---
Darren Jace.
I realized na nakakamiss pala na lumabas kasama ang mga kapatid ko.
I decided na sundin si Mama at ilabas si Maggie at si Lellay para maaliw sila ng kaunti. Well, yun yung dahilan na ibinigay ko kay Mama. Ang totoo, kaya ko sila inilabas kasi gusto ko na ako naman ang maaliw.
I needed to step back and think.
And so far, effective naman siya.
Mas napag-iisipan ko yung mga sinasabi ni Mama. Bakit nga ba kailangan kong palakihin to?
Sinasabi ng utak ko: Kasi nag-effort ka, tapos sa kanya bale wala lang.
Pero sa loob loob ko: Kaya mo ba siyang tiisin?
I was really rattled. Naguguluhan nga ako nung una pero tama naman talaga si Mama. Hindi ko kailangang pairalin ang tampo dahil nasisira lang ang relasyon namin dahil doon.
"Kuya?"
Napatingin ako kay Maggie. "Yes?"
"Why are you like that?" sabi ni Maggie.
"Ha?"
"Kaninang umaga ka pa ganyan." Sabi niya. "Nakatulala, di nagsasalita. Are you sick Kuya?"
Nakaupo lang kasi ako sa bench. Nasa may playground kami sa Luneta. Sa may Animal Park. Ewan ko kung anong tawag dito pero dito ko sila naisipang dalhin.
Alam ko naman na hindi ma outdoor si Maggie pero sabi ko sa kanya mas magandang paminsan minsan din, lumabas naman kami sa talagang labas. In the end, ayun pumayag din naman siya. Si Lellay, kahit saan mo naman dalhin yan.
Kanikanina kasi, iniwan ko sila dun sa may dinosaurs na statues saka ako umupo dito. Kaso ayun, nasundan din lang pala ako ng isa.
"Iniwan mo si Lellay?"
"Kuya, she's four. Marami siyang pwedeng kalaro dito. She's a big girl. She can handle it." Sabi ni Maggie sa akin sabay upo sa tabi ko.
"Eh ikaw? Kaya nga tayo dito para makapag laro laro kayo ."
"Playgrounds are beneath me kuya. Have you ever seen me roll on dirt before? Please."
Natawa ako. Nga naman. Ano bang naisip ko at dinala ko dito ito?
"You haven't answered my question Kuya." Sabi niya. "Are you sick?"
"No. Perfectly fine. Salamat." Conyo poteekk. Nakakahawa si Maggie. "Bat mo naman natanong."
"Wala lang. Parang ang tamlay mo kasi ." sabi niya. "Are you and Ate Kaycee having problems?"
Napatingin ako sa kapatid ko. She was just 8 years old right?
"Don't treat me like a little girl kuya, nakakaintindi ako ng ganyan."
"Eh little girl ka nga !" Ako.
"Avoiding the question. Tsk."
No doubt this was my sister.
"Wala. Simple misunderstanding. Hindi mo maintindihan."
"Meron ba noon? Simple tapos di maintindihan? Tingin mo naman sakin Kuya? Stupid?"
Napabuntong hininga ako. "Medyo malabo lang kasi yung sitwasyon Mags." Sabi ko. "Para sa isang 8 year old na katulad mo, hindi mo pa masyadong maiintindihan."
"8 is a big number you know. You're just 9 years older than me pero alam ko rin naman yang mga yan."
Just? "Wag mo sabihing may boyfriend ka? Sino? Nako. Di pwede. Bawal."
"HAHAHAHA. Wala! OA nito." Sabi niya sa akin.
Nag pause siya tapos natahimik muna kami. Natingin kami pareho sa malayo kung saan nakikita naming si Lellay na nakikipaglaro sa mga ibang bata. Nagsalita siya ulit.
"Alam mo kuya? I've seen you sad before. I've seen you cry. I've seen you hurt. And I've seen you in your happiest kapag kasama mo si Ate Kaycee." Maggie
Tinignan ko lang siya. She smiles at me.
"You think so?" Great. Nahahawa ako sa English ng kapatid ko.
"I like Ate Kaycee. She's fun to be with. She's great with kids. Marunong makisama. And the best part is that she doesn't treat me like I'm eight." Shrug niya. "Unlike you."
"Eh eight ka naman talaga .." Sabi ko.
"Still, Sa lahat ng naging girlfriends mo, Ate Kaycee is my definite pick." Sabi niya sa akin.
Natigil ako. Mabibilang palang ang naging girlfriends ko pero sa tatlong yun, hindi ko ni minsan narinig kay Maggie na nagustuhan niya yung dalawang nauna. Si Kaycee lang ang narinigan ko ng ganyan mula sa kanya.
"Go fix what's wrong Kuya. It's not healthy kung palalakihin mo lang yung problema."
Nangiti ako. Kahit bata palang si Maggie, hindi mo maikakaila. Alam niya yung sinasabi niya. Natingin ako sa pinaglalaruan ni Lellay tapos saka ako biglang kinabahan.
Wala siya dun.
Napatayo ako.
"Nasan na si Lellay."
"I don't know. Nandyan lang siya kanina ." Maggie.
Kinabahan ako. Patay ako kay Mama nito. Bakit pa kasi iniwan naming nakikipaglaro yun ng mag-isa. Natataranta na ako. Biglang may babaeng nagsalita sa likuran ko.
"Number one rule ng babysitting is huwag na huwag mong iiwan ang binabantayan mo."
Napalingon ako at napasigh ng relief.
"Kuuyyyaaaa." Takbo sa akin ni Lellay habang umiiyak.
Halatang takot na takot siya. Akala niya siguro nawala na kaming dalawa at naiwan namin siya. Nanginginig pa nga siya .
"Shhhhhh.." sabi ko habang kinarga si Lellay. "Tama na Lellay."
"Nakita ko siya dun sa may malapit lapit sa may entrance. Ayaw niya munang sumama sa akin hanggang di ko pinapaalala sa kanya kung sino ako."
"Salamat Aria ha?" sabi ko. "Baby, wag ka nang iiyak ha?"
Di na nagsalita si Lellay. Basta umiiyak lang siya sa balikat ko. Nangiti si Aria habang hinahaplos yung buhok ni Lellay.
"Lellay, wag ka na ulit hihiwalay kina kuya ha?"
Tinignan ko lang si Maggie na nakatingin din sa aming dalawa. Si Aria, ayun, hinahaplos parin yung ulo ni Lellay. Siguro takot na takot to kanina.
"Lellay, gusto mo na bang umuwi?" Umiling siya. "Tigil ka na sa pag iyak. Di ka naman i-iwan ni Kuya ."
"Ganito nalang. Tigil ka na sa pag-iyak mo, Lellay and mamaya we'll go for ice cream o kaya naman punta tayong arcades. Tayo nila Kuya, gusto mo ba yun?"
Tumingin lang si Lellay kay Aria. Pagkatapos noon, saka naman siya nag nod.
"Osige. Tigil na sa pag iyak" sabi ko sabay kuha ng panyo sa may bag niyang maliit tapos punas sa luha at ilong niya. "Nasan yung relo mo Baby?"
Napansin ko kasi nawala yung relo niya na nakalagay lagi sa left hand niya. Eh paborito pa man din niya yun. Tinuro niya yung sa may slides.
"Tara kunin natin?" sabi ko na tatayo na dapat.
"Ayy, Kuya, I'll go with her. Halika na Lellay, hanapin natin." Sabi ni Maggie tapos saka niya hinawakan yung kamay ni Lellay at sabay silang naglakad papuntang slides.
Naiwan ako kay Aria. Pareho kaming nakatingin sa dalawa kong kapatid. Hindi ko na tinanggal yung mata ko sa kanila. Mahirap na.
"Salamat pala ulit A, ha?"
A talaga ang tawag ko sa kanya. Mula pa siguro mga 1st year highschool? Siya naman D ang tawag sa akin.
"Wala yun. Ano ka ba."
"A, ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
Tiniganan lang ako ni Aria. "Wala, nag lalakad lakad lang. Gandang maglakad sa araw na ganito . Di masyadong maaraw, di masyadong makulimlim. "
"May problema ba?"
"Uhh, meron pero wala yun. Di mo kailangan maconcern."
"Sira. Kaibigan nga diba?" Sabi ko.
Napa sigh siya tapos saka natahimik. Hinintay ko siyang magsalita. Siguro three minutes muna siya bago nagsalita.
"Bakit ganoon no, D?" sabi niya sa akin. "Kapag meron na sayo ang lahat, yung gusto mo naman ang wala."
"Ha?"
"Kasi tignan mo. We have everything we need. Everything available nalang sa isang snap mo lang ng fingers no." sabi niya. "Pero yung bagay na gustong gusto mo, kailangan mo munang pagtrabahuan, minsan to the point na mahihirapan ka talaga."
Ahhh. Parang gets ko na. Relate pa nga ako . Parang kami lang ni Kaycee. Andyan na lahat . Kami na, sweet na at lahat lahat. Pero yung mafall nga siya sa akin, kailangang pagtrabahuan talaga..
Kahit to the point na nasasaktan na ako.
"Eh kasi gusto mo nga kaya mo nga pagtratrabahuan." Sabi ko. "Hindi naman pwedeng agad agad lahat diba? Fair naman ang Diyos . Pag natrabaho mo ng maayos, ibibigay niya."
Tahimik lang si Aria.
"Gusto mo . Kung gusto mo talaga, kahit mahirapan ka pa, masaktan, lahat lahat na, di ka susuko hanggang makuha mo." Ako. "Mas maganda nga kapag talagang pinag-trabahuan mo talaga kasi talagang feel mo worth it ang lahat kasi nga nakuha mo."
Nangiti si Aria. "Sabi ko nga."
"Let me guess, may hinihingi ka nanamang gadget no?" sabi ko. "iPhone?"
"Meheheh. Let me guess may hinihingi kang gadget no?" sabi niya na parang naaasar. Pero tinignan niya ako. "Di kaya. Kotse kaya."
"HAHAHA." Ako. "At nagtaka ka pa kung bakit kailangan mong pagtrabahuan yun, A"
Tinawanan ko ito. Kahit kailan talaga.
"Alam mo, D. ang asar mo." Sabi niya sa akin
"A, Kotse yun. Anong ineexpect mo?" Ako.
Sakto namang dating nila Maggie at Lellay. Naabutan nila akong tumatawa habang si Aria, nakapout lang. Nakuha na daw pala nila yung relo.
"O, tara na." Aria. "Kotse mo gagamitin ha? Nag-taxi lang ako papunta dito."
Nangiti ako. Binuhat ko si Lellay. "Tara na Baby. San mo gustong mag arcade?"
Sabi ko na nga ba, maaaliw ako dito sa Park . Naliwanagan na din talaga ako. Madami akong narealize ngayon.
Sabi nga ni Maggie, It's not healthy kung palalakihin ko lang ang problema.
Tama, aayusin ko na ito. Kaya naman . At sabi ko nga kay Aria, mas maganda pag pinagtratrabahuan. Mas valuable. Kailangan maayos na itong problema namin ni Kaycee. Ako man ang mag effort o siya, gusto ko lang na maayos ang lahat.
At kailangan sa lalong madaling panahon.