WAITING FOR A GOOD DAY

By CHIMCHIM_MAE

410 4 0

Kailan kaya magiging masaya si trisha?Kailan kaya nya mahahanap ang pag ibig na magbibigay sakanya? Mangyayar... More

Waiting For A Good Day *Part 1*
Part 3
Part 4
Part 5 (Five Months)
part 6
Part 7

Part 2

79 0 0
By CHIMCHIM_MAE

TRISHA'S POV

Yun nalang ang sinabi ko, at sabay takbo palayo kay justine susundan nya na sana ako ng biglang dumating yung ser nila, Hindi muna ako papasok ngayon gusto ko ulit mapag isa, pumunta muna akong garden at buti nalang walang tao at ang tahimik agad naman akong umupo sa damuhan at kumuha ng notebook saka ballpen,

Mahilig kasi akong mag composed ng kanta, Sa twing malungkot ako lagi akong gumagawa ng kanta para sa sarili ko, eto kasi ang libangan ko sa twing ganto ang sitwasyon.

Composed(kayo na bahala sa tono)
Ang hirap tanggapin na ang mga tao ay galit sakin..
Hindi nila ako tanggap sa pagkatao ko..
Hindi nila alam kung anong nararamdaman ko...~~

Ang sakit na lagi mong naririnig, ang mga salitang paulit ulit.
Wala man lang awa ang mga bwiset na nang bubully..
Sa mga taong walang man lang ka malay malay..

Habang sinusulat ko ito di ko alam na umiiyak o lumuluha na pala ako, tst! Sabi ko sa sarili ko di ko na sila iiyakan!! Bat ganto umiiyak nanaman ako!!? Ayoko na napapagod na ko! "AYOKO NA!!!" sigaw ko, at sabay yuko.

"Ang ingay mo naman! Lagi kanalang umiiyak dyan kala ko ba ayaw mo nang umiyak?" nagulat naman ako sa harap ko, napatingin naman ako at si Xander pala to.

"Ikaw nanaman? Sa twing umiiyak ako at sumisigaw ikaw lagi kong nakikita!?" sigaw ko sakanya, ngumisi lang naman sya at umupo sa tabi ko.

"Alam mo kung napapagod kana sa kakaiyak tumigil kana, saka akala ko ba lalaban kana eh bat parang wala namang nangyari? " Xander

"Tama ka, Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na lalaban ako pero bakit hindi ko na magawa kapag kaharap ko na sila?" sabi ko at umiyak ulit.

"Wag ka na ngang umiyak!" sigaw ni xander

"tumingin ka nga sakin!" Xander, bigla naman nyang hinawakan yung baba ko at nilingon sakanya, at ikinagulat ko naman yung ginawa nya bigla nyang pinunasan yung luha ko

"O ayan wala kanang luha, saka pwede ba wag kanang umiyak tanong ko nga sayo kailan mo pa nasabi sa sarili mo na GOOD DAY ITO!? " tanong nya, ha? Di ko gets?

"Di ko alam kung anong sinasabi mo" sabi ko sakanya at yumuko ulit.

"I mean, May mga araw ba na di ka umiyak at may araw ba na good na good yung mood mo walang nanghuhusga sayo?" tanong nya

"Wala, kahit kelan walang nangyari sa buong buhay ko na maging ok sa isang araw at hindi umiyak ng isang araw" Sabi ko.

"Pero gusto mong mangyari yung di ka na umiiyak at lagi kanang good day?" tanong nya

"Oo pangarap ko yun" sabi ko

"Kung ganon pala, Maging matapang ka gawin mo lahat ng gusto mo wag ka mag alala andito na kaming apat para sayo o i plus mo pa si stella lima na ang kaibigan mo" Nang pagkasabi nya yan, bigla akong napatingin sakanya at sabay yakap ng mahigpit.

"Salamat xander, di ko alam kung panaginip to pero salamat talaga" sabi ko at eto nanaman si luha pumapatak nanaman.. Inalis ko naman agad yung pagkayakap ko sakanya.

"Ang lambot mo pala, hahaha... Dibale.." Xander, sinamaan ko naman sya ng tingin at bigla syang tumawa

"Joke lang naman eh" sabi nya, ngumiti nalang naman ako at tumingin nalang sa notebook.

"Ano yan? Patingin nga ko" sabi nya, kukunin nya sana yun ng bigla kong nilayo

"Hala sya, Damot!" sigaw nya, tumingin naman ako sakanya at biglang tumawa kasi eh ang cute nya!! Naka nguso sya pero konting nguso lang naman pero mahahalata mo hehhehe...

"Bakit ka tumatawa?" tanong nya with poker face.

"Wala lang" sabi ko at ngumiti,

"May pupuntahan kaba bukas?" Tanong nya,

"Wala, Di naman ako umaalis sa bahay eh lagi lang ako naka kulong" sabi ko.

"Edi kung ganon alis tayo bukas" Xander, bigla naman akong napatingin sakanya teka niyaya nya ko? Its that true?

"San tayo pupunta?" tanong ko sakanya

"Kahit saan" sabi nya,

"Sure kaba?" paninigurado ko.

"Oo naman ano ok lang na alis tayo bukas?" Xander, sure sya? My gosh!!

"O..o--" tigil ko nang biglang may tumawag sakin.

"Trisha!" bigla naman akong napatingin sa gate at si justine yung tumawag at kasam nya yung apat, bigla naman kaming napatayo ni xander at tumingin sa kanila.

"kayo pala" Xander.

"Andito lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap magkasama lang pala kayo" Justine, lumapit naman sakin si stella.

"Di ka pala pumasok sa singing room nyo, May klase pa kasi kaya hinanap kana namin agad baka kasi ano pa mangyari sayo!" Pagalit nyang sabi, ngumiti nalang naman ako at sinabi na

"Sorry kung pinag alala ko kayo" sabi ko sakanila.

"Trisha, Di mo nga pala tinuloy yung sagot mo sakin ano ok lang?" Xander, ay oo nga pala.

"Bakit? Anong meron?" nagtatanong tanong ni justine.

"Hindi pre aalis kasi kami bukas ni trisha, kaso di ko alam kung ok lang sakanya?" Xander.

"Kayo lang aalis?" Tanong ni stella.

"Oo nga xander, sige payag kung kasama din sila" sabi ko,

"Hmm.. Fine! Sige sama na sila" Xander na parang ayaw nya, hmm.. Bala na nga atlis pumayag sya.

"Yun pala eh, So anong oras bukas?" Tanong ni stella.

"Agahan natin para hangang gabi tayo, ahh.. Beach tayo bukas" James, ha? Beach? Ayoko!

"Sige sige beach tayo bukas" Stella, At nagsi agree naman yung tatlo, kami nalang nila justine ang di sumasagot.

"Oh kayo?" James.

"Kapag pumayag si trisha payag ako" Justine, whaaat?

"Ako din ganon" Xander,

"O pano bayan trisha nasayo yung sagot ng dalawa? Pumayag kana maganda yun beach tayo" Stella, ayaw ko talaga pero... Aishh.

"Ok" yan lang yung sinabi ko, Ang totoo nyan takot ako sa dagat dahil sa twing nakikita ko yung dagat naaalala ko yung bata pa ko na muntikan na ko malunod, Tapos di man lang nila ako tinulungan at buti nalang may nakita akong kahoy at yun ang ginamit ko para makarating ako sa lupa.

"Trisha! Ok ka lang?" Stella, Tst! Naka tulala nanaman pala ako aishh..

"Oo ok lang ako, Ahm.. Una na pala ako" sabi ko, at kinuha yung gamit ko at nagpaalam sa kanila.

"Guys uwi na pala ko, Maaga pa tayo bukas diba?" sabi ko at nag nod naman si james at jason

"Hatid na kita!" Gulat ko nang bigla silang nag sabay mag tanong (Justine,Xander)

"Ha? Wag na ok lang" sabi ko at aalis na sana ako ng bigla akong hinawakan ni justine sa kamay.

"Diba sabi ko sayo kanina ako ang maghahatid sayo?" Justine.

"Salamat, pero ok lang mag tataxi na lang ako ahm.. Sige na una na ko uwi na kayo ha bye" sabi ko at nagpaalam na sakanila,

--

Andito na ko sa labas sa hintayan ng mga taxi, Nakatayo lang ako dito habang naghihintay parang wala namang dumadaan na taxi dito! Hayyy..

6minutes

Hayyyyy!!!! Wala paring taxi!! Maglalakad na sana ako ng biglang bumuhos yung ulan, tst! Nakisabay pa tong ulan na to! Wala pa naman akong payong tapos anong oras na! Tst! Bala na nga maliligo nalang ako pag uwi, malayo pa naman yung bahay ko dito sa school. Bala na nagsimula naman na akong maglakad pauwi.

Whooo!! Ang lamig na tapos sinisipon na ko tst! Nakakainis talaga basang basa na yung uniform ko and palda ko, Malayo layo pa ang lalakarin ko papuntang bahay tapos gabing gabi na!! Maaga pa daw kami bukas, Ano bayan nananadya ba tong ulan na to!! Nakakabwiset ha!

1hours

And now andito na ko sa bahay, Namumutla na ko dahil sa lamig ang lakas kasi ng ulan eh agad naman akong pumasok sa bahay at dumeretsyo sa cr para maligo, Ng matapos nako maligo agad akong umakyat para magbihis na ng pantulog, Grabe ang sakit ng paa ko, nahihilo, at sinisipon pa ko aishh..

--

MORNING

'DING DONG... DING DONG'

dahan dahan ko namang minulat yung mga mata ko at tumingin sa bintana, Whaaaa!!! Anong oras na pala!! Dahan dahan naman akong bumangon hayyy... Ang sakit ng ulo ko!! Hinawakan ko naman yung leeg ko at ikinagulat ko yun Whaaaa!! Ang init ko,

'DING DONG..DING DONG'

ayy.. Oo nga pala, agad naman akong tumayo maski masakit yung katawan ko, at agad bumaba at binuksan yung pinto 0_0!? Yarii..

"Trisha? Bat di kapa nakabihis? Kakagising mo lang?" James, yarii..

"Pasok muna kayo, Sorry ha kung kakagising ko lang" Lantay kong sabi at pumasok naman sila, at aakyat na sana ako ng bigla akong hinawakan ni xander.

"Ang init mo!" Xander, at bigla akong hinawakan sa leeg.

"Ok lang ako, Wait lang ha maliligo lang ako " sabi ko, at umakyat na nanghihina, hmm.. Ililigo ko lang to mawawala din yung init sa katawan ko.

---++++

Tapos naman na ko maligo at nakapag bihis narin ako, naka short ako at tshirt kinuha ko naman na yung bagpack ko at bumaba na, Mainit parin ako hanggang ngayon at masakit parin yung ulo ko at katawan ko at natuluyan na nga akong may sipon ngayon.

"Tara na?" sabi ko, na may pagka ngongo kasi nga may sipon ako.

"Siguro di muna tayo matuloy" Xander

"Ha?Bakit?" tanong ni james.

"May sakit si trisha ngayon" Xander

"Hindi wala to, Sipon lang t--"

"Sorry na late ako" Biglang pasok ni justine, at lumapit sakin.

"So tara na?" tanong ni justine at hinawakan ako at eto tumingin sya sakin na may something.

"Ang init mo!" Sigaw nya at hinawakan yung leeg ko, inalis ko naman yun at dumeretsyo sa pinto.

"Tara na!?" Sigaw ko at nagsi tayuan naman sila at lumabas pero si xander at justine andun parin sa loob.

"Tara na, labas na kayo para isarado ko na yung pinto" sabi ko sakanila, lumabas naman na sila at sinara ko na yung pinto, pumasok naman na ko sa Van, malaking Van kasi yung kinuha nila. Umupo naman na ko sa tabi ni stella katabi nya kasi si jason, At nagulat ako ng biglang nagmadali yung dalawa sa pagtabi sakin.

"Hay nako dito ka nalang justine" Sigaw ni stella at umusog sya at ngayon katabi ko yung dalawa magkabilat kanan. Tumingin naman ako kay justine na nakatingin lang sakin.

"Huy! Ok lang ako, Maging masaya tayo ngayon" sabi ko at ngumiti (w/ Ngongo voice)

"Parang hindi kasi eh, Ang tamlay ng mata mo tapos halatang halata na may sakit ka, Nakapag taxi kaba kahapon?" Tanong nya.

"Ang totoo nyan justine, Wala akong masakyan na taxi kahapon kaya naisipan ko nalang na maglakad" Sabi ko at ikinagulat naman nya yun.

"So nagpaulan ka kagabi? Saka ang layo ng bahay mo sa school, Ayy.. Kaya pala may sakit ka ngayon eh" Justine, hinawakan ko naman yung kamay nya at sinabing.

"Ok lang ako justine" Sabi ko, at tinanggal agad yung kamay ko sa kamay nya at tumingin kay xander na nakasandal at nakapikit panigurado na tulog nanaman to.

Mahaba haba pa yung byahe namin, si james nga pala yung nag dadrive ng car ngayon at yung dalawa kong katabi nakatulog na at nakasandal sa balikat ko, di ako makagalaw dahil nga nakasandal sila sina stella,jason naman ay mga tulog din.

"James, Baka napapagod kana mag drive ako naman mag dadrive" sabi ko sakanya,

"Ayos lang naman sakin eh, saka bawal ka mag drive kasi nga may sakit ka magpahinga ka muna dyan, tignan mo yung dalawang katabi mo eh ang sarap ng tulog sayo kasi nga malambot hahaha... Joke lang ha baka suntukin mo ko" James at sabay tawa

"Baliw ka talaga, Salamat narin pala" sabi ko at umiglip muna.

-------

XANDER'S POV

"Pre!" Gising sakin ni james, dahan dahan naman akong dumilat at tumingin sa mga kasama ko na tulog din, nakasandal pala ako kay trisha at ganon din si justine kay trisha si trisha naman nakasandal din kay justine.

"Huy! Pre ayusin na natin yung gamit dun para gigisingin nalang natin sila" nag nod nalang naman ako at lumabas na at kinuha na namin yung gamit sa likod.

----

Tapos naman na kami mag ayos ni james at ngayon papunta ako sa kotse para gisingin sila trisha, ng makarating nako ay agad kong binuksan yung pinto at nakita ko sina trisha at justine na magkayakap, aishh.. Bat ganto nararamdaman ko bat ako nagseselos!? Tst!

"Ui gising na kayo!" sigaw ko, at agad naman silang nagsidilatan pati sila trisha at justine at nagsitinginan naman silang dalawa at parang wala lang naman sakanila na nakayakap sila!

"Ang init mo parin trisha" Justine, at hinawakan yung kamay ni trisha aishh.. Bat ba ganto si justine kay trisha? Magkaibigan lang ba talaga ang tingin ni justine kay trisha!?

"Tara na nakaayos nadun" yaya ko, at bumaba naman silang apat, at etong dalawa magakahawak yung kamay, tst! Bat ba kasi ako ang ginising ni james eh pwede naman si justine edi sana ako ang nakahawak sa kamay ni trisha! Hayy.. BAT BA AKO GANTO!!

Andito naman na kami sa cottage, at sina stella,james at si jason nauna na sa dagat at kaming tatlo lang ang andito ngayon, nag aayos ako ngayon ng pagkain habang yung dalawa nag uusap, aishh.. Hindi mapaghihiwalay to!? Bigla naman akong lumapit sakanila.

"Justine, Bat ayaw mo pang maligo sa dagat sumama ka sakanila o " sabi ko,

"Babantayan ko muna si trisha dito, bat ikaw dika pa sumunod sa kanila?" balik nyang tanong sakin.

"Nag aayos pa kasi ako ng pagkain, Sige maligo kana dun ako nalang mag babantay kay trisha"sabi ko, at tumingin sya kay trisha at nag nod lang naman si trisha at umalis na si justine, at kami nalang natira dito ni trisha tumabi naman muna ako sakanya at nagtanong ng

"Bat ka ba nagpaulan? Dapat tumawag ka sami... Ay oo nga pala, tst! Bigay mo nga number mo sakin tapos ibibigay ko yung number ko sayo para kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako" sabi ko at kinuha ko yung phone ko at ganun din sya, binigay ko naman yung number ko at ganun din sya, pagkatapos naming ibigay ang number namin sa isat isa ng bigla nya akong niyakap.

"Salamat xander" Sabi nya habang yakap ako, Bat ganto agad nararamdaman ko may iba? Na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko,

"Ok lang trisha, Ahm.. Tara punta tayo dun" yaya ko sakanya, para naman makapag lakad lakad kami.

"Pero walang magbabantay" tanong nya.

"Ok lang yan, walang aso o walang magnanakaw dito sa beach nato dont worry, so tara?" yaya ko ulit sakanya, nag nog naman sya at ngumiti inalalayan ko naman sya sa pagbaba at hinawakan yung kamay nya, at naglalakad lakad kami.

--

Habang naglalakad kami at habang magkahawak kami ng kamay, si trisha kanina pa nakayuko ano kaya meron? Umistop muna ako sa paglalakad kaya bigla sya napa stop at tuminging sakin.

"Bakit?" tanong nya, malayo layo narin pala kami sa cottage namin.

"Bat ka kasi naka yuko? Bakit ayaw mong ipakita yang muka mo sa mga tao? " tanong ko sakanya, at yumuko nanaman sya.

"Kasi ganto na nga katawan ko ganto pa yung muka ko, kaya kahit muka ko na lang ang itago ko kasi ang katawan hindi kayan---" tigil nya ng bigla ko syang niyakap.

"Ayan kananaman! (hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya) Ako na ang magsasabi sayo, wag mong ikahiya yang muka mo kasi nga maganda ka hindi ka pangit! Saka yang katawan mo wala na silang paki alam dun dahil ingit sila kasi ikaw malusog at sila hindi, tst! Basta! Saka pwede ba trisha sana naman ipakita mo sakin na masaya ka kapag kasama mo ko!" sabi ko, at ikinagulat naman ni trisha yun, hayshhh.. Di ko na alam kung ano pinagsasabi ko,

"Sorry, Wag ka mag alala masaya naman ako kapag kasama kita eh kapaga kasama ko kayong lima" sabi nya at sabay ngiti at niyakap ako, niyakao ko naman sya ng mahigpit, Di ko na alam kung ano ang nasa isip ko pero bala na.. Tumingin naman ako sakanya at hinawakan ko yung magkabilat kanan nyang pisngi at dahan dahan kong nilapit yung muka ko sa kanya, bigla naman syang pumikit at ididikit ko na sana yung labi ko sa labi nya ng biglang may sumigaw.

"Trisha!! Ano ginagawa nyo!!?" Justine, at sabay lapit samin tst!! Konti nalang eh, bigla namang hinawakan ni justine si trisha at hinila ito palapit sakanya.

"Xander! Ano ginagawa mo?" Justine, nakayuko lang naman si trisha

"Ha? Wala may ibubulong lang naman ako sakanya eh tapos bigla kang sumigaw kaya di ko natuloy yung sasabihin ko, saka bat kaba andito?" Tanong ko sakanya

"Malamang baka ano pa mangyari kay trisha, kitang may sakit sya tapos papagudin mo! Tara na at kakain na tayo" Justine, aalis na sana sila ng biglang nagsalita si trisha.

"Pero ok lang sakin justine na maglakad lakad, Saka dinaman ako napapagod eh" Trisha at tumingin sakin.

"Trisha, iniingatan lang kita kasi baka mabinat ka diba?" Justine at inakbayan si trisha at umalis na sila, Hmm.. Sumunod nalang naman ako sakanila.

--

TRISHA'S POV

Andito na kami nila xander sa cottage, naka handa na yung mga pagkain pero bat ganto ayaw kong kumain, wala akong ganang kumain ngayon umupo naman na kami at si stella na nakatingin sakin.

"Trisha, Kain kana muna oh" James at binigay sakin yung isang plato na may kanin na marami at dalawang chicken,

"James, sorry pero di ako nagugutom eh" sabi ko at binalik sakanya yung plato,

"Pero kailangan mong kumain, Para gumaling ka na agad" Alalang sabi nya.

"Ano kaba ok lang" sabi ko,

"Sabi mo eh" sabi nya at sya nalang ang kumain ng pagkain ko, kinuha ko naman yung phone ko at nangalkal lang ng mga kung ano ano.

"Trisha, wag ka muna tututok sa phone mo baka mabinat ka" Pag bawal ng doctor ko si justine po. Nag sorry nalang naman ako tumingin nalang muna sa mga ibang cottage, at tumayo naman ako at aalis sana ng biglang nagsalita si justine.

"San ka pupunta? Kumain kana dito" Sabi nya.

"Wala akong ganang kumain eh, sihe kain kalang dyan dyan lang ako" sabi ko, nag nod naman sya at umalis ako at umupo muna sa pahabang duyan ng biglang may lumapit sakin at si xander yun, Hindi ko parin alam kung bat nya ginagawa sakin yung kanina. Tst!

"Sorry kanina ha" sabi nya at tumabi sakin

"Hindi ka kumain?" tanong ko sakanya.

"Oo, wala rin akong gana eh, May tanong ako sayo di mo ba napapansin yung mga galaw ni justine sayo, i mean yung mga pinapakita nya sayo?" tanong nya, ha? Anong meron?

"Wala naman bakit? May kapansin pansin ba sa kinikilos nya sakin?" Tanong ko sakanya.

"Oo meron, Kagaya ng masyadong boyfriend ang dating, I mean para kanyang girlfriend kung ituring" sabi nya,

"Hindi konparin gets, kasi ang alam ko lang masyado syang protective sakin yung ganon, Bakit may mali ba dun?" tanong ko ulit sakanya, umiling lang naman sya.

"Pero trisha, Kung saka sakaling ligawan ka nya sasagutin mo ba?" Tanong nya.

"Di ko alam kung bat mo yan tinatanong, pero kung ako ang tatanungin hindi ko alam ang sasagot ko, dahil ang turing ko kasi sakanya is kuya, friend ganon, Teka bat mo ba naitanong?" Ako naman ang nagtanong.

"Wala lang trisha,Ayaw mo bang mag swimming?" Tanong nya, umiling lang naman ako.

"Bakit?" xander.

"Dahil na troma na ko sa dagat" sabi ko.

"Ha? Bakit ano ba nang yari bat ka natroma sa dagat?" Xander, At kwinento ko naman sakanya kung bakit ako takot sA dagat.

----

"Ganon ba? Wag ka mag alala ako naman kasama mo eh hindi ka mapapahamak, tara ligo tayo" Yaya nya at hinawakan ako sakamay, ngumiti nalang naman ako at tumayo na kami and pumunta sa dagat, Nasa buhangin lang naman kami ni xander.

"Ok lang yan, ako bahala sayo trust me" Xander, magkahawak parin naman ang kamay namin, at umapak na kami sa tubig habang naglalakad na kami, Hanggang bewang lang naman kami, Nakatingin lang naman ako kay xander at ganon din sya sakin habang nakangiti sa isat isa.

"Ano nawala ba takot mo?" Xander,

"Oo salamat h---"

"Magkasama pala kayo ulit" Justine at lumapit samin.

"Ikaw pala pre" sabi ni xander at sabay ngiti, naka poker face lang naman si justine at tumingin sa kamay namin.

"May namamagitan ba sainyo pre?" biglang tanong nya kay xander.

"Wala, Inaalalayan ko lang sya" sabi ni xander at ngumiti,

"kumain kana dun, Ako na bahala kay trisha" Justine at hinawakan ako sa kabialang kamay ko, hindi parin naman bumitaw si xander

"Bumitaw kana pre" sabi ni justine kay xander pero hindi parin sya bumitaw.

"Pre, ok lang di ako nagugutom" Xander, hmm.. Ang gulo nila

"Hayy... Nako ano ba pinag aano nyo dyan, sige aahon nalang ako at mag usap kayo dyan" sabi ko at bumitaw sakanila, aahon na sana ako ng bigla silang nagsalitang sabay.

" Wait!" sabay nilang sabi di ko nalang sila pinansin at umahon na at pumunta sa tatlo.

"Stella" tawag ko sakanya tumingin naman sya at lumapit sakin

"Ok ka naba?" tanong nya

"Konti" sabi ko, masakit parin kasi katawan ko at ulo ko eh.

"Alam mo, May napapansin ako sa dalawa kanina pa" Sabi ni stella.

"Ha? Ano naman yun?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa pinag upuan namin ni xander sa pahabang duyan.

"Kasi eh, Parang may iba sa kinikilos ni justine parang iba yung pinapakita nya sayo? Tapos si xander naman parang may something na gustong sabihin sayo?" Stella, bat ganon pati sya may napansin din kay justine?

"Alam mo stella, yung napansin mo kay justine? Ganyan din yung sinabi sakin ni xander" sabi ko sakanya.

"I told you? Hmm.. Ikaw na friend haha.." Stella sabay tawa.

"Loko ka!" sabi ko sakanya at ngumiti, tumingin naman ako sa dalawa na nasa dagat na nag kukwentuhan lang naman,

"Alam mo trisha,Masaya ako para sayo kasi kahit konti nagiging masaya kana basta tandaan mo andito lang kaming lima para sayo, Saka masisigurado ko na magiging safe ka sa dalawang yun palanag o (turo sa dalawa na nasa dagat) safe na safe kana" sabi nya at ngumiti.

"Hay.. Nako kahit wala naman silang dalawa. Safe parin ako eh kasi andyan ka andyan pa yung dalawa ehehehe... " Sabi ko at tumawa, tumawa naman din sya

"Ang saya ah, sali kami" james, at umupo sa tabi ko si kason namam tumabi kay stella.

"Sali? Kwentuhan pang babae to eh tapos sasali kayo?" Stella.

"Edi ibahin natin, ah.. Tama laro nalang tayo" James, nag yes naman si stella and me narin pala, si jason nalang naman.

"Huy! Kanina kapa tahimik dyan ha?" sabi ko at tumingin naman sya sakin at tumayo sya, at ikinagulat naman naming tatlo yung pagluhod nya sa harap ko.

"Huy! Ano gagawin mo?" tanong ko,bigla naman nyang hinawakan yung kamay ko.

"ahm.. Sana mapatawad mo na ako" Jason, teka hala seryoso na nga sya

"Ano kaba o--" tigil ko nang biglang may nagsalita.


"Ano yan!?" Sabay nilang tanong (Justine,Xander) napatingin naman kami ni jason habang naglalakad sila papunta samin.

"Ha? Wa...wala wala, kasi si jason eh!"sabi ko pero si jason di parin tumatayo at eto nakaluhod parin

"Huy! Tumayo kana nga dyan!" sigaw ko sakanya,

"Tatayo ako if ok na, i mean ok na tayo?" Jason

" Diba sabi ko ok na tayo!? Kaya tumayo kana dyan" sabi ko, tumayo naman sya with smile,


"Salamat" jason

"Tara lakad lakad tayo"Jason,


"Wag na aalis narin tayo maya maya kaya wagna kayo umalis!"Masungit na sabi ni justine

"Oo wagna kayo umalis, Saka mamaya aalis kami ni trisha" ha? San naman kami pupunta nito?

"san tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta" sabi nya, tst!

"I told you, aamin yan mamaya" biglang bulong ni stella


"Ano ba sinasabi mo?" tanong ko sakanya, pero di sya sumagot at tumingin kay james.

"Tara na nga alis na tayo" Yaya ni james, tumayo naman na kami at pumunta sa cottege at nag ayos na ng gamit.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 493 32
Sabi nila masaya daw ang magkagusto ka sa bestfriend mo.eh paano kung ang maranasan ni yerin dito ay Hindi masaya kundi masakit. tuklasan natin ang k...
32.9K 266 40
Ano nga ba? ang kahulugan ng pag ibig kung salat sa pera at kulang hirap sa buhay kaya mo bang isuko ang dignidad para sa kaginhawaan ng buhay
191 5 12
Ang babaeng di masyadong kagandahan pero maraming humahabol sakanya.At ilang beses na ring nasaktan ang PUSO.Pero sa kabila ng kanyang mga pinagdaana...
84 23 30
Totoo ba ang love? Para kasi kay fia ang love eh para lng sa family pero pano kung dumating ang araw na magmahal siya magiging masaya kaya siya o pur...
Wattpad App - Unlock exclusive features