TORPEdo(on hold)

By HoriiCow

323 6 4

Si Ricky ay isang torpe na nagkagusto sa isang kakaibang dalaga na nagngangalang Kyla. Tuklasin ang kakaibaha... More

Preface
Introduction galing sa Bida
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Thoughts

Chapter 3: Expectations

59 1 1
By HoriiCow

LEGEND:

Bold Text in quotations: Spoken words

Non-bold text in quotations: Words spoken to self.

Normal Text: Words spoken to reader.



Ang mundo ng pag-ibig  ay punong-puno ng dagim. (mist)

Hindi ka basta - basta makakakita dito, kaya most of the time nakakalito.

Paghirapan mo man ang paghanap o hindi, ang chansa na makita mo siya ay pareho lang.

Minsan nga isang metro na  nga lang ang layo niya sa sayo di mo pa siya nakita dahil lumingon ka sa ibang direksyon.

Pero minsan din, katabi mo na nga lang hindi mo pa nakita dahil hindi ka nagbabago ng direksyon.

Pwede rin na marinig mo kung nasaan siya pero magugulat ka na lang na mauuntog ka sa isang bakal na poste dahil hindi mo ito nakikita.

Pero, pwede rin na alam mo kung saan ang poste, pero do mo naman alam kung saan ang hinahanap mo.

Hayyy kawawang bata.

Or!

You can think outside the box!

May bibig ka, gamitin mo yan!

Tawagan mo ang hinahanap mo.

Kung hinahanap ka rin ng hinahanap mo, kahit gaano pa mausok ang daan magkakalapit din kayo ng magkakalapit haggang sa magkita na kayo.

'Edi happy ending!

Para naman sa iba, pera ang solusyon sa paghanap ng magmamahal sa kanila.

Meron chansang makukuha mo sa ganun ang hinahanap mo mo pero kadalasan hindi.

Pwede kang bumili ng electric fan o hair blower upang ipa isang tabi ang mga dagim ng pag-ibig, pero tandaan mo na sa mundo pag ibig, walang koryente.

Magdala ka man ng battery, mauubos din yan.

Kung may makita kang babaeng totoo sayo gamit ang iyong pera, aba swerte kang bata ka.

 Pag hindi mo naman nagustuhan ang mukha ng nakita mo, wag ka agad mag back out.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi nagbabase sa cover page, kundi sa kaluluwa.

Alam mong tunay mo nang mahal ang isang tao kung mahal mo parin siya kahit na magbago pa ang kanyang ugali or pumangit siya ng konti.

Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung kahit hindi na siya yung dati mong nakilala, mahal mo pa rin siya.

Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung minamahal mo siya dahil siya ang taong nakasama mong tumawa, makipagkwentohan, kumain, maglaro, sumayaw, magpahinga at maghintay sa iyong buhay.

Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung ang isa sa mga pinaka ayaw mong mangyari sa buhay mo ay ang mawala siya o kaya'y maging mas masaya siya sa piling ng ibang lalake/babae.


_________________________________________________________________________

Ikatlong araw na ng klase. Kinaumagahan.

Kaya ko nang pumasok at naka bili na si inay ng aking panglakad para makalakad ako ng mag - isa.

Pero, hindi pa ako sanay na gamitin ang mga ito kaya nag stay muna ako sa bahay upang masanay.

Una naglakad muna ako ng walang bag.

"Ok!"

Sunod nagdala ako ng bag.

Nakakalakad ako ng may bag pero nahihirapan ako magbalanse kasi first time kong maganito.

Kung mawawala ako sa balanse sa gitna ng daan, baka lalo pa kong ma aksidente.

Nagsimula na kong bumaba upang kumain.

"Hay. Kailan pa kaya ako makakapasok?"

"Gaano kaya karami ang mga kakailanganin kong habulin upang makasabay sa klase?"

"Kamusta na kaya si..."

"Ugh! Ano ba 'tong utak na 'to. Kanina skwela biglang naging Kyla. Umayos ka nga."

Pag-abot ko sa baba, walang akung nakitang tao.

"Nay! Nandyan ka ba?", sinabi ko ng malakas.

Lumipas ang dalawang segundo, wala akong narinig na sagot.

"Ang aga namang umalis ni mama. Bakit kaya?"

Pumunta ako sa lamesa.

Pag dating ko, nakita ko na may nakahanda nang sinangag, hotdog at itlog. At ang matindi ay MAINIT PA RIN ANG MGA ITO.

"Wow. Kakaalis lang siguro ni mama. Makakain na nga."

Since gutom na ko, nagsimula na kung kumain.

Pero habang ako ay kumakain,

nangyari ang isang bagay na talagang, talagang,

talagang,

talagang,

talagang hindi ko inaasahan na pangyayari.

Habang kumakain ako bigla kung narinig na nag bukas ang de-slide pintuan ng shower room namin.

Hindi ko na lang pinansin dahil akala ko si inay lang yun, ang shower room kasi namin parang soundproof kasi ito ay malayo sa sala.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Paglipas ng ilang minuto,

Mula sa likod.

may nag tanong sa akin.

"Nagustuhan mo ba ang luto ko Ricky?"


"Oo. Sobrang sarap nga eh!"
, sumagot ako ng hindi tumitingin.

Pero may napansin ako pagkatapos kong sumagot.

Pamilyar ang boses na 'yon pero HINDI YUN BOSES NI INAY.

Mabilis akong lumingon  sa likod.

at DEDENG!

Si Kyla nanaman...

pero ngayon mas shocking.

Kung kagabi siya nakasuot ng pambahay at siyay gusgusin,

ngayun ay ganun parin, sexy na pambahay ang kanyang suot 

PERO

BAGONG LIGO

SOBRANG FRESH TINGNAN

ANG BANGO PA

wala na kong nagawa,

Naging bulkan na ang Mt. Everest!

Ramdam na ramdam ko na ang pawis mula sa ulo ko.

"K-Kyla! Anong ginagawa mo dito!?!", nagpapanic na tinanong ko sa kanya.

Sa pagtanong ko parang napansin ni Kyla ang kakaibang reaksyon ko.

Instead na sagutin niya ang aking tanong,

"Buti naman nagustuhan mo ang luto ko.", sabi niya sa akin ng may malaswang tono.

"H-Ha?", ako ay na tuliro.

Inikot ni Kyla ang upuan ko papunta sa harap niya at lumuhod siya sa aking harapan. 

"Balak ba niyang pasabugin ang bulkan ko!?!"

"A-Anong ginagawa mo!?!"

Tumingin siya sa aking mga mata habang nakangiti.

Nagtutukan na lang kami ng mahaba. Di ko na alam sunod na mangyayari. Nag-iinit na ako nang sobra.

Hinanda ko na ang bagahe ng aking dignidad.

Nang biglang,

"HAHAHAHAHAHAHA!", tumawa ng biglaan si Kyla.

"H-Ha...?"

"Walang syang plano?"

"joke lang yon?"

"Hayyy naku! Ang saya tingnan ng reaksyon mo Ricky! Haha, ikaw naman o, hindi naman ako desperado!"


Di ko napansin na naiguhit ng aking mukha ang isang napakadismayadong ekspresyon.

"Bakit ganyan ang mukha mo Ricky? Mas gugustuhin mo bang ituloy ko?"

"H-Hindi no!" pero napangiti ako nung sinabi ko 'yon.

"Heh tumahimik ka. Ayaw ang sinasabi ng bibig mo pero yang mukha sobrang obvious na gusto. Isusumbong kita sa mama mo".

"Wag naman! Sorry na okay? Lalaki lang ako."

"Fine. Apology accepted."

"Hay salamat. Ay wait, bakit ka nga pala nandito? Diba may klase tayo?"

"Oo nga, may klase nga. Pero tumakas ako, hehe."

"ANO RAW?!"

"Ha? Bakit ka tumakas?"

"Kasi napansin ko na wala ka sa skul. At syempre alam ko naman na kasalanan ko 'yon kaya naisipan kong samahan ka sa bahay nyo para makabawi."

"HULOG ITO NG LANGIT!"

"Kakaiba ka. Wala pa kong nakitang babae na katulad mo."

"Ganun ba? Salamat, hihi"

Tumahimik ang atmosphere.

"Uhhh...Hala, lumalamig na ang plato ko."

"Ah sorry kumakain ka nga pala!"

Tumayo na si Kyla at binalik na ang upuan ko sa tamang posisyon.

"O sige tuloy mo na pagkain mo. "


Umalis na si Kyla sa kainan.

Nagpatuloy na akung kumain.

"Mas masarap siya mag luto ng itlog kaysa sa nanay ko."

"Ano kayang nilagay niya dito?"

"Ang sarap."

"Sana siya na lang mag luto ng almusal ko araw-araw. Hmmm...Kailan kaya mangyayari ang araw na 'yon?"

Umiling ako.

"Ano ka ba Ricky? Di ka pa nga nag sisimula ang klase nagpapadistract ka na. Maya na ang lab lab, may lab naman sa chemistry.",

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang panglakad ko at inayos ko na ang lamesa at nilagay sa lababo ang mga plato.

"Hay naku. Ano naman kaya ang gagawin ko sa buong araw?"

Pumunta ako sa sala.

Pagpasok ko, nakita ko si Kyla nanonood ng drama sa TV.

Tumabi ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya nakita ko siyang umiiyak ng sobra dahil lang sa simpleng drama.

Tatawanan ko na nga sana siya eh, pero hinayaan ko na lang siyang i - enjoy ang moment niya.

Pinanood ko na lang rin yung pinapanood niya.

Everytime na merong patalastas, pinapalo-palo niya ang aking braso habang tumitili ng mahina.

Paglipas ng dalawampung minuto natapos na ang kanyang pinapanood. Pinunasan na niya ang kanyang luha at pulang pula na ang kaliwang braso ko.

"Ahhhhh! Ayaw ko nang pumasok! Manonood na lang ako ng TV araw-araw.", pasigaw na sinabi ni Kyla sa kanyang sarili.

"Di mo ba nagustuhan 'yun? Ano kayang mangyayari kay Reynard? *wails* ", tanong sa akin ni Kyla habang inaalog ako.

"Hindi naman sa hindi ko gusto, pero masyado namang mainstream yung plot. At replay na 'yan, meron na yan dati sa TV alam ko na kung ano ending niyan."

"Noh??? So meron na to sa internet?"

"Oo. Puntahan mo lang yung website nila."

"Ahh sige. Makakapasok pa pala ako, hehe."

Kinuha ni Kyla ang remote at pinatay ang TV.

"Ano namang gagawin natin ngayon? 9:30 pa lang.", tanong ko kay Kyla.

Nag-isip si Kyla.

"Ah!", biglang umimik si Kyla.

"Anong naisip mo?", tinanong ko siya.

"Wait ka lang ha?"

Tumayo si Kyla at umakyat sa hagdan.

"Ano kayang pinaplano nun?"

Pagbalik ni Kyla, dala-dala na niya yung gitara ko.

"Mag gitara tayo! Ikaw muna.", sabi niya sa akin.

"Ha? Konti lang alam kong mga kanta."

"Ok lang yun. Isa lang , yung best mo."

Binigay ni Kyla sa akin ang gitara.

Huminga ako ng malalim,

at nagsimulang mag gitara.

*Train - Marry Me*(read while imagining you are hearing the song)

"Ah! Alam ko yan. Marry me! Tuloy mo lang kakanta ako."

"Forever can never be long enough for me

To feel like I've had long enough with you..."

Pagkanta ni Kyla, tumayo ang aking mga balahibo.

Grabe, ang galing niya kumanta.

Hindi naman ganun ka ganda ang ang kanyang boses pero ang control nya ay nakakabighani.

Naaabot din niya ang mga sobrang tataas na tono pero naka falsetto na.

Ang swerte ko naman.

Na nakakilala ako ng isang babaeng ganito.

Halos full package na,

Maganda

Sexy

Caring

DARING

Mabait

Singer

CHEF

Malamang matalino rin siya dahil magkasama kami sa section A.

Nakapasok siya sa bahay syempre kilala na rin siya ni inay.

Paano kaya niya nagawang mapapayag si inay na alagaan ako?

Magkakilala na kaya sila dati?

*End of Marry Me*

"Wow ang galing mo mag plucking ah. Ako naman."

'Yan nagsimula na siyang mag gitara.

Ang galing din.

Mas magaling pa siya mag plucking sa akin.

Ang sarap pakinggan ng pag gitara niya.

Lalo na pag sinabayan na niya ng kanta.

Ang dami ng kinanta na kanta para sa akin.

By chance, We could happen, To be with you, at ilan pang mga kanta.

Soft lang ang pagkanta niya ng mga ito.

Kaya naman habang kumakanta siya ay unti-unti akung nakatulog.

zzz

zzz

zzz

Pag gising ko alas dose na at nakahiga na ko sa sofa na may unan sa ulo.

Amoy na amoy sa hangin ang sinigang.

"Sinigang? Marunong siya mag sinigang!?! Ano kaya niluluto niya? Excited na ko!!!"

Nagtulog -tulogan ako para gisingin niya ko.

Maya-maya naramdaman ko na palapit na siya.

"Yeyeyeyeyey!"

Inalog nya ko ng konti.

"Gumising ka na"

"Anak"


"WAT!?!"

Mabilis akong bumangon at lumingon.

"Si Inay nga!"

"Nasaan na si Kyla inay?"

"Ah yung asawa mo? Pina uwi ko na kasi nandito naman na ko eh. Nagpa excuse ako sa trabaho."

"Ah ganun ba, salamat nay! At di ko asawa 'yun!"

"Parang oo naman eh. Pagbukas ko ng pinto ang nakita ko nakahiga ka sa kanyang hita habang nanonood siya ng TV."

"Huh? Nag gigitara kami nun nung nakatulog ako!"

"Weh? Reasons! OK lang yan anak basta mag aral ka ng mabuti."

"Di ako nag sisinungaling!"

"Heh! Bahala ka dyan, kumain na tayo. Maghugas ka ng kamay."

"Ok nay..."

Anong klaseng anak ba ko? Maski na masayahan ako na maagang umuwi si inay, na bad trip pa ko.

End of Chapter 3

Continue Reading

You'll Also Like

58 1 15
Sitcom/Melodrama Pitong magkakaklase, pitong ibat ibang buhay sa iisang istorya tungkol sa ibat ibang uri ng Love. Ibat iba rin ang kanilang pagsubok...
424 1 28
Napakaraming typical love story na ang nabasa o napanood natin. May mga kwento ng babae na mahirap at nagkagusto sa mayamang lalake at vice versa, mg...
307 9 14
Paano kung ang isang babaeng hindi Nagseseryoso sa mga naging Bf's nya ay magkaroon ng isang Secret Admirer? Anu kaya magiging reaction nya? matutuw...
6.2K 230 25
Isang college student ang nagkagusto sa isang lalaki na naging classmate niya mula highschool at ngayon schoolmate niya. Tatlong taon siyang nag kagu...
Wattpad App - Unlock exclusive features