The Ex

By TipsyArchitect

205K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

23

3.6K 90 7
By TipsyArchitect

Chapter 23

"Tangina ang landi!!!" asar sa akin ni Patrick. Kanina pa nila ko inaasar actually. Simula nang matapos kaming mag-usap ni Elmo ay wala na silang humpay sa pang-aasar sa akin ni Maqui. Kakainis na nga eh!

"Di ko kinaya yun bes ha? Lupit!" ani Maqui sabay subo ng kanin. Andito na kasi kami sa KFC at kumakain na ng lunch.

"Ts. Ano bang masama sa sinabi ko ha? Totoo naman yun."

"Eh kasi nga! Akala namin friend wala ka ng tamis sa katawan. Sus! Parang nung nakaraang mga araw lang more ka pa sa pang-aaway sa kanya tas ngayon may 'I just want you to come home safely' ka ng nalalaman?!" sabi ni Patrick.

Umirap na lang ako sa kanila at nagpatuloy na sa pagkain. Baliw talaga tong mga to.

"So kayo na?" tanong ni Patrick. Binatukan naman siya ni Maqui. "What?!"

"Hindi pa sila tanga. Bakla, back to square one ang peg nila okay? Getting to know each other muna." sabi ni Maqui.

"Frencheska Mae, tapos na sila dun please? I mean graduate na sila sa stage na yun diba? They're just coming back to each others' lives. No need for that stage.They know each other very well."

"Hindi pa kami Pat. I'm just letting him do what he wants. Gusto niya daw patunayan na seryoso siya when he told me that he still loves me kaya I'm letting him do what he wants." tumango silang dalawa at saka kumain.

"I think he is serious. Mukhang nag level up pa nga siya eh." sabi ni Maqui. "Todo effort ha? Diba?"

"Truelaloo!" sabi ni Patrick. Ngumiti na lang ako at tumango.

Mabilis na natapos ang araw namin. Pagbalik kasi sa office ay agad na kaming nagseryoso sa trabaho at di na namalayang uwian na pala.

"Ma'am ito na po yung article ko." sabi ko pagpasok sa office ni Ma'am Clarisa.

"Okay. Uuwi na kayo?" tanong niya. Tumango naman ako saka ngumiti. "Alright. I'll read this later. Ingat kayo."

"Thank you po ma'am. Kayo din." sabi ko saka na lumabas.

"Sama kayo? Coffee tayo." anyaya ni Essa nang magkasabay-sabay kami sa elevator.

"Uhm... I can't." sabi ko.

"Ha? Bakit?" pagtataka naman ni Reg.

"May date yan girl. Kami ni Maq sasama kami." si Patrick ang sumagot.

"Ah. Kaya naman pala. Ayiiie. Boyfriend mo na ba uli si Mr. Magalona?" tanong ni Reg at siniko-siko pa ko.

"Hindi no! Nagyaya lang naman siya makipagkita. Di naman date to." sabi ko.

"Palusot.com/hindidawdate ang peg ni Julie Anne." irap ni Maqui.

Lumabas na kami ng elevator at agad naming namataan ang sasakyan ni Elmo. He's leaning on the passenger's side as he stares at the office building's door. Nakapamulsa pa siya.

"Gwapo talaga ni Mr. Magalona." sabay na sabi nina Reg at Essa.

Tumingin uli ako kay Elmo and smiled. He's wearing a white long sleeved polo that's folded up to his elbow, faded jeans and topsider. Yeah. Gwapo talaga yan. Kaya nga nainlove ako diyan eh. Kaya nga di ako nakamove on eh.

"Elmo!" tawag ni Maqui nang makalabas kami.

"Hey guys!" bati ni Elmo sa kanila. Tumingin siya sa akin saka ngumiti at lumapit. "Hey there." bati niya sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako at naramdaman nanaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Inday, nagdagdag ka ba ng blush-on? Pula much?" puna ni Patrick. Hinampas ko siya at nagtawanan naman silang apat. Si Elmo naman nakatitig lang sa akin.

"Uy, pastel ko?" ani Maqui.

"Right." tango ni Elmo saka nagmadaling buksan ang kotse niya at kinuha ang malaking paperbag. "Here."

"Wow ha? Sineryoso mo yung damihan ha? Hahahaha." sabi ni Maqui habang tinitignan ang laman ng paperbag.

"Bet!" sabi ni Patrick. "Thanks, Elmo!"

"You're welcome." ani Elmo. "Let's go?" tanong niya sa akin.

"Gusto niyong sumama?" tanong ko sabay tingin sa mga kaibigan ko.

"Nako, Jules hindi na. Quality time niyo ni Mr. Magalona yan. Bawal sabit." kindat ni Reg.

"Hey. Elmo na lang. Magkakaage lang naman tayo dito." natatawang sabi ni Elmo. Tumango naman sina Reg at Essa.

"Una na kami ha? Ingat kayo!" ani Essa.

"Bye guys!" sabi ni Elmo saka na sila umalis na apat.

"Jules kahit wag ka na umuwi keri lang!" sabi ni Maqui at nagtawanan pa silang apat.

"Your friends are funny." sabi ni Elmo. "Tara?" tumango na lang ako saka na niya ko pinagbuksan ng pinto.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na siya.

"Hm. Is it okay kung sa condo na lang?" sabi niya.

"Ah. Sige sure." sang-ayon ko. Tumango na siya at umalis na kami sa office.

Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na kami sa condo building niya. Nagpark siya sa assigned space niya at saka na bumaba. Binuksan niya ang pintuan ko at saka na ako inalalayang makababa. We entered the building while he's still holding my hand. Nawiwili to ha.

"So I was thinking. Magluluto na lang ako ng dinner natin. Okay lang ba sayo?" tanong niya when we entered the elevator. I looked at him and he looked back. "What?"

"You cook? Seriously?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. Bakit?"

"Wala lang. Never ka namang nagluto before eh. It's as if the kitchen was your worst enemy." sabi ko.

"Asawa, when I lived in the States I had to do everything on my own." sagot niya. "Trust me. Magaling na ko magluto. Baka nga makalimutan mo pangalan mo once matikman mo yung food eh." kindat niya.

"Siguraduhin mo ha? Kapag yan di masarap..." I trailed off.

"Ano?"

"Kapag yan di masarap goodbye second chance." banta ko. Tumawa naman siya saka ako inakbayan.

"I'm pretty confident with my skills. Don't worry." he said and kissed my temple.

"And sa over confidence mo nakakailang halik ka na. Tayo na ba ha?" sabi ko.

"Hm. Maybe after this baka maging tayo na ulit." sabi niya and even hugged me.

Pagpasok namin sa unit niya ay nagdiretso na siya sa kitchen. I followed him and sat on one of the bar stools. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kitchen niya. Malaki ito. The appliances are all jet black in color. The countertops are made of granite and the breakfast bar is also in black. Actually puro black and white nga ang theme ng condo niya eh. Lalaking-lalaki.

"You up for steak?" tanong niya.

"You know I'm not picky when it comes to food." sabi ko. Tumawa siya at tumango.

"Alright. Just sit back and relax." aniya sabay kindat. Inirapan ko naman siya saka na lang siya pinanuod sa paghahanda. "Magkwento ka."

"Ano namang ikkwento ko?"

"I don't know. Kahit ano."

"Hm. Wala naman akong ikkwento. Well, if you want to hear my story when we broke up edi--"

"No! Wag na yun. Sabi ko nga diba? Let's move forward. Wag na nating balikan yung mga masasakit na nangyari sa atin." sabi niya and resumed on slicing the potatoes.

"Alright. I do have a question though."

"Yeah? What is it?" tanong niya.

"Bakit binayaran mo yung pagpapagawa ko sa kotse ko? I mean, nung time na yun di naman tayo okay. Pero bakit?"

"Do I need a reason for that? Di ba pwedeng mahal kita kaya gusto kong gawin yung mga bagay na yun para sayo?"

Napayuko ako nang maramdaman nanaman ang pamumula ng pisngi ko. Bwiset to!

"You're blushing." puna niya.

"Am not!" sabi ko saka siya binato ng potato peel. Tumawa naman siya at umiling.

"Yes you are." sabi niya pa.

"Argh! Bwiset ka! Hindi nga eh!" sabi ko. Lalo siyang natawa sa akin. Gago to ha!

"You're pretty when your not mad pero pag napipikon ka na? Shit. Ang hot mo talaga asawa." iiling-iling na sabi niya saka ako tinalikuran at humarap siya sa stove.

Hindi ako nakakibo. Bwiset na to! Kaya minsan ayokong kasama to eh. Lagi na lang nakakahanap ng paraan para maghuramentado yung puso ko. Leche talaga.

"Magluto ka na nga lang diyan. Ang dami mong alam." pagtataray ko.

"Sungit talaga." sambit niya. "Pasalamat ka mahal kita eh."

"Salamat." sarkastikong sabi ko. He chuckled and continued on with what he's doing.

Pagkalipas ng ilang minuto ay humarap siya sa akin. Naglapag siya ng mga puting plato at mga kubyertos.

"Black and white lang ba talaga kulay dito sa unit mo?" tanong ko.

"Hm. Yeah. Bakit?" tanong naman niya.

"Wala. Parang wala lang kasing buhay." sabi ko.

"Hm. Ewan. Maganda kasi sa paningin kapag iisa lang yung color combination ng mga gamit." sabi niya. "Why? Do you have any suggestions?"

"Ako? Wala. Tsaka bakit naman ako magssuggest di naman ako taga rito." sabi ko.

"Magiging iyo din naman to soon eh." sabi niya. Napayuko ako. Ang advance naman masyado mag-isip nito.

"Ayoko tumira sa condo, Elmo. Condominiums are not suitable for building a family. And they only last for 30 years maximum." sabi ko.

"So you're thinking of having a family with me?" aniya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato.

"Huh? H-hindi! Ang ibig kong sabihin, hindi lang kasi fit yung condo kung gusto mo magkapamilya. Wala akong sinasabing tayo."

"Hahahaha. Ganun na din yun, asawa." sabi niya. "Kain ka na." he said after he slices the steak into bite size pieces.

Napakamaasikaso lang talaga ni Elmo. He never fails to do these kind of things. Kahit na noon pa man. Gusto niya kapag kumakain kaming dalawa, kakain na lang ako. Di na ko mahihirapang maghiwa or kung ano man.

I took a bite of the steak at nanlaki ang mata ko. I underestimated him. Masarap nga siyang magluto.

"So?" tanong niya.

"Sino na nga uli ako?" biro ko. Nagtawanan kaming dalawa and he even wiped the side of my lips.

"I told you!" sabi niya.

"Whatever. Oo na. Ikaw na ang magaling magluto." irap ko.

"Hahahaha. Thank you very much." sabi niya. "Nag-aral talaga akong magluto ng masarap para sayo."

"Huh?"

"Gusto ko kasi kapag nagkabalikan tayo ako naman ang mag-aasikaso sayo." he said as he looked straight in my eyes.

"Bolero ka." sabi ko at nag-iwas ng tingin. He chuckled and ate in silence.

Pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa living area niya. Kita mula sa picture window ang mga ilaw sa baba. Mga sasakyan at kung anu-ano pa.

"You liked the view?" tanong niya.

Napalingon ako sa kanya at nakitang nakapagpalit na pala siya ng damit. He's just wearing a white v-neck shirt and black jersey shorts. Pero kahit ganun lang kasimple ang suot niya, he still looked amazing.

"Yeah. Kahit pa city lights lang nakakarelax pa rin." sabi ko. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

"Tara dito." sabi niya. Hinila niya ko until we reached the middle of his living room.

"Anong gagawin natin?" pagtataka ko. Hindi naman siya kumibo and just placed my hands on his shoulders. He then wrapped his arms around my waist and started swaying. "Elmo..."

"Let's just dance." mahinang sabi niya.

"Wala namang tugtog eh." sabi ko. He placed my head on his chest at nagpatuloy sa pagsasayaw.

"We don't need music asawa. Tibok pa lang ng mga puso natin music na." sabi niya. I relaxed and just listened to his heartbeat. Mabilis ang tibok ng puso niya. Para siyang kinakabahan. "Mabilis ba?" tanong niya.

"Oo." sagot ko while listening to it.

"Hindi pa rin talaga nagbabago." sabi niya. Napalayo ako at napalingon sa kanya. He smiled his sweet boyish smile. "Pagdating talaga sayo laging hyper yan. You always make me feel this way. Excited, nervous, lahat."

"I make you nervous?" tumango siya.

"Kinakabahan ako palagi kapag kasama kita. Feeling ko kasi langit ka at lupa ako." sabi niya. "You're heaven-sent Julie."

"Moe..." yumakap siya sa akin and nuzzled my neck.

"I love you, Julie Anne..." he breathes.

He's been saying those words ever since we saw each other for the first time after five years. Mahal ko rin naman siya. Mahal na mahal. Pero dati hindi ko pa magawang sabihin uli yun dahil natatakot pa rin akong masaktan. Pero ngayon mukhang handa na ako. Sabi nga ni ma'am sa akin, kung hindi ko siya ipaglalaban baka mawala na lang siya ng tuluyan sa akin. Sabi nila Patrick at Maqui siya ang kaligayahan ko. Kaya siguro hindi na tamang pigilan ko pa ang nararamdaman ko.

"I love you too, Moe."

Continue Reading

You'll Also Like

541 96 15
Karra Grashien only wants her father to be proud of her, so she promised to marry her fiance, a Salvamante. She's confident that her fiance will marr...
8.2K 323 19
One of my professors before asked me once about my definition of love. I told him it was either a curse or a horrible disease. I knew I gave him a te...
91.6K 366 6
Si Zaki ay isang holdaper na pakalat kalat sa mga matataong streets ng Tokyo, isang lalaking vagrant, na sa tingin nya ay walang saysay at walang kwe...
76.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY