Siga Ng Universe (Completed)

By MrAwesomeOne

176K 6.1K 4.6K

Kapag narinig mo ang salitang SIGA, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Maangas? Mayabang? Mahilig makipagbar... More

The Ultimate Prologue
Chapter 0. Intro
Chapter 1. Kinder Garden
Chapter 2. First Strike
Chapter 3. Change of Pace
Chapter 4. Siga in Training
Chapter 5. Bengbeng Era
Chapter 6. Enemy Zoned
Chapter 7. Enemy Zoned Part 2
Chapter 8. Sa Kinang o Sa Puti
Part 1. Hell-ementary
Chapter 9. Not so Innocent Sheep
Chapter 10. Wasak
Chapter 11. The Black Damsel
Chapter 12. Sophomore Slump
Chapter 13. Tamis ng Unang Halik
Chapter 14. The Plight of Archeebal
Chapter 15. Commander in Chief
Chapter 16. Power Struggle
Chapter 17. Power Struggle Part 2
Part 2. Sheep Years
Chapter 18. "This is Why I'm Hot"
Chapter 19. Tropang Kamao
Chapter 20. Four Corners
Chapter 21. The Greater Scheme
Chapter 22. The Greater Scheme Part 2
Chapter 23. The Unrefusable Offer
Chapter 24. Dissension Among Fists
Chapter 25. Glimpse into the Future
Chapter 26. Change of Heart
Part 3. Unstable Concoction
Chapter 27. High Status
Chapter 28. Hi! My Name is...
Chapter 29. The Return of the Comeback
Chapter 30. Drunk Confession
Chapter 31. The Hangover
Chapter 32. The Girl with the Hello Kitty Tattoo
Chapter 33. Red Flag
Chapter 34. Red Letter Day
Chapter 35. Red Moon
Part 4. Requiem of Archeebal
Chapter 36. Side B (Red Moon V. 2)
Chapter 37. Flashback Drive-day
Chapter 38. Recovery
Chapter 39. Lucky Charm
Chapter 40. One Last Push
Chapter 41. Face Off
Chapter 42. Mr. Steal Yo Girl!
Chapter 43. A v.s. B
Chapter 44. A v.s. B Part 2
Chapter 45. Breaking Bonds
Part 5. The Awesome & Invincible Connection
Chapter 46. Playing Hero
Chapter 47. Red Tapes and Syndicates
Chapter 48. Siga Mode On
Chapter 49. Siga in Training Version 2.0
Chapter 50. Party Crashers
Chapter 51. Lost and Found
Chapter 52. The Secrets of the Sigaverse
Chapter 53. Clash of the Sigas
Wakas (Heroic Epilogue)
Wakas: Alternate (Villanous Epilogue)
Special Chapter 1. Guess who's back?
Special Chapter 2. Insanity Inhumanity
Special Chapter 3. Four of a Kind
Special Chapter 4. Into Oblivion
Special Chapter 5. Red Hot
Special Chapter 6. Oraculous Vision
Hints, Facts and Easter Eggs

Last Chapter. The Ultimate Siga Lord

1.1K 46 82
By MrAwesomeOne

SIGA!

Hindi makapaniwala ang bida sa kanyang nasaksihan. Pinatikim ni Juniper ng Pektus sa Ngala Ngala ang dating kasintahan nitong si Yuben.

Natulala na lamang sya sa ipinamalas ng dalaga. Sa pagkakaalam nya kasi'y wala pang babaeng Siga.

At ang mga susunod na pangyayari'y napakabilis. Ang tanging nagawa ng bida'y tumunganga.

Kinalabit ni Jobs ang gatilyo ng kanyang baril at itinutok sa ulo ni Yuben.

"BANG!"

Bullseye. Bumaon ang bala sa noo ng hindi makakibong binata. Bago pa man bumulagta ang walang kabuhay buhay na katawan ay sinapo ng dalaga ang katawan ng dating kasintahan at itinulak papasok ng naka bukas na screen portal patungo sa kawalan.

At pagsarado'y hinambalos ni Jobs ang screen, nabasag na parang salamin.

Ginawa lahat ito ng tambalang J&sa kanyang harapan. Hindi alam ang gagawin o magiging reaksyon.

Bago pa man sya makakibo'y inubos na ng pinuno ng Talaba Boys ang natitirang bala nya sa katawan ng bida.

"BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!"

Limang bala na bumaon sa katawan ni Arch.

Isang bala sa kanyang kanang baga.

Isang bala sa kanyang atay.

Isang bala sa kanyang lapay.

Isang bala sa kanyang bituka.

At isang bala sa kanyang puso.

Nararamdaman nya ang nakakapamilipit na init at hapdi ng bala na tumutusok sa kanyang laman loob. Tila isang nagliliyab na piraso ng bakal na pumupunit sa kanyang mga kalamnan.

Dahan dahan syang napaatras palabas ng Control Center, lumagpak sa bukana ng Luntiang Pasilyo; nakatitig sa umiikot ikot na black hole na nagsisilbing kisame ng mahiwagang gusaling ito.

At kahit nakabulagta na ay nawindang pa din sya sa bilis ng mga pangyayari. Hindi nya inaakalang sa ganitong paraan sya mamamatay-

Binaril ng isang Siga. Sa gitna ng kawalan. Malayo sa mga mahal nya sa buhay.

Kinakapos na sya ng hininga. Nangangasim ang tiyan. Nalalasahan ang kakaibang pait sa kanyang lalamunan. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. Halo halong reaksyon ng mga nasapul na laman loob; isang orchestra ng paghihingalo, panghihina sa nagbabadyang kamatayan. Dumidilim na din ang kanyang paningin.

Nang may mapansin syang kumakalampag na mga yabag papalapit sa kanyang pwesto. Naaninag nya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mentor.

"Arch?! What happened?! i heard gunshots!" Paliwanag ni Mr. G habang tinitignan kung ang bida nga ba ang nabaril.

Nanghihina na ang binata. Hindi nya kayang sumagot pa ng maayos. "Sir... Just. Run..."

Napakunot na lang ng noo ang matanda. Hindi pa din maintindihan ang ginagawa ni Arch sa sahig. "Arch! Did Jobs shoot you? Where?!"

At kinapa ng bida ang kanyang gunshot wounds; ngunit wala syang naramdamang mainit na dugong bumubulwak dito. Nasalat nya lamang ang butas sa suot nyang itim na kamiseta at butas sa kanyang katawan.

Nagtataka sya sa mga nangyari.

"Did I really get shot?" Tanong nya sa kanyang sarili.

Ang matanda naman ay hindi rin nakakibo sa tanong ng binata. Nakikita nya sa dalawa nyang mga mata ang mga sugat sa katawan nito. Nakakamangha na wala ni isang patak ng dugo ang tumatagas dito.

Maya maya pa'y tumalsik ang mga bala palabas ng kanyang katawan. Akala mo'y cork sa bagong bukas na champagne.

Muli nyang naramdaman ang hapdi ng mga natamong sugat. Ngunit matapos ang ilang saglit ay napawi na ito. Naghilom ang mga tama ng bala at naglaho ang mga butas sa isang iglap.

"Did you just..." Hindi makapaniwalang tanong ng bida sa professor.

"...see that?" Sa sobrang mangha ay ang matanda na mismo ang tumapos sa kanyang katanungan.

At naalala ni Arch ang entrada sa kanya ng matanda. Na ang lugar na ito'y mayroong mga sariling batas at phenomena na hindi ayon sa batas ng daigdig at kalawakan.

Ito'y isang dimension kung saan ang lahat ng bagay ay possible. At nakaisip ng paraan ang bida kung paano magagapi ang kalaban.. ONCE AND FOR ALL.

And this time, It's true.

IT'S DAMN TRUE

**********

Tumungo sya sa Kulay Tina na Pasilyo, pabalik sa kwartong naglalaman ng Holographic Image ng Agis Rock.

Bumalik syang muli dito upang mabawi ang kanyang Siga Powers, umaasang susuportahan sya ng mga taong hihingan nya ng tulong.

"SILENT READERS! FOLLOWERS! SOLID SUPPORTERS! Kindly lend me some of your powers! I must defeat Jobs! Or else he's gonna take over the world!" Pagsusumamo ng bida sa lahat ng sumubaybay sa kanyang Adventures.

Sa mga taong nag-abang ng updates, humabol ng pagbabasa, mga bumoto kahit hindi nagbabasa, mga hindi nagkokomento o bumoboto kahit aliw na aliw na sa kanilang mga nabasa at mga taong wala talagang pakialam at naligaw lang sa pahinang ito.

"Just put your right hand in front of the screen and believe in me! Trust me guys. This is for a greater cause!" Pagpapatuloy nya ng litanya. Sa lahat kasi ng fourth wall breaking ng bida ay ito na siguro ang monumental dahil nanghihingi na sya ng readers' participation.

Ngunit dahil matigas ang ulo at hindi uto-uto ang mga mambabasa ng may-akda ay hindi nila sinunod ang hiling ng bida. Patuloy lamang sila sa pagbabasa na akala mo'y nagbibiro si Arch.

Naiinis na ang bida. Nauubos na kasi ang kanyang oras. Kaya't sinubukan nya pang muling manghingi ng tulong sa kanyang mga tagasubaybay.

"PLEASE! I humbly ask for your cooperation! Simply put your right hand in front of the screen and lend me some of you powers! The earth is at the brink of destruction!" Sambit nya sa magaganda at nagpopogiang readers nya. Napakatalino pa nila at awesome dahil binigyan nila ng pagkakataong basahin ang mahaba daw na nobelang ito.

Pero hindi pa din nila ginawa ang simpleng hiling ng bida. Patuloy lang sila sa pagbabasa. Tila naiinip kung gaano pa katagal bago matapos ang eksenang ito.

Nag-alburoto na si Archeebal. Kung may naglapat man ng kanilang mga kamay sa screen ay hindi sapat ang kapangyarihang ito. Kailangan nya kasing maramdaman ang suporta ng lahat ng naaliw daw at sumusubaybay daw sa kanyang adventures.

"WAG NA KAYONG BASAG TRIP PLEASE?! ANG AGA AGA GINAGALIT NYO KO EH! MAKISAKAY NA LANG KASI KAYO SA TRIP DIBA?! HAHAWAKAN NYO LANG YUNG SCREEN PLEASE LANG!" Makaputol litid na pananagalog nya. Nabadtrip na sya ng tuluyan sa mga readers.

Gusto na nyang i-boycott ang kwentong ito at bumida na lamang sa isang romantic story o kaya'y chick flick dahil ito ang benta sa mga kabataang Pilipino.

"ANG HINDI HUMAWAK SA SCREEN AY HINDI MAGKAKA-LOVE LIFE! MAGIGING FOREVER ALONE! Dagdag nya pa.

AT SA WAKAS!

Nagliwanag ang paligid ng binata at nakaramdam sya ng kakaibang Pwersang pumapasok sa kanyang katawan. Tila ba lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa may-akda ay napilitan na lamang humawak sa screen! Ang hindi man sumakay sa trip ng bida ay magkakaroon ng pigsa sa pwet at hindi makikilala ang kanilang The One!

Napa-levitate si Arch sa kakaibang lakas na ipinataw ng kanyang mga avid readers at sa pangatlong pagkakataon ay Siga na syang muli.

************

SUGOD!

Nagmamadaling sumugod si Arch pabalik ng Kulay Luntiang Pasilyo, tatapusin na ang kalokohan nila Jobs at Juniper na pagsakop sa mundo. At pagpasok nya sa Control Center ay-

"What?! New York?! I still wanna go there! Pick some place else!" pagbubunganga ni Juniper sa nakabusangot na si Jobs. Tila ba hindi sya natutuwa sa nakakarinding boses ng binibini.

"Eh saan mo gusto!? Time's running out!" Napipikon na sagot ng binata. Hindi kasi makapagdecide ang dalaga kung ano ang unang syudad o land mark nilang i-teterrorize.

"Ahhh. So minamadali mo ko ha?! Tsaka ba't ang angas mo ha?! Hindi porket you're a Siga Lord, you can treat me like this! Mind you, I'm still your girlfriend Mr. Joevito Lapuz!" Gatong ng dalaga. Nakapamewang na sya at tinataasan ng kilay ang aniya bago nyang kasintahan.

Gusto pa sanang panoorin ng bida ang petty tampuhan ng dalawang love birds ngunit ayaw na nyang patagalin pa ang mga bagay bagay. Kinuha nya ang atensyon ng binata at ipinagpatuloy na ang kanyang agenda.

"Ehem." Pagkuha ng atensyon nya sa mga ito. Masyado na kasing ubos oras ang dramahan nina Jobs at Juniper.

Napatigil naman sila sa kanilang walang kakwenta kwentang talakan at ibinaling ang atensyon kay Arch. Hindi sila makapaniwalang nakakatayo pa ito ng maayos at tila may lakas pa upang lumaban.

"Archeebal!? Buhay ka pa?!" Nanlaki ang mata ng binata. Napalingon na lamang din ang dalaga at napatulala.

"Of course. You can't kill me that easy." Pagyayabang ng bida. Alam nyang magagapi na nya ang katunggali. Sobrang kampante nya dahil ang mga super awesome nyang mga mambabasa ang nagsalin ng kanyang panibagong Pwersa.

Nagpintig ang tenga ni Jobs. Kailangan nyang humugot ng kabrutalan na hindi nya pa nagagawa. Pinatunog nya ang kanyang mga kamao at agad na sinugod ang bida.

"JUST DIE ARCH! DIE!" Sunod sunod na suntok at sapak ang pinakawalan ng binata.

Ngunit sa sobrang awesome ni Arch ay tila slow mo ang bawat pagbira ng kalaban. Naiiwasan nya lahat, ni isa'y walang tumama sa kanya.

At dahil sa inip ay binigyan na nya ng isang solidong sapak si Jobs, diretso sa maamong panga nito.

"PAAAKK!"

Napa-180 degrees ang katawan nito sa lakas ng impact. Bumulagta ang binata sa madamong sahig ng Control Center.

Wala pa ding kibo ang dalaga. Nakatanga sa kanyang kinatatayuan.

Nanginginig nginig na bumangon si Jobs. Nahihiya sa kanyang kasintahan na napabulagta sya ni Arch; na sa pagkakaalam nya'y tinanggalan na nya ng Pwersa.

"Arch. Pagod na ako sayo. Tatapusin na kita..." Sambit ng binata nang makatindig na sya ng matuwid. Hinimas nya ang suot na quasar detonator bracelet at inaasahang magliliwanag ito.

At nang lumabas na ang ilaw dito'y inipon nyang muli ang Pwersa sa kanyang kanang kamay; handang pakawalan ang pinakasagradong Technique na alam nya.

Lumutang si Jobs sa kanyang kinatatayuan at inatake nya si Arch ng-

"PEKTUS SA NGALA NGALA!"

Ngunit bago pa man tumama sa kanya ang atake ng binata ay ginawa nya ang hindi inaasahan.

Naagapan nya ang braso ni Jobs, hinawakan ito sa pulso at napigilan nya ang nagliliwanag na pektus nito.

For the first time ever sa history of mankind ay mayroong henyong nakaisip na pigilan ito. At si Arch iyon.

Lalong nawindang ang binata. Wala pa kasing nakakagawa nito sa buong kasaysayan.

"Paano mo nagawa to?!" Hindi makapaniwalang tanong nya sa bida. Ibang kalakasan at Pwersa kasi ang ipinapamalas ni Arch sa pagkakataong ito.

Nangisi na lamang sya at sinabing- "BECAUSE THIS IS MY STORY! AKO ANG BIDA DITO!"

At isinalaksak nya ang kanang kamay ni Jobs sa sarili nitong ngala ngala.

"ACK! ACK!" Nanlalaki ang mga mata ng binata sa sindak. Nararamdaman nya ang kakaibang sakit at liwanag na kumakalat sa kanyang katawan. Hindi nya makontrol ang sarili nyang paggalaw.

Napaatras na lamang si Jobs hanggang matamaan ang isang screen portal; patungo sa isang portal na wala sa earth. 

Nahulog ang nangingisay at nagliliwanag nyang katawan papasok dito. Bumulusok pababa sa kawalan.

Nasaksihan lahat ito ni Juniper. Nakakibo na sya kung kailan huli na ang lahat.

Mangiyak ngiyak nyang sinugod ang dating kaibigan, nanggagalaiti dahil sa ginawa nito sa kanyang kasintahan.

"I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU ARCH! AAAARRRHHH!" Pinaghahahampas ang dibdib ng binata.

Pinapabayaan na lamang nya ang pagwawala ng dalaga, wala kasi syang nais patulan ito. At hindi naman sya nasasaktan sa mga hambalos nito.

Inismidan nya lang ang dati nyang kaibigan at sumagot ng pabalang. "So what're you gonna do? You're gonna kill me? You're gonna plot some sinister revenge against me?"

"OO! I'd kill you and your whole clan! Magbabayad ka Archeebal! Aaaarrrhhhh!" Patuloy lamang sya sa pagpapaulan ng mga palo at sampal.

Ngunit nakaisip ng magandang pambawi ang bida bilang kabayaran sa mga kalapastanganang ginawa ng babaeng ito sa kanya.

"What? How? You're gonna ask the Stinger Corp to get back on me? Good luck with that!" Sambit nito habang naghahanap ng screen portal na malayo sa kabihasnan at Manila.

"Oo! Babalikan ka ng lahat ng Siga! They'd Pektus your ngala ngala like crazy!" Mangiyak ngiyak na panggigigil nito sa binata. Halos mamula na ang kanyang mga palad sa kabi-kabilang paghambalos nya dito.

At nahagip ng mga mata ni Arch ang isa sa mga historical na landmarks ng kanyang bansa, malayo sa kanilang syudad. "Hahah! Have it your way besty. Good luck finding some Stingers in Mount Samat!"

Binuksan ng bida ang screen portal patungo ng Mount Samat kung saan matatanaw ang Dambana ng Kagitingan.

"I'll tell them everything! I'll tell them the secrets of this place and kill you! I'LL KILL YOU ARCH!" Huling litanya ng dalaga bago nya ito itulak papasok sa dimensional portal patungo ng Bataan.

Sa pagkakataong ito'y nakaramdam na ng kakaibang kasiguraduhan ang bidang magiging maayos na ang lahat. At hindi na sya gagambalain pa nila Jobs at Juniper kailanman.

Naglakad na sya palabas ng Control Center, hahanapin ang matanda para yayaing bumalik na ng daigdig.

**********

HANAP!

Paglabas ni Arch ng Luntiang pasilyo ay may nakatayong naka-itim at pula na balabal sa gitna ng kastilyo, akala mo ba'y hinihintay ang kanyang pagdating.

"Ikaw siguro ang nagwagi." Napakalamig na pambungad nito. May kataasan ang boses ng misteryosong nilalang na ito. Hindi din maaninag ng bida ang mukha nito dulot ng hoodie na nakasaklob sa kanyang ulo. Tanging maaaninag ang pulang pula na labi nito at ang hindi ordinaryong kaputian ng kanyang balat. Agaw pansin din ang nakasukbit na pulang rosas sa kanang bulsa ng kanyang magician's gown.

"And you are?" Maingat na tanong ni Arch. Tinatantya kung kakampi ba ito o kalaban.

At bago pa man makasagot ang dark, brooding figure na ito'y lumabas na si Mr. G mula sa Library. Nagagalak sa presensya ng bida at ng nilalang na sumulpot mula sa kung saan.

"Hey! It's you!" Pagbati nito sa tila salamangkerong bumati kay Arch.

"Arch! This is the one I'm talking about!" Pagbaling nyang muli sa bida.

"Paumanhin ginoo kung hindi ako nakapagpakilala noon. Ako nga pala si Arevir. Isang Maesrah." Yumukong paggalang nito sa dalawa. Nakabukas ang magkabilang kamay sa napaka-elegante nitong pag-bow.

"Responsibilidad kong panatiliing nasa ayos ang buong daigdig. At dahil nagapi mo na ang iyong mga katunggali'y kailangan na kitang ihirang bilang Ultimate Siga Lord." Pagpapatuloy pa nito.

Hindi naman alam ni Arch kung ano ang isasagot. Nag-bow na lamang din sya pabalik at hinintay ang tagubilin nito.

"Kung maaari'y sumunod ka sa akin." Yinaya nya papasok si Arch sa Pulang Pasilyo, kung saan matatagpuan ang kakaibang bugtong.

Sumunod na lamang sila dito at namangha sa kanilang nasaksihan.

Ang dating itim na pader sa loob ng kwartong ito'y naglaho na. Tanging makikita ang lumulutang na Black Leather Jacket, Shades at Crown sa gitna ng kwartong ito.

Ipinaliwanag ni Arevir ang propesiya ng kwartong ito.

"WHEN THE KING OF THE SKY AND IT'S MISTRESS COLLIDE, THE GATES SHALL OPEN."

"Ang Hari ay ang Araw, Ang kalaguyo nito'y ang Buwan. Nagtatagpo lamang sila tuwing Eclipse. At tuwing Eclipse sa Sigaverse ay nagbubukas ang mga lagusan patungo ng ibang dimension at daigdig."

"WHEN THE BEST COMBATS, THE CEILING SHALL OPEN."

"Sa bawat pagkakataong magkakaharap ang mga Siga'y maghuhudyat ito ng isang dwelo. At magsisimulang bumukas ang kalangitan at umulan ng mga dyamante."

"AND WHEN EVERYONE ELSE FALTERS, THE WALLS SHALL OPEN."

"At sa pagkakataong mayroon nang nagwagi ay magbubukas ang pader sa kwartong ito."

"For One shall be the Strongest, For One shall be the Fastest, For One shall be the Greatest."

"At dahil ikaw ang nagwagi ay ikaw ang nararapat. Ikaw ang pinakamalakas. Ikaw ang pinakamabilis. At ikaw ang pinakadakila..."

"The Last One Standing."

"Ikaw ang Pinaka sa Pinaka..."

"ANG SIGA NG UNIVERSE"

Continue Reading

You'll Also Like

447 0 13
Darating ang KALIBATA. Isang salitang kinatatakutan sa bawat henerasyon. Isang salitang nangangahulugang sakuna. Wakas. Pagguho ng lahat. At ngayon...
2.7K 237 22
Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal sa buhay? Alam mo ba kung gaano kasakit sa pakiramdam na sa isang iglap lang ay nawala ang mga taong malapi...
479 26 27
Csea-a cute, smart, and always curious resident of planet X under an advanced civilization made an unexpected travel through outerspace. A moment whe...
73.1K 1.3K 51
You don’t start your day knowing what you're going to end up doing the next day. No one holds the future. Even if you have a completely different out...
Wattpad App - Unlock exclusive features