Cruel Summer

By thislady_sipstea07

1.1K 75 169

Terry Strut and Vassili Harrington are teenagers who used to love summer season but due to traumatizing event... More

Author's Note
Prologue
☀️ First Shot ☀️
☀️ Second Shot ☀️
☀️ Third Shot ☀️
☀️ Fourth Shot ☀️
☀️ Fifth Shot ☀️
☀️ Sixth Shot ☀️
☀️ Seventh Shot ☀️
☀️ Eight Shot ☀️
☀️ Nineth Shot ☀️
☀️ Tenth Shot ☀️
☀️ Eleventh Shot ☀️
☀️ Twelveth Shot ☀️
☀️ Thirteenth Shot ☀️
☀️ Fifteenth Shot ☀️
☀️ Sixteenth Shot ☀️
☀️ Seventeenth Shot ☀️
☀️ Eighteenth Shot ☀️

☀️ Fourteenth Shot ☀️

16 2 4
By thislady_sipstea07

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Weird.

Pumikit ako ng madiin at dumilat ulit. Sinalubong ako ng mukha nila Rona, Hazel, Kristel na puno ng pag-aalala. Napatingin ako sa paligid at kunot noong tiningnan sila.

"Why?"tanong ko.

"Did we just witnessed how you froze and went back to reality? Goddamn, Terry, tinakot mo kami."sabi ni Kristel at niyakap ako.

I don't understand. I swear, wala akong nakitang tao except sa aming dalawa ni Rona. Lights are on. Computers are working but there are no other students.

What's going on?

"I... I thought... may... may pinuntahan kayo. K-kaya napatitig lang ako."sagot ko kay Kristel. "Kasi... akala ko walang tao."

Nakakunot ang noo nilang lahat habang si Rona naman ay hinahaplos ang likod ko. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa akin.

"I'm sorry. I thought, walang tao. That's all."sabi ko pero tahimik pa rin sila at pinaupo ako.

"We know Terry. Nakatingin din kami sa 'yo, uh, actually ilang beses kang tinatawag ni Hazel at Guia but you're not responding hanggang sa para kang nakaahon sa tubig. Alam mo 'yon, hinihingal and clueless. Gano'n ka kanina."sagot ni Kristel sa akin.

"Wala ka talagang nakikita kanina? How did that happen?"tanong naman ni Hazel.

"Hindi mo ba kami naririnig? Bakit?"sunod naman na nagtanong ay si Guia.

Hindi ko alam kung ano rin ang nangyari kanina. Para akong pinagpapawisan, ang lamig sa pakiramdam ng pawis. Kaya pagtingin ko sa paligid, wala akong taong nakira maliban sa mga ilaw at nakabukas na mga kompyuter.

"I think we should stop asking her. Pagpahingahin muna natin si Terry."awat ni Rona sa sunod-sunod ba mga tanong nila.

"You can still see us 'di ba?"tanong ni Hazel. Hinampas naman siya ni Guia at nginuso si Rona na hindi ko namalayang nakatayo pala sa likod ko.

"It's okay. I'm fine. Kulang lang siguro sa tulog."sagot ko, though, they know I'm lying. Something's wrong with me. But I can't even define or put it into words kasi natatakot ako na baka seryoso ito.

Buong araw akong tulala pero hindi na nila ako kinulit. Hanggang sa pag-uwi ko ay pakiramdam ko naman ay parang lumulutang ako. Hindi ko na rin napansin na kausap pala ako nila grandma at kuya Kjen dahil tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.

From Rena:

        I need to send a message kasi nag-luto si Mama ng spag and our favorite ulam din. Come, eat with us!

Doon lang ako parang nagising sa panaginip ko kahit kanina pa naman ako gising. Binuksan ko ang phone ko para basahin pa ang ibang notifs doon. Alam ko kanina pa tunog nang tunog ang phone ko pero wala akong lakas para buksan ito.

To Rena:

      Wala na ba for tomorrow? Inaantok kasi ako ngayon.

From Rena:

          Ahhh... masarap daw kapag bagong luto e. Ihatid na lang namin if u want.

To Rena:

      Kung hindi labag sa loob mo, sige. Pero kung tinatamad ka lumabas. Okay lang.

From Rena:

          Okay lang? Wdym? Are you mad? Are you alright? I'm here to listen.

Nilapag ko muna ang phone sa tabi ko at pumikit. Bumabalik nanaman kasi. Pinagpapawisan ako at parang mabibitawan ko ang phone dahil inaantok nanaman ako.

Nagising na lang ako at nasa hospital bed na ako. Nasa bandang paanan ko naman ay si kuya Kjen samantalang sa may sofa ay sila mommy at tita Nanz, one of our closest friends na parang ate niya na rin.

"She's awake tita! Tawagin ko na po ang nurse!"sabi ni kuya Kjen at nagmamadaling lumabas.

"Why am I here? Anong nangyari?"tanong ko. Last thing I remembered ay nakatulog ako sa kwarto.

"Dinala ka namin dito dahil hindi ka raw magising ng pinsan mo. We were worried. You're not moving, you are not responding. As in wala talaga. Kaya we brought you here to know what's happening."sagot ni mommy. "Nandito rin pala si ate Nanz. Nag-alala rin siya sa 'yo."

Ngumiti naman ako at dahan-dahang inabot ang kamay ni tita. "Salamat po sa pagsama sa amin dito. Instead of resting ay sumama pa po kayo. Pasensya na po tita."

"Ano ka ba naman. Alam mo naman na parang nakababatang kapatid ko na ang mommy mo. Kaya kung anong kailangan niyo, nandito lang ako para puntahan kayo ha. Magpalakas ka, kumain ka ng mga prutas na dala ko."sabi niya at hinaplos ang ulo ko. Ngumiti ulit ako bilang pasasalamat.

Sakto naman ang pagpasok ni kuya Kjen kasabay ang ilang nurse at ang doktor. Lumapit sila sa akin at nicheck ako. Kinausap at tinanong nila ako saglit bago nilapitan ng doktor si mommy. Hindi ko sila masyadong marinig dahil patuloy pa rin akong kinakausap ng mga nurse. Nakisabay din si kuya Kjen kaya mas lalong nawala ang atensyon ko kila mommy.

"On Friday makakalabas ka na, anak."sabi ni mommy pagkatapos lumabas ng mga nurse at ang doktor ko.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Hindi ba pwede na bukas na lang. I can walk naman na. I can even stand... if... if you'll let me. Kailangan makapasok ako sa Friday."sabi ko at halos magmakaawa na. Nag-alala naman bigla si tita Nanz at hinaplos ang likod ko para kumalma.

"There are some tests na kailangan nilang kuhanin pa sa 'yo Terry. Kaya kailangan mo pa magstay."sabi naman ng pinsan ko. Gusto ko siyang batuhin ng unan kung wala lang nakatusok sa kamay ko ngayon at natatakot ako na baka bumlwak dugo ko kapag ginalaw ko ang kamay ko.

"Mom?! Please, hindi ako pwede absent sa Friday. Crucial day 'yon sa attendance."sabi ko and tinitigan si mommy na blanko lang ang mukha. Is she thinking or is she bothered? Hindi ko alam. Ang hirap basahin ng mukha niya. "Oh god, kung alam ko lang, sana hindi na lang ako umuwi."

"Don't say that Terry!"sabi ni mommy kaya napaayos ako ng upo. Did she get mad? Wait, is she mad? First time. Akala ko, never kong makikita siyang magalit. She's this type of person na kalmado lang kahit na anong mangyari. "Are you tring to say na balak mong matumba na lang kung saan-saan? And then what? Hindi mo alam kung tutulungan ka ba o baka pagsamantalahan ka pa dahil akala nila nakatulog ka lang sa gitna ng daan. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang paligid ngayon? And then you're gonna joke about your situation."

"Did I say, it's a joke? I just wish. Kasi kung nandito lang din ako for, like, how many days? Ugh! Mom! I wanna go home! I can't even count."

"Terry, bebe, kailangan ka pa ngang obserbahan ng doktor mo. Isa pa, wala pa ang results ng mga tests. Bukas meron pang nakaschedule kaya magpahinga ka muna."sabi naman ni tita Nanz at  tinulungan akong makahiga. Inadjust niya rin ang higaan ko para hindi masyadong nakababa ang ulo ko.

"Sports fest lang naman 'yon 'di ba? Bakit kailangan mong maistress and this is a serious matter. Maiintindihan ng school if wala ka for how many days. May medcert ka naman na maipoprovide."kunot noong sabi ni kuya Kjen.

"You don't understand. Hindi lang Sports fest 'yon. Argh! Please, 'wag niyo muna akong kausapin. I need some space."sabi ko.

"E ikaw lang naman mag-isa sa higaan mo at malayo kami."sagot ni kuya Kjen, hinarap ko siya para irapan. Nagawa niya pang matawa. Nakakainis!


Inabot ko na lang ang phone ko na nilagay nila sa side table na malapit lang din sa hospital bed ko. Napasapo ako sa noo sa dami ng natanggap kong missed calls galing kay Rena. Nakailang mention din sa akin sa groupchat dahil hindi nga ako nakapasok ngayon.

Hirap akong magtype ng messages kaya tinawagan ko na lang si Rena kaso hindi siya sumagot. Siguro ay naiwan niya ang phone niya sa kwarto o baka kasama siya ni mama sa kusina habang nagluluto. Binalik ko na lang ang phone ko sa side table na pumikit ulit, sinusubukang makuha ang tulog ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
743K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
212K 10.2K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...