Power of Seven

By IamAftoktonia

1.5K 87 53

Kilalanin si Ayeng Dela Cruz, isang anak mahirap at mag aalaga ng pitong lalaki na anak ng mga maimpluwensiya... More

Power of Seven
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13

Kabanata 2

134 9 4
By IamAftoktonia

EPISODE 2: Let's Welcome The New Housemates of Mr. Philip, Ayeng Dela Cruz!




NAKAKAPANIBAGO, iyan agad ang unang sumagi sa isip ko nang maramdaman ko ang malambot na sahig na kasalukuyang hinihigaan ko, ibang-iba sa nakasanayan kong matigas na banig na tulugan naming magpapamilya. Ayaw ko pang idilat ang mga mata ko, ayokong mabigla sa mga maaaring mangyari.

Pakiramdam ko, nasa loob na ko ng Mansyon, nangangatog na nga ako sa lamig dahil sa aircon na siyang nakatutok sa akin, hindi man lang ako binigyan ng kumot ni Mr. Philip o ng dalawang mukhang kuto man lang niyang bodyguard. Kahit kailan, wala talagang maginoo sa pamilya nila.

Umunat ako, may nakapa ang mga paa kong tela, may kumot naman pala, ang akala ko basta na lang nila akong inihiga dito at basta na lang din itinapon kung saan man ako kasalukuyang nakahiga ngayon. May nakapa ang pisngi ko na basa, napangiwi ako, bakit kasi pataob nila akong hiniga? Malamang, dadaloy talaga ang Niagra Falls. Nakakahiya! Kababae ko pa man din tao pero grabe maglaway.

Kinusot ko ang mga mata ko, bumuntong-hininga at nagbilang hanggang tatlo. Nilakasan ko na ang loob kong imulat ang mga mata ko, bahagyang nasilaw pa ako sa kumikinang na palamuti sa kisame. Napanganga na lang ako sa bagay na 'yon, sobrang ganda ng chandelier na nakasabit, alam mong mga mayayaman agad ang nakatira sa loob.

May tatlong klaseng chandelier na nakasabit sa kisame, ang pinakamalaki ang nasa gitna habang nasa dalawang gilid ang pinaliit na bersyon nito, andaming bumbilya ng chandelier, kamag-anak siguro ni Mr. Philip ang may-ari ng Meralco.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ang buong akala ko ay nakahiga ako sa malambot na kama, nasa sofa lang pala ako; sa isang malaking sofa na may pormang letrang 'c' pero naka-stroke ang dulo.

Sa harap ko may malaking T.V. at set ng mga cd's, speaker, PSP at mukhang pinaka-latest version pa ng Xbox Series, kung nakikita lang ito ni Cardo malamang matutuwa iyon, pangarap pa naman ng batang 'yon kahit makalaro lang ng PSP.

Lumingon ako sa kaliwang bahagi ko, nakita ko ang isang malaking hagdan, may pangalawang palapag pala ang mansyon. Sa palagay ko'y doon natutulog ang mga alaga ko o mga amo ko, hindi na pala sila mga bata para tawaging 'alaga,' ang weird palang sabihin o pakinggan.

Makintab at kumikinang ang sahig, mukhang yari pa sa pinakamahal na uri ng tiles; ang marmol, kung tutuusin para nga akong nasa Hotel, sobrang liwanang pa sa loob dahil nakabukas ang lahat ng ilaw, sinabayan pa ng magarang chandelier.

Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko, dumampi sa mga talampakan ko ang malamig na tela ng carpet, hinanap ko ang tsinelas kong suot pero tanging bagahe ko lamang ang nakita ng mga mata ko. Nakatabi ito sa isang sulok, sa gilid ng dulo ng sofa.

Napaposte ako ng tayo nang makita ang labas ng mansyon, hatinggabi na pala, kaya ganoon nalang ang pagkalam ng sikmura ko, nagugutom na ako, pero mas nananaig ang kuryosidad ko dahil sa mga nakikita ko.

Tumagos ang paningin ko dahil transparent na gawa sa salamin ang haligi at pinaka-main-door ng Mansyon. Kaya kitang-kita ko ang malaking swimming pool sa labas, mga halaman, mga upuan, mesa at ilan mga gamit pang work-out.

Naglakad ako palabas ng lobby, sumalubong sa akin ang nagtataasang pader na nakapalibot sa lugar, walang tarangkahan palabas ng Mansyon, kaya pala matindi ang paalala at pagbibigay ng babala sa akin ni Mr. Philip na kailangan ay maging maingat ako kapag nasa loob na ako ng bahay.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba, 'yung kabog ng dibdib ko, parang gusto ko nang mahimatay. Lalo na't naaalala ko pa ang mga huling habilin sa akin ni Mr. Philip.

"Kung maaari ay iwasan mong makipagtalo o makipag-away sa lalaking 'yan dahil baka huli na ang lahat bago pa kita maisalba mula sa taong 'yan,"

Kaya ba tinawag silang 'Power of Seven' dahil may mga superpower sila? Tapos, ang pinakamasama at pinakasalbahe sa kanila ay si----Darrex Lavisto? Oh, my God! Ayoko pang mategi! H'wag naman po sana sa loob ng Mansyong ito. Baka mamaya magkatotoo pa ang sinabi ni itay na iuuwi akong gutay-gutay ang mga katawan dahil chinop-chop na pala ako.

Hindi, hindi, hindi. Kumalma ka Ayeng, walang mangyayaring masama sa 'yo sa loob ng Mansyon, matapang ka, malakas ang loob mo, mabuting kang anak at mahal ka ng Diyos. Pakita mo kung sino ka, Ayeng! Kaya ko 'to at makakalabas akong buo at buhay sa Mansyong ito, ang kailangan ko lang talaga ay matapos ang kontrata ko at matapos ang trabahong ito, pagkatapos malaya na ulit ako.

Bigla kong naisip, may mga nakatago kayang camera sa loob? Para kaya itong Bahay ni Kuya? Katulad sa PBB? Nasa Reality Show ba ako? Bakit naman hindi sa akin ipinaalam ni Mr. Philip? Human Experiment lang ba niya ito kaya isinama na niya akong ikulong kasama ang pito? Mr. Philip naman, eh. Nababaliw na ako! Parang gusto ko na palang umatras, kaso maririnig kaya niya ko kapag sumigaw ako sa loob ng Mansyon?

Wala naman akong nakita sa bawat sulok ng bakuran na kahit anong nakasabit na maaaring paglagyan ng camera o kahit pulang ilaw, mukhang itinago siguro nila ang mga camera sa hindi madaling makita at hindi madaling mahanap.

"Hello, Mr. Philip, naririnig mo ba ako?" sigaw ko sa kawalan, umaasang maririnig niya ako at magpaparamdam siya ng kanyang presensiya. Kaso, wala akong narinig kundi malakas  na ihip ng hangin at mga kuliglig.

Napasabunot ako sa aking ulo, natataranta ako, ang daming tumatakbo sa isip ko na wala naman maitutulong sa pananatili ko rito. Hindi rin nakatulong 'yung mga huling habilin sa akin ni Mr. Philip at bagkus ay nagbigay pa ito ng takot at pangamba sa akin.

Binalik ko na lang tingin sa sala, nanindig ang balahibo ko sa aking nakita, may mukhang nakasilip at nagkukubli sa sofa, nakasuot ito ng hoodie jacket at nakatakip iyon sa ulo niya. Kahit hindi ko nakikita ang mga mata niya ay alam kong nakatitig at nakatingin siya sa akin.

Kaya pala parang hindi ako mapakali, parang may mga matang nakatitig sa akin, siya pala ang dahilan ng pangingilabot ko. Ayoko siyang lapitan, natatakot ako, hindi kasi siya gumagalaw at para siyang multo. Baka mamaya, ulo lang ang madatnan ko sa sofa, pugot-ulo pala siya.

Itay, parang gusto ko na palang umuwi, dapat pala hindi ko na tinangggap ang trabahong ito, buwis-buhay pala ang magiging trabaho ko rito, kaya pala grabe ang ginawang paghahanda sa akin ni Mr. Philip, dahil alam niyang puwede akong malagay sa panganib.

Kunware, hindi ko nalang siya napansin, nag-iisip ako, namomroblema sa mga kaganapan, kailangan may emosyon para kapani-paniwala, itutusok ko ang hintuturo ko sa aking sintido at titingala ng kaunti para mukhang nag-iisip nang malalim, Dahan-dahan akong tatalikod at haharap sa malaking bakod na nakapalibot sa Mansyon,

Sucess ang lola mo! Tagumpay ang plano ng person, kaso... parang may mali, hindi kaya kasama siya sa pito na magiging amo ko? Sino siya roon? Siya ba ang tinutukoy ni Mr. Philip na kailangan kong bantayan? Pero bakit? Ayoko talaga lumingon natatakot talaga ko!

Ngunit wala akong choice kundi harapin siya, kaya nilingon ko siya ulit, sa pagharap ko ay naroon ulit siya at 'di parin nagbabago ang puwesto niya. Kumaway ako sa kaniya para mapansin niya ko at laking pagtataka ko nang bigla itong nataranta. Pagapang itong tumakas at pumunta sa hindi ko pa napapasok na kuwarto.

"Siya pa may ganang matakot? Eh, siya nga itong hindi nagalaw at akala mo multo. Napaka-weird naman niyon," usal ko sa kawalan.

Patakbo sana akong babalik sa sala, kaso sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko na kailangan ko pala munang gumamit ng pinto bago ulit makapasok sa loob ng mansyon. Napahawak tuloy ako sa aking noo, may nakapa tuloy akong maliit na bukol, medyo malakas pa yata ang pagkakatama ko sa pinto na gawa sa salamin.

"Sir! Hello?" usal ko pagpasok sa loob ng sala.

Sunod-sunod ang narinig kong ingay sa isang lagusan na sa tingin ko'y kusina ng Mansyon, mga nagkakalansing na tunog ng mga bakal ang narinig ko, mga kutsara, tinidor, mga kaldero yata ang mga narinig kong mga nahulog sa sahig.

"Sorry na po, hindi ko sinasadyang sirain ang araw mo, gusto ko lang naman magparamdam ng presensiya ko. Sorry po, sir," sinseridad kong paghingi ng tawad, medyo lumapit pa ako sa lagusan kung saan nangagaling ang ingay upang marinig niya ko.

Maya maya ay may biglang gumulong na repolyo, doon ko napagtanto na nasa kusina nga pumunta ang lalaking nakasuot ng hoodie jacket. Kaso, ayaw ko siyang lapitan at mukhang nagwawala pa siya sa loob, parang bata na nagtatantrum, pinagbabagsak ang mga gamit sa kusina at pinagtatapon ang mga pagkain.

Bumalik na lang uli ako ng sala at umupo sa malambot na sofa, palalamigin ko muna ang sitwasyon dahil mukhang nagalit ko siya. Magmumuni-muni muna ako rito at iyon na nga ang ginawa ko, kinalikot ko lang ang laman ng mga maleta at tsinek ko kung kumpleto pa ba ang gamit ko at wala namang nawala.

Lagpas narin ng dalawampung minuto ang nakalipas, ayon iyon  sa malaking orasan na nakatayo sa gilid ng sala, ang huling kita ko ay nakatutok pa ang malaking galamay nito sa 10 na ngayon ay nasa 2 na, alas otso na ng gabi.

Labis na ang pagkalam ng sikmura ko, kailangan ko na talagang makahanap nang makakain at sobrang nagugutom na ako. Hihingi na lang ako ng sorry sa harap niya at makikiusap na patawarin niya ko.

Naglakas loob na akong pumunta ng kusina. Pagpasok ko sa loob ay tumambad sa akin ang mga nagkalat na pagkain at mga estante sa loob ng refrigerator, iyon pala ang mga narinig kong kalansing kanina. Hindi ko siya nadatnan sa loob, mukhang nagtago, o baka hindi ko lang namalayan na lumabas na pala siya ng kusina.

Pinulot ko ang mga nagkalat na gamit at pinatong ang mga iyon sa lababo, kinuha ko ang mga gulay na nagkalat at pinilit kong ipagkasya sa mga braso ko, ibabalik ko ulit sa loob ng pridyider. Nakakamangha! Ang laki ng refrigerator nila halos doble ng laki ng pinto ng bahay namin. Binuksan ko ang magkabilaang pinto ng refrigerator.

Nabitawan ko ang hawak kong mga gulay dahil sa nakita kong tao sa loob ng refrigerator, nangangatog itong nakayakap sa mga tuhod niya at nanginginig sa sobrang lamig. Sandaling, natulala pa ako sa sitwasyon dahil sa taranta at pagkagulat.

Hinila ko ang mga kamay niya palabas sa loob ng refrigerator, sa lakas ng pagkakahila ko at bigat niya ay natumba ito paharap sa akin, dumampi ang mga labi nito sa aking leeg. Napahiga pa naman ako sa sahig dahil hindi ko kinaya ang bigat niya. Para naman akong nakuryente at agad siyang tinulak nang malakas na dahilan para bahagyang magpagulong-gulong ito sa sahig.

Nakaramdam ako ng awa dahil nangangatog talaga siya sa lamig, kanina pa siguro siya nagtago sa loob ng pridyider kaya gano'n na lang ang pangangatal ng katawan niya. Mabilis akong kumilos at kinapa ang noo at mukha niya.

Kailangan niya lang mapainitan, kailangan ko siyang maibalik sa sala para doon ko siya maasikaso at mabalutan ng kahit anong makapal na tela. Kaso, wala sa kondisyon ang lalaking ito para maintindihan ang gusto kong mangyari.

"Sir, kaya mo po bang maglakad?" Hinawakan ko ang pisngi niya paharap sa akin pero wala itong sagot at patuloy lang ito sa pangangatog. "Sabi ko nga," Sinubukan ko siyang buhatin. "Hindi kita kayang pasanin sa balikat kaya hihilain na kang kita gamit ang mga paa mo," paalam ko at agad ko na siyang hinila gamit ang mga paa niya.

Mabuti na lang ay basa ang suot niyang jacket at dumudulas lang siya sa sahig, kailangan parin naman ng pwersa pero hindi naman na gano'n kasobra dahil umaayon naman ang bigat niya sa pagkakahila ko.

Sa wakas, naihiga ko na rin siya sa carpet ng sala, ang kailangan ko na lang gawin ay hubarin ang suot niyang jacket na basang-basa at maging ang suot niyang pantalon.

To be continued....

Author's Note: Nakatulog pa ako habang sinusulat siya, grabe antok ko, hindi kinaya ng superpowers ko, malapit na ko, malapit konang maisulat ang pagtatagpo ng pito at ni Ayeng. Laban lang Ayeng, hubaran mo, ang kailangan mo hubaran, 'wag kang mahiya, nagbabasa lang naman kami hahaha.

Pakifollow ako sa aking social media account mga people.

FACEBOOK: Aftoktonia Writes
INSTAGRAM: IamAftoktonia

#PowerofSeven

Gamitin lamang ang hashtag na 'yan sa twitter o sa kilalang X na ngayon, babasahin ko po ang lahat ng mga opinyon niyo roon. Maraming Salamat po! Keep reading at voting para happy lang hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
161K 1.6K 78
Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho na pwedeng pasukan upang makapagtapos l...
199K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...