Power of Seven

By IamAftoktonia

1.5K 87 53

Kilalanin si Ayeng Dela Cruz, isang anak mahirap at mag aalaga ng pitong lalaki na anak ng mga maimpluwensiya... More

Power of Seven
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13

Kabanata 1

190 8 8
By IamAftoktonia

EPISODE 1: Goodbye to the Outside World, Ayeng!

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa aking maleta, nasa labas na ako ng bahay at nasa tapat na ng pinto ng aming bahay. Bumuntong-hininga ako nang malalim, wala na talagang atrasan ito, diz is it! Nakapirma na ako ng kontrata kay Mr. Philip at susunduin na lang niya ako sa kanto dito sa street namin.

Hindi naman niya kasi puwedeng ipasok pa sa loob ng compund namin ang sasakyan niya dahil hindi naman ito magkakasya sa masikip, makipot at magulo naming street. Nahihiya pa nga akong lumabas dahil alam kong pagtitinginan kami.

Sa wakas, isang dukha sa Tabing Ilog Compound ang makakatakas sa kahirapan, mapapa sana all nalang talaga ang lahat. Ni wala silang ideya na katulong lamang ang inapplyan kong trabaho, siguro iniisip nila bakit nakamaleta pa ako kung pwede namang bag.

Para sa kaalaman nila, si Mr. Philip ang bumili ng mamahaling maleta na ito at wala rin akong ideya na bibilhan niya ako nito. Kaunti lang naman ang mga damit ko, sapat na ang bag kong ginagamit ngayon sa school para madala lahat ng mga masusuot ko.

"Natawag na si Mr. Philip, nak! Mag-iingat ka dun ah, akin na yang maleta mo ako na ang magdadala." Nagkusa si itay na kunin ang maleta ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kanto kung saan kikitain namin si Mr. Philip.

Nakakatampo rin ito si itay, akala mo mag-aabroad ang anak, nang una 'di naman siya ganyan, tutol pa nga siya sa plano ko dahil baka mapahamak daw ako, baka kung ano ang mangyari sa akin, wala raw magbabantay sa akin doon at hindi niya makikita kung napapaano na ako.

Pero... ngayon? Eksayted na ang person na ihatid ako, ang ganda pa ng ngiti habang sinasalubong ang mga kakilala niyang mga kapit-bahay namin na ngayon lang nagkaroon ng pakialam sa 'min.

Ang nakakabuwiset pa, may biglang tuko na kumapit sa braso ko, feeling close na agad ang person na ito, ang akala niya siguro nakalimot na ako sa ginawa niyang pamamahiya kay itay noon.

"Ang kapit ah, Aling Kuting, close na pala tayo? 'Di ako na-inform? Ang bait mo pala," naparolyo ako ng mga mata ko, kung pwede ko lang tirisin ang person na 'to, ginawa ko na, ginigigil niya ko.

"Aling Kuting, ayaw po sha 'yo ni ate, shalbahe ka po, pinahiya niyo po shi tatay, galit pa kami sha 'yo! Ayaw namin sha mga bad pershon," Natawa ako sa narinig kong mga salita mula sa bunso kong kapatid.

Ang honest niya 'di ba? Dasurb ni Aling Kuting 'yan, 'di lang nakabayad si itay sa inutang niyang tatlong sardinas at dalawang kilos bigas pinahiya na niya ito sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon biglang susulpot na parang anlapit-lapit namin sa isa't isa.

Shabi ko sha 'yo, Aling Kuting, gigigil mo ko, parang lasheng lang me magsalita. Ba't kapag ako na naging bulol sa letrang 's' 'di na siya gano'n ka-cute? Sabagay, hindi naman kasi talaga ako kasing cute ni Cardo o ng bunso kong kapatid. Shuko na me.

Sa edad na limang taong gulang tuwid na magsalita ang kapatid ko na 'yan, para nga lang si Cardo Dalisay na bulol sa 's' with matching labas dila, char. Ipinangalan ni itay sa paborito niyang bidang karakter noon sa sikat na palabas na 'Ang Probinsiyano,' walang laktaw na pinalampas noon ang itay ko sa bawat episode niyan, kung pwede lang sanang bigyan siya ng certificate ginawa ko na, 'Best in Perfect Attendance.'

"Huy hindi ah, ang bait-bait ko kaya sa itay mo at isang beses lang naman nangyari 'yon, ikaw talaga ang cute-cute mo." Madiin nitong pinisil ang matabang pisngi ng kapatid ko.

Napangiwi si Cardo at napahawak sa kaliwang pisngi na pinisil ni Aling Kuting, napasimangot itong nakabuntot sa likod namin at napatingin nang masama sa taong naging dahilan ng pamumula ng pisngi niya. Natawa na lang ako sa pagkunot-noo nito, ang cute kasi magalit ni Cardo, sana pagbalik ko ganyan parin siya ka-cute.

"Hindi mo ba sasagutin ang tawag ni Mr. Philip, nak? Kanina pa nagri-ring yan? 'Di kaya baka magalit 'yan sa 'yo, sagutin mo na 'yan, nak," utos ni itay.

Inaksep ko ang tawag mula sa kabilang linya, itinapat ko sa aking bunganga ang hawak kong nokia na cellphone, lumang telepono na gamit pa ni itay kahit noon na nililigawan pa niya si inay. Kasing luma na nang pagmamahalan nila ang hawak kong cellphone ngayon.

"Goodmorning po, Mr. Philip, papunta na po kami sa kanto kung saan niyo kami susunduin," bati at sabi ko mula sa kabilang linya.

"Si Hopeless Romantic ito, pinaprank kalang namin ni Taguro, gusto mo marinig boses niya?" Napakunot-noo nalang ako. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to, palagi na lang akong inaasar. Itong dalawang malaking bodyguard ni Mr. Philip na pang bodybuilder ang katawan, ang hilig akong pagtripan, mga mukha namang kuto.

"Nasaan si Mr. Philip?"

"Kasalukuyan siyang naihi, gusto mo makita?"

"Hindi, no?"

"Kahit itutok ko pa ang camera kay Mr. Philip ngayon, hindi mo parin naman siya makikita, 'di ba? Ano nga pala ulit ang gamit mong selpon, 'yung may camera ba 'yan, Ms. Ayeng?"

"Hahaha, ang funny ng kalbong mukhang kuto na Hopeless Romantic naman," pambabara ko.

Eksaktong pagdating namin sa kanto ay siyang pagdating din nang magsusundo sa akin, nandito na sila, ang magarang puting van na palaging ginagamit sa akin na pang hatid-sundo ni Mr. Philip.

Napangiwi ako nang makita ang kalbong mukhang kuto na nakangising sumalubong sa 'kin, hawak niya ang selpon niya at tinuturo niya pa ito gamit ang nguso niya, pinatayan ko na siya ng telepono.

Lumabas mula sa driver seat ang aking amo, nakasuot ito ng puting polo, asul na pantalon  at itim na sapatos. Hindi ko agad nasilayan ang mukha nito dahil sa suot niyang relo na kumikinang dahil sa sinag nang araw na rumerepleksyon dito.

Napalingon ako kay Aling Kuting dahil sa biglang pagbitiw nito sa mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko, nakanganga ito, naglalaway at namamangha sa kanyang nakikita.

"Ang gwapo, iyan ang mga tipo kong lalaki," pabulong nitong sabi, nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Aling Kuting? Sino ba naman kasing hindi magagwapuhan sa nag-iisang Mr. Philip? Sa edad nitong singkuwenta anyos ay parang hindi ito natanda, sabayan pa ng comb-over-fade na hairstyle, marami paring babae ang maghahabol dito, lalo na ang mga katulad ni Aling Kuting.

Hindi naman mukhang kano o may ibang lahi si Mr. Philip, kayumanggi ang kulay ng balat, matangkad naman ito, maliit at matangos ang ilong niya at bumagay ang misteryoso nitong mga mata sa kanyang mukha.

"Kumusta, Miss Ayeng? Handa ka na?" bungad nitong bati saken.

Makikipagkamay sana sa akin ito ng biglang salubungin ito ng mga kamay ni Aling Kuting, mahigpit itong nakipagkamay, nginitian lamang siya ni Mr. Philip. Nakatulala itong nakatingin sa amo ko, hindi makapaniwala sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Ako si Kuting De Jesus, pwede namang 'Kuting' na lang ang itawag mo sa 'kin, meow!" pagpapakilala niya.

Luh, ganito pala humarot si Aling Kuting, akala mo cute na pusa, may pa-meow-meow pa, parang sunga, dapat talaga kanina siniko ko na 'to eh, kanina pa ko nangigil sa person na 'yan.

"Aling Kuting, gusto mo lagariin ko yang kamay mo, parang ayaw mo nang bitawan ang mga kamay ni Mr. Philip." Bumuwelo ako ng lakas at pinaghiwalay ko ang kamay niyang nakakapit sa amo ko, pasalamat ka na lang talaga at mabait ang taong 'yan.

"Kayo na pong bahala sa anak ko, sir, hinatid ko po siyang buo, sana buo niyo po rin siyang ibalik," pakiusap ni itay.

"Itay, mangangatulong po ako, hindi ako cho-chopin dun, mas nakakatakot pa 'yung iniisip niyo kaysa sa naiimagine ko." Napahawak ako sa aking dibdib, grabe naman mag-isip ito si itay, bigla tuloy akong kinabahan.

"Shushuntukin ko po kayo kapag 'di niyo inalagaan shi ate," untag naman ng kapatid ko.

"Makakaasa kayong nasa mabuting kalagayan si Miss Ayeng sa mga kamay ko, hindi masasayang ang bigla niyang paghinto sa pag-aaral para lang sa trabahong ito, walang masamang mangyayari sa anak niyo, at kapatid mo." Bahagya nitong ginulo ang buhok ng kapatid ko.

Kinuha na ni Hopeless Romantic at Taguro, ang mga gamit ko. Pinauna nila akong papasukin sa loob ng sasakyan, nakapagpaalam naman na ako kanina sa bahay kay itay at sa kapatid ko.

Pagkaupo ko sa likod ng driver seat ay bigla akong nakaramdam ng lungkot, alam kong mami-miss ko silang dalawa at si inay na nasa probinsiya, na nag-aalaga sa aking lola na mahina na at may sakit pa. Isa siya sa mga rason kung bakit ko tinanggap ang trabahong ito, para sa gayon ay mapauwi ko siya kasama si lola at magsama-sama na uli kami at mabuo na ulit ang aming pamilya.

"Talaga bang kailangan paggitnaan niyo kong dalawang higante? Para namang tatakasan ko si Mr. Philip, para sa kaalaman niyong dalawa, hindi ako marunong umatras sa laban, palaban kaya ang person na 'to," sabi ko.

"Aga mo magreklamo, payatot," Napatingin ako nang masama kay Taguro.

"Mr. Philip, talaga bang wala ka nang mapiling bodyguard at ito pa ang mga napagpilian mo? Lalo na itong kalbong si Hopeless Romantic," angal ko.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Taguro, may halong pang-aasar ang tunog ng mga tawa nito, palagi silang ganyan kapag magkakasama kami, walang tigil na asaran, laitan at kutyaan, hanggang sa matapos na lang ang buong araw.

"Mapagkakatiwalaan ang mga 'yan, mapang-asar lang pero maasahan 'yan sila sa lahat ng bagay. Atsaka, isa sila sa mga pinaka-loyal na nanilbihan sa 'kin, wala akong duda na hinding-hindi nila ako ilalaglag sa mga kalaban ko, nasubok na nang panahon ang tiwala ko sa kanila." Inabutan ako nito ng isang boteng tubig.

Tinanggap ko naman iyon dahil uhaw na uhaw na ko, isang lagukan lang ang ginawa ko, napatingin na lang sa akin ang dalawang higante na parang nakakita ng multo. Pinagmamasdan nila ako na parang hinuhusgaan, kaso 'di ko alam kung bakit? Uminom lang naman ako ng tubig.

"Pakiabot ng envelope kay Miss Ayeng," utos nito, tumalima naman si Taguro at inabot sa akin ang isang brown envelope.

Nakaramdam ako ng kaba, nang wala naman rason, siguro dahil sa brown envelope na hawak ko ngayon. Nanginginig ang mga kamay kong sinilip ang laman ng loob pero tanging mga papel lamang ang mga nandoon.

"Profiles" basa ko.

"Nandiyan na ang mukha at listahan ng mga aalagaan mo Miss Ayeng, mamaya makikita mo na sila nang harap-harapan at makikilala, may dalawa lang akong pakiusap, pakibantayan ang lalaking palaging nakasuot ng hoodie jacket at mag-ingat ka sa lalaking maraming tattoo,"

"Darrex Lavisto," ang unang profile na lumabas sa papel paglipat ko ng pahina. Kita nga na marami itong tattoo dahil makikita naman na nababalutan ng tattoo ang buo niyang. braso.

Bahagyang nagulat pa ako sa edad ng lalaking nasa profile, labing walong taong gulang din siya, kasing edad ko, pero andami na niyang tattoo, para siyang sanggano o anak ng   mga yakuza. Gwapo siya at moreno ang balat, malapad siyang lalaki kumpara sa mga kaedaran namin.

"Gusto kong maging malawak ang pasensiya mo sa lalaking 'yan, may pagkaagresibo siya at mainitin ang ulo, palagi niyang gusto na masusunod ang lahat ng gusto niya. Kung maaari ay iwasan mong makipagtalo o makipag-away sa lalaking 'yan dahil baka huli na ang lahat bago pa kita maisalba mula sa taong 'yan," babala nito.

"Mr. Philip?" Napakusot ako ng aking mga mata, bigla akong nakaramdam ng antok, naging malinaw pa naman ang huling sinabi sa akin ni Mr. Philip, ang mga babala niya ukol sa unang lalaki na may pangalan na 'Darrex Lavisto.'

"Hanggang sa muli nating pagkikita, Miss Ayeng, mag-iingat ka sa loob ng mansyon, may tiwala ako sa 'yo," saad nito habang nakatingin sa rear view mirror.

Hindi ko na kinaya ang bigat ng talukap ko at tuluyan na akong nilamon ng antok, hindi ko naisip na magagawa pa nila akong patulugin bago ihatid sa mansyon kung nasaan ang tinatawag nilang 'Power of Seven.'

To be continued.....

Author's note: Finally, natapos ko narin isang chapter, ni revise ko lang ulit talaga ito kasi pakiramdam ko maraming butas at medyo oa ang pagkakasulat ko nang una ko itong inupdate. Pwes, ngayon... kuntento na ako at wala na akong babaguhin.

Para sa mga readers ko na nagustuhan ang kabanatang ito ay mag-iwan lamang ng komento at boto, malaking tulong 'yon para mas mapromote pa ang istoryang ito at mas ganahan pa ko.

Pakifollow po ako sa aking social media accounts:

FACEBOOK: Aftoktonia Writes
INSTAGRAM: IamAftoktonia

#PowerofSeven

Gamitin lamang ang hashtag na 'yan sa mga gustong makipag kulitan gamit ang X or Twitter, babasahin ko pa ang lahat ng mga komento at hinaing niyo gamit ang hashtag na 'yan.

Keep reading para happy lang hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
73.6K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
18.9K 659 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...