Power of Seven

By IamAftoktonia

1.5K 87 53

Kilalanin si Ayeng Dela Cruz, isang anak mahirap at mag aalaga ng pitong lalaki na anak ng mga maimpluwensiya... More

Power of Seven
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13

Kabanata 12

22 0 0
By IamAftoktonia

EPISODE 12: Ang Pinaka Kasiyahan ni Jazerou Isler



NAPAHAWAK ako sa aking noo na pinitik niya, "Masakit 'yon ah," angal ko, bahagyang naramdaman ko nga na kumirot pa.



Hinila niya ang maleta ko kaya napatakbo ako palapit sa kanya, "Sa'n mo ba dadalhin itong maleta ko?" nakakunot-noo siyang humarap sa akin.



"Ihahatid na kita sa kwarto mo sa taas, tinutulungan na nga kita, panget. May reklamo ka parin?" kita ko sa mukha niya ang pagkairita.



Hinayaan ko na lang siya na dalhin ang maleta ko paakyat sa taas, baka mamaya pati tungkol doon pagtalunan pa namin, sinundan ko na lang siya paakyat na tikom ang bibig. Pagkarating namin sa taas ay bumungad sa akin ang isang diretsong pasilyo, magkakaharap ang bawat kwarto na nakita ko, apat sa kaliwa at apat din sa kanan. Sa kabuuan ay may walong kawarto sa taas, base na rin sa bilang ng pintong nakikita ko.




"Sa pinakadulo ang kwarto mo, sa may kanan," hinagis niya ang maleta ko kaya natumba ito sa sahig, napasimangot akong tinignan siya.



"Salamat ah, napakagentleman mo naman pala," sarkastiko kong saad habang papunta sa maleta kong tinalapon na lang niya basta sa lapag.




Tinalikuran niya ko at nakapamulsang bumaba, parang hindi man nga lang niya pinansin ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko tuloy malaman kung may pake ba siya sa akin o wala? Daig pa ng lalaking 'yon ang mga babae kung maging moody, okay naman siya ng umakyat kami, sabay biglang bato ng maleta ko pagkarating namin sa taas. Bugnutin ng sanggano na 'yon.




Nang tuluyan na siyang makababa ay sabik naman akong naglakad papunta sa tinutukoy niyang kwarto ko, kung saan niya sinasabing pwede akong matulog at maging permanente ko ng silid dito sa loob ng mansyon.



Napabuntong hininga ako ng malalim pagdating ko sa tapat ng pinto na magiging kwarto ko, pinihit ko ang siradura na may halong kaba sa aking dibdib at pagbukas niyon ay bumungad sa akin ang napakalaking espasyo.



"Wow!" namamangha kong sabi. "Grabe naman ang laki ng kwartong 'to, parang kasing laki na ito ng bahay namin sa compound." Isinandal ko sa kung saan ang maleta ko at nagsimula ng maglakbay ang mga paa ko sa loob.



Napalibot ako ng tingin sa bawat sulok ng silid pero wala akong nakitang bintana, nagmukha tuloy kulungan itong kwarto, may malaking kama sa gitna na kulay dilaw; ang pinaka ayoko pang kulay. May maliit na cabinet sa tabi ng uluhan ng kama, may nakapatong doon na lampshade, sa bandang kanan naman ay may malaking aparador.



Lumapit ako sa malaking aparador para buksan ang mga pinto para masilip ko kung ano laman ng loob. Hanggang sa laking gulat ko ng mayroong akong naramdaman na may tumatapik sa balikat ko at paglinga ko ay halos muntikan na akong matumba dahil sa kawalan ng balanse.



Halos mahimatay ako sa sobrang takot ng makita siya, napahawak pa ako sa aking dibdib na parang mabubutas na dahil sa sobrang tibok ng puso ko. Bakit kasi bigl-bigla na lang nasulpot ang lalaking ito?



"Ginulat mo ko, Juno," saad ko.



Wala parin naman nagbago sa kanya, nakasuot pa rin siya ng hoodie jacket at natatakpan pa rin ng bangs ang mga mata niya, mataas din naka-zipper ang hoodie niya kaya pati bibig niya ay 'di mo makikita, tanging ilong lang niya ang kita mo.

 

Nakatayo lang siya, hindi ko nga alam kung tinititigan ba niya ko.




"May problema ba?" pagtataka kong tanong, nilapitan niya ako.




Umakma akong umatras pero nagpatuloy lang ito sa paglapit sa akin, kaya hinayaan ko na lang siyang lumapit sa akin. Napabilog na lang ako ng aking mga mata ng halos magdikit na ang mukha namin, napansin ko tuloy na bahagyang matangkad siya sa akin.




"May sasabihin ka ba?" Nagulat na lang ako ng bigla itong umupo sa sahig.


Maya maya ay bigla na lang itong gumapang at pumunta sa ilalim ng kama. Yumukod ako para silipin siya sa ilalim ng kama at doon ay nakita ko siyang nakabaluktot habang nakayakap sa kaniyang mga tuhod, ganito talaga siya palagi, parang nilalamig at natatakot.



"Bakit ba palagi mong tinatago ang sarili mo?" wala itong naging tugon sa tanong ko, napabuga na lang ako ng hangin. Katulad nga ng inaasahan ko ay 'di ako nito kikibuin.



Umupo ako sa lapag sumandal sa paanan ng kama, naisip kong damayan ang lalaking ito kahit wala namang rason. Ang totoo, sa kanilang pito ay siya talaga ang may kakaibang personalidad, palaging gustong mag-isa, 'di palasalita at parang palaging may tinataguan. Inaamin ko, minsan, nawiwirduhan ako sa kanya pero malakas ang kutob ko na mabuti siyang tao.




"Natatakot ka ba?" pagbabaka sakali ko muling tanong at baka may makuha na akong sagot pero parang nakikipag-usap lang talaga ako sa hangin.


Ayaw ko naman siyang pilitin na sagutin ang mga tanong ko kung 'di niya gusto, karapatan naman niya 'yon.


Pinakiramdam ko siya at hindi muna ako nagsalita, pahiga kong sinandal ang aking likod sa kama at inihiga ang ulo, wala parin siyang kibo. Sinarado ko ang aking mga mata at huminga nang malalim, tutal ayaw naman niya magsalita.




"Juno, bakit ka pumasok sa kwarto na 'to?" wala parin tugon sa tanong ko, hindi naman siya pipi dahil narinig ko na siyang magsalita, baka mahiyain lang siguro ng sobra.



Mahirap talaga kausapin ang isang 'to, napakamisteryo kasi ng personality, hindi pa nakibo at ayaw pang magpakita ng mukha.



"Salamat nga pala sa ginawa mong pagpigil na halikan ko si Darrex, hindi ko rin talaga gusto ang consequents na 'yon, ayaw ko lang ng gulo kaya napapayag ako," Naalala ko 'yong ginawa niya nang araw na 'yon, hindi ko talaga inaasahan 'yon mula sa kaniya, ni hindi nga sumagi sa isip ko na gagawin niya 'yon.


Tutal ayaw naman niya kong kausapin ay mas mabuting umidlip na lang muna ako, nakaramdam kasi ako ng biglang antok nang ipikit ko 'yung mga mata ko. Siguro, napagod lang din 'yong katawan ko, pagkatapos ko ba naman na maglinis ay nagluto naman ako, maaga pa ako nagising kaya siguro inaantok ako ngayon. Mainam din naman na ipahinga ko ang sarili ko.



Napadilat ako ng aking mga mata ng marinig ang malakas na katok mula sa pinto, sinilip ko ang ilalim ng kama kung nandoon pa si Juno pero bigo akong makita siya roon. Napabalikwas na ako ng muling marinig ang malalakas na katok at sapilitan nitong pagpihit ng siradura.


Nananaginip lang ba ko? Kung nasa loob man ako ng panaginip ay dapat magising na ako, kurutin ko kaya ang sarili ko? Ba't ba kasi bigla akong iniwan ni Juno at 'di man lang ginising? Ang lalaking 'yon, biglang susulpot at bigla rin mawawala



"S-saglit lang," naiirita ko pang saad, nautal pa ako dahil sa sobrang taranta dahil para na nitong sisirain ang pinto ng aking kwarto.


Paglapit ko sa pinto ay biglang tumigil ang malakas na katok at sapilitang pihit sa siradura, napabuntong hininga ako at napabuga ng hangin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Darrex na nakasandal ang mga braso sa labi ng pintuan at nakapamulsa.

 

"Anong kailangan mo? Bakit ka nasa tapat ngayon ng pinto ng kwar—" naudlot ang sasabihin ko nang marahas niyang hinila ang manipis kong kaliwang kamay.

 

Pumalag-palag ako sa madiin niyang pagkakahawak sa pulso ko dahil nasasaktan ako, nabigo naman akong makawala sa pagkakakapit niya. Nang makarating kami sa paanan ng kama ay malakas niya akong tinulak pahiga, nakita ko ang mga mata niyang nag-aaalab at umaapoy.

 

Babalakin ba niya kong pagsamantalahan? Ang sanggano na 'to kaya pala binigay ang kwarto na to, gagawin pa akong parausan. Hindi. Hindi, hindi ako makakapayag!



Nagmamadali siyang naghubad ng suot niyang sando at doon ay tumambad sa harap ko ang malapad niyang dibdib, binalak kong bumangon pero iniharang lang nito ang dalawa niyang kamay para 'di ako makatakas. Susubukan ko sanang sumigaw pero tinakpan lang niya ang bibig ko, wala na akong nagawa kundi maestatwa at manalangin ng himala sa Diyos.



"Sabi ko naman sa 'yo, panget, gagawin kitang asawa ko at magkakaroon tayo ng maraming anak," humalakhak ito pagkatapos niyang sabihin ang nakakakilabot na litanyang iyon.



Napabalikwas ako ng bangon mula sa mahimbing na pagkakatulog, pagdilat ko ng aking mga mata ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na may balot ng kumot at komportable ng nakahiga sa kama.



Tsinek ko kung may nagbago ba sa mga suot ko o kung may suot pa ba ko, nakahinga ako ng maluwag na walang bakas na kahit anong pagbabago sa akin. Masamang panaginip lang talaga ang lahat, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng mapagtanto ko 'yon.



Bakit kasi sa dinami-daming puwedeng maging panaginip, si Darrex pa ang magiging laman niyon? 'Yung manyak na 'yon, maging sa panaginip ko ginugulo ako!



Sinilip ko ang ilalim ng kama ko kung nandoon pa si Juno pero wala na siya roon. Nakakapagtaka lang dahil sa lapag lang ako natulog kanina at paggising ko ay nakahiga na ako sa kama at may balot pa ng kumot.



Posible kaya na binuhat pa ako ni Juno habang natutulog ng hindi ko man lang namamalayan? At, maingat pa niya kong inilapag sa kama at kinumutan. Bakit ba kasi tulog mantika ako minsan? Ito tuloy ang napapala ko, kung matulog kasi akala mo wala ng bukas, nakakainis!



Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Juno na nakabaluktot sa sahig habang nakasandal ang likod sa sofa, nilibot ko ang aking paningin at wala akong ibang nakitang tao maliban sa kanya. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko ng makitang ala una na ng hapon, nagugutom na siguro sila dahil hindi pa ako nakakapagluto.



Patakbo akong pumunta sa kusina at kumuha sa pridyider ng isang malaking buong manok, napag-isipan ko na ipagluto sila ng spicy fried chicken korean style. Namiss ko na rin kasi magluto niyon, napanood ko lang sa youtube 'yun ng mga nakaraang buwan at naalala ko lang ngayon.


Pagkatapos kong magluto ay pumunta na ako sa dining hall para ihanda ang mga pagkain nila ng makita silang nakaupo na roon at naghihintay sa iluluto ko, napansin ko rin si Juno na naroon narin sa silid.




"Saan ka ba galing, panget?" tanong ni Darrex, nilagay ko na sa plato niya ang dalawang pirasong manok na prito.



Kung alam lang sana niya kung ano ang ginawa niya sa panaginip ko, tapos ngayon iritable pa siya, hindi tuloy ako makatingin sa mga mata niya, naaalala ko lang kasi 'yung masamang panaginip na 'yon.


"Nakaidlip ako sa kwarto... kanina" saad ko at umupo na.



"Magkasama kayo ni Juno?" nasamid ako sa biglang tanong ni Ethan, mabuti na lang at may isang baso ng tubig na malapit sa akin. "Nakita ko siya kanina na lumabas sa kwartong pinaalam sa amin ni Darrex kagabi," saad niya.

 

Tumikhim muna ako bago nagsalita, nailang tuloy ako bigla dahil sa mga tingin nila mukhang hinihintay pa nila ang isasagot ko.


"Oo, pero iniwan lang niya ko pagkatapos kong makatulog," turan ko. Nakahinga ako nang maluwag na parang nasabi ko ang mga 'yon nang hindi nauutal o nagdadalawang isip.

 

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan at dumiresto na sa living room, katulad ng dati ay wala naman nagbago sa mga ginagawa nila, may kanya-kanya parin silang pinagkakaabalahan.

 
Parang naging mabilis ang takbo ng oras sa loob ng mansyon at sumapit na ang gabi, maagang umakyat ang lahat para matulog maliban sa akin na parang dinalaw ng lungkot. Naisip kong pumunta sa labas at humiga sa isang bench doon, pinanood ko ang mga bituin sa langit at ang buwan na kasalukuyang bilog na bilog.


Bigla kong naisip si itay at Cardo, kumusta na kaya sila? Si inay kaya kumusta na siya sa probinsiya? Maraming thoughts ang pumapasok sa isipan ko, namimiss ko na kasing lumabas, para kasi kaming nakakulong sa loob, kami-kami lang ang nagkikita araw-araw. Minsan nga parang ang hirap kumilos kasi ako lang ang nag-iisang babae.

 

Paglingon ko sa sala ay may naulinagan akong tao, hindi ko alam kung sino sa pito dahil ulo lang niya ang nakikita ko, bahagyang madilim pa sa loob dahil kusang namamatay ang ibang ilaw kapag wala itong na-dedetect na tao. Pakiramdam ko nga antagal kong tumambay sa labas ng mansyon at hindi ko man lang napansin na bumaba ang taong 'yon.


Sino kaya ang nasa sala ng ganitong oras at ano naman kaya ang ginagawa niya?


 
Nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng sofa at nakatalikod, nagsimula na akong maglakad, mabagal at marahan. Pagpatulak ko sa pinto at pagpasok sa loob ng mansyon ay parang hindi nito naramdaman ang presensiya ko, abala lang ito sa ginagawa niya.

 

Unti-unting nagbukas ang ilaw sa ibang parte ng sala ng bahagya akong makalapit sa sofa, nakita ko si Jazerou na nakatingala at nakapikit, umuungol-ungol pa siya ng mahina, gumagalaw ang balikat at kanang kamay niya, taas baba iyon.



Napansin ko na wala siyang suot na damit pang itaas, hindi parin nito napapansin ang paglapit ko sa kanya sa kabila ng pagbukas ng kabuuan ng ilaw sa sala, patuloy lang ito sa pinagkakaabalahan niya.



Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay halos umakyat ang dugo ko sa aking ulo, hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Gusto ko na lang mahimatay at mabagok ang ulo ko para makalimutan kung ano ang nakita ko. Narinig ko ang malakas niyang pag-ungol ng maisakatuparan nito ang pinagkakaabalahan niya. Napatili na lang ako ng malakas at napapikit ng aking mga mata.




Sa tanang buhay ko... ito ang unang beses na makita ko kung paano sumabog ang Bulkang Mayon.





To be continued...



Author's Note: First time ko makatapos ng chapter 12, 'di ako makapaniwala sa achievement ko, pwede na ako itapon sa Ispratlis Island. Sana gumaling na singaw ko para wala ng istorbi sa bibig ko.



Connect me on my social media accounts:

FB: Aftoktonia Writes
IG: IamAftoktonia


#PowerofSeven

Gamitin lamang ang hashtag na ito para sa nagamit ng Twitter or X

Mag-iwan lamang ng komento at boto, ipagpatuloy niyo lang ang pagbabasa para happy lang hahahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

178K 8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
68.9K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023