga tao. Walang pigil na pumasok si Serina sa loob ng Victoria secret boutique. Isa isa nitong pinag aamoy ang pabango at pagnagugustuhan ibinibibagay kay Marco at Carlos. Nasa limang piraso at mag kakaibang klase ang nakuha nito. Sumunod ay sa mga damit naman. Kung ano magustuhan ng kanyang mga mata ay bibilhin niya rin. Hindi rin pinatawad ang mga cosmetics na kanyang magugustuhan. Napangisi nalang siya ng makita niya ang sarili sa isang malaking picture ng La Cosme boutique.

Napakamot sa ulo si Marco dahil hindi niya maawat ito. Pinag kukuha nito ang mga sapatos na kanyang magugustuhan. May pag posing pa ito sa harap ng isang malaking salamin. Napapatingin na lang sa kanilang lahat ang mga pinamimili ni Serina. Pag tapos noon ay maligaya itong nag laro ng basketball sa loob ng toy kingdom. Napapikit na lang sa pagod sina Marco at Carlos dahil hindi nila magawang umangal.

Walang tigil ito sa pag kain ng paboritong ice cream hawak ang sing taas na teddy bear na baemax. Nagmukhang sabitan ng mga paper bag sina Marco dahil sa sobrang dami ng mga pinamili nito. Walang pakialam si Serina kung nahihirapan ang dalawa dahil tuloy tuloy lang ito.

"S-señorita, are not you tired?" Tanong ni Carlos. Tumigil sa pag lalakad si Serina saka kinuha ang tatlong head band na flowers. Gawa ito sa metal at kulay silver. Tinitigan ito ng maigi ni Serina. Naalala na lang niya bigla ang barrette na ibinigay sa kanya ni Marco.

"Umaangal ka ba, Señor Carlos?" Tanong nito. Mabilis na napailing si Carlos at pilit na ngumiti.

Agad niya itong ibinalik at kumuha ng  may dalawang malaking tainga ni Mickey mouse. Isinuot niya kay Marco ang isa at ang isa ay kay Carlos. Napapikit na lang sa kahihiyan sina Carlos dahil paniguradong pinagtatawanan sila ngayon ng mga tao. Nakatutok pa sa kanila ang mga camera ng mga taong pinagkakatuwaan sila. Babayaran na sana ni Serina iyon pero nahagip ulit ng paningin niya ang head band na ka parehas ng design ng barrette na ibinigay sa kanya ni Marco. Kinuha niya iyon at binayaran.

Humarap siya kay Marco at Carlos saka tumawa ng mahina. "Mukhang kailangan natin ng selfie." Saad ni Serina sabay kuha ng cellphone sa shoulder bag niya. Tinanggal niya ang suot na mask. Panay kuha siya ng picture nilang tatlo dahil sa sobrang enjoy nitong asarin si Marco. Hindi pa nakontento ay lumapit siya sa guard at mahinang nagsabi na picturan sila. Napangiti rin ang guard at nagpakuha ng picture kasama si Serina. Bawat litrato nila ay puros nakasimangot.

Pag uwi nila sa mansion ay naupo sa sofa sina Marco at Carlos dahil sa matinding pagod. Walang imik na umakyat sa itaas si Serina at pinagtripan ang mga picture nila. Halakhak ng halakhak ito dahil sa mga epik na mukha ng dalawa. Siguro ay napatay na siya ng dalawang ito kung hindi pa siya ang amo.

Humarap siya sa malaking vanity at tinitigan ang sarili. Napansin niya ang head band at agad na kinuha sa ulo niya.

"Hinding hindi ko gagawin yun. Ang  desisyong pinili ko ay hinding hindi ako bibiguin. Lalo na ang desisyong ngayon ko lang gagawin.....ang desisyong putulin ang pagka kaibigan nating dalawa."

"Simula ngayon magkakilala na lang tayong dalawa."

Naisubsub niya ang mukha niya braso niya habang sunod sunod na pumapatak ang mga luha niya. Walang humapay dahil sa alaalang pumasok sa isipan niya. Walang tigil ang pag iyak niya dahil sa pag kayamot. Panghihinayang dahil sa desisyong ginawa niya. Hindi man aminin pero sobrang nasasaktan siya sa nangyari.

"Señorita." Natigil siya sa pag iyak ng makarinig siya ng isang katok at pamilyar na boses. Pinahid niya ang luha niya at agad na inayos ang sarili.

"Bukas yan." San niya. Marahang pinihit ni Marco ang door knob at pumasok sa loob. Kunwaring nag kinakalabit ni Serina ang bawat kwerdas ng kanyang gitara. Mula sa salamin ay tinitigan niya si Marco na dala dala ang mga pinamili nito kanina. Patay malisya si Serina na nag simulang kumanta.

Saying goodbye

Is never an easy thing

But you never said

That you'd stay forever

So if you must go

Oh, darling I set you free

But I know in time

That we'll be together≈

Tumigil siya sa pag kanta at tinignan ang chords nito dahil mukhang mali siya. Pumasok sa loob ng walk in closet niya. "Tanggalin mo yan jan sa mga lalagyan at ilagay mo dito." Seryoso nitong sabi sabay bigay kay Marco ng malalaking paper bag. "Pag samahin mo yung para may Samuel. Ibukod mo yung kayla Mama, Mia, at Mariana." Utos nito.

Tumango si Marco at lumabas para kuhain ang iba pang pinamili niya. Pumasok naman si Serina sa loob ng cr. "Ano?" Tanong ni Carlos habang naghihintay sa baba. Umiling naman si Marco.

"Walang kibo. Tahimik lang. Yun nag utos sabay pasok sa cr." Kwento ni Marco. Bumagsak ang balikat ni Carlos. Kahit siya ay nalulungkot.

"Naku...kilala ko ang batang iyon mataas din ang pride noon. Kung ako sayo hayaan mo muna. Hayaan mong siya yung lumapit sayo." Sabi ni Carlos. Kumunot naman ang noo ni Marco dahil mukhang mali ang sinabi ni Carlos.

"Ako ang may mali....tama siya sa gusto---"

"Señorito, mali din ang ginawa ng Señorita. Nilason niya ang sarili niya para idiin si Claricci dahil ito lang naman ang nagbigay ng wine. Hayaan mo...pag nakapag isip ng maayos ang batang iyon babalik din sa maayos ang lahat." Sabi ni Carlos sabay abot kay Marco ng mga paper bag.

Nakasimangot si Marco na tinanggap ang mga paper bag at umakyat sa itaas. Pag dating niya sa itaas ay wala pa rin si Serina. Bumaba siya ulit at pinagkukuha ang mga pimili. Pag dating niya ay nagulat siya ng makita niyang naka tapis si Serina habang nakatalikod sa kanya.

Naglalagay ito ng lotion. Medyo napangisi si Serina dahil mukhang hindi papalpak ito sa plano na asarin nanaman si Marco. "Marco." Tawag niya.

"Señorita?"

"Lumapit ka dito." Napayuko si Marco kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. Halos di niya maihakbang ang mga paa dahil sa matinding kaba. Pag dating niya sa likod ni Serina ay nakayuko pa rin ito. "Ikabit mo." Tukoy nito sa lock ng bra niya.

Napakamot sa ulo si Marco dahil sa ipinapagawa sa kanya ni Serina. Ang pamamawis ng kanyang kamay ay hindi maawat. "Jusko." Nakayukong sa ni Marco. 

"May sinasabi ka, Marco?" Tanong ni Serina.

"W-wala." Ani Marco. Mabilis na inilock ang bra ni Serina. Agad na pinahid ni Marco ang pawis sa kanyang noo at dumistansya. Medyo naluwagan pa si Serina lock ng bra niya kaya agad niyang tinawag ulit si Marco. Napangisi ito dahil sa pagkabalisa ni Marco.

"Mukhang maluwag." Nakangusong saad ni Serina. Natuliro si Marco at agad na inilipat ang paningin sa mga gamit. "Marco, ayusin mo. Yung sa pinakadulo." Utos niya.

Napakagat sa labi ni Marco at nanginginig na hinawakan ang lock ng bra ng dalaga at mabilis na inilock ito sa pinakadulo.

[PS:Sorry if natatagalan. Subaybayan po natin kung anong pantitrip ang mga ginagawa ni Serina kay Marco. Kung ano ang mga susunod na mangyayari.]

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.7K 68
COMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feeling...
4.7M 23.4K 15
WARNING : MATURE CONTENT | R-18 | SPG Life is like traveling to a place that you've never been before and fate is one fucked up tour guide that holds...
10.3K 842 32
Mala anghel sa ganda na aakalain mong hindi gagawa ng masama? At kung bigla niyang naisip na magbagobg buhay at sa maynila niya napili. Ngunit ang...
92 0 18
DATE file : augost 13, 2020 Long time ago we have 2 power full people lovers in the under world and contented ,we happy together ,she and her is alw...
Wattpad App - Unlock exclusive features