The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

10

3.9K 93 2
By TipsyArchitect

Chapter 10

Tapos na ang suspension naming tatlo kaya naman ngayong araw na to ay babalik na kami sa office.

"Hay. Parang mas masaya pa ko nung suspended tayo kaysa ngayon eh." sabi ni Maqui habang nasa elevator kami.

"Plangak! Massight ko nanaman ang chaka fez ni Thor." sang-ayon naman ni Patrick.

"Okay na to. Para may pera na ulit." sabi ko naman.

Lumabas na kami ng elevator pagdating sa 7th floor ng building saka na naglakad papunta sa cubicle namin. Nagulat ako nang pagdating dun ay may isang bouquet ng flowers.

"Antaray! Kanino galing?" tanong nilang dalawa. Nagkibit-balikat naman ako at kinuha ang card na nasa gitna ng nga bulaklak.

'Can we start over again? -E.'

"Kaloka! Ginny is that you?!" asar sa akin ni Patrick saka pa niya ko piningot sa tenga.

"Aray!"

"Anong paglulumandi naman yan ha? Baliw na ata yang kumag na yan eh." sabi naman ni Maqui saka siya umupo sa swivel chair niya. "Alam mo, kahit gaano mo pa kamahal yan kung lolokohin ka lang niya ulit wag na. Spare yourself bes."

"Hindi naman ako pumapayag sa gusto niya Maq. Isa pa, diba sabi niya nga na kahit daw itaboy ko siya, babalik pa rin siya? Kaya hayaan ko na lang. Magsasawa rin siguro yan." sabi ko saka na tinabi ang flowers at nagsimula na magtrabaho.

"May point. And knowing that bastard, I'm pretty sure na hindi matatapos ang taon na to na susukuan ka rin agad niyan. Eh nung umalis nga siya--"

"Maq, wag na nating balikan ang nakaraan." sabi ko.

"De. Sinasabi ko lang naman na baka gawin nanaman niya sayo yung dati. Syempre nag-aalala lang naman kami ni Pat sayo." sabi niya.

"I know. Kaya nga wag na nating balikan para di ko na maalala yung mga nangyari nun. Sabihin na lang natin na kahit na ganun yung nangyari eh natuto naman ako. Diba?"

"Natuto na nga ba?" sabay na tanong nilang dalawa.

"Oo naman."

"Pero bakit nung last time sabi mo ayaw mo na kaya lang mahal ko pa." ani Patrick.

"Ewan. Ang gulo nga eh. Ganun siguro talaga no? Hangga't may nararamdaman ka sa isang tao, magulo yung takbo ng isip mo. Na parang di mo alam kung alin ang tama at mali. Na parang kahit sinasampal na sa mukha mo yung katotohanan na niloko ka niya, na hindi na siya dapat ang mahalin mo, mapapaisip ka pa rin na kung ang Diyos nga nagawang magpatawad ako pa kaya na tao lang diba? Ewan!" sabi ko.

"Oo andun na tayo. Si Lord nagawa niyang patawarin kahit yung pinakamakasalanan. Pero kasi Diyos yan eh. Ikaw tao ka lang naman. Napupuno, nagagalit, nasasaktan, napapagod." ani Maqui.

"Basta friend, hahayaan ka namin sa gusto mo. Sabi mo nga, magsasawa din yang mokong na yan. Pero please lang ha? Pahirapan mo ng todo. Gaya ng ginawa niya sayo. Bawal muna ang santo dito okay?" sabi naman ni Patrick. Tumango na ako saka na kami nagbalik sa trabaho.

Uwian na at nagyaya saglit si Patrick na magpunta kami sa coffee shop. Manlilibre daw siya kasi hindi siya napagalitan ni Ma'am Clarisa ngayong araw.

"Nakakapanibago talaga yung si Thor. Akalain niyo yun? Ang ingay-ingay ko kanina, wit na ko halos nagwwork-work pero waley effect lang sa kanya?" kwento niya.

"Baka naman kasi natakot sayo. Hahahaha." hagalpak ni Maqui.

"Whyness aber?" pagtataray naman ni Patrick.

"Aba. Eh diba nga kaya ka nasuspend kasi nanuntok ka. Oh. Malay mo iniisip niyang front mo lang yang kabaklaan mo tapos tunay na macho ka pala talaga. Bwahahahahaha."

"Ewwww! Frencheska Mae I'm not a lesbian okay?! Yuuuck!" inarte ni Patrick.

"Hahaha. Oo nga Pat. Baka nga ganun iniisip ni ma'am." sabi ko naman.

"Isa ka pa, Julie Anne! Please lang ha? I'm not a tomboy. Nagawa ko lang yun kasi sumanib sa akin si Arnold Schwarzenegger. Hahahaha."

"Pakshet ka talaga bakla!" hagalpak nanaman ni Maqui.

"Nakakaloka ka Frencheska Mae ha. Ano pang kababawan ng kaligayahan yan ha? Ano pa?" ani Patrick.

"Hay nako. Umorder ka na nga lang dun, bakla. Sabi mo manlilibre ka diba? Ano na?" sabi ni Maqui.

"Oh bakit? Libre naman itey ah. Libreng umupo dito. Libre aircon, libre music, at!" sabi niya saka tinawag ang waiter.

"Yes po?"

"Kuya isang pitcher ng water please? With ice ha?" aniya. Tumango naman ang waiter saka na umalis. "At free ang tubig! Odiba? Okay na yan, friend. Wag ka na mag-inaso diyan."

"Lecheng to. Lakas mo magyaya tubig lang pala lilibre mo samen?! Madami sa bahay niyan!" iritang sambit ni Maqui. Nagtawanan naman kaming dalawa ni Patrick.

"Hahahaha. Fez mo, Frencheska Mae epic! Bwahahahaha." puna ni Patrick nang biglang magseryoso si Maqui at nanlaki pa ang mata na parang may nakitang di kaaya-aya.

"Bakla..." bulong ni Maqui.

"Anetch? Hahahahahaha. Ano bang fez yan ha? Bakit ba para kang nakakita ng multo?!" tanong ni Patrick.

"Maq ano yun?" pagtataka ko.

"Uhm... Hi, Julie." sabay kaming napalingon ni Patrick sa nagsalita at nakita ko pa na napapikit si Maqui na parang naiirita.

"Ay may multo nga. Multo ng kahapon." sabi ni Patrick habang tinitignan ng masama ang lalaki. "Anetch ang pakay at nadayo sa tambayan? Ha? Tinding stalker nito. Bigyan ng kadena!!!"

"Uhm... W-wala. Ano kasi galing ako dun sa ginagawang leisure park malapit dito eh ayun. Naisipan ko lang magcoffee bago umuwi. I didn't know na andito pala kayo."

"Wow ha. Saan banda ang leisure park? Makati ito friend. Walang ganyan dito." sabi ni Patrick.

"Pat..." sabi ko.

"Oh bakit? Wala naman talaga ah." pagtataray niya.

"Hindi. Hindi sa Makati yung Park. Sa may Ortigas siya."

"Wow. Sa dami ng buildings ng Ortigas may nasiksik pang park dun?" sabi naman ni Maqui.

"Maqui..." pigil ko naman sa kanya.

"Uhm..." nagkamot na lang ng ulo ang lalaki saka siya napatingin sa akin. "Yung ano pala..."

"Yeah I saw it. Salamat. Pero di mo na ko kailangan padalan ng ganun." sabi ko.

"Ah. S-sige. Uhm. Onga pala. Gusto niyo ng coffee? Ikaw Julie? Do you want me to order your tea?" tanong niya.

"I don't drink tea anymore, Elmo." sagot ko.

"Ha?"

"Let's just say na you were my cup of tea before. Kaya lang wala eh. Something happened so di na ko umiinom ng tea. I drink coffee na."

"Uhm... I-uh..."

"You can go now." sabi nina Maqui at Patrick saka pa siya pinaalis.

"S-sige. Bye Julie." sabi niya at saka na umalis.

"Ansabe ng 'you were my cup of tea' mo girl? Ha? Saang lupalop mo naman nahugot yan aber?" sabi ni Patrick nang tuluyan nang mawala si Elmo.

"Di ko din alam? Hahaha. Umorder ka na nga ng kape bakla! Napakakuripot mo talaga." sabi ko sa kanya.

Pagkaalis ni Patrick ay tumingin ako kay Maqui na kanina pa ako tinititigan habang nakangiti.

"What?" pagtataka ko.

"Wala naman. Kakaiba ka eh. Wala lang. Hahaha." sabi niya.

"Kakaiba? Ano namang kakaiba sa akin?" tanong ko.

"Well, first hindi ka nagfreeze sa pwesto mo when he came. Second, nagawa mo siyang tarayan and third, hindi ka umiyak when he left. Wala lang. Nakakatuwa lang kasi ganyan ka." aniya pa saka sumandal sa couch.

"I guess tama kayo ni Pat. About me not being a saint when he's around." sabi ko.

"Hahaha. Kailan ba kami naging mali, bes? Diba?"

Nasa bahay na kami ni Maqui. Si Patrick naman ay umuwi na pero alam naman naming di pa uuwi yun eh. Siguro maghahanap ng boylet at ayaw kaming isama.

"Julie, meron nga palang nagpadala ng cake kanina." sabi ni Maya.

"Oo nga, Jules. Mukhang masarap." sabi naman ni Jacky. "Red Velvet eh. Favorite mo yun diba?"

"Cake? Birthday ko ba?" tanong ko pa kay Maqui na nagkibit-balikat lang naman.

"Ay may message pala dun, Jules." ani Gela. "Ito yung card oh." sabi niya saka pa inabot sa akin ang isang card.

'Dropped by Caprisserie earlier. I thought you'd want a slice. I love you. -E."

"Kanino galing?" pagtataka ni Maqui saka dinungaw ang card. "Ay. Di na bale. Masarap naman yan. Tara kainin na natin!"

Hinati-hati na namin ang cake at pagkatapos ay kumain na kami habang nagkkwentuhan .

"Manliligaw mo Julie?" tanong ni Maya.

"Sino?" pagtataka ko.

"Yung nagpadala ng cake." aniya.

"Hindi ah. Hahahaha." sabi ko.

"Weh!" sabay na sabi nilang tatlo.

"Hindi nga." sagot ko nanaman.

"Oo nga. Di naman manliligaw ni Julie yan. Ex niya yan. Hahahaha." si Maqui ang sumagot.

"Ex? Yung..." ani Jacky at agad namang tumango si Maqui. "Eh kung ex na bakit nagpapadala pa ng mga ganyan?"

"Duh? Malamang gusto pang bumalik. Mga tanong naman, Jack oh. Pang bobo!" ani Gela.

"Loko ka ha!" ani Jack saka pa umamba na susuntukin si Gela.

"Hahahahahaha. Pikon!"

"Pero teka. Kung gustong bumalik nung ex mo, ang tanong, may babalikan pa ba siya?" tanong naman ni Maya. Biglang natigil sa asaran sina Gela at Jack saka sila tumingin sa akin. Si Maqui naman ay pasimpleng ngumingiti habang umiinom ng juice.

"E-ewan ko. Wala na." sagot ko.

"Wala na talaga?" tanong ni Maqui.

"Oo naman. Wala na." sabi ko.

"Wala ng babalikan o wala ng nararamdaman?" tanong ni Maqui.

"Mga tanong naman Maq. Parehas lang yun eh!" sabi ni Gela.

"Hindi kaya! Minsan wala ng babalikan pero mahal mo pa din. Kaya lang nagsawa ka na intindihin siya kaya ayaw mo ng makipagbalikan. At minsan wala ka ng nararamdaman pero gusto mo pa na maayos kasi feeling mo kapag nagkaayos kayo babalik yung feelings niyo para sa isa't isa." aniya. "So Julie, ano bang tamang sagot?"

Matagal bago ko sinagot si Maqui. Tinitigan ko pa muna siya at pagkatapos ay napayuko.

"Wala ng babalikan."

A/N:

Hi guysssss! If ever you'll be tweeting your reactions please use the hashtag #TheEx na lang rather than #TE. Medyo nakakaloka since nasasama sa tweets ng Spanish and Italian people yung tweets niyo. Haha. Thank you for reading. And for not killing me about this story. Lol.

❤️DERPHERP

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
457 53 43
How Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip...
179K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
171K 3.7K 30
Savannah Santillan. Rich girl. Neglected by her parents. Tumakas siya sa bahay niala at napadpad sa isang probinsya. Nag panggap na mahirap at walang...