Ang unang makikita sa paligid ay pinong puting pulbos na nahuhulog sa kalangitan, nababalot nito ang paligid na parang isang kumot at ang mga punong nakatayo ay nagmumukhang mga poste na lamang dahil sa mga tuyong dahon na malamang ay natabunan na ng nyebe. Makulimlim rin ang langit pero may sapat na liwanag para makamasid sa paligid.
Mula sa bakal na sahig ng elevator ay tumapak siya sa niyebe,agad napasok ng lamig ang kanyang mga kamay pero nanatiling mainit ang kanyang katawan, malamang ay dahil sa ipinasuot sa kanila. Lumingon siya sa kaliwa at nakita ang isa ring kalahok, Terry Serravo ata ang pangalan nito, na inaayos ang dalang armas na isang crossbow. Ng mahalata nito ang presensya niya ay itinutok nito ang pana sa kanya kaya inilabas na ni Trace ang kanyang Photon Dual Sword.
“Ops Ops Ops!” tumigil silang dalawa ng marinig ang pamilyar na boses ni Tina Clyne na parang dagundong ang tunog. Galing ito sa daang-daang speaker na nasa itaas,”Huwag muna kayong magpatayan! Pumunta muna kayo sa gitna ng platform!”
“Platform?” litong tanong ni Serravo,”Anong platform?”
As if on cue, unti-unting tumaas ang isang malaking parisukat na hugis ang marahang umangat mula sa pagkakabaon sa ilang talampakang yebe. Umaagos mula sa hagdan na nakapalibot dito sa gilid ang mga naipon sa itaas na animo’y asukal na binuhos sa lamesa pababa sa sahig. Tumigil ito at nakita ni Trace ang buong sukat nito, kasinglawak nito ang buong plaza ng Festung at mga sampung talampakan ang taas, walang makikita sa itaas mula sa ibaba. Nagkatinginan silang dalawa at marahang umakyat sa medyo madulas na baitang. Ng maabot nila ang ibabaw ay nakita nila ang iba pang kalahok na nakatabi lamang ang sandata.
Nang makita ang maraming bag na iba-iba ang hugis sa gitna ng platform ay doon niya napagtanto kung ano ito, hindi siya masyadong nanonood ng mga games kaya hindi nahalata ni Trace kung ano ang mangayayari, ang bloodbath height.
Ang parteng ito ang masasabing elimination round ng laro, sa mga bag nakalagay ang mga essentials tulad ng pagkain, tubig at karagdagang sandata para sa mga kalahok na matapang, magaling o sobrang tanga para kagatin ang pain na ito. Muling nagsalita ang boses ni Tina na ipinapaliwanag ang rules at purpose ng mga bags. Pero wala siyang pake, gusto lamang niyang makaalis bago pa magpatayan ang mga ungas na ito. Habang umaapak siya sa semento ay napansin niyang madulas ito. Nakaisip ng plano si Trace kung paano siya makakuha kahit isa man lang sa mga bag.
“Ok, mga hunters!” masiglang ika ni Ms. Clyne,”On my mark!” inilabas na ng lahat ang mga sandata, palingat-lingat ang cornea ng kanilang mga mata sa isa’t-isa. “Go!”
Sa hudyat na iyon ay tumakbo si Trace ng ilang hakbang at nagpadulas sa basang semento habang ang mga contestants ay nag-patayan na. Tatlo agad ang bumagsak ng barilin ni Quick Draw Drew ng kanyang pistola at muntik pa siya matamaan sa ulo ng bala mula rito pero mabilis ang pagdulas niya. Sa wakas ay nadaanan niya ang pile of bags at nakadekwat ng isa at dumulas hanggang sa dulo kung saan siya nahulog sa malambot na yebe, mamaya na niya poproblemahin ang laman ng nakuha niya. Tumakbo siya sa direksyon ng gubat habang naririnig ang putukan at patayan sa likod. Nagsubok siyang tumingin at nakita ang ilan pang sinusubukang tumakas na pinapatay ng mga nakatayo sa itaas. Siguro ay nag-alyansa muna ang mga ito para patayin ang mga mahihinang players tapos ay sila-sila ang magpapatayan sa huli.
Narating ni Trace ang isang kuweba na napapaligiran ng mga punong walang dahon na animo’y mga guardiang nagbabantay sa magkabilang gilid. Naisip niyang dito muna tumuloy kaya pumasok siya pero ng papalapit na si Trace ay nakarinig siya ng isang mabangis na ungol, nilabas niya ang kanyang photon dual sword at saktong nagpakita ang isang Grizzly Bear na sumugod sa kanya. Ng makalapit ay umiwas lamang siya sa tabi at itinarak ang liwanag na mula sa espada sa katawan ng oso at hinayaang mahiwa ng espada ang katawan ng hayop dahil sa pagabante nito. Ilang hakbang lang ang tinagal ng Grizzly bago bumagsak sa lupa at tumulo ang maitim-itim na dugo mula sa hiwa. Kakaunti lamang ang dugong dahil naisara ng enerhiya ng photon sword ang karamihan sa sugat.
Pinatay na niya ang sandata at namulot muna ng mga tuyong sanga at kahoy at pinasilab ito gamit ang Init ng kanyang sandata. Naupo siya at binuksan ang bag na nakuha sa Bloodbath Height.
“Tsk! Sayang” dismayadong sabi ni Trace habang hinahalukay ang bag, ang mga laman nito ay limang crackers,anim na canned food at apat bote ng tubig.
Nilapag niya ang bag at nahiga sa basang sahig ng kweba at napapikit ang mata. Muntik na siyang mahulog sa pagkakatulog ng marinig niya ang ilang kaluskos sa labas ng kuweba. Inactivate niya ang itaas na patalim ng espada at tumingin sa labas, medyo gumagabi na kaya hindi niya masyadong maaninag ang sa paligid. Muling nakarinig siya ng kaluskos kasabay ng pagsilaw ng flashlight malapit sa parte ng kuweba kung saan siya dumungaw. Hindi na siya nag-sayang ng oras at nilusob ang may hawak ng Flashlight.
“T-Teka Trace! Ako ito!” itinaas ng pigura ang kanyang dalawang kamay at nahulog ang ilaw mula sa mga kamay nito.
“Gero?” pinulot ni Trace ang flashlight at itinutok sa mukha ng pigura. Si Gero nga ito na tinatakpan ng kamay ang mukha mula sa ilaw ng flashlight habang hawak ang isang pistol na may mahabang magasin.
“Patayin mo yan at baka makita pa tayo ng iba!” luminga si Gero sa paligid na halatang kabado tapos ay isinukbit ang sandata ng marahan ng masigurong sila lang dalawa.
“Eh bakit nandito ka?” nilapit niya ang enerhiyang talim ng Photon Sword sa mukha nito,”Diba papatayin mo rin ako?”
“Woah hindi!” napaatras si Gero ng dalawang kamay,”Gusto kong bumuo tayo ng Alliance”
“Magkakampihan tayo?” takang tanong ni Trace.
“Oo, bumuo na nga ng Alyansa yung iba kaya dapat tayo rin” marahang inilayo niya ang talim tapos ay pinatay na ni Trace ang Photon sword niya at ibinulsa. Biglang lumakas ang hangin at animo’y napuno ng sigaw ang buong paligid. Pumasok silang dalawa sa kuweba upang makaiwas sa mga sanga na nabali at ngayon ay nagsisiliparan, nagbabadyang tamaan sila kada hakbang.
“Hooh!” napaupo si Gero sa tabi ng apoy sa kuweba habang si Trace ay tumingin sa labas bago naupo sa tabi. Ang ingay ng hangin ay mistulang naglaho sa kanilang kinalalagyan.
“Bakit ako?” ika ni Trace habang nakatingin lang sa apoy. Si Gero naman ay binuksan ang nakuha niyang bag. Kinuha niya ang isang maliit na takure na isa o dalawang baso lamang ang kapasidad at dalawang bakal na mug.
“Huh?”
“Ba’t sa akin gusto mong makipagalyansa?” nilagay ni Gero ang takure sa apoy.
“Ikaw lang kilala ko eh” natatawa pa siyang kinamot ang likod ng ulo. Humina na ang hangin sa labas at kakaunti na din ang lamig,”Tsaka malamang patayin din ako ng iba”
“Anong nakuha mo sa bag?” tanong ni Trace,”Meron bang ibang sandata?”
“Wala maliban dito” inis niyang sabi habang nakaturo sa baril,”Mug, baso, Flashlight, darts at isang mini-pan” nalingat ito sa kanya,”Ikaw? Ano sa’yo?”
“Puro pagkain” maikising sagot nito.
“Haha!” natawang parang baliw si Gero,”Puro walang kuwenta pala sa ‘tin!”
“Baliw ka” malamig na sabi ni Trace tapos ay naglagay pa ng tuyong sanga sa apoy na nasa loob. Lumakas ang apoy at lumabas ang napakakapal na usok mula sa siga at sila ay napilitang lumabas habang patuloy sa pag-ubo.
“Bwisit!” namamaga ang mata ni Trace. Naisip niya na ang nakuhang kahoy pala ay sanga ng punong Fog Tree. Isang klase ng kahoy na naglalabas ng usok na kasing kapal ng hamog na nakakairita sa mata at ilong kaya madalas ginagawang pangsignal sa mga nawawala sa gubat. Tumayo siya agad kahit masakit pa ang kanyang pakiramdam at malabo pa ang paningin. Baka may kalaban lamang sa paligid.
Ng mawala na ang sakit at luminaw na ang kanyang paningin ay nakita niya sa kanyang harapan ang isang maliit na kahon na nakadikit sa isang puting parachute. Lumapit siya dito at binuksan ang laman, isang silver na bagay na kahugis ng isang ballpen pala ang laman nito. Pinulot niya ito at pinagmasdan.
“Ang tawag diyan GuidePad” tumingin siya kay Gero na hawak ang parehong bagay na iyon. Ang box na may parachute ay nandoon lamang sa gilid tanggal na ang takip.
“GuidePad?”
“Ang GuidePad ay mga device na ibinibigay sa mga contestants ng laro. Isang guide ito na nagtuturo sa lokasyon ng mga halimaw at nagsisilbi na ding mapa para sa lahat”
Tinignan lamang ni Trace ang maliit na bagay na ansa kanyang kamay,”Pindutin mo yung buton”
Sinunod niya ang utos ni Gero at lumabas ang isang holographic na mapa na kulay puti ang kulay ng lugar. Mapapansin ang mga asul na linyang paliko-liko, mga ilog. Mga puting bundok at ilang mga pulang dot na nakakalat sa buong paligid. Sa gilid ng mapa ay makikita ang dalawang set ng numero. Isa ay nakasulat ang 07:59 at ang isa ay 14:59 BEFORE SCAN at pababa ang bilang.
“Yung mapa ay ang buong stadium. Makikita mo dyan yung mga ilog at mga burol at bundok” muli na namang lumakas ang hangin kaya pumasok na sila sa kuweba at mabuti na lang ay wala na ang usok na mula sa pinanggatong na Fog Wood.
“Ang mga pulang dots naman ay mga halimaw na ikinalat sa stadium” hinawakan niya ng Hintuturo ang isang dot at lumabas ang litrato at impormasyon tungkol sa isang halimaw na tawag ay Winter Hyena. Nakita niya na malapit lamang ito sa dalawang blue dots na nakalagay sa itaas ang pangalan nilang dalawa,”Pwede nating malaman kung may halimaw na malapit sa atin”
“Eh yung mga players, pwede ba nating makita dito?”
Ngumiti si Gero,”Hindi, maliban na lang pag nag-zero na yang countdown” turo niya sa nag-kacountdown na orasan na nakasulat ay 05:01 BEFORE SCAN.
“Pag natapos ang oras ay bibigyan tayo ng isang scan bago muling mag-reset ang oras, sa ilang segundo ay malalaman natin ang lokasyon ng ibang player” binuksan nito ang isang cracker at kumagat.
“Kung ganoon malalaman nila kung nasaan tayo mamaya?” medyo kabang tanong ni Trace.
“Oo, at malalaman rin natin kung nasaan sila pero hindi sila kikilos at ganoon din tayo” tinuro niya ang labas ng kuweba at nagsimula na naman ang malakas ang hangin. Naintindihan ni Trace kung bakit kaya nahiga na rin siya.
“Ganito ba talaga kapag gabi?” tanong niya.
“Alam ko sa unang gabi lang sila nagpapalabas ng panahon tapos tuloy-tuloy na ang patayan kaya magpahinga ka na”
Kinabukasan kahit pasikat pa lamang ang araw, na sa totoo lang ay iniintan lang ang stadium at may malaking bola lang ng liwanag na sumusunod sa ikot ng tunay na araw, lumabas na sila mula sa kuweba at nagsimulang maghanap ng iba pang player. Inanounce ni Tina Clyne ang lahat ng mga player na namatay na simula kahapon. Kasama sa mga ito yung may hawak ng crossbow kanina lang. pito lahat ang tanggal na sa laro at pito na lamang ang natitira.
“Kalahati agad, unang araw pa lang?” kumento ni Gero. Napatingin silang dalawa sa gilid ng lumitaw ang isang maliit na hugis bolang gawa sa bakal. May lente ito sa gitna at mga pulang ilaw na linya sa paligid nito.
“Ano yan?”
“Isang camerabot yan” sagot ng partner,”Say hi ka sa mga kakilala mo”
Napangiti si Trace habang naiisip sila Carly at Serena na nanonood sa kanya, malamang ay sobra silang nag-aalala. Nakatingin lamang siya sa camerabot na animo’y nahipnotismo at kung hindi pa siya hinatak ni Gero payuko ay hindi siya titigil.
“Bakit?” nilagay ni Gero ang daliri sa labi at itinuro ang isang pigurang naglalakad ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Hawak nito ang panang gawa sa bakal na may mga pulley sa gilid para lumakas ang tulak ng palaso habang ang mga palasong plastic at bakal ang talim ay nakasukbit sa likod. Nalingat ito sa kanilang direksyon at hinanda ang isang palaso sa pagtira.
“Masyado siyang malayo para sa armas ko” binunot niya ang pistol at lumutang malapit sa gantilyo ang kanyang daliri.
Tinignan ni Trace kung nasaan pa ang iba nitong armas at ang tanging naaninag lamang ay isang revolver sa isang itim na holster. Marahang naglakad ang pigura at ng makita niya ang mukha nito, isa pala itong babae, hindi lamang niya makita ang buhok nito dahil sa kapal ng kasuotan at sa hood nitong gawa sa leather.
“Hayaan natin siya makalapit para matamaan ko siya” kinasa ni Gero ang kanyang baril habang mataman na nakatanaw mula sa kanilang pinagtataguan. Ang kanilang target ay tumigil na para bang nadama ang kanilang presensya. Itinabi nito ang palaso sa likod, tapos ay binunot ang pistol at katulad ng kinakatakot nila ay nagpaputok ito sa kanilang gawi.