Saving The Governor-General (...

By blionsky

76.9K 3.2K 204

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... More

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA V

3K 143 4
By blionsky

WARNING: You may encounter grammatical errors. Wrong spellings because of my typos.. Hehhe... sorry..po. You can correct me, just go to comment section. I badly need feedbacks. Thank you and enjoy! 😁😁

--

"Ano ang ginawa mo sa akin?!" may mga diing sabi ko.

Hindi ko alintana ang kung sinuman ang papunta ngayon dito sa kinaroroonan namin ang sagot niya ang kailangan ko.

"Inspector.... " nagulat ako sa sinabi niya kaya napaluwag ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Hangga't maaari ay agapan niyo ang gulong ito." narinig kong utos ng isang lalaki.

"Masusunod gobernal-heneral!" tugon naman ng isa pang lalaki. Nagsimula na silang maglakad sa kinaroroonan namin. Hindi ko namalayang mabilis na nakawala ang lalaki sa kamay ko kaya nakatakbo siya.

Man! I can't be destructed! Brave come to your senses!! Goodness!! Ngayon pa talaga! Hindi ko na naabutan ang lalaki kaya tumakbo na lang ako para makaalis. Nakatalikod ako sa bungad na daan kung saan dapat ang daan para makaalis ngunit sa pagdapo ng tingin ko ay nakita kong paparating na ang mga taong sa tingin ko ay 'yung nag-uusap kanina.
Kailangan ko nang makaalis. Hindi nila ako pwedeng mahuli at kailangan ko pang mahanap ang lalaking iyon dahil hindi pa kami tapos. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid looking for chances to escape from this place.

Hanggang sa makakita ako ng isang parang maliit na daanan. Ayun! Kaya mabilis akong tumakbo papunta roon pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may humila sa akin.

Mabilis akong napatingin sa kaniya. Magsasalita na sana ako ngunit sumenyas syang huwag akong magsalita habang hawak-hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Nangunot ang noo ko sa inasta niya. Base sa kasuotan niyang parang pandigma ay nabibilang siya sa isang mayamang pamilya. Diba ganoon naman noon? Na kapag ikaw ay nabibilang sa mayamang pamilya ay it's either you are a doctor or a lawyer o pwede ding isang kagaya ng nasa harapan ko ngayon na nabibilang sa pandigma.

Sinundan ko ang tinitingnan niya at pinagmasdan ang mga grupo ng mga sundalo? Hindi ko alam ang tawag sa kanila sa panahong 'to kaya sundalo na lang para mas madali. Nag-usap pa sila pero umalis rin pagkatapos. Kaya bumalik ang tingin ko sa lalaking 'to.

"Sino ka?" ang tanging lumabas sa bibig ko. Kasabay ng tanong ko ay ang pagbitiw niya sa pagkakagawak sa akin. Kasi hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin kanina pa.
Inaasahan kong haharap siya pero mali pala 'yun.

"Paumanhin binibini kung ako ay naging mapangahas ngunit hindi na ako magtatagal pa. Hangad ko ang iyong kaligtasan." sabi niya.

Nakita kong nanginginig ang kamay niya habang nagsasalita at pinipilit na hindi mautal sa pagsasalita. Nagtataka ko siyang tinignan. Ano ang nangyayari sa kaniya? Ayos lang siya?

"Ahh.. Sandali ginoo!" pigil ko sa kaniya. Tumigil naman siya.

"Salamat." I sincerely said. I heard nothing in response pero ayos lang atleast nakapagpasalamat ako sa kaniya. Lumakad na siya palayo kaya ako naman ay naglakad na rin palayo para umuwi kina Rosa. Okay lang naman kasi kabisado ko na ang daan patungo sa bahay nila. Kasi isinaulo ko ang daan kanina habang papunta kami dito ni Rosa. Hindi ko alam kung saan ko namana ang ang pagkakaroon ng Photographic Memory kasi mayroon akong ganito. Mabilis at madali kong natatandaan ang mga bagay-bagay kahit ilang segundo ko lang natitingnan o nakikita.

--

Hindi naman ganun katagal ang paglalakad ko at nandito na ako sa bahay nila Rosa pero iilang metro pa lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Naglalakad ako nang mapadako ang tingin ko sa kaliwang braso ko. Nataranta ako nang makitang may mga pasa ako pati na rin sa kabila kong braso. Natigilan ako... nang may maalala ako. Ngumiti ako nang mapait.

"Talaga bang hanggang dito ba naman, di mo pa rin ako lulubayan ha?" sabi ko sa sarili ko.

Nagsisimula na naman lumabas ang mga bruises na'to at alam ko na ang kasunod nito. Ganito naman ako lagi kapag umaatake na naman ang mga mild symptoms ng nakakainis na sakit ko! Hayyss.. di na lang ako binigyan ng bonus kahit dito lang sa panahong 'to.

Oo, may sakit akong malubha,  infact it's a cancer. Pero pinili kong magtrabaho pa rin at itago sa mga katrabaho ko. Naahh... Hindi naman kailangang malaman pa ni Daddy kasi alam ko naman ang takbo ng utak nun. Wala 'yung pakiamlam sa akin kahit mamatay pa ako sa pagtatrabaho basta ang importante sa kaniya hindi ko dinudungisan ang pangalan ng pamilya namin. Kaya naisip kong 'wag ng sabihin.

At isa pa I hate the feeling of being a patient. Ayoko sa lahat ay 'yung wala akong magawa at kailangang iba ang gumawa para sa akin. I don't and I really hate that feeling! Just lying on that hospital bed and waiting the sun to rise and set and hoping for the day to come that everything will be alright at maging normal na lang ang lahat.
Mabilis kong inayos ang damit ko at tinakpan ang braso ko ng mahabang maggas ng damit ko para hindi makita nila Rosa ang mga pasa ko. At naglakad papasok sa kanilang bahay.

"Magandang gabi po. Pasensya na po kung—

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumugod sa akin si Rosa.

"Isabel!" nag-aalalang sambit niya sa pangalan ko at niyakap niya ako. Kaya niyakap ko siya pabalik. Nakita ko ang pamilya ni Rosa na may pag-aalalang mababasa sa kanilang mga mukha.

"Isabel, ayos lang ba ang iyong pakiramdam? Ikaw ba ay nasaktan?" sunod-sunod na tanong niya nung kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita ang si Aling Lita.

"Ikaw ba'y ayos lamang Isabel? Kami ay lubhang nag-alala nang nabalitaan namin kay Rosa ang nangyari." sabi ni Aling Lita.

Ngitian ko sila para sa kapanatagan ng kanilang loob.

"Huwag na po kayong mag-alala, ayos lang po ako. Mabuti pa sa mabuti ang pakiramdam ko." sabi ko na nagbiro sa huli. Hindi ko alam kung natugunan ba nilang nabibiro ako. Pero nakangiti naman sila.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi na sila nagtanong pa. Hayy mabuti naman. Naging abala na sila para sa pananghaliaan. Maglalakad na sana ako para tumulong ng may kumalabit sa saya ko. Si Emman na parang iiyak na. Hala! Umupo ako para magkapantay kami.

"Emman ayos ka lang?" mahinahong sabi ko sabay haplos sa ulo niya.

"Ate Isabel...." parang nagmamakaawa niyang sabi na naintindihan ko naman agad. Kaya niyakap ko siya.

"Huwag ka nang malungkot Emman. Ayos lang si ate Isabel. Malakas kaya si ate!" sabi ko to brighten him up.

"Talaga ate??" parang nabuhayan niyang sabi.

"Ttss... Ako pa?! Si ate Isabel mo kaya ako!" magiliw na sabi ko. Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad. Iniangat niya sa ere ang kamay niya na ginawa niyang kamao. Ahh ito pala gusto mo haa.. Okaayy...

Kaya ganoon rin ang ginawa ko at we do the fist bump. Oo tinuruan ko siya nito. Siya lang naman ehh.. Atsaka wala namang masama.

"Fist bump!" sabay naming sabi kahit pa hirap siya sa pagbigkas sa mga salita. Kasi naman English kaya 'yun tapos Spanish pa ang uso dito. Matagal pa bago sila kaya siguro nahirapan talaga siya.

---

Sa sumunod na mga araw ay naging ganoon lang din ang daloy ng pamumuhay nila. Ako naman nagpresentang magbabantay kay Emman. Umalma pa sila pero nagpumilit ako kaya wala na silang nagawa. Silang lahat ay nasa trabaho habang kami naman ni Emman ay nandirito lang sa bahay o di kaya'y minsan namamasyal din kami.

Lumabas muna kami ni Emman para magpasyal-pasyal. Hawak-hawak ko ang kaliwang kamay ni Emman habang naglalakad kami. May hawak siyang isang supot na lalagyan ng pagkaing binili ko kanina para maaliw siya. Kaya eto ngayon nakangiti siyang naglalakad. Hayss bata nga naman.

Natigilan ako nang may mahagip ang mata ko. Isang pamilyar na pigura ng lalaki ang nakita ko. Napansin kong parang kinakausap niya ang mga tagabantay sa paligid. Pero hindi iyon namamalayan ng mga tao kasi parang mga tingin at senyas lang ang gamit niya para makipag-usap sa kanila. Nawala ang atensyon ko sa lalaki nang biglang tumakbo si Emman papalayo sa akin.

"Emman!" tawag ko sa kaniya. Tumakbo ako para habulin siya. Saan ba kasi 'to pupunta at naisipang tumakbo?

Hindi ko inalis kay Emman ang paningin ko kaya hindi ko namalayang may nakabungo na pala ako.

"Aray!" angal ko sabay hawak sa may noo ko kasi dun ata ang parte na naibunggo ko sa kung sinuman. Hindi naman ganoon kalakas ang epekto pero bumagsak kasi ako pati siya, sa lupa. Tumatakbo ako kaya ganito ang nangyari. Teka! Si Emman!

Mabilis kong ginala ang mga mata ko at nakahinga ng maluwag nang nasa mabuting kalagayan siya. Nasa pwesto kasi siya nila Aling Mila at—
Napayuko ako kasi biglang sumakit ang noo ko kaya napahawak ako dito.

"Binibini, ikaw ba'y ayos lang?" tanong niya.

Napatingin ako sa nagsalita. Tama nga ako! Walang duda siya yung lalaking nakita ko sa kagubatan. Siya 'yung anak ng babaeng tinulungan ko.

Nagtama ang aming mga mata at tanging siya lang ang nakikita ko. Tila ba parang bumagal ang takbo ng paligid.

I don't know why my heart is like...it's like....it skip a beat.

Strange.

This is strange.

Strange that lead me to wonder why my heart just beat frantically. Every beat is like a bomb that can make me cover my ears for this loud noise that brings strange.

--
Salamat sa patuloy na pagbabasa. 😁😁. I really appreciate it. God bless you all!  -blionsky

Continue Reading

You'll Also Like

55.5K 3.1K 35
Isang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng...
46.4K 3.6K 83
Si Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isa...
93K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
71.6K 5.1K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...