Our Messy Hearts ✔

By ZuXiner

2.5K 1.1K 1K

Published Under Ukiyoto Publishing January 2022 [Completed] (This Version is UNEDITED) Arianne is a seventeen... More

MESSY HEARTS
Prologue
Chapter 1: Bump Him
Chapter 3: Transferee
Chapter 4: Stay Away
Chapter 5: Unknown Number
Chapter 6: Overnight
Chapter 7: Sealed Kiss
Chapter 8: Cheers
Chapter 9: To Be My Side
Chapter 10: Cry On My Shoulder
Chapter 11: Smile
Chapter 12: Girlfriend or Heartbreak?
Chapter 13: Unknown Feelings
Chapter 14: It Hurts
Chapter 15: With Jonard
Chapter 16: Forbidden Feelings
Chapter 17: Be With You
Chapter 18: True Feelings
Chapter 19: Truth or Dare?
Chapter 20: Dancing with Him
Chapter 21: Happiness
Chapter 22: The Truth
Chapter 23: Revelation
Chapter 24: Be my Medicine
Chapter 25: Happiness and Pain
Chapter 26: This Can't Be
Chapter 27: His Dream
Chapter 28: The Past
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 2: Unexpected

145 53 91
By ZuXiner


Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 2

| HIS POV |

Nakatitig lang ako sa mga black cards na nagkalat sa sahig. Isa-isa ko itong hinagis kanina dahil sa frustration. Muli kong pinaikot ang swivel chair, kinuha ang dart na nakapatong sa mesa at inihagis ito sa dart board na nasa loob ng kwarto ko.

Last month is been a long month for me. Wala akong ginawa kundi ang magkulong at uminom ng alak sa kwarto. The room is in a mess. Nagkalat ang ilang bote sa sahig. Magulo rin ang closet ko, maging ang aking kama at iilang mga damit. I missed her, I wanted to be with her. If I could turn back the past, I'll choose her. Sa dami ng problema na kinakaharap ko lately ay hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang lagpasan ‘yon. But still I'm sad. Hindi ko maramdaman 'yong totoong saya.

Ipinikit ko ang mata. Nanlulumo ako ngayon. No! I need to fix everything. Kinuha ko ang shades bago lumabas ng kuwarto.

“Hey Jon, Sa’n punta mo?” My brother asked me.

“I’ll just walk around, bro. Maghahanap ng chix,” biro ko.

“Oh? Do you mind if I come with you? I have a photographic memory. Just incase na maligaw ka,” pagsakay niya.

"Pwede naman. But make sure ako muna ang master mo ngayong araw."

“Ofcourse, go on. Tamad akong maglakad.” Saad nito at umakyat sa hagdan. Subalit ilang sandali pa ay napahinto siya sa paghakbang at lumingon sa gawi ko.

“Oo nga pala, uuwi raw si Marv dito with her friends. So, you might come home earlier dahil wala akong kasama. I don't want to meet her friends, girls are always noisy, tsk.”

Natawa ako ng mahina. Kahit kailan talaga, woman hater.

“I’ll be right back. Don’t worry about me, I can handle everything.” Pilyong sagot ko.

“Hey, I’m not worrying on you. I'm just worried about myself if you can’t get home earlier than Marv, she will definitely keeps pestering me.” Napailing ako.

"Noted, bro." I patted his shoulder before we nod to each other. Sabay din kaming natawa dahil doon.

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang sadya ko. I grab my phone on my pocket and turn-on the gps to locate the shop.

Pumunta ako sa isang herbs shop na kilala sa lugar nila Marvie. Umuwi pa kami ng Pilipinas dahil dito. I have two purposes why I’m here: first is to find some meds and second is to find her to make things clear. There's no problem with the first because I'm used to it. But the second? That’s my concern. Maybe after talking with the shop owner ay pupunta ako ng Maynila to clear things there.

Huminto ako sa isang hindi kalakihang shop. Gawa lang ito sa kahoy pero maganda parin. May mga nakasabit na mga bulaklak sa labas ng pintuan. I guess ito na ‘yon.

Pumasok ako sa loob at nadatnan ang isang batang babae na nagbabasa ng comics strip sa dyaryo.

“Magandang araw po. Ano pong sa inyo?” Magalang na tanong nito nang maibaba ang hawak na babasahin.

“Hi, ahm, nandito ba iyong may-ari ng shop na 'to?”

“Kami po ang may-ari nito, sir. Pero si papa po talaga ang nagma-manage nito eh kaso may importante po siyang pinuntahan kaya ako po ‘yong nagbabantay ngayon. Bakit po sana?”

“I have concerns kasi and I do want to talk to him. It’s very confidential. Kailan ko ba siya pwedeng makausap?”

“I’m not sure po kung anong oras pa uuwi si papa, maghihintay ka po ba?”

“Can I?” I asked.

“Sure po,” lumapit siya na may dalang silya. “Maupo po muna kayo, sir. Susubukan ko pong i-text si tita if anong oras pa uuwi si papa para ma-inform ko po kayo.”

Tumango lang ako. Bumalik siya sa casher area at nagtipa sa di-keypad na cellphone. I roamed my eyes to the whole place. Maliit man pero hindi siya masikip tingnan. May mga bottle of herbs na nakalagay sa estante ng shop at iilang mga kahon na nakapatong sa itaas. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

“Sorry po sir pero hindi pa po agad makakauwi si papa. Gagabihin kana po masyado kung hihintayin niyo pa po s‘ya.”

“Ganoon ba?” I bit my lower lips. I thought makakausap ko ang may-ari ng shop na ‘to. I just need to talk to him. Maybe he can give me some recommendations or herbs. But since the owner was not here, anong magagawa ko?

“Bumalik nalang po kayo bukas, sasabihin ko rin po kay papa na bukas din ay hintayin ka rito sa shop bago siya umalis ulit.” saad ng batang babae. I guess she's fifteen.

“No worries, I understand. Thank you,” ngumiti ako at nagpaalam.

Mag-isa kong tinahak ang daan pauwi. I was absently staring on the ground, hands on my pocket while walking until someone bumped me. Agad na nanumbalik ang conciousness ko.

“Fuck! Tanga ka ba o sadyang bulag?!” Inis kong tanong sa babaeng nakabunggo sa‘kin. Hindi ko alam kung may pinagtataguan ba siya o sadyang ang clumsy niya lang. Whatever it is, I don't care.

Hindi pa ako nakakatayo ng makita kong inilahad niya ang palad para sana tulungan ako.

Imbes na hawakan ay hindi ko iyon tinanggap. “Damn! Wag mo nga akong hawakan!” Tumayo akong mag-isa. Pinagpagan ko ang suot na jeans at inayos rin ang suot na shades. I was about to walk away and ignore her but when I see her face I can't even move my body. My heart keeps beating faster in sudden. My eyes blink kahit alam kong hindi niya iyon makita.

What the hell is she doing here?

“Ayon siya!” Nataranta siya ng marinig ang boses na iyon pero mas lalo akong nagulat ng tumago siya sa aking likuran.

"Hoy babae! Lagot ka sa amin!" Sigaw nung lalaking may pasa sa mukha. Imbes na matakot ay nagawa pa niyang mag-middle finger. What the fuck is she doing?

“What the? Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo yung damit ko!" kunwaring inis na saad ko. Saglit siyang napatulala na tila may inaalala.  I thought she recognize me but no. Hindi niya ako nakilala.

Humarap siya sa mga lalaking humabol sa kanya, “Sasaktan niyo ako? Sige, lagot kayo dito sa boyfriend ko. Kung hindi niyo lang alam serial killer 'to sa lugar namin!” Sigaw niya dahilan para lalo akong magulat. I did not expect it.
“What the hell! Ano bang sinasabi mo? Just get off your fucking hand on me!” I pretend. I'm okay with the boyfriend word, but the latter? Serial killer? Seriously? What a trouble maker.

“Makisakay ka nalang.” Bulong niya.

“Hahah! Yan serial killer sa lugar niyo? Eh bata lang yan eh! Wala yang binatbat sa amin!” Sigaw muli ng lalaki. Nandilim ang paningin ko dahil hindi ko gusto ang sinabi niya. Not to mention na babastusin pa nila ang babaeng ito.

“What did you just say?”

“Aba pa english english pa siya pare ah! Ang sabi namin bata ka lang! Wala kang binatbat sa'min! Kaya kung ako sa'yo ibigay mo na sa amin 'yang babae na ‘yan at nang matapos na.” Ibigay? Ngayon na nagkita kami ulit, hinding hindi ko siya ibibigay. Not even this time.

“Why don't you try me first? Pagnatalo niyo ako sa inyo na siya. Pero pag ako ang nanalo, okay lang ba na basagin ko iyang pagmu-mukha niyo?”

Narinig ko ang pagtawa ng lalaki. “Seryoso ka bata? Sige pumapayag kami.”

“Bitaw,” I said. Napaangat siya ng tingin sa akin.

“Ha?” tanong nito.

“Sabi ko bitaw,” malamig kong saad. Doon lang ‘ata nagsink-in sa utak niya ang sinabi ko kaya agad siyang napabitaw sa‘kin.

Kita ko kung paanong nag-aangasan ang mga lalaking nasa harapan. I step forward. Sabay sabay silang sumugod sa akin but they can’t defeat me. I maybe weak for others but I'm not the person that I used to be.

I punched the one right to his face while the other two ay nakatikim ng tadyak mula sa akin. Namataan kong may paparating na kamao mula sa gilid ko kaya mabilis akong umiwas at hinila ang braso ng lalaki bago ito pinilipit. Suntok, iwas, at sipa lang ang ginawa ko hanggang sa matapos. Ang ilan sa kanila ay nakabagsak sa lupa samantalang nagsipagtakbuhan naman ang iba.

Dahil sa laban ay hindi ko napansin na nahulog na pala ang suot kong shades. Siguro kanina pa dahil mukhang gulat na gulat siya. She might recognize me. Humarap ako at nagbitaw ng salita.

“Nice to meet you, ex.”

I know she was in shocked. Sino nga bang hindi magugulat sa sitwasyong ganito? The guy who abandoned you suddenly showed in front of you.

“What are you doing here? Akala ko ba nasa Canada ka.” sarcastic na saad niya.

“None of your business.” Gusto kong tanungin kung bakit din siya narito but this is not the right time. I know nasaktan ko siya but I have my reasons.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, “I know wala na tayo and I accept that. I should not bring back the past because it’s already on the past. So I want to say thank you for saving me—wait!”

Nauna akong naglakad. I don’t want to stay here longer dahil alam kong anytime hindi ko kaya. I don’t want to hurt her again. I missed her but damn! I know I should not.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko. Gusto kong lumingon para makita ang ekspresyon niya. Gusto ko siyang yakapin. But my brain keeps saying na huwag na dahil baka mas lalong maging komplikado ang lahat.

“Uy, salamat ah. Akala ko talaga ibibigay mo ako sa mga asungot na 'yon.” Masayang saad niya habang pilit na sinasabayan ako sa paglalakad.

Napahinto ako.

This is not the expression I expected to her. Why? Nakapag-move on kana ba? You already forgotten me in your heart?

“Hindi ko ‘yon ginawa para sa‘yo.” Muli akong nagpatuloy sa paglalakad.

“Ganoon? Okay, pero salamat pa rin. Nga pala kung iniisip mo na galit ako sa iyo, noon ‘yon. Actually nakapag move---" humarap ako dahilan ng pagkatigil niya. Kuno’t ang mga noo siyang nakatingin sa akin. Ayokong marinig ang gusto niyang sabihin. Ayokong malaman na she totally forgotten me, because it hurts. It so damn hurts!

“'Wag mo nga akong sundan!” Sigaw ko. This is the first time I shouted at her. Ito lang ang alam kong paraan para tumigil siya.

“Okay, okay. Hindi ko na sasabihin. Pero may cellphone ka ba?”

“Wala.” tipid kong sagot.

“Okay. Pero saan ka nakatira---”

“Bakit ba ang dami mong tanong? Tss, umalis kana.” I shove her away bago pumasok sa gate. I know I'm rude but again kung kailangang pagtulakan ko siya ay gagawin ko. Knowing that she already moved-on, it really pierce deeply on my heart.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang pinsan ko.

“Oh my goodness, Arianne! What happen to you? Saan ka ba nanggaling? Jusmiyo, pinag-alala mo kami!” sigaw ni Marvie mula sa loob. Don’t tell me she’s Marvie’s friend?

“Shems! Oh my gosh insan. Bakit ngayon ka lang?!” Tiningnan ko lang siya ng pagkabagot at tahimik na pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok ay nadatnan ko si kuya Louwiee na nasa labas ng pinto ng kuwarto ko. “What happened?”

“Nothing.” tipid kong sagot. Gusto ko ng pumasok sa kuwarto pero hinarangan ako nito. “I know something is wrong. Something isn’t right on you. Nagkakaganyan ka lang ng dahil sa kanya.”

Hindi ako nakasagot.

My brother patted me on my shoulder, “I understand you, it’s okay.” ngumiti siya bago binigyan ako ng yakap. I know you understand me. You’re always on my side, kuya. And thank you for that.

| ARIANNE's POV|

Napakunot ang noo ni Marvie. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa lalaking nasa loob na ngayon. Marvie and Angela doesn’t know that Jonard is my ex-boyfriend. It’s been a years since we broke up. So what’s the point to tell them before?

Nagkibit balikat ako dahil ayoko ng madagdagan pa ang stress ko ngayon. Knowing that he’s back? Wow, iniwan niya ako at walang sabing pumunta sa ibang bansa. Anong ine-expect ko sa pagbalik niya? Na lumuhod sa harap ko at sabihing sorry? You see what he said earlier? It’s probably none of my business kung bakit siya nandito. Oh 'di ba, tanga ako?

“Waaaaaaaaaaaaaaahh! Mga beshy!” Pagtitili ni Angela habang tumatakbo palabas.

“Ang gwapo at hot talaga ng pinsan mo, Marv. Hihi” naghuhugis heart na naman ang mga mata ni Angela.

Binatukan siya ni Marvie. “Sa pinsan ko updated ka, pero kay Arianne wala mo nang concern sermon? Paano nalang kaya kung makita mo pa ang kuya ng ugok na 'yon? Baka mabaliw ka, Angela.” Pang-r-real talk ni Marvie.

So may kuya pa pala siya? Sa tinagal tagal namin noon I thought I already know him. Wala siyang binanggit sa‘kin about his brother, not even his true name. Hahaha, I’m such a fool. Naniwala ako sa mga kasinungalingan niya noon.

“Ayts, hihihi. Sorry mga beshy, na-overwhelmed lang sa charm niya," nakangising saad nito saka nag peace-sign.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ni Marvie. Kinuwento ko narin sa kanila lahat ng nangyari kanina maliban sa fact na ex ko si Eon— oh Jonard rather. He’s such a liar. I wonder kung pati ba pagmamahal niya sa‘kin noon ay dala rin ng kasinungalingan niya.

“Oh my gosh! Talaga?” Gulat na tanong ni Marvie. Tumango lang ako bilang sagot.

“I wanna die, huhuhu. Ang swerte mo, beshy. May Prince charming kang nagligtas sa iyo, sana ako rin kahit ‘yong kuya nalang.” Madramang sambit ni Angela. Binatukan ko siya.

“Tss, ‘wag kang OA,” saad ko. Kung alam mo lang na ex-boyfriend ko ang jerk na iyon, mas lalo kang mawiwindang.

“Grabi ha! Kutang kuta na ko sa pambabatok niyo sa‘kin.” Reklamo nito.

“Ikaw naman kasi,” walang ganang sambit ni Marvie.

“Pero infairness masungit siya, dagdag points sa kagwapuhan niya. Yieeeee!” Kinikilig na naman ang gaga.

“Tama na ang chika girls, lets go for dinner.” paanyaya ni Marvie saka kumindat. Okay, feeling niya siguro charming siya sa pagkindat, hindi naman.

Lumabas kami ng kuwarto at bumaba na sa dining room. Bumungad sa amin ang iba't-ibang putahi ng pagkain. Shit, nagutom ako bigla.

“Nakakagutom agad, Marv.” Ani Angela habang nakahawak sa tiyan.

“Kakakain mo lang kanina ng meryenda nagutom kana agad? Tss, iba din pala storage ng tiyan mo, Gela.” may halong pang-aasar na saad ni Marvie.

“Eh sa gutom ako e, paki mo ba?”

Mula sa hagdan ay bumaba ang hindi pamilyar na lalaki. Wala siyang suot pang-itaas kaya kitang-kita ang six packs of abs niya.

Iniwas ko ang tingin at tumingin kay Angela. Putek! 'Yong mata ng loka halos lumabas na 'ata. Agad kong kinalabit ang braso ni Angela ng tumikhim si Marv.

“Hey Louwiee, magdamit ka nga!” utos ni Marv.

“Wala kang paki.” boses ng isang lalaki na kabababa lang rin sa hagdan.
It’s him.

“Oh suotin mo na ‘yan kuya, baka maglaway pa sila.” Hinagis nito ang damit na sinalo naman nito. Lihim akong napairap. Acting like nothing happens, huh. What a jerk!

Sinuot naman nung kuya n'ya iyong damit. So this is his brother. Gwapo pero mukhang mas halimaw ang ugali. Dinaig pa ‘ata kami kapag mayroon. Ganiyan ba iyan palagi? Poker face?

Umupo ang dalawa. Magkatabi kami ni Angela at katabi niya si Marv. Kaharap naman ni Angela si 'EX' at kung minamalas nga naman ako kaharap ko iyong Louwiee. Arghh! Bakit ang gwapo ng mga nilalang na'to? Masyado silang masakit sa mata na any moment ay mababaliw na ang katabi ko.

Lihim kong pinagmasdan si Angela. Sige lang girl, ngiti pa. Ewan ko lang sa‘yo kung makangiti ka pa ng ganiyan kung susungitan ka ng bongga.

Itinuoon ko nalang ang atensyon sa pagkain. We eat our food without breaking the akward moment. Masyadong tahimik na animo'y mayroong anghel na dumaan.

“Hey Lou, Where's tita Xian?” pagbabasag ni Marv sa katahimikan. Ang aking paningin ay nakatuon sa pagkain habang nakikinig sa kanilang usapan.

“Out of the country,” tipid na sagot ni Louwiee. Napairap ako ulit dahil magkuya nga sila ng hinayupak kong ex. Pa-cool lang pero mga gago naman.

Tumango tango naman si Marv. Si Angela nakatitig na ngayon kay Louwiee. Para siyang timang sa hitsura niya, promise.

“How 'bout you Jon? kumusta ang school?” Pansin ko na sa‘kin  nakatingin si Jonard. Itinuloy ko ulit ang pagkain.

“School parin, Marv.” Kamuntikan ko ng maibuga ang kinakain ko.

“Staring is a rude.” Narinig kong saad ni Louwiee. Napa-angat ako ng ulo. Eh? Si Angela ba sinasabihan niya?

“I'm full.” Tumayo si Louwiee at umakyat sa taas. Problema non?

“Psh. You look stupid,” aniya kay Angela. Maging ako rin ay parang ‘yon narin ang sasabihin ko. Paano ba naman kasi, nasungitan na nga lahat lahat e halos mag hugis puso parin ang mga mata. Si Marv naman ay iiling-iling nalang dahil sa ka-korney-han ni Angela.

Matapos ang hapunan ay nasa kwarto na ako ni Marv. Si Angela naman ay nangungulit kay Marv na yayain ang dalawang Fuentes na mag-movie marathon. Childish.

“Waaaaaahh! Marvieeeeee, mala-anghel yung mga pinsan mo!” Napatakip ako ng tainga dahil sa lakas ng tili ni Angela.

“Demonyong anghel ang sabihin mo,” saad ko saka nagsimulang magsuklay ng buhok.

“Pssh, ang cool nga nila eh. Sige na Marv, pleaseeeeeeeeeee." Pagpupumilit pa niya.

“Magpinsan nga talaga kayo, masusungit tapos nakiki—”

“Hey stop. Tama na nga pangungulit mo ito na yayayain na, pisti ka!” Walang nagawa si Marv dahil ganiyan talaga si Angela. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Narito kami ngayon sa sala. Akala ko nga ay joke lang ni Marv na pumayag. Pero letche plan! Totoo ngang magmo-movie marathon kami. At ang mas nakakagulat pa ay kasama namin ngayon ang dalawang magkapatid.

“Akala ko ba masungit ang mga ‘yan, ba't pumayag?" Bulong ko kay Marv. Yeah, ako na ang best-actress. Bakit siya lang ba marunong mag-inarte like nothings happened? Wow ha!

“Blackmail, ganern.” Natawa si Marv sa sariling sagot. Kaya pala.

“Okay guys, manunuod tayo ng movie. Any suggestion kung ano ang gusto niyong panuorin?” Tanong ni Marv.

“Ahmm, Maleficent II,” excited na suhestyon ni Angela. Hmmm, maganda nga 'yon. Ilang segundo pang naghintay si Marv na mag-suggest ang iba pero wala na. Ayos na din siguro sa kanila ‘yong sinuggest ni Angela.

Nakaupo na kami ngayon sa sofa. Dalawa ang sofa na naririto ngayon sa sala. Sa gitna nito ay isang maliit na table glass at sa harap naman ay ang malaking flatscreen TV. Nasa kabilang dulo ako samantalang katabi ko naman si Angela. Si Marv naman ang nasa kabilang gilid ni Angela. At 'yong magkapatid ay sa kabilang sofa umupo.

Intro palang ng movie ay maganda na. Isang oras pa din bago matapos ang palabas at ngayon ay nasa kalagitnaan na kami nito. Habang nanunuod ay panay ang mura ni Louwiee dahil lumipat sa tabi niya si Angela. Samantala, lumipat naman sa upuan namin si Jonard. Maybe he think Angela is a crazy girl. Nasa tabi ni Marv si Jonard kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Wait!

Hindi ako mapakali.

Kinakabahan ako.

“Wait, Cr muna ako. Ihing-ihi na ako,” paalam ni Marv dahilan para lalo akong kabahan.

Shit!

“You should not here.” Mahinang saad niya.  Apat na dangkal lang ang pagitan naming dalawa. My heart beat faster than I expected. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Nagsimula naring manginig ang tuhod ko at mas lalo akong kinakabahan.

“Why? B-bakit ka umuwi ng Pinas?” Tanong ko sa mahinang boses. Gusto kong malaman. I want to hear na kaya siya umuwi ay dahil sa‘kin. Kahit alam kong hindi naman ako ang rason ng pag-uwi niya, umaasa parin ako. Stupid self!

“You have already moved on, why bother to asked?”

Napapikit ako.

I know. Alam kong wala ka ng feelings para sa‘kin. Bakit parin ako umaasa? Umaasa parin ba ako o sadyang hindi ko lang makalimutan ang sakit ng nakaraan ko?

“So you’d better not bothering me or else you'll get—”

I kissed him.

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa. Ilang segundo pang nakalapat ang labi ko sa kanya. Napahiwalay ako bigla. Kita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko. Maging ako ay nagulat rin.

Marvie was standing in front, shocked. Angela is also shocked. While Louwiee? Masama ang titig na ipinupukol niya sa akin.

Shit! What I have done?

Unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko. Tumakbo ako palabas ng mansyon. Fuck this eyes! Fuck this heart!

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...