The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

8

2.9K 91 7
By TipsyArchitect

Chapter 8

Monday nanaman. Nakakatamad talagang bumangon tuwing Lunes. Bumaba na ako at naabutang nagkkwentuhan sina Maqui, Gela, Jacky at Maya sa terrace habang umiinom sila ng kape. Pagkakita nila sa akin ay agad nila kong binati.

"Morning, bes." ani Maqui.

"Morning, Julie!" bati naman ng tatlo.

"Uh... Good morning." sagot ko saka umupo sa tabi ni Maqui.

"Nga pala bes, tumawag si Mang Robert. Okay na daw yung kotse mo." sabi ni Maqui.

"Ha? Paanong okay yun eh di ko pa bayad yun? Wala pa tayong sweldo kaya nga sabi ko sa kanya wag muna simulan eh."

"Ewan ko. Ang aga niyang tumawag eh. Si Mama H pa nakasagot. Eh yun nga. Ready for pick-up na daw." sabi niya.

"Ganun? Teka tatawagan ko lang siya." sabi ko saka na pumasok ng bahay. Dinial ko na ang number ng talyer at hinintay na may sumagot dun.

"Robert's Auto Services. Hello?"

"Anj?" sambit ko nang mabosesan ang secretary ni Mang Robert.

"Uy, Julie! Ano? Kukunin mo na ba yung kotse mo? Ipapaready ko na kanila Marco." sabi niya.

"Ah ano, mamaya na lang. Mga 6 ko kukunin after sa office." sagot ko.

"Osige."

"Teka. May tatanong lang ako. Bakit sinimulan na ni Mang Robert? Di ko pa bayad yan eh."

"Huh? Eh may pumasok na pera sa account ni sir eh. Kaya pinagawa na agad niya. Nagulat nga kami eh. Kasi yung perang dumating, para sa piyesa na brand new. Eh diba ang sabi mo surplus na piyesa na lang? Ayun. Pero brand new yung nilagay namin." kwento niya.

"Paanong... H-hindi ako naghulog ng pera sa account niya. Sabi ko sa sweldo na eh sa katapusan pa yung sahod eh."

"Di ko alam eh. Kausapin mo na lang si sir mamaya. Wala pa kasi siya eh." aniya.

"Sige. Uhm... Mamaya na lang. Salamat."

"Sige. Bye, Julie." saka na natapos ang call.

"Anyare?" tanong ni Maqui pagkapasok niya ng bahay.

"May nagdeposit daw ng pera sa account ni Mang Robert." sabi ko.

"Sino?" nagkibit-balikat lang naman ako at saka na lang umakyat para maligo.

Pagdating sa office ay agad kaming sinalubong ni Reg.

"Pinapatawag kayo ni tanda." pabulong na sabi niya.

"Bakit daw?" pagtataka naman namin ni Maqui.

"Di ko alam eh. Mainit ulo."

Naglakad na kami papunta sa office niya saka pumasok.

"Maupo kayong tatlo." bungad sa amin ni ma'am.

Tahimik naman kaming naupo sa couch at hinintay ang sasabihin niya.

"What the hell did you three do to Mr. Magalona? Ha?! My god! Bibigyan niyo ng kahihiyan ang kumpanya!" sigaw niya.

"M-ma'am..."

"Nakita sa CCTV that you were with him at the service staircase the night of the party. At alam niyo naman siguro ang ginawa niyong tatlo diba? What is wrong with you?! Malaking personalidad ang binangga niyo! For God's sake! Patrick!"

"Ma'am."

"Bakla ka ba talaga?!" tanong niya.

"Opo."

"Really? Sa CCTV, sinuntok mo siya and he fell to the ground. Now tell me, anong ginawa niya para ganunin niyo siya ha?" tanong niya sa amin.

"A-ano po kasi..." simula ko.

"Explain it to me, Julie. And explain it clearly."

"Uhm... He was harassing me, ma'am. Pinilit niya po akong isama kahit naman ayoko. Uh... S-self defense lang po ang ginawa namin."

"That's not how it was shown in the video." sambit niya. "You are all suspended for a month."

"What?!" sabay na sambit nina Maqui at Patrick.

"Pero, ma'am. Hindi pwede. Porket ba mayaman yung lalaking yun eh may special treatment na siya? Ma'am naman. Kung hindi kami dumating ni Patrick dun baka narape na si Julie!" sabi ni Maqui.

"I'm sorry. But the board has decided. You are all suspended for a month. Sige na. Makakauwi na kayo."

"Bullshit." bulong ni Patrick saka padabog na lumabas ng opisina.

Andito na ako sa talyer. Wala na rin naman kaming gagawin dahil badtrip na lahat. Sina Maqui at Patrick ay nasa apartment at naglulugmok. Ako naman, naisipan ko na lang kunin ang kotse ko. Tutal gawa naman na siya.

"Anj, si Mang Robert?" tanong ko pagkapasok sa opisina ng talyer.

"Nasa likod. Teka tatawagin ko." lumabas siya ng office at maya-maya pa ay bumalik kasama na si Mang Robert.

"Oh. Julie ikaw na pala yan. Ito na yung susi ng kotse mo oh." ani Mang Robert.

"Ah. Mang Robert, kanino galing yung pera panggawa sa kotse ko?" tanong ko.

"Hindi ba galing sayo?" pagtataka niya. Umiling naman ako. "Hindi ko rin kasi alam eh. Kasi nagulat na lang ako na meron ng deposited na pera sa account ko nung isang araw. Kaya akala ko ikaw ang nagpadala. Ikaw lang naman ang sineservice-an ko ngayon eh." aniya.

"M-magkano po yung dineposit?" tanong ko.

"Php35,000. Sakto nga sa brand new na makina at battery eh. Tsaka napalitan ko na spark plug niyan kaya di ka na matitirikan. Yung shack niyan bago rin. Tapos nabopping ko na yan kaya wala ng gasgas. Bale parang brand new na din yung kotse mo." nakangiting sabi niya.

"G-ganun po? Sige. Salamat, Mang Robert ha? The best ka talaga." sabi ko saka na niya ko hinatid sa sasakyan ko.

Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako nina Maqui at Patrick sa gate. Mga busangot pa rin ang mukha nila lalo na si Patrick.

"Anong sabi ni Mang Robert?" tanong ni Maqui.

"Bago lahat ng piyesa ng kotse ko. Malaki-laki rin yung deposited amount sa kanya eh."

"Ganun?" tumango naman ako saka na kami umupo sa sofa.

"Leche." biglang sabi ni Patrick. "Kasalanan ko ba na nabuhay ang kalalakihan sa katawan ko kaya nasuntok ko yung gagong yun?! Nakoooo! Baka bet niyang Clarisa na yan na bumaligtad din ang fezlak niya! Nakakaloka!" iritang sambit niya.

"Sorry ha? Ako ang dahilan bakit pati kayo nadamay sa suspension." sabi ko.

"Wag mo isipin yun friend. All for one, one for all nga tayo diba?" sabi niya sa akin.

"Oo nga. Tsaka may kasalanan din naman kami ni Pat. Sinuntok niya si Elmo, minura ko si Elmo. So yun. Okay na din na suspended tayo. Mapahinga man lang sa pagmumukha nung matandang yun." ani Maqui.

"Pero girl, anong kadramahan yung sinabi mo kanina ha?" biglang ngisi ni Patrick kay Maqui.

"Ano yun?" tanong naman ni Maqui. Tumikhim si Patrick saka pa umayos ng upo bago siya nagsalita.

"Kung hindi kami dumating ni Patrick dun baka narape na si Julie!" gaya niya kay Maqui saka pa kami tumawa na tatlo.

"Sheeeeeet! Oo nga no? Anong kadramahan yun, Maq?" sabi ko.

"Hoy! Inisip ko lang kasi na baka sakaling makalusot tayo sa kanya. Aba malay ko bang hindi niya kakagatin! Pang best actress pa naman yun." sabi niya.

"Hahahahahaha. Friend kulang na lang sabihin mo si Julie si Flor Contemplation eh. Shet! Hahahahahaha."

"Gaga! Totoo naman kasi na kung hindi tayo dumating dun eh baka kung ano na ginawa nung tarantadong yun sa kaibigan natin. Tignan mo nga. Pagdating natin dun nakayakap siya kay Julie. Oh ano? Anong pag-iinarte yun bakla diba?" ani Maqui.

"May point! Bigyan ng trophy yan!!" asar naman ni Patrick. "Pero seryoso. Paano ka niya nahatak, friend?" tanong niya bigla sa akin.

"Diba kasi pinakausap sa inyo yung bloggers? Ako naman sinama ni Ma'am Clarisa sa presidential table. Tapos pinakilala niya ko sa mga andun. Syempre guest-of-honor si Elmo so andun din siya. Tas napansin ni ma'am na ang comfortable makipag-usap ni Elmo sa akin so ang ginawa niya, iniwan niya ko kasama si Elmo tas yun. Pinilit niya kong mag-usap kami pero ayaw kong pumayag hanggang sa hinatak na niya ko sa service staircase." kwento ko.

"Alam mo yang halimaw na yan, jojombagin ko na talaga yan eh! Namumuro na siya ha? Ano pang katangahan yan ha?!" ani Patrick.

"Anong sabi niya sayo?" tanong naman ni Maqui.

Nanahimik ako saglit saka sumandal sa sofa. Ayoko na sanang alalahanin eh. Kaya lang di rin naman maiiwasang di mapag-usapan.

"Ayun. He was asking for a second chance."

"Second chance niya mukha niya. Ano siya? Si Popoy at ikaw si Basha? Si Marco at ikaw si Ginny?!" iritang sambit ni Patrick.

"Gaga hindi. Si Ginny si Elmo. Siya yung may gusto ng second chance eh!" sabi naman ni Maqui.

"Sabi na eh. Bakla yang Elmo na yan eh. Nakooo! Paminta pala ang gagita!" ani Patrick.

"Uy hindi ah." sabi ko. Tinignan naman nila akong dalawa saka pa sila sabay na ngumisi.

"Ay friend, dinedefend." kunyaring bulong ni Patrick kay Maqui.

"Nako, bakla. Kapag dinedefend it means may feelings pa."

"At kung may feelings pa, ibig sabihin bibigyan niya ng second chance." dugtong naman ni Patrick.

"Hoy hindi no! Ayoko na. Tama na yung isang beses niya kong sinaktan. Ayoko na magkaron ng pangalawa yun." sabi ko.

"Wow. Strong na siya. Pero girl, bakit may namumuong luha sa eyes mo?" ani Patrick saka pa lumapit sa akin.

"Tsk. Wala ah!" sabi ko sabay hampas sa kamay niya.

"Hahahaha. And now we're starting over agaiiiiin!!!" sabay na kanta nila ni Maqui saka na sila tumayo at naglakad papuntang kitchen.

"Nako, bes. Siguraduhin mo lang na hindi ka na magpapaloko diyan sa hayup na yan ha? Mahirap na. Baka this time hindi ka na makabangon ulit."

Continue Reading

You'll Also Like

14.8M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
179K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
2.2M 4.4K 5
WARNING: RATED SPG po. wag na kayong magugulat kung may mabasa kayong kakaiba neh? :)) pag ba kabit masamang babae agad? hindi ba pwedeng nagmahal l...
7.9K 259 24
Azrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hind...