Chapter 77 - Love never gives up
August 16, 2020
"How was it?" Nakunot ang noo ni Odyssey kaharap ang research and development team ng kumpanya. Matagal na siyang nakabalik sa opisina habang nagpresinta si Yaya Melay na alalayan siya sa pag-aalaga kay Lee.
Kahit maliit lang sila, pinapagtibay siya ng pag-asa na baka isang araw, makahanap pa rin ng lunas at gamot.
Pero umiling si EJ, wala pa rin.
Napayuko si Odi at sumakit ang dibdib. Pero bumangon din siya at nilakas ang loob.
"Ayos lang 'yan. Hindi naman tayo nagmamadali. These breakthroughs hindi dapat ito minamadali." Aniya.
But he knew for a fact that he is running out of time. Na nagmamadali talaga siya. Pero para kay Lee, magiging malakas ang loob niya. Para sa mga empleyado na nagpapahahirap para dito, hindi din siya mawawalan ng pag-asa.
"Umuwi ka na. Birthday ni Lee 'di ba?" Paalala ni Eli sa kanya.
Tumango si Odi at mabilis na tinungo ang bahay kahit wala pa rin siyang magandang maibabalita.
Nadatnan niya si Yaya Melay na nagaayos ng mesa at nakangiti.
"Oh, dumating ka na."
"Si Lee po?" Kinakabahang tanong niya.
Lee has worsened so much for the past year. Maraming beses na nakakalimutan nitong gawin ang ilang importanteng bagay tulad ng pagpatay ng kalan, ng tubig at kung ano-ano pa. Mabuti at nababantayan ito ni Yaya Melay ngayong balik si Lee sa trabaho pati si Perci na kung saan-saang bansa din nagpapalipas ng oras dahil mas hindi nito kayang harapin na ganito ang ate Lee niya.
"Naku, maayos siya ngayon. Kakakain lang tapos laptop ng laptop. Nagsusulat ng kung ano-anong sulat sa'yo."
Ngumiti si Odi. Alam niya ang tungkol doon. Masakit isipin, na ginagawa ni Lee ang mga bagay na ginawa nito dati. Letter Me Later? 'Yung mga sulat na matatanggap niya in the future? Pero kung dati, ginagawa lang ito ng asawa niya dahil gusto nito, she was doing it now for him.
So that she can still talk to him even when she's gone.
Umakyat siya at naabutan si Lee na nakangiti habang nagta-type.
"Ano 'yang sinusulat mo?"
"Wala... Basta malalaman mo rin?"
Umupo siya sa tabi nito at hinalikan ito sa labi.
"Sino ako?" He asked.
"You're my husband. Simon Odyssey Lee. And I'm your beautiful wife, Lee Lee. Ampanget!" She crinkled her nose as she laughed. "Lee Gabriel-Lee, mas okay?"
"Yeah..." Kinurot niya ng bahagya ang ilong nito. "Happy birthday my love."
"Thank you."
"Ikuwento mo sa'kin ang nangyari ngayong araw?"
Habang kinukwento ni Lee ang mga ginawa niya, she fell asleep into his shoulder.
Isinara ni Odyssey ang laptop at hindi tinignan kung anong nakasulat doon.
November 10, 2020
Odyssey and Lee visits Armando's grave. Ito ay pagkatapos nilang dalawin din ang mga puntod ng mga magulang ni Lee.
"Greet him." She encouraged him.
Ito ang unang beses na dadalawin niya ito. He never did when he was alive. And now, he can only show up and give his respect like this.
"Pa... Asawa ko na si Lee..."
"Tsk. Asawa niya rin ako dati." Biro ni Lee. She's trying to make the situation light pero nanatiling seryoso si Odyssey at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Lee.
"Pasensya na wala akong alam dati. Si... ate Ericka, nasa isang institution siya na makakatulong sa kanya. Si mama, minsan dinadalaw ko. Tapos si Perci, ayun, nillibot 'yung mundo."
Ngumiti lang si Lee.
"Patawarin mo sana ako pa, na hindi kita nadalaw dati noong nabubuhay ka pa. Na hindi kita pinatawad noong nabubuhay ka pa."
"Of course he forgives you. I know he has already forgiven you before he died. Or maybe he was never even really mad at you." Lee assures him. "What else do you want to say?"
"Pa... pinapatawad na rin kita."
Ngumiti si Lee at niyakap siya.
Nang magkasama na sila sa kotse, Odyssey secured Lee's seatbelt at ngumiti. Pero biglang bumuhos ang luha ni Odyssey.
"It's okay. Ano na namang inisip mo?"
"It's not okay. Hindi ko pa rin matanggap, Lee."
"Odi..."
"It's just so unfair. Why you? Pwede namang ako na lang. Ako 'yung madaming kasalanan. Ako 'yung madaming pagkukulang. Bakit ikaw pa, Lee?"
"Maybe because I already got what I wished for in my life..."
"You don't want to lead a happy life in my future?"
"What do we really want in life? Tayong mga tao? Ano ba talagang purpose natin dito sa mundo, Odi?" She asked with a smile. "Maging successful? To leave a legacy? To make a mark? Of course, we all want that. Pero baka hindi ako 'yun. Simpleng tao lang ako eh."
"Alam ko."
"But, those? I want that for you... Just for you. I dreamt that for you... Posible namang mangarap tayo para sa ibang tao 'no?"
"How about you? How about yourself? Paan naman 'yung pangarap mo?"
"Okay na ako."
"Really?"
"I already have you."
"No..."
"Ever since... I only want to be loved. Since high school, I just wanted to be loved... irrevocably." She laughed. "Hindi naman sa hindi ko 'yun natanggap sa mga magulang ko. O kay Yaya Melay. Pero gusto ko 'yung ganitong klaseng pagmamahal. Siguro nga, the gods have listened to that wish so much that it cursed you at hindi mo na mabawi 'yung pagmamahal na 'yun sa'kin."
"Lee naman..."
"So when I felt that love, I can say... that I have already lived."
"You can't say that..."
"I'm already happy. I'm so happy..."
August 16, 2021
Lee starts to severely deteriorate.
May mga panahon na akala nito mas madalas, bumalik ito ng high school.
"Yaya!" Sigaw nito habang nakaharap sa salamin. "Yaya 'yung uniform ko?"
Napahinto si Odyssey sa paglalakad papasok sa kwarto nila.
"Ako na..." Ani Yaya Melay at pumasok sa kwarto.
"Lee. Bakit? Wala ka ng pasok?"
"Wala na akong pasok? Bakasyon na?"
"Umupo ka muna."
"Pero yaya, kung wala ng pasok, paano ko makikita si Odi?"
Tinakpan ni Odyssey ang bibig niya para hindi lumabas ang mga hagulgol.
"Sa tingin mo ba, magugustuhan niya ako balang araw?" She clearly went back to the days that he hasn't returned her feelings yet.
"O-oo naman. Sigurado ako diyan." Umiiyak na rin si Yaya Melay.
"Gusto ko lang naman kahit kaunti magustuhan niya ako..."
Pumasok na bigla si Odyssey at hinawakan ang kamay niya.
"Odi? Si Odi ka ba? Bakit parang iba?"
"I'm sorry that I didn't like you earlier." He said with tears in his eyes.
"Bakit ka umiiyak? Nasaktan ba kita? May pumilit ba sa'yo pumunta dito?" She asked.
"I'm sorry that I didn't love you earlier so that I can love you longer. And I'm sorry that I failed to do that, Lee. I love you."
Punong-puno ng pagtataka si Lee lalo na ng yakapin siya ng mahigpit ni Odyssey. Pero maya-maya ay gumanti na rin siya ng yakap at ngumiti.
"Gusto mo din ako?"
"Mahal kita.
"Salamat. Salamat." She is still as kind as ever.
Na lalong nagpaiyak kay Yaya Melay at kay Odyssey na mahigpit lang siyang niyayakap.
*later*