If you come back

By xxakanexx

2M 77K 22.1K

Paulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali a... More

If you come back
Prologo: Kakaiba
Uno
Dos
Tres
Quatro
Cinco
Sais
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Dieciseis
Diecisiete
Deiciocho
Diecinueve
Veinte
Veinteuno
Veintedos
Veintetres
Veintequatro
Veintecinco
Veinteseis
Veintesiete
Veinteocho
Veintenueve
Epilogue

Quince

54.1K 2.3K 423
By xxakanexx

Mcbeth's

"Oh buti naisip mo nang pumasok!"

Mukhang si Kuya Yves lang ang natuwa nang bumalik ako sa kompanya, si Kuya Paolo ay nakasimamgot pa rin sa akin. Tinanguan ko naman siya at saka naupo na sa table ko. We share the same office – mas convenient raw kasi ito para sa aming tatlo. Si Kuya Paolo ang CEO, si Yves ang VP, ako naman ang VP for finance. Ang kompanya ni Daddy ang isa sa pinakamalaking supplier ng feeds ng baboy at manok sa bansa. Sinimulan niya ang negosyong iyon pagka-graduate niya sa kolehiyo, ang mga naunang investor niya ay ang mga kapatid niya, now, they are the board members of this company at si Dad ang hinahayaan nilang gumawa ng mga major business decisions, maliban roon, si Dad kasi ang may major stocks sa kanilang apat.

"Buti nandito ka na! Ang dami mong ire-review sa budget!"

"Manahimik kayo at magtrabaho na." Ungot ni Kuya Paolo. Nagkatinginan kami ni Yves. Naging masungit lang naman si Kuya mula noong magbreak sila ni Ate Mary.

"Kuya, ngiti ka na... Ayee."

Tinitigan niya ako sabay sabing "Bobo." Tumahimik na lang ako at bumalik na sa trabaho. Ang sungit – sungit talaga. Panaka – naka ay tinitingnan ko si Kuya habang nagtatrabaho siya. Seryoso talaga siya kaya nagseryoso na rin ako, si Yves naman sa kalagitnaan ng trabaho ay biglang humalakhak nang malakas kaya napatingin kami sa kanya.

"Tang ina, nadapa si Lauren sa Batanes! Nasa bloopers oh!" Pinakita pa niya sa akin. Natawa rin ako dahil habang nagsasalita si Lauren ay bigla na lang itong nawala sa camera. "Tang ina! Kaya pala ang laki ng pasa sa tuhod."

"Ang ingay ninyo!" Sigaw ni Kuya ulit.

"Oo na! Tatawagan ko lang naman ito at baka nagugutom na. Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong niya.


"Kuya, kain na tayo?" Alam kong may agam – agam pa rin sa akin si Kuya Paolo. Galit siya sa akin dahil nasaktan ko si Pia. Mahal niya si Pia. Wala kasi kaming kapatid na babae kaya noong pumasok si Pia sa buhay namin, tuwang – tuwa si Kuya, siguro kay Pia niya na rin naibuhos ang atensyon niyang para sana kay Ate Molly – iyong best friend niya – na ex ni Kuya Luis na nagpunta ng Australia. Hindi na sila masyadong nagkikita.

"Mauna na kayo ni Yves. Marami pa akong gagawin."

"Sige, Kuya, anong gusto mo? Ipagte-take out kita."

"Kahit ano." Malamig na wika niya. Napabuntong – hininga ulit ako. Kailan kaya ulit ako papansinin ni Kuya? Natagpuan ko si Yves sa labas, apparently hindi siya sasabay kumain sa akin dahil nasa condo daw si Lauren at masakit na masakit raw ang puson nito kaya mabilis pa sa alas quatro na umalis ang kapatid ko at iniwanan ako.

I decided to eat out. Habang nagmamaneho ay naalala ko ang mg autos ni Mommy sa akin kaninang umaga. Hindi ako umuuwi sa bahay, doon akon sa apartment ko umuuwi, umaasa kasi akong baka maisip ni Pia na umuwi sa akin – baka lang pero naaalala kong hindi niya ako iniisip dahil may vruce siya at masaya na sila. I followed Bruce in Instagram and he was always posting pictures of Pia. Photographer pala siya at ang favorite subject niya ay walang iba kundi si Sophia, hindi ko rin naman siya masisisi, sa gandang iyon ba naman ni Pia.

Kamusta na kaya siya? Isang linggo pa lang iyong nakalipas mula noong umalis ako sa Baguio. Naroon pa rin siya, nakikita ko sa IG ni Bruce na ang ganda – ganda ni Pia, pero wala pa rin iyong glow niya na mayroon siya noon.

Kumain lang ako sa isang fast food chain tapos binilhan ko si Kuya Paolo ng super meal. Bumalik agad akon sa office para matapos ko na ang mga trabaho ko naisip ko kasing umakyat ng Baguio ngayon – kahit sandali lang – kahit malayo lang gusto kong makita si Pia. Mukhang maaga naman akong makakauwi dahil walang tayuan ang trabaho ko pero dahil hindi bumalik si Yves sa office ay sa akin bumagsak ang mga papeles na kailangan niyang i-review at pirmahan.

Bandang alas diyes ng gabi na ako nakalabas sa office, naiwan pa rin si Kuya Paolo roon at marami pa rin daw siyang gagawin. Siguro way niya iyon para makalimutan si Ate Mary. Ang laki talaga ng pagbabago niya.

Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho na. Medyo inaantok pa nga ako kaya namili muna ako ng kape sa Starbucks na malapit sa building namin bago ako sumige sa pag-alis. Nagtext ako kay Mommy na aakyat ulit akon ng Baguio. Tinanong niya kung bakit raw pero hindi ako sumagot.

Inaliw – aliw ko ang sarili ko habang nasa byahe, inaantok kasi talaga ako. Mabuti nga at hindi traffic papasok ng Baguio. Pahinto – hinto rin ako kas inga umiidlip ako dahil sobrang antok ko – lalo akong natagalan. Mag-aalos tres nang madaling araw noong makarating ako sa labas ng Inn ni Mama Ver. Bukas pa ang restaurant. Siguro nag-i-inventory sila. Tinago ko ang kotse ko mga two blocks away from the Inn, sa gilid ako dumaan at nagdiretso sa kusina, tama ako may mga tao pa.

"Mcbeth!" Sigaw ni Rico nang makita ako.


"Ano, Pare kamusta na?" Nag- high five kaming dalawa sabay shake hands.

"Nagulat kami biglang sabi ni Ma'am Ver hindi ka na raw papasok. Medyo nalungkot itong kusina saka iyong kapalit mo hindi gaanong marunong maghugas, madalas pagalitan ni Ma'am Ver. Mukhang nami-miss ka nga ni Ma'am Ver eh."


"Nasaan ba? Andyan ba?" Tanong ko.

"Wala, natulog na. Nagche-check lang ako ng mga gasul, alam mo na, to be safe."

"Okay, okay."

"Ano? Sisilay ka kay Miss Pia no?"

"Sira ulo." Sabi ko. Tumawa lang ako pero nilandas ko ang daan doon sa tamabayan ko kung saan kitang – kita ang silid ni Pia. Malamig ang gabi, mabuti at nakuha kong magdala ng hoodie. Nahatak ko lang ito sa likod ng kotse ko.

Umupo ako sa ilalim ng pine tree tapos ay tumingala ako sa silid ni Pia. Bukas ang bintana at ang ilaw niya. Siguro tulog na si Pia.

"Pre, oh, kape." Naupo sa tabi ko si Rico. "Ano bang meron sa inyo ni Miss Pia? Panay kang naniningala diyan."

"Wala. Wala nang meron sa amin."


"Ah, meron dati, anong nangyari?"

"Nagloko ako. Nakipag-sex sa iba, nahuli niya ako, ilang beses kong inulit, umayaw siya, wala na akong magagawa."

"Ay gago ka." Sabi ni Rico.

"Alam ko. Walang mali kay Pia, sa utak ko noon nanawa ako dahil ang tagal namin parang nainip ako, Sa isip ko noon, parang masyado kaming maagang nagkarelasyon, kaya nainip ako – nambabae ako pero nitong nag-stay ako rito, naisip kong gago nga ako. Sabi nila nag-uumapaw ang pagmamahal sa akin ni Pia, nag-uumapaw noon, ngayon ubos na, kaya pinagkakasya ko ang sarili ko sa ganito, Pre. Natutuwa ako kapag ngumingiti siya, masaya ako kapag masaya siya – kahit si Bruce pa ang dahilan noon."

"Pero alam mo, Pre?" Sabi ni Rico sa akin. "Ayaw ni Mama Ver kay Bruce, naririnig kong sinasabi niya kay Miss Dee kasi raw natuto raw mag-inom si Miss Pia. Hindi ko alam kung nabalitaan mo pero muntik nang ma-rape si Miss Pia noong bago ka umalis kasi naglasing sila ni Bruce, hinatid lang si Miss Pia rito noong babaeng may tv show? Tapos akala ni Miss Pia si Bruce ang nagligtas sa kanya."

"Kung magkasama sila e di si Bruce nga ang nagligtas sa kanya." Pakli ko.

"Hindi. Naniniwala raw si Ma'am Ver na may ibang tao roon,. Paano mababanatan iyong mga lalaking iyon kung lasing na lasing siya? Baka raw may secret superhero si Ma'am Pia."

"Wala. Si Bruce iyon." Wika ko pa.

"Bahala ka. Diyan ka na. Sa Quarters lang ako. Inaantok na ako eh." Umalis si Rico. Naiwan ako roong nakatingin lang sa bintana niya. Kakainom ko nang kape ay naisip kong tingnan siya sandali. Sandali lang talaga. Naisip kong umakyat sa terrace niya para lang tingnan siya – gusto ko siyang makita ng malapitan. Sandali lang sana – kahit mga five seconds lang.

Tahimik kong ginawa iyon. Bukas na bukas ang ilaw niya. Mahangin kaya nililipad ang kurtina niya. Bukas rin iyong pinto ng terrace niya kaya malaya akong nakapasok. I found her in bed, asleep. Medyo lumilis pa nga ang kumot niya. Nakatulugan na niya ang pagbabasa, hawak niya pa iyong libro. Kaya siguro hindi napatay ang ilaw.

Naupo ako nang dahan -dahan sa kama niya. Inayos ko ang kumot tapos kinuha ko ang librong hawak pa niya. Nakabukas iyon sa page 321, naisip kong itupi ang page pero kinagagalit ni Pia ang pagtutupi at paglukot ng libro. Buti na lang ay may nakita akong bookmark sa may unan niya. Inilagay ko ang libro sa bedside table saka tiningnan siyang muli.

Hindi na maitim ang ilalim ng mga mata niya. Hinaplos – haplos ko ang mukha niya, ang kanyang noo.

"Hindi ko alam kung paano moa ko mapapatawad." Mahinang wika ko. "Pero gusto ko lang sabihin na sorry. Alam kong di iyon sapat. Mahal na mahal kita, Pia. Sana isang araw mapatawad mo ako." I bent down and gave her a light peck in the cheek. Medyo gumalaw siya kaya agad akong lumayo. Sana hindi siya magising, pero nang tingnan ko siya ay bahagyang nakadilat ang mga mata niya.

"Mcbeth..." Mahinang wika niya. Gulat na gulat ako. Naisip kong tumakbo papunta sa may terrace at tumalon kaya lang naalala kong kaoopera ko lang at hindi pa ganoon kagaling masyadi ang sugat ko.

"Shhh.." I hushed her. "This is just a dream. You're dreaming." Mahinang wika ko – dahan – dahan pa nga iyong pagsasalita ko. "Stay there, you're dreaming. Just dreaming..." Hinaplos – haplos ko ang noo niya. Maybe she's just half awake dahil agad siyang kumalma... pero nakatingin pa rin siya sa akin.

"Dito ka lang..." Hinawakan niya ang braso ko.

"Hindi pwede..."

"Bakit?" Pumipikit – pikit siya.

"Kasi masasaktan kita." I said. "I'm so sorry, Baby..." Nakita kong naghahabulan na naman ang mga luha sa mata niya. That's my cue to leave. Naiiyak na rin ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Mcbeth..." Tawag niya. Mayamaya ay humikbi siya. "Don't leave me..." I kept on walking I could hear her sobs. Tinatawag niya ako. "Dito ka lang." Tumayo ako sa may terrace. Hidni ako makagalaw. Sagana iyong luha ko sa pag – agos. Ang linaw – linaw ng boses ni Oia. Tinatawag niya ako at kung ako lang ang iisipin ko, tatakbo ako pabalik sa loob, yayakapin siya at hindi ako aalis hangga't hindi kami nagkaka-usap.

Pero hindi ko dapat gawin iyon. Lumakas ang hagulgol ni Pia.

"Mcbeth... dito ka lang!" I peeked again. Sa pagkakataong iyon ay bumukas ang pinto at pumasok na si Mama Ver. Dinaluhan niya si Pia sa kama at niyakap.

"Apo... h'wag kang umiyak."

"Mcbeth... dito ka lang... please..."

Umiiyak na bumaba ako ng terrace niya at bumalik sa ilalim ng pine tree. Naupo ako roon. Nilagay ko ang mga palad ko sa mukha ko at hinayaan kong kumawala ang mga impit na hagulgol na kanina ko pa pinipigil.

"Mcbeth... dito ka lang..."

xxxx

Sophia's

"Did you sleep well?'

Palaging nakangiti sa akin si Mama Ver kapag sasaluhan ko siya sa hapag tuwing umaga. Hiyang – hiya ako sa kanya dahil alam kong ilang beses na siyang napupuyat nang dahil sa pag – iyak ko. Akala ko nga maayos na ako, akala ko makakatulog na ako palagi nang hindi iiyak sa kalagitnaan ng gabi. I am okay here in Baguio. Dito naman kasi ako lumaki at kilala ko ang lahat ng tao rito kaya noong iuwi ako ni Daddy dito, alam kong magiging maayos ako.

When I got here, hindi ako lumalabas ng kwarto, ni hindi ko binubuksan ang bintana, ayokong makipag – usap kahit kanino, pero dahil na rin sa sobrang patient ni Mama Ver ay nasabi ko ang lahat sa kanya. Gumaan ang loob ko, slowly, I am bale to wake up feeling a bit lighter. Noong second week ko rito ay nagpasya akong magpagupit at magpakulay ng buhok. Third week, I decided to go out and have fun at sa ikaapat na linggo ay niyakag ko si Dee na magsimba sa Manaoag para na rin sa sarili ko.

Hindi na ako naniniwala na mahal ako ni Mcbeth and I needed to believe to something, I will never abandon my faith in Him kaya nagpunta ako sa Manaoag, in there, I met my childhood friend – si Bruce. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero noong muli kaming magsama, we hit it off. Nagparamdam sa akin si Bruce the following weeks at hindi naman ako tanga – well tanga ako kay Mcbeth – that's a fact. I entertained him.

Noong una ay nag-eenjoy ako. Nawawala sa isipan ko si Mcbeth at nalilibang ako kay Bruce pero noong nagtagal na ay madalas akong natitigilan kapag kasama ko siya. I realized na hinahanap ko iyong good traits ni Mcbeth sa kanya.

Mcbeth – even though he hurt me – is a spoiler. He spoiled me, hatid – sundo. Inaalagaan niya ako. One good thing about him is that he is very maalaga. Alam niya lahat – kahit na iyong schedule ng mens ko, alam niya at sa tuwing naalala ko iyon, lalo kong nararamdaman ang pangungulila sa kanya.

In my fifth week, things started to change – hindi ko alam noon baka ako lang kasi ang nakapansin. Mukhang kay Mama Ver ay normal ang lahat – but it changed. One time, I craved for coffee and I asked Mama Ver if I could have one, alam niyang may GERD ako at ayaw niya pero pinakitaan ko siya ng gamot. I missed Mcbeth's coffee – pero hindi ko alam kung paano gawin iyon. I easily searched for the process of making rice coffee in the internet pero masyado palang matrabaho kaya handa akong mag-settle sana sa ordinary coffee. May gamot naman.

When Mama Ver came back, may dala siyang coffee. Nagkuwentuhan kaming dalawa. She made me repeat my story about Mcbeth and I. Natagpuan ko na namang umiiyak ako. And then, what she told me baffled me.

"Ang pagmamahal ay malalim. Hanapin mo ang ugat para sumaya ka. Matapang ka, Pia. Ang mga taong nagpapaalipin sa pag-ibig ay matatapang. Magandang masabi mong ginawa mo ang lahat at nasaktan ka kaysa sumuko kang puro what if sa isipan mo. Sumugal ka para sumaya ka."

"Matagal na po akong sumugal at natalo ako."

"Palaging may loser's choice madalas, tiba – tiba sila roon." Tumawa si Mama Ver. "Sige na, inumin mo na iyang kape mo." And I did. Pagkalipas ng ilang sandali ay natigilan ako dahil nalasahan ko ang kapeng iyon noon. It is his coffee.

Mula noon ay hindi na nagbago ang lasa ng kapeng ibinibigay sa akin ni Mama Ver tuwing umaga o tuwing hihingi ako. Hindi lang iyon, madalas pakiramdam ko ay may mga matang nagmamasid sa akin pero tuwing hahanapin ko naman ay wala akong makita. Nakakaloka, paranoid na ba ako?

One time, I went to the park with Bruce. Sumakay kami sa boat, nagkuwentuhan kami at nagtatawanan until I decided to kiss him – baka sakaling maramdaman ko iyong saglit na buhay when it comes to kissing Mcbeth pero sobrang dry ng pakiramdam. I let him kiss me – because I am waiting for that moment I'll become alive pero hindi nangyayari – mas naging alive pa ako nang makita ko ang isang lalaking nahulog sa ilog. Nahagip lang siya ng mga mata ko at ang unang pumasok sa isipan ko ay si Mcbeth. I was so sure it was him pero nakumpirma kong pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko.

Hindi pala siya iyon. I just miss him.

Kaya nang gabing iyon, nag-text ako kay Kuya Paolo, noon ko nalamang nawawala pala si Mcbeth. Isang buwan na itong hindi umuuwi. Naisip kong baka kasama niya si Nancy, wala talaga siyang pakialam sa akin. Hindi man lang niya ako hinanap.

Umiyak na naman ako noon. I gained the courage to text him, I waited all night but he didn't reply, pero na-seen niya ang messages ko. I even called him pero iba ang sumagot – siguro assistant niya. Ni hindi man lang niya ako ni-call back. Wala na talaga siyang pakialam sa akin kaya nang gabing iyon ay sumama ako kay Bruce na mag-inuman.

Ang sama – sama ng loob ko. Nagpakalasing ako at hindi ko napigilan lahat ng iyak ko. Sobrang lasing ko muntik na kaming mapahamak pareho – but, I was sure... I was sure Mcbeth was there. Narinig ko nang malinaw ang galit na galit niyang boses that's why I tried to open my eyes and the first thing I saw was a man dragging me away pero sa background ay naririnig ko si Mcbeth.

When I woke up the next morning, si Lauren ang sumalubong sa akin. Ang sabi niya nakita niya lang kami ni Bruce kasama ng mga crew nila. I was almost raped and she helped me but I find it hard to believe. Si Bruce naman ay sinabing nakipagsapakan siya sa mga lalaking iyon.

I thanked him, utang ko sa kanya ang buhay ko, kaya sinagot ko na rin siya. We've been official for a month now, pero lalo akong hindi masaya. I feel like I am cheating on him – kahit wala naman kami... and then last night...

I dreamed of him but it felt so real. I could feel the intensity of his lips in my cheek – noon ko naramdaman iyong pagiging alive na hinahanap ko kay Bruce.

"Sorry, Mama Ver ha. Napuyat ka na naman." I smiled at her. Kinuha ko ang coffee ko at laking pasasalamat ko nang ganoon pa rin ang lasa niya.


"Si Bruce ang aga rito, may lakad ba kayo?"

"Opo. Sa Wright Park po." Gusto ko sana sa Mines View pero...

Mula nang dumating ako rito sa Baguio ay hindi pa ako napupunta ng Mines View. Ayoko kasi, naalala ko si Mcbeth pero ngayon, gusto ko siyang maaalala, gusto kong magpunta roon pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Bruce, I smiled at him. Nagpaalam siya kay Mama Ver at umalis na kami. Tahimik lang ako sa kotse niya, iniisip ko ang panaginip ko kagabi, iniisip ko si Mcbeth. Kailan ko ba siya hindi mamahalin?

Mas nahihirapan ako ngayong wala siya at hindi ko maintindihan iyon.

Nagulat ako nang huminto si Bruce sa may tabing daan.

"What?" I asked.


"Pia, mag-make out tayo." He grinned at me. I almost slapped him.

"Sorry, Bruce, wala pa tayo roon." Napabuntong – hininga siya at nagmaneho na lang. Nakarating kami sa labas ng Wright park, bumaba ako ng kotse pero pagkasara ko noon ay pinaharurot nang mabilis ni Bruce ang kotse. Napaawang ang labi ko. Mayamya ay tumunog ang phone ko. It was a message from him.

Wala akong mahihita sa'yo, Pia. Bahala ka na sa buhay mo.

My mouth parted. May god! ISA NA NAMAN PONG ASSHOLE!


Wala akong pakialam sa kanya. Pumasok na lang ako sa Mines View para naman makapaggala na ako at sinalubong ako ng napakabangong tae ng mga kabayo.

Hindi ako naiinis kay Bruce. Naiintindihan ko siya. Wala naman talaga siyang mahihita sa akin. Wala talaga dahil sa puso ko, isang tao lang talaga ang naroon – si Mcbeth Lemuel Arandia. Gusto ko mang tapusin ang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko magawa, mahal na mahal ko siya kahit sinaktan niya ako at ang nakakainis, para bang wala siyang pakialam sa akin.

Ni hindi niya ako kamustahin! Napakagago talaga! Siguro ngayon, nagpapakasasa siya sa kandungan ng Nancy na iyon.

Narating ko iyong hagdanan sa Wright Park paakyat iyon. Naisip kong umkyat sa taas. Wala namang makikita roon, tiyak kong maraming tao pero gagawin ko pa rin para naman mawala ang isipan ko sa taong walang pakialam na sa akin.

Halos isang dekada, itinapon niya? Hindi kaya pwedeng ako naman ang piliin niya? Grabe, sobrang pathetic ko.

Pahinto – hinto ako nang paglakad dahil hinihingal ako. Tinitingnan ko ang dulo ng hagdanan. Kaya ko pa. Ilang steps nga ba ito? Bahala na. Marami akong kasabay, marami akong nakakasalubong at sa kalagitnaan ng hagdanang iyon ay bigla na lang tumibok nang napakabilis ang puso ko, bigla akong tumigil sa paglakad – hindi dahil sa pagod o init o pawis kundi dahil sa kalagitnaan ng hagdanan, nakadaupang palad ko ang taong walang pakialam sa akin ngunit mahal na mahal ko.

He wasn't aware of me. Bumababa siya ng hagdanan habang hawak ang kamay ng isang may edad na babae. Inaalalayan niya iyon eh.

He was wearing his favorite hoodie – that red and black hoodie I gave him on our first anniversary. My tears fell – bakit kahit nasasaktan ako, masaya akong nandito siya ngayon?

May humawak na ibang tao sa lolang hawak niya kaya nag-bye siya sa mga ito. Napansin kong may hawak siyang plastic cup na may ube taho – paborito niya talaga iyon. Sunod – sunod ang pagpatak ng luha ko.

Bigla siyang tumingin sa akin, nagbawi siya ng tingin, umaawang ang labi ko but then he looked at me again.

He was sipping the Ube taho with that red and white stripe straw.

Nalaglag iyong taho sa lupa. Naiwan ang straw sa bibig niya.

Napahikbi ako. Ako na mismo ang lumapit sa kanya para yumakap.

Oo. Tanga talaga ko, pero mahal na mahal ko.

"Please tell me this isn't a dream." I said after hugging him. Napapikit pa nga ako. Iyak ako nang iyak -pero natigil ako nang tanggalin ni Mcbeth ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

He smiled.

"This is a dream, Pia."

Napaawang ang labi ko. He kissed my forehead and then he walked away. Naiwan ako roong nakanganga.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 136 15
Luna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Delicate By Cher

General Fiction

2M 82.7K 27
Isang haciendero si Sabello Arandia. Naniniwala siyang hindi pa ipinapanganak ang katapat niya kaya wala siyang ginawa kundi ang mambabae. Yes, he is...
Exclusively His By Cher

General Fiction

4.2M 92.8K 24
Yvo Jorge Consunji's life turned black and gray when he got his heart broken. He is a Consunji and yet his heart is broken - that was a first and tha...