How To Make A Serial Killer

By Serialsleeper

692K 47.2K 40K

Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a stra... More

special announcement
note
how to make a serial killer
|o1 : The offer she couldn't refuse |
|o2 : The Fearmonger Project |
|o3 : The Brains |
| o4 : If I were you |
| o5 : Breadcrumbs |
| o7 : Creation |
| o8 : Believe me |
| o9 : Among us |
| 1o : Scarlet |
| 11 : Freak Out |
| 12 : What's your sin? |
| 13 : Heartbreaker |
| 14 : Hunter Hunted |
| 15 : Wicked Intentions |
| 16 : Hero |
| 17 : The rope that binds us |
| 18 : Surrender |
| 19 : Guilty |
| 2o : Oh crap |
| 21 : Same feathers |
| 22 : Scandal |
| 23 : Snitch |
| 24 : Good Girl |
| 25 : Dead |
| 26 : Promise |
| 27 : Next |
| 28 : Happy Birthday, Wren |
| 29 : Reckoning |
| 30 : The Ringleader |
| 31 : Judgment Night |
| 32: Run like hell |
| 33 : The Aftermath |
| 34 : The Truth Underneath |
| 35 : Mother |
| 36 : Home |
| 37 : The Good Son |
| 38 : Cruel |
| 39 : Redemption |
| 40 : Lozarte |
epilogue

| o6 : Fluke |

20.8K 1.2K 529
By Serialsleeper


----- CHAPTER o6 -----


We all gathered in a coffee shop just outside Valesca University. Everyone is present except for Stu, who is at home and keeping an eye on Bailey. We made sure to sit on the farthest corner of the room, away from anyone's earshot.

"Don't worry, it's just a coincidence. It's not like there's a real murderer in this city," ang basa ni Zambrano sa mensaheng natanggap mula kay Selene, secretary ni Andros.

"For real though." Jasmine sighed and rolled her eyes, taking a sip of her macchiato. "Coincidences happen all the time. Kayo naman, masyadong matatakutin."

"I don't buy it . . ." Umiling-iling si Julian. "How about the shadow that Wren saw?" aniya sabay turo sa akin kaya tumango ako.

"Have you guys ever heard of a prank?" Jasmine said with a sarcastic tone and smile. "Malay n'yo, one of these days, nasa Youtube na ang nangyari kagabi?"

"She has a point," Kenzo agreed. "Prank or not, this has got to be a coincidence. It's not like one of us will deliberately leave severed body parts in that waiting shed."

"Oo nga . . ." Lindsey agreed.

Nagtaas si Ashton ng kamay. "My money is still on Meow. He's just fucking with us."

"Oh, fuck you! Sabi ko nang hindi ako! I was out of the city with my cousins watching a gig! Ni hindi ako sa Valesca natulog. Ask Herbert, nag-cutting pa ako sa last subject kagabi kasi sinundo na ako," Meow defended himself for the nth time. He then glared at Ashton. "At anong Meow? It's Bartholomew! Mew!"

"I can vouch for him." Iritadong nagtaas ng kamay si Herbert sabay ayos ng kanyang salamin.

Zambrano heaved a deep sigh as he placed down his cup of coffee. "Arguing will only get us nowhere. At the end of the day, where does this get us?"

Nagtaas ulit ng kamay si Ashton. "Bobo ako kaya please explain?"

Zambrano slouched over the table as he leaned closer to the rest of us. "I'm saying . . . Prank or not, at the end of the day, we have a job to do. Bayad na tayo kaya kailangan nating mag-focus sa trabaho natin."

"Let me ask you then . . ." I cocked my head up. "What's your take about the severed body parts?"

"Naguguluhan din ako kagaya n'yo pero may trabaho tayong dapat gawin. We can't do anything about something we don't know," giit ni Zambrano.

"So that's it? We won't do anything about it?" tanong ni Julian.

"Ano ba tayo? Police?" Humalakhak si Levi. "I'm with Zam on this one. I mean, let's leave this to the cops. Prank or not, wala tayong kinalaman. Imposible naman kasing isa sa atin ang nag-iwan n'on."

Nagtaas-kamay ang kanina pang tahimik na si Micky. "What if someone's trying to sabotage our project?" Seryoso ang mukha at pananalita niya. Himala.

"Mick, are you high?" pabulong na bulalas ni Herbert sa katabi.

"No, I'm in college." Humalakhak si Micky at sumandal sa kinauupuan. Sabog nga.

"While we're all here, can we just settle our plans once and for all?" Sinang-ayunan ng lahat si Zambrano. "And why not use the severed body parts to our advantage? After all, that's part of our plan to begin with. You can do your thing now, Wren. Tell your story. Spread the fear."

Napatingin silang lahat sa akin.

***

Pilit kong binalwala ang nangyari kagabi. Zambrano's right. At the end of the day, we have a job to do. Why beat ourselves up with a mystery we can't solve? After all, we're not cops. Bakit ko poproblemahin ang hindi ko problema? Eh mukhang hindi nga rin sila namomroblema. Hindi patas 'yon.

Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair ko habang nakatitig sa kisame. Pilit na hinahanap ang wastong salita para sa kwento ko. I need to finish the script so I can record it right away.

Zambrano's right, we have a job to do. I need to get my shit together and keep up with my end of the bargain.

All of a sudden, my alarm tone rang wild. Hindi ko namalayan ang oras, hatinggabi na pala!

Dali-dali akong nagbihis. Gaya ng napag-usapan, nagsuot ako ng kulay itim na damit. Nag-rubber shoes ako para madali lang makatakbo at nag-ponytail.

I snuck out of the house with my backpack. Maingat at mabilis ang bawat galaw ko lalo't ayokong mabulabog ang mga manok, mamaya magising pa si Tito dahil sa kanila. Nang tuluyan akong makalabas ng gate, dumiretso ako sa basketball court na isang kanto ang layo mula sa amin.

Naupo ako sa isang tabi at naghintay hanggang sa tuluyang dumating ang isang motorsiklong lulan ng dalawang taong nakasuot ng kulay itim. Namukhaan ko agad si Kenzo na siyang nagmamaneho at si Jasmine na nasa likuran niya. Siraulo 'tong si Jasmine, naka-crop top pa talaga at sweat pants.

"Took you long enough," bungad sa akin ni Jasmine nang maupo ako sa likuran niya. To ensure the time and transport, we coordinated according to the neighborhood kaya naman kaming magkakalapit ng bahay ang sabay-sabay.

"New to this city, Wren?" tanong naman ni Kenzo.

"I was born here, but I had to leave. Ngayon lang ako nakabalik. Long story. Let's go before Zambrano nags us to oblivion," sabi ko na lamang.

Nang paandarin ni Kenzo ang motorsiklo, agad akong napahawak sa bewang ni Jasmine.

"Wren, nakikiliti ako!" natatawa niyang reklamo kaya nilipat ko ang hawak sa kanyang balikat. She squirmed and swatted my hands away. "Mas nakakakiliti diyan!"

"Saan mo ako gustong humawak?! Sa boobs mo?!" bulalas ko at narinig ko siyang sumigaw dahil sa pandidiri, samantalang si Kenzo ay tumawa nang malakas. Sa huli, sa backpack na lang ni Jasmine ako napahawak.

Dire-diretso lang ang byahe namin hanggang sa bigla na lamang huminto si Kenzo.

"Kenzo, ba't tayo tumigil?" May kaba sa boses ni Jasmine.

Before Kenzo could even answer, nakita naming may pigurang tumatakbo patungo sa direksyon namin. Jasmine gasped out of fear and begged Kenzo to drive. Matatakot na sana ako pero biglang naliwanagan ang pigura at nakita kong si Levi lang pala.

Tumatakbo si Levi patungo sa direksyon namin; may malapad na ngiti sa mukha at kumakaway-kaway pa.

"Wait, sasabay din ba siya sa atin?" Doon na ako kinabahan.

"Ano ba sa tingin n'yo?" Nilingon kami ng tumatawang si Kenzo. Nawala na naman ang mga mata.

"Oh, hell no! Ni hindi na kasya ang pwet ko!" pabulong kong bulalas at mabilis na umiling-iling.

"Paandarin mo na! Iwan na natin yan! Di na tayo kasya!" pabulong namang giit ni Jasmine.

"Too late! 'Wag buraot sa space!" Levi giggled. Awtomatiko siyang pumwesto sa likuran ko kaya tinulak ko si Jasmine, na tinulak din si Kenzo. Muntikang matumba ang motorsiklo kaya sabay-sabay kaming nagsigawan at sabay-sabay na pilit bumalanse.

"Shh! Shh! Shh!" giit ko. We're supposed to be sneaky criminals! Hindi kami dapat ganito!

"Laway mo, Wren!" pabulong na bulalas ni Jasmine.

"Shh! Shh! Shh!" I emphasized more. Kung pwede ko lang siyang duraan.

"Guys!" Kenzo blurted out authoritatively. Nasapian ni Zambrano. "Umayos kayo, mamaya matumba pa tayo!"

"'Tong si Levi, nanunulak!" paghuhugas-kamay ko kaagad.

"Eh sa wala na akong maupuan," giit niya.

I flinched. Direkta ba naman sa tainga ko magsalita.

"Atras nga kayo, tingnan n'yo, nasa gas tank na ang pwet ko," giit naman ni Kenzo kaya kahit hirap na hirap kami ay nakuha pa namin siyang pagtawanan.

"Hindi nga pwedeng umatras, malalaglag ako," katwiran ni Levi.

Sa huli, pilit kaming nagsiksikan. Pabulong kaming nagbabangayan sa byahe at paminsan-minsang impit na napapasigaw sa takot lalo na't maya't mayang gumegewang ang motorsiklo. Pinagtatawanan kami ng mga nakakasabay namin sa daan, samantalang kami ay napapamura na lang.

Gaya ng napag-usapan, dumiretso kami sa isang 7-Eleven. Natanaw ko kaagad sina Zambrano sa parking lot. Halos kumpleto na sila at kami na lang ang hinihintay. Akala ko papagalitan kami kasi late kami pero taliwas ang nangyari. Pinagtawanan lang naman nila kami nang todo dahil sa pagsisiksikan namin sa isang maliit na motorsiklo. Tinuturo-turo pa kami ng mga bwisit at kinunan pa kami ng litrato.

Kanya-kanya kami ng buntonghininga nang tuluyang makaapak sa lupa. Lahat kami ay nananakit ang katawan at pawisan kahit pa medyo malamig ang simoy ng hangin sa paligid.

"Si Stu?" tanong ko nang mapansing wala siya.

"Nasa subdivision na siya. Idi-distract niya ang mga guard para makapasok tayo. Nauna na rin niyang ikinabit ang CCTV para sa bahay na target natin," sabi ni Zambrano habang dire-diretsong naglalakad patungo sa pinakamadilim na bahagi ng parking lot. Nakunot ang noo ko nang makita ang isang may kalakihang van.

"Kay Zambrano?" napatanong ako.

"Kay Sir Andros 'yan," sagot ni Julian na nakatayo na pala sa gilid ko. "And that's no ordinary van."

***

Namangha ako nang tuluyang makapasok sa sasakyan. It turns out to be an RV. Imbes na mga usual na leather seat, mayroon itong espasyo na tila ba isang living room. May mahahabang sofa, mini fridge, tv, at banyo pa.

Kanya-kanya agad kami ng upo sa sofa, samantalang si Kenzo naman ang nasa driver's seat. Iniwan nila ang kani-kanilang mga motorsiklo at sasakyan sa 7-Eleven.

Walang nag-aksaya ng oras. Dahil may kanya-kanya na kaming assignment, kanya-kanya na rin kami ng kilos.

Mabilis na dinamitan ni Jasmine si Levi lalo't siya ang gaganap bilang Berdugo, ang gawa-gawa naming serial killer.

Inilabas ni Herb ang maskara na nakakabit na sa isang bust. Mukha tuloy itong isang pugot na ulo ng Berdugo namin.

Sa isang tabi ng van ay naupo si Lindsey at inilabas ang isang malaking bottle spray mula sa kanyang bag. Naglalaman ito ng fake blood namin. Katabi niya si Ashton na kinakabisa ang mapa ng subdivision na nakuha pa niya mula sa daddy niyang nagsisilbing City Engineer ng lungsod.

"Malinaw na ba sa lahat ang plano?" tanong ni Zambrano habang isa-isa kaming inaabutan ng kulay itim na walkie-talkie na mula rin kay Andros. Naturuan na kami ni Zambrano kung paano ito gagamitin.

"Zambro, hindi mo pa ako binibigyan ng gagawin?" Nakangiwing nagtaas ng kamay si Meow. Zambro? That's nice. Magaya nga.

"You stay here in the van. You will be our getaway driver. You have to be alert because no one should get inside this van other than us," giit ni Zambro.

"Wait, how about me? What am I going to do after this? Do I follow Levi around?" tanong naman ni Jasmine habang abala ang mga kamay sa pagkakabit ng combat shoes ni Levi.

Zambro snapped his fingers as he pointed Jasmine. "Stay here with Meow."

Meow purred like a cat and then smirked mischievously at Jasmine. Mukhang natanggap na yata niyang Meow na ang tawag sa kanya ng lahat. I'm so proud of myself.

Agad napangiwi si Jasmine. "Can I just be the serial killer so I can kill this perv?"

Napaayos ng tayo si Meow. "Ito naman hindi na mabiro. Perv na agad? Gentleman ako oy!"

"How about me?" Nagtaas ng kamay si Micky.

"For the last time, you're the bait!" Iritadong bulalas ni Zambro. Palibhasa, ilang beses na niya itong pinapaulit-ulit mula sa meeting hanggang sa GC. Loko talaga 'tong si Micky.

"When shit hits the fan, ikaw ang magpapahabol o magpapahuli dahil kahit na anong mangyari, ligtas ka. Protektado ka ng apelyido mo," paalala ni Zambrano. Micky's pretty lucky to be a Rojas. Sa pagkakaalala ko, lolo niya ang mayor ng Valesca noon at daddy niya naman ngayon ang Vice Mayor.

"Teka, di ba bait din ako? Paano 'yon? Di naman makapangyarihan ang pamilya ko!" protesta ni Julian.

"'Wag kang mag-alala, ikaw naman ang pinakamabilis tumakbo sa atin," natatawang sabi ni Kenzo na kahit busy sa pagda-drive ay nakikinig pa rin sa amin.

"Ken, everything clear with your task?" tanong naman ni Zambro.

"I'll stick with Levi at all times. Got it," confident na sabi ni Kenzo.

"Wren?" dumako ang tingin sa akin ni Zambro.

Ibinaba ko ang salamin na hawak at inayos ang wig na suot ko. "I will forever hate you for making me do this."

Nagtawanan silang lahat. Mga bwisit.

"Teka, pinabibigay din pala 'to ni Andros," pahabol ni Zambro at nagulat kaming lahat nang isa-isa kaming nakatanggap ng night-vision goggles. Holy fucking yeah.

Bigla na lamang huminto ang sasakyan. Natahimik ang buong paligid at napatingin ang lahat kay Zambrano.

"Time to spread fear," anunsyo niya.



----- HOW TO MAKE A SERIAL KILLER -----

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 367K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
66.4K 3K 13
Isang babae ang mahilig sa music. Halos lahat ng bagay na kanyang ginagawa ay binibigyan niya ng karampatang musika. Lagi na lang siyang nabobroken h...