Suicidal Love (ONE- SHOT)

De MinozInfinity

509 21 2

She's the one who saves you. Are you going to save her too? ************** You owe her your life. Life you d... Mais

Suicidal Love

509 21 2
De MinozInfinity

"STOOOOOOOOPPPP!" napatili na lang ako habang hawak yung collar ng lalaking nagtatangkang tumalon sa building. Agad ko siyang hinatak at inupo sa floor. Paano ko siya nabuhat? Dahil na din siguro sa kaba kaya ko nagawa yun.

Agad kong tinitigan yung mukha niya. Napailing na lang ako nung nakilala ko siya. Si Tyrone, isang varsity player at kakabreak lang nila ng girlfriend niya last week.

Sikat yan, habulin ng girls kaya ang swerte ni Vanessa sa kanya; EX niya na ngayon. Napatingin ako sa kanya, tulala siya at halatang problemado.

"What?!" galit na sigaw niya habang di pa din inaalis yung expression ng mukha niya.

"Kelan pa naging solusyon ang pagpapakamatay?" mahinang sabi ko.

"Ano bang pakielam mo?! You don't know anything"

"Excuse me. I know everything. I know every bits of information. Hello!!! Sikat ka sa school, halos yung mga fangirls mo alam ang buhay mo. Daig mo pa ang artista" sabi ko habang pinupulot yung nagkalat kong libro sa floor.

"Bakit di mo ako hinayaang mamatay?" nanigas ako sa tanong niya. Nagflashback sa akin yung nangyari dati. Yung mga pangyayaring halos sumira sa buhay ko, pero nagawa kong bumangon.

"A-ah. A-an-ano. Wait! Sino ba naman kasing tao ang gustong makitang may mamatay sa harap niya?"

"Tss.. Panira ka. Next time wag kang susulpot kapag ginawa ko ulit y---"

"ANOOO?! Hindi! Hindi ka magpapakamatay! Susundan kita!" pagtutol ko sa kanya. Sa totoo lang, crush ko kasi si Tyrone. Di ko alam kung bakit, siguro dahil malakas ang appeal niya.

"Tss. Sino ka ba?" naaasar na tanong niya.

"Ako? Ako nga pala si Hope" sabi ko at inilahad pa yung kamay ko, pero tumayo siya at dinaanan lang ako. Bastos.

""Tigilan mo na ako. Hinding hindi kita mapapansin kung yan ang gusto mo." sabi niya habang papaalis. Nakapamulsa siya habang nakatalikod sa akin.

"Kala mo naman g-g-gusto kita! Pwe!" sabi ko at sinundan siya pero nagulat ako nung humarap siya at mabilis na lumapat yung labi niya sa labi ko. Na-out of balance naman ako pero naramdaman ko yung pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko.

Napatulala na lang ako habang nakatingin sa mata niya. Nakita ko din na nanlaki ang mata niya habang hingal na hingal. Tumigil yung paligid ko at bumilis yung tibok ng puso ko pero agad din kaming bumalik sa katinuan.

Agad akong lumayo sa kanya at napahawak sa lips ko. Yung first kiss ko. Agad akong napatingin sa kanya habang nanlalaki yung mata. Nakatingin siya sa malayo at namumula ang tenga.

"N-ni-ninakaw mo yung first kiss ko." mahinang bulong ko habang nanginginig na nakaturo sa kanya.

"S-sinadya mo yun!" sabi niya habang di pa din nakatingin sa akin. Agad ko siyang nilapitan at sinampal habang nanginginig pa din.

"BAKIT MO AKO SINAMPAL?!"

"Kiniss mo kasi ako!"

"EH ANO?! DI KA PA BA NAKAKARANAS NG KISS?!" napatulala ako sa sinabi niya. Napailing na lang ako pero nagulat ako nang dahan dahan siyang lumapit sa akin.

Nagulat na lang ako na sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako. Hindi na mabilis pero dahan dahan at matagal. Napapikit na lang ako. Halos marinig ko na yung kabog ng puso ko.

"Please. Tulungan mo akong pabalikin siya sa akin." Si Vanessa ang tinutukoy niya. Yung EX niya. Napahiwalay ako sa kanya at nakita ko yung nagmamakaawa niyang mata.

Oo, gusto ko si Tyrone. Mahirap siyang kausapin dahil sa popular siya sa school. Eto na ba ang tamang panahon para mapansin niya ako?

*sigh*

"Anong makukuha ko kung tutulungan kita?" tanong ko

"Hindi na ako magpapakamatay. Pangako" sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Sige. Pangako mo yan ha? Pinky promise" sabi ko at inilahad ang pinky finger ko.

Ayoko na makakita ng taong mamamatay ulit sa harap ko. Ayoko na.

Simula nung araw na yun ay naging close kami ni Tyrone. At unti unting lumalim ang pagtingin ko. Masakit kasi si Vanessa ang mahal niya pero okay lang kasi atleast napapansin niya ako.

"Andyan na siya Hope! Amina kamay mo!" sabi ni Tyrone at hinawakan yung kamay ko. Naglalakad kami sa hallway at sakto namang nakasalubong namin si Vanessa. Nakita ko yung pagtingin ni Vanessa sa kamay namin ni Tyrone at nakikita kong nagseselos ito.

Paglagpas namin ay agad binitawan ni Tyrone yung kamay ko.

"Salamat Hope. Nakikita kong nagseselos si Vanessa. Sana makipagbalikan na siya sa akin" napangiti na lang ako ng mapait. Pero may isang lalaking nahagip ang mata ko.

"W-wait! Jervin?! WAIT! JERVIN!" sigaw ko habang hinahabol ng tingin yung lalaking dumaan. Hindi ako nagkakamali, si Jervin yun.

"Hoy! Sinong Jervin?" tanong ni Tyrone habang nakahawak sa balikat ko at inaalog ako.

Nagsimula nang tumulo yung luha palabas ng mga mata ko. Kailangan ko siyang makita at linawin lahat ng mga nangyari dati.

"BITAWAN MO AKO TYRONE!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nasa may bulletin board siya, nakatayo habang pinagmamasdan yung mukha ko dun. Nanalo kasi ako sa isang art contest kaya nakapost yung mukha ko dun.

"J-jer-jervin?" nakita ko yung gulat sa mukha niya nung napatingin siya sa akin. Siya nga.

"H-hope." agad ko siyang pinalo-palo sa dibdib habang umiiyak.

"3 years Jervin! 3 years kitang hinanap! Ako ang sinisisi ng lahat sa pagkawala niya. Bakit bigla kang nawala?!" pilit kong sinigaw yung sasabihin ko pero hindi ko kaya. Basang basa na ng luha ang mata ko. Nahihirapan na akong huminga.

Naramdaman ko na lang yung mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"I'm sorry. Im very very sorry" sabi niya

"SORRY?! 3 YEARS AKONG NAGDUSA TAPOS SORRY?!" sabi ko habang di pa din tumitigil sa pag-iyak.

"Bakit bigla kang umalis?" tanong niya. Napatigil ako. G*go pala 'to!

"G*go ka ba?! Sinong tao ang gustong manatili pa dun kung ako ang laging sinisisi sa pagkawala niya! Jervin! Alam ng lahat na wala akong ginawang kasalanan pero ako pa din ang sinisisi nila. Asan ka nun?! NAWALA KA PARANG BULA! AKO ANG UMAKO NG KASALANANG DI DAPAT PARA SA AKIN!"

"Shh. Gumagawa ka ng eksena. Nakakahiya" napatingin naman ako sa paligid at nakita ko yung mga iilang tao na nakatingin sa amin at nakita ko din dun si Tyrone na nakakunot ang noo.

"Bakit ka ba nandito?! Ano bang kailangan mo?"

"Di ko kaya ee. Di ko kayang mawala ka sa akin" sabi niya. Nakaramdam ako nang kirot sa puso ko.

"Tama na"

"Mahal pa din kita Hope. Mahal na ma--"

"May problema ba dito?" nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Tyrone at hinawakan ako sa kamay.

"Pre. Nag uusap lang ka--"

"Kailangan ko din kasing kausapin yung girlfriend ko" pinutol ni Tyrone si Jervin at nagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya. Girlfriend? Lumingon ako at nakita ko si Vanessa. Napailing na lang ako, parte to ng plano.

"Tyrone. Wag ngayon, di mo alam ang nangyayari" mahinang bulong ko.

"Pero ginugulo ka niya" sabi ni Tyrone. Alam kong galit yung boses niya.

"Wag muna ngayon Tyrone. Kailangan kong kausapin si Jervin" sabi ko at binitawan yung kamay niya. Agad kong hinatak si Jervin papalabas ng campus. Dumiretso kami sa dala niyang sasakyan. Naupo ako sa passengers seat.

Parehas lang kaming tahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Mahal pa din kita..."

"Tss. Alam mo ba na dahil sa pagmamahal na yan ay may taong nawala?!" sabi ko. Nilabas ko nanaman yung mga luha ko. Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing naaalala ko ang nangyari.

"Matagal na yun Ho---"

"G*GO KA BA TALAGA JERVIN?! NAMATAY YUNG BESTFRIEND KO SA HARAP KO! SHE COMMITED SUICIDE BECAUSE YOU LOVE ME NOT HER! BECAUSE OF THIS F*CKING LOVE OF US! NAGPAKAMATAY SIYA NG DAHIL DI MO MASUKLIAN ANG PAGMAMAHAL NIYA! NOW TELL ME, SINONG TAONG MAKAKAPAG MOVE ON KUNG NANGYARI YUN SA HARAP NIYA MISMO?! She died on my arms Jervin and i cannot do anything but to cry!" hindi na mapigilang lumabas ng emosyon ko. Masyadong masakit.

I tried to save my bestfriend pero huli na ang lahat.

"I love you Jervin pero nakamove on na ako sayo. Di na kita mahal" bigla niya akong niyakap at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Agad akong nagpumiglas pero malakas siya. Pilit akong kumawala sa kanya pero mahirap.

May narinig na lang akong kalabog sa pintuan ng sasakyan at nakita ko si Tyrone. Galit na galit yung mukha niya at pilit niyang binubuksan yung sasakyan pero nakalock 'to. Bubuksan ko sana kaso mabilis akong nahawakan ni Jervin.

Nakita ko namang umalis si Tyrone at pagbalik ay may hawak na tubo ng bakal. Nagulat ako ng bigla niya itong ihampas sa bintana ng kotse kaya nabasag ito ay agad niyang binuksan yung sasakyan at hinatak ako palabas.

Tinabi niya ako sa gilid at hinatak palabas si Jervin sa kotse at pinagsusuntok. Dumating na yung mga guards at inawat sila. Agad kaming pinunta sa Deans Office.

Nag-usap sila at kinausap si Jervin. Lumabas muna kami ng Deans Office. Nakatayo kaming dalawa dun ni Tyrone. Tulala.

"Sorry. Nalate ako ng dating" sabi niya at niyakap ako.

"I.. still love him." Sabi ko habang umiiyak sa balikat niya. Mahal ko pa din si Jervin, mahirap lang talagang baguhin ang nakaraan. Kahit sinabi ko sa kanyang hindi ko na siya mahal ay iba pa din ang sinisigaw ng puso ko.

Naramdaman ko na lang na napabitaw si Tyrone sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan ako nang mariin sa mata.

"No. Not now, because i think Im falling for you" naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa labi ko.

TYRONE'S POV

Simula nang makasama ko si Hope ay unti unting nagbago yung magulo kong mundo. Naging simple.

Ayokong mawala siya sa tabi ko, kahit na pinapaselos namin si Vanessa ay di pa din maalis sa isip ko si Hope. Mahal ko na ba siya?

Iba yung naramdaman ko nung kasama niya yung lalaking tinatawag niyang Jervin. Nagseselos ako hanggang sa mas pinili niya yung Jervin na yun kaysa sa akin kanina. Sinundan ko siya hanggang sa makita ko nga siya habang pilit na hinahalikan ni Jervin. Nakaramdam ako ng galit.

Mahal ko na yata siya.

HOPE'S POV

Awkward, yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakaupo sa harap ng Deans office. Ikaw ba naman halikan ng crush mo? At sabihin naf-fall na siya sa akin. Hindi pa din maalis yung pintig ng puso ko.

Hanggang sa lumabas na nga si Jervin sa loob ng Deans office. Nagkatinginan kami at nakita ko yung pagmamakaawa sa mata niya.

"Please.... imeet mo ako sa parking. Pag di ka pumunta, titigil na ako pero please Hope, mahal na mahal kita." sabi niya at umalis. Susundan ko ba siya? Pwede ko pa ba siyang mahalin kahit na may nangyari dati?

Huminga ako nang malalim at tumayo. Kailangan kong sundan si Jervin pero may kamay na humawak sa akin.

"P-pero... Mahal na kita." sabi ni Tyrone habang nakayuko.

JERVIN'S POV

Nakasandal ako sa sasakyan ko habang hinihintay si Hope. Bumalik ako sa kanya dahil hindi ko kayang wala siya sa buhay ko. 3 years akong nawala dahil sa takot.

Nagpakamatay yung bestfriend ni Hope dahil sa amin. Tinago namin ni Hope yung relasyon namin kasi may suicide background siya hanggang sa narinig niya kami ni Hope.

Wala kaming nagawa at ang sunod naming nakita ay tumalon na siya ng building. Nakita ko yung takot sa mukha nun ni Hope, lahat ng tao sinisi siya. Natakot ako at iniwan ko siya. Pinagsisihan ko yung pag iwan ko sa kanya.

"Jervin.." napangiti ako nung nakita ko si Hope sa harap ko. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Salamat at binigyan mo ako nang second chance"

"Im not here to give you a second chance. Im here to apologize. Jervin, itigil na natin to. Wala nang rason para ipagpatuloy natin ang relasyon natin. Namatay yung bestfriend ko dahil sa relasyon natin at sa tuwing nakikita kita, nakikita ko yung bestfriend ko. Please, lets move on. Please, ayoko na" sabi ni Hope habang umiiyak.

Ngumiti na lang ako nang mapait at umiling. G*go ako, dapat lang "to sa akin.

"Hahaha. Okay, tanggap ko na. Basta Hope, nandito lang ako." nagnod lang siya at nagpaalam na ako. Masakit pero dapat tanggapin, hindi lahat ng bagay ay makukuha natin.

TYRONE'S POV

Agad kong sinundan si Hope pagkaalis niya, nakita kong nag usap sila ni Jervin. Bakit nagwawala 'tong puso ko sa galit kapag nakikita ko silang magkasama?

Umalis na yung lalaki at naiwan si Hope habang nakangiti nang mapait.

"Are you okay?" tanong ko nang malapitan ko siya.

"Can you love me? Sabi mo mahal mo ako. Totoo ba yun?" tanong niya habang nakatingin pa din sa papaalis na kotse ni Jervin.

"I wil"

HOPE'S POV\

3 months later...

Halos araw araw kaming magksama ni Tyrone, di na nga yata kami mapaghiwalay. Kami na din, 2 months niya akong niligawan. Natuto akong mafall sa kanya, may gusto naman na ako sa kanya dati kaya hindi na mahirap na mahalin siya.

Halos buong campus ang nakakaalam na kami na. Halos patayin na ako sa mga tingin ng fangirls ni Tyrone. Pati si Vanessa, halos ipapatay ako dun sa mga friends niya kasi nung isang araw binully ako. Buti nandyan si Tyrone.

"Babes! Eto na yung pagkain mo" sabi ni Tyrone sabay lapag ng spaghetti sa lamesa ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit ang perfect ng mukha niya?

"Baka matunaw ako babes" sabi niya

"Hayyy! Ang swerte ko naman, ang gwapo ng boyfriend ko hahaha" sabi ko. Kinurot niya ako sa pisngi at hinalikan sa ilong.

"Swerte ko din kasi mabait girlfriend ko" sabi niya at ginulo yung buhok ko. Ganyan kami kasweet araw araw.

"Tyrone.." napatigil kami sa pagkain namin ng may tutubing nagsalita sa gilid namin. Si Vanessa.

"Yes?" tanong ni Tyrone.

"Gusto sana kitang kausapin mamaya. After ng last class mo" tumingin sa akin si Tyrone na parang humihingi ng permiso ko. Nagnod lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Sige." tanging sagot ni Tyrone at nagpatuloy na din sa pagkain. Kinakabahan ako sa pag uusap na yun, paano kung may mangyari?! Paano kung magkabalikan sila?!

"Okay ka lang babes?" tanong ni Tyrone. Nakatulala na lang kasi ako sa kinakain kong spaghetti. Nawalan ako ng gana.

"A-ah! oo naman, bakit?" Agad na hinawakan ni Tyrone yung kamay ko at nginitian ako.

Natapos kami kumain at pumunta sa kanya kanya namin klase. Nung uwian ay di kami nagsabay dahil nga sa mag uusap sila ni Vanessa. Hindi ako mapakali kaya naisipan kong magliwaliw muna sa mall.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Tyrone, kasama si Vanessa habang kumakain sa Mcdo. Wala akong dapat ikabahala pero natatakot ako, umalis na lang ako. May tiwala ako kay Tyrone.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Binati ko si Tyrone pero simpleng 'Hi' lang ang bati niya. Dati kasi ay yayakapin niya ako at hahalikan sa noo. Kukulitin o minsan naman ay lalambingin pero ngayon simpleng 'Hi' lang.

Pinabayaan ko siya, alam kong busy siya kaya ganyan. Engineering student kasi kaya ganyan, madaming ginagawa. Pilit kong iniisip yung positive na dahilan, ayokong masira ang relasyon namin sa simpleng bagay.

Agad na akong pumunta sa klase ko, nung break di ko nakita si Tyrone kaya mag isa akong kumain.

Isang linggo ang lumipas at ganun pa din si Tyrone, halos di na nga niya ako pinansin. Tinatanong ko siya kung ano ang problema pero sabi niya ay wala. Pagod lang daw siya.

"Hope. We need to talk." Nagulat na lang ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Si Tyrone. Nginitian ko siya kahit sa loob loob ko ay nasasaktan ako sa ginagawa niyang pag iwas.

"Sige. San tayo babes?" Sweet kong sabi kahit pilit. Gusto kong umiyak at itanong sa kanya kung bakit siya nagiging ganito.

Dumiretso kami sa rooftop; kung saan ko siya sinagip at tumingin kami sa mga tao sa baba. Mahangin, at yung hangin na yun ang dahilan kung bakit ako naluluha ngayon.

"Gusto ko ng makipagbreak Hope." At tuluyan nang tumulo yung luha ko. Humarap ako kay Tyrone pero nakatingin lang siya sa kawalan.

"Why now? Tyrone... I can't afford to lose you. Not now" sabi ko habang tumutulo yung luha.

"A-ayoko na sayo Hope. It hurts seeing Vanessa cry everytime we are together."

So, dahil kay Vanessa. Tss. Pero tanga ako, niyakap ko siya at nagmakaawa.

"I love you. Please. Wag mo akong iwan. Di ko kaya...." pero marahas niyang inalis yung kamay ko sa pagkakayakap at tinulak ako, buti na lang at hindi ako na-out of balance.

"Minahal naman kita, but not as much as Vanessa. I love her so much that i couldn't take her out of my mind" And thats it. Napaupo ako sa floor habang umiiyak.

"G*go" mahinang bulong ko habang di pa din matigil yung luhang tumutulo palabas ng mata ko.

"Sana sinabi mo na lang na gagamitin mo ako para pagselosin si Vanessa, kaya ko naman e. Pero paniwalain mo ako na mahal mo ako?! Sana maaga pa lang sinabi mo na, kasi mahal na mahal kita at di na kita kayang i-let go." Humahagulgol na ako at garalgal na din yung boses ko.

Naisip ko bigla, ganito din siguro yung naramdaman ng bestfriend ko nung nalaman niyang niloloko namin siya.

And thats it. Natapos ang relasyon namin ni Tyrone, halos isang linggo akong hindi pumasok. At napag isipan ko, ayoko nang nararamdaman kong to kaya mas mabuting mamatay na lang ako.

Pumunta ako sa school, nakapajama pa ako. Baliw na yata ako pero wala ako sa sarili. Pumunta ako sa 7th floor, at sumampa sa veranda.

Nung una ay umupo muna ako dun habang nakatingin sa mga taong nagsisimulang magkumpulan sa baba.

Ganon ba ako kaganda para pagmasdan nila? Sana nga, para sa akin pa din si Tyrone ngayon.

TYRONE'S POV

Isang linggo kong di nakita si Hope, and it feels like hell. Diba sinabi kong di ko siya mahal? Vanessa told me that she still loves me, thats why i broke up with Hope.

Pero bakit ganito? Hindi ako masaya.

"TYRONE!! SI HOPE NASA 7TH FLOOR. TATALON YATA!" Bumalik ako sa katinuan nang makarinig ako ng sigaw. Si Ian, isa sa kaibigan ko pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

Tatayo na sana ako nang hawakan ni Vanessa yung kamay ko, nakalimutan kong kasama ko pala 'to.

At dahil din sa paghawak niyang yun ay nalaman ko ang tunay kong mahal. At si Hope yun.

"I was so blind when i chose to be with you. She's better than you. She's there when you broke up with me. She gave me another life, literally. Sorry Vanessa, but i love her more than anything else." Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Vanessa at dumiretso sa 7th floor.

Halos tumalon yung puso ko nung nakita ko siyang nakatayo sa veranda habang nakatingin sa baba. Maling galaw niya lang ay mahuhulog na siya.

"H-h-hope!" napatingin siya sa akin. Nakita ko yung luhang bumubuhos papalabas ng mata niya.

"Wag kang lalapit, kasi tatalon ako dito" sabi niya.

"Ho--"

"Minahal naman kita, pero bakit ka ganyan? Sinaktan mo ako. Siguro ganito din yung naramdaman ng bestfriend ko nung nalaman niya yung relasyon namin ni Jervin. Bakit mo ako niloko?! Pinili kita ee, pinili kita pero bakit ka ganyan?!" sigaw ni Hope. Ma-a-out of balance na siya sa pag-iyak niya.

"Sorry Hope, bumaba ka na diyan. Ikaw ang mahal ko, nagkamali lang ako" sabi ko. Lalapitan ko na sana siya ng bigla niyang ihulog ang sarili niya. Agad ko siyang nahawakan sa kamay.

"A-a-ang sakit ee. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa pagmamahal mong yan. Minsan na kasi akong niloko niyang pagmamahal mong yan"

"H-hope" sabi ko at pilit siyang hinila papataas. May mga tao nang tumawag nang tulong.

"P-please, wag kang bibitaw. I can't afford to lose you. Not now.." pero huli na ang lahat. Unti unti niyang binitawan ang kamay ko at sunod ko na lang na nasaksihan at unti unting nahulog si Hope.

Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang takot na nararamdaman ko at ang huli ko na lang na nasaksihan ay sinundan ko siya.

"Mahal na mahal kita..." tanging sinabi ko at pinikit na ang mga mata.

HOPE'S POV

5 years later...

Buhay pa ako? Wow. Thanks to him for saving mylife, he's with me 5 years ago pero ngayon? Ni-isang trace sa pagkatao niya ay wala akong mabalitaan. Nawala siya simula nung nangyari sa akin at isang sulat ang iniwan niya.

Inabot yun sa akin ni Mama paggising ko, sulat daw yun galing kay Tyrone.

"Hi Hope, sana okay ka na kapag nabasa mo 'to. Gusto ko sana na paggising mo na ako ang makikita mo pero siguro mahirap. Dahil sa akin nagkaganito ka at natatakot ako na paggising mo ay itakwil mo ako sa kagaguhang ginawa ko sayo. Pero eto lang ang sasabihin ko sayo, mahal na mahal kita at di ko kayang mawala ka sa akin pero kailangan kong lumayo. Mahirap sa akin ang pag-alis kong 'to pero kailangan. Mahal na mahal kita Hope at pinapangako ko, babalik ako sa tamang panahon"

Babalik?! Halos limang taon na ang nakalipas pero wala pa ding bakas ni Tyrone akong nakita. Mahal niya ako?! PERO BAKIT NIYA AKO INIWAN?!

"Hope! May sulat para sayo" sabi ni Kuya habang may hawak hawak na sulat. Kinuha ko 'to at binasa. Invitation para sa isang party. Wala akong panahon para dito.

5 years ago simula nung maaksidente ako at himala yung pagkabuhay ko. May malaking trampoline na sumalo sa akin. Na-injured lang yung paa ko at nagkaroon nang konting galos sa katawan. Napatawad ko na din si Tyrone kasi si Vanessa mismo ang nagsabi sa akin nung araw na sinubukan niyang papiliin si Tyrone between me and her. At ako ang pinili niya.

Sinabi nila Mama na sinundan ako ni Tyrone, nakayakap daw siya sa akin nun. Pero wala na daw silang balita pagtapos namin dalhin sa ospital. Tanging yung sulat na lang yung nakita nila nang bisitahin nila si Tyrone sa kwarto nito.

Tinignan ko ulit yung invitation. Birthday ni Annika, isa sa naging blockmates at close friend ko nung college. *sigh* Kailangan kong pumunta dito kahit wala akong panahon sa mga ganito.

Mamayang gabi na 'to kaya kailangan ko nang maghanda. Hinanap ko sa aparador ko yung gold cocktail dress ko, inayos ko ang sarili ko. Gold and silver kasi yung theme ng party kaya eto ako ngayon, mukhang ginto.

"San ka pupunta Hope?" nakangising sabi ni Kuya

"Party." tamad na sabi ko at lumabas na. Sumakay ako ng taxi at pumunta ng venue. Madami ng tao at madami dami na din akong nakikitang kilala ko.

"Hope! Kamusta?! Long time no see" napakunot ang noo ko. Andito yung mga bitch girls na nambubully sa akin dati habang magkasama kami ni Tyrone.

"Mabuti naman." tamad na sabi ko. Di ko na sila pinansin, uminom lang ako ng wine at nakatulala. All of this people reminds me of him.

"Tyrone!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Bumilis yung tibok ng puso ko, inikot ko yung paningin ko pero wala akong nakita.

Nararamdaman ko, nandito siya. Naglakad ako at inikot ang buong paligid. Nakakahilo pero patuloy pa din yung paghahanap ko. Alam kong nandito siya.

Isa isa kong tinignan yung bawat upuan pero wala akong makita.

"Yow! Tyrone, kamusta?" napatigil ako sa boses. Dahan dahan akong lumingon at biglang pumatay yung ilaw. Why now? Pero mas kinagulat ko nung tumapat sa akin yung spotlight.

"5 years Hope. 5 years. At himala na nakasurvive ako ng wala ka but it's killing me. And now, handa na ulit ako. Will you give me another chance?" Boses niya yun. Di ako magkakamali. Nagnod na lang ako at lumiwanag na uliy ang paligid.

And i saw him, infront of me. Nagtama yung mata namin. Napatakip ako sa bibig ko, buhay siya. Naramdaman ko yung pagtulo ng luha ko.

"T-t-tyrone!" gulat na sabi ko. Nanginginig pa ako pero hindi siya nagsalita, lumapit siya sa akin at niyakap ako. Umiiyak ako habang ramdam yung init ng yakap niya.

"I miss you.." rinig kong bulong niya. Tumingin siya sa mata ko at dahan dahang nilapat yung labi niya sa akin.

"I love you.." we both said.

**

Love has its own imperfection that needs to be accepted for a stronger relationship. Anger, Pain, Hatred and Love; thats all part of what-you-so-called a perfect relationship.

The End

Continue lendo

Você também vai gostar

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...