Kabanata 14
Help to impress
"Nakakahiya naman, Fantasia. Hindi mo na ako kailangang tulungan." ani Divine habang narito kami sa kusina nila at kasalukuyan kong binabanlawan ang mga nahugasan ng pinggan ni Divine.
"I insist."
"Baka masira ang nail polish mo." Divine said with worried face.
"It's okay. Pwede naman akong magpa-linis ng kuko ulit. I really want to try washing dishes."
Nakangiting itinapat ko ang plato sa gripo at saka dahan-dahan kong tinanggal ang sabon sa pinggang babasagin. Ang dulas ng plato dahil sa sabon kaya medyo kinakabahan ako.
"So, first time mong maghugas ng pinggan?" hindi makapaniwalang tanong ni Divine.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya.
"Mas lalo tuloy akong nahiya."
"Isipin mo na lang na nakatulong ka sa isang babaeng anak mayaman na gustong makaexperience ng mga gawaing bahay."
"Nakakahiya talaga. Siya nga pala, Fantasia. Bakit masyadong tahimik ang kaibigan mong si Clark?"
"Nangingilala lang iyon."
"At hindi niya rin naubos ang pagkain niya. Hindi siguro niya nagustuhan."
"Ang sarap kaya ng luto mo. Walang halong bola. Baka masama lang ang pakiramdam ni Clark. Wag mo na siyang pansinin."
Napalingon ako sa sala kung saan tinutulungan ni Elf si Draveson na buohin ang racetrack nito na sa pagkakaalam ko ay regalo ni Clark. Speaking of Clark, nakatutok lang ito sa cellphone niya, naka-dekwatro at mukhang naglalaro ng game o nanonood ng kung ano dahil pa-horizontal ang hawak niya rito.
"You're such a nice girl, Fantasia."
"I am?"
Ngayon lang ako nakatanggap ng ganoong papuri sa isang taong hindi ako gaanong kilala. I feel flattered..
"Akala ko noong unang beses na nakita ko kayo ni Elf. Katulad ka rin ng mga naging babae niya. Matapobre at maarte."
"Maarte ako." sabay tawa ko.
"Parang hindi naman. Kaya ka nga siguro nagustuhan ni Elf dahil sa personality mong iyan."
Gusto kong humalakhak ng banggitin ni Divine ang salitang 'Nagustuhan' dahil alam ko ang totoo. Elf doesn't like me, napilitan lang siya pakisamahan ako at maging kunwaring boyfriend ko because of our deal. There's no emotional feeling involve.
"Si Elf kasi, napaka adventurous n'yan, walang kaarte-arte. Masarap siyang kasama, kaya lang...masyado siyang lapitin ng mga babae. He's a chics magnet." natatawang sabi pa ni Divine.
"That's true. Pero hindi naman natin siya masisi. He's gorgeous."
"Nakikita ko sa iyo na mahal na mahal mo siya."
Mahal? I don't know if I really love him. But I know I have a feelings for him. I like him so much, pero dumating na ba ako sa puntong mahal ko na siya? Oh my God. Wala pang ilang buwan isang buwan kaming magkakilala.
"Wag mo siyang hahayaang mawala sa iyo. Dahil bihira lang ang lalaking katulad niya."
Ang dami kong gustong itanong kay Divine pero walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
Nakikita ko ang pait sa mga mata ni Divine habang sinasabi niya sa akin ang mga iyon. She doesn't mean to say that. I know, I can feel it.
"Kilalang-kilala mo na talaga si Elf no? Gaano na kayo katagal na magkaibigan?"
"I met him when we were in college. Everybody loves him and his friends. Nabanggit niya ba sa iyo na heartthrob sila noon ng West Adrenea University? Half Blood Boys ang tawag sa grupo nila. They're all gorgeous and from a very wealthy family. Celebrity sila sa campus."
"Yeah I know about it." pero hindi naman namin napagkukwentuhan ni Elf 'yon.
"Hindi ko na matandaan kung paano kami naging malapit sa isat-isa. Basta ang matatandaan ko, parati niya akong ginugulat kasi bigla siyang lalapit sa akin at aalukin ako na kumain. Nasipa ko na nga 'yan dati kasi akala ko may masamang taong sumusunod sa akin habang pauwi ako ng bahay. Iyon pala ay sinusundan niya ako dahil nalaglag ko raw ang panyo ko."
Napangiti ako ng maimagine ko ang kwento ni Divine. "Ang cool mo pala, naninipa ka. Anong nangyari noong nasipa mo siya? Daplis o bulls- eye."
"Bulls-eye. Dumugo ang ilong niya tapos inaya at nagkapasa siya sa may cheekbone. Naawa ako sa kanya kaya dinala ko siya sa bahay para gamutin. Natakot din kasi ako. Ayoko naman dalhin sa ospital kasi wala naman kaming pera."
Should I open up their old flames? Halata ko kay Divine na iniiwasan niya iyon pero nararamdaman ko rin na gusto niyang magkwento tungkol doon.
"Iyong closeness namin ni Elf, dumating sa point na. Nabubully na ako sa school at pinagkakaisahan ng mga babaeng may gusto sa kanya. One time, wala akong mapagpwestuhan sa canteen kaya sa isa sa mga cubicle sa girls rest room nalang ako kumain."
"Grabe naman! Did you tell Elf about it?"
Umiling si Divine.
"Why not?"
"Ayoko lang na mapaaway si Elf. Ayokong masira ang reputation niya."
"Pero kung ipagtatanggol ka naman niya because of the bullies. Hindi masisira ang reputation niya."
"Ayoko ng gulo, Fantasia. Mas gusto ko na lang na manahimik. At saka plano ko na rin naman mag stop 'non kasi nagkasakit si tatay at hindi sapat ang kinikita ni nanay sa paglalabada. Kaya sa huli, huminto ako sa pag aaral para magtrabaho."
"Minsan ba, s-sumagi sa isip mo na....what if...what if naging kayo ni Elf?"
"Huh?" Nakita ko agad sa mukha ni Divine ang pagkagulat pero agad iyong napalitan ng alanganing tawa. "M-Magkaibigan lang kami."
"What if nga."
"That's imposible."
"Why?"
"Malayo ang estado ng buhay namin ni Elf." seryoso niyang sagot.
"And so? Elf doesn't care about the status, that's what I know."
"Can we not talk about it? He's your boyfriend at hindi tama na sagutin ko sa harap mo ang tanong na 'yan."
"Wala lang naman sa akin kung sasagutin mo ang tanong kong iyon. I will not talk about it if I don't want to."
"Basta. Kaibigan ang turing ko kay Elf at masaya ako na nakilala ko ang isang katulad niya. Fantasia, love him the way he loves you"
No. He loves you, Divine. He really loves you and he will do anything to get you, to make you fall in love with him.
Pagkatapos namin maghugas ni Divine ay lumabas kami ng bahay upang i-check si Elf at Clark na ngayon ay magkatulong ng binubuo ang race track ni Draveson. Matatapos na ang mga ito at ang daming batang nanonood sa kanila. Maliit iyong space sa loob nila Divine kaya sa labas na binuo ang race track..
"Ay putek! Dito ka lang palang animal ka." ani Clark matapos niyang ikabit ang kahuli-hulihang part ng race track.
"Tang'nang yan! Pinahirapan tayo." natatawang sabi naman ni Elf.
"Kuya, Elf. Bawal magmura. Masama yan."
"Ay sorry." ngingisi-ngising nagkamot ng ulo niya si Elf.
Mukhang nawala na ang tensyon sa pagitan ni Elf at Clark habang nagbubuo ng race track.
"Try it, Draveson." ani Elf sa kapatid ni Divine.
Agad naman pinaandar ni Draveson ang tamiya na hawak niya at saka inilapag iyon sa race track at malayang tumakbo ito roon.
Namangha ang mga bata habang dinadaanan ng tamiya ang kabuohan ng race track at 'nang makarating ito sa dulo ay nagpalakpakan pa ang mga ito.
"Son, patry naman." sabi ng isa sa mga batang naroon.
"Ako din, Son. Pahiram!"
"Tignan mo 'tong mga batang 'to. Kapag may bagong laruan ang kalaro nila. Ang babait at ang lakas ng loob manghiram ng laruan." ani Clark na nakatayo sa tabi ko at nakahalukipkip habang nakatingin kay Draveson na masayang naglalaro.
"Hayaan mo na bata e." sabi ko naman. "Gustong-gusto niya ang regalo mo."
"Of course. Magaling akong mamili."
Tinapik ko ang balikat ni Clark. "At least, ngayon may kalaro na si Draveson. Hindi na siya loner."
"Plastik naman ang mga kaibigan niya." ani Clark.
"Kamusta nga pala ang bonding niyo ni Elf?"
"Bonding?" anito at saka tinignan ako ng nakataas ang isang kilay.
"Nakita ko na nagkakasundo kayo sa pagbuo ng race track kanina."
"Psh. That's not a bonding. I still don't like him. Look at him, flirting again. He doesn't care about your feeling."
Napalingon ako sa gilid ko kung saan naroon si Elf katabi si Divine. Nagtatawanan ang dalawa at may pabulong bulong pa si Elf kay Divine.
Agad akong nag-iwas ng tingin at saka pumasok na muli sa loob ng bahay nila Divine. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Clark sa akin.
Pag-upo ko sa upuang kahoy nila Divine ay ilang beses akong huminga ng malalim upang pagaanin ang pakiramdam ko. Ang bigat kasi sa pakiramdam kapag nakikita ko na magkasama si Elf at Divine.
"Uwi na tayo." yaya ni Clark sa akin.
Ilang saglit lang ay pumasok na rin si Divine at Elf sa loob at sinamahan kami.
"You okay, Fantasia?" ani Elf na naabutan akong ipinapaypay ang mga kamay ko sa aking sarili.
Tumango naman ako at hilaw na ngumiti sa kanya.
"Her dad called. Pinauuwi na siya." pagsisinungaling ni Clark na hindi ko naman tinutulan.
"Kailangan na pala naming umuwi, Divine." paalam ni Elf.
"You can stay here. Ako nalang ang maghahatid kay Fantasia." sabi naman ni Clark.
"Ako ang nagpaalam sa daddy niya. Ako ang sumundo sa kanya sa bahay nila kaya ako ang maghahatid sa kanya. She's my responsibility, Clark."
Matalim ang mga tingin ni Clark kay Elf na seryoso namang nakatingin sa kanya habang umiigting ang mga panga nito. Ayan na naman sila sa mga tinginan nilang 'yan.
"Let's go." yaya ko kay Elf na hinawakan ko ang kamay at saka hinila palabas.
"Bye, Divine and thank you."
Paglabas namin ay nagpaalam na rin ako kay Draveson at muli siyang binati.
Wala akong imik habang tinatahak namin ni Elf ang daan patungo sa bahay. Kanina ay nakasunod pa ang kotse ni Clark sa amin pero dahil sinabihan ko na siyang umuwi na ay nag-iba na rin ng direksyon ang sasakyan nito.
"Are you okay? Kanina ka pa tahimik." ani Elf.
"I'm fine."
"Are you sure? You sounds not."
"Don't mind me."
"Come on, Fantasia. Tell me what's wrong? Pinagalitan ka ba ng daddy mo o may hindi ka ba nararamdamang maganda? Tell, me."
"Yah. I don't feel good."
"You want me to take you to the hospital?"
"No need. I just wanna get rest."
Huminto ang sasakyan ni Elf 'nang magpalit ang traffic light habang papatawid kami sa isang intersection.
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko 'nang maramdaman ko ang kanyang mainit, malaki at mabigat na palad sa ulo ko. He pats my head as if I'm a dog.
"What are you doing?"
"Huh? N-Nothing I just feel like doing it."
"I feel like I'm a dog."
Agad niyang inalis ang kamay niya sa ulo ko. "Sorry. I want to comfort you, but I don't know how."
Palagay ko ay bahagyang nagulo ang buhok ko pero hindi ko magawang magalit o magreklamo sa ginawa ni Elf. Ayoko ng ginagalaw ang buhok ko but what he did awhile ago is an exemption. He just want to comfort me and it's nice to hear.
Pagbaba ko ng kotse ni Elf ay inimbitahan ko pa siya na pumasok sa loob ng bahay na pinaunlakan naman niya. Gusto raw kasi niyang magpakita sa parents ko kahit saglit lang, para malaman nila na maayos niya akong naihatid.
Tulad ng inaasahan ko ay maagang nakauwi si daddy ngayon. Iyon din kasi ang sabi niya kanina bago siya magpunta ng munisipyo.
"Good evening, sir." bati ni Elf kay daddy na nanonood ng tv habang nakaupo at nakadekwatro sa sofa.
Lumingon si daddy na suot ang kanyang eyeglass.
"Good evening, Engineer Ong."
Agad ko namang nilapitan si daddy at hinalikan siya sa pisngi.
"How's the birthday party?" tanong ni dad sa akin. "By the way, have a sit, Engineer Ong."
"Thanks, sir but I have to go. Hinatid ko lang po talaga si Fantasia."
"Ganoon ba. Well, thank you for bringing her home safely."
"You're welcome, sir. Gotta go, Fantasia."
"Thank you and take care."
"I will." at saka naglakad si Elf palabas ng bahay.
Pag-alis ni Elf ay naglalambing naman akong tumabi kay daddy.
"Dad! Can I ask you a favor and I don't take no for it."
"What is it?"
"I have this friend. Masipag iyon, dala-dalawa ang trabaho but it's not enough for her family. Maliit lang ang sinusweldo niya sa mga trabaho niyang iyon. Hindi na siya nakatapos ng pag-aaral, maaga siyang namulat sa paghahanap buhay, her dad is a carpenter at mag-iisang buwan na sa cavite. Ang nanay naman niya ay naglalabada pero hindi araw-araw kung kumita, naglalako naman ng kakanin kapag walang labada. Pero kahit na tatlo na silang naghahanap buhay, hindi pa rin sapat ang kinikita nila. Dad, nakikiusap ako. Bigyan mo naman siya ng trabaho sa munisipyo. Kahit ano, basta maayos. Iyong hindi na niya kailangan pang magdalawang trabaho kasi may kapatid din siyang kailangang alagahan at bigyan ng atensyon dahil bata pa iyon."
Inakbayan ako ni dad.
"My unica hija has a beautiful heart." ani dad. "You're like your mom."
"So, are you going to do me a favor?"
"Yes, darling. I will. Papuntahin mo siya sa opisina ko bukas and I'll talk to her."
"No. Dad, hindi niya pwedeng malaman na tinulungan ko siya. Ayaw niya ng tinutulungan siya pagdating sa ganito. Napaka-independent niya kasi, gusto niyang nakukuha ang isang bagay dahil sa sarili niyang effort not because someone help her."
"How can I help her then?"
"Diba, magkakaroon naman ng job fair sa complex bukas? Sinabihan ko siyang mag-try. Ipahahanap ko nalang bukas ang resume niya at ako mismo ang magbibigay sa iyo dad. Please don't talk to her personally, ask someone para hindi siya maghinala na may tumulong sa kanya."
"Alright."
"Thank you, dad." niyakap ko si daddy, kasabay ng paghilig ko sa balikat niya.
Gusto kong ipagmalaki kay Elf na tutulungan ko si Divine. I'm pretty sure na mai-impress siya sa gagawin ko, pero ayokong gamitin ang pagkakataon na 'to para kuhanin ang loob niya. I don't help to impress. I help because it's the best thing to do.
Itutuloy...