School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.

8.6K 258 21
By chufalse

Sa mga sandaling ito ay muling nagkaharap sila Hades at Viel. Labis ang tensyong namumuo ngayon sa dalawa, dahil mayroon silang hindi natapos sa nakaraan.

 

“Sa wakas! Nagkita tayong muli, Hades.” Masayang pagkakasambit ni Viel.

 

“Viel Vielzkud.” Sambit ni Poseidon.

 

“Whoa! Poseidon! Hindi ko inaasahang makikita din kita dito!” Masayang pagkakasambit muli ni Viel.

“Viel! Totoo pala ang nalaman ko tungkol sayo, ngunit mukha yatang matanda na ang iyong anyo? *Fufufu.. Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

*Fufufu.. Hindi ka pa rin nagbabago, Hades. Arogante ka pa rin katulad ng dati. Pero may surpresa ako sayo.” Masayang pagkakasambit muli ni Viel.

Biglang nabahala si Hades sa kaniyang mga narinig, kaya agad na niyang inalerto ang kaniyang sarili. Agad din namang inihanda nila Poseidon ang kanilang mga sarili sa posibleng mangyari.

Samantala, mabilis na inalis ni Viel ang telang bumabalot sa isang bagay na dala nila at laking gulat ni Hades sa kanilang nakita.

“Leiya?!” Gulat na pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Mabuti naman at naalala mo pa ang kapatid ko, Eclaire!” Sambit ni Viel.

Hindi maunawaan ni Sophia ang nangyayari, gayon din ang mga kasamahan ni Viel na ngayon lang din nakita ang kanilang dala.

 

“Ano po ba ang nangyayari tiya? Sino po ang babaeng nasa loob ng Time frost cage?” Sambit ni Sophia.

“Isang kaibigan. Ngunit hindi ko maunaawan kung papaano siya nai-kulong sa time frost cage at kung sino ang gumawa nito sa kaniya.” Tugon ni Eclaire.

Totoong walang alam sila Hades tungkol sa nangyari kay Leiya sa ngayon, dahil ang tangi lang nilang alam ay nasawi ito nung makipaglaban sila sa mga druid. Hindi nagawang maniwala ni Hades tungkol dito kaya patuloy niyang hinanap si Leiya, ngunit nabigo lamang siya hanggang sa matuklasan niya ang ginawang panloloko ni Zeus sa kanila.

 

“Kung ganon ay nilinlang mo lang pala ako, Viel!” Sambit ni Hades.

*Fufufu.. Ganon na nga! Ngunit hindi ko alam na posible pa palang maka-laya ang kapatid ko sa kristal na ito. At nung malaman ko ang tungkol dito ay huli na ang lahat, dahil nakaalis na kayo ni Eclaire para sumugod sa kampo ng mga Vampire.” Sambit muli ni Viel.

“*Tsk!” Sambit muli ni Hades.

 

“Si Sonia ba ang may gawa nito sa kaniya?” Tanong ni Eclaire.

“Tama ka! Ngunit hindi ko nasaksihan ang naging paglalaban nilang dalawa at naabutan ko na lang ang aking kapatid na naka-paloob sa kristal na ito.” Tugon ni Viel.

*Tsk! Alam kong hindi pa patay si Leiya, ngunit hindi ko inaasahang ikaw mismo ang magtatago nito sa’kin.” Sambit muli ni Hades.

 

“Humihingi ako ng tawad tungkol sa bagay na yon at kung alam ko lang na posible palang mapalaya ni Eclaire si Leiya ay hindi ko siya itatago sa inyo.” Sambit muli ni Viel.

 

“Ikaw? Humihingi ng tawad? Mukhang hindi ito kapani-paniwala?” Sambit ni Eclaire.

“Eclaire, maraming taon na ang lumipas ngunit hindi ka pa rin nagbabago. Naparito ako dahil nabalitaan ko sa aking apo na sinugod nyo si Zeus. At mukhang nagtagumpay na kayo laban sa kaniya.” Sambit muli ni Viel.

 

“Ganon na nga at ano naman ang iyong sadya?” Sambit ni Sophia.

 

*Fufufu.. Sa iyong pananalita at anyo ay mukhang ikaw ang anak ni Sonia. Muli ay inuulit ko, naparito ako dahil nabalitaan ko ang inyong pagsugod. At sakto naman ang aming pagdating dahil mukhang tapos na kayo sa inyong misyon.” Sambit muli ni Viel.

Bakit hindi mo pa kami diretsuhin?” Medyo galit na pagkakasambit ni Sophia.

 

“Huminahon ka Sophia, hindi mo kilala ang lalakeng yan.” Sambit ni Eclaire.

Agad napatingin si Sophia sa kaniyang tiya at napansin nito ang seryoso nitong ekspresyon.

 

“Bakit parang hindi mapakali si tiya Eclaire?” Tanong ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.

“Naparito ako dahil gusto kong makalaya na ang aking kapatid sa matagal nitong pagkakakulong.” Sambit muli ni Viel.

Matapos magsalita ay agad inutusan ni Viel ang kaniyang mga kasama na ilapit sa grupo nila Hades ang kristal na kung saan naka-kulong si Lieya. Marahang nilapitan ni Hades ang kristal at agad niyang pinagmasdan ang kaibigang matagal ng hinahanap. Hindi nagtagal ay isa-isa ng pumatak ang kaniyang mga luha, labis itong ikinagulat ni Sophia at kalaunan ay napatingin sa iba pa nilang kasama. Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nila Eclaire, Zeren at Poseidon at sa mga oras na ito ay naisip na niyang malaki ang kaugnayan ng mga ito sa babaeng naka-kulong sa kristal na gawa sa kapangyarihan nang kanilang lahi.

Ilang sandali pa ay lumapit na rin si Eclaire sa kristal at kasabay nito ay ang pagsambit niya ng mga hindi maunawaang salita, isang Spell ritual.

 

“*Sih.. *Poul.. *Shou.. *Aii.. *Shi.. *Kuh.. *Rih.. *Suh..” Mabagal na pagkakasambit ni Eclaire.

Matapos magsalita ay mabilis na hinawakan ni Eclaire ang kristal gamit ang kaniyang dalawang kamay. Ilang sandali pa ay lumutang ito at kalaunan ay mabilis na umilaw, kaya naman sa pagkakataong ito ay mabilis na napa-atras ang lahat.

Samantala, agad naramdaman nila Lyrices, Azys at Mishia ang isang kapangyarihan, hindi kalayuan sa kanila.

 

“Kay tiya Eclaire po ba nangmumula ang kapangyihang yon, mama?” Tanong ni Mishia.

 

“Tama, pero ang kapangyarihang ito ay isang cancelling spell.” Tugon ni Lyrices.

 

“Cancelling spell?” Tanong muli ni Mishia.

“Ang mabuti pa ay puntahan na na’tin ang iyong kapatid.” Sambit ni Azys.

“*Uhm.” Tugon ni Lyrices.

Kahit hindi maunawaan ni Mishia ang sinabi ng kaniyang ina sa kaniya ay minabuti na lang niyang alamin ito sa pamamagitan ng pagsaksi sa kasalukuyang nangyayari.

Mapunta naman tayo kila Rain, agad siyang nagising matapos maramdaman ang isang iregular na kapangyarihan na hindi kalauyan sa kanila. Batid niyang nagmumula ito ni Eclaire kaya mabilis siyang bumangon at kalaunan ay nagsalita.

 

(Note: Hinimatay si Rain nung hinalikan siya ni Selina. Baka lang kasi nakalimutan nyo! xD)

 

“Miss Eclaire.” Sambit ni Rain.

*Huh? Bakit Luke?” Sambit ni Eimi.

Agad napatingin sila Selina at Eimi sa dereksyon kung saan ngayon nakatingin si Rain. At sa mga sandaling ito ay nakita nila ang isang liwanag hindi kalayuan sa kanila.

 

“Ano ang bagay na ‘yon?” Tanong ni Selina.

 

“Kay miss Eclaire nanggagaling ang kapangyarihang yon, pero ngayon ko lang ito naramdaman.” Sambit muli ni Rain.

 

“Ang mabuti pa ay puntahan na na’tin yon.” Sambit ni Eimi.

 

“Pero si June! Papaano si June?” Sambit ni Selina.

Agad napalingon si Selina sa kanilang likuran upang tingnan si June, ngunit laking pagtataka niya matapos hindi na ito makita pa.

“Nasaan si June?!” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

 

“Kung tinutukoy mo yung lalaki na kaninang nandito, mabilis siyang kinuha nung babaeng nakalaban ni Luke kanina, habang nakikipaglaban siya dun sa nakalaban kong lalaki.” Sambit ni Eimi.

“Kung ganon ay kinuha na siya ng kaniyang kapatid. Kaya pala hindi ko na makita pa si April.” Sambit ni Rain.

“June..” Malungkot na pagkakasambit ni Selina.

 

*Umm.. Ano na ang plano mo ngayon, Luke? Puntahan na ba na’tin ang liwanag na ‘yon?” Sambit muli ni Eimi.

*Uhm! Pero mas makakabuti kung umalis na kayo dito at ako na lang ang mag-isang pupunta don.” Sambit ni Rain.

“Nope! Sasama ako sayo!” Sambit ni Eimi.

“Hindi pwede! Sasama ako!” Sambit ni Selina.

 

(Note: Sabay pong nagsalita yung dalawa. xD)

Napa-kamot na lang ng ulo si Rain dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang dalawa sa gusto nilang gawin.

 

“Okay, pero kung may malakas na kalaban sila ama ay dapat na kayong magtago. Maliwanag ba?” Sambit muli ni Rain.

*Uhm! Okay!” Tugon nang dalawa.

“Okay tayo na!” Sambit muli ni Rain.

Mabilis na umalis sila Rain patungo sa lugar kung saan nila nakita ang liwanag. Samantala, mabalik tayo kina Hades. Sa ngayon ay hindi pa rin nila malaman ang kasalukuyang nangyayari, gawa ng makapal na liwanag na nilalabas ng kristal.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala ang makapal na liwanag at sa ngayon ay nakikita na nila ang nangyayari. Unti-unting nabibitak ang kristal at ilang sandali pa ay mabilis ng dumadami ang lamat nito hanggang sa tuluyan na itong mabasag. Mabilis na sinalo ni Hades si Leiya matapos nitong mahulog mula sa nabasag na kristal.

“Leiya?” Sambit ni Hades.

Natuwa si Hades matapos makita ang paghinga ni Leiya. Sa mga sandali ding ito ay unti-unti ng iminumulat ni Leiya ang kaniyang mga mata.

 

“Leiya? Naririnig mo ba ako? Ako ‘to, si Hades.” Sambit muli ni Hades.

“Hades?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

“Tiya Leiya!” Sambit ni Zeren.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng nagkamalay si Leiya at ilang sandali pa ay inalalayan na siya ni Hades upang makatayo.

 

“Teka? Hades? Ikaw ba yan? Anyare sayo? Bakit parang tumanda ka yata?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

 

“Maligayang pagbabalik, Leiya.” Nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.

Agad napalingon si Leiya kay Eclaire at dito ay natukoy niya ang pamilyar na boses na bumati sa kaniya. Labis lang niyang ipinagtaka kung bakit ito umiiyak. (tears of joy! xD)

“Eclaire!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.

Mabilis na niyakap ni Eclaire ang kaibigan, ngunit labis naman itong ipinagtataka ni Leiya.

 

“Teka lang Eclaire! Ano ba ang nangyayari? Tapos na ba ang gyera?” Sambit ni Leiya.

Sa mga sandaling ito ay napansin na ni Leiya ang kanilang kapaligiran at dito ay nagtaka siya dahil hindi pamilyar sa kaniya ang lugar at puro kakaibang gusali ang kaniyang nakikita.

 

“Sandali lang! Nasaan ba ako? At ano ba talaga ang nangyayari?” Sambit muli ni Leiya.

 

“Mahabang kwento, pero ang mahalaga ay buhay ka.” Nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Tama! Naalala ko na! Nakikipaglaban ako kay Sonia kani-kanina lang. Pero ano.. hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.” Sambit muli ni Leiya.

 

“Wag kang mag-alala, tapos na ang gyera. At napaslang na din na’min ang utak sa lahat ng pangyayaring naganap.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

“Talaga? *Hmmm.. Mabuti naman pala kung ganon. Pero nagtataka lang talaga ako, bakit parang tumanda ka yata, Hades?” Sambit muli ni Leiya.

“*Ptttttt..” Reaksyon ni Eclaire.

 

“Wag ka ngang tumawa Eclaire!” Inis na pagkakasambit ni Hades.

“*Buwahahahahahaha!” Masayang pagkakatawa ni Poseidon.

“Isa ka pa Poseidon!” Inis na pagkakasambit muli ni Hades.

“Poseidon? Siya si Poseidon?! Whoa! Sonia!!” Gulat na pagkakasambit ni Leiya.

 

“Tama. Ako nga ito, Leiya. At nagkakamali ka dahil ang batang ito ay hindi si Sonia.” Nakangiting pagkakasambit ni Poseidon.

“Talaga? Ikaw si Poseidon? Bakit parang mas matanda ka kumpara kay Hades ngayon? Hindi talaga kita nakilala! At hindi siya si Sonia? Pero bakit kamukhang-kamukha niya si Sonia? At isa pa! Ano ba talaga ang nangyari?” Sambit muli ni Leiya.

 

*Pttttt! *Hahahahaha! *Hahahaha! Sorry! Hindi ko na talaga mapigilan, sorry! *Hahahaha! Masayang pagkakasambit ni Eclaire.

“Hoy Eclaire! Mag pasalamat ka at hindi tumatanda ang inyong mga katawan kahit ilang daan taon pa ang lumipas! *Tsk! Inis na pagkakasambit ni Poseidon.

“Ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya, siguro nga ay isang malapit na kaibigan ang Leiya na ‘to.” Sambit ni Sophia sa kaniyang sarili.

Ilang sandali pa ay dumating na sila Rain, Selina at Eimi. Samantala, nasa kasalungat na dereksyon naman nila sila Lyrices, Azys at Mishia.

“Ama!” Sambit ni Rain.

Agad napalingon si Leiya sa dumating at labis siyang natuwa matapos niyang makilala ito.

“Zenon!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.

*Huh? Tiya Leiya?” Gulat na pagkakasambit ni Rain.

Agad namang nagkatinginan sila Selina at Eimi, dahil wala silang alam sa mga nangyayari.

“Zenon! Masaya akong makita ka! Nasaan ang mga kapatid mo? Sila Zeren, Zilan at Zelin? Gusto ko din silang makita!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.

Samantala, habang nagsasalita si Leiya ay nakalapit na sila Lyrices kila Hades.

“Hades, sino ang babaeng yon? At sa aurang nararamdaman ko sa kaniya ay natitiyak kong isa siyang werewolf. Pati na rin ang mga lalaking yon.” Sambit ni Lyrices.

 

“Wag kang mag-alala, Lyrices. Hindi sila mga kalaban.” Nakangiting pagtugon ni Hades.

*Ahh.. Okay.” Sambit muli ni Lyrices.

Mabalik tayo, sandaling napa-isip si Rain kaya medyo huli na itong nakatugon.

“Si kuya? Ayun siya oh.” Tugon ni Rain.

Matapos magsalita ay itinuro ni Rain ang kaniyang kapatid, agad namang napatingin si Leiya sa dereksyong itinuro ni Rain, ngunit hindi naman niya makita ang tinuturo nito.

“Nasaan?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

 

“Nandito po ako, tiya. Ako po ito, si Zeren.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Zeren.

 

“What?! Ze..ze..zeren? Sigurado bang ikaw yan?” Gulat na pagkakasambit ni Leiya.

 

“Opo.” Tugon ni Zeren.

 

“Talaga? Pero teka, nasaan sila Zilan at Zelin? Hindi nyo ba sila kasama?” Sambit muli ni Leiya.

 

“Ganon na nga po.” Tugon muli ni Zeren.

*Hmmm.. Bakit ganon? Bukod kila Eclaire at Zenon ay bakit tumanda yata ang lahat? At kung tititigan ay mas mukhang bata tingnan kay Sonia ang isang ‘to. At sino ba talaga siya?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

Sa mga sandaling ito ay napatingin sila Eimi at Selina kay Sophia at dito ay nagulat sila matapos malamang kasama ito nila Hades.

 

“Sophia? Siya yung kaklase ni Aron na isang tao ah.” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Siya yung bagong transfer. Kung ganon ay kasama din pala siya nila Luke.” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Siya ang anak ni Sonia at ang pangalan niya ay Sophia.” Sambit ni Poseidon.

 

*Puuuuh! (Saliva burst) A..a..anak ni Sonia? Pero kanino? Sayo Poseidon?” Gulat na pagkakasambit ni Leiya.

 

“Anak siya ni Zeus.” Sambit muli ni Poseidon.

 

*Puuuuh! (Saliva burst) A..a..anak ni Zeus? Nag..ka..anak..silang dalawa? Pero kailan pa?” Gulat muling pagkakasambit ni Leiya.

 

Labis ding ikinagulat nila Selina at Eimi ang kanilang narinig, pero minabuti nilang wag itong ipahalata.

 

“Anak siya ni sir Zeus?” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Totoo ba ang mga narinig ko? Pero bakit kasapi siya nila Luke?” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Mahigit tatlong daang taon na rin siguro, kapatid ko.” Sambit ni Viel.

Sa mga oras na ito ay nagsalita na rin sa wakas ang kanina pa tahimik na si Viel.

(chufalse: Actually, hindi ako makakuha ng timing kung papaano ko siya bibigyan ng eksena! xD)

Agad napalingon si Leiya sa lalaking nagsalita at dito ay laking gulat niya sa kaniyang nakita.

“A..ama?!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.

 

“*Pttttttt!” Pigil na pagtawa ni Eclaire.

 

“Anong ama! Ako ito! Ang yong kapatid!” Galit na pagkakasambit ni Viel.

*Huh? Kuya Viel? Ikaw yan?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

*Tsss! Katulad ng sinabi ko, mahigit tatlong daang taon na ang lumipas magmula ng ikulong ka sa kristal ni Sonia. At ayon sa aking obserbasyon ay mukhang huminto ang takbo ng oras sayo, habang nasa loob ka ng kristal na yon.” Sambit muli ni Viel.

 

“Tatlong daang taon na ang lumipas? Kristal? Teka, ano ba talaga ang nangyayari?” Nagtatakang pagkakasambit ni Leiya.

“Tama ang kuya mo, Leiya. Mahigit tatlong daang taon na ang lumipas at nasa modernong mundo na tayo ngayon. Pero wag kang mag-alala, dahil hindi naman gaanong kahirap makibagay sa bagong mundong ito.” Sambit ni Eclaire.

Hindi makapaniwala si Leiya sa kaniyang mga nalaman at sa ngayon ay labis lang siyang naguguluhan.

 

“Tatlong daang taon na ang lumipas?” Mahinang pagkakasambit ni Leiya.

 

“Mabuti siguro kung hindi tayo dito mag-usap.” Sambit ni Hades.

 

“Sang-ayon ako sa kaniya.” Sambit ni Eclaire.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga guro na kanina ay mga nawalan ng malay matapos makipaglaban kay Zeren. Halos may labing limang hakbang lang ang layo nila sa dalawang grupo sa ngayon.

“Pinunong Viel.” Medyo gulat na pagkakasambit ni Niel.

Agad napalingon ang iba pang mga guro kay Niel matapos nilang marinig itong magsalita.

“Sandali lang, nasaan na si sir Zeus?” Tanong ni Anna Jane Karla.

*Tsk! Mukhang nahuli na tayo.” Sambit ni Jakiro.

 

“Sino naman ang mga yon? At mukhang sobrang lakas nila.” Sambit ni Unice derekta sa kaniyang isipan.

Kahit batid ni Unice na wala silang laban sa mga sumalakay sa kanilang paaralan ay lakas loob pa rin siyang naglakad papalapit sa dalawang grupo. Labis naman itong ikinabahala ng ibang guro, kaya inihanda na ng mga ito ang kanilang mga sarili.

Huminto si Unice sa paglalakad at halos may limang hakbang na lang ang layo niya sa dalawang grupo. Dito ay lakas loob na siyang nagsalita.

 

“Nasaan si sir Zeus? Ano ang ginawa nyo sa kaniya?” Tanong ni Unice.

Mababakas sa mukha ngayon ni Unice ang pagiging kalmado, ngunit seryoso ang tono ng kaniyang pananalita.

 

“Patay na siya.” Tugon ni Zeren.

Labis na nagulat ang mga guro matapos marinig ang sinabi ng kanina nilang katunggali. Ikinagulat din ito nila Eimi at Selina.

 

“Imposible!” Gulat na pagkakasambit ni Unice.

 

“Miss Unice. Pasensya na po kayo, ngunit mauunawaan nyo rin ang aming ginawa matapos nyong mabasa ang mga lumang kasulatan sa ilalim ng paaralang ito.” Sambit ni Rain.

 

“Si principal Zeus patay na?” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Kung ganon ay nagtagumpay na sila Luke, pero bakit kakampi nila ang anak nito?” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Lumang kasulatan? Anong ibig mong sabihin, Rain?” Sambit muli ni Unice.

 

“Naka-tala sa mga yon ang nakaraan. At natitiyak kong kasamang naka-tala doon ang ginawang panloloko ni Zeus, na dahilan kung bakit naubus ang lahi ng mga sorcerer at mga druid. Wag din po kayong mag-alala, dahil ibabalik agad na’min sa dati nitong ayos ang paaralan.” Sambit muli ni Rain.

Habang nagpapaliwanag si Rain ay kasalukuyan ng naglalakad si Viel papalapit sa kaniyang kapatid at kila Eclaire at Hades. Hindi ito napansin ng iba dahil nakatuon ang kanilang atensyon sa mga guro.

 

“At papaano naman ako makakasigurong hindi ka nagsisinungaling?” Tanong ni Unice.

 

*** SFX: SHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAK! ***

Isang mabilis na pag-atake mula Viel ang tumama sa kaliwang balikat ni Hades. Agad namang napalingon ang lahat kay Hades na sa ngayon ay Hawak-hawak ang sugat na kaniyang tinamo mula sa pag-atake ni Viel sa kaniya. Ikinagulat ng lahat at kahit si Hades ay nagulat din sa hindi inaasahang pag-atake sa kaniya.

 

*Spit. Viel.” Sambit ni Hades.

 

“Kuya! Ano ba ang ginawa mo?!” Sambit ni Leiya.

*Fufufu.. Malakas ka pa rin katulad ng inaasahan ko, Hades. Nagawa mo pa ring maka-iwas sa ginawa kong pag-atake derekta sa puso mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

 

“Kung ganon ay gusto mo ng tapusin ang naudlot na’ting paglalaban?” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

“Tama ka! Pero hindi pa sa ngayon!” Masayang pagkakasambit ni Viel.

Matapos magsalita ay agad binuhat ni Viel ang kaniyang kapatid at kalaunan ay sumenyas sa kaniyang mga kasama. Halos sa isang iglap lang ay mabilis na silang nawala. Samantala, agad namang nilapitan si Hades ng kaniyang mga kasama.

 

“Ama, inumin mo po ito.” Sambit ni Zeren.

Kasabay ng pagsasalita ay inabot ni Zeren ang isang maliit na bote na naglalaman ng konting likido. Mabilis naman itong ininom ni Hades at ilang saglit pa ay mabilis naghilom ang kaniyang natamong sugat.

 

*Tsk! Ang Viel na yon! Pero masaya ako’t nagkita kaming muli ni Leiya.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

“Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito.” Sambit ni Lyrices.

 

“Sila Carl, Tyki at kuya Warren? Nasaan sila?” Tanong ni Rain.

 

“Sa tingin ko ay kasama na nila Warren si Tyki at patungo na sila sa bahay.” Tugon ni Eclaire.

 

“Kung ganon po ay tayo na.” Sambit muli ni Rain.

Napatango ang lahat at ilang saglit pa ay isa-isa ng naglaho ang grupo nila Hades. Labis na nagtaka sila Selina at Eimi, dahil naiwan silang dalawa kasama ng mga guro.

*Huh? Saan sila nagpunta?” Nagtatakang pagkakasambit ni Eimi.

*Tsk! Bwisit na Rain yon!” Inis na pagkakasambit ni Selina.

 

Sa tulong ng kapangyarihan nila Eclaire at Lyrices ay nagawa nilang maka-alis sa paaralan ng walang kahirap-hirap. Samantala, mabilis namang kinausap ni Unice sila Selina at Eimi.

 

“Hoy kayong dalawa! Lalo ka na, Selina! Bakit nyo kasama ang mga yon?” Sambit ni Unice.

“May malaking rason daw po kung bakit ginagawa ito nila Rain at siguro po malalaman na’tin yun sa oras na mabasa na’tin ang lumang kasalutang sinasabi niya.” Tugon ni Selina.

 

*Tsk! Ang mabuti pa ay hanapin na na’tin si Sir Zeus!” Sambit ni Jakiro.

 

“Mabuti pa nga.” Tugon ni Unice.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang ibang mga guro at sa oras na ito ay ipinaalam ni Unice ang kasalukuyang nangyari. Hindi niya naitago ang pagkainis sa mga katrabaho niya, dahil kanina pa sila nakikipaglaban, habang ang mga ito ay inaaasikaso ang mga estudyante. Gayumpaman, agad sinabihan ni Unice ang iba pang kapwa niya guro na hanapin ang kanilang tagapahamala, si Zeus. At tulungan ang iba pang mga nasaktan na makikita nila. Agad naman itong sinunod ng mga guro, samantalang palihim namang tumakas sila Selina at Eimi.

Mapunta tayo sa magkakaibigan, sa ngayon ay ginagamot sila ni Krystine, dahil muli silang nagkita-kita.

 

“Hindi nyo ba nakita si Rein?” Tanong ni Aicy.

 

“Pasensya na, pero hindi talaga na’min siya nakita.” Tugon ni Melisa.

 

“Sana naman ligtas siya ngayon.” Sambit muli ni Aicy.

 

“Maitanong ko lang, may sakit ba si Alex?” Sambit ni Khaye.

Agad napatingin si Alex na kasalukuyan ngayong katabi ni Jigo.

*Huh? Ba..ba..bakit?” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.

 

“Kanina ko pa kasi napapansing namumula ang mukha mo eh, hindi kaya may sakit ka?” Sambit muli ni Khaye.

Mabilis na napahawak si Alex sa kaniyang mga pisngi at kalaunan ay napayuko. Labis naman itong ipinagtaka ni Khaye at pati na rin si Jigo.

 

“May sakit ka Alex?” Nagtatakang pagkakasambit ni Jigo.

Matapos magsalita ay mabilis hinawakan ni Jigo ang noo ni Alex at dito ay laking gulat niya matapos maramdamang mainit ito. Samantala, bigla namang umusok si Alex na para nag-overheat na appliances. xD

 

“Whoa! Ang init mo naman Alex! A..a..ano ang gagawin ko!? Ang taas ng lagnat mo!” Natatarantang pagkakasambit ni Jigo.

*Hahaha! Hindi talaga ako sanay na makita si Alex na ganito, pero ang cute niya pala pag na-inlove.” Masayang pagkakasambit ni Annie.

 

“Hoy! Wag na kayong tumawa dyan! Tulungan nyo akong pababain ang lagnat niya!” Natatarantang pagkakasambit muli ni Jigo.

Sa mga oras na ito ay hindi naiwasan ng magkakaibigan ang tumawa, labis namang nagtaka sila Aicy, Khaye at Krystine dahil hindi nila nauunawaan ang nangyayari.

 

“Wag kang mag-alala, okay lang si Alex!” Sambit ni Mark.

 

“Papaano siya naging okay? *Eh ang taas ng lagnat niya!” Sambit ni Jigo.

 

“Ganyan siguro talaga si Alex kapag-inlove.” Sambit ni Annie.

 

“Si Alex inlove?” Tanong ni Aicy.

 

“Kanino?” Tanong ni Khaye.

 

*Eh di sa mokong na yan!” Tugon ni Annie.

Muli ay umusok si Alex matapos marinig ang sinabi ni Annie at tuluyan ng tinakpan ang kaniyang mukha. Agad namang napalingon sila Aicy, Khaye at Krystine kay Jigo. Samantala, ipinagtaka naman ito ni Jigo.

“*Huh?” Reaksyon ni Jigo.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOSH! ***             

 

“** INSENSITIVE SLASH! **” Sambit ni chufalse.

*** SFX: BOOOOOOOGOOOOOOOOOM! ***

*** Note: Ang “Insensitive slash” ay isang katarantaduhang skill na tanging si Chris lang ang naka-isip. Kahit wala siyang isip ay naisip niya ‘to. Isipin nyo ‘yon? *Hahaha!

Ang katarantaduhang skill na ‘to ay hindi naman mapanganib, yun nga lang ay labis itong nakakainis!Bwisit din ang nakaisip nito!xD ***

Mabalik tayo, sa ngayon ay dimasyado ang ekspresyon ng magkakaibigan, dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ni Jigo ang tunay na nangyayari kay Alex. Ngunit ilang sandali pa ay nakita ni Melisa si Selina at tila hinahanap sila nito.

“Ate Selina!” Masayang pagkakasambit ni Melisa.

Agad napalingon ang magkakaibigan sa dereksyon kung saan nakatingin si Melisa at dito ay nakita nila si Selina at kasama nito si Eimi. Nakita din naman ni Selina ang kaniyang mga kaibigan kaya mabilis na niya itong nilapitan.

 

“Mabuti at nakita ko na kayo!” Sambit ni Selina.

 

“Sandali lang ate! Ano ba ang nangyari sayo?! Bakit bigla ka na lang nawala!” Sambit ni Melisa.

 

“Tsaka na ako magpapaliwanag! Teka, nasaan si Lina?” Sambit muli ni Selina.

“Si Lina? Nandito lang siya… *Huh? Sambit ni Aron.

Nagulat si Aron matapos malamang wala na si Lina sa kaniyang tabi at pati na rin si Zazan.

 

“Saan nagpunta si Lina? Nandito lang siya sa tabi ko kanina ah!” Sambit muli ni Aron.

 

*Tsk! Ang Lina na ‘yon!” Inis na pagkakasambit ni Selina.

 

“Teka lang! Ipaliwanag mo muna nga ang nangyayari!” Sambit ni Mark.

 

“Mamaya na sabi eh! Ang mabuti pa ay tayo na sa bahay nila Rain!” Inis muling pagkakasambit ni Selina.

 

“Bakit? Tapos na ba ang labanan?” Tanong ni David.

 

*Uhm! Kaya tayo na!” Tugon ni Selina.

Agad nagkatinginan ang makakaibigan at kalaunan ay napatango.

“Aalis na kayo?” Tanong ni Krystine.

 

*Uhm! Maraming salamat sa tulong na ginawa mo para sa’min.” Tugon ni Mark.

 

“Wala yon.” Nakangiting pagkakasambit ni Krystine.

 

“Kung gusto nyo ay sumama na rin kayo sa’min.” Sambit ni Aron.

*** SFX: TOOOOOOINKS! ***

 

“Araaay! Masakit yon, Selina!” Galit na pagkakasambit ni Aron.

Isang malakas na kutos ang tinanggap ni Aron mula kay Selina. Hindi nagustuhan niya ang sinabi ni Aron, dahil sa ngayon ay hindi pa rin alam nila Krystine ang tunay na nangyari.

 

“Salamat na lang, pero kailangan pa na’ming mahanap si Rein.” Tugon ni Khaye.

Nakahinga ng maluwag si Selina matapos tumanggi ni Khaye, ngunit hindi pa rin niya maalis ang mainis dito kay Aron.

 

“Ganon ba, sayang naman.” Sambit muli ni Aron.

 

“Ang mabuti pa ay umalis na tayo!” Sambit ni Selina.

Ilang sandali pa ay umalis na sila at sa ngayon ay patungo na sa bahay nila Rain.

 

“Marami kang dapat ipaliwanag sa’min, Rain!” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

Chapter end.

Afterwords

Mabuti at nagkakoryente kaninang madaling araw.. kung hindi ay hindi ko mae-edit ang chapter na 'to.  Pasensya na din kung medyo natagalan, wala kasing bakante eh.. ayun.. At yung extra chapter, baka sa tuesday ko pa ma-iUD.. hindi ko pa kasi natatapos yung chapter na sinusulat ko sa ngayon.. 

-chufalse

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod. 

Chapter 36: Pagpapaliwanag

Continue Reading

You'll Also Like

668K 1.1K 3
"The chaos has ended, but the wrath lingers on..." ||BOOK 2 OF CRIMSON ACADEMY|| The rage of the untold will begin... And the beggining of the end wi...
320K 9.9K 53
SECRET ACADEMY (BREAKING OF HEARTS) is now a signed story under Dreame. She's Alice Brook,an ordinary girl with an ordinary life. Yun ang alam nya ba...
5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...