The Gangster's Victim

By imperial_gem

3.9K 1.3K 520

Isang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa... More

Introduction
Chapter 1: Arena
Chapter 2: University
Chapter 3: Gangsters
Chapter 4: His Next Victim
Chapter 5: Kidnap
Chapter 6: He save me?
Chapter 7: Deceive the Victim
Chapter 8: Decode the Code
Chapter 9: The Punishment
Chapter 10: Together with The Devils
Chapter 11: The Jealous Devil
Chapter 12: The Devil is A Thief
Chapter 14: Stolen Kiss
Chapter 15: The Devils Game
Chapter 16: Changes
Chapter 17: Undergrounds Secret
Chapter 18: Confused
Chapter 19: Uncontrollable
Chapter 20: Forgotten Mission
Chapter 21: Go Home
Chapter 22: Other Man
Chapter 23: Planned, All Along
Chapter 24: Escape
Chapter 25: Evidence
Chapter 26: Past
Chapter 27: Memories

Chapter 13: The Day before the Game

121 51 6
By imperial_gem

Chapter 13: The Day before the Game

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin at kanina pa kinakausap ang sarili kung lalabas ba ako at makikipagkita sa Devil Phoenix o hindi. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at napabuntong hininga.

"Ano na Alexandra? Mag mumokmok ka lang ba talaga dito o lalabas at ipakita sa kanila na parang walang nangyari?" I asked myself infront of the mirror.

"Kung hindi lang sana nangyari 'yon kahapon." I shrug.

Dumako naman ang paningin ko sa labi ko at sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang namula ang aking mga pisngi. Hinawakan ko ang labi ko at napa iling.

"No! 'Wag kang magpadala sa mga trip niya Alexandra. 'Wag mong hayaang paglaroan ka niya. You are more than just a toy." wika ko sa sarili ko at agad na inayos ang sarili ko.

Kailangan kong ipakita sa kanila na okay lang ako. Na hindi ako naiilang kay Kiero. Tama! Dapat mas ipakita mo sa kanila na hindi ka nila madadala.

They are gangsters Alexandra. They do illegal things. They deal with criminals. And they kill. So better guard yourself.

Nandito ako at ang Devil Phoenix sa pinakadulong parte ng university. Malaki at maaliwalas ang espasyo ng buong lugar. Pinalilibutan din ng mga matataas na puno ang bawat gilid.

Actually, hindi lang din kami ang nandito. Kasi kung susuriin mo. Nandito halos lahat ng department ng graduating students.

Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang malaking puting tela sa gitna. Hinihintay namin si head Levy dahil may sasabihin daw muna siya at sa tingin ko ay may ipapakita sila sa amin.

Napatitig naman ako sa tela na nasa gitna. Hmm, I think alam ko na kung ano ang ipapakita nila sa amin.

"Xandra!"

Napalingon naman ako kay Topher na nasa tabi ko lang nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Yes?" tanong ko.

"Hmm, okay ka lang? Kanina ka pa kasi hindi umiimik." mahinahong wika ni Topher sa akin dahilan upang mapatitig ako sa kaniya.

Tinangoan ko naman siya bilang tugon sa tanong niya. Yes, I am okay. I am very much okay. Napatingin naman kaming lahat ng biglang nagdabog si Kiero at tumayo.

"Leo palit tayo." matigas na wika ni Kiero kay Leo. 

Anong ginagawa niya?

"Ha?" takang tanong ni Leo sa kaniya.

"Sabi ko palit tayo ng pwesto." pag-ulit ni Kiero at napatango naman ng mabilis si Leo sa kaniya.

Napatigil naman ako sa paghinga nang marealize kung ano ang ginagawa niya. Nandito kasi kami ngayon sa gilid, nakaupo sa damohan habang hinihintay si head Levy.

Tumayo si Leo at pumunta sa pwesto ni Kiero. Napairap naman ako ng agad na umupo sa tabi ko si Kiero at nginitian ako.

Grr!

"Xandra." tawag sa akin ni Topher kaya napalingon naman ako sa kaniya at napansing nakahawak na pala ako ng mahigpit sa laylayan ng damit niya. 

Nahiya naman ako bigla at binitawan na ang pagkakahawak ko sa kanya. Sa sobrang galit ko kay Kiero ay siya pa ang napagbuntongan ko.

"Sorry Topher." paumanhin ko at yumuko.

Tinangoan niya naman ako at hinawakan ang ulo ko.

"Aherm!"

Napatigil naman kaming dalawa ng biglang umubo sa gilid ko si Kiero. Tinaasan ko naman siya ng kilay at hindi pinansin. Pagkatapos ng nangyari kahapon? Heh!

"Students!"

Napatingin naman kaming lahat sa unahan nang makita si Head Levy na seryosong nakatingin sa aming lahat.

"Alam kong nagtataka kayo kung ba't kayo nandito. Pinatawag ko kayong lahat dito upang makilala niyo ang lahat ng makakalaban niyo sa game bukas. Kapag tinawag ko ang group niyo ay pupunta kayo dito sa harap at magpapakilala." wika niya at tumango naman kami.

Nagsimula ng tawagin ni Head Levy ang bawat grupo at sa bawat grupong natatapos ay parang mas kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng lahat na kasali ako sa team ng Devils Phoenix. Ilang minuto pa ang nakakalipas nang tawagin ni Head Levy ang Hunters. TVL Department.

"Thoris Grevillo." pakilala ng leader ng hunters.

Sumunod namang nagpakilala ang apat pa nilang miyembro. Bago sila umupo ay binigyan pa ako ng kakaibang tingin ni Thoris. Na para bang may ipinapahiwatig siya.

"The last department. STEM. Devil Phoenix please be here infront." wika ni Head Levy habang tinitingnan ang papel kung nasan nakalagay ang pangalan namin.

Huminga muna ako ng malalim at hinugot ang buong lakas ko bago tumayo. Nakita ko ang ilan na napasinghap ng makita akong kasama ang apat. Pumwesto kami sa gitna at nagsimula ng nagpakilala si Kiero.

"Kiero Mondragon." unang nagpakilala si Kiero na sinundan naman ni Alex.

"Hi, I am Alex Frost." wika niya sabay ngiti pa sa mga babae na kanina pa kinikilig sakanila.

I rolled my eyes. Playboy! Si Leo naman ang sumunod na nagpapakilala.

"I'm Leo..."

Napatingin naman ako kay Leo ng bigla siyang napahinto. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at nagtaka naman ako kung bakit sila nagtitigan ni miss Janina.

"Asevero." patuloy na wika ni Leo at iniwas ang tingin kay miss Janina.

"Hmm. Hi, I am Topher Prim." wika naman agad ni Topher at tiningnan ako.

Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga at tiningnan ang mga estudyanteng kanina pa ako tinitingnan. Hinihintay kung ano ang sasabihin ko.

"Hello, I am Xandra Alcantallia." wika ko at yumuko.

Nakita ko naman ang iba na nag bubulongan. Isa rin ito sa mga rason kung bakit ayaw kung sumali sa kanila eh. Dahil sa mga matang hinding-hindi ka titigilan.

"Huwag mo na lang silang pansinin Xandra." wika ni Topher at nginitian ako.

Umupo naman kami sa dati naming pwesto at hinintay na matapos ang lahat na magpakilala. Napansin ko talagang malalakas sila. May abilidad sa pakikipaglaban.

"Okay, tapos na ang lahat ng team na magpakilala. I hope na nakilala niyo nga ang lahat ng makakalaban niyo bukas. So before ko ipapakita kung ano ang nasa likod ng puting telang ito." sabi ni head Levy sabay turo sa telang nasa likuran niya.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na ang bawat grupong hindi makakakuha ng puntos bukas ay maaalis na sa eskwelahang ito. I am not lying to you. Kaya nga siguraduhin niyong makukuha niyo ang susi ng bawat pinto sa lahat ng level upang magkaroon kayo ng puntos."
Huminto siya at tiningnan kami.

"20 teams lahat ng nandirito at qualified. Sa bawat team ay may limang miyembro. At dahil limang level lang ang mayroon sa mage ibig sabihin limang susi lang ang hahanapin niyo. Ibig sabihin niyan it's either limang grupo ang matitira bukas o mas less pa sa limang grupo ang matitira. Remember, bawat pinto na mabubuksan niyo sa bawat level ay limang puntos. Kung wala kayong nabuksang pinto na kahit isa man lang ibig sabihin niyan tanggal na kayo sa university na ito."

Narinig ko agad ang iba't-ibang reklamo sa buong paligid. Ang hirap naman ng pinapagawa nila. Ang dami naming tapos limang susi lang ang hahanapin. Paano na kung walang mabuksan? Ibig sabihin niyan tangal ka na?

"Unfair!" litanya ng mga estudyante kay Head Levy.

Nakita ko naman si miss Janina sa 'di kalayuan na para bang may iniisip.

"Don't worry. Alam ko namang mahirap kaya nga magbibigay kami ng clues at extra plus points. Ang grupong siyang makakakita ng sampong singsing na nakatago sa mage ay magkakaroon ng limang puntos. Mas mahirap mahanap ang singsing. Kaya dapat mas uunahin niyong hanapin ang susi. Now kung nabuksan na ang lahat ng pinto at may nanalo na dahil may nakakuha na ng flag sa finish line then it's your time upang hanapin na ang singsing na nakatago sa mage."

Natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni head Levy. Susi at ang singsing ang syang dapat naming makita kaya siguradong maraming grupo ang matitira bukas.

Teka, ba't singsing? Napatingin naman akong muli kay head Levy ng nagsalita syang muli. 

"Ang bawat singsing ay napakahalaga. Ang taong makakahanap ng singsing ay mabibigyan ng free pass. Free pass sa lahat ng gamit, pagkain at facility dito sa loob ng university. Ibig sabihin, libre lahat. Mapupunta sa estudyante ang singsing kung siya ang unang nakahanap nito. Mabibigyan din ang grupo ng estudyanteng nakahanap ng singsing ng limang puntos. Naiintindihan niyo ba?" ani head Levy kaya tumango tango naman kami.

"Now, for the awaited part." wika ni head Levy at hinawakan ang puting tela.

Dahan-dahan niya itong ibinaba at bumungad sa amin ang napakalawak at napakagulong espasyo na pinalilibutan ng mga puno at matataas na damo.

"This is the mage. Dito kayo maglalaro bukas at exactly 7:00 in the morning." litanya ni head Levy dahilan upang mapasinghap kami.

"Wow." mahinang bulong ko.

Nahinto naman ang tingin ko sa nakatagong pinto 'di kalayuan. Pinalilibutan ang pinto ng mga nahuhulog na dahon. Mga puno at mga bulaklak. Kung hindi ka magmamasid ng maigi ay hindi mo talaga ito mapapansin.

"Pumunta kayo dito bukas at otomatikong mag bubukas ang tarangakahan ng mage." turo ni head Levy sa gate na hindi rin naman kalakihan.

"Sa dulong bahagi ng mage kami maghihintay sa inyo bukas. Good luck!" wika ni Head Levy.

Natahimik naman kaming lahat sa sinabi niya. Aywan ko ba pero para bang kinilabutan ako. Na para bang kinakabahan ako sa mangayayari bukas. Na para bang may hindi magandang mangyayari sa akin.

Oh well! Guni-guni ko lang siguro 'to.

"Xandra, tayo na." wika ni Topher sa tabi ko.

Do'n ko lang din napansin na nagsialisan na pala ang mga estudyante sa paligid. Tumayo ako at sinundan na ang Devil Phoenix na naglalakad na.

Napatingin naman ako kay Kiero na seryosong nakatingin sa nilalakad niya. Ano kaya ang iniisip niya?

Continue Reading

You'll Also Like

399K 20.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 34.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
380K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...