Cruel Summer

De thislady_sipstea07

1.1K 75 169

Terry Strut and Vassili Harrington are teenagers who used to love summer season but due to traumatizing event... Mai multe

Author's Note
Prologue
☀️ First Shot ☀️
☀️ Second Shot ☀️
☀️ Third Shot ☀️
☀️ Fourth Shot ☀️
☀️ Fifth Shot ☀️
☀️ Sixth Shot ☀️
☀️ Seventh Shot ☀️
☀️ Eight Shot ☀️
☀️ Nineth Shot ☀️
☀️ Tenth Shot ☀️
☀️ Twelveth Shot ☀️
☀️ Thirteenth Shot ☀️
☀️ Fourteenth Shot ☀️
☀️ Fifteenth Shot ☀️
☀️ Sixteenth Shot ☀️
☀️ Seventeenth Shot ☀️
☀️ Eighteenth Shot ☀️

☀️ Eleventh Shot ☀️

11 3 5
De thislady_sipstea07

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Lahat kami nakatutok sa wall clock at hinihintay na tumunog ang bell. Last day ng examination namin kaya nakakahinga na kami. Wait na lang namin ang evaluation at mapapanatag na ang loob naming lahat.

"Next week will be your sports fest, buong week 'yon and I'm expecting that everyone will be present. Kahit half day lang. Makumpleto man lang natin ang attendance everyday and I will let you do whatever you girls want. Oh, before I forgot, casual lang ang attire. Wala sanang magsusuot ng revealing na mga damit. Magagalit ang Directress natin baka mamaya isipin niya na sumasapaw kayo sa beauty niya."sabi ng adviser namin bagi kami hinayaang lumabas ng room.

"Kakaiba rin talaga humor niya e 'no."bulong ni Jella sa amin. Sasabay siya ngayon sa pag-uwi dahil sila Cath ay may kailangang  gawin sa church nila at ayaw naman sumama nitong si Jella dahil last time na sinamahan niya si Cath, nabored lang daw siya.

"Pasyal tayo."yaya ni Cindy.

"Hala nandito nanaman si gastos oh. Paki-uwi na nga ito."reklamo kaagad ni  Guia.

"Bisitahin kaya natin si Yana? Simula noong nangyari 'yon sa kaniya hindi na siya nalipat sa batch natin. I mean sa sched natin."sabi naman ni Rona.

"Hindi na rin siya nagbubukas ng messages natin sa groupchat. Unlike before na ang daldal no'n. Bardagulan pa kayong dalawa madalas."sabi ni Hazel at tinuro si Guia na nakasimangot lang.

"Kahit saglit lang, ayaw mo ba?"tanong ko. Kaya napalingon siya at kunwaring nag-isip.

"Kailangan talaga nandito si Terry para pumayag e. Tara na!"sabi ni Cindy at inakbayan siya, nagtip toe pa siya para maabot abg height ni Guia.

"Eh, ano ba naman 'yan. Sige na! Sige na nga basta saglit lang. Uwi rin kaagad."sagot ni Guia.

"Thank you na ba ako?"tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Pabiro niya naman akong hinampas at niyakap din kaagad. "Parang kasalanan ko pa na nagdecide ka ah."

"Hindi naman. Kung nasaan ka siyempre, present ako. Follow the leader nga 'di ba. Pakiss nga."sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

Sa likod ng Cornelia High kami dumaan dahil mas malapit ito sa highway at tuwing Friday lang nila binubuksan ito. Siguro kasi weekend na at masipag na magbantay ang guard ng school kaya hinahayaan nilang nakabukas ito.

"Kilala mo si Sabrina Medieval sa Stem na strand? Siya ata ang representative para sa runway next week."sabi ni Kristel habang nag-iscroll sa phone.

"Sa atin, sino?"tanong naman ni Hazel.

"Si Guia na lang kaya."sabi ni Cindy.

"Anong ako? Ayaw ko. Nakakapagod 'yan e. Buong araw nakatayo, nakaheels pa. Wala kang ibang gagawin kung 'di ngumiti lang at kumaway. Nakakapagod."sagor niya kaagad.

"Ito talaga kahit kailan may sagot kaagad e. Hindi mo naman sigurado na gano'm gagawin."sabi ko. "Bakit?"tanong ko nang mapatakip siya bibig niya at niyugyog si Hazel na katabi niya ngayon.

"Bakit kaya hindi na lang ikaw? Kaya mo naman 'yon."sabi niya.

"Ayaw ko. Hindi ako sanay sa ganiyan. Hindi ako nagsusuot ng heels."sagot ko at umiwas ng tingin.

"Anong tawag mo sa picture na ito? Heels ito 'di ba? Nakagown ka pa. You have experience."sabi ni Cindy habang pinapakita ang picture ko noong graduation ball namin.

"Saan mo nakita 'yan? Hoy! Tago mo nga 'yan. Hindi...a-ako 'yan... hindi ko kilala 'yan."pagtanggi ko.

"Nakalagay sa tagged photos mo. Ah! Account pa ni tita."pang-aasar ni Cindy.

Nilagay ko na lang earphones ko at nagplay ng music para hindi na sila mang-asar pa. Pero nakikita ko ang mga mukha nilang nakangisi habang nag-uusap at palingon-lingon pa sa 'kin.

"Tingin niyo ba hindi ko naririnig mga sinasabi niyo? Naka-earphones lang ako pero malakas pa rin pandinig ko."

"Kami nga rin e. Lakas ng music ni Taylor Swift diyan galing sa earphones mo."pang-aasar pa ni Guia kahit nakababa na kami sa sinakyan naming jeep. Ngumuso na lang ako at hindi siya pinansin. "Ito naman. Joke lang. Alam mo naman na baby ka namin e. Gusto ka lang namin asarin ngayong araw. Tahimik mo kasi masyado."

"Kaya nga. Baka naman kasi nagbreak na kayo pero up until now hindi mo pa rin siya naipapakilala sa amin."dagdag pa ni Cindy.

"E kasi nga lowkey nga sila. Kayo naman. Hayaan niyo na ang private life ni Terry."nakisali na rin si Hazel sa pang-aasar sa akin.

Napailing na lang ako at sumabay kay Kristel sa paglalakad dahil wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya na at nakatutok lang sa phone niya. Kaya naintriga na rin ako at sinilip kung ano ang binabasa niya. News article nanaman tungkol sa mga Harrington. I didn't know they are a huge topic not until my friends introduced this family. Ano bang meron sa kanila at lahat na lang nakatutok.

Yes, they're businessmen and a celebrity but I don't get the hype. Saan nanggaling 'yon? Gaano ba sila kagwapo that my friends can willingly sell their souls just to touch these boys. Eww!

"Kamusta ka na? Nag-alala kami ha."sabi ni Guia pagkapasok namin sa bahay ni Yana. Nandiyan nanaman 'yung jowa niyang muntikan ko nang masuntok noon. Hanggang ngayon ang asim pa rin ng mukha. Nanggigil ako.

"Okay lang naman ako. Hayaan niyo na 'yung nangyari noon ha. 'Wag niyo na alamin."sagot ni Yana.

Naningkit naman ang mga mata namin at nagkatinginan na parang may kakaiba sa kilos nitong si Yana. Pero binasag ito ni Kristel at Cindy.

"Inom na lang kaya."sabi ni Cindy.

"Pumasok ka ha, next week, sports fest. Nasabi ba na casual attire lang? Bawal umabsent. Papasok tayo para sa attendance."sabi naman ni Kristel.

Tumango lang si Yana at ngumiti. May mali talaga sa galaw niya. Hindi ganito ang normal niyang mood. Madalas siya mambara kay Guia o kaya magbiro pero ngayon, napakaseryoso niya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko. Nanlaki ang mata niya pero ngumiti rin siya kaagad at tumango. "May lagnat ka ba?"

"W-wala naman. Okay lang ako. Hindi pa ba kayo uuwi? Babyahe pa ang iba sa inyo."sabi niya at tinulungan sila Guia na buhatin ang backpack na dala.

"Hindi ba tayo kakain ng pancit canton muna? May dala sila Guia."tanong ko at tumingin sa jowa niya na kanina pang nakatitig sa amin. Ramdam ko kung gaano kabigat ang presensya niya. Mas lalo pang bumigat nang makita ko kung paano niya titigan ng masama ang mga kaibigan ko.

"Siguro next time. 'Wag muna ngayon. Oh weekend naman bukas, siguro... bukas...bukas na lang."nakangiti niyang sagot.

"Bukas? Aalis tayo 'di ba?"lumapit na ang lalaki sa kaniya at inakbayan para mahalikan siya sa pisngi. Kadiri!

"Ay, sorry, oo nga. Next time guys. Promise! Babawi ako. Sige na, baka gabihin kayo at hanapin pa kayo ng parents niyo. Uwi na kayo."kabado niyang sagot.

Kahit labag sa loob naming lahat ng iwanan siya ay lumabas na kami ng bahay. Hinatid niya kami pero hanggang sa gate lang nila. Agad din kasing sinarado iyon ng jowa niya.

"Kalbuhin ko buhok no'n e."gigil na sabi ni Hazel.

"Akala mo naman bagay sa kaniya 'yung buhok niyang mushroom cut. Ang asim naman."dagdag ni Rona.

"Gusto ko magstay."sabi naman ni Guia. Nilingon namin siya kasi kanina pa na mabagal ang lakad niya.

"And then what? What will happen? Alam mp ba ang gagawin mo if something happpens sa inyo? Isipin mo lang ng 'yon."sabi ko sa kaniya.

"I don't know what will happen to her, Terry. Pero ang bigat lang kasi e. Hindi siya gano'n. Alam naman nating lahat na may mali sa mga galaw niya."sagot ni Guia sa akin. Nilapitan siya ni Kristel at hinaplos ang likod para pakalmahin. "Sinuguod siya sa cafeteria kaya nalipat siya sa ibang timeslot. May naissue na medical leave sa kaniya pero pumasok pa rin siya. Then now, ang uncomfy ng mga galaw niya because of that guy."

"That's the reason why I am asking you. Dapat may plano. If you wanna stay with her, you should have plans. How to call the authorities, bur damn, we're not even sure kung tutulong ba sila kaagad. So, I need you to think Guia. Think clearly. We all wanna help Yana but we also need to think of the possible scenarios."sagot ko kaya naiyak na siya. Nilapitan ko siya at niyakap. "I'm sorry. But that's the truth."

Mas lalong lumakas ang paghagulhol ni Guia sa balikat ko. Nararamdaman ko na rin na may mainit na likido na pumapatak sa uniform ko.

"I have a plan. Kung gusto niyo."sabi ni Cindy.

Nang magawa namin ang plano niya ay laking ginhawa ni Guia. Kasabay namin ngayon si Yana papuntang condo unit nila Cindy. Pangalawang beses na naming makapunta rito. Noong una ay birthday niya, ngayon naman ay para mabantayan si Yana.

"Tell us what happened."sabi ni Kristel sa kaniya at hinawakan ang kamay.

"Dalawang magkaibang kwento? Alin ang gusto niyong unahin?"tanong niya.

"Why dis those girls attacked you last time and bakit nalipat ka ng schedule na you should be with us the whole week."diretso kong tanong.

Huminga muna ng malalim si Yana bago sumagot. "Alam nilang may nakita tayo sa basement."

"What do you mean? Those photos? Big deal ba 'yon? Parang hindi naman. Old photos lang naman ah."sabi ni Cindy habang naglalagay ng tubig sa mga baso namin.

"Oo. Sa atin hindi naman big deal pero sa kanila, importante lahat ng 'yon."sagot ni Yana.

"Oh wait! Shit! Maybe tungkol ito sa last batch ng C.H. Dati boys are allowed to enroll sa school but now, they changed it."sabi ni Kristel.

Kumunot ang noo ko. Parang narinig ko ito. Saan ko nga ba narinig ang ganitong topic?

"You've got to be kidding me. That's it! Kaya ka nila inatake because you have the newspaper. Do you still have it?"tanong ni Kristel.

"Luma naman na 'yon e. Patapon na nga."sagot naman ni Yana.

"Ano ito? Nakadampot ba tayo ng mga bawal? Kinakabahan ako ha."sabi naman ni Guia.

"Those are evidences. Siguro may nangyari noon na ayaw nilang malaman ng nga students. Why? Maybe, about their reputation? Issues? I don't know."sagot ko at sinusubukang alalahanin kung saan ko nga ba narinig ang kwentong ito.

"We've seen your dad sa mga photos and even our mothers. Baka connected 'yon?"tanong ni Kristel.

"No, no. Alam ko na 'to. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito." Ayaw ko na ha. Timeout na tayo. Malapit na bakasyon. Hayaan na natin 'yan."sabi ni Guia.

"Natatakot ka ba?"tanong ni Hazel.

"Oo naman! Hindi ba kayo matatakot kapag may nalalaman kayo. It can be a proof or we can be witnesses about it. Kaya natatakot ako."sagot ni Guia.

"No second thoughts, huh. But we respect your honest answer. Nakakatakot naman talaga kapag alam mong hawak mo ang katotohanan pero kapalit naman ay ang seguridad mo. A lot of people may come after us, or after, you. Kasi hawak natin ang mga sensitive proofs that the've been hiding for years now."sabi ko.

"That's the point."sabi ni Kristel. "The question is, are we going to dig for more infos or let's just burry it the way they did."

"G, ako."sagot ni Cindy "Alam niyo naman na ganitong mga bagay ang gusto ko."

"Not sure with your plans pero may tiwala ako. Safe naman ito 'di ba?"sagot naman ni Hazel.

"Hindi rin nila sure. Ayaw ko. Siguro lookout na lang pero sa malayo ako nakatayo."sabi ni Guia. Kaya nahampas siya ni Hazel. "E kasi naman, bakit kailangan pa natin gawin ito. Okay naman na nakita na natin mga photos nila and nalaman na magkaklase pala parents natin. Okay na 'yon."

"But where's the fun in that? Gano'n na lang. Iiwan na lang natin lahat ng nakita natin? Sayang naman."tanong ni Cindy sa kaniya.

"Sinasabi ko lang na hindi maganda ang nararamdaman ko sa ganitong idea. Gusto ko lang naman na matapos ang highschool years natin na mapayapa. You know, peace and fun, fun and peace."sagot ni Guia.

"While we're still holding all those evidences? Tingin mo may peace tayo? Lalo na ngayon na they know that some students know the secrets. They're after us."sabi ko kaya napalingon sila. "I'm not scaring you guys. Kaso gano'n na rin naman iyon. Alam na natin, alam na nila na may nalalaman tayo. They'll do everything just to cover it up. Hindi naman nila itatago ang basement ng library sa mga students if hindi connected lahat ng ito sa past ng school."

"Or ang reputation ng school ang pinoprotektahan nila."dagdag ni Rona. "Maybe that's the reason why mama is hesitant to enroll me sa school noon. Kasi nag-aral din siya. Magkaklase pa ang mga nanay natin."

"They know something we don't, that's for sure."sabi ko.

Dahil gabi na at hindi na kayang bumyahe nila Rona, Guia at Hazel ay dito na lang nagpalipas sila ng gabi. Kaming dalawa lang ni Kristel ang sabay na umuwi. Sinundo kasi siya ng papa niya kaya nakisabay na rin ako at hinatid na nila ako mismo sa gate namin.

"Salamat."sabi ko at pumasok kaagad sa loob.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay pero binati ako ng tatlo kong alagang pusa. Sina Caramel, Capuccino at ang bunso na si Creamy.

"Bakit hindi pa kayo natutulog? Kumain na ba kayo?"pabulong kong tanong sa kanila. Sumagot naman ang dalawa samantalang si Creamy ay nakatitig lang sa akin.

Pumunta ako sa kusina para silipin ang mga bowl nila. Katatapos lang nilang kumain pala pero nandito nanaman sila at nanghihingi sa akin.

"Tapos na pala kayong kumain e."sabi ko. Nilagyan ko pa rin ng cat food lahat ng bowl nila para nasa kanila na kung gusto nila kumain na or hindi pa.

As usual ay kumain silang dalawa ni Capuccino ar Caramel. Si Creamy naman ay nagmamaldita at nasa tabi lang. Nabatukan pa niya si Caramel dahil sa likot nitong kumain at natamaan niya ang malditang bunso ko. Binuhat ko na lang paakyat ng kwarto si Creamy para hindi na niya masungitan ang mga kapatid.

"Hindi ka nanaman ba pinakain ng dalawq? Naunahan ka nanaman nila 'no? Ang bagal mo kasing kumain kaya inaagawan ka."sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan na minamasahe ang ulo. Ito ang pinakapaborito niyang ipagawa sa akin para makatulog siya. "So ano? Ikaw tulog na ako, nagkakamot pa rin ng ulo mo? Ayos tayo ah!" Tinarayan niya lang ako at natulog na nga.

Kinabukasan pagbaba ko ng kwarto ay nakasunod din sa akin si Creamy. Muntikan pa akong mahulog sa hagdanan dahil bawat lakad ko ay nakaharang din siya. Mabuti na lang at nakakapit ako sa hawakan kun'di, wala na siguro akong ngipin ngayon.

Hinanap ko sila mommy dahil ganitong oras ay dapat gising na sila or nagkakape. Pero walang tao at tanging mga pusa lang namin ang maingay. Kaya agad-agad kong sinilip ang bawat kwarto para macheck kung nasa loob lang sila. Tanging si grandma lang ang nakita ko at nagtatahi siya ngayon. Nagtataka akong kumatok at pumasok sa loob.

"Where are they gran?"tanong ko.

Inayos niya muna ang pagkakasuot ng eyeglass niya at nilingon ako. "I'm not sure darling. Ang sabi nila ay aalis daw sila ngayon. Pero wala naman sinabi ang mama mo kung saan."

"With him po ba?"

Naningkit ang mata niya sa tanong ko kaya inulit ko. "With my father?"

"Ah, yes! Sabay silang umalis."

Nagpaalam na ako sa kaniya at tinanong kung may gusto ba siyang kainin or inumin pero ang sabi niya ay tapos na siyang magkape kanina at busog pa naman. Nagluto na lang ako ng pancake at nanood ng series na nisuggest sa akin ni Rona. Kakatapos ko lang manood ng Hotel del Luna at I Have a Lover. Ngayon naman ay uumpisahan kong panoorin ang Money Heist. Since wala pa namang bagong season na nilalabas ang Stranger Things ay uumpisahan ko na muna ito.

May idea na ako sa mga characters at sa flow ng series kaya nahook kaagad ako sa kung anong mangyayari. Episode two pa lang ako pero hindi ko na kayang tumayo para kumuha ng inumin dahil sa mga nangyayari.

Nagulat pa ako nang biglang tumabi si Creamy sa akin at nagpapakamot nanamn ng ulo. Wala naman akong choice kung 'di gawin ang inuutos ng prinsesa. Baka mamaya kalmutin pa ako nito kapag hindi ko pinansin.

Nakatutok ako sa pinapanood ko nang tumunog naman ang phone ko. Nagtataka kong binuksan ito at binasa. May notif sa akin sa online game na hilig kong laruin. Kaya nipause ko muna ang t.v. at binuksan ang anonymous message.

May tatlong pre-invitation sa akin ang nakalaro ko noon na si James. Isa noong firsr day ng exam, dalawa kagabi. Pero automatic na madedecline ang mga invitations kapag hindi online ang player. Agad ko naman siya nimessage at nagsend din ng pre-invite. Nagulat pa ako ng inaccept niya ito.

summerhitsJames_01: hey :)

tulipTerry: hi

summerhitsJames_01: so glad ur back, down for one game?

tulipTerry: hoping that our home internet will cooperate

summertimehitsJames_01 : i got you! I'll send you a new invitation, please accept it

tulipTerry: done!

At nag-laro ulit kaming dalawa. Ngayon ay mas matagal ito. Last time within fifteen minutes lang at natapos na ang game pero ngayon ay mas mahaba na ang laro. Thirty minutes na ang game pero hindi pa rin kami nakakapasok sa base ng kalaban kaya kinakabahan na ako. Gusto ko ng magchat at madaliin siya. Saktong nagtatype na ako ng message ay nakapasok na siya sa base kaya sumunod na ako kaagad para ma-target lock na namin ang tower nila. Kaso namatay ang hero kong gamit at kailangan pa namin maghintay ng sixty seconds.

Nang matapos na ang sixty seconds ay agad akong sumunod sa base ng kalaban para masuportahan siya. Naipanalo namin ang laro kahit na nagtagal ito.

tulipTerry: sorry I have to go offline now.

summertimehitsJames_01: aww, can we play again later this evening?

tulipTerry: not sure but if ever i am free, i will send you a pre-invite ;)

summertimehitsJames_01: alright, nice game!

At nag-offline na ako.

"May iniwang mga ulam sila sa ref. Painit na lang daw natin."sabi ni grandma na nasa kusina na pala ngayon. Hindi ko napansin dahil sa nakafocus lang ako kanina sa phone.

"Sige po. Ako na ang bahala."sabi ko.

Tumayo na ako para initin ang mga ulam na niluto nila para sa amin. Nakaabang nanaman ang dalawang ginger na pusa namin at handang-handa nanamang kumain.

"Wala ba silang nabanggit kung saan sila pupunta gran?"tanong ko. Nilingon ako ni grandma at umiling. Busy pa rin siya sa pagtatahi niya.

Why am I so worried about it? Parang hindi na ako nasanay na every weekend, umaalis sila at pupunta sa kamag-anak. I should be thankful that my weekend is much peaceful than the past few weeks. I can finally breathe.


Continuă lectura

O să-ți placă și

1M 90.9K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
747K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
998K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...