Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 47

37 1 0
By Kristinoink

Kabanata 47

Jog

Natapos namin itayo at idecorate ang Christmas Tree bago mag dinner. Everyone is cheering dahil sa kinalabasan ng mga decorations. Tinutoo nga rin ni Mamu na sa labas magdidinner. Madami na kami at lalo pang nadagdagan nang dumating ang mga parents namin. Sinalubong namin silang lahat ng pagmamano at pag akap.

Di nagtagal ay nasa hapag na naman kaming muli. Mahaba ang table at malawak dahil sa dami namin. Malayo na naman sa akin si Xander pero hindi makatakas ang mga sulyap niya sa akin. Nang makapasok kami kanina sa bahay ay nahanap niya agad ang tingin ko.

Kumunot ang noo ng nakitang mugto na naman ang mata ko. Sumenyas lang ata si Papsi kaya hindi na siya lumapit pa. Kaya siguro kahit ngayon sa hapag ay di mapakali kahit na kinakausap na ng mga tito at tita namin.

"Mag isa ka lang bang susundo kila Alejandro sa linggo?" si Tito Lorenzo.

Binaba ni Xander ang mga kubyertos niya at hinarap si Tito.

"Opo. Hindi na po ako magsasama at magiging masikip po. Sa Clark ko lang naman po susunduin."

Tumango si Tito.

"Sa linggo nga pala ang uwi nila. Ma, Pa, ayaw niyo bang mag dinner na lang tayo sa sunday? Iyon pa rin naman ang totoong wedding anniversary ninyo," suhestiyon ni Tito Deo.

Umiling na si Papsi.

"Mas maganda nang buo tayo." Ngiti ni Papsi.

Hindi ako makakain. Hindi ko sila masabayan. Bumibilang ng minuto ang mga subo ko. Napansin na ako ni Brent kaya medyo nataranta pa ako na makuha ang atensyon ng mga nasa hapag.

"Ate, are you sick? It's my second plate now pero ikaw hindi pa nakakaubos."

Hindi naman malakas ang boses ni Brent pero nakuha nun ang atensyon ni Papsi dahil malapit kami sa kanya. Agad na lumibot ang maga ko sa gawi ni Xander at nakitang seryoso siyang nakikinig sa amin.

Hilaw akong ngumiti sa kapatid ko. Sina Papsi, Chinky, Xander, Mommy, Daddy, Margou at Kuya Marcus ang nanunuod samin.

"Busog pa kasi ako kaya hindi ko binibiglang ubusin ang pagkain ko." Ngumiti na lang ako sa kapatid ko at hindi na nilingon ang mga nakatanaw.

Wala namang sumagot. Nagkaroon muli ng bagong topic sa hapag at nakahinga ako ng mas maayos na wala na sa akin ang atensyon. Ang tanging tingin lang na nakapako sa akin ay ang kay Xander na pabalik balik ang tingin sa akin.

"So hindi kayo rito matutulog mga apo?" Malungkot na sambit ni Mamu.

Chantal pouted.

"Sorry, mamu. Marami pong deadlines na kailangan mameet."

Sumimsim si Mamu sa kanyang inuman at nilingon ang apo.

"Sayang naman. Pinaayos ko na ang mga kwarto ninyo sana..."

"Iplano na pang po natin, Mamu," si Chinky.

Agad na umirap si Chloe na di kalayuan sa akin.

"Ma, kung gusto mo ay pwede si Brent. Maaga ang sembreak niya kaya walang gagawin sa bahay ito kundi IPad o PA4." si Daddy.

Brent pouted at Daddy's remark.

Sumigla ang expression ni Mamu.

"Nako syempre ay gusto ko. Gusto mo ba, apo?"

Hindi makita ni Mamu si Brent sa layo nito kaya umatras pa ako para mabigyan ng espasyo si Brent. Ngumiti naman ang kapatid ko.

"Opo, mamu! Kaso..." nilingon niya si Mommy. "Wala akong damit mommy,"

"Ah! Oo nga..." Mukhang namroblema ngayon si Mommy. Nalungkot ulit ang mukha ni Mamu. Ngumisi naman si Papsi.

"Kumuha na lang tayo. Ihahatid kita dito mamaya, Brent." si Kuya Marcus.

"Mamaya? Edi kailangan na natin umuwi pagkatapos ng dinner para hindi gabihin masyado si Brent." ani Mommy.

Iyon ang nangyari. Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na si Kuya Marcus. Nasa bisig ako ni Papsi habang nagpapaalam siya. Si Brent ay nakatabi kay Mamu. Akala namin ay mauuna kaming umuwi pero sunod na rin na nagpaalam ang mga pinsan ko. Maiiwan ata ang mga Magulang namin para makipag kwentuhan pa dahil nagpakuha na sila ng wine.

"Magsama ka, apo, para hindu ka mag isang uuwi sa inyo mamaya," hinawakan ni mamu ang pisngi ni Kuya Marcus. Tumango ito.

"Oh, apo, babalik ka ha?" nilingon ko si papsi nang naramdaman ang pag higpit ng yakap nito. Ngumiti ako.

"Sama ako!" si Brent.

Hindi na siya sasama. Ako na lang ang mag aayos ng damit at gamit niya ayos sa utos ni mommy kaya kahit gusto niya pang sumama ay wala na siyang nagawa. Hinatid kami ni Mamu at Papsi sa pintuan. Doon na lamang sila nang nilakad na namin ang garahe.

"Travis, ikaw na ang magmaneho." ani Tito Deo.

Nag higikgikan kami at pinaulanam ng pang iinis si Deo. Sumimangot naman siya at tamad na binuksan ang front seat ng sasakyan ni Travis.

"Wait!" Sabay sabay kaming lumingon kay kelsey na tumatawag.

Sila Kier na ata ang mag hahatid kay Ayana. Si Kelsey at Chinky ay dapat na maiiwan dahil naroon pa sila Tita Kriselle sa loob at doon na lang sana sila sasabay. Kasunod ni Kelsey ang kapatid.

"Xander, pahatid!"

Nahagip ng mata ko si Xander. Galing sa akin ay lumipat ang tingin niya kay Kelsey. Si Chinky ang sinulyapan ko. Nagkatinginan si Xander at Kuya Marcus. Tumango ang kapatid ko. Pinatunog ni Xander ang sasakyan niya at nauna nang sumakay ng walang pasabi.

"Shotgun," Hindi nakatakas sakin ang yabang sa ngiti ni Chinky nang sumakay ito sa front seat.

Humagikgik si Chloe nang nakita niya ang pag-mock ni Kelsey sa kapatid.

"Bye!" sigaw niya bago sumakay sa likod.

Napabuntong hininga ako ng wala sa sarili.

"You good?"

I turned to see Kuya Ken. Kanina pa ata siya nanunuod sakin at bakas sa mukha ang pagtataka.

"Uh... Pagod lang." sabi ko at sumakay na sa likod ng sasakyan ni Kuya Marcus.

Fast forward, nakarating kaming tatlo sa bahay. Nakapikit ako buong byahe at pilit na kinalma ang sarili. Iniiwasang isipin na sa mga oras din na ito ay kasama na naman ni Xander si Chinky. Agad akong humigab pagpasok. Aakyat na ako para maiayos na ang mga gamit ni Brent at maibigay kay Kuya Marcus. I'm sure sila na ang magdadala dahil gusto ko na rin magpahinga.

Kaso mali ako.

Pag baba ko dala ang mga gamit niyang hinanda ko ayon sa bilin ni mommy, tinawag ako ni Kuya Marcus.

"Jes, you're coming with me,"

Napigilan ang pang linang higab ko na ata sa sinabi niya. Galing sa kusina at may dalang red bull ay napahinto si Kuya Marcus.

"Bakit ako?"

"Bawal?" inabot ni Kuya Marcus ang malaking bag mula sa akin.

"Tara na," aniya at tumalikod na.

Nagtatinginan kami ni Kuya Ken. Akala ko talaga ay siya ang kasama. Agad na umalma si Kuya Ken. Nakataas ang kamay at animo'y mapipigilan ng palad niya si Kuya Marcus, tinawag niya ito.

"Saglit kuya,'

"Hm.." tamad na lumingon si Kuya Marcus.

Parang kuting si Kuya Ken sa bilog ng mata nito nang tanungin si Kuya.

"Di mo ko isasama?" aniya sa maliit na boses.

Tumaas ang kilay ng kapatid ko sa isa kong pang kapatid na nagtatanong.

"Well, gusto mo bang sumama?"

Nilingon ko si Kuya Ken na nakatingin lang kay Kuya Marcus ng ilang saglit bago sumagot.

"Nah," anita at uminom sa soft drinks na hawak niya.

"Yun naman pala 'e. Bye," at tumalikod na muli.

"Pst. Ingat kayo. I've got essays to do," bulong na ang huli niyang sinabi bago pumihit at umakyat na.

Tamad akong sumunod kay Kuya Marcus sa sasakyan.

"You look sleepy. Wanna go to bed now?" aniya nang pinapaandar ang sasakyan.

Umiling na lang ako. Masyado nang pagod hindi lang pisikal na katawan kundi pati isipan at damdamin.

"Good." ngumiti siya at nagmaneho na.

Tahimik lang ako at nakatanaw sa byahe. Tatlong beses ata akong umiyak sa buong maghapon na ito. Hindi ko na alam kung may luha pa bang lalabas dahil lagi na lang akong umiiyak. It doesn't fail to disappoint me dahil walang kamalay malay ay umiiyak na lamang ako.

"Hey..."

Hindi ko na nilingon si Kuya.

"Hm?"

"Do you think that it will work out?" seryoso niyang tanong.

Tamad kong ibinaling ang mata ko sa kanya. Sumulyap lang siya sa akin.

"You're always sad. Lagi kang malamya pag wala si Xander. You cry often, too. Do you think it will work?"

Nakatitig lang ako kay Kuya. Hindi ako sumasagot kaya awkward niya akong sinusulyapan.

Ilang beses ko na bang natanong sa sarili ko iyan? Will this work? Is it worth it? Pag sa sarili ko tinatanong, parang hindi ko masagot. Laging nagdadalawang isip. Laging hindi sigurado but now hearing this from someone... It makes me feel that it is worth it. Every pain, tears and sacrifices. Pero sapat ba ang nararamdaman lang?

It pains me that I'm aware of the sacrifices that will be done. Masisira ang pamilya namin. Maaaring itakwil ako nila mommy. I'll lose my family. For the last time, Jessica, is it worth it? Is it worth it to be a home wrecker? Worth it bang madisappoint mo ang magulang mo? Yung mga taong tumanggap sayo?

"It's okay if you don't want to answer me. It's a complicated question anyway."

Tipid akong ngumiti. Wala rin naman akong masasagot.

"I... I love him, Kuya," yun ang tanging nasagot ko.

He glanced at me.

"I'm sure you do."

Ngumiti siya sa akin tapos ay pumreno. Napabaling ako sa paligid at nagtatakang tumingin muli sa kanya.

"Bakit tayo narito?"

Tahimik ang paligid at piling lugar lang ang may naka bukas na ilaw sa poste. Nasa gitna kami ngayon kung saan madilim at wala talagang ilang. Pinatay rin ni kuya ang headlight kaya walang ilaw sa paligid.

"Ito kasi ang-"

Hindi niya natuloy ang sinasabi nang may tumawag sa kanya. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at agad na sinagot.

"Oh... Narito na kakadating lang... Bilisan mo inaantok na ko... Aight..."

At pinatay ang tawag.

"Sino yun? May kikitain ka?"

Bumuntong hininga siya.

"Malapit na si Xander. He wants to talk to you..."

"What?" Muling nabuhay ang diwa ko.

"Yeah, yeah. Anyways, the plan is you two talk. I'll give you 30 then we'll go."

Kunot noo akong nakatitig sa kanya. Nilahad ko ang kamay ko sa paligid.

"Really? Dito talaga sa Freedom?"

He crossed his arms. Ang isang kamay ay nakasalo sa kanyang baba at ang hintuturo ay nakahawak sa labi. Sinuyod niya ang paligid at nagkibit-balikat.

Freedom park has a bad reputation regarding prostitutions and GRO's. Maganda rito pag umaga hanggang alas otso dahil sa mga christmas lights na nagpapaliwanag sa paligid but it's past 10 kaya madilim na. Bakit dito pa?

"It's the only place that's less suspicious. Tsaka madilim..."

"But-"

Hindi ako natuloy magsalita nang silawin ng ilaw mula sa harapan. Nang humina ang ilaw ay nakita kong headlight iyon ng sasakyan ni Xander. Agad na bumaba si Xander sa sasakyan niya. Nilingon ko si Kuya.

"Wag ka nang magreklamo. Go now and talk. 30 minutes lang," aniya at sinandal ang ulo sa sandalan at pumikit.

Huminga ako ng malalim. Tinanaw ko si Xander na sumandal sa sasakyan niya habang hinihintay ako. Hindi na ako nagtagal at agad na ring bumaba.

Walang ilaw sa kung nasaan kami. Kung meron man, malayo pa kaya hindi ganon kaliwanag. Konti lang ang liwanag na nakaka abot sa amin at natatanglawan nun ang mukha ni Xander. Nakatitig sa akin at naghihintay sa pag lapit ko.

He opened his arms, welcomung me with a hug. Ngumiti ako at tinanggap ang yakap niya. His warm body enveloped mine.

"You look tired,"

The hug loosen. Yumuko siya at tumingin sa akin. He kissed my forehead. Ngumiti ako.

"Nakakapagod umiyak buong araw," I chuckled.

Hindi naman siya nag react. Malungkot lang siyang tumingin sa akin. It's a joke pero hindi ata siya natuwa. Ngumiti ako at isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"It's a joke, Xander,"

"I don't find it funny when you cry," He whispered.

Hindi ako agad sumagot. I'n enjoying his warmth. I'm enjoying this moment. Madilim, malamig, nakakatakot pero dahil nandito siya ayos lang ako. I've never felt this secure my whole life. Parang kahit napaka delikado ng mundo alam kong walang mangyayaring masama sakin. How amazing that only one person can make you feel a lot of emotions.

"You'll be very busy starting tomorrow," Wala sa sarili kong sambit.

"I have time for you, baby."

Lumayo ako ng konti sa kanya. Tumalikod ako at sinandal ang buong katawab sa kanya. His arms snaked through my waist.

"I know. Naisip ko lang na kung legal tayo, kung normal lang sana ang relasyon natin, I can help you like a normal girlfriend should do..."

Humigpit ang akap niya sa akin. He rested his chin on my shoulder. Hinayaan ko siya kahit medyo nakikiliti ako.

"I'm sorry we couldn't be like the rest..."

Umiling ako.

"I'm not complaining. Sinasabi ko lang ang iniisio ko. Isa pa ang sabi ko girlfriend. 'E hindi mo pa naman ako girlfriend. Hindi pa kita sinasagot,"

Ngumiti akonat nilingon siya kahit hindi ko naman siya nakikita dahil napaka lapit ng mukha niya sa akin.

"Okay lang. As I've told you before I'll be your last man."

Humagikgik ako. Muli kaming natahimik.

"Hindi mo ba talaga isasama si Chinky pag sinundo mo sila Tita?"

Napaangat ang ulo niya at nilingon ako. Ramdam ko ang panintig niya sa akin.

"No, Jes. If I want to take someone with me then I'll take you. Gusto mo ba?"

Umiling ako.

"No. That's not what I meant."

"Then what?"

Nagkibit balikat ako.

"I don't know. You can take her with you. Hindi naman ako magagalit. I mean if we're not together you'll probably take her. Ganon naman dati."

"I'll take her just so she can't pick on you. I took her on purpose, Jes. That's my way para hindi ka niya malapitan at masaktan. It's a tough choice, baby. It's different now. I already have you..."

He planted a kiss on my ear.

Kuya's headlight flicked. Napatingin si Xander sa wrist watch niya. He sighed then kissed me on the cheek.

"Times up, baby."

He kissed me on my cheek again. This time it's longer. Tumuwid na kami sa pagkakatayo. Hinarap ko na siya. His hand found mine.

"When will I see you again?"

"Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko kasi talaga alam.

He pouted. Nakatitig lang siya sa akin.

"Baka magdinner naman bago ang party next week. We'll see each other again." Ngumiti ako sa kanya.

Tumuwid siya ng tayo.

"Tss. Why do you have to have 2 week sembreak..."

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa sasakyan ni Kuya. Tumawa ako habang nagpapatianod sa hawak niya.

"Chill, Xander. Magkikita pa tayo. We can text and call..."

He groaned.

"This is fucking torture..." bulong bulong niya.

Lalo lang akong natawa. Huminto kami nang makatating sa sasakyan ni kuya. Agad niyang binuksana ang pinto ng front seat at iminuwestra na sumakay na ako. Bumukas ang pinto ni Kuya. Kasabay nun ang paglabas niya. Agad na nagtama ang mata namin pero nagtagal ang mata niya kay Xander. Sinara ni Kuya ang pinto ng sasakyan niya kaya napag tanto kong mag uusap pa sila. Tama nga aki nang binanggit iyon ni Xander.

"Get in, Jes. Mag uusap lang kami saglit."

Tumango ako. Namumungay ang mata niya habang nakatingin sa akin. Pinanuod niya akong pumasok sa loob. When I'm settled he planted a kiss on my forehead.

"I'll miss you," He whispered.

"I'll miss you, too." Ngumiti ako sa kanya.

Unti-inti niyang sinara ang pinto. Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ni Kuya Marcus. Medyo malayo na sila dahil naroon sila malapit sa tabi ng sasakyan ni Xander. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila pero mukhang seryoso ang usapan. May ilang saglit oa na tumitig si Xander sa kung nasaan ako habang nagsasalita si Kuya Marcus sa kanya. Tumangi lang siya bago nagpaalam si Kuya Marcus at tumalikod na.

Ilang sandali lang at nasa byahe na kami papunta sa Talavera. May music na nagmumula sa stereo pero tahimik si Kuya. Hindi na rin ako nagsalita dahil aminado akong medyo pagod na ako.

Hindi pa kami nakakarating sa Talavera nang nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa mahinang boses ni Kuya kasabay ng pag tapik sa braso ko. Wala sa sarili akong umakyat sa kwarto ko. I took a quick bath while half asleep.

Mabilis na lang sa akin ang pagbibihis na ginawa ko at agad na humiga sa kama. Tinakpan ko ng comforter ang buong katawan hanggang ulo ko. I feel so tired but I know I'? half asleep. I'm aware of my surroundings but I'm too tired to open my eyes.

Kahit na ang unexpected na pag pasok ni mommy sa kwarto ko ay alam ko pero wala akong lakas para bumangon at kausapin man lang sita. Naramdam ko ang pag lubog ng kanang bahagi ng kama ko, nangangahulugan na umupo siya sa tabi ko. Then I felt her hand brushed the top of my head.

"Tulog ka na ba, anak?"

No answer. Sumagot ako sa isip ko pero hinfi ko maisantinig dahil sa pagod.

"You must be deep in sleep now. Alam kong pagod ka. This is one of those seasons na gipit na gipit ang kalooban ko. I don't know if it is right to feel hatred towards this event. Tuwing ganitong panahon ay nakakatanggap ka ng masasakit na salita galing sa kanila,"

Nakapikit pa rin ako but now I'm focused on ny surrounding. Pinakiramdaman ko si mommy habang patuloy ang paghimas sa ulo ko.

"And it pains me, anak, to see how stronger you have become. The stronger you are the more hurtful the words you received in the past years. I'm sorry that you have to go through this,"

Narinig mo ang munting singhot ni Mommy. She's crying. Doon na rin nag umpisang uminit ang aking tainga. Munting luha ang tumulo sa gilid ng mata ko.

"Sana, anak, hindi ka makaramdam ng pagsisisi. Pagsisisi na kami ang pamilyang nakapulot sayo. We love you so much, anak. You are a blessing to us. I'm sorry that I can't do anything againts your Mamu and your Tita."

Hindi mo kasalanan mommy. Enough na sa akin ang lahat ng nabigay niyo. Sobra pa po. Hindi ko maisantinig ang mga salitang iyon. Nagising na ako pero wala akong lakas na magsalita.

"I'm sorry, Jessica,"

Nothing changed in my routine. Makakatulog akong umiiyak at gigising na mabigat ang damdamin. Busy si Xander sa pagpapalinis sa kanila pati na sa iba pang utos nila Tito at Tita buong araw. Buti na lang at half day siya. Hindi na rin tinuloy ang pagbili ng bagong sasakyan. Ipapaheram na lang raw ni Xander ang Ranger niya kay Tito. Ang honda ay kay Kuya Aiden. Sa sunday ng umaga ay tutuloy na siya sa Pampanga. Gabi pa kasi ang pag lapag ng eroplano kaya susulitin niya ang umaga para icheck ang business nila dun.

Hindi ako halos lumabas ng kwarto buong araw. Kumain lang ako ng umagahan ng mag isa dahil wala sila mommy. Kahit sa tanghalian ay mag isa ako. Bored na bored ako. 6 pm na nang magkaroon ako ng idea para mawala ang pagka bored ko. I will jog. Kaso madilim na. Siguro bukas na lang ng umaga o di kaya ay sa hapon na.

Hapunan ay tahimik ako sa hapag. Mommy's frequent stare is making me anxious. Pag naaabutan ko siyang nakatingin ay ngingiti lang siya. I'm not ready to open that topic in front of her. Natatakot ako na hindi ko maisikreto ang tungkol sa amin ni Xander.

Marami akong iniisip nang gabing iyon. Sinantabi ko lang para maibigay ang lahat ng atensyon kay Xander. It's the only help I can give him. 10 pm pa lang ay narinig ko na ang paghigab niya. Nahawa rin tuloy ako at dinapuan ng antok.

"We should sleep now," maliit na boses kong sabi.

He groaned. "I wanna talk to you more."

I smirked.

"May bukas pa. You need rest. You're so busy the whole day..."

"Hmm. I don't want you tired but I really hate your 2 week sembreak. I won't be this tired if I saw you today..."

"Kahit naman may pasok na ako hindi mo na ako mahahatid at masusundo. I'll commute."

"Yeah but I can see you in school..."

"If this is the way of you telling me that you miss me then I miss you too." I bit my lip. Malandi!

He chuckled.

"By the way, I'll jog tomorrow. Dito lang sa paligid."

"What? Why?"

"What do you mean why? I still have another vacant week. Nabobored na ako dito sa bahay."

"Alam ba ni Marcus?"

The tone of his voice changed.

"Not yet. Hindi naman na-"

"Still, let him now."

Iyon ang gagawin ko para mapanatag si Xander. Nagising ako sa six-thirty am na alarm ko. I texted Xander a good morning text before I got ready. Leggings, rubber shoes at loose tee ang suot ko. I put my hair in a high ponytail.

Nagkakape na si Daddy sa hapag nang bumaba ako.

"Ang aga mo ngayon," aniya at suminsim sa kape.

"I'll jog po. Babalik ako in an hour,"

Tumango lang siya sa akin. Hindi pa gising si Kuya Marcus kaya hindi ko na muna siya kinatok. Sasabihin ko na lang na nag jogging ako pag uwi ko. Kung hindi pa obvious.

I started off by stretching and walking. Naka earphones ako at tinatanaw lang ang paligid. Nang medyo nakabuwelo na ay nag umpisa na akong tumakbo. Wala pang masyadong bahay sa halong tatlong street na narito kaya maaliwalas ang paligid. Apat na bahay pa lang ang nakatayo kasama na ang bagong gawang bahay di kalayuan sa amin.

May iba na akong nakakasalubong na mga nag jojog ay bike. Some of them have their pets with them. Nakakadalawang ikot na ako sa street ng bahay namin at sa katabi pang street nang may namataan akong pamilyar na babae at lalaki.

Papalabas ng gate nila si Penny at Basti. Both are wearing gym clothes. May suot na wayfarer at nakatingin sa kabilang banda kaya hindi ako nakita. Si Penny naman ay isinusuot ang headphones niya. Hindi pa nila ako nakikita. Hindi naman ako huminto ag hindi rin nagmabagal. Binaliwala ko sila at nilagpasan na sila. Another turn and I'm done.

Natapos ang isang ikot at dumiretso mabagal na ang takbo ko para huminto na sa bahay. Natanaw ko na si Kuya doon na nakasandal sa pader ng bakuran namin. May dalang kape at walang suot na pang itaas. No wonder the group of girls running in front of me went slow. Naglalaway na pala sa bold na kapatid ko rito.

Binaliwala ang mga babaeng tumutunaw sa titig, nakasimangot niya akong tinitigan habang unti-unti nakalapit sa bahay. Agad siyang nagbato ng face towel sa akin.

"So you jog now, huh? Diet?"

Kumunot ang noo ko sa kanya at ngumiti.

"I'm bored." umirap ako at pumasok na sa loob para makapag bihis.

My way went slow and boring. Umiiwas ako kay mommy. Simple at dry ang mga sagot ko aa kanya. I'm acting like nothing is happening pero parang mali naman ang ginagawa ko. Normal lang rin naman ang pakitungo niya kaya kahit papaano ay magaan sa pakiramdam ko.

Nagalak lang ako nang magkausap na kami ni Xander nang mag gabi. Pinaayos niyang kanina ang Honda niya. May mga pinaadjust siya para walang problema pag ginamit ni Kuya Aiden. He'll be riding his smooth car for weeks.

We talked until we called it a night. Sunday came. Maagang umalis si Xander sa kanila. He texted me good morning. I replied when I woke up. Hindi siya agad naka sagot so I expect nanagdadrive na siya. Nagbihis muli ako ng pang jog.

Tulog pa ang lahat nang bumaba ako. Si manang lang ang gising na siyang nag didilig sa pool side. With my earphones on I started my routine. Naglalakad ako nang nakita ang magandang sinag ng paubong na araw. I stopped to take pictures. Today I'm wearing a gym shorts and a lose top. Wala na akong leggings dahil nagamit ko na ang ilan. Naka sports bra ako sa loob at naka running shoes.

Unang ikot ay may sumabay sa akin. Hindi ko agad iyon pinansin dahil malayo ang tingin ko. Nang papaliko na ako sa susunod na block ay tsaka ko lanv napansin na si Basti ang kasabay ko. Naka earphones din at may suot na wayfarers.

Hindi ako huminto. Hindi rin siya huminto. He saw me eyeing him. Siguro nagkataon lang na nagkasabay kami sa pagtakbo. Nang malapit na kami sa bahay ay bumilis na ang takbo niya. O mabagal lang ako? Ngayong nangunguna na siya ay nakita ko ang fit na built ng katawan niya. His muscles wasn't that big and mascular but he ain't thin too. Pangatlong ikot ay muli na akong huminto. Pumasok ako sa bahay at saglit na nagpahinga bago naligo.

It was a lazy sunday. Ngayon dapat ang celebration ng anniversary nila Mamu pero dahil wala sila Tita, postponed ang celebration. Wala akong ginawa buong araw. Umalis sila Kuya Ken at Kuya Marcus kaya wala akong kasama manuod ng movie. Ayoko rin naman istorbohin ng text si Xander dahil alam kong busy siya.

"Ah kaya walang celebration ngayon?"

Tumango ako kahit hindi nakikita ni Evan.

"Moved next week sunday. May isang linggo pa para magtunganga lang,"

He sighed on the other line.

"Bored na nga rin ako 'e. Napanuod ko na ata lahat ng series sa Netflix. Nakain ko na rin mga kakainin dito. Wala naman akong maaya kasi busy ka sa family affairs mo,"

Tunog problemado si Evan.

"Samahan mo kaya ako mag jog?"

"Ay sis may pa-jogging? Nagpapaka fit na?"

"Hindi naman. Wala naman kasi akong ginagawa at tataba aki kung puro tulog ang gagawin ko kaya naisip ko mag jog. Kaso sa umaga nga lang,"

"True ba? Bugak ka napaka layo ng bahay ko sayo. Baka naman pwede mong ilipat ng hapon yung schedule ng jog mo para makasabay ako?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Naisipan ko rin mag jogging sa hapon pero mas gusto ko kasi ang lamig pag umaga. Pero okay na rin yun para hindi na ako mag isa mag jogging.

Sumang ayon ako sa gusto ni Evan. Monday morning ay medyo maaga pa rin ako nagising perp hindi kasing aga sa tuwing magjojogging ako.

"No jog for the day?"

Bumaba ako ng 8. Nasa hapag si Kuya Ken at Kuya Marcus at parehong nag aalmusal. Nakatingin sa akin si Kuya Marcus habang naghihintay ng sagot. Tumayo naman si Kuya Ken at pumasok sa kitchen.

Umupo ako sa upuan sa tapat ni Kuya Marcus.

"Mamaya nang hapon. Kasama ko si Evan,"

"You jog every morning?" Lumabas si Kuya Ken mula sa kitchen na may dalang plato at kubyertos.

I nodded in response.

"Pero malilipat ng hapon. Para kasabay ko si Evan."

"Boyfriend mo na?" Nagtaas ng kilay si Kuya Ken sa akin.

"No," I cringed my nose. "Habang tumatagal you're sounding like Kuya Marcus, Kuya Ken."

"We're just being cautious. Tss..." Umirap siya.

They left for school after break fast. Naiwan ako sa bahay mag isa.

5 pa ang jogging namin pero 4 pa lang narito na si Evan. Nanuod muna kami saglit ng movie pero hindi rin natapos dahil nag ayos na ako bago pa mag ala singko.

Naka leggings at loose shirt ako ulit. Hindi ko na dadalhin ang earphone ko dahil may kasama naman na ako. Naka sweat pants naman at gym shirt si Evan. Sabay kaming lumabas at maliliit na kurot ang nakuha ko mula sa kanya nang makita ang dami ng tao especially boys.

We did a stretching bago mag umpisang maglakad. Halos maiwan ang mata ni Evan sa mga nadadaan namin. Ang ilan ay binabati rin. Ako naman ay natutulala na rin sa paligid habang naglalakad.

Then we began running. Patuloy si Evan sa paniningin sa mga nakakasalubong. Puro rant naman pag wala nang kasabay at kung anu-ano pang sinabi. Nakakadalawang ikot na kami pero hindi pa ako napapagod. Naaaliw din kasi ako kay Evan.

Sa pangatlong ikot ay nakita kong muli si Basti. This time he's with Penny too. Hindi naman sila mukhang tatakbo at magjo-jogging. Nahagip ni Penny ang tingin ko kaya agad siyang ngumiti sa akin at kumaway. Kasalukuyan akong tumatakbo at hindi ko alam kung hihinto ba ako o ano. Basti saw her at napatingin na rin sa akin. Nagkatinginan rin kami ngunit nauna siyang nag alis ng tingin at kinalabit na si Penny. May binulong siya rito pero umiling ang kapatid at humakbang habang nakatingin sa akin.

"Jessica! Hi..." nag aalangan siyang tumawag sa akin.

Wala pa man din ay kusa nang bumagal at huminto ang pag takbo ko. Nalagpasan ako ng ilang hakbang ni Evan. Nang bakita iyon ni Penny ang ngumiti bago excited na nilakad ang distansya namin. Napansin na ni Evan ang absence ko sa gilid niya kaya huminto na at nilingon kami.

"Penny," ngumiti ako. Lalong lumaki ang ngisi niya.

"Nalipat ng sched ang jogging mo?" aniya at niligon si Evan na tumabi sa akin.

Unti-unti na rin lumapit sa amin si Basti. Tumayo siya sa likod ng kapatir habang nakatanaw kay Evan.

"Oo. Kasabay ko na si Evan, e..."

"I see." ngumiti siya kay Evan.

"Kaibigan ko pala si Evan. Van, si Basti at Penny. Kaibigan nii Xander..."

"Hi..." Nakipag kamay ang kaibigan ko kay Penny.

Naglahad din siya ng kamay kay Basti. Tinignan niya muna ang kaibigan ko bago tanggapin ang kamay nito.

"Maybe we should change our jog time, too, kuya?" Si Penny.

"You jog here, too?" si Evan.

"Ah, oo! Every morning. Nakakasabay nga namin minsan si Jessica pero mukhang nalipat sa hapon ang pagjog niya. And mukhang mas maganda sa hapon dahil maraming tao..." nilingon niya ang paligid.

"We could jog together. We'll jog until next week dahik sembreak. You can join us," si Evan.

Gulat ako sa sinabi niya pero tumawa na lang ako. Bakit inaya mo pa? Gusto ko na sana siyang kurutin pero titig na titig si Basti sa kanya.

"Really? Then we'll move our sched in the afternoon." excited na sambit ni Penny.

Evan chuckled.

"Then we'll see you tomorrow?" tinignan ni Evan si Basti.

Sabi na e! Sabi na at may hidden agenda itong baklang to.

Nilingon din ni Penny si Basti. Nagkatinginan din kami saglit ni Basti bagi siya tumango at mukhang hindi naman makaka alma sa kapatid.

Continue Reading

You'll Also Like

269K 40.4K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
7.6K 436 44
Zyxhiaxy Eleanor is a 24-year-old woman who lives a miserable life under her mother's rage. She grew up receiving anger from her mother, who constant...
177K 15.7K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
141K 278 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...