Pain And Pen

By ashamelessintrovert

3.7K 283 49

There were two things Hestia was certain she would never experience-being the writer she dreamt of, and meeti... More

PAIN AND PEN
༺ Hiling ng Manunulat ༻
UMPISA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13

KABANATA 2

216 20 2
By ashamelessintrovert

The depths of your words
Made me fell in your world
A willing captive of your pen
They called you 'Dark'—a mystery; a sin
Who brought light in his metaphor
Whose simile let me tour
The valleys and mountains of poetry
With my heart yearning to be part of your story.

A sigh escape from my mouth when I suddenly remembered the poem I had written for him. Sobrang tagal na no'n pero kabisadong-kabisado ko pa rin ang bawat mga salita na tila ba kahapon ko lang ito isinulat. I remembered it clearly because that poem was actually my written confession for Dark—one of the members of the Wordsmitheries, and the poet whom I admire too much.

For a girl who's too in love with the beauty of poetry, my standards when it came to my ideal man was as high as the sky. I appreciate physical beauty but I'm not that type of girl who'll fall for it. I just find it too shallow. Handsome men could turn my head, but never my heart.

I want someone who could touch my heart with his words. A man who viewed the world the way I see it too; a man who possessed not just  mere knowledge but deep wisdom. And Dark didn't only meet my expectation—he already surpassed it.

Kaya kahit pa pawis na pawis na ako habang pilit nakikipagsiksikan sa mga schoolmates kong tila handa ring makipagpatayan—ay hindi ko magawang mapagod. Kahit maliit ang tiyansang mapadpad ang Wordsmitheries dito ay umaasa pa rin ang puso ko.

Pinahiran ko ang pawis sa aking noo bago ko pinaningkitan ng mga mata ang mga estudyanteng nasa harapan ko. Alam kong medyo creepy ang mukha ko ngayon dahil naka-smile pa rin ako kahit mina-massacre ko na sila sa isipan ko.

"Mga hangal! Matuto kayong rumespeto sa legal na asawa ni Dark! Tumabi nga kayo! Dadaan ang diyosa!" sigaw ko.

Nahihirapan akong makalabas sa school building dahil marami ang nagsisilabasan sa kanilang mga classroom. Nagkaroon tuloy ng traffic sa alley. Tatlong palapag ang school building at nasa pinakatuktok kami. Nawa'y bigyan pa ako ng mahabang pasensya ng panginoon. Pa-smile smile lang ako rito pero ang totoo gusto ko nang manulak ng schoolmate.

"Diyosa? Sino? Wala naman, a—"

Anak ng—anak namin ni Dark!

"Akooo—!"

"Excuse me, handsome boys and pretty girls, natatae si Hestia kaya tumabi muna kayo kung ayaw niyong bigyan niya kayo ng pasabog dito—"

"Bwisit—" Tinakpan niya ang bibig ko bago ako inakbayan at hinila. Gusto ko pa sanang mag-explain para isalba ang dignidad kong inapakan ni Kaeden pero hindi ko na nagawa dahil mabilis na nahawi ang kumpulan ng mga estudyanteng nasa harapan ko kanina.

Kinagat ko ang daliri niya nang tuluyan na kaming makalabas sa school building.

"Aw—Hestia! Aray—!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Magtutuos tayo mamaya! Nakakainis ka talaga!"

He smirked.

"Take your time, dude."

I rolled my eyes. Dumapo ang paningin ko sa may parking lot. Doon kasi nagmumula ang komosyon at ingay. Kung iisiping mabuti parang ang hirap paniwalaaan na basta-basta na lang pupunta ang Wordsmitheries dito. Kapag talaga it's a prank lang 'to... tutugisin ko talaga ang nagpakalat ng chismis. Isang bala lang siya.

"Masarap ba, dude?" tanong ni Kaeden nang papalapit na kami sa komosyon.

"Ang alin?"

Tumalon-talon ako para makita kung ano ang tinitingnan nila pero mas lalo lang ipinaramdam sa akin ang pagiging unfair ng mundo dahil kinapos ako sa height. Napasimangot ako. Kinalabit ko ang isang estudyante para sana magtanong pero mukhang gigil si ate gurl. Itinulak niya lang naman ako. Mabuti na lang nahawakan ako ng kupal na nasa likuran ko.

"Iyong daliri ko. Kaka-ano ko lang e—"

"Ha? Hanong sabi mo?! Bwisit ka talaga!" Sinapak ko ang braso niya.

Hindi ko alam kung saan itututok ang atensyon ko. Sa pakiki-chismis ba o sa pang-aasar ni Kaeden. Wrong timing rin ang isang 'to. Ngayon pa talaga naging gago.

"Kaya pala wala si Sister Judith kanina. Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama niya ngayon ang ilang staff ng Wordsmith Academy."

"Ba't sila nandito? Shit! Baka nasa loob ng van ang ilang miyembro ng Wordsmitheries—"

"OMG! Ang mga asawa ko—"

Kinurot ko pa ang braso ni Kaeden.

"Kakasulat ko lang! Napaka-judgemental mo! A-aray! Sa ating dalawa—potek! Masakit—ikaw talaga ang may—aww—pornographic mind!"

Nang makuntento na ako ay tsaka ko siya binitiwan. Huminga ako ng malalim. Nag-stretching din ako ng slight. Kunwaring pinatunog ko ang aking leeg bago ko pinalobo ang aking pisngi. This is it na. Hindi pwedeng matapos ang araw na ito na wala akong mapapala.

I took a deep breath again before activating my intense fan girl mode. Nakipagsiksikan ako sa mga schoolmates ko. Wala na akong pake kahit mimumura na ako ng iba o kahit may naapakan na akong tao—este paa. Ang mahalaga makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Hindi naman nasayang ang effort ko dahil nang tuluyan na akong nakarating sa harapan ay tumambad sa akin ang isang van na may tatak na logo ng Wordsmith Academy.

My eyes widen. Parang any moment mahihimatay na ako.

"Students, huwag kayong humarang. Proceed to the hall right now for some announcement."

Halos hindi na marinig ang boses ni Sister dahil sa mga tilian at sigawan sa paligid. Samantalang pinili kong manahimik kahit gusto ko na ring magwala dahil ayaw kong madamay sa tatamaan ng kame hame wave ni Sister Judith kapag nagalit na siya.

Lumapit na ang school guard at ilang teachers para mag-assess dahil unti-unti nang nagsisilabasan ang mga staff na nasa loob. Napagiwi ako nang may anak ni hudas ang tumulak sa akin. Natumba ako. And to make it worse, ang kamay kong tumama sa semento ay naapakan pa ng anak ni pontio pilato! Ang sakit!

"Potek! Dahan-dahan naman! May tao sa likod! Kahit hindi mukhang tao si Hestia... tao pa rin siya! Huwag magtulakan!" galit na sigaw ni Kaeden.

Nagsalubong ang kaniyang kilay—senyales na naiirita siya.

Tinulungan niya akong makatayo. Sanay na ako sa pang-aalipusta niya kaya nagtimpi na lang ako. Hinila niya ako palayo sa komosyon.

"Patingin ng kamay mo."

Napangiwi ako bago inilahad ang aking mga palad. Hinawakan niya ang aking mga braso. Sobrang hapdi na dahil na-double kill pa. Nawa'y mabaog ang nang-apak sa inosente kong kamay.

"Punta muna tayo sa clinic. May sugat ka, o. Hindi ka na nga kagandahan... mukha ka pang inaapi. Huwag mo namang saluhin lahat ng kamalasan."

"Mas masakit pa ang panlalait mo kaysa sa sugat ko. Sarap mong sakalin. Ba't ba kita naging kaibigan?"

Binawi ko ang mga kamay ko at nauna nang naglakad papunta sa hall. Nakaka-bad trip si Kaeden. Pasalamat siya love ko siya.

"A PLEASANT morning everyone. I am Sandra, one of the mentors in Wordsmith Academy."

Para na akong mawawalan ng malay dahil sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong antisipasyon at tuwa. Nasa harapan na ang babaeng nagpakilalang Sandra. Naka-stand by naman malapit sa kaniya ang ibang staff at si Sister Judith.

"On behalf of the Wordsmith Academy, I am here to deliver a very important announcement."

Ano'ng announcement ba ito? Grabeng suspense.

"Alam kong marami ang may mga negatibong pananaw sa Wordsmith Academy kapag pribilihiyo na ang pinag-uusapan. Some said that there were stereotyping in accepting enrollees—na kapag wala pang napapatunayan, kapos sa pinansyal na aspeto at hindi sikat ay hindi namin tinatanggap."

Sa pagkakaalam ko, dalawa ang pinakakinokonsidera upang makapasok sa Wordsmith Academy. Una, ang kakayahan at galing sa pagsusulat. Ang dami-daming mga test at assessments pa ang ginagawa nila bago ka makapasok.

Kailangan mo munang magpasa ng manuscript. Dahil sa dami ng naghahangad na makapasok at araw-araw ay may nagpapasa, diyan pa lang ay matatagalan ka na. Kapag nagustuhan ng editor ang iyong manuscript na ipinasa ay may interview pang mangyayari. Parang nagdi-defense ka lang sa research mo dahil mayro'n ring mga panel.

Kapag okey na ang interview, ay ilalagay ka nila sa under observation. Kasama ng mga naging matagumpay sa interview, ay dadalhin kayo sa isang lugar at magiging isolated kayo doon. Sa loob ng isang buwan ay bibigyan ka nila ng task. Kailangan mong makapagtapos magsulat ng isang kwento habang nandoon pa kayo sa mismong lugar.

Iyan ang pinakamahirap na stage dahil ang iilan sa mga manunulat ay hindi nagagawang matapos ang kanilang isinusulat sa isang buwan lamang. Writer's block, pressure to compete at paninibago sa lugar ang kadalasang dahilan kung bakit maraming bumabagsak sa parteng ito.

Ang pangalawa namang basihan ay ang financial capacity ng gustong pumasok sa academy. Kailangan talaga ng pera kapag baguhan ka. Sa ganda ng mga facilities at ng mismong lugar ay hindi na kataka-taka na mahal ang bayad.

Ang tendency kasi kapag newbie ka pa lang ay nasa learning stage ka pa. Ibig sabihin marami ka pang dapat matutunan bago ikonsidera ng school na i-publish into book ang gawa mo. Ang personal income mo kasi as a writer ang magiging basehan kung ano lamang ang makukuha mong mga services at privilege. At dahil wala ka pang income, ibig sabihin ay sarili mong pera ang gagamitin mo para magtagal sa academy.

Ang Wordsmitheries ay maituturing na pinakasikat sa paaralang iyon. They're consist of five men. They're known in their pseudonym as Silent Cipher, Son of Shakespeare, WordManiac, Savage King and Dark Realm. Their title—the Wordsmitheries—was derived from the name of the school—Wordsmith. They were considered as the most highest paid authors in this generation. Sa laki ng income ng mga isinulat nilang libro ay sila talaga ang pinaka-asset ng paaralan. Marami rin namang mga sikat na manunulat sa Academy ngunit silang lima ang pinakasikat dahil package na ang mga ito. They have the talents, the passion and eagerness to write, as well as the face that could turn anyone's head.

Sa dami ng mga babaeng patay na patay sa pisikal nilang anyo, doon pa lang lamang na sila. I didn't admire Dark because of his face. Humahanga na ako sa kanya bago ko pa man makita ang mukha niya.

"Aaminin kong mahigpit talaga ang academy sa mga aspiring writers. Sa sampung libong nagpasa ng manuscript, swerte ng may isang daang matanggap. Sa isang daang natitira kalahati ang babagsak sa interview. So, ilan na lang ang natitira? Bawat taon halos hindi umabot sa labinglima ang natatanggap. The current statistics of the Wordsmith Academy as of now, 150 students. There are only 20 writers including the Wordsmitheries who were considered as Elite. Sila lamang ang binibigyan ng oportunidad na ma-publish ang likha dahil na rin sa magandang performance nila sa school. The rest, the 130 other students wre still in the process of learning and honing their skills. And yes, we are indeed strict."

Matagal ko nang sinukuan ang pangarap kong maging isang manunulat at makapaglimbag ng sariling libro. I couldn't break my father's heart. I wanted to be a good daughter even if it meant breaking my own dream in the process. Kung may isang pangarap man akong hindi ko kayang bitiwan, ito ay ang makita si Dark sa personal.

"So for that reason, the academy as of now is currently searching for hidden gem. Isa ang paaralan n'yo sa napili naming puntahan para ibahagi ang magandang balita. May isang writer kasi ang nag-open sa usaping ito. Ang sabi niya pa." Tumikhim siya. "Masyado raw naka-focus ang school administration sa pag-e-evaluate ng mga manunulat to the point na hindi na raw natural na lumalabas ang talento at potensyal ng mga ito dahil sa pressure. Maliban pa doon, mayayaman lang daw ang nabibigyan ng oportunidad. Which is actually true."

Napuno ng ingay ang paligid.

"Sa unang pagkakataon simula nang naitayo ang Wordsmith Academy, ngayon pa lang mangyayari ang bagay na ito," sambit niya.

Her gaze wandered around.

"As requested by Dark Realm, there is only one requirement in order to be accepted in Wordsmith Academy."

Hearing his name made me smile. This man... I only knew him through his poem but he already left a permanent mark in my heart. Baka kapag nakita ko na talaga siya sa personal mababaliw na ako sa sobrang pagmamahal. Grabeng kalandian na 'to, Hestia.

"Just a single poem that will make him speechless. A single poem that will turn his heart. Make that possible and you will be accepted regardless of your financial status."

Her words made me freeze in my seat.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.9M 95.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...