Pain And Pen

By ashamelessintrovert

3.7K 283 49

There were two things Hestia was certain she would never experience-being the writer she dreamt of, and meeti... More

PAIN AND PEN
༺ Hiling ng Manunulat ༻
UMPISA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13

KABANATA 5

194 14 2
By ashamelessintrovert

You told me the words you thought I wanted to hear
You told me the promises you thought you won't break
But as I looked at my pen and the wet paper
I told you the words and promises I have always seek—
"Please give me more pain, my dear
Promise me that you'll make me bleed more
For between you and my pain, I'll choose the latter.
I am a Poet and you are just the girl who told me I'm your lover."
You looked hurt but I didn't mind
"Hurt me more please, and I'll let you leave later."
You replied with tears, "I thought you're kind."
"I'm Dark. I am no one's lover but I am someone's writer."

NEVER LOVE ME.

I bit my lips. Banayad kong hinaplos ang pahina ng aklat. Ilang ulit ko na itong binasa pero palagi pa rin akong natutulala sa bawat mga salita. Dark's poetry always have peculiar and dark themes. The reason why among the five Wordsmitheries, he's the most mysterious. His poems became puzzle for those who admire him.

I had read a lot of hypotheses and written observations of his poems. Some said, Dark was the type of man who's not capable of loving someone other than his poems. Mayroon ding haka-hakang maaaring may isang babaeng lubos na nanakit sa kanya. They romanticized this speculation and even concluded that this girl, whoever she was—was the reason why Dark became a poet.

But I don't believe all of these rumors, not because I'm bitter or what, but because I tried to read what laid behind every line.

Naibaba ko ang hawak kong aklat. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang paligid. Sobrang tahimik ng silid-aklatan. Kaya gustong-gusto kong tumambay dito dahil ang sarap lang sa pakiramdam na napapalibutan ng mga aklat. I love its vintage smell. Iyon nga lang, sa sobrang tahimik maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan. Muli ko tuloy naalala ang sinabi ng misteryosong lalaki sa akin.

'If you will love silence too—the way I did, please learn to wipe your own tears.'

Mapanaket siguro ang jowa niyang si Silence. Dinamay pa ako. Hindi naman ako ma-i-in love do'n. Ang puso ko ay para lamang kay Dark.

Kinuha ko mula sa bulsa ng aking palda ang cellphone kong ka-batch pa ng mga dinosaurs. Mamaya pa ang klase ko kaya dito na lang muna ako tatambay. Total busy naman si Kaeden sa panlalandi do'n sa kaklase kong magaling sa math. Sana lang talaga maging successful na siya para naman hindi na ako ang binubwesit kapag tinatamad siyang gumawa ng school works.

"Nawa'y magka-jowa ka ng kupal ka."

Automatiko akong napasimangot nang pagbukas ko sa Facebook ay tumambad agad sa akin ang iba't ibang mga tula. Halos ito na ang sumakop sa newsfeed ko. Mabuti pa sila nakapag-submit na. May pa-hashtag-hashtag pa silang nalalaman na 'APoemThatCanTurnDark'sHeart'.

Hindi naman sa pagiging kontrabida pero naiinis talaga ako sa ibang tao na nakikiuso lang. Walang mali sa pagpo-post sa mga gawa mong tula pero minsan kasi ang iba do'n wala naman talagang interes sa pagsusulat ng tula, at pilit lang nakikisabay. With this kind of set up, I felt like they're degrading the essence of poetry. Just like what I'm seeing right now. They're posting poems in social media as if they're just selling something. May nababasa pa akong mga comments na nag-aaway na kasi nagpapataasan ng pride kung sino ang mas magaling. May nangba-bash pa kasi wala raw rhyme ang tula ng isa. Seriously? Was that the attitude of a poet?

I knew everyone was eager to be a student of Wordsmith Academy because who wouldn't want it, right? But this eagerness caused toxicity, too. Dinamay pa nila ang inosenteng mga tula sa kanilang kasakiman.

We should learn to write without bragging. We should learn to write without expecting applause from other people. And most of all, we should learn to write and excel with it without dragging someone else down.

"Dude!"

Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang bigla na lang sumulpot na parang kabute si Kaeden sa gilid ko. Mabilis akong napairap nang makitang may kalmot ang braso niya.

"Ang wild mo naman, dude. Saang damuhan kayo nanggaling?"

Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. Tila gigil pa siya. Alam ko namang cute ako pero sana huwag naman masyadong iparamdam sa akin.

"Basted ako, dude. Nakalmot pa ako. Ang hinhin no'n pucha pero kung makakalmot parang na-train ng mga pusa."

Mahina akong natawa. Napatingin-tingin pa ako sa paligid para siguraduhing hindi ako mapapagalitan ng librarian.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Siniko ko siya nang magtangkang hawakan ang libro.

"Damot. Ampanget naman ng nagsulat niyan."

"Suntukan na lang tayo, gusto mo?"

He tousled my hair.

"So bakit ka nga nakalmot? Ang manyak mo siguro kaya nagalit sa 'yo."

He sat beside me. Sinilip niya pa ang cellphone ko. Kalalaking tao pero napaka-chismoso.

"Nasigawan ko siya tapos namura ko pa ng slight."

"Bakit mo sinigawan? Gago ka talaga! Tsaka paano 'yong namura ng slight. Pa-sample naman diyan, kafatid."

"Ano... sinabihan ko lang naman ng—" Tumikhim siya. "Tangina mo po. Nilagyan ko pa nga ng 'po' para magalang at hindi bastos pakinggan pero kinalmot niya ako."

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang tunog ng tawa ko. Parang ewan 'tong si Kaeden. Saan ka nakakakita ng manliligaw na minumura ang nililigawan?

"Ba't mo minura? Kung ako ang niligawan mo basted ka rin."

"Hindi naman kita kayang murahin."

Naningkit ang mga mata ko. May pabulong-bulong pa siyang nalalaman.

"Ano'ng sabi mo?"

He rolled his eyes before resting his head on my shoulder.

"Ang sabi ko kaya ko siya minura dahil sinabi niyang sasagutin niya lang daw ako kapag nilayuan kita. Hayuf! Kahit aminadong bobo ako sa academics pero hindi ko pa rin ipagpapalit sa libreng answer ang panget kong bestfriend. Kasi diba, hindi ka na nga kagandahan... mawawalan ka pa ng makisig na kaibigan. Ano na lang matitira sa 'yo? Dignidad mo?"

Bahagya kong hinila ang buhok niya.

"Ba't biglang humaba ang sinabi mo? Niloloko mo lang ako, e. Suntukan na lang tayo!"

"Hindi kita kayang suntukin pero ikaw kaya mo akong abusuhin. Naghamon ka pa talaga. Ano'ng laban ng pagiging gentleman ko sa pagiging amasona mo?"

"Nyenyenye."

"Musta na pala kayo ni Papa—"

"Papa ko lang. Huwag mong angkinin. Mahiya ka naman. Nakiki-papa ka, e hindi ka naman nagmula sa sperm ng tatay ko—"

"Shh..."

Napa-peace sign ako nang marinig ang babala ng librarian. Ang sama na ng tingin niya sa akin. Kasalanan talaga ito ni Kaeden.

"Huwag maingay," masungit niyang sabi

Napanguso ako.

"Pasensya na po, maganda lang." I smiled awkwardly.

Ibinalik ko na lang sa cellphone ang paningin ko at nagpatuloy sa pag-scroll. Pasimpleng tumatawa naman sa gilid ko si Kaeden.

"Kahit isang oras lang, dude, magpanggap ka namang broken hearted. Kakabasted lang sa 'yo, diba? Tibay mo rin, 'no?"

He winked.

Napawi ang tuwa sa aking mukha nang tumambad sa akin ang isang post. Ilang ulit kong mimumura si Naldy sa isipan ko dahil post niya ang nakita ko. Mukhang screenshot ito mula sa twitter account ni Dark.

'I already found her'

Ang mga simpleng salita mula sa kanya ay kayang manakit ng libo-libong babae, at isa na ako do'n lalona't alam kong wala na akong pag-asa. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Para akong dinala sa tuktok ng isang matayog na building at mula roon matatanaw ko na sana ang aking pangarap, ngunit bigla akong nadulas at tuluyang nahulog pabalik sa lupa bitbit ang pangarap na nagkapira-piraso.

Maybe I should accept the fact that I am not destined to be with the Wordsmitheries.

"You okay, dude?"

Muli kong binasa ang nakasulat.

"Sino kaya ang maswerteng babae?"

Continue Reading

You'll Also Like

69K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...