If you come back

By xxakanexx

2M 77K 22.1K

Paulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali a... More

If you come back
Prologo: Kakaiba
Uno
Dos
Quatro
Cinco
Sais
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Deiciocho
Diecinueve
Veinte
Veinteuno
Veintedos
Veintetres
Veintequatro
Veintecinco
Veinteseis
Veintesiete
Veinteocho
Veintenueve
Epilogue

Tres

57.9K 2.2K 643
By xxakanexx

Nagpapatalo 

Sophia's

But... I didn't take a chance on Mcbeth. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa akin pero umalis siya nang gabing iyon at buong sem ay hindi na niya ako kinausap. Iniiwasan niya ako, umiiwas rin naman ako. Hindi ako komportable sa kanya, sa katunayan, nagpalipat pa ako ng upuan para hindi kami magkalapit. Mukhang wala naman siyang pakialam.

Natapos ang second sem nang tahimik na tahimik ang mundo namin ni Mcbeth. Nakakahalata na rin ang mga kaibigan namin pero hindi na sila nagtatanong. Kapag kasama nila si Mcbeth ay inaaya pa rin nila ako pero hindi na nila pinu-push na sumama ako. Kapag ako naman ang kasama nila ay hindi rin lumalapit si Mcbeth. Mukhang galit siya sa akin.

Hindi naman niya ako masisisi. Ayokong masaktan, ayokong maging tulad ni Daddy. Kitang – kita ko iyong sakit na naramdaman ni Daddy at ni Kuya Peter noon. Ayokong maloko, ayokong magmahal ng tulad ni Mcbeth dahil alam kong masasaktan ako. Inaalagaan ko lang ang sarili ko at kahit na mahal ko siya, pinipigilan ko ang sarili ko.

I know myself, malalim akong magmahal at hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon kung sakaling ibibigay ko kay Mcbeth. Napabintong – hininga ako.

"Hi, Pia!" I rolled my eyes when I heard Diego. Pirmahan ng clearance at balak kong umuwi agad at ayokong makipag – usap sa kanya o kahit kanino dahil nagmamadali ako. Aayain ko si Daddy na manood ng laro mamaya ng Ginebra.

"Kuya Diego ha. Ayokong mag-isip. Layuan mo muna ako." Sabi ko pa. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Alam kong palagi kang nagugulat nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang mag-sorry. Pinagseselos ko lang kasi si Atlanta." Sabi niya pa. Si Atlanta iyong babaeng nasa banda nila – maliban doon kay Callista Consunji.

"Bakit kayo ganyan?" Mahinang wika ko. "Kung may gusto kayo, sabihin ninyo kasi sa tao, hindi iyong gaganyan kayo na naghahanap pa kayo ng ibang babae." Napapailing ako.

"Hoy ha! Wala akong ibang babae!" Sigaw niya pa sa akin. "Mula nang magkagusto ako kay Atlanta hindi na ako lumingon sa ibang babae, sa'yo lang." Sabi niya pa. "Technically hindi ka naman ibang babae. You're one of us."


"I'm not one of you."

"You are. Girlfriend ka ni Mcbeth diba?" Nanlaki na naman ang mga mata ko. Una si May Laurence ang nagsabi sa akin, ngayon naman si Kuya Diego.

"Hind niya ako girlfriend!"


"Sus! H'wag ka nang tumanggi. Tuwing uuwi kami ng Bulacan kapag bakasyon, palagi ka niyang kinukwento sa amin. Mula raw grade six mag-jowa na kayo." Sabi niya pa sa akin. Napanganga ako. Ano ba naman itong si Mcbeth! "Kaya nga itong ginagawa ko parang suicide. Kapag na-corner ako noon lagot! Baka sapakin ako bigla. Hinahanap nga raw ako noong isang araw sa bahay, sabi ni Mama buti hindi kami nagkaabot."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sinasabi ba talaga ni Mcbeth sa lahat ang bagay na iyon.

"Naku, Kuya Diego, diyan ka na, Marami pa akong gagawin!"

"Teka! Sasama ako!" Sigaw niya. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko naman alam kung bakit niya kailangan sumama pa sa akin. Wala naman kaming pag – uusaoang dalawa. Gusto ko nang umuwi dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Mcbeth. Ayoko nga siyang makita! Baka bigla akong tumalon sa pain niya, ayokong masaktan. "Hoy! Hoy!, Pia!"

Nasa hallway na kami pero sinusundan niya pa rin ako. Kuya Diego grabbed my arm pero pagharap ko sa kanya ay bumiling bigla ang mukha niya. May sumuntok kay Kuya Diego. Napasigaw ako. Napatingin naman sa amin ang mga tao sa hallway.


"Gago ka!" Boses iyon ni Mcbeth. "Noong isang araw pa kita hinahanap kang gago ka!"

"Gago ka rin! Magpinsan tayo no!" Sumuntok na rin si Diego. Hindi ako mapakali.


"Tulong! Tulong! Saklolo!" Sigaw ko. Pinipilit kong gumitna pero may humatak sa akin palayo sa kanila.

"Girl, h'wag kang gumitna! Baka masapak ka!" Paglingon ko ay nakita ko si Lydia. Hawak niya ang braso ko. "Dito ka lang!"

"Pero nagsasapakan sila!" Napasigaw ako nang bumulagta si Diego pero agad siyang tumayo para sapakin si Mcbeth. Ang gulo – gulo. Nagsisigawan pa ang mga tao. Mayamaya ay may mga brasong pumalupot, hindi lang kay Mcbeth kundi pati kay Diego. It was his bandmates, iyong kay Mcbeth ay si Yves at Kuya Paolo.


"Mga gago! Ano bang problema ninyo!" Sigaw ni Kuya Paolo. Si Yves ang may hawak kay Mcbeth na titig na titig pa rin kay Diego. "Ano?"

"Siya ang unang nanapak!"


"Inaagaw niya si Pia sa akin!"

Nag-ohhhhh ang mga miron sa gilid. Si Mcbeth ay parang nagsusumbong sa mga kapatid niya, napatingin sa akin si Kuya Paolo na ngingiti – ngiti.

"Oh talaga?" Sabi pa ni Yves na parang nang-iiinis. "Hindi mo naman jowa si Pia. Kung umasta ka diyan—"

"Jowa ko nga! Mula Grade 6! Jowa ko! Kaya nga nagpapatalo ako sa acads eh! Kasi masaya siya kapag siya ang number 1! Kaya nagpapakabobo ako sa Philo at Natsci pati sa Lit kasi natutuwa akong binibigyan niya ako ng panahon para i-tutor! Jowa ko nga! Jowa ko pero hindi niya alam kasi noong nalaman niya, lumayo siya sa akin." Pahina nang pahina ang boses ni Mcbeth. Yumuko siya. Tinapik – tapik siya ni Yves.

"Geh na, Aeneas." Wika ni Kuya Paolo. "Iuwi ninyo na iyang si Gago – este si Diego."

"Ulol!" Sigaw ni Diego. "Isang araw, Paolo, ididikit rin sa pangalan mo iyang salitang Gago. Taga mo iyan sa bato!" Umalis ang grupo nila Diego. Nakamasid lang ako sa kanila. Hindi ko maintindihan si Mcbeth, kung ano – anong pinagsasabi niya.

"Sige na, walang shooting dito." Sabi ni Yves. "Uwi na kayo. Sige na, go!" Nakaakbay pa rin siya kay Mcbeth. Mataman ko siyang tinitingnan tapos ay nagbuntong – hininga ako.

"Uuwi na ako ha." Wika ko pa.

"Sumama ka na sa amin, Pia. Iisang village lang naman tayo, saka may dala akong sasakyan." Paanyaya ni Kuya Paolo. "Susunduin ko kasi si Mary sa Aces and Queens. Tapos na ang training niya. Tara na."

"Naku, hindi na." Sabi ko pa. "Mag-jeep na lang ako." Pero wala akong nagawa dahil kinuha ni Yves ang braso ako. Para kaming mga bata na hawak ni Yves sa magkabilang braso habang naglalakad sa hallway habang pinagtitinginan ng lahat. Tahimik akong sumakay sa van na dal ani Kuya Paolo. Sa likod ako pumwesto. Iyong magkapatid sa harap, siyempre si Kuya Paolo ang driver.

I clasped my hands together. Sa isipan ko, nagpeplay iyong mga sinabi ni Mcbeth kanina.

"Kaya nagpapatalo ako sa acads eh! Kasi masaya siya kapag siya ang top! Kaya nagpapakabobo ako sa Phili at Natsci pati sa Lit kasi natutuwa akong nabibigyan niya ako ng panahon para i-tutor!"

Bakit hindi ko naisip iyon? Kung tutuusin mas matalino si Mcbeth sa akin pero naisip ko talagang medyo naging bobo siya sa barkda – pero hindi ako dapat basta maniwala sa kanya. I know their kind, gagawin nila lahat para mahulog sa bitag.

Natigil ako sa pag – iisip nang huminto ang kotse ni Kuya Paolo. Bumukas iyong pinto sa harap at pumasok ang girlfriend niya. I looked at them. Grabe ang ganda ni Mariake Rojas!

"Hi, Baby." Wika ni Kuya Paolo sabay halik sa pisngi ni Mariake. "How's your day."

"Tiring. They made me walk in heels all day, Babe. Masakit."

"Sige mamaya, massage kita. Oh, we have company."

"Hi, Ate Mary." Wika ng dalawa.

"Oh my god, Mcbeth! What happened to your face?!

Hindi sumagot si Mcbeth. Wala namang nagsabi kay Mariake Rojas ng naganap. Basta ako hindi pa rin ako mapakali. Tahimik na tahimik lang ako sa likod. Panaka-naka ay nakikita kong sinisilip ako ni Mcbeth mula sa kinauupuan niya. Sinisimangutan ko siya. Hindi dahil sag alit ako pero dahil sa hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa kanya.

Nauna akong ihatid ni Kuya Paolo sa bahay. Dali – dali akong bumaba at tumakbo papasok ng bahay. Hindi na nga ako nakapag-hi kay Tita o kay Daddy, ayoko na ring manood mamaya sa Araneta. Gusto ko na lang mahiga at mag-isip. Nababaliw ako. Binabaliw ako ni Mcbeth...

Grabe! Grabe!

xxxx

"Pia, pangit ba ako?"

Ilang beses akong nag-blink matapos kong marinig ang tanong ni Mcbeth sa akin. Napagdesisyunan kong makipag – usap na sa kanya. Pinuntahan niya ako sa bahay nang hapong iyon, dalawang araw matapos ang insidente ng bugbugan nil ani Diego. Tinagpo ko siya sa park sa tapat ng bahay namin. Naupo kami sa ilalim ng puno ng acacia – the same tree where I saw him kissing Kirsten back in the days. Matagal na panahon na iyon pero naalala ko pa rin kasi iyon din ang unang araw na naintindihan ko na gusto ko siya pero kasabay noon, nilukob ang puso at isipan ko ng takot – takot na hindi ko alam kung para kanino o kung para saan.

But as the years passed by, as I grow up, naiintindihan ko kung para saan ang takot na iyon. Natatakot akong maging tulad ni Daddy, natatakot akong masaktan tulad ng kay Daddy, Mom cheated on my Dad with his brother. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hindi lang kasi iisang pamilya ang sinira ni Mommy kundi pati na rin ang pamilya ng Tito ko.

Naisip kong tulad ni Mommy, si Mcbeth ay hindi makukuntento sa iba. Napakaraming babaeng umaaligid sa kanya. Maraming nagkakagusto at nakakakilala sa kanya. Madali siyang ma-distract.

"Hindi naman." Mahinang wika ko.

"Hindi rin ba mabaho ang hininga ko?"

"Hindi naman, Mcbeth. Teka para saan bai yang mga tanong mo?" Naguguluhan na ako. He sighed. "Kasi hindi ko maintinidhan kung bakit ayaw mo sa akin. Mahal kita, Pia. Totoo iyon. Ang tagal kong nagtitimpi at nagtitiis kas inga mas pinipili ko iyong pagkakaibigan nating dalawa."


"Kaya ba pinagkakalat mo sa lahat na grade six palang tayo, jowa na kita?" Gulong – gulo ang isipan ko. Ang alam ko kasi si Kirsten ang jowa niya noon.

"Oo. Para walang aaligid sa'yo."


"Sira ka ba? As if hindi naman nakikita sa school na ang dami mong babae." Naglapat ang labi ko. Mukhang nagtigilan siya.

"Kaya baa yaw mo sa akin dahil sa mga iyon? Sa mga babaeng nilalapitan ko?"

"Kasi Mcbeth, sinabi ko naman na sa'yo noon. Kung gusto moa ko, sa akin ka didiretso. Ang daming biglang liko. Kung gusto mo pala ako sana sinabi mo noon. Baka sakaling mas madaling paniwalaan ito kaysa itong ganito tayo ngayon."

"Nililibang ko lang naman ang sarili ko sa kanila, Pia, pero ikaw ang gusto ko."

"Libang? Bakit? Ayaw mo bang mag-focus sa akin? Ako ang gusto mo diba? Sa akin ka mag-focus. H'wag kang tumingin sa iba. Tapos ang usapan."

Hindi siya nagsasalita. Nakikinig lang talaga siya. Pakiramdam ko pa nga natatakot si Mcbeth sa akin. Mukhang kabadong – kabado siya ngayon. I sighed. Tinapik ko ang balikat niya.

"H'wag mong masamain ang mga sinasabi ko sa'yo. Totoo naman iyon but it doesn't mean that I hate you."

"Wala ka bang gusto sa akin, Pia?" Hindi ko inasahan ang susunod niyang sinabi. Huminga na naman ako nang malalim. What's the use of hiding? Gusto ko naman talaga si Mcbeth noon pa. Kung itatago, magmumukha lang akong sinungaling.

"Gusto nga kita. Iyon nga ang problema. Gusto kita, Mcbeth, kaya lang ayokong maging tayo dahil alam kong babaero ka. Alam mo ang kuwento ng pamilya ko at ayokong maloko ng kahit sino. Kung papasukin kita sa buhay ko, malaki ang posibilidad na masaktan ako kasi parang hindi ka kuntento sa isa. Takot ako, Mcbeth, kaya sa tagal ng panahong magkasama tayong dalawa, nakuntento ako sa pagiging magkaibigan natin. Basta nakikita kita, nakakausap at nakakasama kahit paano ay masaya ako. Alam ko kasi, isang araw, maalis rin itong feelings ko sa'yo."

Napansin kong nagpahid siya ng mata. Umiiyak ba siya? Nag-iwas pa siya ng tingin tapos medyo suminghot pa. Umiiyak nga yata. Nang tumingin siya sa akin ay medyo na namumula pa ang mata niya pero nakangiti.

"Ganito pala iyong pakiramdam ng nare-reject." Sabi niya pa. "Kaya siguro maraming nagagalit sa akin sa school."

"H'wag kang umiyak. Para ka namang tanga." Hinawakan ko siya sa balikat. Sa pagkakataong iyon ay huminga siya nang malalim.

"Paano, Pia kung maipakita ko sa'yo na mahal kita at kaya kong hindi tumingin sa ibang babae? Paano Pia, kung ligawan kita at kung sa'yo lang ako mag-focus, bibigyan mo ba ako ng pag -asa?"

Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Sabagay, hindi pala ako dapat nagtatanong sa'yo kung may pag-asa ako. Basta gagawin ko na lang. Ipapakita ko sa'yo na kaya ko at mahuhulog ang loob mo sa akin. Mawawala ang takot mo, Pia. Kasi patutunayan ko sa'yo na hindi kita lolokohin at sasaktan. Deal?"

"Paano kung umabot ng limang taon ang panliligaw mo?"

"Okay lang. Lahat basta ikaw ang finish line."

Hindi ko alam kung bakit pero nang araw na iyon, nagsimula akong maniwala kay Mcbeth. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 96.1K 21
Orion Consunji hated Red's former secretary, Victoria. She is too stiff, too organized and she always always rude to him. He made sure that he will s...
Once Mine By Cher

General Fiction

4.5M 144K 34
What will you do if you feel alone, afraid and vulnerable? Hyan Ysobelle Consunji - Demitri feels this way ever since the other half of her died. Sh...
3.3K 164 16
Iris will do what she can just to get her father's approval that she always longs for. Pero kung kailan naman mapapansin na sana siya ng ama ay may a...
318K 3.4K 12
Torn between Agrain Egracia and Halley Prieto, Khalila Ducani chose to cage her heart and not entertain any suitors. With her possessive brothers alw...