My Basket Ball Love Story (bo...

By JuanDer25

51.9K 2K 521

Sabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful... More

DISCLAIMER:
One: Muling Pagkikita
Two: Pagbabalik Tanaw
Three: My Best Buddy
Four: Pagseselos
Five: Suntok Gusto Mo!
Six: Alfred's Side of Story (Part 1)
Seven: Part 2
Eight: Jealous Guy
Nine: Ang Plano
Ten: Puso o Isip?
Eleven: First Love
Twelve: Confession
Thirteen: Confession Part 2
Authors Note
Cast
Fourteen: Unknown Reason
Fifteen: The Letter
Sixteen: Love Hurts
Seventeen: Maling Akala
Eighteen: No more _______!
Author's Note
Nineteen: Cloud 9
Twenty: My Boyfriend
Twenty-1: Ang Pustahan
Author's Note:
Twenty-2: Farewell my Friend
Twenty-3: The Heartbreak
Twenty-5: Love Sick (Alfred's Story)
Twenty-6: Kumapit ka Lang!
Twenty-7: Pizza Break
Twenty-8: Lalaban Ako!
Twenty-9: Bakit???...
Thirty: His Smile...
Thirty-1: Championship Game
Thirty-2: The Unexpected Accident
Thirty-3: His Kissable Lips
Author's Note:
Thirty-4: Flirting 101
Thirty-5: Bonfire
Thirty-6: Bonfire II
Thirty-7: The Missing Love Letters
Thirty-8: The Truth Part I
Thirty-9: The Truth Part II
Forty: The Truth Part III
Forty-1: The Past (Ella's Story)
Forty-2: The Past Part II
Forty-3: Thank You and Goodbye...
Forty-4: Heart to Heart
Forty-5: My Possessive Half
Forty-6: Stop... Why!?
Forty-7: Surprise!
Forty-8: The Proposal and The Wedding Day
Forty-9: Honey Moon
Authors Note:
Fifty: Married Life

Twenty-4: The Conflict

752 43 16
By JuanDer25

Nang araw ding iyon ay tinapon na ni Anton ang sim card niya at nagpalit na siya ng number.

Lahat ng tungkol kay Alfred ay kinalimutan na niya kahit ang mga kaibigan nito ay talagang iniwasan niya at hindi na siya nakipag communicate pa.

Binago na din niya ang kaniyang ugali. Ang dating palangiting Anton ay naging parang bato at walang emosyon.

Ang dating masayahin na Anton ay makilalang napaka suplado at walang pakialam sa mundo.

--------------------------

Present Time

Third Person's POV

Alas 8 ng umaga ng nagising ng araw ng Lunes si Anton, kahit na alas tres pa ng hapon ang pasok nito.

Habang nakaupo ito sa veranda ng Condo Unit niyang inuupahan ay muling nagbalik sa kaniya ang nakaraan, ang lahat ng sakit na naramdaman niya mula kay Alfred.

Nasabi na lang nito sa kaniyang sarili na "Kinalimutan na kita at sa mula ng araw ng iniwan mo ako ng walang abiso o anu man ay winaksi ko na sa isip ko kung sino ka sa puso ko".

Sa tuwing naaalala niya ang huling sulat na binigay nito na inabot ni Jess sa kaniya ay sobra sobra ang sama ng loob niya halos durugin ng puso nito ang nakasulat, dahil ang tanging nakasulat lang doon ay "I'm sorry!".

Kahit ilan taon na ang nakalilipas ay may oras pa din na naiisip niya ang sakit at matinding kalungkutan na naranasan niya sa kamay ni Alfred. Hinding hindi nito kinalimutan ang lahat ng mapapait na sandali subalit ang lahat ng masasayang alaala nito ay nawala na parang bula at napalitan ng matinding galit na tumatak sa puso at isip.

Habang nakaupo ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya habang nakatingin sa malayo.

Hindi niya mapaliwanag ang dahilan ng pagluha niya. Punas siya ng punas subalit tila hindi natigil ng pagluha niya.

Upang makaalis sa sitwasyon na iyon, agad siyang tumayo at nagluto ng breakfast.

Habang nagluluto ay biglang tumunog ang cellphone nito.

Nakita niyang natawag ang kaniyang Bisor sa kabilang linya.

"Hello, Good Morning Anton, next week na ang Sportfest. I heard na Varsity ka daw pala ng Basketball before bakit di mo sinasabi... Kaya kasama ka sa team ahhhh... May practice daw kayo this 11am sa Basketball Court near the Hospital. "

Sa gulat ni Anton ay hindi na siya nakapagsalita hanggang sa magpaalam at mamatay na ang tawag dito.

Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig ng marinig niya ang BasketBall Court.

Sa tatlong taon niyang nagtatrabaho sa Hospital ay walang nakakaalam na Varsity siya before. Dahil isa iyon sa kinalimutan niya upang makalimutan din si Alfred.

Kaya naman nang maalaala niyang nasabi ni Alfred sa ER noong makalawa ang tungkol sa pagiging Varsity niya ay halos mamula ito sa inis.

Walang nagawa si Anton kundi ang sumunod sa sinabi ng kanilang Supervisor. Kaya mga 1030 ng umaga ay umalis na ito, dala ang kaniyang Uniform sa oras ng duty niya at ang kaniyng pam practice ng Basketball.

Pagdating sa lugar ay nagsisimula na ang iba mga ka team niya. Nang makapagpalit ay napatigil ang lahat ng dumating siya.

Nagulat siya ng magsalita si Jeff, Nurse sa ICU.

"Tol, ikaw ba yung sikat na Anton Rivera yung "the Shooter".

Napatingin lang siya at hindi sumagot. Sa isip isip niya ay may nakakakilala pala sa kaniya.

Nang mapansin niyang hinihintay ng mga nasa harapan niya ang sagit niya ay hindi na siya nagsinungaling pa.

"Oo, ako nga! "

"Sabi na nga ba ikaw iyon ehhh, kasi noong una pa lang kita nakita sabi ko kilala kita. Kaya lang nag dalawang isip din ako kasi napag alaman kong hindi ka nag babasketball samantalang alam ng buong University na love mo ang Basketball. Anyways, Jeff here. Same University tayo before pero lower year ako. Kaya hindi mo ako kilala."

"Ton, grabe ka 2 years na tayong kulelat sa basketball tapos eto pala Magaling ka maglaro nung College ka" Aries OR nurse din same area ng gf niya.

Nagpakilala na ang iba pang mga ka team niya. Pero siya kahit ngiti ay walang pinapakitang emosyon.

Dahil ng totoo ay gustong gusto na niyang umalis sa lugar dahil, dahil may naaalala lang siyang masamang nakaraan.

Aminado si Anton na hindi na siya ganoon kagaling dahil nga hindi na siya naglalaro simula ng mag graduate siya ng College.

Pero kahit ganoon ay nandoon pa din ng galing niya sa Shooting.

Hindi nakapaniwala ang ng kasama niya na sa sampung tinira nito mula sa 3point line ay walang palya, lahat ay shoot. Pero pansin nilang mabilis ng mapagod si Anton.

Kaya naman ng magsabi itong magpapahinga siya saglit ay umupo muna ito. Katabi niya si Jeff na nakaupo din.

"Kuya Anton, di ka pa rin nagbabago. Ang galing mo pa din pero obvious na wala ng ensayo ahhhh... "

"Oo, tumigil na ko sa paglalaro.!"

"Kaya pala, pero konting ensayo lang babalik na uli ng galing mo Kuya.."

"Siguro nga... " tipid na sagot ni Anton.

Nang makapag pahinga na saglit si Anton ay bumalik na siya sa Court, pansin ng mg kasamahan niyang lumalabas na ng kusa ang galing nito sa defense, offense, sa dribbling, sa fake at lalao na sa mga Shooting nito.

Kaya naman hindi na sila makasabay sa mga galawan nito.

Kaya naman nang muli siyang tumayo at ihanda ang sarili sa pag shoot sa 3-point line ay walang nakabantay at nakapansin dahil akala ng mga ito na mag pe fake na naman siya.

Swak na swak ang bola sa ring at lahat ay napanganga sa husay niyo sa Basket Ball.

Saktong pagbagsak ng bola ay siya ding isang malakas na palakpak ang namayani sa Court. Hinanap nang lahat ang sinomang pumalakpak.

Napansin nilang nanonood na pala ang team ng Medicine sa kanila at ng pumalakpak ay walang iba kundi ang bagong doktor na di Dr. Alfred Tan.

Naglakad palapit si Alfred sa hrupo nila Anton, ganoon na din ang iba pang kasama nito.

Biglang nagsalita ang gwapong doktor na kinagulat ng lahat.

"Magaling ka pa din tulad ng dati. Sana papanalunin mo naman kami di tulad nung College tayo na lagi kaming talo sa Nursing Dept. "

"Dok, Good Morning po... Magkakilala po kayo ni Anton! "

"Hind..." hindi na natapos ni Anton ang sasabihin niya ng maunahan siyang sumagot ni Alfred.

"Yes, School mate kami at bestfriend ko si Anton! "

"Ahhh oo kayo yung sikat n tandem sa University... "

Sa narinig ni Anton ay halos sumabog siya sa galit na naririnig sa bibig ni Alfred.

Kaya naman tumalikod na lang ito at kinuha ang mga gamit.

"Guys, alis na ako. Taos na naman ang practice nanjan na mga kapalit natin."

"Let's have a game. Kahit isang game lang... " sabi ng isa pang doktor na kasama ni Alfred

"Pass ako... Sa Sportfest na lang tayo maglaro!" sagot ni Anton

Nagsalita at natapos sabihin iyon ni Anton ng di man lang siya tumingin sa lugar ni Alfred.

Hindi na narinig ni Anton ang sinabi pa ng mga kasama niya at isa pang grupo dahil binilisan talaga niya ang paglalakad.

Habang naglalakad ay napabulong na lang si Anton sa sarili.

"Anong problema mo, Alfred. Gumagawa ka ba talaga ng gulo! Nanahimik na ko, bakit ginugulo mo na naman ako!"

Habang papalayo si Anton ay may mga matang kanina pa nakatingin sa kaniya...

Itutuloy
JuanDer25

Next Chapter:
Alfred's Side Story

Continue Reading

You'll Also Like

49.6K 2.4K 27
On The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
65.6K 1.9K 18
yung pinakawalan mong ex mo kasi walang sparks at hindi kasi siya gwapo tapos biglang pag dating ng college nagkita uli kayo pero putingini lang ngay...
141K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...