MIR 2: My Sweetest Downfall [...

By hanjhanjbeybe

2.6M 30.8K 4.5K

C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Respect
CHAPTER 02: Unexpected
CHAPTER 03: Away away away.
CHAPTER 04: He's Not Okay
CHAPTER 05: Strange
CHAPTER 07: Lenard
CHAPTER 08: Nganga
CHAPTER 09: Uhh..
CHAPTER 10: The Difference
CHAPTER 11: Welcome Back To Me
CHAPTER 14: Heavy Heart, Heavy Head
CHAPTER 12: Cloud/Claynard
CHAPTER 13: Pasalubong
CHAPTER 15: I Don't Want To Fall
CHAPTER 17: Did He Cheat?
CHAPTER 18: Paris
CHAPTER 19: Green
CHAPTER 20: Just Drama
CHAPTER 21: Additional
CHAPTER 22: Everything's Settled
CHAPTER 23: Fishy
CHAPTER 24: Good News
CHAPTER 16: Pokmaru
CHAPTER 25: Graduation
CHAPTER 26: This is Supposed To Be Fun
CHAPTER 27: BieBi The Perfect Two
CHAPTER 28: One More Chance
CHAPTER 29: The Pieces Don't Fit Anymore
CHAPTER 30: Fight For Rights
CHAPTER 31: Trying To Be Strong
CHAPTER 32: Family
CHAPTER 33: Pain
CHAPTER 34: Puso ng Saging
CHAPTER 35: Miscarriage
CHAPTER 36: First Climax
CHAPTER 37: Second Climax
CHAPTER 38: Third Climax
CHAPTER 39: Fourth Climax
CHAPTER 40: Fifth Climax
CHAPTER 41: It's Too Late
CHAPTER 42: Lunyeta Park
CHAPTER 43: Reunion
CHAPTER 44: The End
CHAPTER 45: Hihi
CHAPTER 46: Ordinary Girl
CHAPTER 47: I Do ♥
CHAPTER 48: The Gift
CHAPTER 49: I-push Mo Yan
EPILOGUE

CHAPTER 06: The Hidden Reason

35.9K 697 115
By hanjhanjbeybe

DIANNE

I RECEIVED a text from Rod telling me na sumama na raw ako kay Chloe sa bahay nina Tita at doon na mag-merienda. Medyo confused ako dahil hindi naman kami magkasama ni Chloe. Then he told me na nagpaalam daw si Chloe na sasamahan akong bumili ng gift para sa wedding anniversary nina Mama.

Baliw lang? Andito kaya ako sa puntod ni Keirvin. Gusto ko muna siyang dalawin bago ako pumunta ng Pampanga. Nauna na kasi kahapon sina Mama, susunod na lang ako ngayon and a-absent ako bukas.

Miss na miss na kita, Keirvin. Anim na buwan na ang lumipas pero hindi ka pa rin nawawala sa isip ko. Bakit ka ba kasi nang-iwan? Ano nang mangyayari sa'kin? Sino nang pakakasalan ko? Eh, ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan. Baka instead na RIP ang ilagay sa magiging lapida ko, ang mailagay nila returned unopened dahil mamamatay akong virgin.

Naramdaman kong may malamig na hangin na parang yumakap sa'kin.

"Anak ng tokwa naman, Keirvin! Wala namang ganyanan!"

Pero hindi tumitigil ang lamig. Lumingon ako sa kanan. Lumingon ako sa kali—Anak ng! "Hoy! Anong ginagawa mo diyan sa likod ko?!"

"Nagpapaypay," nakangiting sagot niya. "Baka kasi naiinitan ka, eh."

Walangya! Kaya naman pala ko nilalamig! Asa likod ko kasi 'tong Harry na 'to at nagpapaypay!

Napatayo ako kaya tumayo rin siya.

"Ano ka bang lalaki ka? Bakit ba lagi mo akong sinusundan?"

"Oy 'di kita sinusundan, ah ! May pinuntahan din kaya ako dito!"

"O 'yun naman pala, eh. Eh, bakit andito ka pa? Alis na!"

"Ito namang si honeymylabs napakasungit. Kumalma ka nga muna pwede?"

"Hindi ako kakalma hangga't andito—" Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko na agad ko namang tinanggal. "Ano ba?! Ang alat ng palad mo! Kadiri!"

"Relax lang kasi. Upo muna tayo."

Inirapan ko siya pero umupo rin naman kami.

"Ang swerte niya."

"Sinong siya? Swerte 'yung lupa?"

Pinitik niya ko sa noo.

"Aray ano ba!"

"Si Keirvin." Umiwas siya ng tingin at niyakap ang tuhod niya.

"Paano naging swerte? Kailan pa naging swerte ang patay?"

"'Yun na nga, eh. Wala na siya pero siya pa rin ang mahal mo."

Hindi ako nakapagsalita. Bigla ulit lumakas ang hangin.

"Oy, 'wag ka ngang magpaypay!"

"Oy, 'di na ko nagpapaypay, ah!"

"Eh, ano 'yun? Bakit parang ang lamig?"

Nagkatinginan kami, nanlaki ang mga mata namin at sabay kaming napasigaw at napalapit sa isa't-isa. Napa-akbay siya sa'kin at napahawak ako sa braso niya.

"Dianne naman, sabihin mo sa kanya na itigil na niya 'to."

"Ayoko. Baka biglang sumagot."

Lalong lumamig at gumalaw ang mga damo sa paligid kaya sabay ulit kaming napasigaw. Tumayo na kami at tumakbo sa malayo. Parehas kaming hinihingal nang makarating kami sa kotse niya. Napasandal kami at napayuko. 'Di nagtagal, nagkatinginan ulit kami at tumawa nang malakas.

"Grabe ka! Kalalaki mong tao matatakutin ka!"

"Oy. Sino bang hindi matatakot dun?"

"Duwag ka lang talaga!"

"Oy, hindi no!"

"Duwag!"

Nagkulitan kaming dalawa. At agad ding natigilan nang mapansin naming halos kaunti na lang ang layo ng mukha namin. Ay, ang taray! May ganitong ganap ako!

"Tara na nga, Dianne."

"Saan pupunta?"

"Mamamasyal. Ayaw mo?"

'Sorry may pupuntahan ako."

"Saan punta mo?"

"Uuwi akong Pampanga, okay? Kailangan kong lumayo sa mga makukulit na kutong lupa gaya mo! Bye!"


GAYA nang plinano ko, umuwi ako ng Pampanga. Pagdating ko sa ancestral house namin, bukod kay Mama at Papa, Lolo, Ninang, Ninong, Tita, Tito, at sangkaterbang pinsan, nagulat ako nang nakita kong isa sa mga sumalubong sa akin ay ang ulupong na lalaking 'to!

"Honeeeeeeeeeey!" at yumakap siya sa'kin kaya itinulak ko siya palayo!

"Ano ba? Kadiri ka! Pawis na pawis ka! Eew! Saka paano mo nalaman ang lugar na 'to? NBI ka ba?"

"Hala honey hindi! Tinanong ko kay Chloe. Atsaka kaya ako pawisan kasi nagsibak ako ng kahoy."

"What?!"

"Nag-igib din ako! Ako nga rin nagluto ng merienda ng pamilya mo, eh."

Tinignan ko ang buong angkan ko at lahat sila ligayang-ligaya sa buhay nila! Mygadd! Tinignan ko ng masama si Harry, inirapan at, nag-walk-out papasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinundan ako ni Mama.

"Mama, naman! Bakit niyo naman po pinatuloy 'yung lalaking 'yun dito sa bahay?! Paalisin niyo na nga siya!"

"Anak, bakit ka ba nagiging mailap ka na sa mga lalaki? Hindi maganda 'yan."

"Hindi naman po sa pagiging mailap sa mga lalaki! Ayoko lang talaga sa kanya! Masyado siyang makulit!"

"Ayaw mo sa kanya dahil makulit siya? O ayaw mo lang talaga buksan ang puso mo? Dahil hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nakaraan mo?"

Natigilan ako. "Mama naman, eh."

"Anak, bakit hindi mo subukan ulit? Alam ko namang hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin, eh. Pero anak, 'wag kang mapagod. Buksan mo ulit ang puso mo bago pa mahuli ang lahat."

Niyakap ako ni Mama. Bakit nga ba hindi ko bigyan ng pagkakataon ang sarili ko? Si Harry? K-Kaming...kaming dalawa? Subok lang naman, eh. Wala naman sigurong mawawala. At hindi ko naman pipilitin ang sarili ko.


KINAGABIHAN habang kabilugan ng buwan ay umupo ako sa ilalim ng puno ng manga at nagte-text. Bakit ba ang hina ng signal dito? Kulang na lang umakyat ako sa puno!

"Pst."

"Ikaw lang pala."

"Bakit? Takot ka no?"

"Asa ka naman."

Umupo siya sa tabi ko.

" Ano ginagawa mo dito? Pumasok ka na nga sa loob."

"Sungit mo talaga, honey."

"At 'wag mo kong tawaging honey! Bwisit na 'to!"

"Eh, bagay kaya sa'yo honey."

"At bakit?!"

"Because I'm a bee. And you're my honey. Hehe."

"Pakshet ka! Lumayo ka nga sa'kin!"

"Hindi na nga po. Pero seryoso Dianne, sobrang saya dito sa inyo."

"Paanong 'di magiging masaya? Eh, napakalaki ng angkan namin."

"'Yun na nga eh, ang laki ng pamilya niyo kumpara sa'kin."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Maliit lang pamilya niyo?"

"Ulila na ko, Dianne."

Syet. Parehas sila ni Keirvin.

"Kwentuhan mo ko, Harry..."

Ngumiti siya at tumingin sa buwan. "Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yo na sa edad na 8 yrs. old, na-in love na ko?"

Paano bang hindi ako maniniwala? Eh, seven years old pa nga lang din ako feeling ko may puppy love na ko ganun din si Chloe. So no judgment at all. Napangiti ako sa naalala ko. Asan na nga kaya 'yung puppy love ko? Siguro aso na 'yun ngayon. "Oo naman," sagot ko. "Naniniwala ako."

"Eight years old pa lang ako nahulog na ang loob ko sa isang batang babae. Masungit siya parang ikaw, mataray, suplada. Kaso crush din siya ng bestfriend ko, eh."

"In all fairness ang aga niyong lumandi."

Natawa kami pareho.

"'Yung tatay ko saka ng tatay ng bestfriend ko, mag-bestfriend din. Sad to say, sabay pinatay ang mga magulang namin ng bestfriend ko. Magkakasama kaming kumakain, then out of nowhere, kitang-kita namin kung pano pinatay ang mga magulang namin sa loob ng restaurant."

"Sobrang traumatic, Dianne. Hanggang sa iwanan na rin ako ng bestfriend ko at sumama siya sa relatives niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit sila pinatay. Wala akong kaalam-alam."

Natahimik ako. The story is quite familiar. 'Yung puppy love ko may bestfriend din na lalaki, and their parents were also bestfriend. Pero wala namang patayang naganap. Wala na rin akong balita sa kanila since lumipat kami ng bahay. Hindi ko na nga maalala itsura nila. Bakit kasi hindi uso selfie noon, kahit tuloy pictures wala kami.

"Umiiyak ka ba?"

"Pasensya na Dianne, hindi ko lang talaga napigilan. Kahit bata pa ko noon, naaalala ko bawat pangyayari."

"Sorry, Harry. Hindi na dapat ako nagpakwento pa—"

"It's okay. Ginusto ko ring malaman mo ang lahat ng tungkol sa'kin."

"Salamat, Harry. Salamat sa pagtitiwala."

"Teka nga. Masyado na tayong madrama."

"Oo nga. Pasok na tayo sa loob, nagluluto na rin ata sila para sa celebration nina Mama bukas. And ikaw, umuwi ka na. Anong oras na, o. May pasok ka pa bukas."

"Gusto pa kitang kasama."

"He! Tigilan mo ko!"

He just smiled so I smiled back at him. I just hope this is a new start. Bago kami makapasok ay sunod-sunod na nagdatingan ang mga text. Dito lang pala sa pinto malakas ang signal.

I browsed the senders of the messages until I saw an unregistered number. Binuksan ko ang message at binasa ito.


You wanna know the hidden reason why Keirvin died?


Aba gago 'to, ah! Wala na nga 'yung tao ginagamit pa sa kalokohan! I've been receiving mga prank text since time immemorial pero ito na ata ang pinakanakakainis!

I replied to the jerk's message.


Whoever you are, pwede bang respetuhin mo 'yung taong wala na? Hindi nakakatawa!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 68 20
Serez Series #1 "Now, there's no shutting down the lens because this is where I found her. I found her with my eyes and she's the one who captured my...
126K 6.1K 36
Cory Dimaranan, a twenty-four-year-old travel blogger, seeks the opportunity to discover the wonders of Palawan...not until she discovers the not-so...
315K 16.3K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...