Chapter 21
HEARTNELLE'S POV
"Nasaan ang kapatid niya?"tanong sakin ni nurse Hailey
"Ah eh ewan ko po, may klase pa po siguro."sabi ko
"Alam mo ba kung anong grade at section siya?"
"Hindi po eh, hehe pero madami pong may kilala sa kanya baka po alam nila kung saan ang room niya."sabi ko
"Pwede mo bang sunduin? Kailangan na umuwi ng batang ito."sabi niya na tinutukoy si Swirll
"Sige po."
Luh shet hindi ko alam san room nung lalaking yun.
May nakasalubong akong babae kaya nagtanong na ako.
"Uh miss kilala mo ba si Squall?"tanong ko
"Squall?! Yes! Why?"tuwang tuwang sabi niya
Err bakit siya natutuwa?
"Ahh tatanong ko lang po, saan po ba ang room niya?"
Bigla naman sumama ang tingin niya sakin.
What? Nagtatanong lang ako ah!
"At bakit?"masungit na sabi nito
"Emergency po saan po?"tanong ko
"Tsh! Fine! Sa senior high building! 2nd floor! First room pag-akyat mo ng hagdan!"sabi niya at umalis
"Thankyou!"pahabol kong sabi
Agad naman akong tumakbo doon, at sakto namang kakatapos lang ng klase nila.
Okay hingang malalim.
"Squall!"tawag ko sa kanya
Agad namang kumunot ang noo niya nung mapatingin siya sakin.
Ano nanaman?
Problema ng mga tao sakin? Bakit sila nagtitinginan sakin?
Sinenyasan ko siyang lumapit sakin pero sinalpak niya lang ang headphones sa tainga niya.
Right, bwiset nga pala ang isang to.
Kinapalan ko na ang mukha ko at dirediretsong pumasok sa room nila.
Alam kong madaming babae nanaman ang masamang nakatingin sakin pero ano naman? Kailangan umuwi ni Swirll at kailangan niyang alagaan si Swirll!
Tinanggal ko ang headphones sa tainga niya.
Lalo niya naman akong sinamaan ng tingin.
"Swirll's at the clinic!"bulong ko sa kanya
"What?! Again?!"bulong niya din sakin
"Oo! Kaya dalian mo na! Pinapatawag ka ni nurse Hailey!"bulong ko uli
Napansin ko namang pinagtitinginan na kami ng mga kaklase niya kaya umayos ako ng tayo at umunang maglakad.
Tsk! Pinag gagawa ko?
Sumunod naman agad sakin si Squall epal.
"What happened?"tanong niya
"She collapsed."sabi ko
"What? Why?"tanong niya uli
"Ewan ko! Nakita ko lang pinunasan niya yung ilong niya kasi may dugo tapos bigla siyang nahimatay! Kaya dalian mo diyan!"sabi ko
Nakarating na kami sa wakas sa clinic grabe kahingal ah. Tinakbo na kasi namin eh.
"Iuwi mo muna ang kapatid mo. Kailangan niya magpahinga."sabi nung nurse
At tumango naman si Squall.
Umalis na yung Nurse at naiwan kami dito.
Gising na si Swirll, at nakatulala siya.
"U-una na ako ha."sabi ko at palabas na sana ng pinto nang marinig ko pa ang sinabi ni Squall
"Lil sis!"
Tawag pansin ni Squall sa kapatid niya
"H-huh ano yun kuya?"
"Let's go to your doctor."
At doon nanlaki ang mata ko.
Tuluyan nakong lumabas at sumandal sa pader.
What? May doktor si Swirll?
Ahh I'm overthinking malamang pupunta sila sa doktor para umayos ang pakiramdam ni Swirll.
Diba?
Maglalakad na sana ako nung may maalala ako.
Yung papel! Naiwan ko sa loob ng clinic!
Rinig ko mula dito ang usapan ng dalawa.
"Kuya! Bakit nagkakaganito nanaman ako?!"si Swirll ata yon
"I don't know too Kylel that's why we're going to your doctor para macheck ka niya."
Okay, ayoko na maging tsismosa kaya kumatok na ako.
"Ah sorry naiwan ko yung Papel para sa PBB, kuhanin ko lang ha."sabi ko
"Ay! Swirll! Ito nga pala yung sayo, muntik nang liparin kanina."abot ko sa papel niya
"Thankyou ate."sabi niya
"Okay ka na ba?"tanong ko
"Yes ate."sabi niya
"Sige uuna na ako ha."
Pumunta na ako sa room para sa last subject namin.
"Fshie? Bakit ang tagal mong bumalik?"salubong sakin ni Ali
"May nangyari Fshie eh."sabi ko
"Ha? Ano?"
"Si Swirll nahimatay nanaman."sabi ko
"HA?! BAKIT?"nagaalalang tanong niya
"Hindi ko rin alam eh basta may dugong nanggaling sa ilong niya."
"Hala! Kamusta naman ngayon? Tsaka fshie kailan ka pa nagkaroon ng headphone?"
"Ha? Headphone? Wala akong headphone! Sira ka ba fshie? Hahaha!"
"Anong wala? Ayan oh nakasabit sa leeg mo."
Napatingin naman ako sa tinuro ni Ali at oo nga! At ang malala!
KAY SQUIRREL TOh! AY ESTE SQUALL!
"Guys wala daw si ma'am kaya pwede na tayong umuwi."sabi ni Twinnie
"Yey!"sabi ng mga kaklase ko
Math kasi ang subject ni ma'am kaya siguro tuwang tuwa sila na walang klase ngayon sa Math.
Lumabas na kami pero biglang may humarang samin na magandang babae. Siguro 30+ na ang edad niya pero mukha pa siyang dalaga.
"I-ikaw na ba si Alithia?"tanong nung babae bigla kay Ali
"P-po? Ah! Hahaha! Opo ako nga po yun! Lalaina Alithia Avenillia at your service ma'am!"nakangiting bati ni Fshie dun sa babae
"Ano pong kailangan niyo? May hinahanap po ba kayo?"tanong ni Ali
"Oo meron. Ikaw, pati ang daddy mo."sabi niya sabay turo kay Ali
"Po? Ako po? Bakit po? Bakit niyo po ako kilala?"nagtatakang tanong niya naman
"Nasaan ang daddy mo? Kailangan ko siyang makausap."sabi bigla ng babae
"Po? Bakit naman po? Magkakilala po ba kayo?"tanong nanaman ni Ali
"Nasaan ba siya?"pag-iiwas ng babae sa tanong ni Ali
"Nasa office po siguro. Tara po Samahan po namin kayo."yakag ni Ali
Pero nagulat kami nung pumatak ang luha nung babae.
"Hala! Bakit po kayo naiyak? Okay lang po ba kayo?"tanong ni Ali
"A-ah wala ito. Wala. Tara na s-samahan niyo ako sa daddy mo."sabi niya
"MOM!"napalingom agad kami sa likod nung may tumawag, at si Chase yun!
Hingal na hingal itong lumapit sa amin.
"Chase, anak umuwi ka na."sabi nung babae
Teka, anak niya si Chase? So mommy siya ni Chase? Malamang!
"No mom. You're going with me!"sabi ni Chase
"May kakausapin pa ako anak, kaya umuwi ka na."nakakatakot na sabi nung mom niya
"Mom! Past is past! Wag mo na silang balikan! Ako ang present mo! Iiwan mo ba ako?"parang iiyak na sabi ni Chase
"No anak, ofcourse not. Gusto ko lang silang makita at gusto ko lang makipag-ayos pero hindi kita iiwan okay?"
"Mom. Let's go!"yaya uli ni Chase
"Anak."
"*sigh* Sige tara na, pasensya na Ali at---"
"A-ahh Heart po."pagpapakilala ko
"--at Heart. Babalik ako sa Lunes at sana ay makausap ko na ang daddy mo."sabi niya kay Ali at nagulat kami sa sunod niyang ginawa
Niyakap niya si Ali, at parang may binulong siya kay Ali na mas lalong kinalaki ng mata ni Ali and the next thing I knew ay pumatak bigla ang luha ni Ali.
_______
Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!
_______
AuthoRishT x AuthoRinH
(The Dreamers Series)