Pain And Pen

By ashamelessintrovert

3.7K 283 49

There were two things Hestia was certain she would never experience-being the writer she dreamt of, and meeti... More

PAIN AND PEN
༺ Hiling ng Manunulat ༻
UMPISA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13

KABANATA 3

205 19 2
By ashamelessintrovert

The downside of having a sky as high dream was the fact that we might do anything—even the most absurd, foolish and unacceptable means in reaching it. Sometimes, our dreams became the focal point of our attention to the point that the other necessary things faded in the background. 

In my case, I became a liar. I became blind of the past that haunted my father; I became blind of what phantom my dreams could bring to him. I became a dishonest daughter no matter how I tried to be perfect in his eyes.

"Ano 'to?" 

I bit my lips. Nararamdaman ko na rin ang pamamasa ng aking mga mata sa pinaghalo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nang mag-abot ang aming tingin ni Papa. Kitang-kita ko ang labis na galit sa kanyang mukha habang hawak-hawak ang notebook na matagal ko nang itinago sa kaniya. He also looked betrayed and disappointed. Seeing my father like this was so disheartening.

"Pa..." bahagya nang nanginig ang boses ko. Saglit akong napalingon kay Kaeden na katulad ko ay kinakabahan na rin. 

I didn't know how to defend myself when all I saw right now was the pain in Papa's eyes. Kailanman ay hindi naging mali ang pangarap ko, ngunit ang mga nakaraang wala naman akong kontrol ang nagiging dahilan kung bakit sa mga mata ng sarili kong ama ay kasalanan na ang aking ginagawa.

"Akala ko ba malinaw na sa 'yo ang usapan natin? Akala ko ba naiintindihan mo na ang punto ko? Hinahayaan kitang magbasa dahil kasiyahan mo iyon! Hinayaan kitang hangaan ang mga manunulat na iyon, pero ibang usapan na ang pagsusulat!" malakas niyang sigaw at inihagis ang hawak niyang notebook. 

Agad ko itong nilapitan at mabilis na pinulot. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang ibang pahina nito na halos matanggal na. Mabait si Papa ngunit mayroon itong isang Golden Rule sa bahay na hindi ko kayang sundin. Ito ay ang pagbabawal niya sa aking magsulat ng mga kwento o kahit ng mga tula. 

Since I was young, he already told me that being an author was the last thing he wanted for me when I'll grow up. Gusto niya raw ang payapang buhay para sa akin. Malayo sa nagniningning na kamera na nakatutok sa mga manunulat. But I knew that's not the only reason why he couldn't support me in my dreams. Alam ko kung saan nanggagaling ang takot niya.

Nakagat ko ang aking labi at muling sinalubong ang tingin ni Papa. 

"Pero mas kasiyahan ko po ang pagsusulat."

Mas lalo lamang tumindi ang kanyang galit. Bahagya na akong nakaramdam ng takot. Alam ko kung saan ang pinanggagalingan ng galit ni Papa. Ilang taon ko iyong inintindi dahil alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari. Pero katulad ng pagragasa ng aking luha tuwing ako'y nasasaktan, ganoon din kahirap pigilan ang aking kagustuhang magsulat. Tila kadikit na ng buhay ko ang pagsusulat to the point na kahit alam kong labis itong ikakagalit ni Papa ay pinili kong ipagpatuloy at itinago mula sa kanya. Alam kong malaki ang tiyansang mahuli niya ako kapag sa notebook ako nagsulat, sinubukan ko namang sa cellphone na lang magsulat para mas maitago ko, pero mas kumportable talaga ako kapag papel at ballpen ang hawak.

"Kasiyahan? Mas mabuti pang mag-aral kang mabuti kaysa sa atupagin mo ang ganiyang mga bagay! Ang mga katulad nating mahihirap ay walang patutunguhan sa larangan ng pagsusulat! Aasa ka lang at masasaktan!"

"Wala naman po akong planong sumikat. Gusto ko lang magsulat—"

"Ganiyan lang 'yan sa simula! Sasabihin mong gusto mo lang magsulat para sa sarili mo tapos habang tumatagal, hindi ka na makukuntento! You will crave for appreciation! You will crave for fame! At kapag hindi mo nakuha—"

I cut him off. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. 

"I'm not like her! I'm not like my mother so stop making me feel like my passion is a sin! Stop making me feel that writing is a crime!" I screamed. 

"Hestia—" Nagtangka si Kaeden na hawakan ako pero mabilis akong umiwas.

Malinaw kong nakikita ang biglaang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Papa nang pinaalala ko si Mama sa kanya, ngunit hindi nito kayang pigilan ang ragasa ng aking emosyon na pati ako ay tinatangay na rin ng bugso nito. 

"Alam kong hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin dahil sa pagkawala niya! Hindi ko na maalala ang mukha ni Mama pero alam ko kung gaano mo siya kamahal. Pero, Papa naman... pareho naming mahal ang pagsusulat pero hinding-hindi ko gagayahin ang naging desisyon niya sa buhay—"

Natigil ako nang makita ang pagtulo ng mga luha ni Papa. Bigla akong nawalan ng sasabihin. Bigla akong nagsisi sa mga nasabi ko. My pain was already replaced with guilt the moment I saw his tears.

Hindi ko kayang nakikita siyang ganito. Mas gugustuhin ko pang magalit na lang siya sa akin kaysa makita ko siyang nilalamon ng sakit at lungkot. 

Hinawakan ni Kaeden ang braso ko. This time, hindi na ako umiwas. Nakakapanghina ang makitang ganito si Papa lalona't alam kong ako ang may kasalanan.

"You're hurting your father," he said with a warning tone.

Sa nanginginig na boses ay muling nagsalita si Papa. 

"Her passion killed her and I don't want that to happen to you." 

Mariin akong napapikit. Kasabay nito ang unti-unting pagbalik ng mga ala-alang pilit kong ibinabaon sa limot.

When I was still a kid, my Mother committed suicide. Isang pangyayaring sobrang dumurog kay Papa. I didn't remember how I reacted that time because I was too young to even comprehend what was happening. Habang unti-unti akong lumalaki at nagkakamalay sa mundo ay unti-unti kong naintindihan kung bakit wala na akong Mama. My father didn't deprive me with the information. Sobra na itong nakatatak sa aking isipan. 

First love ni Mama ang pagsusulat. When she met my father, they were both college students. My mother was pursuing creative writing in a certain University. Bagama't pangarap niya ang makapasok sa Wordsmith Academy ay hindi rin ito pinalad. 

My Mother experienced terrible depression because her efforts and hard work were never given proper credit. Ilang ulit na-reject sa mga publishing house ang manuscript na ipinapasa niya. Ilang taon ang iginugol niya sa pagsusulat ngunit animo'y napunta lamang ito sa wala dahil walang nakakita sa kanyang potensyal. 

Nakapagdesisyon si Mama na ihinto na lang ang pagsusulat at mag-focus na lang sa ibang bagay. Ang kahuli-hulihan niyang isinulat na nobela ay hindi na siya nag-abala pang magpasa ng manuscript. Basta na lang niyang iniwan ang kopya sa kaniyang naging kasamahan sa boarding house. 

Doon din siya nakapagdesisyong tanggapin ang matagal ng alok ni Papa na magpakasal. Naging masaya naman daw sila sabi ni Papa. Iyon nga lang, natuldukan ang kasiyahang iyon dahil sa isang pangyayaring sobrang ikinasama ng loob ni Mama. 

Nagulat na lang raw siya nang makitang na-publish into book ang kanyang huling nobelang isinulat. Ang masakit pa doon, hindi pangalan niya ang nakalagay bilang may akda. That book became best-seller actually. 

My mother even tried to fight for her intellectual property right and file a case against the publisher and the writer who claimed her works but she didn't have enough evidences to prove it. At sino nga naman ang maniniwala na pagmamay-ari pala iyon ng babaeng ilang ulit tinanggihan ng mga publishing house? 

It even reached in the media, at dahil walang sapat na magpapatunay sa apila ni Mama she turned to be the center of humiliation and mockery. She became a laughingstock in social media and news articles. Siya ang nagsulat pero siya pa ang inakusahang nag-plagiarize at nang-aangkin.

Siguro hindi nakayanan ni Mama ang pangyayari kaya nagpakamatay ito, leaving my father broken and beyond repairable. Iyan ang nakikita kong rason kung bakit ayaw ni Papa na makahiligan ko ang pagsusulat. Natatakot siyang mangyari sa akin ang naranasan ng kanyang babaeng unang minahal. Takot si Papa sa posibilidad na mahalin ko nang sobra ang pagsusulat at sa huli ay masaktan lamang. Natatakot siyang maghangad ako ng higit pa sa kaya kong maabot. At higit sa lahat, natatakot siya sa posibilidad na ang aking pangarap ang mismong dudurog sa akin sa huli.

Gusto ko lang namang magsulat. Wala akong planong ipangalandakan ang aking naisulat. Maliban kasi sa akin at kay Kaeden ay wala ng ibang nakakaalam sa aking sikreto. Pangarap kong makapasok sa Wordsmith Academy hindi dahil gusto kong sumikat bilang manunulat kung di dahil gusto kong makita ang Wordsmitheries. Maliban pa doon, gusto kong makaramdam ng kalayaan sa pagsusulat. Isang bagay na lubos akong pinagkakaitan ng sitwasyon ngayon.

I wanted to write in order to let go of all the emotions that suffocated me. I wanted to put into words how my peculiar imaginations worked. Writing is basically my way of expressing myself. At iyan ang kaibahan namin ni Mama. I wanted to write in peace. I wanted to write away from the spotlight. But even in silence, I couldn't still have the freedom to write.

"She wasn't killed by her passion. She was killed by the people who stole her legacy—"

"Huwag ka nang kumontra! Simula ngayon kalimutan mo na ang mga tulang 'yan! Kahit ano! Kahit ano'ng gusto mo susuportahan kita! Huwag lang 'yan! Pwede ka namang maging doktor! Guro! Kahit pa maging astronaut, susuportahan kita! Kahit pa magkakuba-kuba ako sa paghahanap-buhay!"

"Hindi n'yo po k-kasi naiintindihan—"

"That's final!"

Masyadong naging mabilis ang pangyayari na halos hindi ko na masundan. Ang tanging rumehistro na lang sa aking isipan ay ang biglaang paghablot ni Papa sa hawak kong notebook at pagpunit niya nito sa mismo kong harapan. 

Umiiyak akong sumigaw habang hawak-hawak ni Kaeden ang braso ko. 

"N-no..."

"Hestia, calm down—"

"Calm down mong mukha mo! Alam mong mahalaga iyon sa akin tapos—" Napahikbi ako. 

My father didn't even hesitate to destroy it right in front of my eyes. 

"Sana nagkaintindihan na tayo." Walang lingon-lingon niya akong iniwan. 

Napa-upo ako sa sahig at malakas na umiyak. Pilit naman akong pinapakalma ni Kaeden ngunit minumura ko lang siya. 

Habang nakatingin ako sa nagkapira-pirasong papel, pakiramdam ko naging ganoon rin ang estado ng puso ko. 

"Kaeden..."

"Hmm..."

"M-masama ba akong anak?"

"Don't ask me. You know when it comes to you I'm biased."

Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ba't gano'n? Ballpen lang ang hawak ko... hindi kutsilyo, pero bakit kung umasta si Papa ay parang isa akong kriminal dahil sa aking naisulat?" lumuluha ko pa ring tanong. 

Napabuntong hininga siya at niyakap ako. 

"Sometimes, it is hard to understand the wisdom of our parents, Hestia," makahulugan niyang sagot. "Their love is suffocating most of the time, but its absence will make us crave."

I knew. He just loved me. 

Ang masakit lang kasi para sa isang taong nangangarap ay kapag ang mismong mga taong akala mo ay susuporta sa iyo sa simula ay sila pa mismo ang unang-unang pipigil sa 'yo. 

'A poem that can turn his heart'

How can I possibly make a poem that could turn Dark's heart if I couldn't even fix my own heart in the first place? 

Continue Reading

You'll Also Like

179K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...