Loving The CEO ✔

By GarnetSiren

326K 7.7K 685

SPG | MATURE CONTENT | R-18 Five years ago, for her to provide for her brother's needs as well as her educati... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 23

6.3K 171 12
By GarnetSiren

[SEBASTIAN]

“Seb, Let’s go! Parating na ang mga pulis ayon sa lookout natin sa bung—what the! Is that Ernesto lying on the floor?” He queried.

Wala sa sariling napatango si Sebastian. Nakita niya kanina si Santiago na tumakbo papunta sa silid na ‘to kaya niya sinundan at nasaksihan nga niya kung paano binaril ng mayor ang sarili niyang ama.

Niligtas nito si Arabella sa kamay ng sarili niyang ama at ngayon niya natanto na seryoso siya kay Arabella pero kahit gano’n, gusto pa rin niyang patayin ang hayop na mayor dahil anak siya ng diyablong si Ernesto.

“Seb, kailangan na nating umalis bago tayo maabutan — ”

“It’s okay, Ram. Ang grupo ni Chief Inspector Cervantes ang parating.”

Manghang napatitig sa kaniya si Ramon. “Cervantes?! Akala ko ba ayaw mo ng makita si Edward?”

“I guess it’s time to forget and forgive, Ram. Isa pa, matagal na rin ‘yung alitan naming dalawa — ”

“Alitan?” pigil ang tawang tanong ni Ramon. “Brother, ang alam ko’y ikaw lang naman ang may sama ng loob sa half-brother mo.”

Yes. Edward Cervantes is his half-brother. Kapatid niya ito sa ama at ‘di hamak na mas matanda sa kaniya. Buong buhay niya ay ayaw niya sa presensiya ng kaniyang kapatid na kagaya niya ay sa ibang lugar at pamilya rin lumaki dahil si Edward ay lumaki sa piling ng ina nitong si Edna Fortez. Ang unang live-in partner ng kaniyang daddy bago ang kaniyang mommy.

“Halika na.” ‘aya niya kay Ramon dahil hindi na niya kayang tingnan ang paghahalikan nina Santi at Arabella.

“Teka,” lakad-takbo ang ginawa ni Ramon para maabutan siya. “Ano ng plano mo ngayon? Babalik na ba tayo ng Maynila?”

“Kayo nina Garry ang bumalik do’n dahil aware akong may pananagutan ako ngayon sa batas.”

“E, sira na pala ulo mong gago ka, e. Kung may pananagutan ka, mayro’n din kami kaya parepareho tayo ngayong hihimas ng bakal na rehas.”

“Sir!” Si Garry na patakbong sumalubong sa kanilang dalawa. “Malapit na ang police mobile, Sir. Kailangan na nating umalis — ”

“Hindi na kailangan, Garry.” Kalmadong saad ni Sebastian. “Kilala ko ang mga parating.”

Nagsalubong ang kilay ni Garry pero hindi na nag-usisa pa. “Patay na lahat ng mga tauhan ni Macaraig, sir.” imporma nito.

“Ayos lang tutal patay na rin naman si Tanda.” ani Sebastian at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan na rin siya nina Ramon at Garry.

Nagkalat ang mga walang buhay na katawan ng mga tauhan ni Ernesto Macaraig kasama na rin ang dalawa sa kaniyang mga tauhan na labis niyang ikinakapanghinayang.

MAYA-MAYA lang ay dumating na ang dalawang sasakyan lulan ang kapatid niyang si Edward kasama ang mga tauhan niya.

“What the hell, Seb! Ano 'to? Usapan nating hintayin mo — ”

“Oh, hell! I miss you too, Ed.” nang-uuyam niyang putol sa kaniyang kapatid. “Kumilos ka na, Chief. Posasan mo na kaming lahat bago kami manlaban at tumakas.”

Napailing si Edward. “Just go. Ako na ang bahala rito.”

“Chief, mukhang hindi maayos ang pagpapatupad mo ng batas.” ngingisi-ngising puna ni Sebastian. “Hindi dahil magkapatid tayo ay — ”

“Umalis na kayo but I want you to know that I’m not yet done with you, Sebastian. Marami ka pang kailangang ipaliwanag sa ‘kin.” seryosong ani Edward sa kaniya. “Uuwi ako sa mansion mamaya kaya huwag kang aalis kung ayaw mong malagot sa ‘kin.”

Napasipol nalang si Sebastian, “Alright!” aniya at tinalikuran na ang kapatid.

“Binayaran kita para bantayan ang kapatid ko, right, Ramon?”

Nahinto si Sebastian sa paghakbang dahil sa narinig. Lumingon uli siya sa kaniyang pinanggalingan at halos mag-isang linya nalang ang kaniyang mga kilay.

“Nagpabayad ka, Ram?”

Napakamot sa kaniyang ulo si Ramon, “Brother, pasensiya na. Alam mo namang mahirap lang kami kaya sinunggaban ko na ‘yung offer ni Chief.” He said. “Kinse-mil ‘yun, Brother ‘tol, kaya,” He shrugged his shoulders then grinned. “sayang naman.”

“Mukhang pera ka talaga, Ram! Pa’no kung may balak bumili sa 'kin? Ipagbibili mo ako?”

“Kung pasok sa presyo, why not?” Biro ni Ramon.

“Fuck you! Babalatan kita ng buhay, Ram! I swear!”

Mabilis na nagtago sa likod ni Chief Edward si Ramon nang pasugod na sa kaniya si Sebastian. “Chief, oh! Kapag may nangyaring masama sa ‘kin, alam niyo na kung sinong dadamputin niyo, Chief.” Biro pa rin ng binata.

“Ewan ko sa inyo. Umalis na kayo.” Napapailing na taboy ng chief sa kanila. “Dalhin niyo lahat ng mga tauhan niyo dahil ayaw kong makakita isa man sa inyo. Nanggigigil pa rin ako sa inyo baka pagbabarilin ko pa kayo.” Birong-banta ni Edward sa kanila.

Agad namang nagsipulasan paalis ang magkaibigan kasunod si Garry at ang iba pang mga tauhan ni Sebastian.

“Teka!” Si Ramon na tumigil pa sa pagtakbo. “Si Arabella, hindi ba natin siya babalikan at isasama paalis?” Tanong niya kay Sebastian na huminto rin sa pagtakbo.

“Oo nga, Sir. Baka kung anong gawin ni Santiago sa kaniya.” segunda naman ni Garry.

Pagak na natawa ang binata at umiling. “Walang gagawing masama si Santiago sa kaniya dahil siya pa nga ang bumaril kay Ernesto para iligtas si Arabella. That son of a bitch is in love with Arabella kaya naniniwala akong hindi siya gagawa ng hakbang na maaring ikapahamak ni Arabella.”

“So, anong plano mo ngayon?”

Nagkibit siya ng balikat at sumakay na sa backseat. “Makikipag-usap muna ako kay Edward.”

“And after that?” tuloy pa ring usisa ni Ramon na tumabi rin sa kaniya. Si Garry naman ay nasa passenger seat habang ang isa pang tauhan ng binata ang nagsilbing driver nila.

Ang iba naman nilang kasama ay sa dalawang sasakyan sumakay.

“Tapos na ang pakay ko rito sa Isla, Ram. Wala na rin akong pamilya rito. Si Edward, sa Central Luzon ang base. Si Uncle Leonardo, tiyak na babalik ‘yon ng States kapag nakabalik na ako sa normal kong buhay.”

“Good! That’s better. Makakapagbagong-buhay ka na ngayon, Seb. Wala ng mga tauhan, malayo na sa mga baril, higit sa lahat, wala ka ng kinikimkim na galit diyan sa dibdib mo.”

Huminga siya ng malalim at hindi na tinugon si Ramon.

“Brokenhearted ka ‘no?” muling salita ni Ramon sa himig na nanunudyo. “Ipinagpalit ka ba naman sa isang Mayor pero ‘di bale, Brother ‘tol. May Melissa Berman ka pa naman na laging naghihintay sa ‘yo. Hindi ka lugi sa babaeng ‘yon — ”

“One more stupid word from you and you're dead.”

Humalakhak si Ramon pero hindi na uli nagsalita pa hanggang sa nakarating sila ng mansion.

Sa sobrang pagod niya sa pakikipagbakbakan kanina sa mga kampon ng diyablo, nararamdaman na niya ngayon ang pagod niya kaya magpapahinga nalang muna siya bago dumating ang half-brother niyang si Edward.
.
.
.
MAGTATAKIPSILIM na nang siya ay magising kaya medyo mahaba rin ang naging rest niya.

“Gising na pala ang prinsipe.”

“What the fuck are you doing here, Edward?” Magkahalong gulat at inis niyang tanong sa kapatid niyang hindi niya kaagad napansing nakahiga sa mahabang sofa sa loob ng kaniyang kuwarto.

“I just realized just by now how I missed this mansion and this room.” Wika ni Edward na binalewala ang inis ni Sebastian. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naupo nalang.

“Lumabas ka na. Hintayin mo ako sa labas — ”

“Naunang naging akin ang silid na ‘to gago kaya tigilan mo ako sa pagtaboy-taboy mo na ‘yan.”

“Fine!” Tumayo si Sebastian at ipinasok sa magkabilang bulsa ng pantalon ang dalawa niyang kamay at diretsong tumitig kay Edward. “Tell me, why are you here? Is there a problem regarding on what happened early this morning?” He queried.

“Huwag mo ng isipin ‘yon tutal naman ay nakipagkasundo na si Mayor Santi at hindi na rin magsasampa ng kaso laban sa inyo. Tanging ang namayapa niyang ama ang siyang idiniin nalang niya sa gulong nangyari at wala ng magaganap na malawakang imbestigasyon.”

“Wala naman palang problema.”

“Yes. Wala, at sigurado akong matatahimik na talaga ngayon sina Daddy, ang mommy mo, at si Carla.” wika ni Edward. “Hindi maganda ang naging paraan mo ng pagkamit ng hustisya para sa kanila but I’m pretty sure, they are all proud of you right now as they watched you from heaven above. Matatahimik ka na rin siguro ngayon at hindi na kita kailangang alalahanin, Sebastian.”

“Of course.” Tila walang gana niyang tugon kay Edward.

“Seb, I’m sorry. Alam kong kaya malayo ang loob mo sa ‘kin— kaya nagagalit ka sa ‘kin dahil mula pagkabata ay inisip mong ako ang paborito ni Daddy sa ating dalawa. Hindi mo ako kinilala bilang kapatid dahil buong akala mo, ako ang rason kung bakit ka ipinadala noon ng Daddy sa kapatid ng Mommy mo but you see, Seb, pareho lang tayo.”

“Huwag na nating pag-usapan ang — ”

“—dahil kung anong ginawa ng Daddy sa ‘yo,” patuloy ni Edward. “ay ginawa rin niya sa akin. Ang tanging kaibahan lang natin ay ang Mamá ko ang nag-alaga sa ‘kin.” Then he sighed heavily. “Ngayon na natapos na rin ang problema mo, inasahan ko na ring hindi na uli tayo mag-uusap muli dahil tiyak na iiwas ka na naman sa ‘kin pero huwag kang mag-alala, wala akong kahit konting galit o tampo sa ‘yo kahit paulit-ulit mong hinaharangan ang pagiging Cervantes ko dahil ayaw mong malaman ng mga associates mo ang tungkol sa akin bilang panganay mong kapatid sa ama.”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Sebastian bago nagsalita.

“Hindi madaling lumaki na ang mindset ko ay gano’n, Edward. Kailangan laging mahusay. Kailangan kapag nagkita kami ni Daddy maging proud siya sa ‘kin. Kailangan mahigitan kita sa paningin niya. Kailangan maging mas matalino ako sa 'yo at higit sa lahat, kailangang ako lang ang kikilalaning anak na lalaki ni Daddy.” aniya na sinundan ng walang-buhay niyang pagtawa. “I grew up with a mindset like that. Naging competitive ako. Bawat taong nakakasalamuha ko lalo na sa business world, I see them as my competitors.”

“And I’m proud of you, Sebastian. Kailangan ng tao na maging competitive but it should be in a nice way. Don’t let your guard down dahil ang mga ganoong pagkakataon ang inaabangan ng mga competitors mo para talunin ka kaya ‘wag kang malungkot kung naging ganiyan ang mindset mo.”

umangat ang sulok ng labi ni Sebastian. “So, Chief, are you ready to enter and see my world?” Makahulugan niyang tanong.

Napatayong bigla si Edward at lumakad palapit sa kaniya. “What do you mean?”

Nagkibit ng balikat si Sebastian. “Wala naman. Gusto ko lang sanang ipakilala sa buong mundo ang kapatid ko.” kaswal na aniya pero nagdulot ng malakas na impact ng happiness kay Edward ang kaniyang sinabi.

“Hindi ka ba nagbibiro?”

“I’m fucking serious, Ed. Hindi ko na hahadlangan ang pagiging Cervantes mo para naman sumikat ka kahit papa’no.” Tudyo niya kay Edward.

“Utang na loob ko na pala ngayon ang pagiging Cervantes. ‘tang ina.”

Sebastian chuckled. “Are you ready?”

“Siyento pursyento, Sebastian, pero ang dapat na tanong siguro ay kung handa ka ba talagang ipakilala ako sa maraming tao. Handa ka ba?”

“Kuya, Yes! Of course!”

“Good. Tutal feeling ko naman ay magkasundo na tayo,” Edward paused for a moment before he grinned mischievously. “Matutulungan mo na siguro ako ngayong hanapin ‘yung babaeng nagparanas sa ‘kin ng tinatawag nilang, Love at first sight.

Humagalpak ng tawa si Sebastian sa kacornihan ng kaniyang kapatid. “Fuck! Sana alam mo kung anong pangalan niya.”

“Nakita ko ‘yun kanina sa mansion ng mga Macaraig. Arabella raw ang pangalan pero hindi ko na nakausap ng matagal dahil umalis siya.”

Natigilan siya sa kaniyang narinig. “What's her name again?”

“Arabella.”

Napasuntok siya sa hangin sabay sigaw ng, “Hell, no!!”

◇◇◆◇◇

TO BE CONTINUED ..

Continue Reading

You'll Also Like

236K 1.9K 34
WARNING! SPG | R- 18 | MATURE CONTENT! He violated her. And now, she hates him. Hindi mapagkakailang atraksiyon ang naramdaman ni Munzio 'Zio' Eleaz...
517K 9.6K 52
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang ina...
4.3M 14.3K 7
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho p...
Wattpad App - Unlock exclusive features