Bestfriend or a Teacher?

By GreenieField

392 4 0

Sino nga ba ang pipiliin mo? Ang bestfriend mo na lagi nandiyan sa tabi mo para suportahan ka para sa kinabuk... More

Bestfriend or a Teacher?
Chapter 1: Practice Day
Chapter 1.1: Practice Day
Chapter 2: With them ♥
Chapter 3: Unfortunate
Chapter 4: The War
Chapter 5: Ando's Mansion
Chapter 7: After Teacher's Day

Chapter 6: Teacher's Day

63 2 0
By GreenieField

*Kriiiiiiinnng*

0_0

Bigla akong napabangon dahil sa lakas ng tunog ng alarm ng cellphone ko. Anong oras ba to nakaset?

5:00 am

Tch! Ang aga pa eh. Tinatamad pa akong bumangon. Sarap matulog dito sa bahay ni Ando. Parang ayoko na ngang umuwi eh.

No choice kundi bumangon na ako. Nagstretch-stretch ako then pumunta ng banyo.

Bigla akong napahinto. Para kasing may nakalimutan ako eh.

0_0

Oo nga pala, shet! Anong susuutin ko pagpasok sa school? Nakalimutan kong ipalaba sa mga maids ni Ando yung uniform ko.

Patay, violation na itu.

Lumabas agad ako ng kwarto nagbakasakaling may gising na mga maids.

Waaaahhh! Ang dilim. Siguro tulog pa sila! What to do what to do?! Ayokong ma violation!

Pumasok ako sa kwarto at umiga ulit sa kama. Wala eh, di naman ako naka-uwi sa amin.

Aaaahhhhh.... inaantok pa ako. Iglip muna ako.

-----

"Daisy! Daisy! Wake up."

Takte! Sino ba tong nambubulabog na to? Kung makayugyog naman wagas.

"Daisy! Late na tayo."

0_0

Bigla akong napadilat at bumangon. Hinanap ko yung phone ko sa igaan ko para i-check kung anong oras na.

5:27 am.

-_-

"5:27 pa naman eh." sabi ko.

"Hahahahaha! Natatawa ako sa itsura mo Daisy! Halatang natataranta eh." sabi niya.

"Loko ka. Sumakit bigla ulo ko." gisingin ba naman ako ng biglaan.

"Puyat ka kasi kaya ganyan."

"Oo. Ikaw kasi kasalanan mo to." sabi ko.

"Oh, umagang-umaga ginigisa ako. Bumangon ka na nga diyan naka ready na yung breakfast."

"Inaantok pa ako." angal ko.

"Bumangon ka na diyan."

"Eeeeeee. Ayaw ko."

"Ayaw mo?"

"Ayaw ko nga." tigas talaga ng ulo. Kailangan talaga paulit ulit eh.

"Ok. Ganun pala ah." sabi niya habang papunta sa paa ko.

"Teka? Anong, anong gaga- ANDO!" hinawakan niya yung dalawang paa ko at  hinihila niya ang mga to.

"Ayaw mo pang bumangon eh." sabi niya.

"ANDO! Waaahhh! Tama na! Malalaglag na ako." pagpupumigil ko.

Binitiwan niya yung dalawang paa ko. "Oh ano, are you going to get up there o hihilain ko yang paa mo ulit?"

"Oo tatayo na. Ito na po!" pagdadabog ko.

"Geh. Hihintayin kita sa dinner room ah. Pag ikaw di sumipot lagot ka sa akin." sabi niya.

"Oo. Dun ka na nga! Maliligo pa ako."

"Sige." sabi niya sabay labas niya at sarado ng pinto.

Oo nga pala, yung susuutin ko.

"ANDO!"

Bigla niyang binuksan yung pinto. "What?"

"Ano nga pala susuutin ko eh wala akong PE uniform?"

"Mag-casual ka muna. Pahatid mo na lang mamaya sa mama mo. Pahihiramin ka nalang namin ng damit ni ate."

"Sorry Ando ah. Masyado ko nang nahihiram yung damit ng ate mo." paghingi ko ng paumanhin.

Nakakahiya na kasi eh. Yung dress na susuutin ko para sa performance ko mamaya, tapos tong pambahay tapos yung panibago kong hihiramin na damit ng ate niya.

Labhan ko na lang yan. Gagamitin ko yung sampung pirasong malaking pack ng Ariel para lang di mahalatang ginamit ko.

Pumasok na akong banyo at nagstart nang maligo. Magsi-six na rin eh, baka malate pa kami ni Ando.

"Tch. Wag mo nang isipin yun. Geh, take a bath na mag-bre-breakfast pa tayo."

"Oh sige." sabi ko.

Tsaka niya sinara ang pinto.

----

"Wooh! Thank you God sa napakasarap na breakfast." sabi ko.

Grabe nabusog ako. Biruin mo daming niluto ni Ando dinaig ko pa ang bibitayin.

"Yun lang? Si God lang ba?"

-_-

"Oo na. Thank you na rin sa napaka sarap mong luto." sabi ko.

"Yiiiieee! Kinilig naman ako." sabi niya habang nakangiti at kilig na kilig.

"Ando, di bagay! Para kang bakla niyan." sabi ko.

Di talaga bagay eh. Ewan ko ba bakit patay na patay pa rin sa akin niyan kita na ngang ayoko sa kanya eh.

"Sayo lang naman ako nababakla eh."

"Shut up!" sabi ko.

Nakakanginig ng buto yung mga pinagsasabi niya. Alam mo yung tipong naiinis ka na may halong kilig. In short gustong gusto.

Shet! Ayoko ng ganung pakiramdam.

"Can I ask you something?" tanong niya.

"Ano?"

"Bakit di ako crush ng crush ko?" tanong niya.

"Aba, malay ko?" sabi ko. Paki-alam ko ba sa crush niya.

Teka?

Di ba ako yun?

"Anong malay mo? Ang alam ko alam mo."

Oo nga. Ako nga pala crush niyan.

"Ano ba kasing pumasok na masamang espiritu sayo at nagkagusto ka sa akin? I'm not totally beautiful then hindi rin naman ako sexy."

"You know, hindi naman ako sa physical na anyo mo naka-base eh kundi sa character and personality."

"Eh ano bang personality na nagustuhan mo sa akin? Dami nga nagsasabing masungit ako, mataray tapos-"

"Ssshhhhhh...." sabi niya.

"Hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi ng iba. Mismo ako napatunayan ko na hindi ka ganung tao. Kaya nga kita naging close dahil sa pagiging kalog mo kahit korni jokes mo pero wagas kung makatawa, palangiti ka pa, then masarap kang kasama." sabi niya.

Na speechless ako. Di ko alam kung ano pwede kong maging reaksyon sa mga sinabi niya.

Bakit ko nga ba di ko siya magustuhan? Mabait naman si Ando, matangkad, maalalahanin, lahat na nga ng good personality nasa kanya na.

Sadyang hindi lang talaga siya mismo ang tinitibok ng aking heart.

"I can't accept the fact na hindi mo ko gusto, as a friend lang talaga ang turing mo sa akin." sabi niya.

"Eh anong sinabi mo kahapon na ok lang, marami pa namang ibang babae diyan sabi mo?"

"Tch. Kaya ko lang nasabi yun kasi nasaktan ako sa sinabi mo. Ang mas worse pa, sa harap pa mismo ng mga classmates natin, kaya nagalit ako at nagwalkout." sabi niya.

Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Napahiya ko siya sa harap ng mga kaklase namin.

"S-Sorry Ando."

"No need to say sorry. Tapos na yun."

"Pero Ando-"

"Please Daisy."

Di na lang ako umimik baka magtalo pa kami. Nasa mansion pa naman ako ni Ando kaya rerespetuhin ko siya.

"Sir, naka ready na po yung sasakyan." sabi ng driver.

"Tara na Daisy pasok na tayo." yaya ni Ando.

"Teka, ang aga pa. 6:32 pa lang ng umaga." sabi ko pagkatapos ko tumingin sa may wall clock nila.

"Mas maganda nga pag mas maaga."

"Oh sige." sabi ko.

Sabay kaming tumayo ni Ando at kinuha namin yung bag at lumabas pasakay sa sasakyan nila.

-School-

Nandito na kami sa school. Sabay kaming umakyat ni Ando papuntang classroom. Grabe, ang dilim sa loob ng mga classrooms.

Di pa kasi nakabukas yung mga bintana tsaka sobrang aga namin ni Ando.

Wooh! Sa wakas! Nandito na rin kami sa classroom. Nilapag ko na yung bag ko sa upuan ko ganun din si Ando.

Kami palang ni Ando dito sa classroom. Ngayon na yung Teacher's Day. So it means magper-perform na ako mamaya!

I'm so kinikilig.

"You look happy huh." sabi niya.

"Syempre. Ngayon na kasi ako magperperform."

"Oo nga pala. Buti na lang na charge ko yung cellphone ko. Mamaya vi-videohan kita." sabi niya.

"Thank you." sabi ko.

Chineck ko yung oras. 6:39 am.

-_-

Waaah! Sobrang aga. Nakakainis naman kasi si Ando eh.

Iglip muna ako. Kulang pa kasi tulog ko kanina. Inistorbo lang kasi ni Ando sa pagtulog.

"Ando, paki gising na lang ako. Inaantok pa ako eh."

"Matutulog ka na naman?"

"Kasasabi ko lang diba?"

"Tch. Imbes na matulog ka, mag vocal warm up ka para mabuhayan yang boses mo."

Oo nga naman. Pinapairal ko nanaman tong katamaran ko eh.

Tumayo ako at nag-umpisa na akong mag-warm up.

---

Yan tapos na ako magvocal warm up. Now it's time to practice. Kagabi ko lang nadownload yung minus one ng kanta ko sa bahay nila Ando.

Grabe ang bilis.

(Glowing Inside - Nikki Gil ... play)

-Intro-

Happy to let you know

You make me glow

I feel so good its true

Ramdam na ramdam ko yung kanta para sa mga teachers kaya na e-excite akong magperform. Wala akong nararamdamang kaba pagkinakanta ko to. Dipende na lang kung pinapanood ako ng dalawang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Hehehehe!  Ang harut ko! xD

Thank you for the glow

And thank you for the joy

Thank you for the love you give to me 

I'm glowing, glowing inside with your love shining through

Thank you for everything you do

I'm glowing inside because of you .....

Ando POV

Sarap pagmasdan ni Daisy pagkumakanta kahit medyo naiilang lang ako ng konti. Eye to eye contact kami eh. Yan kasi ang turo ng coach niya nung practice nila para sa singing contest. Kaya sa ngayon lalamnamin ko na ang pagkakataon na makipagtitigan kay Daisy.

"Uy! Bro." bati sa akin ni Gerald. Di ko namalayang nakapasok na pala siya dito sa classroom.

"Ang aga mo ata ngayon?" tanong ko.

"Ah eh, walang magawa sa bahay eh. Tsaka ang aga ko ring natulog kagabi." sabi niya.

"Wow hanep bro! Mukhang nagbabagong buhay ka na ata. Dati para kang bampira, sa gabi gising." sabi ko.

"Hahaha! Well ganyan talaga pag may nililigawan na." pagmamayabang niya.

"Woah! Who's that girl bro?" na curious ako bigla.

"Well, abangan mo na lang mamaya. Kilala mo yun." sabi niya.

Ang daming alam ni Gerald. May pa suspense suspense pang nalalaman. 

Pinanood kong muli si Daisy. At muling nagkasalubong ang aming mga mata. Ramdam na ramdam ko ang tingin namin bawat isa.

"Eh kayo naman bro, kamusta kayo ni Daisy?" 

Bigla akong napalingon kay Gerald.

"Oh, you look suprised. Don't tell me ...?" 

"Nothing pre. Just friends lang daw kami at wala na talagang mas hihigit pa duon." malungkot kong sabi.

Pinahid ni Gerald yung kamay niya sa likod ko. "Ayos lang yan bro. May iba pa namang mga babae diyan na nagkakandarapa sayo eh. Mas maganda pa kay Daisy." 

"Sorry bro. Pero di ko gusto ang pagkakasabi mong may mas maganda pa kay Daisy eh." sabi ko. Para namang sinasabi niyang pangit si Daisy.

"Tch. Totoo naman eh, di naman siya ganung kaganda. Simple lang siya tapos ikaw halos umapaw sa sobrang kagwapuhan." sabi niya.

Tumingin ako kay Daisy. Tiningnan ko siya mula sa paa hanggang sa mukha. She's almost perfect for me. Alam kong mataba siya di ganun kaganda pero, ang tunay na kagandahan ng isang babae ay may mabuting ugali.

Her smile, siya lang ata ang maypinakamatamis na ngiti sa lahat ng mga babae dito sa school. Yung mata niya, ang haba ng eye lashes. The way she treats me, parang more than friends ang turing niya sa akin.

"Alam mo Gerald, kaya walang nagtatagal sayo na mga babae eh. Kasi ang mga pinipili mong mga babae ay hindi marunong magmahal. Para kasi sayo, basta pagmaganda at sexy yun na yun eh. Di mo nga alam kung yang mga appearance lang nila ang ginagamit nila pang-akit sa mga lalaki. Kaya para sa akin, ang mga simpleng babaeng katulad ni Daisy ay totoo magmahal." 

Biglang napatigil si Daisy sa pagkanta. Narinig niya ata.

"A-Ando?" tawag sa akin ni Daisy. "May problema ba?"

Biglang tumayo si Gerald sa tabi ko at lumabas.

"Am...nothing Daisy. Tuloy mo lang pag practice mo." sabi ko. Na-distract ko tuloy si Daisy sa pagpra-practice niya.

Biglang uminit ang dugo ko kay Gerald. Ayoko na ginaganyan-ganyan niya lang si Daisy. Di ko alam na ganyan ang sasabihin niya kay Daisy eh naging mabait naman sa kanya. Malaki na ang naging utang na loob nila diyan ni Gerald at Josh. Siya nga ang dahilan kung bakit pa sila nakakapasa eh.

Daisy POV

Parang may masamang hangin na pumasok dito sa classroom. Bigla akong napatigil sa pagkanta dito. Nakita ko kasing parang nagkaka-initan sila ni Ando at Gerald. Naririnig ko kasi yung convo nila lalo na nung marinig ko yung pangalan ko. Ano bang meron?

Pinatay ko yung music at lumapit kay Ando.

"Ando. Ayos lang ba kayo ni Gerald?" tanong ko.

"Ah. Wala yun Daisy, misunderstanding lang kami." sabi niya habang nakangiti sa akin. Pero halata naman sa mata niya na nagka-initan sila ni Gerald.

"Eh bakit narinig ko yung pangalan ko? Ano yun Ando? Tungkol ba sa akin yan?" tanong ko.

Harujusko! Wag niyang sabihin na may gusto sa akin si Gerald? Sobrang ganda ko naman. Ayokong makasira ng relasyon ng magkaibigan ng dahil lang sa akin. Grabe, gaano na ba kahaba ang hair ko ngayon?

"Ah, Daisy let's change the topic. I don't want to talk about it right now. Sa amin lang ni Gerald yung pinag-usapan namin." sabi.

Confirm! Ako nga yan. Di ko alam na may lihim na pagtingin sa akin si Gerald. Yung lalaking yun?! Shock! Nakakapikon pa naman yun. De joke, baka iba ang dahilan nang misunderstanding nilang dalawa nadawit lang ako. Hehehehe!

Cyrine POV

Leshe naman! Ang tagal naman ng bruhang babaita na yun. Kanina pa ako naghihintay dito sa waiting area. Ang usapan namin exactly 7:00 dapat nandito na sa school para sa preparation lalo na ang balak namin para kay lesheng Daisy na yan.

Simula ng makilala yan si Daisy nawala na ang pagka-famous ko dito as a Diva. Ako lang naman ang pinakamagaling dito eh. Talunin pa naman ako ng isang pipichugin na umiiyak na manok habang kung kumanta. Piyokera pa! "HAHAHAHAHA!"

"Anong nakakatawa? May nakakatawa ba? Sige nga! Sabihin mo nga sa akin kung anong nakakatawa?" 

"Alam mo Gladice, gaga katalaga! Palagi kang panira ng moment ko eh." sabi ko sa kanya.

"And so? I don't care about your f*cking moment." pagtataray niya.

"Alam mo ikaw na babae ka, ang usapan natin 7:00 sharp, eh anong oras na?!" galit na sabi ko. Kahit kailan talaga hina-high blood ako ng babaeng to eh.

"Bakit ba? Ano bang gagawin natin? Ayos naman na yung practice natin ah tsaka it's clear na kaya no need to practice." reklamo niya.

"Kung tanggalin ko yang mga bakal mo sa ngipin isa-isa?" 

"Tch. Kung kaya mo?" sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Aaaarrrgghh! Shut up. Hindi ka talaga matinong kausap eh." sabi ko. Konti na lang pasensya ko dito sa babaeng to.

"So, what now?" 

Haaayysst! Itutuloy ko na ang balak ko kay Daisy. Ayoko nga siyang magperform. Mas lalo niya akong masasapawan sa kasikatan niya.

Hahahahaha! Good luck na lang sayo Daisy! "Hahahahhahaha!

"You know Cyrine, if you'll going to laugh and to laugh and to laugh, wag na lang natin ito ituloy tung stupid plan mo."

"Pake-alam mo ba?! Masama bang humalakhak?!"

"Blah blah blah!" pang-aasar ni Gladice.

-----

Daisy POV

"Ando may problema."

"Ano yun?"

Hala papano ko sasabihin kay Ando. Baka magalit siya pag sinabi ko. Kasi naman tong katangahan ko eh. Waaah! Bakit kasi ang tanga tanga ko!

"Bakit Ando may problema ba?" singit na tanong ni Vernice.

"Ewan ko kay Daisy." sabi ni Ando.

"Ano yun Daisy?" tanong ni Vernice.

Ano? Sasabihin ko na kaya? 

"Kasi Ando ..."

"Ano?"

"Yung damit ..."

"Anong meron sa damit?"

"Nakalimutan. Yun! Nakalimutan." sabi ko habang nakangiti. Hehehe! Lagot na ako nito.

"Sus! Damit mo lang pala nakalimutan." sabi ni Vernice na nakangit din.

"What?! Are you kidding me?" gulat na sabi ni Ando.

"Bakit Ando? Eh damit lang yun ano ka ba." sabi ni Vernice.

"No Vernice. Yun yung gagamitin niya sa pagkanta." sabi ni Ando.

"Nako Daisy! Pano na yan?!"

"Ando sorry!" pag-apologize ko.

Grabe nakakahiya na talaga kay Ando. Katangahan ko nga naman oo!

"It's ok. Pahahatid ko na lang kay manong yung damit. Saglit lang naman yun." sabi niya.

Phew! Akala ko magagalit ng bonggang-bongga sa akin si Ando.

------

"Ando bakit ang tagal ng damit?" tanong ko sa kanya.

"Dapat kanina pa yun nandito. Mag-e-eight na. Mags-start na mamaya-maya yung program. Dapat kanina pa nasa baba si Daisy." sabi ni Vernice.

"Wait puntahan ko sa baba." sabi ni Ando sabay takbo palabas ng classroom.

"Go Daisy! Galingan mo ah!" sabi ng isa kong kaklase na papalabas.

"Ichi-cheer ka namin Daisy!" sabi pa ng isa.

Grabe. Napaka-swerte ko sa mga kaklase ko. Di pa nga ako sumisikat pero ang suporta nila sa akin grabe, damang-dama mo. Sarap din pala ng pakiramdam ng may suporta mula sa iba.

Kinakabahan ako. Anong susuutin ko nito mamaya? Di panaman ako naka-PE uniform. Buti nga hindi umakyat si ma'am eh kundi na-violation na ako nito.

"Chilax lang Daisy. Makukuha din natin yang damit mo." cheer up sa akin ni Vernice.

"Thank you Vernice." sabi ko.

Lahat ng mga kaklase ko nagsibabaan na. Pwera lang sa amin ni Vernice naiwan lang kami dito sa loob.

"Oh ate? Bakit di pa kayo bumababa?" sabi ni Penelope nang pagsulpot niya sa pinto papasok.

"Eh yung damit ko kasi hinihintay ko." sabi ko.

"Ah ganun ba. Sabay na lang tayong bumaba." sabi ni Penelope.

"Go ate, kaya mo yan!" sabi naman ni Gracia.

"Thank you." 

Grabe. Ang tagal ni Ando! Kasalanan ko kasi to eh. Iniwan-iwan ko pa kasi.

---

Mga ilang minuto na ang nakakalipas ay wala parin hanggang ngayon si Ando at kada classroom dito wala nang tao.

"Oh? Bakit hindi pa kayo bumababa?" tanong ng isang teacher na napadaan.

"Am... ma'am may hinihintay lang po. Magper-perform po kasi tong kaibigan namin." sabi ni Penelope.

"Eh dapat kanina pa yan sa baba? Oh siya siya basta bumababa agad kayo ha." sabi niya sabay alis.

"Nasaan na ba kasi si Ando?" tanong ni Vernice.

Bigla kaming napatingin sa may pintuan kung saan nakita naming hingal na hingal si Ando.

Lumapit si Ando sa amin habang pawis na pawis at hingal na hingal. Wala akong napansing may hawak siyang damit. Teka nasaan na?

"Ando? Nasaan na yung damit?" tanong ko.

Kumuha siya ng upuan at duon siya umupo kung saan mag katapat kami.

Huminga muna siya ng malalim. "May kumuha sa damit ni ate." sabi niya.

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Ando. "Ha?! Eh sino naman ang kukuha nun?" tanong ni Gracia.

"Alam kong di mo magugustuhan tong sasabihin ko Daisy. Yung damit ..." 

Anong ibig sabihin ni Ando? Di ko siya maintindihan!

"Yung damit, suot ni Cyrine." 

"A-Anong sabi mo?" tanong ko.

Di ako makapaniwala sa sinabi ni Ando. Baka nagbibiro lang siya. Kilala ko yan si Ando mapagbiro talaga yan.

"Ando. Baka nagjo-joke ka lang ha." tanong ko.

"Sa tingin mo Daisy, makukuha ko pa bang magbiro? Eh kay ate yun eh. Pano ko yun makukuha? Tsaka ikaw pano ka?" sabi niya.

"Sorry. Akala ko kasi nagbibiro ka lang." pag-sorry ko.

Papano naman makukuha ni Cyrine yung damit? 

"Alam mo Daisy yang Cyrine na yan, masyadong malaki ang pagka-insecure niyan sayo. Biruin mo, insecure na nga siya sa boses mo pati ba naman damit? Wala talagang patawad." sabi ni Vernice.

"Eh teka ate? Papanong nagkasya sa kanya yun? Eh ang liit-liit yung babaeng yun." sabi naman ni Gracia.

Oo nga noh. Paano nangyari yun?

"Ando anong gagawin ko? Papano na ako makakapagperform niyan mamaya?" pagmamaka-awa ko. Parang ma-iiyak na ako. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

"Bumaba na kayo." sabi ni Ando.

"HA?!" gulat na sabi nila Vernice, Penelope at Gracia.

"Basta bumaba na kayo!" sigaw ni Ando. "Kung gusto niyo kayo na mauna baka maubusan pa kayo ng pwesto dun. I'll take care of her." habol niya pa.

"Oh sige Ando. Tara na girls." yaya na ni Vernice at sabay na silang bumabang tatlo papuntang quadrangle kung saan gaganapin ang program.

Naiwan kami ni Ando dito sa classroom. Ay! Naka-casual naman ako, bakit di na lang ito ang gamitin ko mamaya?

"Ando. Di ba pwedeng ito na lang yung suot ko? Naka-casual naman ako eh." sabi ko sa kanya.

"No! Dapat presentable ka." sabi niya.

Iba talaga si Ando. May pagka-perfectionist din noh. Di ko alam yun ngayon ko lang nalaman na ganun pala siya.

"Eh anong gagawin natin?! Wala na ngang oras eh. Mags-start na yung program." sabi ko sa kanya.

"Daisy! Agad-agad ba ikaw ang kakanta?" inis niyang tanong.

Hindi. "H-Hindi." malumanay kong sagot. Galit na eh, sino bang hindi matatakot sa kanya?

"Yun naman pala eh. So, we still have time to think sa solusyon ng problem natin." sabi niya.

Mukhang may punto siya. WAAAAAHHHH! Panic na panic na talaga ako kaya hindi masyado nagfa-function ang utak ko.

Biglang may hinugot sa bulsa si Ando yun ay ang cellphone niya at may tinawagan.

"Hello manang. Paki dala dito yung dress ni ate right now!" sabay call end ng cellphone niya.

Magpapadala ulit siya?! Nababaliw na ba siya?! 

"Ando! Bakit ka pa ulit magpapadala?! Nakakahiya masyado sa mga maids mo at lalo na sa driver." 

"Napaka-careless mo kasi! Nang dahil diyan sa katangahan mo yan tuloy na-iwan mo yung damit!" galit niyang sabi.

"HOY! Anong sabi mo? Ang sakit mo namang magsalita!" sabi ko sa kanya. Ano daw tanga?! Grabe first time ko lang narinig sa kanya yun at ang sakit! Tagos hanggang puso yung pagkasabi niya ng tanga sa akin.

Parang may tutulong luha mula sa mga mata ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Alam kong tanga ako pero di naman niya kailangan ipagsigawan sa harap ko eh masakit kasi masyado pag sinasabi ang katotohan.

"Well yun ang totoo eh. Lahat gagawin ko para sayo. Ayokong mapahiya ka sa harap ng mga schoolmate natin at lalo na sa mga kaklase natin." 

Ha? Totoo ba ang narinig ko?

"Palibhasa kasi hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Di mo alam na kahit di mo ako gusto lagi lang ako nandito para sayo! DAHIL-" 

"DAHIL ANO?!" sigaw ko.

"DAHIL MAHAL KITA! KAHIT KAIBIGAN LANG TURING MO SA AKIN, MAHAL PA RIN KITA!" 

Bigla akong napatigil sa sinabi ni Ando. Di ako makapaniwala sa sinabi niya. I know that NBSB ako pero yung feeling na masabihan ka ng taong mahal na mahal ka na mahal ka niya, parang langit ang nadarama.

Speechless ako. Di ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Di ko alam kung anong pwede kong ibigay na reaction sa kanya.

"A-Ando ..." 

0_0

A-Ando? Ramdam ko yung higpit ng yakap ni Ando sa akin. Ganito pala ang feeling kapag niyayakap ka. Feeling mo protected ka tsaka ang sarap sa pakiramdam lalo na yung yakap ni Ando damang-dama mo ang pagmamahal niya.

"Sorry Daisy." bulong niya sa akin habang naka-akap.

Na-iyak na lang ako. Di ko alam talaga kung ano ang sasabihin ko kaya umiyak na lang ako. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya at may halong kaba.

"Sssshhhhh... tahana." 

Tumigil na ako sa pag-iyak. Ayokong umiyak muna ng todo todo lalo na't may performance ako.

Kumalas kami sa pagkayakap at pinahid ni Ando ang mga uhog ay este luha pala. 

"Kaya mo yan Daisy." sabay kiss niya sa noo ko.

WAAAAAHHH! Uminit bigla ang mukha ko.

Hala! Pano na sila sir Vegas at Santiago? Nako, tough decision na ini. Mamaya naman na sila sir eh kaya makakabawi ako sa kanila. Si Ando kasi.

-------

Performing Glowing Inside by Nikki Gil please welcome Isabelle Daisy Salazar.

"WWWWOOOOOOOHHHHH!"

"GO DAISY GO DAISY GO DAISY!"

"AAAAAAHHHHH! WE LOVE YOU DAISY!!!!!"

(Glowing Inside - Nikki Gil = Play)

-Intro-   

Jesus ito na. As in this is it! God wag niyo po akong pababayaan lalo na't piyukin pa naman ako.

Happy to let you know

You make me glow

I feel so good it's true

So glad that I have you

You love me so

Now all is bright   

Pagdating sa chorus lahat ng mga manonood sinabayan ako.

Thank you for the glow

And thank you for the joy

Thank you for the love you give to me 

I'm glowing, glowing inside with your love shining through

Thank you for everything you do

I'm glowing inside because of you  

Yan. I'm going to sing the second stanza na nang song pero di ko parin makita sila sir Vegas at Santiago. Bakit ganun?

Vernice POV

"WWWOOOOOOHHHH! GO DAISY!" 

"ANG GALING MO DAISY!" 

Wooh! Say hi to my eardrums. Buhay pa ba kayo? Grabe, di magkamayaw yung mga fans dito ni Daisy. Kaya hindi talaga malabo na kung bakit inggit na inggit si Cyrine sa kanya eh.

Akala nga namin di na makakapag-perform si Daisy. Yun pala hindi. Syempre hindi papayag ang Panginoon niyan noh. Si God pa ang laging Savior ni Daisy and we're the angels who will stay beside her and protect her. Di ba ang taray!

Yung damit niya, wooh! Ang ganda. Nakaka-inggit si Daisy! Alam niyo ba kung anong brand yung damit na suot niya ngayon?

Hehehehe... ASOS daw. Di ko alam yung brand na yun pero alam ni Penelope. Psh! Yun pa eh mahilig sa mga branded na damit yun. Isang British brand na damit yung sinusuot niya ngayon. Kaya ganun na lang ang laki ng takot ni Daisy kung hiramin.

"Ang galing ni Daisy noh." 

"Oo nga eh." sagot ko.

0_0 

Wait! Parang kilala ko yung boses na yun ah. Tumingin ako sa paligid ko, nakatayo kasi kaming tatlo nila Penelope dito malapit sa nag-co-customize ng sound. Di ko alam yung tawag, yung nag d-dj. Basta yun na yun! Paano ba naman, naubusan na kami ng mauupuan dahil nga sa nangyari kanina.

Pagkatingin ko sa may bandang kaliwa ko ..... A-A-ANGELO! Katabi ko siya right now?!

"Oh ba't parang gulat na gulat ka?" tanong niya.

Eh? Anong sasabihin ko? Di ako maka-imik. Naging bato na ako dito! Shet nemen sabi ko na nga ba, sa kanya yun eh.

"Ah ah ... wala. Kala ko kasi kung sino." sabi ko sabay balik sa panonood kay Daisy. "Sino ba naman kasing hindi magugulat, ang pogi salita at bigla na lang susulpot ng ganun ganun lang." bulong ko.

"Ha? What did you say?" tanong ni Angelo.

"Eh?! W-Wala! Sabi ko ang galing talaga ni Daisy. Idol na idol ko nga siya eh." palusot ko. Wooh! Muntik niya na akong marinig. Kinabahan talaga ako bigla. 

"Kaya nga eh. Pano kaya kung ganyan din ako kagaling katulad ni Daisy?" tanong niya.

"Tch. Edi magiging katulad mo si Justin Bieber." sabi ko.

"Mas magaling pa ako sa kanya kung nagkataon! Wala di naman ako nabiyayaan ng magandang boses. Siguro sapat na sa akin yung may magandang mukha." sabi niya.

May point siya. Siguro pagnagkataong magaling din siyang kumanta, wala na. Baka gerahin na siya ng mga boys dito sa school. Dami pa namang haters yan siya dito. Kesho daw bakla kung kumilos, sapakan na lang tayo.

In fact, sila nga mas bakla kasi kung tutuusin ang hilig nilang mag criticize. Mas pangit nga sila sa totoo lang.

 I'm glowing, glowing inside with your love shining through

Thank you for everything you do 

I'm glowing inside because of you ..... 

"WOOOOOOH!"

"DAISY! DAISY! DAISY! DAISY! DAISY!" 

Grabe! Tenga ko! Wala na ... sabog na. I'm gonna die I'm gonna die I'm gonna die ... JOWK!

-----

Daisy POV

"Ang galing mo talaga Daisy!" 

"Daisy pwede pa picture?"

"Daisy, pa sign naman to?"

"Daisy, duet naman tayo minsan?"

"DAISY! WE LOVE YOU!" 

God grabe, nakaka-overwhelmed naman po itong mga taong to. Di ko alam na ganun na lang nila ako kamahal as a singer dito sa school namin. Dinaig ko pa talaga ang isang sikat na singer! Buti na lang po talaga at nakapag perform ako.

Nandito pa ako sa quadrangle. Tapos na yung program ng Teacher's Day kung saan dinadagsa ako ng mga fans ko dito sa paligid ko. Hihihihi!

"Daisy pa autograph ako?"

"Daisy picture tayo please?" 

"ATTENTION!" 

Nagulat ako sa sumigaw kaya napatingin kaming lahat sa kung sino man ang sumigaw. 

"Sa lahat ng mga magpapa-picture dito sa line ni Penelope then sa mga magpapa-autograph dito sa line ni Gracia and for the both na magpapa-picture at magpapa-autograph kay papa Ando kayo pumila." 

Hehehehe! Tindi ni Vernice. Para ko tuloy siyang assistant nito. 

0_0 

Yung totoo? Bakit ang daming pumila kay Ando? Yung totoo? 

"Am...guys, meron po tayong line ni Penelope at line ni Gracia? Sinong may gusto? Wag na kayong mahiya." sabi ni Vernice.

Wala talagang may lumipat. As in wala talagang pumila kila Penelope at Gracia.

"Ate mukha atang ang lakas ng tama nila kay Ando." biro ni Gracia.

Lahat kami dito nagsitawanan. Grabe, medyo maraming nakapila so it means ganito karami ang mga umiidolo sa akin? God, thank you po. Blessings narin po sila sa akin. 

Nagstart na akong magpapicture at mag-autograph sa kanila para maka-akyat na rin kami.

-After 123456789 years ago- 

Ok last na to. 

"Say cheese!" sabi ni Vernice. Siya kasi taga kuha ng pictures.

"Cheeeze!" sabay click ng camera.

"Ate Daisy thank you po. Idol na idol ko po kayo! Sana maging sikat kayo na singer balang araw." sabi ng babae. Lower year siya.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Sana nga. Thank you sa pagsupport mo sa akin I really really appreciate that." sabi ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Ang bait ng batang ito. Green yung pants niya, grade 7 to.

"Anong pangalan mo?"

"Alexa po." sabi niya.

"Thanks Alexa sa pag-aapreciate mo sa talent ko. Hope mabless ka pa ni Lord." sabi ko sa kanya. 

"Thank you po ate Daisy. Kayo rin po." sabi niya sabay ngiti sa akin at umalis na siya pabalik sa classroom niya.

Wooh! Nakakapagod naman ngayon. Sayang wala si mama di niya man lang ako napanood. Di bale nakuhanan naman ako ni Ando habang nagper-perform ako.

"Tara na Daisy, I know your tired now." sabi ni Ando.

Oo nga eh. Na-stress kasi ako masyado kanina dahil sa kaba at pag-aalala. 

"Hoy Ando, manlibre ka naman diyan!" sabi ni Vernice.

"Tch. Ikaw Vernice tigil tigilan mo ako. Porket naka-usap mo lang si Angelo gumaganyan ka." sabi ni Ando.

"Aha! Kaya pala." sabi ni Gracia.

"Ito nga yung picture nila oh." sabi ni Penelope habang pinapakita sa amin yung picture nila ni Angelo at Vernice habang nag-uusap.

Biglang namula si Vernice sa kilig at pikon na pikon kay Penelope.

"Akin na nga yang patay-sindi mong tablet at nang matulyan na yan!" pikon na sabi ni Vernice.

"Bleh kung kaya mo akong habulin." paghahamon ni Penelope.

"Ah ganon?" at nag umpisa na silang maghabulan na parang bata.

Ano bayan! Ang tatanda na nila asal bata parin sila. Habang kaming tatlo nagsisitawanan habang naghahabulan sila.

"Bahala kayo diyan mauuna na kami sa classroom." sigaw ni Gracia habang palabas na kaming quadrangle.

"EEHHHHH! Hintayin niyo ako. Iwanan na natin dito si Penelope!" sabi ni Vernice sabay takbo palapit sa amin habang si Penelope nasa malayo kung saan iniwanan ni Vernice.

Loko talaga tong babaeng to.

"Ang galing ng performance mo Daisy. I'm so proud of you!" masayang sabi ni Ando sa akin.

[Delete mo na yan Penelope!]

[Bleh! No no no no WAY!]

"Ah thank you." sabi ko. Ang dami ko nang nari-recieve na mga compliments galing sa ibang tao.

"DAISY!" 

Bigla kaming napalingon sa tumawag sa akin.

"Ay sir! Kayo pala." sabi ko.

"Hi kuya Ben!" bati ni Vernice.

"Bakit ba trip na trip mo pangalan ko?" tanong ni sir kay Vernice. "By the way, ganda ng perfornance mo Daisy. Laki ng inimprove mo. Kaming lahat ng mga teachers na nanunuod sayo touch na touch kami sa kanta mo." sabi niya.

Nagblush ako bigla kay sir. Di ko akalaing pupurihin niya ako ng ganito! Langit ang feeling ko ngayon. 

Teka? Nanduon ba siya? Eh si sir Santiago lang nakita ko eh.

"Sir nanduon kayo?" tanong ko. Promise! Di ko talaga siya napansin.

"Nanduon ako. Di mo lang ako nakikita." sabi niya.

"Ano yun sir, multo?" pilosopong sabi ni Penelope.

"Gaga! Ang multo pwede pang makita pero ang invisible na tao hindi. Siguro nag invisible si sir kaya hindi mo makita Daisy." sabi ni Gracia.

"Nako! Isa pa tong gaga. Ano ba kayo? Buti pa ako nakita ko si sir." mayabang na sabi ni Vernice.

"Oh? Saan?" tanong naming lahat.

"Duon sa *hahahhaha!*" 

-_- 

"Saan?" tanong ko.

"Duon sa *hahahhaha!*" 

Grabe puro na lang ata tawa ang sasabihin ni Vernice eh. 

"Tara na nga! Iwanan na nga natin tong baliw na daga!" yaya ni Gracia.

"Hahahaha!" tawanan namin.

"Ito na! Duon sa *hahaha* may pfffffuuno! BWAHAHAHAHA!" 

*Kuliglig sounds*

 -_-

Mga mukha namin.

Anong nakakatawa dun?

"Ayaan niyo na yan siya. Si Angelo lang ang solusyon diyan." sabi ko.

"Crush mo pala si Angelo?" gulat na tanong ni sir Vegas.

"Oo sir! Patay na patay nga siya kay Angelo eh." sabi ni Gracia.

"Wew! Di naman ako ganon!" deny ni Vernice.

"Sus. Deny ka pa! Anong sinasabi ng mga tigyawat mo?" pang-aasar ni sir.

"Sir naman eh!" 

"Uy tamang tama nandito si Angelo. ANGELO!" sabi naman ni Ando.

Biglang nataranta si Vernice "Ando! Huwag mo na siyang tawagin!" 

"Sorry ka palapit na si Angelo." sabi ni Ando.

"Lagot ka na ngayon Vernice." pang-aasar ni Penelope.

"Ano ba! Huwag niyo siyang palapitin dito." sabi niya habang nagtatago sa likod ni sir.

"Gustong-gusto mo naman. Binibiro ka lang eh. Wala naman siya dito." sabi ni Ando.

"Kung tadyakin kaya kita diyan." sabi ni Vernice.

"Ssshhh. Tama na yan! Baka biglang magcollapse si Vernice dito." sabi ko.

"Daisy naman!" sabi ni Vernice.

"Sir! Happy Teacher's Day nga po pala." bati nila Penelope at Gracia.

"Happy Teacher's Day din po kuya Ben!" bati naman ni Vernice.

"Thank you." sabi ni sir.

"Oo nga pala sir. Happy Teacher's Day din po." bati naman ni Ando.

"Thank you." 

Yes ako naman!

Nilapitan ko si sir at niyakap "Happy Teacher's Day po sir!" bati ko.

Waaahh! Bumibilis yung tibok ng puso ko. My goodness! Sarap talagang yakapin ni sir! Second time ko na siyang nayakap eh and ganun parin kasarap ang feeling ng niyayakap si sir.

Ito pa ang matindi. Niyakap niya rin ako ng mahigpit! KYAAAAAHHHHH! I feel protected talaga. Kung pwede lang matulog sa yakap ni sir, oh my kanina pa ako tulog dito.

"Thank you Daisy. At thank you rin sa song number mo kanina." sabi niya habang naka-akap kaming dalawa.

Yiiiiiieee! Hinding-hindi ko to makakalimutan tong araw na to. Almost 5 seconds yung tagal ng yakapan tsaka kami kumalas sa pagkayakap. 

Nanduon parin yung bakas ng yakap ni sir sa akin. Alam mo yung feeling na gusto mo pa. 

"Geh duon na ako sa faculty. Magpaparty-party muna kami dung mga teachers." paalam ni sir.

"Sige sir." sabi namin tsaka siya umalis papuntang faculty.

Kinikilig ako ngayon! Grabe, di ko maipinta yung facial reaction ko nung niyakap ako ni sir.

"Uy oh. Kilig na kilig." sabi ni Vernice.

"Ene be nemen kese." sabi ko habang nagsu-sway ng buhok ko to the left and to the right. Grabe ang haba ng hair ko.

"Yiiiee! Ate naka-points kay sir." pang-aasar ni Penelope.

"Pwede bey tegelen neye ne ekech." maarting sabi ko.

"Kinikilig." sabi naman ni Gracia.

Yiiiee! Nangingisay ako sa kilig dito. "Tara na guys, akyat na tayo at nang makakain na." yaya ko.

"Oh sige." agree nila.

Bayan si sir Vegas lang naka-appreciate ng performance ko. Si sir Santiago kaya? Never niya pa ako napapansin pwera na lang paghighest ako subject niya duon niya lang ako napapansin.

Psh... asa pa akong mapansin niya ako. Kapre yun eh! Hehehehe joke :)

------

Nandito na kami sa hallway papuntang classroom namin. Grabe, kahit kailan di talaga ako napagod pag nakakarating dito sa floor namin.

"Ano guys kaya pa?" tanong ni Ando sa amin.

"GUTOM NA AKO!" sigaw ko. Lahat kami dito hingal na hingal.

Kanina pa ako nagugutom! Di pa ako kumakain since bago ako kumanta puro tubig lang ako. Bawal kasi sa isang singer ang mabusog lalo na sa time bago siya magperform.

Habang naglalakad kami sa hallway ay may di kaming inaasahan na makakasalubong.

"Hoy ikaw Dela Cruz! Bakit di ka nakasama sa formation ng mga staff?" seryosong tanong ni sir Santiago kay Ando.

Hiiee! Parang galit ata si sir kay Ando. Nakakunot ang noo eh.

"I'm sorry sir. Nawala po sa isip kong dalhin ang CAT uniform ko." sabi ni Ando.

"Be ready on Tuesday." sabi ni sir Santiago kay Ando at tsaka siya naglakad paalis.

Why? Why? Ang laki ng expectation ko kay sir Santiago. Akala ko pa naman mapapansin niya ako. Babatiin ko pa naman siya. Ang sad naman. Medyo nasaktan ako.

"Tara na guys sa loob." yaya ni Ando sa amin.

"Sige Ando duon na lang kami sa classroom namin kakain." sabi ni Penelope.

"You sure?" 

"Ok lang kami Ando." sabi ni Gracia.

"Sige, duon na kami." paalam ni Penelope.

"Geh." sabi naman ni Ando tsaka umalis na yung dalawa papuntang classroom nila.

Habang kami ni Ando at Vernice sabay kaming pumasok sa classroom namin.

Totoo nga talaga na sa bawat saya na nararanasan at nadarama mo ngayon ay may kapalit na kalungkutan. Haysst! Sa susunod di na ako mag e-expect masasaktan lang ako.


A/N: Hi guys! How are you na? Sorry napaka slow ng update ko. Thank you sa mga may tiyagang basahin tong kwento ko. Christmas na! I hope maging masaya ang Christmas niyo. Biruin niyo umabot pa to ng Christmas? Hahahaha! Basta sana nagustuhan niyo ang latest update ko. GOd Bless EVERYONE and MERRY CHRISTMAS!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 986 75
I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND...Naranasan mo na ba ma inlove sa bestfriend mo? Nag mahal ka na ba ng sobra sobra dahil sa kaibigan mo? Na love at...
1.6K 164 34
who will you choose? your past na mahal mo pa or your present na ikaw yung mahal?
3.6K 91 10
Paano kong magbago nalang bigla ang kinagisnang mong buhay dahil sa pagbabalik ng nakaraan nakaraan na magpapaliwanag sayo kong ano ba talaga ang tot...
606 8 1
Soon (Coming Soon) Part 2 Walang nakakaalam ng kasunod na kwento o walang kasunod ang nakakaalam ng kwento?
Wattpad App - Unlock exclusive features