The Ex

By TipsyArchitect

204K 4.7K 270

A DerpHerp Fanfiction © 2014 More

The Ex
Heads Up!
Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

7

3.4K 88 6
By TipsyArchitect

Chapter 7

Nagising ako kinabukasan na sobrang hapdi ng mga mata ko at sobrang sakit pa ng ulo ko. Ang huling naaalala ko lang sa nangyari kagabi ay hinihilamusan ako ni Maqui. Yun lang.

"Oh. Gising ka na pala. Tara na, bes. Kain na tayo." sabi ni Maqui pagkababa ko.

"Morning, Julie." bati nina Gela, Jacky at Maya.

"Good morning. Anyare kagabi?" tanong ko pagkaupo ko.

"Ayun. Edi inubos namin lahat ng binili mo. Sakit nga sa ulo eh. Patay ako sa boss ko nito. Hahahaha." sabi ni Jacky.

"Wow, Jack. Nahiya ako sayo. Eh mas madami ka ngang tinirang chaser kaysa dun sa alak eh!" sabi naman ni Maya.

"Hoy hindi ah! Lokong to." sagot naman ni Jacky.

"Basta ako nalasing ako. Yun na yon." sabi naman ni Gela. "Diba, Maq?" tumango naman si Maqui saka na niya ko inabutan ng kape.

"Si Patrick?" tanong ko kay Maqui.

"Papunta na siya. Kaya kumain ka na kasi baka malate tayo sa office. Alam mo naman. Baka mapagalitan nanaman tayo ni tanda." sabi niya saka na siya umakyat.

"Wala akong maalala kagabi." sabi ko sa tatlo.

"Talaga? Sabagay. Ang dami mong nainom eh. Di ka pa nagchaser." sagot naman ni Gela.

"Sakit nga sa lalamunan eh." angal ko saka muna uminom ng dalawang basong tubig bago ang kape. Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpaalam na akong aakyat para makapag-ayos.

"Bes, okay ka na ba?" tanong sa akin ni Maqui nang makapasok ako sa kwarto.

"Oo naman. Bakit?" pagtataka ko.

"Wala naman. Tara na." anyaya niya saka na kinuha ang bag niya at lumabas na ng kwarto.

Pagkasakay namin sa kotse ni Patrick ay nakita kong may gasa siya sa kamao.

"Anyare sayo Pat?" tanong ko saka pa akmang hahawakan ang kamay niya nang ilayo na agad niya yun sa akin.

"Waley to friend. Nakabasag kasi kami kagabi sa sobrang kalasingan eh sa akin tumama ever ang mga bubog. So yun. Feeling Pacquiao ang hand ko today." sagot niya. "Musta ka na?" tanong niya pa.

"Medyo okay naman. May hangover nga ako eh. Kaya lang kailangan nating pumasok eh. Ngayon ko ipapasa yung article..." sagot ko. Nanahimik naman silang dalawa kaya nagsalita uli ako. "May mga sinabi ba ko kagabi na..."

"Waley naman. Meron ba Maq?" tanong ni Patrick saka siya tumingin kay Maqui.

"Hm. Wala naman. Wala namang bago." ani Maqui. Tumango na lang ako saka na sumandal at dumungaw sa labas ng bintana.

"This is good." sabi ni Ma'am Clarisa nang mabasa niya ang article. "Sabi ko na nga ba at tamang ikaw ang inassign ko sa interview kay Mr. Magalona eh. Alam mo, nagulat ako dahil sa lahat ng publishers na nagpaappointment sa kanya ay tayo lang ang pinaunlakan niya."

"Ganun po ba?" tumango naman siya saka na binalik sa akin ang kopya.

"We'll be having a grand launch for this issue since kasabay na rin naman nito ang 6th anniversary ng Biz Mag. And syempre guest-of-honor natin si Mr. Magalona."

Shit. Grand launch? Guest-of-honor? Si Elmo?

"Any problem, Julie?" tanong sa akin ni Ma'am Clarisa.

"A-ah. W-wala po. Wala." sabi ko.

"Okay. Sige na. Makakabalik ka na sa trabaho." sabi niya kaya naman lumabas na ako sa office niya at parang robot na naglakad pabalik sa cubicle namin.

"Ansabe ni Thor?" tanong ni Patrick. Sumalampak ako sa swivel chair ko saka sumubsob sa mesa ko.

"Bes?" ani Maqui.

"May grand launch ang Biz Mag." sabi ko.

"Ay! Bongga yan girl! Madami nanamang naggwagwapuhang boylets here and there!" kinikilig na sabi ni Patrick.

"Oo nga. Masaya naman yun Julie ah. Diba favorite natin pag may grand launch kasi dun lang mabait si ma'am? Eh bakit ganyan itsura mo? Para kang nalugi?" tanong ni Maqui.

"Guest-of-honor daw si Elmo." sabi ko.

"Eh si Elmo lang pa-- HUWAAAAAAAT?!" gulat na sambit ni Patrick.

"Espinosa! Anong ingay yan?!" sigaw ni ma'am mula sa office niya.

"Waley! Nagrerehearse ako ma'am para sa launch. Daming boylet dun eh!" sigaw naman pabalik ni Patrick. Umupo uli siya saka pa lalong lumapit sa amin ni Maqui. "Bakit daw?!" bulong niya.

"Tanga ka ba bakla? Malamang igguest ni tanda yun. Eh siya kaya ang cover ng magazine." sabi naman ni Maqui.

"Argh! Akala ko after ng interview tapos na lahat. Tsk." angal ko saka pa hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Wala na tayong magagawa. Wala namang alam si tanda tungkol sa inyo eh." sabi ni Maqui.

"Nako ha? Bibigyan ko na talaga ng utak yang si Thor na yan! Naiimbyerna na ko!" sabi naman ni Patrick. "Don't worry friendship. Guardia civil kami sayo kapag dumating na yung launching day. Okay?"

Tumango na lang ako saka na lang muling sumubsob sa mesa.

Lumipas ang ilang linggo at grand launch na ng new issue ng Biz Mag kung saan si Elmo ang cover namin. Andito kami ni Maqui sa kwarto ngayon at naghahanda na para sa party na magaganap sa Manila Peninsula.

"Maq, wag na kaya akong pumunta?" sabi ko sa kanya. Huminto naman siya sa pag-aayos at saka tumingin sa akin.

"Bes, kahit pa gustuhin ko rin yang decision mo, hindi naman pwede dahil ikaw ang writer ng article niya. You'll be getting a recognition for that kaya dapat andun ka."

"Alam ko naman yun eh. Kaya lang kasi..." umupo siya sa tabi ko saka niya ako inakbayan.

"I know that you're thinking about what could happen later. Pero I assure you na hindi ka namin iiwan ni Pat okay? Kung saan ka, dun kami. Hindi namin siya hahayaang makalapit pa sayo." aniya. Tumango na lang ako and rested my head on her shoulder.

"Thanks, bes." sabi ko.

"It's nothing." aniya. "Halika nga. Ayusin natin yang buhok mo." sabi niya pa saka na sinimulang suklayin ang buhok ko.

Pagdating namin sa event ay agad kaming sinalubong ng isang waiter. Kumuha kaming tatlo ng tig-iisang champagne glass at saka na naglakad papasok. Halatang pinaghandaan to ng company. Black and gold ang theme ng party at sa gitna ng function hall ay nakatayo ang stage na may malaking print-out ng magazine cover kung saan si Elmo ang nandun.

"Dun tayo oh." narinig kong sabi nina Maqui sabay turo sa table nina Reg at Essa. Lumapit naman kami sa kanila at sinaluhan na sila dun.

"Uy, Julie congrats ha? Nabasa namin yung article mo. Grabe. Idol talaga kita." ani Essa.

"Oo nga. Alam mo, if ever magretire tong si tanda, panigurado ikaw ang magiging editor-in-chief eh." sabi naman ni Reg.

"Sus. Nubakayo. Mas madaming deserving sa position na yun. Tsaka ginawa ko lang naman yung trabaho ko." sagot ko.

"Pero kailan ba kasi gogorabels yang si Thor ha?" tanong naman ni Patrick.

"Ewan ko ba. Lagpas na nga siya sa retirement age eh." kibit-balikat na sabi naman ni Reg.

"Baka hinihintay na lang niya sundo niya. Hahahahaha." sabi ni Maqui.

"May chance!" sabi naman ni Essa at nag-apir pa sila.

"Ladies and gentlemen, let us welcome our guest-of-honor, Mr. Elmo Magalona." sabi ng emcee. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang ang iba ay pumapalakpak habang paakyat sa stage si Elmo kasama ni Ma'am Clarisa.

"Thank you. I never really imagined myself getting featured in a magazine. Especially as the cover story of a magazine. But I'm happy that the article about me turned out really great thanks to Ms. Julie Anne San Jose and her team. Who took their time to really ask me questions regarding my business. So as your special guest, I would like to present this recognition to Ms. San Jose and her team." sabi ni Elmo.

"Uy akyat kayo sa stage!" sabi nina Essa at Reg saka pa kami tinulak na tatlo.

Pag-akyat namin ay inabutan kami ng tig-iisang certificate at pagkatapos ay nagkaron pa ng photo op. Mabuti na lang at pinagitnaan ako nina Maqui at Patrick kung hindi ay makakatabi ko si Elmo.

Pagkatapos ng iba pang awarding ay nagsimula na ang party. Hindi naman siya wild na party. Napakaformal nga dahil mga bigating tao talaga ang invited sa event na ito.

"Frencheska, Patrick, pwede bang kayo ang mag-entertain sa mga bloggers na kasama natin ngayon? Gusto nilang mag-interview ng dalawang staff kaya kayo na lang." sabi ni Ma'am Clarisa makalipas ang ilang oras.

"Kami po? Bakit dalawa lang? Si Julie po ang dapat kausapin nila." sabi naman ni Maqui.

"Hindi na. Kailangan ko si Julie dahil siya ang ihaharap ko sa iba pang mga bisita."

"Ah eh..." ani Maqui.

"Ma'am need namin with us si Julie. Paano na ang powerpuff girls kung waley si Blossom?" sabi ni Patrick.

"Patrick this is a formal event. Not a halloween party. Okay?" ani ma'am. "Julie sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa ibang bisita."

Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay ma'am sa presidential table kung saan nakaupo ang ilang mga bigating tao. Ipinakilala niya sa akin sina Mrs. Yu na isang Chinese businesswoman. Sunod naman si Mr. Coronel na isang sikat na director, sumunod si Mr. Byron na isang sikat na writer at huli ay si Elmo.

"Ms. San Jose, we meet again." sabi niya sa akin.

"Uhm... Yeah." sabi ko.

"Well? I guess naging close na kayo ni Mr. Magalona dahil sa ilang beses mong pag-interview sa kanya." sabi ni Ma'am Clarisa.

"Oh we go all the way back." sabi naman ni Elmo.

Tinignan ko siya ng masama saka pa pinandilatan ng mata. Ngumiti lang naman siya sa akin na parang wala siyang ginagawang masama. Lecheng to.

"If that's the case, maiwan ko muna kayong dalawa. I have other people to attend to." sabi ni ma'am saka na naglakad palayo.

"Ah... Ma'am..." tawag ko pero hindi na niya ako narinig. "Uhm... Excuse me. I'll be going back to our table." paalam ko sa kanila pero hinawakan naman agad ni Elmo ang kamay ko.

"Can we talk?" tanong niya.

"I'm sorry sir. I need to go." sabi ko saka tumingin kanila Maqui na nakatalikod sa table namin at abalang makipag-usap sa isang grupo ng bloggers. Jusmiyo. Tumingin naman kayo dito. I need your help!

"Julie, please?"

"Elmo, wala ng dapat pag-usapan. Please let go of my hand." bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay tumayo siya saka na ako hinatak.

"Excuse us." paalam niya sa mga kasama niya sa mesa at saka na naglakad papunta sa labas ng function hall.

"This is harassment, Elmo! Let me go!" sigaw ko pero hindi pa rin naman niya ko pinapakinggan. Tumigil lang siya sa paglalakad nang makapasok kami sa may service staircase. "Bitawan mo ko." sabi ko.

"Julie please. I just need to talk to you." aniya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Elmo. Tapos na tayo diba? So please. Layuan mo na ko." sabi ko at akmang aalis na nang pigilan niya ko.

"I know I'm five years late. Pero Julie believe me. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sayo. What I did was wrong and I regretted everything..." simula niya. "Matagal ko ng tinapos kung ano man yung nangyari nun dahil ikaw pa rin ang mahal ko, Julie. Ikaw lang. Yung dati? Wala lang yun! It was just a mistake. Nagkasala ako sayo pero please Julie. Patawarin mo na ko. Mahal na mahal pa--" sinampal ko siya ng malakas dahilan para matigil siya sa pagsasalita at mapatilapon ang ulo niya sa lakas ng sampal ko.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan. Matapos mo kong saktan at iwan ngayon gusto mo patawarin kita agad?! Elmo, ang dami mong chance na sinayang. Ang tagal kitang hinintay na magpaliwanag pero hindi mo naman ginawa. Tapos ano? Ngayong unti-unti ko ng natatanggap na hindi ka na babalik tsaka ka humihingi ng tawad?! Tapos ano? Sabi mo mahal mo pa rin ako? Putangina mo! Lamunin mo yang pagmamahal na yan dahil sawang-sawa na ko sa pagmamahal mo!" sigaw ko saka ko siya sinampal ulit at pinagsusuntok sa dibdib. "Hindi mo alam kung paano ako nabuhay ng ilang taon sa dilim Elmo! Wala kang alam sa hirap na dinanas ko!" sabi ko pa habang patuloy ko siyang sinusuntok sa dibdib at sa kung saan pa dumapo ang mga kamao ko. Wala akong paki kahit tamaan siya sa mukha ang gusto ko lang mailabas ko yung galit na matagal ko nang kinikimkim.

"Julie tama na..." aniya habang pilit niyang pinipigilan ang bawat suntok, hampas at sampal na tinatapon ko sa kanya. "Tama na..." sabi niya at saka pa niya ako niyakap.

"Wala kang karapatang patigilin ako Elmo. Kulang pa lahat ng to sa sakit na naramdaman ko nung niloko mo ko. Kulang pa ang suntok, sampal at hampas na binibigay ko sayo sa lalim ng sugat na binigay mo sa akin." sabi ko sa kanya at pilit siyang pinagsususuntok. "Minahal kita ng buong-buo Elmo. Wala akong tinira sa sarili ko pero bakit ganyan ka? Ha? Kulang pa rin ba yung pagmamahal ko sayo at nagawa mong maghanap ng iba? Ha?! Kulang pa ba yung buong pagkatao ko?!"

"Julie hindi... Sobra-sobra ka pa..."

Kumalas ako sa yakap niya saka siya muling sinampal.

"Sobra-sobra pa?! Sinungaling ka! Kung sobra pa ko sayo, napigilan mo sana yang libido mo!" sigaw ko.

"Julie pakinggan mo naman ako... Please. Ipapaliwanag ko lahat sayo. Just please listen to me."

"Bakit kita papakinggan ha? Siguro Elmo kung kahapon lang nangyari yun baka sakali eh. Baka sakaling makinig ako sayo. Baka sakaling maniwala ako sayo. Baka sakaling bumalik ako sayo." sabi ko. Umiling ako saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero hindi eh. Hindi naman kahapon nangyari yun Elmo. It happened five years ago so don't expect me to listen or to believe you because that will never happen."

Lumuhod siya sa harapan ko saka pa ako niyakap.

"Julie ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin. Please naman oh. Ayusin natin to. If I have to court you again, I'll do it. If you want to punish me then do it. Basta bumalik ka lang sa akin kasi kulang ako kapag wala ka. Julie mahal na mahal pa rin kita. Please naman. Bumalik ka na sa akin." iyak niya.

"Wala ng maaayos, Elmo. Sirang-sira na lahat." sabi ko at pilit na inaalis ang mga bisig niya sa bewang ko.

"Julie naman..." iyak niya pa. "Give me another chance..."

"Life is not a Nintendo game, Elmo. Hindi mo na pwedeng itama yung mga maling nagawa mo dahil nagkaron na ng lamat sa relasyon natin." sabi ko. "Kung mahal mo talaga ako, lalayuan mo na ko. Humanap ka ng ibang maloloko mo Elmo dahil pagod na pagod na ko sayo."

"Julie!" napatingin ako sa pinto at nakita sina Maqui at Patrick na nakatayo dun at hingal na hingal.

"Tarantado ka talaga!" sigaw ni Patrick saka niya sinuntok si Elmo.

"Pat!" napasigaw ako nang makitang napahiga si Elmo sa sahig at putok ang labi.

"Porket nawala sa paningin namin si Julie eh sasamantalahin mo na?! Sinasabi ko sayo Elmo! Layuan mo ang kaibigan ko dahil baka mapatay kita!" sigaw ni Patrick.

"Mahal ko siya Pat. H-hindi ko kayang gawin yung gusto niyo."

"Tangina mo, Elmo. Manhid ka nga talaga. Ilang beses ka ng pinagtulakan ni Julie pero siksik ka nang siksik sa sarili mo. Utang na loob naman Elmo. Lubayan mo ang bestfriend ko! Putangina ka!"
sigaw ni Maqui sa kanya. "Tara na." hinila na nila ko ni Patrick paalis dun saka na kami nagdiretso sa parking lot.

"Maq..." tawag ko sa kanya. Agad siyang huminto sa paglalakad at saka humarap at yumakap sa akin.

"Ayos ka lang ba ha? Sinaktan ka ba niya, bes? Ha? Anong ginawa niya sayo? Bakit kasi sumama ka sa kanya eh. Ano? Sabihin mo. May masakit ba?" halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Matagal na niya kong sinaktan, Maq..." iyak ko.

Humagulgol na ko ng iyak saka siya niyakap ng mahigpit.

"Julie..." sabay na sambit nila ni Patrick.

"Maq, ang sakit!! Ang sakit-sakit isipin na mahal mo siya pero hindi na pwede dahil masyado ka na niyang nasaktan. Ang sakit isipin na kahit gusto mong patawarin siya, hindi mo magawa kasi nangingibabaw yung galit mo sa kanya. Ayoko na Maq..." iyak ko. "Ayoko na..."

"Sige iiyak mo lang lahat. Iiyak mo lang hanggang sa mawala na lahat ng sakit at galit sa puso mo. Alam kong nahihirapan ka pero kailangan mong gawin yan para hindi ka na niya uli masaktan."

Continue Reading

You'll Also Like

14.8M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
7.9K 259 24
Azrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hind...
456 53 43
How Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip...